PASADO alas-singko kinabukasan ay nagising si Lana gawa ng ingay na nagmumula sa kanyang veranda. Tunog ng kubyertos at mga plato. At ilang sandali lang, ang mabangong aroma naman ng brewed coffee ang tuluyang nagpabalikwas ng bangon sa kaniya.
“W-What the---?” ang naisatinig ni Lana na natitigilan nang malabasan sa veranda ang nakahandang masarap na almusal para sa dalawang tao.
“Good morning,” si Andrew na nakaupo na at halatang hinihintay siya. “kumain na tayo,” anitong tumayo at umakmang lalapitan siya.
“A-Anong ginagawa mo?” ang naitanong niya saka kusang napasunod sa gustong mangyari ng lalaki.
Umangat ang makakapal na kilay ng binata. “Bakit,ayaw mo ba nang ganito?”
Natigilan si Lana saka tahimik na pinanood lang ang ginagawa ng binata.
Mula sa pagsasalin nito ng kape sa tasa niya, hanggang sa paglalagay nito ng syrup at butter sa kanyang pancake.
“Salamat,” aniyang nahihiyang nginitian si Andrew pagkatapos.
“You know what, ngayon lang ako nakakita ng mga mata na katulad ng sa iyo,” anitong tinitigan ng husto ang mga mata niya.
Natawa ng mahina doon si Lana saka sinimulan ang pagkain.
“Really? Parang hindi naman yata kapani-paniwala iyan. Sa London ka lumaki hindi ba?” aniyang pabiro pang inirapan ang lalaki.
Sa sandaling pagtatamang iyon ng paningin nila ni Andrew ay hindi nakaligtas sa dalaga ang mabilis na pagbabago ng emosyon ng mga mata ng binata. Nakita niya ang tila maliliit na labi ng apoy na nag-alab sa mga iyon na mabilis ring naglaho nang ngumiti ito.
“Yeah, pero iba kasi ang sa iyo. You know what I mean?” anito pang humigop ng kape pagkatapos.
Tumango-tango siya.
Ang tinutukoy ng binata ay ang kulay ng mga mata niya na nasa pagitan ng dark gray at light green ang kulay.
“Ang sabi ng Mama ko siguro daw foreigner ang tatay ko kaya ganito ang kulay ng mga mata ko. Sobrang light green pag nasa arawan pero kapag hindi naman dark gray” aniya sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.
“I’m sorry, pero tungkol sa father mo?” naramdaman ni Lana ang interes sa tono ni Andrew at nakaramdam siya ng katuwaan doon kahit hindi niya aminin.
Nagkibit siya ng balikat. “Mahabang kwento eh,” aniyang nilagyan ng pinalidad ang tono kaya hindi na nagpumilit pa ang binata.
Tumango-tango ito. “Okay ka na?” ang binata nang makitang ubos na ang pagkain sa kaniyang plato.
“Yeah, salamat sa libreng almusal,” aniyang nakangiti.
Kahit paano naman ay nagiging komportable na siya kay Andrew at nagugustuhan niya iyon. Sa totoo lang ayaw niyang sayangin ang bawat sandaling nandito sa harapan niya ang binata at nakakausap niya na parang kaibigan lang.
Nang tumayo siya ay tumayo na rin si Andrew. “Wala nang libre sa panahon ngayon, Lana,” ang halos pabulong nitong sabi.
Noon napahinto ang dalaga na papasok na sana ng cottage.
“W-What?” kasabay ng tanong na iyon ay ang muli na namang paghuhurumentado ng dibdib niya sa kaba.
“Can I have a private moment with you?” halos pabulong na tanong sa kanya ni Andrew na humakbang pa palapit sa kanya kaya siya napaatras.
“P-Private moment?” ang ulit niya sa tanong ng binata.
Tumango ito saka muling humakbang kaya awtomatiko ang naging pag-atras ulit niya. “Yes,” sagot ni Andrew saka siya niyuko.
Napapikit si Lana nang bumalandra sa mukha niya ang mabango nitong hininga. Pero hindi niya inakalang ang simpleng pagpikit niyang iyon ay magagawang samantalahin ni Andrew.
Napamulagat siya nang angkinin ng binata ang kanyang mga labi. At hindi lang iyon, hinawakan pa ng binata ang dalawang kamay niya na inilagay sa kaniyang likuran saka siya iginiya papasok ng cottage.
Nang marinig niya ang pagtunog ng lock ng pinto palabas ng veranda ay saka nagpumilit si Lana napakawalan ang sarili mula kay Andrew.
“What are you doing? Alam mo bang pwede kitang kasuhan sa ginagawa mong ito sa akin? Kagabi ka pa ah!” banta niya sa mariin pero mababang tono.
Umangat ang sulok ng labi ng binata. “No, you won’t,” sagot nitong nilapitan siya sa isang hakbang lang saka pagkatapos ay sinumulang haplusin ng hintuturo nito ang palibot ng kaniyang mga labi.
“Try me!” hamon niya sa binata.
“Yeah, gusto ko iyon,” anitong nanunukso ang ngiti na umangat ang sulok ng mga labi.
Mabilis na nag-init ang mukha ni Lana nang makuha ang ibig sabihin ng sinabing iyon ni Andrew.
“H-Hindi iyon ang ibig kong sabihin,” pagtutuwid niya sa maling akala ng lalaki.
“Is that so?” anito sa tonong hindi kumbinsido. “alam kong gusto mo rin ito. Kaya kong patunayan iyon kung hahayaan mo lang ako,” anitong itinulak siya sa dingding na sawali.
Malalim ang hiningang hinugot ni Lana saka pagkatapos ay iniiwas ang mukha kay Andrew nang tangkain siyang halikan ng binata. Kaya sa halip ay sa pisngi niya iyon nag-landing.
“Please, Andrew,” huli na para bawiin iyon dahil late narin naman nang ma-realize niyang double meaning na naman ang sinabi niyang iyon.
May malisya ang ngiting pumunit sa mga labi ng binata nang titigan niya ito.
“Bakit ba panay ang iwas mo sa’kin simula pa kagabi?” tanong nitong pinagapang ang maiinit nitong mga labi pababa sa leeg niya.
Masarap na sensasyon ang dahilan kaya malakas na singhap ang hindi napigilan ni Lana na pakawalan.
“Oh, god Andrew!” anas niya saka parang wala sa sariling inihaplos ang dalawang kamay sa malapad na dibdib ng lalaki. “please alam mo ang totoong nararamdaman ko para sa’yo. Pero huwag mo namang gamitin ito at ang pagiging marupok ko pagdating sa’yo,” pakiusap niya saka pagkatapos ay napakagat- labi nang magpatuloy ang binata sa pagpapaligo ng maiinit na halik sa kaniyang leeg. Habang ang mga kamay nito ay itinukod nito sa dingding na sawali.
Totoo naman, tiyak niyang alam ng binata na bilang fan ay in love na in love siya rito. At hindi naman mahirap isipin dahil sigurado siyang nahahalata nito ang discomfort na nararamdaman niya para rito. Kahit hindi siya love expert, alam niyang isa iyon sa maraming posibleng rason para pagtibayin ng binata sa isipan nito ang matinding atraksyon niya para rito.
“Tell me, paano ko ititigil ang isang bagay na gustong-gusto ko sa hindi ko rin maipaliwanag na dahilan?” tanong sa kanya ng lalaki. “just give me this private moment with you. Promise, I will not disappoint you,” ang lalaki sa tono na may katiyakan.
Tinitigan siya ni Andrew ng tuwid sa kaniyang mga mata. At iyon ang dahilan kung kaya may pakiramdam siyang parang hinihigop ng lalaki ang lahat ng enerhiya niya para tumanggi. Kaya naman hindi na siya nagtaka nang siya na mismo ang kumabig sa binata para sa isang mas mapusok na halik.
Nang mga sandaling iyon, sa kabila ng katotohanang wala siyang karanasan maliban sa simpleng pakikipaghalikan ay naging mapusok si Lana.
Pero hindi rin naman nagtagal ang kapusukan niyang iyon dahil sa huli ay nagmistula siyang isang maamong tupa na nasukol ng mabangis na leon. At ang leon na iyon ay walang iba kundi si Andrew.
Bumaba ang mga halik ng binata, sa kaniyang leeg, balikat na patungo na sa kaniyang dibdib nang marinig niya ang malalakas na katok sa pinto.
Noon natigil ang kanilang ginagawa. Natawa pa si Lana nang marinig ang nabibiting ungol na pinakawalan ni Andrew.
“I’ll see you tonight, okay?” anitong muli siyang hinalikan sa mga labi na bahagya pang nagtagal.
Kinikilig na napangiti si Lana. “Sige,” sagot niya saka sinundan ng tingin ang binatang nag-ala Romeo na tumalon mula sa malamang ay inakyat rin nitong veranda kanina.
“Lana! Lana!” ang boses na iyon ni Rodge ang dahilan kaya parang nakabalik sa kasalukuyan ang isipan ng dalaga. Kumilos siya saka nagmamadaling binuksan ang pinto. “bakit ba ang tagal mo? Kanina pa ako kumakatok?” sermon nitong bungad.
“Sorry, nasa banyo kasi ako,” pagsisinungaling niya. "call of nature," paliwanag pa niya nang maalalang hindi pa nga pala nakakaligo.
Tinitigan siya ng kaibigan saka ito tumango. “Mauuna na ako sa conference area, sumunod ka nalang,” paalam nito.
Tumango lang siya saka nagmamadaling isinara ang pinto pagkatapos ay nagtuloy na ng banyo para maligo.
Sa harap ng salamin wala sa loob na hinaplos ni Lana ng kamay ang sariling mga labi. Habang sa isip niya naroon ang kasiyahan at kilig na nararamdaman niya. Lalong higit ang pakiramdam na iniwan ng maiinit na labi ni Andrew sa kaniya.
KINAGABIHAN nang araw ring iyon nagkayayaan ang mga kasamahan sa trabaho ni Lana na mag-bar.Noong umpisa ay ayaw niyang sumama. Aminin man kasi niya o hindi, maghapon ay laman ng isipan niya ang sinabi kanina ni Andrew na magkikita ulit sila.At kahit hindi siya magsalita, hindi rin naman niya maitatanggi sa sariling pinananabikan niya ang mga susunod pang posibleng maganap sa pagitan nila ng binata.Sa naisip ay mabilis na nag-init ang mukha ng dalaga.“Sa susunod na araw babalik na tayo ng Maynila. Huwag kang killjoy, ikaw ang pinakabata sa grupo natin pero ikaw ang pinaka-tita kung umasta,” sermon sa
NARAMDAM ni Lana sa paanan niya ang kulay pula niyang dress na inihulog doon ni Andrew matapos nitong ibaba ang pagkaka-zipper niyon. “I was right about your body,” anitong sinuyod ng tingin ang kabuuan niya. “you are a goddess” anitong hinapit ang baywang niya pagkatapos. “tell me sweetheart, is this your first time?” anas ni Andrew na inilapit pa ng husto ang mukha sa kaniya. Marahas ang hinangang pinakawalan ni Lana nang magsimulang maglikot ang dalawang kamay ni Andrew sa kabuuan niya. “Mmmnn, y-yes,” aniyang muling napaungol nang maramdamang kinalas ng binata ang pagkaka-hook ng kaniyang bra. “I’ll be gentle, I promise,” ang binatang ipinasok ang mga kamay sa loob ng lacy panty niya na siyang natitirang saplot nalang ng katawan niya.
WALA na sa sarili niyang katinuan si Lana habang tila walang patumangga namang sinusuyo ni Andrew ang pagkababae niya gamit ang sarili nitong bibig at dila. Aware naman siya na ang isang katulad ng binata ay tiyak na mahusay sa ganitong aspeto. Pero ang pakiramdam ng mapaligaya nito mismo ay talagang hindi parin niya magawang paniwalaan.
MADALING araw nang malingat si Lana at hindi na tuluyang nakabalik sa pagtulog. Napangiti ang dalaga saka pinakatitigan ang perpektong mukha na ngayon ay mahimbing paring natutulog habang mahigpit ang pagkakayakap sa kaniya.Ang mapupula at maninipis nitong mga labi. Hindi niya inakala minsan man na mararanasan niya ang mahagkan ng mga iyon.Pero nangyari.Kung tutuusin mas higit pa nga sa pinangarap niya, mas higit pa sa pwedeng isipin ang kahit sino ang naranasan niya.Mabilis na nag-init ang mukha ni Lana nang maalala ang lahat ng nangyari sa ka
One Month Later…“HINDI mo yata pinanonood iyong bagong teleserye ni Andrew? Maganda pa naman ang kwento,” si Mama Cecille isang lingo ng umaga at kumakain sila ng almusal.Nagkibit siya ng balikat saka sinumulan ang pagkain. Hindi rin naman niya maunawaan ang sarili niya. Ang totoo hindi naman nagbago ang nararamdaman niya para sa lalaki maliban sa nagtumindi pa iyon. Simula iyon na
“ANONG gagawin ko M-Mama?” nagpipigil ng emosyon na tanong ng dalaga.“Sino ang ama ng bata?” ang sa halip ay tanong-sagot sa kaniya ng tiyahin.Hinanakit at hindi galit ang naramdaman ni Lana sa boses ng kaniyang Mama Cecille. At iyon ang dahilan kung kaya tuluyan na ngang humulagpos ang lahat ng luhang kanina pa pinipigilan ng dalaga.
Three Years Later…“PUMASOK kana dito Andrea, dito mo na hintayin ang Ninong Marius mo,” ang Mama Cecille niya sa anak niyang si Andrea na ngayon ay magta-tatlong taong gulang na.Noon lumingon kay Lana ang anak. “Mo---” napigil
“SAY thank you to your Ninong Marius, Andrea,” si Lana kay Andrea habang kumakain sila ng ice cream sa isang store sa loob ng mall.“Thank you Ninong, promise, I will take care of her,” anitong niyakap pa ng mahigpit ang bagong Barbie doll na galing kay Marius.Natawa ng mahina roon si Lana.Hindi maikakaila na malaki ang pagkakahawig ni Andrea
AGAD na nag-init ang mga mata ni Lana nang matanawan ang isang pamilyar na cottage na sa loob ng halos limang taon ay ngayon lamang niya muling nabalikan. Iyon ay sa kaparehong resort sa Palawan kung saan sila unang nagkita at nagkakilala ni Andrew ng personal. "Are you okay?" noon siya natigilan nang marinig niya ang amuse na tanong na iyon mula sa kaniyang asawa. Naluluha ang mga mata na tiningala ni Lana ang kaniyang kabiyak. Sa lahat ng pagkakataon palaging sinisikap ni Lana ang hindi maging emosyonal. Lalo na kapag para sa anak niya. Dahil para sa kaniya, hindi siya makakapag-isip ng maayos kung magpapatangay siya ng husto sa kaniyang emosyon. Pero sa pagkakataong iyon, hindi niya alam kung dahil ba sa labis na kaligayahan na nararamdaman niya. O dahil ba iyon sa lahat ng paghihirap na pinagdaanan niya bago niya nakasama ang lalaking pinakamamahal niya? Kaya parang gusto niyang yumakap kay Andrew, isubsob ang mukha niya sa malapa
TWO MONTHS LATERMalungkot na pinagmasdan ni Andrew ang hanggang ngayon ay wala paring malay na si Lana. Dalawang buwan matapos ang aksidenteng si Patricia mismo ang may kagagawan ay nanatili ito sa loob ng ospital. Sa ICU kung saan niya araw-araw na hinihintay ang pagbabalik sa kaniya ng babaeng pinakamamahal niya.Sa naisip ay wala sa loob na naikuyom ni Andrew ang sariling kamay. Nakakulong na si Patricia sa ngayon at wala siyang balak na iurong ang demanda laban dito. Sinaktan nito si Lana at tama lang na pagbayaran nito ang masamang ginawa nito sa babaeng pakakasalan niya."Sweetheart, bumalik kana, miss na miss kana namin ni Andrea" bulong niya habang nanatiling nakatanaw sa glass wall ng ICU.Hindi niya alam kung ito ang karma niya sa lahat ng pagkakamaling nagawa niya noon. Kung siya nalang sana ang naghihirap, okay lang. Pero dahil sa kaniya pati si Lana ay nagdurusa. At hindi niya matanggap ang bagay na iyon.Alam niya na sa kundisyon ni Lana ngayon ay may chance na paggisin
UMIIYAK habang nanginginig sa galit na sinaid ni Patricia ang lamang alak ng kaniyang baso. Pagkatapos ay muling pinakatitigan ang bagong issue ng isang magazine kung saan nasa cover ang mukha ng pinakakinasusuklaman niyang babae sa buong mundo. Si Lana. Isang buwan narin ang nakalilipas mula nang huli silang magkausap ni Andrew sa opisina nito at katulad ng sinabi ng binata sa kaniya. Hindi na nga ito nag-renew ng kontrata sa agency nito. Suminghot si Patricia saka umiiyak na muling sinalinan ng alak ang kaniyang baso. Alam niyang totoo ang lahat ng sinabi ni Andrew. Alam niyang hindi niya kayang magalit sa binata kahit ano pa ang gawin nito. Pero masyado siyang nasasaktan at hindi niya pwedeng isisi ang lahat sa lalaki dahil sa labis na pagmamahal niya para rito. "Isa lang ang dapat sisihin sa lahat ng ito. Ikaw animal kang babae ka!" ang galit na galit niyang sigaw na ang tinutukoy ay si Lana saka umiiyak na ibinato ang hawak na baso. Gusto niyang maghisterya, gusto na niyang
"I PROMISE" si Lana na matamis munang ngumiti bago hinaplos ang mukha ng binata.Iyon lang at hinalikan na siya ni Andrew. Kasabay niyon ang muling paglilikot at panggagalugad ng kamay ni Andrew sa bawat parte at kurba ng katawan ni Lana.Ilang sandali lang at mula sa pagkakapikit ay naramdaman
"L-LOVE? Mahal mo ako?" ang hindi makapaniwalang tanong ni Lana habang patuloy sa pag-agos ang masaganang luha sa magkabila niyang pisngi.Noong tuluyang lumuhod sa harapan niya ang binata saka sinapo ng mga kamay nito ang kaniyang mukha. "Sobrang mahal na mahal Lana" si Andrew na inilapit ng husto ang mukha sa kaniya saka siya masuyong hinalikan.
PASADO alas-seis na nang gabi nang matapos sina Andrew at Sam. Dahil sa pagod ay ipinasiya na lamang ng binata na condo unit na lamang niya siya magpalipas ng gabi dahil doon naman siya mas malapit mula sa branch ng Scott's na pagmumulan niya. Kasasakay lang ng binata sa kotse niya nang marinig ang pagtunog ng kaniyang telepono. Si Sam kasi ay nauna nang umuwi at nagpasundo na lamang sa kanilang family driver.Agad na napangiti si Andrew nang mabasa kung kaninong pangalan ang nakarehistro sa screen ng kaniyang telepono. Pakiwa
MALALIM ang buntong hininga na hinugot at pinakawalan ni Lana sa sinabing iyon ng babaeng kaharap. At hangga't maaari, ayaw niyang mawala ang composure niya dahil dito. Tama ang maging mabait, pero sa pagkakataong ito, at sa tabas ng dila ng babaeng kausap niya, mukhang hindi nito kailangan ng kabaitan niya."Alam kong narinig mo ako, hindi ka naman siguro bingi hindi ba?" ang mataray na tanong ni Rhyza.
"SO, finally nagkita rin tayo" si Patricia nang imbitahan niya ito sa kaniyang opisina sa head office ng Scott's Cafe nang araw ring iyon.Ngumiti lang si Andrew saka pinaupo ang dalaga. "May mga gusto lang ako i-discuss ng personal sa iyo" aniya.Tumawa ng mahina si Patricia at saka nang-aakit
"STOP calling me! Wala akong maibibigay na impormasyon sa iyo tungkol kay Andrew!" ang iritableng singhal ni Patricia kay Rhyza na huling nakarelasyon ni Andrew bago nagbalik ang tunay na kontrabida sa buhay niya. Walang iba kundi ang mag-ina ng binata."Hindi ba manager ka niya? Bakit hindi mo ba ako pwedeng gawan ng paraan para makausap ko manlang siya?" pagpupumilit ni Rhyza sa tono nitong may katarayan na.