Share

CHAPTER 12

Author: CyLili
last update Last Updated: 2020-11-19 15:48:02

"T-Tita, anak niyo po si Jeltrod?"

Sabay kaming napalingon kay Justin.

Tama ba narinig kong tinawag niya si mama na tita? Magkakilala ba sila? Tiningnan ko si mama at papa na gulat at nanlaki ang mata habang nakatingin kay Justin.

"Ah, oo. Anak nila ako," ako ang sumagot sa tanong ni Justin.

Napatingin siya sa 'kin ng hindi makapaniwala sa narinig. Bakit ganiyan ang reaksiyon niya? Oo alam ko ang layo ng mukha namin ni mama at maraming nagsasabi no'n. Nagtataka nga rin ako kong kanino ako nag mana. Hindi rin naman kami mag kamukha ni papa. Kaya nga minsan napapaisip ako na baka ampon lang talaga ako. Tulad ng sabi ng mga kaibigan at kakilala ni mama.

"Bakit ganiyan ang mukha mo? Alam kong hindi kami magkamukha pero anak niya ako. Sa 'kaniya ako nanggaling. Diba mama?" Baling ko kay mama. Nanatili parin ang tingin niya kay Justin. "Mama?" tawag ko ulit sa 'kaniya. Dahilan na bigla niyang ibinaling sa 'kin ang tingin niya.

"Ah, oo." Ngumiti siya ng pilit sa 'kin.

"Mama ko na nag sabi niyan," nakangiting sabi ko kay Justin.

"P-Pero...wala akong alam na may anak si tita na ang mukha ay tulad ni-" Naputol ang sasabihin ni Justin ng nagsalita si papa.

"P-Pumasok kana ng bahay, Jel."

Hindi ko nilingon si papa. "Ha? Bakit? Magkakilala ba kayo?" Turo ko sa mga magulang ko.

Hindi ko alam pero parang nakakaramdam ako ng kaba sa maaring isagot ni Justin. Ano naman kong magkakilala sila? Bakit ako kakabahan?

Sasagot na sana si Justin ng biglang akong hinila ni mama papasok ng bahay. Mahigpit ang pagkahawak ni mama sa braso ko habang hinihila ako papasok sa loob ng bahay. Nagpumiglas ako ng paakyat na kami. Pero mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkahawak sa braso ko.

Padabog niyang binitawan ang braso ko ng makapasok kami sa kwarto ko. Napaupo ako sa kama ko at tiningnan siya. Masama ang mga tingin niya sa 'kin.

"Bakit kasama mo ang lalaking 'yon?!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw niya. "Ano? Sumagot ka!" Napalunok ako. "Umamin ka nga sa 'kin. Bumalik na ba ang alaala mo?"

Natigilan ako sa tanong niya. Oo nga pala. Five years ago noong maaksidente ako at nagkaroon ng amnesia. Hanggang ngayon wala akong maalala. May gamot naman akong iniinom para bumalik ang alaala ko pero walang talab. Ni katiting na alaala wala parin.

Dahan-dahan ko minulat ang mata ko. Bumungad sa akin ang puting kisame. Iginala ko ang paningin ko at may isang babae at lalaki ang nakatayo hindi malayo sa 'kin at may kinakausap. Hindi ko medyo makita ang mukha ng kausap nila dahil sa puting kurtina na nakaharang sa mukha ng kausap nila.

Dahan-dahan ako bumangon pero agad rin napahiga ng biglang kumirot ang ulo ko. Napansin ko na agad na lumapit sa 'kin ang babae at lalaki na may kausap kanina.

"Gising kana pala. H'wag ka munang gagalaw," sabi ng babae sa 'kin.

Pinagmasdan ko siya at ang lalaking kasama niya. "S-Sino kayo?" kinakabahang tanong ko. Hahawakan sana ako ng babae ng bahagya kong nilayo ang sarili ko.

Nagkatinginan ang babae at lalaki at sabay na bumuntong hininga.

"Alam kong hindi mo kami naalala. Dahil may amnesia ka," sabi ng lalaki.

Taka ko silang tiningnan. "A-Amnesia?" tanong ko.

Sabay silang dalawang napatango. Pinakaramdaman ko ang sarili ko at napapikit sa inis ng hindi ko alam kong nagsasabi sila ng totoo. At higit sa lahat pati pangalan at lahat ng tungkol sa 'kin ay hindi ko alam. Wala akong maalala!

"A-Anong nangyari? B-Bakit hindi ko alam ang pangalan ko? A-Ano ang pangalan ko?" sunod-sunod na tanong ko.

Ngumiti ang babae sa 'kin at hinawi ang buhok ko napunta sa mukha ko. "Naaksidente ka at nawala ang mga alaala mo dahil nga may amnesia ka. Pero h'wag kang mag-alala. Tutulongan ka namin ng papa mo na bumalik ang alaala mo." Tumingin siya sa lalaki na sinabing niyang papa ko.

"M-Mga...magulang ko ba kayo?" tanong ko.

Tumingin ulit sa 'kin ang babae at tumango. "Oo. Ako ang mama mo at siya naman ang papa mo." Turo niya sa kasama niyang lalaki. "At ikaw naman ay si Jeltrod Bonifacio. Ang anak namin."

Pero bakit nagagalit siya kong sa 'kaling bumalik nga ang alaala ko? Hindi ba dapat matuwa siya. Ipinangako niya pa nga dati na tutulungan niya akong bumalik ang ala-ala ko.

"Jel ano?! Sumagot ka nga!" Bumalik ako sa realidad ng sigawan niya ulit ako.

"Hindi pa," sagot ko.

Nakita ko sa mukha niya na para siyang nakahinga ng maluwag sa sinabi ko.

Lumuhod siya sa harap ko para abot ako at hinawakan ang kamay ko. Naguguluhan ko siyang tiningnan. Kanina galit na galit siya tapos ngayon ganito siya. Naguguluhan ako sa mga nangyayari ngayon.

"Anak, h'wag ka ng lalapit sa lalaking 'yon. Ayo ko makita na kinakausap mo siya," seryosong sabi niya.

"B-Bakit?" naguguluhang tanong ko.

"Dahil mapapahamak ka lang."

Hindi ako nakapagsalita. Napalunok ako. Anong ibig niyang sabihin na mapapahamak ako? Masamang tao ba si Justin? Parang hindi naman.

Malalim akong bumuntong hininga at tumango nalang. "Opo. Hindi napo ako lalapit o makikipag-usap sa 'kaniya."

Ningitian niya ako at niyakap. Hindi ko alam pero kakaiba ang pakiramdam ko ngayon dahil yakap niya ako. Hindi ko maintindihan kong bakit.

Kumalas siya sa pagkayakap sa 'kin at nakangiti akong tiningnan. Ngumiti naman ako ng pilit.

"Sige, lalabas mo na ako. Dito kalang h'wag kang susunod sa 'kin," bilin niya bago lumabas ng kwarto ko.

Napabuntong hininga ako. Tumayo ako at sumilip sa bintana. Kita ko mula dito na kinakausap ni papa si Justin. Halatang naiinis si Justin sa pinag-uusapan nila dahil napapasabunot siya minsan sa buhok niya.

Nakita kong lumabas si mama at hinarap si Justin. May sinabi siya dito ng lalo kinainis ni Justin. Maya-maya lang nanlaki ang mata ko ng sinampal siya ni mama at hinawakan sa braso. Sinubukan awatin ni papa si mama pero hindi ito nakinig at pagkatapos hinila si Justin papalayo. Agad naman sumunod si papa sa 'kanila.

Gusto ko rin sumunod pero hindi pwede. Baka magalit nanaman si mama sa 'kin.

Bumalik ako sa kama ko at binagsak ang katawan ko. Pumikit ako pero agad 'din napamulat ng mga mata. Ng biglang nag vibrate ang cellphone ko. Meron akong message galing kay Kate.

From: Kate

Pupunta ako diyan. May kailangan akong sasabihin sa 'yo.

Ano kaya sasabihin nito sa 'kin?

To: Kate

Pwede sa lunes mo nalang sabihin 'yan? Wala ako sa mood makipag-usap ngayon.

Pinatay ko na ang cellphone ko pagkatapos kong i send 'yon. Napahiga ulit ako sa kama ko at ipinikit ulit ang mga mata ko. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

Kinabukasan maaga ako nagising at nag jogging. Wala akong ginawa buong araw kong hindi ang mag basa ng libro at manood ng anime.

"Anak." Napatingin ako sa pinto ng pumasok si papa. May dala siyang tray na may pagkain, tubig at gamot.

Sinara ko ang libro na binabasa ko at tumayo. Dahan-dahan niya nilapag ang tray na hawak sa lamesang nasa gilid ng kama ko.

"Kain na. Masarap 'yan ako nag luto." Ngumiti siya.

Tumango ako. "Sige po."

"Anak," tawag sa 'kin ni papa. Tiningnan ko siya ng nagtatanong na tingin. Bumuntong hininga siya. "Sana balang araw h'wag kang magalit sa 'min."

"Po? Bakit naman ako magagalit sa inyo?"

Binigyan niya lang ako ng ngiti. "Sige, kumain ka lang diyan. Lalabas na ako."

"Sige po."

Pinagmasdan ko si papa na lumabas at isinara ang pinto ng kwarto ko.

Kinain ko nalang at inubos ang pagkain ko at uminom ng tubig. Napatingin ako sa gamot na iniinom ko.

"Sayang lang ang pera namin kakabili sa 'yo. Hindi naman bumabalik ang alaala ko," sabi ko at itinapon ang gamot ko sa basurahan.

-

Maaga ako nagising dahil may pasok na ngayon at lunes na. Bababa na sana ako ng sasakyan ng pinigilan ako ni papa. "Bakit po?"

"Iyong lunch mo." Inabot niya sa 'kin ang paper bag na may lamang pagkain, na inihanda niya kanina sa 'kin.

"Salamat. Papasok na po ako," paalam ko at bumaba na ng sasakyan. Pinagmasdan ko pa ang kotse ni papa na umalis papalayo.

Hindi pa man ako nakakapasok sa eskwelahan ng biglang may humila sa 'kin papalayo. Nanlaki ang mata ko ng malaman kong sino 'yon.

"Sumama ka sa 'kin," sabi niya.

"Justin?! Ano ba! B-Bitawan mo nga ako!" Nagpumiglas ako pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkahawak sa braso ko at tinakbo ako papalayo.

Hindi ko alam kong saan niya ako dadalhin. Kahit anong pagpupumiglas ko hindi ako makawala sa hawak niya.

Dinala niya ako sa parking lot at ipinasok niya ako sa sasakyan niya. Tatakas sana ako ng bigla niya akong sinuotan ng sitbelt. Pagkatapos niya akong suotan ng sitbelt, isinara niya bigla ang pinto ng kotse at may kong anong pinindot na bagay sa kamay niya. Dahilan na hindi ko na nabuksan ang pinto. Masama ko siyang tiningnan ng pumasok siya at pinaandar ang kotse.

"Ano ba kailangan mo? May pasok pa ako!" naiinis na sabi ko.

Hindi niya ako sinagot at seryosong nakatingin sa daan.

Napapikit ako sa inis at itinuon ang tingin sa labas ng bintana. Ano ba kailangan sa 'kin ng lalaking 'to? Bakit ba hilig niyang manghila? Kainis! May pasok pa ako at baka hanapin ako mamaya ni mama. Baka magalit 'yon sa 'kin mamaya. Dahil baka isipin niya nag cutting classes ako.

"Jel," tawag sa 'kin ni Justin.

Nilingon ko siya. Himala hindi na buong pangalan ko ang tinawag niya sa 'kin.

"Alam mo bang..." pambibitin niya sa sasabihin niya.

"Ano 'yon sabihin muna?!" naiinis na tanong ko ng hindi na siya nag salita pa at itinuon ulit ang tingin sa daan.

"Mamaya nalang. May ipapakita ako sa 'yo," sabi niya at mas lalong binilisan ang pagpatakbo ng kotse.

Matagal-tagal rin noong hininto niya ang sasakyan sa isang bahay. Hindi ko alam kong anong lugar 'to. Inilibot ko ang paningin ko sa labas. Hindi malaki at hindi rin maliit ang bahay. Maraming bulaklak sa paligid. May mga bata rin na naglalaro sa labas ng patintero at tumbang preso.

Napatingin ako kay Justin ng akma niyang tatanggalin ang sitbelt sa katawan ko. Pero itinabig ko ang kamay niya. "Kaya ko. May sarili akong kamay." Sinamaan ko pa siya ng tingin bago tanggalin ang sitbelt sa katawan ko.

Naiinis ako sa 'kaniya ngayon. Hindi ko alam kong anong problema nito at dinala ako sa lugar na 'to.

"Sorry," biglang sabi niya.

Sandali akong natigilan at tiningnan siya.

"Sorry dahil..."

"Dahil ano?"

Hindi niya na dinugtungan ang sinabi niya at pamandaliang natahimik. Lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.

Pagkababa ko napatingin pa sa 'kin ang mga bata at pinagmasdan ako. Mukhang nagtataka sila kong sino ako at bakit ako nandito.

"Ano tinitingin-tingin niyo?" Pagtataray ko. Agad naman nila iniwas ang paningin sa 'kin.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Justin. "Bakit mo ba ako dinala dito?" tanong ko kay Justin.

"May ipapakita ako sa 'yo. Sumama ka sa 'kin." Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako papasok sa loob ng bahay.

Bahay niya ba 'to? Baka maging trespassing kami nito.

Pagkapasok ng bahay nanlaki ang mata ko at bahagyang natigilan. Totoo ba 'tong nakikita ko? Maraming painting sa paligid at lahat ng 'yon ay mukha ko.

Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa mga nakikita ko ngayon. Iba't-ibang expression na mukha ko ang nasa painting. May nakangiti, tumatawa, umiiyak, malungkot, mataray, blanko at wala sa mood. Anong ibig sabihin nito?

"A-Ako 'to?" nauutal na tanong ko.

"Yeah, it's you," seryosong sabi ni Justin. Lumapit siya sa sofa at may kinuha na sketchpad nakapatong doon.

Ibinigay niya iyon sa akin at sinenyasan akong tingnan ang nasa loob. Dahan-dahan ko binuksan ang sketchpad. Napalunok ako ng makita na puro mukha ko rin ang nandito.

May isang sketch ang umagaw sa pansin ko. Nakaupo ako at may hawak na jar na may lamang gagamba. Nakangiti ako at nakaakbay sa isang lalaking matangkad sa 'kin. Habang ang lalaking iyon ay masama ang mukha.

Hindi ako makapaniwala ngayon sa nakikita ko. Paanong magiging ako 'to? Wala akong maaalala na ginawa ko 'to- sandali. Oo nga pala may amnesia ako. Posibleng ako 'to. Pero takot ako sa gagamba at sa kahit ano mang insekto takot ako. Kong ako itong babae nasa sketch. Bakit nakangiti ako habang hawak ang grapon na may laman na malalaking gagamba?

"You remember him?" Turo ni Justin sa lalaking inaakbayan ko sa drawing.

Umiling ako. "Hindi. Bakit?"

Bumuntong hininga siya. "Siya ang may-ari ng sketchpad na 'yan. At siya rin ang nagpita ng lahat na 'yan." Turo niya sa painting nasa paligid.

Hindi ko alam pero biglang may kong anong kakaiba akong nararamdaman na hindi ko mapaliwanag kong ano. Naramdaman ko rin na bahagyang namasa ang mata ko ng ituon ko ulit ang tingin sa drawing kong saan may inaakbayan akong lalaki.

"P-Pero? Bakit niya ako pinipinta at ginuguhit?" nagtatakang tanong ko. Nag-angat ako ng tingin kay Justin.

"Dahil nagsisisi at nagagalit siya sa sarili niya. Dahil mga bagay na hinayaan niyang mangyari before," sagot niya.

Ano daw? Naguguluhan ako. Nasisisi siya kaya niya ako pinipinta o ginuguhit?

"Nagsisisi siya dahil hindi naging pabaya siya. Nagagalit siya sa sarili niya dahil iniwan ka niya," dagdag niya ng mapansin na hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya.

Hindi ako nakapagsalita.

"Ngayon binabayaran niya na lahat ng mga ginawa niya noon. Hindi niya man sabihin pero alam kong nahihirapan siya, Jel. Pero alam mo kong bakit ang daming panting na mukha mo ang nasa paligid ng bahay?"

"Bakit?" Tumulo bigla ang luha ko ng hindi ko alam kong bakit. Hindi ko alam kong bakit parang naiiyak ako.

"Because, he always wants to remember you."

Hindi ko alam pero biglang kumirot ang puso ko at pinagmasdan ulit ang mga painting sa paligid.

Pero sino siya? Ano ang parte niya sa buhay ko? May ginawa ba siyang kasalanan sa 'kin noon?

"S-Sino siya?" tanong ko.

"Justin?" Sabay kaming napatingin ni Justin sa tumawag sa 'kaniya.

Natigilan ako ng makita kong sino 'yon. Kapapasok niya lang at nabitawan niya ang hawak niyang painting brush at napako ang tingin sa 'min- hindi sa 'kin.

Dahan-dahan siya lumapit sa 'kin at hindi makapaniwala akong pinagmasdan. "P-Paano?" Namuo ang luha sa mga mata niya at dahan-dahan hinawakan ang mukha ko.

"D-Da...Damania?" nauutal na sambit niya sa pangalan na pamilyar sa 'kin. Saan ko nga ba narinig 'yon?

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Napatingin ako kay Justin. Ngumiti lang siya sa 'kin habang naluluha. Parang sinasabi niya sa 'kin na h'wag mag-alala.

Hindi ko alam kong bakit ko ginawa. Basta niyakap ko nalang rin ang lalaking pumipinta at gumuguhit ng mga larawan ko.

Related chapters

  • Unlocking Her Memories   CHAPTER 13

    "Kamukha ko ang kapatid mo matagal ng patay?!" Hindi makapaniwalang tanong ko. Dahan-dahan sila tumango sa 'kin. Parang akong binuhusan ng sobrang lamig na tubig sa katawan. Hindi ako makapaniwala sa mga kinwento nila sa 'kin. Paano nangyaring kamukha ko ang kapatid niya? Posible ba 'yon? Kong kahawig lang ay maniniwala pa ako. Pero iyong sobrang magkamukha, napaka imposible. Kong titingnan ko ang mukha ng kapatid niya ay parang iisang tao kami. Sobrang creepy lalo na at matagal na daw itong patay. "P-Pero sabi ni Justin. Ako daw itong pinipinta at ginuguhit mo," naguguluhang sabi ko at dahan-dahan na tumingin kay Justin. Nagkatingina silang dalawa ni Justin at parang nag-uusap gamit ang mga mata nila. Nakita ko ang paggalaw ng adams apple ni Justin, senyales na napalunok siya. Tumingin siya sa 'kin. "S-Sorry. Nadala lang talaga ako kanina. S-Sobrang magkamukha kasi kayo kaya...kong a

    Last Updated : 2020-11-24
  • Unlocking Her Memories   CHAPTER 14

    Naglalakad ako ng nakasalubong ko si Scart na kumakain ng burger. Natigil siya sa pagnguya ng makita ako. Lalagpasan ko na sana siya ng humarang siya sa dadaanan ko at ningitian ako. “Good morning,” bati niya. Inismiran ko lang siya at nilagpasan. “Hoy! Ang sama ng ugali mo! Hindi mo man lang ako babatiin?!” Naramdaman kong humabol siya sa ‘kin. Huminto ako sa paglalakad at nakakrus ang mga braso na tiningnan siya. Ngumiti ulit siya. “Boring ka ba at wala kang mapagtripan. Kaya ako ang gusto mo pagtripan?” tanong ko. Hindi siya sumagot at may idinukot siya sa bag niya na papel at ipinakita iyon sa ‘kin. “Ano ‘yan?” tanong ko. “List iyan ng mga mag partner, na magdadala ng mga pagkain, para sa Aquiantance party,” sagot niya. “O, tapos?” “Partner tayo.” Nanlaki ang mata ko at hina

    Last Updated : 2020-12-05
  • Unlocking Her Memories   CHAPTER 15

    Naglalakad ako ng nakasalubong ko si Scart na kumakain ng burger. Natigil siya sa pagnguya ng makita ako. Lalagpasan ko na sana siya ng humarang siya sa dadaanan ko at ningitian ako. “Good morning,” bati niya. Inismiran ko lang siya at nilagpasan. “Hoy! Ang sama ng ugali mo! Hindi mo man lang ako babatiin?!” Naramdaman kong humabol siya sa ‘kin. Huminto ako sa paglalakad at nakakrus ang mga braso na tiningnan siya. Ngumiti ulit siya. “Boring ka ba at wala kang mapagtripan. Kaya ako ang gusto mo pagtripan?” tanong ko. Hindi siya sumagot at may idinukot siya sa bag niya na papel at ipinakita iyon sa ‘kin. “Ano ‘yan?” tanong ko. “List iyan ng mga mag partner, na magdadala ng mga pagkain, para sa Aquiantance party,” sagot niya. “O, tapos?” “Partner tayo.” Nanlaki ang mata ko at hina

    Last Updated : 2020-12-05
  • Unlocking Her Memories   CHAPTER 16

    “Jel. Anyare sa ‘yo?” Napatingin ka agad ako kay Kate nasa harap ko na at mukhang kapapasok lang. “Ano? Nakahanap ka ng damit na maganda?” nakangiting tanong niya. Hindi ako sumagot at dahan-dahan na humigpit ang hawak ko sa cellphone niya at kumyom ang mga kamao ko. “K-Kate, ikaw ba kumuha nito?” Ipinakita ko sa ‘kaniya ang litrato kong saan hila ako ni Justin. Natigilan siya at napalunok habang nakatingin sa litrato. “J-Jel,” nauutal na sambit niya sa pangalan ko. Inis akong napatayo at tiningnan siya ng masama. “Ano?! Sumagot ka! Ikaw ba kumuha nito?!” Hindi ko na maiwasan hindi magtaas ng boses. Kaagad naman namin, naagaw ang atensiyon ng lahat. Nakailang lunok siya bago tumayo rin at hinablot ang cellphone niya sa ‘kin. Dahan-dahan nag salubong ang mga kilay niya. “Hindi ba damit lang ang hinahanap mo?! At nasa latest screen s

    Last Updated : 2020-12-06
  • Unlocking Her Memories   CHAPTER 17

    Nakaupo lang ako habang nakipagtitigan sa dalawang kaibigan ni Justin at Scart. Mga ilang minuto narin siguro kaming ganito at nakakailang na. Pinakilala na sila kanina sa ‘kin ni Scart noong magising si Druce. Si Druce pala ang nahimatay sa harap ko kanina. Siguro inakala niyang nakakita siya ng multo dahil nga kamukha ko iyong kaibigan nilang matagal ng patay. “P-pwede ba na alisin niyo na ang tingin sa ‘kin,” utos ko. “Alam kong sobrang kamukha ko iyong kaibigan niyo at kung tatanongin niyo ako kong bakit. Hindi ko rin alam.” Pinangunahan ko na sila bago pa man sila mag tanong sa ‘kin. Bumuntong hininga si Peter. “I still can't believe you look so much like her. Para kayong iisang tao,” sabi niya. “Hindi kaba talaga si Damania?” Umiling lang ako bilang sagot. “Justin, Scart,” tawag ni Druce sa dalawang kaibigan. “Kailan niyo pa alam na may kamukha si Damania?” Nap

    Last Updated : 2020-12-07
  • Unlocking Her Memories   CHAPTER 18

    A/N: Sorry po sa tagal na walang update dahil naging busy ako noong mga nakaraang linggo sa pag-aaral dahil medyo bumaba ang grades ko. H'wag po kayo mag-alala dahil halos malapit na 'to matapos. Marami na akong chapter na sulat at lahat ng iyon ay na sa draft ko pa. I edit ko nalang siya mamaya lahat at baka magulat nalang po kayo bukas o sa susunod pa na bukas na sunod-sunod ang update. *** "B-bakit?" nauutal kong tanong. Ningitian niya ako. "Jeltrod gusto kita." Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko pakiramdam ko lalabas iyon sa dibdib ko. Bigla akong hindi nakapagsalita at naistatwa sa kinauupuan ko habang ang paningin ay sa 'kaniya. Nakangiti parin siya sa 'kin. Hindi ba siya naiilang o nahiya bigla dahil sa sinabi niya? Talagang nakuha niya pang ngumiti sa harap ko? Pinagtritripan niya ba ako? "H-Hoy! Anong sinasabi mo?

    Last Updated : 2020-12-09
  • Unlocking Her Memories   CHAPTER 19

    THIRD PERSON POV. Bumaba ang isang babaeng maganda, maikli ang buhok, singkit ang mata, matangos ang ilong, manipis ang labi at matangkad. Inilibot niya ang paningin sa labas ng bahay nila. Matagal rin niyang hindi nakita ang bahay na ito at nakaramdam siya nag pagka sabik na tumira ulit dito kasama ang kaniyang pamilya. Napangiti siya ng makita ang isang babae na lumabas ng gate. Hindi parin nag babago ang mukha ng kaniyang ina. Maganda parin ito at mukha parin bata parang walang anak kong tingnan. "Janiel anak!" Agad siyang niyakap ng kaniyang ina. "Welcome back, I miss you so much." "I miss you too mommy." Matagal niya rin hindi nayakap ang ina dahil pagkatapos ng aksidenteng nangyari ay doon na siya pinaaral ng kaniyang ama sa Paris. Kumalas siya sa

    Last Updated : 2021-08-13
  • Unlocking Her Memories   CHAPTER 20

    JELTROD POV. Tulala lang ako habang nakikinig sa class ni Miss Chong. Iniisip ko ngayon ang gusto sabihin sa ‘kin makailan ni Kate. Hinei kasi natuloy dahil dumating bigla si mama. “Kaya sasabihin ko na sa ‘yo ang totoo,” seryosong sabi ni Kate sa ‘kin. “Anong totoo?” tanong ko. Magsasalita sana siya ng biglang bumukas ang pinto ng rooftop. Sabay kaming napatingin ni Kate kay mama na naglakad papalapit sa ‘min. Blanko ang mukha niya ng tumingin sa ‘kin at kay Kate. Huminto siya sa harap namin. “Sige, ituloy mo,” sabi ni mama. Tiningnan ko ulit si Kate. Bakas sa mukha niya ang gulat at takot. Hindi ko maintindihan kong bakit ganiyan ang reaction niya. Dahan-dahan niya ulit ako tiningnan at napalunok. “J-Jel,” nauutal na sambit niya sa pangalan ko. T

    Last Updated : 2021-08-13

Latest chapter

  • Unlocking Her Memories   Authors Note:

    Hello, It's have been a long time since I last update. Sorry for the no update this past few months because I am so busy with my school work. And nakaranas din ako ng depression and stress sa family ko dahilan na lalo ako hindi nakapagsulat at napilitan magpahinga muna ng ilang buwan.Bilang pambawi sa hindi ko pag-update. I am happy to announce na you can read now this story just for free here at Goodnovel! You don't need coins just to unlock by reading each Chapter. I hope you continue to support this book and expect me to update many chapters this week. Stay safe everyone!

  • Unlocking Her Memories   CHAPTER 25

    "D-Damania...b-buhay ka? P-Pero paano? Patay kana diba?" Napatakip siya sa bibig niya at muntik ng matumba pero buti nalang nahawakan ko siya.Pagkahawak ko sa 'kaniya agad niya akong tinulak dahilan na matumba ako. "H-Hindi...hindi nagmamalik mata lang ako. Hindi ito totoo!" Napailing-iling pa siya bago tumakbo papalabas."Janiel!" tawag pa sa 'kaniya ni Justin.Hahabulin sana siya ni Justin nang nilingon niya muna ako at akmang tutulongan makatayo pero umiling lang ako at sinenyasan siyang sundan ang kapatid niya.Huminga siya ng malalim bago ako iwan.Tumayo ako at napahawak sa siko ko dahil medyo masakit. Tumama kasi sa sahig dahil sa pagtulak niya sa 'kin. Siguradong nagulat siya ng makita ako kaya gano'n nalang ang reaksiyon niya kanina. Pero sobra naman yata 'yon.Bumaba ako at hinanap ng mga mata ko si Justin at ang kapatid niya pero wala sila dito.

  • Unlocking Her Memories   CHAPTER 24

    Sa halos dalawang oras na byahe nakarating ‘din kami sa bahay niya. Napakalayo nito at siguro araw-araw siyang na la-late sa school niya. Maliban nalang kong maaga siya gumigising at bumabyahe. Hindi ko alam kong ano ang pangalan ng lugar na ‘to. Gusto ko sana itanong sa ‘kaniya pero mukhang ayaw niya naman akong kausapin.Malalim akong bumuntong hininga at iginala ang paningin ko sa paligid. Ngayon ko lang napansin na ang lugar na ito ay malapit pala sa tabi ng dagat at nakakarelax ang huni ng alon at paligid.“Tara pasok tayo,” sabi niya at nag pangunang naglakad.Hindi ko maiwasan hindi malungkot habang nakasunod sa ‘kaniya. Ang tono ng pananaalita niya kanina iba sa tono kong paano niya ako kausapin noon at hindi niya na ako ningingitian hindi tulad noon na panay ang ngiti niya sa ‘kin kahit nagsasalita.Pagkapasok namin ng bahay niya sinenyasan niya lang akong

  • Unlocking Her Memories   CHAPTER 23

    Napalingon ako sa likod ko at napatayo ng marinig ang pamilyar na tawanan. Nakita ko si Justin kasama ang mga kaibigan niya. Si Druce nakaakbay sa 'kaniya habang tinitingnan siya ng nakakatuksong tingin at si Peter naman parang walang pakiealam sa mundo."J-Jel," sambit ni Justin sa pangalan ko ng makita ako.Napatingin sa 'kin ang dalawa. "Hindi naman si Jel-" Hindi natapos ni Druce ang sasabihin at gulat na ibinalik ang tingin sa 'kin. "Oo nga si Jeltrod nandito. Pero sandali bakit ka nandito?" tanong niya.Hindi ko siya sinagot at tumingin kay Justin."Ah! Alam ko na. Nandito ka ba for our handsome best friend name Justin Villia?" nakangising tanong niya.Inalis ni Justin ang braso ni Druce nakaakbay sa 'kaniya at lumapit sa 'kin. "Bakit ka nandito?" tanong niya.Hindi ko siya sinagot at niyakap. Hindi ko man makita ang reksiyon niya alam kong nagulat siya sa ginawa ko.

  • Unlocking Her Memories   CHAPTER 22

    JELTROD‘S POV.Nandito ako ngayon sa labas ng pinto ng kwarto ni Kate. Pinagmamasdan ko siya mula dito. Matagal narin akong nakatayo dito at nasa tabi ko si Justin ngayon.“Bakit ayaw mo pumasok?” tanong ni Justin sa ‘kin.Umiling ako. “Ayo ko. Hindi ko pa siya kayang lapitan tanging pagmasdan lang siya mula dito ang magagawa ko ngayon,” sagot ko at tiningnan siya.“W-What happened to her?”“Sinasagaan siya at pinagbabaril.”Nanlaki ang mata niya. “What?”Bununtong hininga ako at umupo sa upuan na nandito sa labas. Tumabi sa ‘kin si Justin at bumuntong hininga rin. Hindi na ako nagsalita at hindi narin siya nagsalita kaya binalot kami ng katahimikang dalawa.Humikab ako ng makaramdam ako ng antok. Sinandal ko ang ulo ko at pinagkrus ang braso ko

  • Unlocking Her Memories   CHAPTER 21

    Napatayo ako ng makitang si Kyle nakakalabas lang ng room ni Kate dito sa Hospital. Namumula ang mata niya dahil kahapon pa siya iyak ng iyak dahil sa nangyari kay Kate. Laking pasasalamat ko na buhay pa si Kate matapos na masamang nangyari sa 'kaniya. Hindi lang siya basta sinagasaan nabaril pa siya sa balikat niya. Hanggang ngayon hindi parin siya nagigising at sinabi na ng Doctor kanina na posibleng magkaroon siya ng amnesia kapag nagising siya. Pwede daw temporary at pwede rin hindi. Pero sana h‘wag naman dahil alam ko kong gaano kahirap mawalan ng alaala. Siguro nga hindi na talaga babalik itong alaala ko. "Jel masama ba akong boyfriend?" tanong niya at umupo sa tabi ko. "Ano bang sinasabi mo? Hindi ka masamang boyfriend. Para sa 'kin boyfriend material ka." Ngumiti ako sa 'kaniya pero nawala rin 'yon ng tiningnan niya ako ng malungkot. Malalim akong bumuntong hininga. "Sorry kas

  • Unlocking Her Memories   Authors Note:

    Hello po it's been a long time since my last update for this story. I want to know all of the readers who read this book that there are some changes I put in this story. I just revised it to make this book more suspenseful. And about the name of the main character. I want you to know that I changed it to make it unique. At para hindi kayo malito sa story, I suggest reading it again from the prologue. The flow of the story is still the same pa naman pero mas maganda na basahin niyo po ulit siya. That's all. Stay safe and thank you for your support. I hope you will still support this book until we reach the Epilogue of the story.

  • Unlocking Her Memories   CHAPTER 20

    JELTROD POV. Tulala lang ako habang nakikinig sa class ni Miss Chong. Iniisip ko ngayon ang gusto sabihin sa ‘kin makailan ni Kate. Hinei kasi natuloy dahil dumating bigla si mama. “Kaya sasabihin ko na sa ‘yo ang totoo,” seryosong sabi ni Kate sa ‘kin. “Anong totoo?” tanong ko. Magsasalita sana siya ng biglang bumukas ang pinto ng rooftop. Sabay kaming napatingin ni Kate kay mama na naglakad papalapit sa ‘min. Blanko ang mukha niya ng tumingin sa ‘kin at kay Kate. Huminto siya sa harap namin. “Sige, ituloy mo,” sabi ni mama. Tiningnan ko ulit si Kate. Bakas sa mukha niya ang gulat at takot. Hindi ko maintindihan kong bakit ganiyan ang reaction niya. Dahan-dahan niya ulit ako tiningnan at napalunok. “J-Jel,” nauutal na sambit niya sa pangalan ko. T

  • Unlocking Her Memories   CHAPTER 19

    THIRD PERSON POV. Bumaba ang isang babaeng maganda, maikli ang buhok, singkit ang mata, matangos ang ilong, manipis ang labi at matangkad. Inilibot niya ang paningin sa labas ng bahay nila. Matagal rin niyang hindi nakita ang bahay na ito at nakaramdam siya nag pagka sabik na tumira ulit dito kasama ang kaniyang pamilya. Napangiti siya ng makita ang isang babae na lumabas ng gate. Hindi parin nag babago ang mukha ng kaniyang ina. Maganda parin ito at mukha parin bata parang walang anak kong tingnan. "Janiel anak!" Agad siyang niyakap ng kaniyang ina. "Welcome back, I miss you so much." "I miss you too mommy." Matagal niya rin hindi nayakap ang ina dahil pagkatapos ng aksidenteng nangyari ay doon na siya pinaaral ng kaniyang ama sa Paris. Kumalas siya sa

DMCA.com Protection Status