JELTROD POV.
"Ano ba sa tingin mo? Ikaw ito o hindi?" tanong niya.
"Hindi." Umiling-iling ako. "Hindi ako 'yan. Pinag tri-tripan mo ba ako ha?!" inis na tanong ko.
Imposible naman kasi na ako 'yan. Isa pa, hindi ako mahilig mag suot ng dress at ng mga pang kikay na damit. Malay ko ba at ginamitan niya 'yan ng pang malakasang edit.
"No! Hindi kita pinag tri-tripan. Tingnan mo!" Mas lalo niya nilapit sa 'kin ang litrato.
Pero inis ko 'yon hinablot sa 'kaniya at pinunit. Nakita ko ang gulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko.
Pagkatapos ko punutin sa maliliit na piraso ang litrato. Tinapon ko iyon ka agad sa mukha niya.
"Anong hindi mo ako pinag tritripan?! E, hindi nga kita kilala! Hindi ko alam kong bakit bigla ka nalang sumulpot sa buhay ko at hinalikan ako tapos ngayon pinakita mo pa sa 'kin ang litrato ng mukha ko! Ha! Ang gulo na hindi ko alam kong ano ang nangyayari!"
"Akala mo ikaw lang?! Alam mo bang para akong mababaliw kakaisip makailan ng makita ka. Dahil ang alam ko matagal ka ng patay!"
Natigilan ako at hindi nakapagsalita. Anong sinasabi niyang matagal na akong patay? Nababaliw naba siya?
"Pwede ba tama na! Hindi kana nakakatuwa! Buhay ako at hindi patay! At higit sa lahat hindi kita kilala!"
Tinalikuran ko ka agad siya at nilisan ang kwartong iyon.
Bumalik ako ng classroom at pinagtinginan ka agad ako ng mga kaklase ko. Ang iba may kasamang panunukso ang tingin nila at ang iba naman, wala lang.
"Ikaw, Jel ah. Ang haba ng hair mo," biro ng president namin.
"Putulan natin?" birong tanong ni Kyle sa 'kin.
Sinamaan ko lahat sila ng tingin. Mukhang alam naman nila ang ibig sabihin ng tingin na iyon at hindi na nila ako ginulo pa.
"Hoy! Jel! Papansin ka, e 'no!"
"Tama! Alam mo naman na gusto ni Charisse si Scart. Nag papansin ka parin!"
Napapikit ako sa inis at masamang tiningnan sina Charisse at Cloe.
"Pwede ba...huwag ngayon. Wala ako sa mood makipag-away sa inyo. So please get out of my sight," kalmadong sabi ko.
Magsasalita pa sana sila ng hinila sila ni Kyle at Kate papalayo sa 'kin. At pinaupo sa mga upuan nila.
Napayuko ako sa desk ko.Parang bigla ko narinig ang sinambit niyang pangalan.
Damania...
Teka, parang narinig ko na ang pangalan na 'yan. Saan ko nga ba narinig 'yon?
Laking gulat ko ng may narinig akong nagsalita. Pero hindi ko alam kong saan galing 'yon.
"Damania! Damania! Damania!"
Paulit-ulit lang ang salitang 'yon.
Napaatras ako ng napaatras sa litrato ni Lee Jung Suk dahil pakiramdam ko parang may taong biglang bubulaga sa 'kin mula sa likod niya. Hanggang sa natumba ako kakaatras.
"Damania! Damania! Damania!"
Lalong lumakas ng lumakas ang naririnig kong salita. Dali-dali akong tumayo at tumakbo paalis sa lugar na 'yon.
Tama! Kaya pala parang pamilyar sa 'kin ang pangalan na sinabi ni Scart kanina. Pero...bakit niya iyon sinabi? Sino si Damania?
Sandali. Kong alam ni Scart kong sino si Damania. Posible kaya siya ang misteryosong babae- Hindi! Babae pala iyon at lalaki si Scart.
Hayst! Ano ba 'to? Naguguluhan na ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Teleserye ba 'to? May pa thrill?
Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Scart. Nag tama ka agad ang paningin naming dalawa. Pero ako na ka agad ang unang nag-iwas.
Hindi ko siya pinansin hanggang sa matapos ang lahat ng subject namin this morning. Isa pa wala naman talaga akong balak pansinin siya habang buhay kahit mag katabi kami. Sa ginawa niya kanina. Akala niya papansin ko pa siya?
-
"Jel," tawag sa 'kin ni Kyle sa kalagitnaan ng pagkain ko.
Nasa canteen kami ngayong tatlo at sabay na nag lunch.
"Hmm?" tugon ko. At sumubo pa ng pagkain.
"Wag ka sana magalit sa tanong ko. Pero gusto ko malaman kong bakit ka pala kanina hinila palabas ng room ni Scart? Nag sorry ba siya sa 'yo dahil sa ginawa niya?"
Natigil ako saglit sa pag nguya ng pagkain at malalim na bumuntong hininga. Nilunok ko mo na lahat ng pagkain sa bibig ko bago nag salita.
"Amin nalang 'yon," sabi ko.
"Sabihin mo na kaibigan mo naman kami, e," pangungulit niya.
"Oo nga." Tumango si Kate.
Umiling ako. "Ayo ko. Kumain na nga lang tayo."
Sabay silang ngumusong dalawa at tumango nalang at hindi na ako pinilit pang mag salita.
Dumaan ang buong hapon at nakapagtaka na hindi nag klase si mama.
Kukunin ko na sana ang bag ko ng hindi ko ito makuha.
Napapikit ako sa inis.
Alam ko na kong bakit hindi ko makuha bag ko. May ginawa nanaman panigurado ang mga loko kong kaklase.
"Kainis naman!"
Napatingin ako kay Scart at nakita ko ang mukha niyang naiinis habang pilit na kinukuha ang bag niya sa upuan. Pero tulad ko hindi niya rin makuha.
Napatingin siya sa 'kin ng mapansin niyang nakatingin ako sa 'kaniya.
"Ano?" pabulong na tanong niya.
Nagsalubong ang dalawa kong kilay at inis na pumunta sa likod ng upuan namin. Nakita kong pasimpleng tumawa ang dalawang pasaway na lalaki nakaupo sa likod namin.
Hindi nga ako nag kakamali tinali nila iyong bag namin ni Scart. Highschool na sila pero para silang elementary kong mang trip.
Inis kong tinanggal ang pagkatali sa bag namin.
"Madapa sana gumawa nito!" inis na sabi ko at masamang tiningnan ang dalawa.
Agad silang nag-iwas ng tingin at sumipol-sipol.
-
"Bakit pala wala ang mama mo?" tanong ni Kate sa 'kin pagkalabas ng classroom.
"Oo nga, bakit hindi nag turo si tita? May sakit ba siya?" si Kyle.
Ngumiwi ako at nag kibit balikat. "Hindi ko rin alam, e."
Hindi ko alam kong bakit hindi nag klase si mama sa amin. Wala naman siyang sakit at nauna pa nga siya dito sa eskwelahan kanina.
Hindi kasi kami sabay kong pumasok ng eskwelahan ni mama. Ewan, kong bakit hindi siya sumasabay sa 'kin pumasok. May kotse naman si papa at para hindi na siya namamasahe pa.
Pagkalabas ng eskwelahan nakita ko ka agad si papa sa labas at nakasandal sa kotse. Nag paalam agad ako sa mga kaibigan ko at tumakbo papalapit kay papa.
"Pa, kanina ka pa?" tanong ko pag kalapit kay papa.
"Kakarating ko lang. Ano? Tara na?"
Tumango ako at pumasok ng sasakyan. Sa likod ako lagi naka pwesto dahil maluwag at solo ko ang pwesto dito.
"Pa, matanong ko lang. Bakit hindi sumasabay sa atin si mama?" tanong ko sa kalagitnaan ng biyahe.
Nakita ko sa rear mirror ang pag-iba ng mukha ni papa. Bumuntong hininga siya at matagal bago nagsalita.
"Anak, ano gusto mong ulam mamaya?" Hindi niya sinagot at tanong ko at iniba ang usapan.
"Pa, iyong tanong ko hindi niyo pa nasasagot," reklamo ko.
Hindi siya nagsalita at hindi na ako kinausap pa. Malalim akong bumuntong hininga at nanahimik nalang. Parang nag-iba ang ihip ng hangin kay papa.
Pagkarating namin sa sementeryo. Nag pa iwan ako sa loob ng kotse at hindi na sumama kay papa sa loob. Malakas kasi ang ulan at sabi ni papa dito nalang daw ako.
Kaya ito ako ngayon nag soundtrip sa loob.
Napatingin ako sa labas ng bintana ng may nag park na sasakyan sa tabi namin.
Bumaba ang isang gwapong lalaki na naka uniporme at parang wala sa sarili. Bumaba siya ng walang payong at nakatulala habang nag lalakad. Parang may problema siya o may iniisip na malalim.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya nakita pa.
Ilang oras na ako sa kotse. Pero wala pa si papa. Kaya napag desisyonan kong pumasok ng sementeryo para sunduin siya. Kumuha ako ng payong at lumabas ng kotse.
Medyo malakas parin ang ulan pero hindi na tulad kanina.
Hindi ko alam kong saan ang puntod ni lolo dito. Hindi naman kasi ako sinasama ni mama at papa kapag dadalaw sila. Lagi nila ako iniiwan sa bahay ng mag-isa. Nakita ko naman ang lolo ko pero hindi sa personal. Sa litrato nga lang.
Napahinto ako sa paglalakad ng naagaw ng atensiyon ko ang lalaki nakita ko kanina. Nakayuko siya at ang kamay niya ay nasa puntod ng isang tao at umiiyak habang nag papaulan.
Parang nagkaramdam ako ng awa sa at pag-aalaga sa 'kaniya. E, sa hindi ko naman siya kilala.
Hindi ko alam pero dahan-dahan ko siya nilapitan at pinayungan.
"Please comeback to me..."
Parang piniga ang puso ko sa sinabi niya ng hindi ko maintindihan kong bakit. Bakit ko ba 'to nararamdaman?
"Hoy! Pwede ba 'wag kang mag drama sa ulan. Wala ka sa teleserye," sabi ko.
Natigil siya sa pag-iyak at nag-angat ng tingin sa 'kin. Nanlaki ang mata niya ng magtama ang mga mata namin.
Gwapo pala siya sa malapitan. Sobrang puti at ang tangos ng ilong. V-shape siya at ang perfect niya tingnan. Kapag siguro nag audition ito maging artista. Tanggap ka agad siguro siya.
Laking gulat ko ng tumayo siya at bigla ako niyakap. Hindi ko alam pero biglang tumibok ang puso ko ng napakalakas. Parang may bigla ring kuryente ang dumaloy sa katawan ko.
"Sabi na nga ba at babalik ka sa 'kin," bulong niya at humikbi.
Hindi ako nakapagsalita.
Dahan-dahan siya kumalas sa pagkayakap sa 'kin at hinawakan ang mukha ko. Hindi ko alam pero kusang tumulo ang mga luha ko. Para akong nadadala sa emosiyon niya.
"I am not dreaming right?" tanong niya at lumuluhang nakangiti habang hawak ang mga pisngi ko.
Hindi ulit ako nakapagsalita. Parang tinahi ang bibig ko at hindi ko ito mabuka.
Dahan-dahan niya nilapit ang mukha niya sa 'kin at hinalikan ako sa noo. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa ginawa niya. Na istatwa ako sa kinatatayuan ko at hindi nakagalaw.
Pero mas nagulat ako ng bigla siyang nahimatay sa harap ko.
Nabitawan ko ang payong ko at agad ko siya tinapik-tapik sa pisngi niya. Ngayon ko lang napagtanto kong gaano siya kainit.
"A-Anong gagawin ko?" Napakagat ako sa kuko ko. "Hoy! Gumising ka..." Inalog-alog ko siya at medyo natataranta narin ako.
Tumingin ako sa paligid at walang ni isang tao ang nandito.
Binaling ko ang tingin sa lalaki. "Dito ka mo na tatawag lang ako ng tulong." Agad ako tumayo at tumakbo para maghanap ng tulong.
Saktong makarating ako sa pinagparkingan namin ng kotse nakita ko si papa na papasok palang sana.
"Pa!" agad ko siya tinawag.
Nanlaki ang mata niyang napalingon sa 'kin. "Anak! Bakit basa ka?! Bakit ka nag paulan?!"
"Pa, mamaya mo na ako pagalitan. Tulongnan mo na ako. May nahimatay kasi at ang taas ng lagnat niya."
"Ha? Saan?"
"Doon pa. Tara bilisan natin!"
Sabay kaming tumakbo ni papa papasok ulit ng sementeryo. Laking pasasalamat ko ng medyo tumila ang ulan.
Nang makarating kami sa kong saan ko iniwan ang lalaki. Agad namin pinagtulongan ni papa buhatin ang lalaki at sinakay sa kotse namin para dalhin sa hospital.
Sobrang taas ng lagnat niya at para kang nakahawak ng apoy kapag hahawakan mo siya. Sino ba naman kasi hindi lalagnatin, e nag paulan siya! Gwapo sana kaso hindi nag-iisip!
-
"Kamusta siya doc?" tanong ni papa sa doktor na nagtingin sa lalaki.
Bahagya kong sinulyapan ang lalaki na wala paring malay.
"Okay na siya at medyo bumaba narin ang lagnat niya. Kayo po ba ang tatay niya?" tanong ng doktor kay papa.
Nabaling ang tingin ko sa doktor.
"Nako po. Hindi po ako ang tatay niya. Nakita lang po siya ng anak ko at dinala namin dito dahil nahimatay po siya at ang taas ng lagnat niya. Nakakaawa kasi," sagot ni papa.
Napatango ang doktor. "Gano'n po ba. Kilala niyo po ba ang mga magulang niya? May sasabihin lang po sana ako sa 'kanila."
"Sorry doc, pero hindi. Nakita nga lang siya namin."
Lumapit ako sa lalaki at hinayaan mo na sina papa at ang doktor mag-usap. Nakita ko ang ID nasa gilid niya.
May ID naman pala 'to. Bakit hindi nila tinawagan ang family niya?
Kinuha ko ang ID at binasa ang pangalan niya.
Justin Villia...iyan ang pangalan niya.
Hinanap ko ang contact number ng family niya at sinubukang tawagan ito. Buti nalang may load ako.
Pero agad ako natigil sa pag dial ng may nag ring na cellphone malapit sa akin. At napagtanto ko cellphone pala ni Justin ang nag ring.
So number niya ang nilagay niya sa contact number ng parents niya? Bakit? Paano ko tuloy masasabi sa parents niya ang nangyari sa 'kaniya?
Dahan-dahan ko kinuha ang cellphone nasa gilid niya at binuksan ito. Baka may load siya at may mga number dito ng kaibigan niya. Iyon nalang ang tatawagan ko gamit itong phone niya.
Ma swerte ako at walang password ang phone niya.
Nag hanap ako sa phone number list niya at may nakita akong mommy at daddy na pangalan. Sinubukan ko iyon tawagan pero cannot be reached.
Nag hanap ulit ako ng pwedeng tawagan. Pero napahinto ako sa isang pangalan na pamilyar sa 'kin.
Scart...
Agad ako napatingin kay Justin na hindi parin nagigising. So magkakilala sila ni Scart? Mag kamag-anak ba sila?
Ayo ko pa naman kausapin 'to. Pero wala akong choice kong hindi siya nalang ang tawagan. Baka kilala naman nito ang parents niya.
Hindi naman siguro makikilala ni Scart ang boses ko.
"Hello, Justin?" Wala pang tatlong ring agad niya sinagot ang tawag.
Sana all, ganito ka bilis kong sumagot ng tawag. Ma swerte magiging jowa nito panigurado.
Huminga ako ng malalim bago nag salita. "Kamag-anak po ba kayo ni Justin Villia?" Medyo nilaliman ko ang boses ko.
"Hindi. Kaibigan niya ako. Bakit nasa iyo ang phone ng kaibigan ko?"
Ah...mag kaibigan...
"Kasi po nasa hospital po ang kaibigan niyo-"
"Ano?! Nasa hospital si Justin?! Ano nangyari sa 'kaniya?!" nag-aalang tanong niya na may pasigaw.
Bahagya ko nilayo ang tenga ko sa phone.
"Sinugod po kasi siya dito dahil mataas po ang lagnat. Pakisabi nalang po sa magulang niya na nandito siya sa South Hospital at pakipuntahan narin po siya. Bye!" Hindi ko na hinintay mag salita siya at agad ko na binaba ang tawag.
Dahan-dahan ko binalik ang phone sa kong saan ko ito kinuha at lumapit kay papa at sa doktor.
"Natawagan ko na po ang kaibigan niya at papunta na po dito," sabi ko.
Napatingin sila sa akin. "Nice. Sige maiwan ko na kayo," paalam ng doktor.
"Anak, uwi na tayo?"
Nabaling ang tingin ko kay papa. "Pero, paano po siya?" sinulyapan ko si Justin.
"Sabi mo papunta na dito ang kaibigan niya diba? Kaya pwede na natin siya iwan. Gabi narin kasi at basa ka. Baka ikaw naman mag kasakit niyan. Sakitin ka panaman."
Bumuntong hininga ako at tumango. "Sige po, uwi na tayo. Baka hinahanap narin tayo ni mama."
Tiningnan ko ulit si Justin. Parang bigla ko narinig ang sinabi niya kanina na please comeback to me...
Edited Version
“Saan kayo galing at ginabi kayo?” bungad na tanong sa amin ni mama pagkarating ng bahay. “Sa sementeryo,” sagot ni papa at umupo sa sofa. Nakita ko ang pag-iba ng mukha ni mama. “Ano? Isinama mo si Jel?” Sa pagkatanong ni mama kay papa. Ang tono ay parang hindi dapat ako sinama. Bumuntong hininga si papa at matagal bago sumagot. “Hindi. Natagalan kasi ako sa sementeryo kaya gabi na ng naisundo ang anak natin sa bahay ng kaibigan niya.” Nagulat ako sa pagsisinungaling ni papa. Taka ko tiningnan si papa. Tiningnan niya lang ako ng makahulugang tingin. Bakit ganiyan ang sinagot niya? Bakit kailangan niya mag sinungaling kay mama? Pwede niya naman sabihin na sinama niya ako. Ano masama do‘n? Nakita ko ang pagkahinga ng maluwag ni mama. “Mabuti naman kong gano‘n.” “B-Bakit po? Masama po ba na sumama ako?” biglang ta
Dahan-dahan siyang lumuhod para abot ako. “Jeltrod Bonifacio nice to meet you…” Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa pagsambit niya sa pangalan ko. Teka bakit…parang boses ko ang naririnig ko sa ‘kaniya? “B-Bakit ka boses kita? Ginagaya mo ba boses ko ha?!” malakas na tanong ko. Dahan-dahan niya nilapit ang mga palad niya sa pisngi ko. Nilayo ko ang pisngi ko sa ‘kaniya at masama siyang tiningnan kahit takot na takot na ako sa mga kilos niya. Nanalangin ako na sana may taong makakita sa ‘kin o dadaan dito. “Jeltrod?!” Agad ako napatingin sa paligid ng narinig ko ang boses ni Kyle na tinatawag ang pangalan ko. “Magkikita pa tayo ulit.” Binalik ko ang tingin ko sa misteryosong tao nakatayo sa harap ko. Napansin kong bumalik sa pagkalalim ang boses niya. Ibig sabihin gin
Hindi kaya iisa sila? Imposible pero pwede rin posible. Pero lalaki siya at babae ‘yon— o baka akala ko lang talaga babae. “O? Sir ano meron? Ba‘t natulala kayo?” tanong ng isa sa mga kaklase ko dahil na mag-iwas ng tingin si sir sa ‘kin. “Nothing. Anyway, i want all of you introduce your self to me. Start with you.” Turo niya kay Michelle. Tumayo si Michelle at nagpakilala sa harap namin. Sunod ang katabi niya hanggang sa umabot sa ‘min. Tumayo si Kate at ngumiti kay sir. “My name is Kate Mary Porton sir,” pakilalala niya. Sinenyasan siya ni sir umupo kaya agad siyang umupo. Sunod napatingin sa ‘kin si sir at sinenyasan akong tumayo. Tumayo naman ako at nagpakilala. “My name is Jeltrod Bonifacio.” Hindi ko na hinintay na senyasan ako ni sir umupo at umupo nalang ako. “Bastos…” dinig kong bulong ni Sca
Third Person POV. Nakamasid siya ngayon sa taong matagal niya nang gustong patayin dahil sa galit. Ilang beses niya na itong pinagtangkaan ngunit hindi niya talaga kaya pumatay ng tao. Sabik narin siyang makitang bumagsak ang taong ito. At kapag nangyari iyon, siguro siya na ang pinakamasayang tao sa buong mundo. Hindi niya maiwasan ikuyom ang kaniyang kamao sa inis na makitang tumatawa ang lalaki. Sobra napaka hayop ng taong ‘yon. Wala ba siyang konsensiya? Talagang nakuha niya pang tumawa? Hindi niya ba naiisip ang lahat na masasamang ginawa niya? Wala siyang puso! Agad siyang nagtago nang mapatingin sa gawi niya ang lalaki. Nang hindi na nakatingin ang lalaki sa ‘kaniya. Dahan-dahan niya na ito sinilip ulit. Ngunit ganoon nalang ang pagkaramdam niya ng kirot sa ‘kaniyang puso ng makita ang babaeng mahal niya na hinalikan ang lalaking kinamumuhia
JELTROD POV. Naglalakad ako ngayon pa puntang bahay. Mag gagabi na at medyo umaambon. Mukhang uulan pa yata. Ngayong lang ako nakarating sa baranggay namin dahil wala masiyadong masakyan kanina dahil lahat puno.Hindi kasi ako nag pasundo kay papa dahil alam kong sumasakit ang paa niya ngayon. At si mama naman— syempre hindi kami sabay. Lagi naman, e. Minsan napapaisip ako kong kinahihiya niya ba akong anak niya kaya hindi niya ako minsan napapakilala sa friends niya o sinasamahan.Napahinto ako sa paglalakad ng may naramdaman akong parang sumusunod sa ‘kin. Sa totoo niyan kanina ko pa napapansin na parang may sumusunod sa ‘kin, mula sa school.Hindi kaya siya namaman ‘to? Mag-isa lang akong nag lalakad ngayon dito at walang medyo tao ngayon sa bandang lugar kong saan ako naglalakad ngayon.Mas lalo ko binilisan ang paglalakad. Hindi ko maiwasan
THIRD PERSON POV. Pagod na umupo ang binatang nag ngangalang, Kenie Milaire. Katatapos niya lang mag buhat ng mga gulay sa palengke. Tagaktak ang pawis sa katawan niya at masakit na ang mga braso niya. Ngunit, wala siyang magawa. Kailangan niyang mag trabaho para mabuhay. Kumuha siya ng tubig sa bag niya at ininom iyon. Sa sobrang uhaw at dala ng pagod. Na ubos niya ka agad ito. Habang umiinom siya ng tubig. Hindi niya alam may makamasid sa ‘kaniya na kotse mula sa malayo. Isang babaeng may katandaan na ngunit maganda parin. Bilugan ang mata, blonde ang buhok at mayaman. Ito ay ang kaniyang ina. Si Daria Milaire. H
"T-Tita, anak niyo po si Jeltrod?" Sabay kaming napalingon kay Justin. Tama ba narinig kong tinawag niya si mama na tita? Magkakilala ba sila? Tiningnan ko si mama at papa na gulat at nanlaki ang mata habang nakatingin kay Justin. "Ah, oo. Anak nila ako," ako ang sumagot sa tanong ni Justin. Napatingin siya sa 'kin ng hindi makapaniwala sa narinig. Bakit ganiyan ang reaksiyon niya? Oo alam ko ang layo ng mukha namin ni mama at maraming nagsasabi no'n. Nagtataka nga rin ako kong kanino ako nag mana. Hindi rin naman kami mag kamukha ni papa. Kaya nga minsan napapaisip ako na baka ampon lang talaga ako. Tulad ng sabi ng mga kaibigan at kakilala ni mama. "Bakit ganiyan ang mukha mo? Alam kong hindi kami magkamukha pero anak niya ako. Sa 'kaniya ako nanggaling. Diba mama?" Baling ko kay mama. Nanatili parin ang tingin niya kay Justin. "Mama?" tawag ko ulit sa 'kaniya. Dahilan na b
"Kamukha ko ang kapatid mo matagal ng patay?!" Hindi makapaniwalang tanong ko. Dahan-dahan sila tumango sa 'kin. Parang akong binuhusan ng sobrang lamig na tubig sa katawan. Hindi ako makapaniwala sa mga kinwento nila sa 'kin. Paano nangyaring kamukha ko ang kapatid niya? Posible ba 'yon? Kong kahawig lang ay maniniwala pa ako. Pero iyong sobrang magkamukha, napaka imposible. Kong titingnan ko ang mukha ng kapatid niya ay parang iisang tao kami. Sobrang creepy lalo na at matagal na daw itong patay. "P-Pero sabi ni Justin. Ako daw itong pinipinta at ginuguhit mo," naguguluhang sabi ko at dahan-dahan na tumingin kay Justin. Nagkatingina silang dalawa ni Justin at parang nag-uusap gamit ang mga mata nila. Nakita ko ang paggalaw ng adams apple ni Justin, senyales na napalunok siya. Tumingin siya sa 'kin. "S-Sorry. Nadala lang talaga ako kanina. S-Sobrang magkamukha kasi kayo kaya...kong a
Hello, It's have been a long time since I last update. Sorry for the no update this past few months because I am so busy with my school work. And nakaranas din ako ng depression and stress sa family ko dahilan na lalo ako hindi nakapagsulat at napilitan magpahinga muna ng ilang buwan.Bilang pambawi sa hindi ko pag-update. I am happy to announce na you can read now this story just for free here at Goodnovel! You don't need coins just to unlock by reading each Chapter. I hope you continue to support this book and expect me to update many chapters this week. Stay safe everyone!
"D-Damania...b-buhay ka? P-Pero paano? Patay kana diba?" Napatakip siya sa bibig niya at muntik ng matumba pero buti nalang nahawakan ko siya.Pagkahawak ko sa 'kaniya agad niya akong tinulak dahilan na matumba ako. "H-Hindi...hindi nagmamalik mata lang ako. Hindi ito totoo!" Napailing-iling pa siya bago tumakbo papalabas."Janiel!" tawag pa sa 'kaniya ni Justin.Hahabulin sana siya ni Justin nang nilingon niya muna ako at akmang tutulongan makatayo pero umiling lang ako at sinenyasan siyang sundan ang kapatid niya.Huminga siya ng malalim bago ako iwan.Tumayo ako at napahawak sa siko ko dahil medyo masakit. Tumama kasi sa sahig dahil sa pagtulak niya sa 'kin. Siguradong nagulat siya ng makita ako kaya gano'n nalang ang reaksiyon niya kanina. Pero sobra naman yata 'yon.Bumaba ako at hinanap ng mga mata ko si Justin at ang kapatid niya pero wala sila dito.
Sa halos dalawang oras na byahe nakarating ‘din kami sa bahay niya. Napakalayo nito at siguro araw-araw siyang na la-late sa school niya. Maliban nalang kong maaga siya gumigising at bumabyahe. Hindi ko alam kong ano ang pangalan ng lugar na ‘to. Gusto ko sana itanong sa ‘kaniya pero mukhang ayaw niya naman akong kausapin.Malalim akong bumuntong hininga at iginala ang paningin ko sa paligid. Ngayon ko lang napansin na ang lugar na ito ay malapit pala sa tabi ng dagat at nakakarelax ang huni ng alon at paligid.“Tara pasok tayo,” sabi niya at nag pangunang naglakad.Hindi ko maiwasan hindi malungkot habang nakasunod sa ‘kaniya. Ang tono ng pananaalita niya kanina iba sa tono kong paano niya ako kausapin noon at hindi niya na ako ningingitian hindi tulad noon na panay ang ngiti niya sa ‘kin kahit nagsasalita.Pagkapasok namin ng bahay niya sinenyasan niya lang akong
Napalingon ako sa likod ko at napatayo ng marinig ang pamilyar na tawanan. Nakita ko si Justin kasama ang mga kaibigan niya. Si Druce nakaakbay sa 'kaniya habang tinitingnan siya ng nakakatuksong tingin at si Peter naman parang walang pakiealam sa mundo."J-Jel," sambit ni Justin sa pangalan ko ng makita ako.Napatingin sa 'kin ang dalawa. "Hindi naman si Jel-" Hindi natapos ni Druce ang sasabihin at gulat na ibinalik ang tingin sa 'kin. "Oo nga si Jeltrod nandito. Pero sandali bakit ka nandito?" tanong niya.Hindi ko siya sinagot at tumingin kay Justin."Ah! Alam ko na. Nandito ka ba for our handsome best friend name Justin Villia?" nakangising tanong niya.Inalis ni Justin ang braso ni Druce nakaakbay sa 'kaniya at lumapit sa 'kin. "Bakit ka nandito?" tanong niya.Hindi ko siya sinagot at niyakap. Hindi ko man makita ang reksiyon niya alam kong nagulat siya sa ginawa ko.
JELTROD‘S POV.Nandito ako ngayon sa labas ng pinto ng kwarto ni Kate. Pinagmamasdan ko siya mula dito. Matagal narin akong nakatayo dito at nasa tabi ko si Justin ngayon.“Bakit ayaw mo pumasok?” tanong ni Justin sa ‘kin.Umiling ako. “Ayo ko. Hindi ko pa siya kayang lapitan tanging pagmasdan lang siya mula dito ang magagawa ko ngayon,” sagot ko at tiningnan siya.“W-What happened to her?”“Sinasagaan siya at pinagbabaril.”Nanlaki ang mata niya. “What?”Bununtong hininga ako at umupo sa upuan na nandito sa labas. Tumabi sa ‘kin si Justin at bumuntong hininga rin. Hindi na ako nagsalita at hindi narin siya nagsalita kaya binalot kami ng katahimikang dalawa.Humikab ako ng makaramdam ako ng antok. Sinandal ko ang ulo ko at pinagkrus ang braso ko
Napatayo ako ng makitang si Kyle nakakalabas lang ng room ni Kate dito sa Hospital. Namumula ang mata niya dahil kahapon pa siya iyak ng iyak dahil sa nangyari kay Kate. Laking pasasalamat ko na buhay pa si Kate matapos na masamang nangyari sa 'kaniya. Hindi lang siya basta sinagasaan nabaril pa siya sa balikat niya. Hanggang ngayon hindi parin siya nagigising at sinabi na ng Doctor kanina na posibleng magkaroon siya ng amnesia kapag nagising siya. Pwede daw temporary at pwede rin hindi. Pero sana h‘wag naman dahil alam ko kong gaano kahirap mawalan ng alaala. Siguro nga hindi na talaga babalik itong alaala ko. "Jel masama ba akong boyfriend?" tanong niya at umupo sa tabi ko. "Ano bang sinasabi mo? Hindi ka masamang boyfriend. Para sa 'kin boyfriend material ka." Ngumiti ako sa 'kaniya pero nawala rin 'yon ng tiningnan niya ako ng malungkot. Malalim akong bumuntong hininga. "Sorry kas
Hello po it's been a long time since my last update for this story. I want to know all of the readers who read this book that there are some changes I put in this story. I just revised it to make this book more suspenseful. And about the name of the main character. I want you to know that I changed it to make it unique. At para hindi kayo malito sa story, I suggest reading it again from the prologue. The flow of the story is still the same pa naman pero mas maganda na basahin niyo po ulit siya. That's all. Stay safe and thank you for your support. I hope you will still support this book until we reach the Epilogue of the story.
JELTROD POV. Tulala lang ako habang nakikinig sa class ni Miss Chong. Iniisip ko ngayon ang gusto sabihin sa ‘kin makailan ni Kate. Hinei kasi natuloy dahil dumating bigla si mama. “Kaya sasabihin ko na sa ‘yo ang totoo,” seryosong sabi ni Kate sa ‘kin. “Anong totoo?” tanong ko. Magsasalita sana siya ng biglang bumukas ang pinto ng rooftop. Sabay kaming napatingin ni Kate kay mama na naglakad papalapit sa ‘min. Blanko ang mukha niya ng tumingin sa ‘kin at kay Kate. Huminto siya sa harap namin. “Sige, ituloy mo,” sabi ni mama. Tiningnan ko ulit si Kate. Bakas sa mukha niya ang gulat at takot. Hindi ko maintindihan kong bakit ganiyan ang reaction niya. Dahan-dahan niya ulit ako tiningnan at napalunok. “J-Jel,” nauutal na sambit niya sa pangalan ko. T
THIRD PERSON POV. Bumaba ang isang babaeng maganda, maikli ang buhok, singkit ang mata, matangos ang ilong, manipis ang labi at matangkad. Inilibot niya ang paningin sa labas ng bahay nila. Matagal rin niyang hindi nakita ang bahay na ito at nakaramdam siya nag pagka sabik na tumira ulit dito kasama ang kaniyang pamilya. Napangiti siya ng makita ang isang babae na lumabas ng gate. Hindi parin nag babago ang mukha ng kaniyang ina. Maganda parin ito at mukha parin bata parang walang anak kong tingnan. "Janiel anak!" Agad siyang niyakap ng kaniyang ina. "Welcome back, I miss you so much." "I miss you too mommy." Matagal niya rin hindi nayakap ang ina dahil pagkatapos ng aksidenteng nangyari ay doon na siya pinaaral ng kaniyang ama sa Paris. Kumalas siya sa