“Okay. We’ll marry by the first week of January. Hindi na sukob ‘yon. Ang tanda mo na para maniwala pa sa sukob-sukob na ‘yan,” naiinis na tugon nya sa sinabi ni Iñigo.“Siguradong-sigurado ka ba d’yan?!” pag-uulit ng kanilang Mamá. “Getting married is not a joke, Joaquín, for Christ’s sake. Kesehodang buntis pa.”“I’m not going anywhere unless we get married. Kawawa naman ang magiging anak ko, Mama,” maktol nya. “And I’m sure as hell Abuelo wouldn’t like the idea of me having a child out of wedlock.”“Well then, if you want to marry, then marry!” hiyaw ng kanyang Mamá. “Uhm, Joaquín?” bulong ni Abby na pulang-pula ang mukha. “Masusuka ‘ata ako.”“See? Naglilihi!” Tumukod si Abby sa lamesa saka tumayo. Tumayo rin sya para alalayan ito, pero pasimpleng winaksi nito ang kanyang kamay. “Helena, s-samahan mo naman ako,” anas nito sa asawa ni Iñigo na agad naman na tumayo at inalalayan si Abby.Minasdan nya si Abby na kaabre-siete si Helena na naglalakad patungong powder room. That was
Halos magiba ang kalawanging gate nang itulak ito nang malakas ni Abby, hindi nito maipasok-pasok ang susi sa kandado dahil sa nagpupuyos nitong galit sa kanya. “Ako na’ng magbubukas,” anas nya. Inilahad nya ang kamay para ibigay sa kanya ang susi ng kandado pero imbis na sa kamay nya ilapag ang susi ay inilaglag ito ni Abby sa sahig. “Abby, please…hear me out, I can explain everything,” pakiusap nya kay Abby, sinundan nya ito ng lakad hanggang sa kwarto.“Hindi ako kumikibo kapag pinagti-trip-an mo ‘ko sa harap ng mga nakakausap mo eh. Kasi ayaw kitang napapahiya. Pero iyong sinabi mong buntis ako sa harap ng pamilya mo—parang hindi naman ‘yon biro, Joaquín! Nasobrahan ka sa kakabiro mo! Pinahiya mo ‘ko!” nag-unahan na ang mga luha ni Abby sa kanyang mga pisngi habang marahas na hinahalungkat ang kanyang damitan.“It’s just a few weeks, Abby. Hangga’t naririto lang si Mamá! Nakapag-acting ka nga kanina na buntis ka sa harap ni Jessica, gano’n lang! Hindi naman lalaki ang tiyan mo n
It was his fault. Kung nakapag-propose na sana sya noon pa ay hindi nito iisipin na ginagamit lang nya ito para pasakitan ang ex at ang kanyang Mamá at para ma-delay ang alis nya papuntang Amerika. Pero may mababago ba sa desisyon nito kung sa palagay lang pala ni Abby ay naglalaro lang sila ng bahay-bahayan sa tuwing sa kanya ito natutulog?He even went to the full extent of stating she’s conceiving kahit na hindi naman ito buntis para hindi na makatutol ang kanyang Mamá. Dapat hindi na nya iyon sinabi; dapat he just played it cool. Napahiya nga naman ito sa part na iyon. Masyadong compulsive. Desperadong-desperado na kasi sya. Tama si Iñigo, pinipikot nga lang nya si Abby. Hindi nya na mahulaan kung selos nga ba iyong pagkakabanggit nito kay Jessica kanina, pero bakit kailangang magselos? Wala namang dapat ikaselos. Although ang isa nyang tenga ay nakabukas sa mga sinasabi ng kanyang ex, nakabaling naman ang atensyon nya kay Abby. At ang babae sa ball party, wala naman din 'yon. Na
Sabay silang nagtaas ng tingin ni Denver sa nagsalita sa harap nila. Sabay din silang napapunas ng luhaang mukha sa kani-kanilang hinubad na t-shirt nang makita nila ang nagsasalubong na kilay ng babaeng nanita sa kanila. “Abby! Pampatulog lang. Pagod eh,” nauumid na rason ni Denver.“Pampatulog ba ‘yan?! Dadalawa lang kayo pero limang bote na ang nainom ninyo. Tama na ‘yan,” pakli ni Abby. “Sige na, ‘pre matulog ka na ro’n. Ililigpit ko na ‘to,” nguso ni Denver sa direksyon patungo sa bahay nina Abby. “Uuwi ako sa penthouse,” anas nya. “Uuwi ka pa ngayon eh lasing ka na?” usisa nito sa kanyang mapulang mukha. “Bakit? Nag-LQ ba kayo eh hindi naman kayo lovers, hahaha!” untag pa nito sabay halakhak habang nagliligpit ng pinag-inuman nila.“Oo nga pala, ano?” aniya sabay tawa nya na medyo eksaherado. “Makikitulog ako, pren ha. Bukas ng madaling araw aalis kami nina Rafael,” turan nya kay Abby. “Sa’n kayo pupunta?!”“Sa España.”“Siraulong ‘to! España raw? Baka España, Manila!” bun
Dagling lumumanay ang boses nya, nagbalik ang maamo nyang mukha nang maramdaman ang pag-igting ng panga ni Abby sa ginagawa nya. He loves having sex with her. But this is not the way he wanted. He’s not a fucking loser. Pumanaog sya sa hagdan at naupo sa sofa. Itinuon nya ang tingin sa magaspang na sahig ng sala. He doesn’t want her, he realized. All along he had believed she desired her, too. Dahan-dahang gumuguho ang itinatayo nyang kastilyo sa isip nya. “‘Etong tubig, uminom ka,” inaabutan sya ng isang baso tubig nito nang hindi nya ito tanggapin ay inilapag na lang nito ang baso sa tabi nya. “Kape, gusto mo? Ipagtitimpla kita,” she seems concerned na parang walang nangyari. He scoffed. Paasa. “Ayoko ng kape. Tama na ‘yung nerbyos ko ngayon.” He felt her cold gaze fixed on him for a long moment. “Oh sige. Matulog na tayo,” mahinang saad nito. “H’wag kang matulog d’yan, malamok tsaka mainit. Sa kwarto ka na mahiga para share tayo sa electric fan.” Tahimik syang sumunod kay
Nayakap nya lang ni Abby ang kanyang sarili sa lamig ng himig ng pagsasalita nito. She knew he is hurt. Insulting sa pagkalalake nito lahat ng nabitawan nyang salitang hindi nya pinag-isipan na hindi na rin nya mababawi ngayon.Nadala sya ng kanyang halo-halong emosyon: sa selos nya kay Jessica, sa pagmamamukha ng Mamá nito na hindi sya dapat na pinakakasalan kahit totoong nagdadalang-tao nga sya dahil anak lang sya ng dati nilang katulong. Sa poot na agad nyang naramdaman sa pang-iinsulto nito ay agad nyang ibinalik kay Joaquín ang pang-aalipusta na sinusuklian na nito ngayon sa pamamagitan ng malamig na pagtrato at tsekeng hawak-hawak nya.“Ten million. I’m gonna need you to help me glue Santiago’s ass sa AVtech. I need you to act as my fiancée and just pretend you’re pregnant with my child sa mata ng pamilya ko at ng AVTech. This should only take us a few weeks hangga’t naririto pa ako. A-acting ka lang na buntis ka at mahal natin ang isa't isa—just like you did in front of Jessica
Kahit lamig na lamig sya ay hindi na sya nakipag-debate pa. Blangkong napatitig na lang sya sa braso ni Joaquín na nakaharang sa harap nya at nakakapit sa kabilang dulo ng lamesa na tila nagbabakod sa kanya. Nanghahalina ang amoy na pumapailanglang sa loob ng coffee shop at ang bango ng umuusok ng kape ni Joaquín na nasa harapan nya, inabot nya iyon at akmang hihigop na sana para maibsan kahit papaano ang lamig na nararamdaman nya nang sawayin sya ni Rafael. “You shouldn’t drink coffee, Eyb. It’s not good for the baby.” “Bawal raw sa ‘yo, ibaba mo ‘yan,” sulyap ni Joaquín sa kanya. “What can she take, then?” “Milk or soya. Soya is the best,” ani Rafael. “Soya? Taho?!” nangiwi sya. “I’ll get you soya milk later, mi cielo. For the baby,” pang-asar na ngisi nito. Hindi pa naman sya kumakain ng taho kahit damihan pa ito ng arnibal at alam na alam iyon ni Joaquín. “Finally! Dumating din,” ani Rafael nang malingon ang pumaradang puting SUV sa parking lot ng coffee shop. “We
“Wala lang,” kibit-balikat na tugon nito na nag-ayos pa ng upo. “Ano’ng wala lang?!” pasigaw nyang pakli. “Tara na kase!” Pasarkastikong ngumisi si Joaquín at tiningnan sya sa gilid ng mga mata, “Kung ako talaga ang inaalala mo at hindi si Rafael, sige nga, kiss me.” “Ano?! Pinagti-trip-an mo na naman ba ‘ko?!” “Halikan mo lang ako,kahit ayaw mo sa akin. Fiancée kita so we can do that, right?” “Dito?!” “Oh eh saan? Gusto mo sa labas tayo? Like in the movies?” “Dyusku, Joaquín, ano ba’ng nangyayari sa ‘yo?!” gigil na hiyaw nya. “Napakapangit mo talagang magbiro!” “You can’t blame me. Broken-hearted ako ngayon,” ismid nitong muli saka ipinikit ang mga mata. “Broken-hearted… Ewan ko sa ‘yo!” padabog syang sumandal sa upuan at pinagsalikop nya ang kanyang mga braso. Naramdaman nya ang malakas na pagkulo ng kanyang tiyan sa stress nya sa nangyayari ngayon. Minasdan nya sa kanang palasingsingan ang singsing nyang suot na may malaking pink na bato na tanda ng pekeng engag