Unravel Me(FILIPINO)

Unravel Me(FILIPINO)

last updateLast Updated : 2021-08-26
By:   Babz07aziole  Completed
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
7
3 ratings. 3 reviews
47Chapters
32.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Varun Sebastian is a well known young businessman in their society. He built a strong name when it comes to business industry. He is devilish, mysterious and an intriguing man. He didn't give a shit to anyone. He have this authority that no one can invade. But all of a sudden... it will collapse when Pamela Juan comes into the picture. Proclaiming that he is her long lost fiance! Will he deny it? Or will he just accept her claim and become her fiance? Little did he know that this young woman has a big part on his past which ruined his trust on committing his self to any woman...

View More

Latest chapter

Free Preview

PROLOGUE

MATAMAN na nakatanaw mula sa labas si Varun, kung saan tanaw na tanaw niya ang lawak ng siyudad. Kita niya ang mga nagkukumpulan at nagliliitang sasakiyan mula sa ibaba na paroo't parito.Mga nagtatayugang building na kalapit din ng konkreto na kanyang kinaroroonan. Kasalukuyan siyang nasa ikadalawampu't limang palapag ng kumpanyang pag-aari niya mismo.Sa mga nakalipas na araw ay naging busy siya sa mga business meeting, proposal niya sa iba't-ibang panig ng Bansa.Ngayon lang siya nakapagmuni-muni.Nasa kasarapan na siya sa pagmamasid ng may isang katok ang umagaw sa kanyang atensyon.Hindi na niya pinagkaabalahang usisain kung sino ito, dahil nakatitiyak niyang si Mrs. Francia lang naman na kanyang personal secretary ang inaasahan niya sa mga oras na iyon.Nakatitiyak niyang bit-bit na nito ang mga ipinaasikaso niyang dokumento."Come in,"bigkas niya. Lumukob ang baritonon...

Interesting books of the same period

Comments

user avatar
ZI. O
maganda natapos ko
2024-06-21 02:40:47
1
user avatar
Cardo dalisay
Maganda ang pagkakalahad ng bawat tagpo. Dahil sa pinagpuyatan ng asawa kong author. Hindi nakakaumay basahin. Kaya pala laging wala sa sarili dahil abala ka sa pagsusulat nito.
2021-12-08 07:34:45
1
user avatar
Anna
Ang super mahal ng coins every chapter.
2021-12-18 11:13:02
2
47 Chapters
PROLOGUE
  MATAMAN na nakatanaw mula sa labas si Varun, kung saan tanaw na tanaw niya ang lawak ng siyudad. Kita niya ang mga nagkukumpulan at nagliliitang sasakiyan mula sa ibaba na paroo't parito.Mga nagtatayugang building na kalapit din ng konkreto na kanyang kinaroroonan. Kasalukuyan siyang nasa ikadalawampu't limang palapag ng kumpanyang pag-aari niya mismo.Sa mga nakalipas na araw ay naging busy siya sa mga business meeting, proposal niya sa iba't-ibang panig ng Bansa. Ngayon lang siya nakapagmuni-muni.Nasa kasarapan na siya sa pagmamasid ng may isang katok ang umagaw sa kanyang atensyon.Hindi na niya pinagkaabalahang usisain kung sino ito, dahil nakatitiyak niyang si Mrs. Francia lang naman na kanyang personal secretary ang inaasahan niya sa mga oras na iyon.Nakatitiyak niyang bit-bit na nito ang mga ipinaasikaso niyang dokumento."Come in,"bigkas niya. Lumukob ang baritonon
last updateLast Updated : 2021-04-30
Read more
CHAPTER ONE
MALAKAS ang buhos ng ulan sa mga sandaling iyon, habang mabibilis ang mga hakbang nila ng kasama niya pauwi.Naabutan na sila ng malakas na ulan, halos takbuhin na nila ang tarangkahan ng malaking mansyon na pag-aari nina Camella. Malakas ang ginawang pagsara ni Camella ng makapal at malaking pinto na yari sa pinakinis na narra. Ang desinyo nito'y tila sa mga nagkaunang bahay noong mga panahon pa na sinakop ang Pilipinas ng Bansang Espanya. Kung saan may mangilan-ngilan na mga katutubong Filipina ang nakapag-asawa ng mga dayuhan sa nasabing bansa.Madidinig ang malakas na halakhak ng dalawa sa kabuun ng maranghiyang sala ng mga Juan. Hindi na nila napansin ang pagsunod ng isang pares ng mata patungkol sa kanila."Mabuti at nakalusot tayo kay Mang Pedring, tiyak kong isusumbong na naman ako niyon kay Daddy! Sipsip kasi masyado!"Tuloy-tuloy na sabi ni Camella, habang naglalabas ito ng sigarilyo sa kabinet at mga can beer na nasa
last updateLast Updated : 2021-04-30
Read more
CHAPTER TWO
 MABILIS na pinasadaan ni Varun Sebastian ang harapan ng main building na pag-aari niya mismo. Agad niyang miniobra ang dalang kotse sa exclusive parking lot na para sa kanya lamang. Matapos niyang maiparada ang sasakiyan ay agad na niyang binunot ang susi sa keyhole ng kanyang kotse.Bitbit ang attache case ay tuluyan na niyang pinindot ang lock button para sa kanyang kotse. Marahan niyang isinilid sa bulsa ang kaliwang kamay. Mabibilis ang mga hakbang niya papasok sa loob ng establisyemento, agad ang pagtango ng security guard sa kanya ng makita siya ang papasok sa glass door.Nakakitaan niya ng kaba ang itsura ng matandang kawani matapos niyang tanguan ito. Mapapansin ang pangingilag nito sa kanya na hindi bago sa kanya, sanay na siya sa mga ganitong iniakto ng mga kawani ng kumpanya niya na mas malaking pabor sa kanya.Nag-uumpisa pa lamang ang business niya'y naroroon na ito. Kapansin-pansin ang
last updateLast Updated : 2021-04-30
Read more
CHAPTER THREE
 AGAD nabaling ang pansin ni Varun sa pinto ng elevator nang kusang  bumukas iyon.Isinilid na niya ang kanyang aparato,matapos siyang makipag-usap sa taong inatasan niyang mag-imbestiga.Ilang hakbang ang ginawa pa bago tuluyang sapitin ng paa niya ang bukana ng kanyang private office. Napabaling siya sa wall clock na nasa gilidang bahagi ng hallway, alas-siyete pa lang naman. Kahit kailan ay 'di pa siya naatraso sa oras ng pagpasok.Bagama't siya ang boss ay hindi iyon invalid reason na hindi siya pumasok sa takdang-oras.Ini-implement niya iyon na kahit na sino ay hindi magiging eksempsyon sa mga panuntunan niya sa kaniyang establisyemento. Kahit na sino... kahit na siya.May karampatang parusa ang magiging pasaway sa kanyang kumpanya.Pagkatapos niyang iswipe ang kanyang ID card at ilagay ang kanyang thumbnail para sa finger print at i-scan ang kanyang mga mata ay tuluyan na siyang nakapasok sa loob.
last updateLast Updated : 2021-04-30
Read more
CHAPTER FOUR
 NAPASULYAP si Varun ng makarinig siya ng marahang katok mula sa pintuan.Isang pamilyar na mukha ang sumungaw roon, kalakip niyon ang nakapaskil na sedaktibong ngiti.Walang patumanging naglakad ito papasok sa kanyang opisina, hindi alintana ang pagsunod ng kanyang sekretarya rito."Sorry Sir, sinabi kong may kasalukuyan kayong kinakausap dito sa loob ng opisina pero pinagpilitan pa rin po niyang pumasok."agad na eksplika nito."It's okay Mrs. Francia."maiksi naman niyang tugon dito."Sige mauna na ako pre, may dadaanan pa ako. I'll call you later kapag may bagong update ulit."makahulugang saad nito, maiksi lamang sinulyapan ng binatang detective ang babae.Nagpalitan lamang ng ngiti ang dalawa.Matapos maisarado ni Gabriel ang pinto ay agad ng naupo sa upuan ito.Isang matipid na ngiti ang iginawad ni Varun sa labi. "Ano na naman bang kailangan mo Camella, hind
last updateLast Updated : 2021-04-30
Read more
CHAPTER FIVE
 GULAT at pagkamangha ang bumalot sa sistema ni Pamela ng makaharap niya si Varun.Hindi niya aakalain na makikita niya ito, oo matagal na niyang  hinahanap ang lalaki sa mga nakalipas na taon.Mabuti nalang at nasabi ng ate Camella niya na umuwi na ng Bansa ang binata. Labis-labis ang kasiyahan at pagkasabik ang namayani sa puso niya ng maconfirm niya mismo na narito na nga ito ng Pilipinas. Heto nga't nasa harapan na niya ito mismo.At katulad ng inaasahan niya, napakaguwapo pa rin nito. Sa dami ng mga naggagwapuhang adonis na nakilala niya'y isa ito sa mga lalaki na habang nagkakaedad lalong gumagwapo. Kaya magpahanggang ngayon, wala pa siyang nagiging nobyo. Nakikipagdate din naman siya, pero hanggang doon lamang siya.Sa mga lumipas na taon bagamat walang araw na lagi siyang nahihirapan sa pakikisama sa Daddy niya'y pinatili niyang focus at hindi siya tinatablan sa mga ginawang pagpapahirap nito sa
last updateLast Updated : 2021-04-30
Read more
CHAPTER SIX
NAPADILAT siya ng mata nang maramdaman niya ang pagkabasa sa kaniyang mukha ng malamig na tubig upang maging dahilan ng pagkakabalikwas niya at mapaubo siya ng ilang beses.   Ramdam niya ang isang pares ng mga mata mula sa kaniyang kinahihigaang sementadong lapag ng kulungan. Madilim sa kaniyang kinaroroonan kaya hindi niya maaninag nang husto ang mukha ng taong nakatunghay sa kaniya. Ang huling naalala niya'y pinagtulungan siyang bugbugin ng mga kasama niya sa kulungan.   Marahan niyang inilibot sa kabuuan ng silid ang kaniyang mga mata na patuloy pa rin sa pag-adjust sa madilim na kinaroroonan.   Mula sa kinasasadlakan, naaninag niya ang isang bombilya na nakabitin sa ere, kung saan may lamesa na nakatapat mula roon. May mga na
last updateLast Updated : 2021-07-08
Read more
CHAPTER SEVEN
ISANG nahihiyang ngiti ang ipinaskil ni Pamela nang tuluyan ngang mapagbuksan siya ni Camella ng pinto. Nakita niya ang lantarang pagsimangot ng Ate niya sa kaniya. Bagama't nahihiya ay pinakapal na lang niya ang mukha. Wala kasi siyang ibang mapupuntahan.Sa totoo lang, daig pa nila ang daga sa kahirapan. Tumawag kaninang pauwi siya ang bangko at sisimulan na raw ang pagkuha ng mga gamit sa kanilang mansyon. Maski ang hacienda nila'y tuluyan nang inilit ng pinagkakautangan ng ama niya. Lalong nadagdagan ang bigat na nadarama niya sa dibdib nang mapag-alaman niyang inilipat na ng ibang kulungan ang Daddy Crisanto niya. Sa ibang araw na lang niya dadalawin ang ama kapag nagkaoras siya. Sa ngayon ay kailangan niyang maghanap ng mapapasukang trabaho. Sa totoo lang, parang alanganin siyang makapasok sa kumpaniya ni Varun. Paano ba naman kasi, siya ang naging dahilan kung bakit ito naipakulong dati. Kung nagpigil na
last updateLast Updated : 2021-07-09
Read more
CHAPTER EIGHT
AGAD binawi ni Varun ang pansin kay Pamela. Dinampot niya ang telepono na patuloy lamang sa pagtunog. "Hello? Yes, Mrs. Francia. Yeah I know, hayaan mo at ako ang kakausap kay Mang Hector. Yes, thank you," sagot ng binata sa kausap nito sa telepono.Dahil sa mga naringgan niyang mga pangungusap sa binata'y bigla siyang napaisip."Maari ka nang lumabas ng aking opisina, Ms. Juan. Puntahan mo si Mrs. Francia dahil ituturo niya sa'yo ang mga dapat mong gawin bilang secretary ko,” paliwanag ng binata sa kaniya."Okay, Sir," tugon ng dalaga rito.Pipihitin na sana ni Pamela ang seradura ng pinto nang muli niyang lingunin si Varun. Nanatili pa rin namang abala ito sa ginagawa sa work desk nito."Ahm, Sir, maaari ka bang makausap? A-about the scene this morning sa matandang guwardiya. Alam mo kasi. . ." biglang saad niya upang tuluyang ma
last updateLast Updated : 2021-07-10
Read more
CHAPTER NINE
INIWANAN ng masamang tingin ni Varun ang lalaking kausap ni Pamela. Pauwi na siya galing sa bar kung saan lagi siyang pumupunta kapag gusto niyang makalimot. Ang sabi ng kaibigan niyang si Manny at may-ari rin ng bar na may bagong pasok na babaeng tiyak nitong matitipuhan niya. Ngunit sa pagkadismaya niya, naburo lang ang babaeng ipina-table sa kaniya. Patapos na siya sa pag-inom nang mapansin niyang kung saan-saan na humahaplos ang malilikot na kamay ng babae. Willing itong magpa-take out at maikama nang walang bayad ngunit tinanggihan niya lang ito. Binigyan na lamang niya ng malaking tip ang babae bago siya tuluyang umalis.Heto nga siya at kasalukuyang nagdadrive sa kaniyang minamanehong kotse. Katabi niya si Pamela. Kahit nakainom ay kaya pa niyang mag-drive. Hindi pa naman siya nadidisgrasya  sa daan kahit kailan. Nang nag-red light ay tinapunan niya saglit ang dalaga mula sa kinauupuan nito. Nakita niyang himbing na himbing na
last updateLast Updated : 2021-07-11
Read more
DMCA.com Protection Status