“Do you still remember me?” bulong niya.
Dahan-dahan niya binitawan ang balikat ko at pumunta sa harap ko.
Unang nag tama ang mga mata naming dalawa.
Tanging mata niya lang ang nakikita ko hindi ang buong mukha, dahil sa nakatakip na mask, sa mga suot niyang kulay itim at sa dilim dito sa loob.
Tanging ilaw galing sa maliit na bintana dito sa Restroom ang nagsisilbing liwanag. Para kahit papaano ay makita ko siya.
“Sino ka? Ano kailangan mo sa ‘kin?” tanong ko.
Tao pala siya akala ko multo.
“Hindi mo ba talaga ako nakikilala o natatandaan?” tanong niya.
Ang lalim ng boses niya. Halatang sinasadiya niya para hindi ko siya makilala.
“Mag tatanong ba ako kong kilala kita?” pabalang na sagot ko sa ‘kaniya.
Agad kong hinawakan ang braso niya at nilapit siya sa ‘kin. Kita ko sa mga mata niya ang gulat sa ginawa ko.
“Sino ka? At ano kailangan mo sa ‘kin?” Pang-uulit ko sa tanong ko kanina na hindi niya parin nasasagot.
Tiningnan ko ng mabuti ang mata niya at ngayon ko lang napagtanto na pamilyar sa akin ang mga mata niya.
“Bitawan mo ‘ko,” matigas na sabi niya.
Mas lalo kong hingpitan ang pagkahawak sa ‘kaniya. Sa punto na parang ididiin ko na ang mga kuko ko sa braso niya.
Sisiguraduhin kong hindi siya makakalabas hangga‘t hindi niya sinasabi kong anong pakay niya sa ‘kin at kong sino siya.
“Inuulit ko. Sino ka? At ano kailangan mo sa ‘kin?!” Nilakasan ko ang pag tanong.
“I'm sorry but i have to this!" May nilabas siyang patalim ng kinagulat ko at naging dahilan na agad ko siyang binitawan.
Lumayo ako sa ‘kaniya. “Ibaba mo ‘yan," kalmadong utos ko.
Dahan-dahan siyang umatras papalayo sa ‘kin habang tinutok parin sa ‘kin ang patalim.
Nang marating niya ang pinto. Agad siyang tumakbo papalabas.
Hindi ako nakagalaw ng ilang segundo sa kitatayuan ko. Maya-maya lang tumakbo narin ako palabas para sundan siya.
Pero hindi ko na siya nakita pa.
Sino ka?
—
Pagkatapos kong mag bihis. Dumeretso ako sa canteen para mag lunch.
Ilang minuto nalang matatapos narin ang class namin. Kaya hindi na ako pumasok. Alam kong papagalitan lang ako. Bukod sa late ako mama ko ang teacher namin sa subject na ‘yon.
Umorder ako ng pagkain at nag hanap ng pwedeng upuan. Sakto naman at medyo walang tao dahil hindi pa tapos ang klase.
Mga iilang estudiyante lang ang nandito.
Iniisip ko parin ang misteryosong tao kanina. Iniisip ko kong saan ko nakita iyong mga mata niya.
Hayst! Ang sama ng araw ko ngayon! Una nakipag sabunutan ako, pangalawa nakapunta ulit ako sa office ng Demonyo—este Dean Monyo at nakatikim ng sermon. Pangatlo ang misteryosong tao kanina sa CR. At pang-apat, sesermonan ako mamaya ni mama!
“Uy ayon si Jel!”
Napatingin ako sa nag sambit ng pangalan ko.
Lumapit sa ‘kin si Kyle at Kate ng magka holding hands. Isa pa ang dalawang ‘to napaka sakit nila sa mata tingnan. Baka mamaya langgamin ako dito sa sobrang sweet nila sa isa't-isa.
“What's up, Jeltrod— este Jel. Bakit hindi ka pumasok? Alam mo ba hinanap ka ng mama mo sa ‘min,” sabi ni Kyle.
Hindi ko siya sinagot at kumain nalang.
“May saltik nanaman siya,” rinig kong bulong niya.
Inis ko siyang hinampas. “Sinisira mo lalo araw ko! Mag break sana kayo!”
“Hoy! Walang ganiyanan,” sabi ni Kate at yumakap sa braso ni Kyle.
Napangiwi ako.
“Kahit ilang beses ka humiling. Hindi mo kami mapag hihiwalay na dalawa. Diba babe?” malambing na tanong ni Kyle kay Kate.
Tumango-tango si Kate at kinurot ang braso ni Kyle.
“Ewan ko sa inyo!” inis na singhal ko at nagpatuloy nalang sa pagkain.
Sa totoo niyan two years narin silang dalawa. Ma swerte si Kate kay Kyle. Bukod sa mabait at may respeto si Kyle matalino rin. Mapang-asar nga lang siya minsan.
Childhood friend ko si Kyle kaya kilalang kilala ko siya. Parang kapatid o kuya narin ang turing ko sa ‘kaniya.
Si Kate naman naging kaibigan ko siya noong nag grade eight ako dahil naging mag kaklase kaming dalawa.
Hanggang ngayon mag kaklase parin kaming dalawa at mag kaibigan.
Pero this school year lang kami naging mag kaklase ni Kyle. Ewan, kong bakit biglang bumaba ang grades niya kaya naging magkaklase kami. Hindi ko na siya tinatanong dahil bigla umiiba mood niya.
“Jel, sama ka sa ‘min mamaya ha.”
“Ha? Saan?” tanong ko kay Kate.
“Mag paparty daw sa bahay ni Chunk at invited tayo. Ssama ka ha?”
Party? Mukhang masaya ‘yan ah. Matagal narin hindi ako nakaka attend sa mga party dahil pinag bawalan ako ni mama at papa. Dahil noong last na pumarty ako. Nalasing ako. At hindi pa tama sa edad ko ang mag lasing o uminom.
“Try ko mag paalam kay mama. Pero hindi pa ako sure kong makakapunta ako,” sabi ko.
“Dahil ba noong naglasing ka?”
Tumango ako kay Kyle.
“Ikaw kasi!” Pinitik niya ang noo ko kaya sumingkit ang mata ko at sinamaan siya ng tingin. “Sinabihan kitang tama na pero sige ka parin. Napagalitan tuloy ako ni tita ng dahil sa ‘yo.”
Inirapan ko siya. “Oo na! Pero nagsisi na ako ‘no. Ayo ko na talaga malasing dahil ang sakit sa ulo ng alak.”
Promise talaga na hindi na ako iinom. Bukod sa masakit sa ulo ang alak masakit ‘din sa ulo at tenga ang bibig ni mama.
"Dapat lang na hindi na 'yon ma ulit. Mukha ka kasing tanga kong lasing," tumawa siya.
“Oo nga. Na alala mo iyong kanta niya sa mga tao sa bar? Nakatawa ‘yon!” Sabay silang tumawang dalawa.
"Happy kayo?" sarkistong tanong ko.
Tumango sila at tumawa ulit.
“Hoy tabachoy!”
Napatingin ako sa katabi naming mesa nang may platong biglang bumagsak.
May matabang lalaki nakaupo at pinag tatawanan ng mga bully na lalaki sa school.
Nakayuko lang ang matabang lalaki at parang maiiyak. Grade eight yata iyong binubully nila. Mukha pa kasing bata.
Biglang may kong anong malabong alaala ang pumasok sa isip ko.
“Aray!” Biglang kumirot ang ulo ko.
“Jel, Okay kalang?” biglang nag-alalang tanong ni Kate at Kyle.
Matagal bago ako tumango. “O-Oo, okay lang ako.”
“Sigurado ka? Gusto mo mag pa clinic tayo?” si Kate.
Umiling ako at tiningnan ang mga bully na sinasampal sampal ang matabang pisngi ng matabang lalaki at pinag tatawanan.
“Ano lalaban ka? Ha?!”
Hindi ko alam pero nainis ako bigla at kusa akong tumayo at lumapit doon.
“Hoy! Itigil ninyo nga 'yan!” sita ko at tinulak ang lalaking sumasampal sa ‘kaniya.
“Okay kalang?” baling ko sa lalaking mataba.
Umiiyak siyang umiling.
Binaling ko ulit ang tingin sa mga bully. Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa. Pinag krus ko ang braso ko at tinaasan sila ng kilay.
Tumawa sila. “Pre! Diba siya iyong babaeng nasa litrato naka bikini sa group ng school natin?” natatawang tanong ng kulay red ang buhok sa dalawa niyang kasama.
Mukhang siya ang leader.
“Siya nga pre at ang sexy niya pala sa personal. Magkano kaya siya?”
Nag salubong ang kilay ko at kumuyom ang kamao ko sa sinabi ng pandak. Bastos!
“At ang ganda pa," dagdag ng panot. “Miss pwede ba akin ka nalang?” nakangiting tanong niya.
“Hoy!" Napatingin ako kay Kate at Kyle na biglang tumayo. “Kayo ‘wag niyo binabastos ang best friend namin!” sigaw ni Kyle at Kate sa ‘kanila at tinulak ang lalaking panot.
“Look pre, may nakisawsaw na mag jowa," natatawang bulong ng pandak sa nakapula na buhok.
Mas lalong kumuyom ang kamao ko at akma nilang lalapitan ang mga kaibigan ko ng kinuha ko ang kinakain na spaghetti ng matabang lalaki at hinampas sa ‘kanila.
Nag si hiyawan ang mga school mates namin nasa canteen ngayon.
Nakita ko kong paano nanlisik ang mga mata nila sa ‘kin.
Ningisihan ko sila. “Iyan ang bagay sa inyo mga masasama ang ugali! Mga bully!”
“Ah talaga? Mabait ka?” sarkistong tanong ng pandak.
“Hindi, kaya nga sinampal ko sa ‘yo ang spaghetti diba? Pasalamat ka ‘yan lang ang nasampal ko sa ‘yo hindi cellphone…” binulong ko sa ‘kanila at huli at ngumiti.
Nakita ko kong paano nainis ang mukha ng nakapulang buhok.
Binaling ko ang tingin ko sa matabang batang lalaki. Kita sa mukha niya ang mangha sa ginawa ko.
“Sa susunod kapag binully ka pa nila. Sabihin mo ka agad sa ‘kin. I rereport natin sila sa Dean. Para maranasan nila sermonan sa empyerno— este sa office ng Dean.”
Tumango siya. “Opo.”
Ningitian ko siya, bago tumingin ulit sa mga bully na ang sasama ng tingin sa ‘kin.
Pinag krus ko ang nga braso ko at ningitian ko sila ng mayabang. “Mag sorry kayo,” utos ko.
“Ano?! Inuutosan mo ba kami ha?!” hindi makapaniwalang tanong ng nakapulang buhok.
“Oo inuutosan ko kayo. May reklamo?”
Inambahan ako ng suntok ng nakapulang buhok. Napatawa ako dahil kita sa mukha niyang hindi niya kaya manuntok.
“Ano? Isuntok mo?” Turo ko sa pisngi ko.
Napapikit siya sa inis.
Ngumisi ako. “Hindi mo kaya ‘no? Pwes ako kaya ko.” Hindi pa man nakakadapo ang kamao ko sa pisngi ko pumikit siya na parang inaabangan ang pagdapo ng kamao ko sa ‘kaniya.
Nang wala siya maramdaman na suntok. Dahan-dahan niya minulat ang mga mata niya.
Ningitian ko siya. “Naawa ako sa magiging mukha mo kapag dumapo sa ‘yo ‘to.” Turo ko sa kamao ko.
Narinig kong nagsihiyawan ang lahat.
Kita ko sa mukha ng tatlo kong gaano sila sobrang napahiya.
Sinamaan nila ako ng tingin. Ningitian ko sila at sinenyasang lumayas kaya wala silang nagawa kong hindi ang lumayas.
Napatingin ako sa lalaking naka upo sa hindi kalayuan ng mapansin ko ang mga titig niyang napakatalim.
Ano tinitingin-tingin nito?
Bumalik ako sa inuupuan ko at kumain na parang walang nangyari.
“Tapos na ang show! Mag si kain na ulit kayo!” sigaw ni Kate bago umupo.
“Grabi, malaking tulong ‘din pala ang pag ka maldita mo,” namamanghang sabi ni Kyle at pumalakpak.
“Kaya nga," pag sasang ayon ni Kate. “Pero nakakainis parin siya minsan. Diba babe?" Baling ni Kate kay Kyle.
Tumango si Kyle. "Tama si babe. Pero benta sa ‘kin iyong sinabi mong naaawa ako sa magiging mukha mo kapag dumapo sa ‘yo ‘to. Iba ka Jel!”
Ngumiti ako at sumubo ng pagkain.
“Uhm...ate."
Napatingin ako sa nagsalita. Siya iyong matabang lalaki na binubully kanina.
May hawak siyang plato na may slice ng cake at nakayuko. Mukhang nahihiya sa ‘kin.
“Bakit?” tanong ko.
Bigla niyang nilapag sa lamesa ang plato na may slice ng cake.
“Para po sa inyo. Pa thankyou ko lang po,” sabi niya at tumakbo papalayo.
Kunot noo kong tiningnan ang slice ng cake na binigay niya.
"Muhang masarap. Pwede pahingi?" sabi ni Kyle.
"Bumili ka ng sayo. May pera ka nga pang date. Pambili pakaya ng cake."
"Damot naman nito," nakangusong sabi niya.
Ningitian ko lang siya at kinain ang cake na binigay ng matabang lalaki. Sarap!
—
Uwian na at nag text ako kay papa na susunduin ako dito sa school.
Sana man lang hindi ko makasabay si mama sa pag-uwi. Sana busy siya ngayon sa school. Please lord. Please...
“Jeltrod.”
Napalunok ka agad ako at napalingon sa likod ko. Si mama. Lumapit siya sa ‘kin.
“Mag-usap tayo pagkarating ng bahay,” madiin na sabi niya.
Tumango nalang ako at hindi na umangal. Alam ko naman na siya ang masusunod. Malas naman!
Hindi nag tagal dumating rin si papa at sinundo kami ni mama.
Pagkarating namin ng bahay. Pinagalitan ka agad ako ni mama. Nalaman rin ni papa ang ginawa ko at mukhang disappointed rin siya sa ‘kin ngayon.
“Jel, ilang beses ko ba dapat sabihin sa ‘yo na huwag na huwag kang makikipag-away! Ako ang napapahiya sa ginagawa mo!”
“Pero mama sila iyong nauna.”
“Kahit na!”
Inis akong tumayo. “Anong kahit na? Okay lang ba na i lagay ang litrato mo sa babaeng naka bikini tapos iupload pa sa group ng school? Sino hindi magagalit do‘n ma?”
“E, ano pa ang nabalitaan ko nakipag away ka rin daw kaninang lunch sa mga lalaking bully?”
Napatahimik ako.
“Jel, pati sa lalaki nakikipag-away ka rin?” hindi makapaniwalang tanong ni papa.
Matagal bago ako sumagot. “Pinagtanggol ko lang naman iyong binully nila.”
"Pero hindi kana sana nakielam do'n. Paano kong balikan ka ng mga bully na ‘yon? Paano kong may gagawin silang masama sa ‘yo?”
“Subukan lang nila.”
Napasapo sa noo si mama. “Jel, naman mag-isip ka. Alam mong babae ka at lalaki sila. Wala kang laban sa kanila!”
Sasagot pa sana ako ng sinamaan ako ng tingin ni papa kaya napatahimik nalang ako.
Bumuntong hininga si papa. “Anak, pakiusap... sana ito na ang huli na makikipag-away ka.”
“Tama ang papa mo. Please lang making ka naman sa ‘min.”
“Pero sila naman nauna, e.”
“Kahit na. Kong hindi mo mapigilan 'yan minsan ang masamang init na hangin sa utak mo!” Tinuro ni mama ang ulo ko. “Matuto kang mag timpi. At kong inaalala mo iyong tungkol sa litrato mo at video niyo ng kaklase mo na nag-aaway kayo. Pina delete ko na ‘yon at wala ng copy ang nag upload no‘n. Kaya sana hindi na maulit muli ito. Naiintindihan mo?”
Napatango nalang ako. “Opo.”
“Mag bihis kana at mag hahapunan na tayo.”
Tumango ako at umakyat ng kwarto ko. Pagkapasok ko binagsak ko ka agad ang katawan ko sa kama.
Magtimpi...
Nagtitimpi naman ako ah. Pero minsan hindi natalaga mapigilan kapag sumusobra na iyong umaaway sa'yo.
Napabangon ako ng biglang nag ring ang phone ko.
Kate is calling...
Sinagot ko ang tawag.
“Hello? Nasaan ka?” tanong niya ka agad.
“Nasa bahay malamang,” sagot ko.
“Hindi ka dadating?”
“Ha? Saan ba ako pupunta?”
“Nakalimutan mo?”
“Ang alin?”
“Nakalimutan niya nga," bulong niya sa kabilang linya. "Ang tungkol sa party. Hindi ka sasama sa ‘min?”
Oo nga pala. Iyong party. Lagot hindi pa ako nag papaalam kay mama at papa. At mukhang malabo na payagan nila ako ngayon.
“Hindi siguro. Kayo nalang.”
“Ha? Bakit hindi? Hayst! Nasa labas na kami ng bahay niyo!”
Agad ako napatayo at dumungaw sa bintana. Nakita ko si Kate at Chunk na kumakaway sa ‘kin.
“Kayo lang dalawa?” tanong ko.
“Nasa loob ng kotse si babe,” sagot ni Kate.
“Sandali bababa ako diyan.” Binaba ko ka agad ang tawag.
Dali-dali kong sinuot ang pambahay kong tsinelas at naka uniporme pang bumaba.
“Jel saan ka pupunta? Mag palit ka nga nililipad ang palda mo at ang ikli pa naman yan!” sigaw ni mama.
“Lalabas lang ako saglit!” sagot ko at lumabas ng bahay.
Binuksan ko ang gate at pinapasok ang dalawa.
“Good evening tita— i mean ma‘am,” sabi ni Kate pagkapasok.
“Ano ba kayo. Kapag nasa school ma‘am at kapag wala tayo sa school tita. Okay?”
“Okay po tita….”
“Bakit pala kayo napa punta dito?” tanong ni mama. “Gabi na ah. Baka pagalitan kayo ng parents niyo.”
“Ipapaalam daw nila ako sa inyo mama. May party daw,” ako ang sumagot.
“Party? Saan? Kanino?”
Tinuro namin si Chunk.
Ngumiti si Chunk. “Hello po.”
“Sige na mama. Promise hindi ko na uulitin iyong nangyari makailan. Isa pa nandoon naman sila. Mababantayan nila ako. Diba?” Siniko ko si Kate.
“Oo tita! Sige na payagan ninyo na siya. Minsan lang naman ‘to, e,” sabi ni Kate.
Kita sa mukha ni mama na nagdadalawang isip siya kong papayagan ako o hindi. Alam kong hindi ako matitiis ni mama. Alam kong papayagan niya ako.
Bumuntong hininga si mama. “Mag paalam ka sa papa mo. Kapag pumayag siya papayag ako.”
Agad ako tumakbo papasok ng kusina para puntahan si papa na nag luluto.
Pagdating sa pag luto ng pagkain si papa ang pinaka the best mag luto para sa ‘kin. Kaya kapag binabaunan niya ako ng lunch lagi ko talaga nauubos. Masarap kasi.
“Papa,” tawag ko kay papa.
Napalingon siya sa ‘kin. "Anak, bakit? Gutom kana ba? Sandali lang malapit na ‘to.”
Umiling ako. “Hindi po ako nagugutom pa. Nandito sina Kate. Niyaya nila ako sa party.”
“Ha party? Saan?”
“Kina Chunk. Iyong kaklase kong mataba. Sige na papa payagan niyo na ako. Minsan lang naman ‘to. Promise ko na hindi ako iinom.” Umasta akong nanunumpa.
Bumuntong hininga si papa at matagal bago tumango. “Sige, pinapayagan kita. Alam mo naman hindi kita matiis.” Napangiti ako. “Pero nag paaalam kana ba sa mama mo?”
Tumango ako. “Oo naman po. Sabi niya kapag pumayag ka papayag ‘din siya.”
“Sige, payag akong mag party ka. Pero huwag kang uuwi ng madaling araw. Before twelve dapat nandito kana. Okay?”
Napanguso ako. “Papa naman mukha ba akong si Cinderella para pauwiin bago mag alas dose?”
Napatawa si papa. “Basta bawal ka umuwi ng hating gabi.”
“May gano‘n? Oo na nga lang.”
Okay na ‘to kesa sa hindi ako payagan. Pero mag seseven o'clock na. So ilang oras lang ako sa party? Four hours? Umay!
—
Pagkatapos ko mag bihis at mag ayos. Bumaba na ako dahil kanina pa sila nag hihintay sa ‘kin.
“O, ayan na pala si Jel. Sige tita, tito alis na kami,” paalam ni Kate kay mama at papa.
“Mama, papa, alis na kami,” paalam ko rin kay mama at papa.
Tumango sila. “Sige, ingat kayo. Bantayan niyo ang Cinderella ko,” natatawang bilin ni papa.
Naningkit ang mata ko.
Nang mapansin nila ang reaction ko sabay silang tumawa ni mama. Pati si Kate nakitawa na rin.
Napansin ko na wala si Chunk.
“Nasaan si Chunk?” tanong ko kay Kate pagkalabas ng bahay.
“Nasa kotse kasama si babe. Nagutom, e kumain mo na.”
Biglang bumukas ang bintana ng kotse ni Kyle. Na naka parada sa labas ng bahay namin at bumungad sa ‘min ang kumakaway na si Kyle at kumakain na si Chunk.
Bumaba si Kyle at pinag buksan kami ni Kate ng pinto.
Tumabi ako kay Chunk na kumakain.
“Ganda mo ngayon Jel,” nakangiting sabi niya.
Ngumiti ako. “Salamat. Ikaw naging macho ka ah,” pambobola ko.
“Binobola mo naman ako, e.”
Sabay kaming natawa.
Pero seryoso maayos siya tingnan ngayon. Kahit mataba siya gwapo parin siya. Siguro kapag pumayat to, pwede na siya kunin maging modelo kasi alam kong lalo siyang gugwapo.
“Nako! Baka kayo mag katuluyan niyan,” pang-aasar ni Kyle.
Binatokan ko siya. “Gusto mo mamatay ha?!”
“Joke lang. Hindi naman mabiro ‘to. Sakit ng batok mo ah! Babe oh!” Sumbong niya kay Kate.
Tumawa si Kate. “Umalis na nga tayo seven thirty na. Bago mag alas dose uuwi pa ang Cinderella natin.” Tinuro ako ni Kate. Tumawa silang lahat.
Inirapan ko sila.
—
Pagkarating namin sa bahay ni Chunk rinig na ka agad ang ingay ng music at ng mga tao mula dito sa labas.
Mabilis lang naman kami na karating. Medyo malapit lang kasi ang Subdivision nila sa bahay namin.
“Grabi ang bonga ng party. Yayamanin,” sabi ni Kate pagkapasok namin.
“Of course ako pa,” mayabang na sabi ni Chunk.
Pool party pala ‘tong pinuntahan mamin. Hindi ako inform. Maraming lalaking walang damit pang itaas at nakahawak sa bewang ng mga babaeng naka swim suit.
Maganda ang pagka decorate ng paligid. Meron silang jellyfish lantern, ballons sa pool, beach ball garland at ilaw na naglalabas ng iba't ibang kulay. At syempre may mga pagkain, drinks at waiters ‘din.
“Guys. Wait lang tawag ako ni mommy kuha lang kayo ng pagkain do‘n wag mahiya. Bye balik ako,” paalam ni Chunk.
Tumango kami.
“Ang dami palang sexy dito at gwapo,” sabi ko.
“Kaya nga. Kaya ikaw babe! Huwag kang lalayo sa ‘kin,” diin na sabi ni Kate.
Selosa.
Tumango si Kyle at sumaludo.
Naglakad ako papunta sa mga pagkain at drinks. Medyo nagugutom narin kasi ako.
Maraming mga pagkain na pagpipiliian. Iilan lang ang mga pamilyar sa ‘kin na pagkain. Like, baked southwestern egg rolls, chicken roll-ups with cream cheese and veggies, shrimp cakes, lobster sliders and german soft pretzels stick.
“Wow. Ang daming pagkain. Saan masarap diyan?” Napatingin ako kay Kate nasa tabi ko na pala.
“Iyong mukhang shanghai,” sagot ko.
Kinuha niya ang pagkaing sinabi ko at nilagay sa plato niya. “Ito?”
Tumango ako.
“Wow that is baked southwestern egg rolls,” namamanghang sabi ni Kyle. “Masarap ‘yan babe.”
“Okay ito nalang iyong akin,” nakangiting sabi ni Kate.
Hindi kona sila pinansin at kumuha ako ng plato at pagkain na gusto ko kainin. Kumuha narin ako ng drinks na favorite ko inomin tuwing umaatend ako ng pool party.
Strawberry lemon mojitos...
Nang makapili ng pagkain. Pumunta ako sa mesa kong saan nadoon sina Kate at Kyle.
Nagiging third wheel lagi ako sa dalawang ‘to. Ang sweet kasi nila tapos may pa subo-subo pa ng pagkain sa isa‘t-isa.
“Jel.”
“Hmmm?” tugon ko kay Kyle habang umiinom ako ng drink.
“Hindi mo ba napapansin ang lalaking ‘yon? Kanina pa ‘yon nakatingin sa ‘yo ng matalim.” Turo niya sa likod ko.
Tiningnan ko ang tinuro niya at gano‘n nalang ang pagtigil ko sa pag-inom. Nang makita ko ang lalaking matalim ang tingin kanina sa ‘kin sa canteen.
Nandito rin siya?
Agad ko iniwas ang tingin ko at kumain nalang.
“Jel, don't tell me naging kaaway mo rin ‘yan,” sabi ni Kate.
“Of course not! Hindi ko nga kilala ‘‘yan,” sabi ko.
“Sigurado ka?” paninigurado nilang dalawa.
“Oo nga!” naiiritang sabi ko.
“Okay sabi mo, e.” Bumalik silang dalawa sa pagkain.
Tumingin tingin lang ako sa mga taong nasa pool. Umiinom sila ng beer at nag eenjoy sa pag kwekwentohan.
Mukhang masaya siguro lumapit sa ‘kanila at makipag kwentohan. Pero na alala ko bawal ako uminom at nangako ako kay papa at mama kanina.
“Guys. Sorry natagalan. Nakipag kwentohan pa kasi ako sa mga bisita,” sabi ni Chunk at hinihingal.
“Okay lang,” sabi namin.
“So how's the food?” tanong niya.
“Masarap,” sagot namin.
“Marami pang food diyan kuha lang kayo. Sige kuha mo na ako food ah balik ako,” paalam niya.
“Sige.”
Nakaramdam ako ng antok kaunti. Napahikab ako at tiningnan ko ang relos ko. Malapit na pala mag alas dies. Buti nalang walang pasok bukas.
“CR mo na ako,” paalam ko.
Tumango si Kate at Kyle. “Sige.”
May nakita akong matanda na may dalang mga pagkain. Mukhang isa siya sa mga kasambahay dito. Tamang-tama may pag tatanongan ako kong saan ang CR dito.
“Ah lola,” tawag ko sa matanda kaya napatingin siya sa ‘kin.
“Bakit hija?” tugon niya.
“Pwede po mag tanong kong saan ang CR dito?”
“CR ba kamo? Lumiko ka doon sa may puno at sa gilid no‘n may isa pang CR. Barado kasi hija ang sa loob.”
Napatango ako. “Gano‘n po ba salamat.” Ningitian ko siya at sinunod ang sinabi niyang direksiyon.
Nang makarating ako sa CR na sinasabi niya. Walang tao at tanging ako lang at ang linis ng loob walang amoy.
Rinig ko pa naman dito ang music pero hindi na ganoon ka lakas. Medyo mahina na.
Papasok palang sana ako ng cubicle ng laking gulat ko na may biglang humawak sa braso ko at hinila ako palabas at sinandal sa pader.
Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ko kong sino ang nasa harap ko.
Siya iyong lalaking matalim ang tingin sa ‘kin simula pa sa canteen.
Sinusundan niya ba ako?
“T-Teka? Sino ka? Pwede ba lumayo ka sa ‘kin!" Pinilit ko siyang itulak papalayo sa ‘kin.
Ang lapit na kasi ng mukha niya at amoy ko ang alak sa ‘kaniya.
Pero para yata siyang glue na ang lakas ng kapit sa pader.
“Sino ka bakit kamukha ka niya?!” sigaw niya sa mukha ko nang kinagulat ko.
Edited Version
Hindi ako nakapagsalita at nakipag titigan lang sa lalaking nasa harap ko. Ano ba sinasabi niya? “Sino ka sabi?! Bakit kamukha...” Hindi niya na tuloy ang sasabihin ng bigla siyang napayakap sa ‘kin at nakatulog nalang bigla sa balikat ko.Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng ilang minuto. Hindi ako makapaniwala na niyakap ako ng lasing na lalaki!Pakiramdam ko biglang tumahimik ang buong paligid at walang gumagalaw na kahit anong bagay. Parang sa amin dalawa lang naka focus ang lahat.Pero hindi! Hindi tama na yakapin ako ng lalaki na hindi ko kilala o boyfriend!“H-Hoy! L-Lumayo ka nga sa ‘kin!” Pilit ko siyang tinutulak papalayo sa ‘kin pero ang higpit ng yakap niya. Parang ayaw niya ako pakawalan.Napapikit ako sa inis. Paano ako makakapag CR nito? Naiihi na ako! Malas naman! Sino ba ang lalaking ‘to?!Dahan-dahan ko kinuha an
Nakatulala lang ako sa labas ng bintana ng kotse. Medyo umaambon dahil sabi sa balita kanina meron daw paparating na bagyo.Hanggang ngayon. Hindi mawala sa isip ko ang picture na sinend sa ‘kin through message.Iyong huli talaga…iyong litrato ng salamin ko sa kwarto ang hindi ko maintindihan kong bakit niya iyon pinadala sa ‘kin.Sinubukan ko naman tingnan ang salamin ko at nagbabakasakali na kong may anong nilagay siya dito. Para i send niya sa ‘kin ‘yon. Malay kong may bomba o something do‘n.Pero wala naman akong may nakitang kahit ano. Kaya hindi ko talaga maintindihan ang salamin. Parang pinalabas niya na isang clue iyon para malaman ko kong sino siya.“Anak, pupunta ako mamaya ng sementeryo. Dadalawin ko iyong lolo mo. At baka ma late ako ng sundo sa ‘yo. Kapag umulan stay kalang sa loob ng school niyo. Huwag kang lumabas, okay?”Tiningnan ko si papa. “S
JELTROD POV. "Ano ba sa tingin mo? Ikaw ito o hindi?" tanong niya. "Hindi." Umiling-iling ako. "Hindi ako 'yan. Pinag tri-tripan mo ba ako ha?!" inis na tanong ko. Imposible naman kasi na ako 'yan. Isa pa, hindi ako mahilig mag suot ng dress at ng mga pang kikay na damit. Malay ko ba at ginamitan niya 'yan ng pang malakasang edit. "No! Hindi kita pinag tri-tripan. Tingnan mo!" Mas lalo niya nilapit sa 'kin ang litrato. Pero inis ko 'yon hinablot sa 'kaniya at pinunit. Nakita ko ang gulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko. Pagkatapos ko punutin sa maliliit na piraso ang litrato. Tinapon ko iyon ka agad sa mukha niya. "Anong hindi mo ako pinag tritripan?! E, hindi nga kita kilala! Hindi ko alam kong bakit bigla ka nalang sumulpot sa buhay ko at hinalikan ako tapos ngayon pinakita mo pa sa 'kin ang litrato ng mukha k
“Saan kayo galing at ginabi kayo?” bungad na tanong sa amin ni mama pagkarating ng bahay. “Sa sementeryo,” sagot ni papa at umupo sa sofa. Nakita ko ang pag-iba ng mukha ni mama. “Ano? Isinama mo si Jel?” Sa pagkatanong ni mama kay papa. Ang tono ay parang hindi dapat ako sinama. Bumuntong hininga si papa at matagal bago sumagot. “Hindi. Natagalan kasi ako sa sementeryo kaya gabi na ng naisundo ang anak natin sa bahay ng kaibigan niya.” Nagulat ako sa pagsisinungaling ni papa. Taka ko tiningnan si papa. Tiningnan niya lang ako ng makahulugang tingin. Bakit ganiyan ang sinagot niya? Bakit kailangan niya mag sinungaling kay mama? Pwede niya naman sabihin na sinama niya ako. Ano masama do‘n? Nakita ko ang pagkahinga ng maluwag ni mama. “Mabuti naman kong gano‘n.” “B-Bakit po? Masama po ba na sumama ako?” biglang ta
Dahan-dahan siyang lumuhod para abot ako. “Jeltrod Bonifacio nice to meet you…” Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa pagsambit niya sa pangalan ko. Teka bakit…parang boses ko ang naririnig ko sa ‘kaniya? “B-Bakit ka boses kita? Ginagaya mo ba boses ko ha?!” malakas na tanong ko. Dahan-dahan niya nilapit ang mga palad niya sa pisngi ko. Nilayo ko ang pisngi ko sa ‘kaniya at masama siyang tiningnan kahit takot na takot na ako sa mga kilos niya. Nanalangin ako na sana may taong makakita sa ‘kin o dadaan dito. “Jeltrod?!” Agad ako napatingin sa paligid ng narinig ko ang boses ni Kyle na tinatawag ang pangalan ko. “Magkikita pa tayo ulit.” Binalik ko ang tingin ko sa misteryosong tao nakatayo sa harap ko. Napansin kong bumalik sa pagkalalim ang boses niya. Ibig sabihin gin
Hindi kaya iisa sila? Imposible pero pwede rin posible. Pero lalaki siya at babae ‘yon— o baka akala ko lang talaga babae. “O? Sir ano meron? Ba‘t natulala kayo?” tanong ng isa sa mga kaklase ko dahil na mag-iwas ng tingin si sir sa ‘kin. “Nothing. Anyway, i want all of you introduce your self to me. Start with you.” Turo niya kay Michelle. Tumayo si Michelle at nagpakilala sa harap namin. Sunod ang katabi niya hanggang sa umabot sa ‘min. Tumayo si Kate at ngumiti kay sir. “My name is Kate Mary Porton sir,” pakilalala niya. Sinenyasan siya ni sir umupo kaya agad siyang umupo. Sunod napatingin sa ‘kin si sir at sinenyasan akong tumayo. Tumayo naman ako at nagpakilala. “My name is Jeltrod Bonifacio.” Hindi ko na hinintay na senyasan ako ni sir umupo at umupo nalang ako. “Bastos…” dinig kong bulong ni Sca
Third Person POV. Nakamasid siya ngayon sa taong matagal niya nang gustong patayin dahil sa galit. Ilang beses niya na itong pinagtangkaan ngunit hindi niya talaga kaya pumatay ng tao. Sabik narin siyang makitang bumagsak ang taong ito. At kapag nangyari iyon, siguro siya na ang pinakamasayang tao sa buong mundo. Hindi niya maiwasan ikuyom ang kaniyang kamao sa inis na makitang tumatawa ang lalaki. Sobra napaka hayop ng taong ‘yon. Wala ba siyang konsensiya? Talagang nakuha niya pang tumawa? Hindi niya ba naiisip ang lahat na masasamang ginawa niya? Wala siyang puso! Agad siyang nagtago nang mapatingin sa gawi niya ang lalaki. Nang hindi na nakatingin ang lalaki sa ‘kaniya. Dahan-dahan niya na ito sinilip ulit. Ngunit ganoon nalang ang pagkaramdam niya ng kirot sa ‘kaniyang puso ng makita ang babaeng mahal niya na hinalikan ang lalaking kinamumuhia
JELTROD POV. Naglalakad ako ngayon pa puntang bahay. Mag gagabi na at medyo umaambon. Mukhang uulan pa yata. Ngayong lang ako nakarating sa baranggay namin dahil wala masiyadong masakyan kanina dahil lahat puno.Hindi kasi ako nag pasundo kay papa dahil alam kong sumasakit ang paa niya ngayon. At si mama naman— syempre hindi kami sabay. Lagi naman, e. Minsan napapaisip ako kong kinahihiya niya ba akong anak niya kaya hindi niya ako minsan napapakilala sa friends niya o sinasamahan.Napahinto ako sa paglalakad ng may naramdaman akong parang sumusunod sa ‘kin. Sa totoo niyan kanina ko pa napapansin na parang may sumusunod sa ‘kin, mula sa school.Hindi kaya siya namaman ‘to? Mag-isa lang akong nag lalakad ngayon dito at walang medyo tao ngayon sa bandang lugar kong saan ako naglalakad ngayon.Mas lalo ko binilisan ang paglalakad. Hindi ko maiwasan
Hello, It's have been a long time since I last update. Sorry for the no update this past few months because I am so busy with my school work. And nakaranas din ako ng depression and stress sa family ko dahilan na lalo ako hindi nakapagsulat at napilitan magpahinga muna ng ilang buwan.Bilang pambawi sa hindi ko pag-update. I am happy to announce na you can read now this story just for free here at Goodnovel! You don't need coins just to unlock by reading each Chapter. I hope you continue to support this book and expect me to update many chapters this week. Stay safe everyone!
"D-Damania...b-buhay ka? P-Pero paano? Patay kana diba?" Napatakip siya sa bibig niya at muntik ng matumba pero buti nalang nahawakan ko siya.Pagkahawak ko sa 'kaniya agad niya akong tinulak dahilan na matumba ako. "H-Hindi...hindi nagmamalik mata lang ako. Hindi ito totoo!" Napailing-iling pa siya bago tumakbo papalabas."Janiel!" tawag pa sa 'kaniya ni Justin.Hahabulin sana siya ni Justin nang nilingon niya muna ako at akmang tutulongan makatayo pero umiling lang ako at sinenyasan siyang sundan ang kapatid niya.Huminga siya ng malalim bago ako iwan.Tumayo ako at napahawak sa siko ko dahil medyo masakit. Tumama kasi sa sahig dahil sa pagtulak niya sa 'kin. Siguradong nagulat siya ng makita ako kaya gano'n nalang ang reaksiyon niya kanina. Pero sobra naman yata 'yon.Bumaba ako at hinanap ng mga mata ko si Justin at ang kapatid niya pero wala sila dito.
Sa halos dalawang oras na byahe nakarating ‘din kami sa bahay niya. Napakalayo nito at siguro araw-araw siyang na la-late sa school niya. Maliban nalang kong maaga siya gumigising at bumabyahe. Hindi ko alam kong ano ang pangalan ng lugar na ‘to. Gusto ko sana itanong sa ‘kaniya pero mukhang ayaw niya naman akong kausapin.Malalim akong bumuntong hininga at iginala ang paningin ko sa paligid. Ngayon ko lang napansin na ang lugar na ito ay malapit pala sa tabi ng dagat at nakakarelax ang huni ng alon at paligid.“Tara pasok tayo,” sabi niya at nag pangunang naglakad.Hindi ko maiwasan hindi malungkot habang nakasunod sa ‘kaniya. Ang tono ng pananaalita niya kanina iba sa tono kong paano niya ako kausapin noon at hindi niya na ako ningingitian hindi tulad noon na panay ang ngiti niya sa ‘kin kahit nagsasalita.Pagkapasok namin ng bahay niya sinenyasan niya lang akong
Napalingon ako sa likod ko at napatayo ng marinig ang pamilyar na tawanan. Nakita ko si Justin kasama ang mga kaibigan niya. Si Druce nakaakbay sa 'kaniya habang tinitingnan siya ng nakakatuksong tingin at si Peter naman parang walang pakiealam sa mundo."J-Jel," sambit ni Justin sa pangalan ko ng makita ako.Napatingin sa 'kin ang dalawa. "Hindi naman si Jel-" Hindi natapos ni Druce ang sasabihin at gulat na ibinalik ang tingin sa 'kin. "Oo nga si Jeltrod nandito. Pero sandali bakit ka nandito?" tanong niya.Hindi ko siya sinagot at tumingin kay Justin."Ah! Alam ko na. Nandito ka ba for our handsome best friend name Justin Villia?" nakangising tanong niya.Inalis ni Justin ang braso ni Druce nakaakbay sa 'kaniya at lumapit sa 'kin. "Bakit ka nandito?" tanong niya.Hindi ko siya sinagot at niyakap. Hindi ko man makita ang reksiyon niya alam kong nagulat siya sa ginawa ko.
JELTROD‘S POV.Nandito ako ngayon sa labas ng pinto ng kwarto ni Kate. Pinagmamasdan ko siya mula dito. Matagal narin akong nakatayo dito at nasa tabi ko si Justin ngayon.“Bakit ayaw mo pumasok?” tanong ni Justin sa ‘kin.Umiling ako. “Ayo ko. Hindi ko pa siya kayang lapitan tanging pagmasdan lang siya mula dito ang magagawa ko ngayon,” sagot ko at tiningnan siya.“W-What happened to her?”“Sinasagaan siya at pinagbabaril.”Nanlaki ang mata niya. “What?”Bununtong hininga ako at umupo sa upuan na nandito sa labas. Tumabi sa ‘kin si Justin at bumuntong hininga rin. Hindi na ako nagsalita at hindi narin siya nagsalita kaya binalot kami ng katahimikang dalawa.Humikab ako ng makaramdam ako ng antok. Sinandal ko ang ulo ko at pinagkrus ang braso ko
Napatayo ako ng makitang si Kyle nakakalabas lang ng room ni Kate dito sa Hospital. Namumula ang mata niya dahil kahapon pa siya iyak ng iyak dahil sa nangyari kay Kate. Laking pasasalamat ko na buhay pa si Kate matapos na masamang nangyari sa 'kaniya. Hindi lang siya basta sinagasaan nabaril pa siya sa balikat niya. Hanggang ngayon hindi parin siya nagigising at sinabi na ng Doctor kanina na posibleng magkaroon siya ng amnesia kapag nagising siya. Pwede daw temporary at pwede rin hindi. Pero sana h‘wag naman dahil alam ko kong gaano kahirap mawalan ng alaala. Siguro nga hindi na talaga babalik itong alaala ko. "Jel masama ba akong boyfriend?" tanong niya at umupo sa tabi ko. "Ano bang sinasabi mo? Hindi ka masamang boyfriend. Para sa 'kin boyfriend material ka." Ngumiti ako sa 'kaniya pero nawala rin 'yon ng tiningnan niya ako ng malungkot. Malalim akong bumuntong hininga. "Sorry kas
Hello po it's been a long time since my last update for this story. I want to know all of the readers who read this book that there are some changes I put in this story. I just revised it to make this book more suspenseful. And about the name of the main character. I want you to know that I changed it to make it unique. At para hindi kayo malito sa story, I suggest reading it again from the prologue. The flow of the story is still the same pa naman pero mas maganda na basahin niyo po ulit siya. That's all. Stay safe and thank you for your support. I hope you will still support this book until we reach the Epilogue of the story.
JELTROD POV. Tulala lang ako habang nakikinig sa class ni Miss Chong. Iniisip ko ngayon ang gusto sabihin sa ‘kin makailan ni Kate. Hinei kasi natuloy dahil dumating bigla si mama. “Kaya sasabihin ko na sa ‘yo ang totoo,” seryosong sabi ni Kate sa ‘kin. “Anong totoo?” tanong ko. Magsasalita sana siya ng biglang bumukas ang pinto ng rooftop. Sabay kaming napatingin ni Kate kay mama na naglakad papalapit sa ‘min. Blanko ang mukha niya ng tumingin sa ‘kin at kay Kate. Huminto siya sa harap namin. “Sige, ituloy mo,” sabi ni mama. Tiningnan ko ulit si Kate. Bakas sa mukha niya ang gulat at takot. Hindi ko maintindihan kong bakit ganiyan ang reaction niya. Dahan-dahan niya ulit ako tiningnan at napalunok. “J-Jel,” nauutal na sambit niya sa pangalan ko. T
THIRD PERSON POV. Bumaba ang isang babaeng maganda, maikli ang buhok, singkit ang mata, matangos ang ilong, manipis ang labi at matangkad. Inilibot niya ang paningin sa labas ng bahay nila. Matagal rin niyang hindi nakita ang bahay na ito at nakaramdam siya nag pagka sabik na tumira ulit dito kasama ang kaniyang pamilya. Napangiti siya ng makita ang isang babae na lumabas ng gate. Hindi parin nag babago ang mukha ng kaniyang ina. Maganda parin ito at mukha parin bata parang walang anak kong tingnan. "Janiel anak!" Agad siyang niyakap ng kaniyang ina. "Welcome back, I miss you so much." "I miss you too mommy." Matagal niya rin hindi nayakap ang ina dahil pagkatapos ng aksidenteng nangyari ay doon na siya pinaaral ng kaniyang ama sa Paris. Kumalas siya sa