Kahit lamig na lamig sya ay hindi na sya nakipag-debate pa. Blangkong napatitig na lang sya sa braso ni Joaquín na nakaharang sa harap nya at nakakapit sa kabilang dulo ng lamesa na tila nagbabakod sa kanya. Nanghahalina ang amoy na pumapailanglang sa loob ng coffee shop at ang bango ng umuusok ng kape ni Joaquín na nasa harapan nya, inabot nya iyon at akmang hihigop na sana para maibsan kahit papaano ang lamig na nararamdaman nya nang sawayin sya ni Rafael. “You shouldn’t drink coffee, Eyb. It’s not good for the baby.” “Bawal raw sa ‘yo, ibaba mo ‘yan,” sulyap ni Joaquín sa kanya. “What can she take, then?” “Milk or soya. Soya is the best,” ani Rafael. “Soya? Taho?!” nangiwi sya. “I’ll get you soya milk later, mi cielo. For the baby,” pang-asar na ngisi nito. Hindi pa naman sya kumakain ng taho kahit damihan pa ito ng arnibal at alam na alam iyon ni Joaquín. “Finally! Dumating din,” ani Rafael nang malingon ang pumaradang puting SUV sa parking lot ng coffee shop. “We
“Wala lang,” kibit-balikat na tugon nito na nag-ayos pa ng upo. “Ano’ng wala lang?!” pasigaw nyang pakli. “Tara na kase!” Pasarkastikong ngumisi si Joaquín at tiningnan sya sa gilid ng mga mata, “Kung ako talaga ang inaalala mo at hindi si Rafael, sige nga, kiss me.” “Ano?! Pinagti-trip-an mo na naman ba ‘ko?!” “Halikan mo lang ako,kahit ayaw mo sa akin. Fiancée kita so we can do that, right?” “Dito?!” “Oh eh saan? Gusto mo sa labas tayo? Like in the movies?” “Dyusku, Joaquín, ano ba’ng nangyayari sa ‘yo?!” gigil na hiyaw nya. “Napakapangit mo talagang magbiro!” “You can’t blame me. Broken-hearted ako ngayon,” ismid nitong muli saka ipinikit ang mga mata. “Broken-hearted… Ewan ko sa ‘yo!” padabog syang sumandal sa upuan at pinagsalikop nya ang kanyang mga braso. Naramdaman nya ang malakas na pagkulo ng kanyang tiyan sa stress nya sa nangyayari ngayon. Minasdan nya sa kanang palasingsingan ang singsing nyang suot na may malaking pink na bato na tanda ng pekeng engag
“Mrs. Abegail Pineda y Verdaguer,” nakangiting sulyap nito sa kanya. “Has quite a nice ring to it, ‘no?” “Ewan ko lang huh, pero nakakatakot kang asawa. Malakas kang mantrip,” pakli nya habang nagpapas****p-s****p sa straw ng nabili nilang soy milk sa bote. “Malakas man-trip… Let’s just say I don’t care much about what people would say, unlike you,” patutsada nito sa kanya. “Magkaiba tayo, Joaquín, tanging pride lang ang meron ako.” “Hindi ko na talaga mahulaan ang pinanggagalingan ng pride mo na ‘yan. Wala kang kapupuntahan sa kaka-pride mo.” “Well, may sampung milyon ako ngayon, so I guess nakatulong sa akin ang pride ko,” ismid nya. Seryosong tinapunan sya ng tingin ni Joaquín habang nagmamaneho. “Nakalimutan ko, milyonarya ka nga pala ngayon.” “Oo, haha! Kaya kahit anong gusto mo susundin ko. Salamat pala.” “Right, right. A few weeks more and you’ll never see me again. Matatapos din ang pagtitiis mo sa ‘kin. Wala nang manti-trip sa ‘yo.” Hindi na sya umimik. Ibinaling
“Sige, magtikwas ka,” aniya kay Joaquín nang makarating sila sa poso na may sementadong sahig. “Hubarin mo ang sapatos mo, Helena, may sapatos pa ‘ko ro’n sa kotse,” utos nya kay Helena.“Ano’ng magtikwas?!” maang na tanong ni Joaquín.“Ganunin mo ‘yung hawakan ng poso para may lumabas na tubig,” mustra nya.“Ano? Hindi ko kaya ‘yun,” tanggi ni Joaquín.“Sa laki n’yang mga braso mo hindi mo kaya? Tumigil ka nga,” taas-kilay nyang turan. “Bilisan mo at matutuyo na ‘tong putik kay Helena.”“Matigas nga! Napakakonti lang ng lumalabas na tubig oh,” angal nito nang bombahin nito nang makaisa ang poso.“Bombahin mo lang nang bombahin, ang reklamador mo naman! Ako na nga lang, pero kapag nalaglagan ako kasalanan mo, huh!” banta nya.“Ako na lang po. Sa probinsya namin, ganito rin ang igiban ng tubig eh,” nahihiyang wika ni Helena.“Pa’no ka makakahugas ng paa kung ikaw rin ang magtitikwas? Wala namang timba rito eh,” sagot nya rito. “Kaya ko naman kasi talaga ‘to, ayoko lang. Gusto mo pati
“Uy, bakit?!” gulat na gulat nyang tanong sa babaeng hinihingal sa galit sa kanya. “Magpakilala ka muna bago ka manampal!” “Hindi mo na ‘ko kailangan pang makilala. Wala kang karapatang pumunta rito sa bahay ko. Ang kapal ng mukha mo!” duro sa kanya ng babaeng nagdidilim ang mukha sa poot sa kanya. “Bahay mo? Malay ko bang bahay mo ‘to! Si Santiago ang ipinunta ko rito, hindi ikaw o ang bahay mo. Tsaka, sino ka ba?!” inihahanda na nya ang sarili sa maaaring rumble na maganap. “Kung away ang hanap mo, patol ako d’yan. Tara, magpagulong-gulong tayo roon sa walang makakakita sa ‘tin!” nanggigigil nyang turo sa malawak na lupa na may tanim na kangkong at talbos ng kamote. “Mga ma’am h’wag kayong mag-away,” pigil ng isa sa mga escort ni Joaquín nang takbuhin sila nito mula sa pinagparadahan ng mga ito ng kanilang sasakyan. “Ganiyan ba talaga ang mga taga-Maynila, magaspang na ang ugali sanay na sanay pa sa babagan?!” “Hoy! Baka nakalimutan mo na, mananampal ka na agad kanina samant
He leans comfortably against the wooden seat with a slight smile as he gazes intently at Abby. He has never been this proud of his girl for how she expertly does the cooking nang walang kaselan-selan sa katawan kahit hindi naman ito probinsyang gaya nina Helena at Aurora.Kung matutuloy lang sana ang kastilyong ipapatayo nya for sure palalagyan nya ito ng dirty kitchen na may tradisyunal na pugon for Abby to explore.May isang oras rin ang nakalipas mula nang magkatarantahan ang mga babae ay nakayari rin ng makakain nila for their late breakfast.“Pasensya na ho, hindi ko alam na bibisita kayong muli rito, kung alam ko lang ay nakapagsunong sana ako nang maaga-aga at hindi na kayo nalipasan ng almusal,” ani Aurora na abala sa paghahain sa harapan nila. Matapos ang nangyaring kaguluhan kanina sa labas ay kumalma rin ito nang matuon ang pansin sa napabayaang sinalang ni Helena nang bigla itong mawala kasama ang asawa.“Pasensya ka na rin, Aurora, nakigulo na kami rito sa bahay mo. We d
Relax na relax syang nakaupo sa ilalim ng puno nang nakataas pa ang mga paa nang lumapit si Santiago at pabulagsak na naupo sa tabi nya. “Eyb, inumin mo raw,” inabot nito sa kanya ang soy milk na pinabibigay ni Joaquín. “Dyusku, ‘eto na naman,” nangingiwing anas nya nang tanggapin nya ito. “Salamat, mamaya ko na lang ‘to iinumin… Lamig, ‘no? Plano na namin kanina ni Helena na maligo sa poso kaso malamig, iba ang hangin dito sa inyo. Kahit tirik ang araw nanunuot sa buto ang lamig,” nagpasinghot-singhot sya nang para syang masisipon habang niyayakap ang sarili. “Wala ka kasing sweatshirt. Amihan ngayon, natural na malamig,” hinubad ni Santiago ang suot nitong jacket at ikinumot iyon sa kanya. “Syempre naman, pangako ko ‘to sa ‘yo eh. Magbi-beach pa nga tayo, ‘di ba? Kaso malamig nga. ‘Di kaya ng powers,” ngiti nya rito na kunwang nangangatog sa lamig na nararamdaman na niyakap nang mahigpit ang jacket na pinahiram nito. “I'm so happy na nakasama ka sa kanila. Na-miss ko 'yang
Umangat ang likod at napahawak si Santiago sa kinauupuan nang muntikan na itong bumuwal sa bigla nyang pagtayo.“Baliw ka ba?!” bulalas nya. “Hindi pwede! Ano ba, Santiago? Wala ka bang maisip na ibang dahilan?!” “‘Yun na lang ang naiisip kong dahilan para magalit sya sa ‘kin! Nakita mo naman ang reaksyon nya kanina nu’ng makita ka nya, ‘di ba? I was hoping more of it. Kaya lang nataranta kasi ako, and I was very sure you would react otherwise kung right then and there, umoo na ako sa bintang nya,” nangungusap ang mga matang wika nito. “Sasampalin na nya ‘ko kanina! Dyusku! Santiago, matalino ka pero nasa’n ang utak mo ngayon?! Alam mong ano eh, buntis ako at ikakasal na ‘ko kay Joaquín! Alam na ni Aurora ‘yun, pa’nong ako pa rin ang irarason mo sa jowa mong baliw?!” walang anong turo nya sa posong kinaroroonan nina Aurora. “I’ve been building your name since the last time we talked, na ikaw ang girlfriend ko sa Manila. Don’t worry, Eyb, I can easily make an alibi for your situatio