He leans comfortably against the wooden seat with a slight smile as he gazes intently at Abby. He has never been this proud of his girl for how she expertly does the cooking nang walang kaselan-selan sa katawan kahit hindi naman ito probinsyang gaya nina Helena at Aurora.Kung matutuloy lang sana ang kastilyong ipapatayo nya for sure palalagyan nya ito ng dirty kitchen na may tradisyunal na pugon for Abby to explore.May isang oras rin ang nakalipas mula nang magkatarantahan ang mga babae ay nakayari rin ng makakain nila for their late breakfast.“Pasensya na ho, hindi ko alam na bibisita kayong muli rito, kung alam ko lang ay nakapagsunong sana ako nang maaga-aga at hindi na kayo nalipasan ng almusal,” ani Aurora na abala sa paghahain sa harapan nila. Matapos ang nangyaring kaguluhan kanina sa labas ay kumalma rin ito nang matuon ang pansin sa napabayaang sinalang ni Helena nang bigla itong mawala kasama ang asawa.“Pasensya ka na rin, Aurora, nakigulo na kami rito sa bahay mo. We d
Relax na relax syang nakaupo sa ilalim ng puno nang nakataas pa ang mga paa nang lumapit si Santiago at pabulagsak na naupo sa tabi nya. “Eyb, inumin mo raw,” inabot nito sa kanya ang soy milk na pinabibigay ni Joaquín. “Dyusku, ‘eto na naman,” nangingiwing anas nya nang tanggapin nya ito. “Salamat, mamaya ko na lang ‘to iinumin… Lamig, ‘no? Plano na namin kanina ni Helena na maligo sa poso kaso malamig, iba ang hangin dito sa inyo. Kahit tirik ang araw nanunuot sa buto ang lamig,” nagpasinghot-singhot sya nang para syang masisipon habang niyayakap ang sarili. “Wala ka kasing sweatshirt. Amihan ngayon, natural na malamig,” hinubad ni Santiago ang suot nitong jacket at ikinumot iyon sa kanya. “Syempre naman, pangako ko ‘to sa ‘yo eh. Magbi-beach pa nga tayo, ‘di ba? Kaso malamig nga. ‘Di kaya ng powers,” ngiti nya rito na kunwang nangangatog sa lamig na nararamdaman na niyakap nang mahigpit ang jacket na pinahiram nito. “I'm so happy na nakasama ka sa kanila. Na-miss ko 'yang
Umangat ang likod at napahawak si Santiago sa kinauupuan nang muntikan na itong bumuwal sa bigla nyang pagtayo.“Baliw ka ba?!” bulalas nya. “Hindi pwede! Ano ba, Santiago? Wala ka bang maisip na ibang dahilan?!” “‘Yun na lang ang naiisip kong dahilan para magalit sya sa ‘kin! Nakita mo naman ang reaksyon nya kanina nu’ng makita ka nya, ‘di ba? I was hoping more of it. Kaya lang nataranta kasi ako, and I was very sure you would react otherwise kung right then and there, umoo na ako sa bintang nya,” nangungusap ang mga matang wika nito. “Sasampalin na nya ‘ko kanina! Dyusku! Santiago, matalino ka pero nasa’n ang utak mo ngayon?! Alam mong ano eh, buntis ako at ikakasal na ‘ko kay Joaquín! Alam na ni Aurora ‘yun, pa’nong ako pa rin ang irarason mo sa jowa mong baliw?!” walang anong turo nya sa posong kinaroroonan nina Aurora. “I’ve been building your name since the last time we talked, na ikaw ang girlfriend ko sa Manila. Don’t worry, Eyb, I can easily make an alibi for your situatio
“‘Lika, Helena, ligo tayo,” pilit ang ngiting yakag nya sa asawa ni Iñigo nang madaanan nya ito papunta sa poso. Kung kanina’y lamig na lamig sya, ngayon naman ay sumisilab ang pakiramdam nya sa nararamdamang emosyon sa pag-uusap nila ni Santiago pati na rin ang kawalan ng emosyon ni Joaquín nang ipaalala nito sa kanya ang kanilang sampung milyong pisong agreement at ang kanyang dapat na gawin. Natatangahan sya sa kanyang sarili dahil nawaglit sa kanyang isipan ang tungkol sa agreement. Buong akala nya ay okay na sila ni Joaquín nang kagyat nitong ihinto ang trapik sa kahabaan ng bypass road para siilin sya ng halik. Noong mga sandaling iyon nadama nya ang sinseridad nito, ang pagmamahal at koneksyon nila sa isa’t isa. Isa lang pala iyong malaking biro—totoong pinag-trip-an nga lang pala ni Joaquín ang kanyang damdamin.Itinutok nya ang puting timba sa labasan ng tubig saka marahas na bumomba nang bumomba. “Ate, ako na’ng magtitikwas para sa ‘yo. Baka mapano ‘yang dinadala mo. Mab
“Hay! ‘Di ka marunong magtanggal ng bra.” Inikot nya ang mga braso at kinalag ang kanyang kulay itim na laced bra mula sa likod. Nang tuluyan nya itong mahubad sa pamamagitan ng paglusot ng mga strap sa kanyang mga braso ay isinampay nya ito sa balikat ni Santiago. Bakat na bakat sa kulay light pink nyang t-shirt ang naninigas nyang mga utong, ultimo ang ariolang nakapaligid dito dala ng lamig ng hangin at pagkabasa ng kanyang katawan ng malamig na tubig. Inayos-ayos nya ang pagkakahapit ng kanyang itim na panty. Nangiti sya nang palihim sa napagtanto kung gaano sya ka-sexy. Kahit hindi nya tingnan si Joaquín ay damang-dama nya ang matalim nitong titig sa kanyang ginagawa. ‘Sya rin ang may kagagawan nito, so magdusa sya,’ isip-isip nya. “Maya-maya uuwi na kami sa Manila, Aurora, salamat sa mainit na pagtanggap sa amin kahit muntik mo na akong sampalin kanina. Na-gets ko naman ‘yun, oo. Hindi kita masisisi kung nagagalit ka sa ‘kin, kaya pinapatawad na kita.”“I-isasama ninyo ho s
“I hope you know this beforehand, Joaquín. Since kanina ka pa nonchalant,” Rafael mutters with a concerned look on his face. “I just want everything to be over,” he sighs. Ipinagsalikop nya ang kanyang mga braso at sumandal sa kanyang kotse. He squints as he looks up at the bright sky and adjusts his Ray-ban. Pinagmasdan syang maigi ng kanyang kapatid na tila hinahanap sa kanya ang inaasahan nitong violent reaction nya sa intimacy na nangyayari sa pagitan ni Santiago at Abby sa poso. May ilang beses na nga naman nyang ginirian si Rafael dahil lang sa pakikipag-usap nito kay Abby, kaya hindi nya maiaalis ang pagtataka nito sa kawalan nya ng reaksyon ukol dito. “Inaantok ako, Rafael, maiidlip muna ako. Gisingin mo ‘ko kapag tapos na sila.” Binuksan nya ang pinto ng kanyang Volvo, tilts the driver’s seat and relaxes into it. Ipinikit nya ang kanyang mga mata pero pakiwari nya ay nakikita pa rin nya ang nakakapanindig-balahibong imahe nina Santiago at Abby na magkayapos at naghahalika
Naupo si Iñigo sa lamesa at sumulat sa kanyang checkbook. “Here,” Iñigo handed Aurora a check. “For your trouble. Nakasulat sa likod n’yan ang cellphone number ko. In case you need anything else, tawagan mo lang ako. Tutulungan kita.” “A-ano po ito?” tanong ni Aurora sa pagitan ng kanyang pagsinghot-singhot. “Tseke ‘yan worth 500 hundred thousand pesos, papapalitan mo sa bangko para maging pera. It’s a little token for taking good care of Santiago,” ani Iñigo in a dignified manner. “H’wag na ho, hindi ko ho kailangan ‘yan,” inilapag ni Aurora ang tseke sa katabi nitong lamesa. Iñigo scoffs. “Kalahating milyong piso, ayaw mo? Luluwag ang pamumuhay mo sa perang ‘yan, Aurora. Marami kang mabibili, hindi ka na mahihirapan.” Naisip nya, hassle nga naman ang magpapalit pa ng tseke. Holiday season na, sarado na ang mga bangko at this time of year. And judging by her ignorant looks, baka mahirapan pa si Aurora na mapapalitan ang tseke. Mabilis na dinukot ni Joaquín ang kanyang wallet
He waited for another response from Santiago to defend himself pero wala nang itong ibang nasabi. He feels so frustrated. Kulang, kulang para sa kanya ang reaksyon nito para mabura ang namumuong espekulasyon sa isip nya. “Kung nagpapasalamat nga kayo’y walang anuman. Pero hindi ko matatanggap ‘yang pera ninyo. Umalis na kayo at marami pa akong gagawin sa likod. Nakakaabala na kayo sa akin. Dalhin ninyo ‘yang mga pera ninyo, kundi gagawin ko lang ‘yang pamparikit sa kahoy. Umalis ka na, Santiago, sundin mo ang mga kuya mo. H’wag na h’wag na kayong makabalik pang muli rito sa bahay ko kundi sa mga sikmura ninyo na matatarak ang itak na ito,” matigas at tuluy-tuloy na wika ni Aurora saka tumuloy lumabas sa likurang pinto ng dirty kitchen. Nagkaroon ng saglit na katahimikan nang mapatda silang lahat sa mahabang litanya ni Aurora, ni isa sa kanila ay walang nakasagot sa mga tinuran nito. Kahit si Rafael at ang kanyang pagiging diplomat ay hindi nakaakma sa mga salitang ibinato sa kanila n