THIRD PERSON POV.
Pagod na umupo ang binatang nag ngangalang, Kenie Milaire. Katatapos niya lang mag buhat ng mga gulay sa palengke. Tagaktak ang pawis sa katawan niya at masakit na ang mga braso niya. Ngunit, wala siyang magawa. Kailangan niyang mag trabaho para mabuhay.
Kumuha siya ng tubig sa bag niya at ininom iyon. Sa sobrang uhaw at dala ng pagod. Na ubos niya ka agad ito.
Habang umiinom siya ng tubig. Hindi niya alam may makamasid sa ‘kaniya na kotse mula sa malayo. Isang babaeng may katandaan na ngunit maganda parin. Bilugan ang mata, blonde ang buhok at mayaman.
Ito ay ang kaniyang ina. Si Daria Milaire.Hindi niya mapigilan maluha. Habang pinagmamasdan ang anak nahihirapan at pagod na pagod. Naawa na siya sa ‘kaniyang anak ngunit wala siyang magawa. Naiisip niyang napakawalang kwenta niyang ina. Pinabayaan niya ang panganay niyang anak.
“Ma‘am, hindi niyo pa rin ba kakausapin ang anak niyo?” tanong ng driver ni Daria Milaire sa ‘kaniya.
Agad na pinunasan ni Daria ang mga luha niyang, hindi niya namalayang pumatak na pala. Umiling siya sa driver niya. “Not now,” sabi niya.
“Pero…ma‘am nakakaawa na po si sir Kenie. Tingnan niyo po.” Turo ng driver kay Kenie. “Hirap na hirap siya sa sitwasiyon niya ngayon. Alam naman po natin na hindi niya kaya mamuhay sa ganito.” Nag-aalala ang tono ng driver.
Bata pa lamang si Kenie Milaire. Siya na ang naghahatid nito sa eskwelahan. Nakita niya itong lumaki at naging malapit rin ang loob sa ‘kaniya ng binata. Kaya gano‘n nalang ang pag-alala niya sa binata.
Pinagmasdan niya ulit ang anak. Bago sinenyasan ang driver na, paandarin na ang kotse papalayo.
Saktong pag-andar ng kotse. Napatingin si Kenie sa kotse na sinasakyan ng kaniyang ina. Pinagmasdan niya mabuti ang kotse na papalayo. Pamilyar sa ‘kaniya ang kotse at may hinala siya kong kaninong kotse iyon. Ngunit hindi siya sigurado. Ang alam niya walang ng pakielam sa ‘kaniya ang taong iyon.
Tumayo siya at sinuot ang bag niya. Napatingin siya sa relos niya at oras na para dumretso sa sunod niyang trabaho.
Malapit lang ang store na pinagtratrabahohan niya at ilang lakad niya lang, mararating niya na ito. Pagkarating niya doon. Agad siya binati ng kasama niyang magtratrabaho ngayong gabi. Si Berto.
“Ang fresh parin, ah. Iba talaga pag anak mayaman,” biro ni Berto kay Kenie.
Napatawa si Kenie at hinubad ang damit niya pang itaas. Para maisuot ang uniform nila sa trabaho. “Hindi na ako anak, mayaman ngayon,” sabi niya. Sabay suot ng itim na cap na may logo ng store na pinagtatrabahohan niya.
“Aba! Chismisan?”
Sabay silang napatinging dalawa sa may-ari ng store. Nakataas ang kilay ng may-ari at nakapamewang silang tiningnan.
Sabay silang dalawa napakamot sa batok nila. “Sorry, ma‘am. Mag tratrabaho na po kami,” sabay nilang sabi.
“Mas mabuti pa at ikaw Berto ang mga noodles nakaka deliver lang kanina ipasok mo ma dito,” utos ng may-ari kay Berto.
Mag sasalita sana si Berto ng tinalikuran na sila ng may-ari at naglakad papalayo.
“Ang sungit talaga ni ma‘am,” bulong ni Berto kay Kenie.
“Lagi naman,” sabi ni Kenie. At sabay silang natawa.
—
Habang nag-aayos ng mga paninda at nag hahantay ng costumer. Naisapan ni Kenie na kunin ang skethpad niya at mag drawing para hindi mabagot. Hilig niya ang gumuhit at mag pinta. Napakahusay niya pag dating dito.
Sa tuwing sasali siya sa mga drawing contest madalas siya manalo. At naging pambato ‘din siya ng eskwelahan nila noong elementary palang sa mga poster making.
Umupo siya sa isang upuan malapit sa pinto ng store. Tiningnan niya ang bawat pahina ng sketchpad niya na halos lahat ng drawing ay mukha ng babae.
Maganda ang babae nasa drawing niya. Medyo wavey ang buhok, may bangs, maganda ngumiti, maganda ang labi at mata. Halos lahat ng pahina sa sketchpad niya ay malapit na mapuno sa mukha ng babaeng lagi niyang ginuguhit. Iba‘t-ibang angulo bawa‘t pahina.
Napatingin sa ‘kaniya si Berto nakakapasok lang at may bitbit na mga kahon ng noodles. Inilapag mo na ito ni Berto sa gilid at nilapitan si Kenie para tingnan ang mga ginuhit nito.
Napatawa si Kenie at umiling. “Hindi.”
“E, sino ‘yan? Bakit halos mukha niya lang ang ginuguhit mo?”
Hindi nagsalita si Kenie at ngumiti lang kay Berto.
“Alam mo nakakaingit ka.” Biglang sabi ni Berto habang nakatingin sa kawalan.
Taka siya tiningnan ni Kenie. “Ha? Bakit naman?”
Bununtong hininga si Berto bago nagsalita. “Bukod sa gwapo ka. Biniyayaan ka pa ng talento sa paguhit. Ako kasi wala akong ka talent-talent. Isa pa stickman lang kaya kong iguhit tapos hindi pa pantay ang ulo,” nakangusong sabi ni Berto.
“Ano kaba, h‘wag kang mainggit sa ‘kin. Sabi nga nila walang pangit sa mundo, at lahat ng tao may talento. Hindi mo pa siguro na didiskubre. Try mo mag luto baka iyon ang talento mo.”
“Noodles at pancit canton lang kaya ko lutuin,” biro ni Berto. Sabay silang natawa ni Kenie.
—
Mag aalas dose na at mag sasara na sila. Habang nagliligpit sila ng mga paninda. Nilapitan sila ng may-ari ng store. “Kayong dalawa, umuwi na kayo at mag pahinga. Ako na mag sasara ng store,” sabi ng may-ari sa ‘kanila.
Kumislap ang mata ni Berto sa sinabi ng may-ari ng store. “Talaga ma‘am? Maraming salamat ma‘am. Mahal ka namin!” Masayang sabi ni Berto at nag flying kiss pa.
Napataas ang kilay ng may-ari ng store. “Che! Kadiri ka! Umalis na nga kayo!”
“Okay po ma‘am. Alis na po ako!” Paalam ni Berto sa may-ari ng store. Tinanguan lang siya nito. Tumingin si Berto kay Kenie na nag-aayos ng bag niya. “Kenie, una na ako,” paalam niya dito.
Tumango si Kenie. “Sige, ingat ka.”
“Ikaw rin, ingat ka.” Kumaway pa si Berto bago lumabas ng store.
Pagkatapos ni Kenie mag ligpit ng gamit niya. Nag paalam narin siya sa may-ari ng store bago umalis. Pagkalabas niya ng store. Nanlaki ka agad ang mga mata niya ng makita ang dalawang lalaki nakasandal sa kotse nakaparking sa labas. Iyong isa mukhang babaero at nakangiti pa sa ‘kaniya at iyong isa naman nakakrus ang mga braso habang nakasandal sa kotse at hindi mapinta ang mukha. Mukhang badtrip yata.
Napalunok si Kenie.
“D-Druce? Peter? Anong ginagawa niyo dito?” tanong ni Kenie sa dalawang lalaki.
Lumapit sa ‘kaniya ang mukhang babaero at agad siya inakbayan. Ito ay si Druce Jampero. Kaibigan at kaklase ni Kenie. “We‘re here to pick you up.” Kindatan ni Druce Jampero si Kenie.
Dahan-dahan inalis ni Kenie ang braso ni Druce nakaakbay sa ‘kaniya. “Hindi niyo na dapat ako pinuntahan dito. Kaya ko naman umuwi mag-isa. Isa pa dapat natutulog na kayo ng ganitong oras.”
“Right, dapat natutulog na ako.” Biglang nagsalita ang lalaking kanina pa hindi mapinta ang mukha. Siya naman ay si Peter Gave. Kaibigan at kaklase rin ni Kenie.
“Bw‘sit kasi ang lalaking ‘to.” Turo ni Peter kay Druce. “Ang daming arte! Ginising ba naman ako dahil may emergency daw. Muntik na ako hindi mag suot ng salawal dahil sa emergency na sinasabi niya. Iyon pala susunduin kalang!” Sinamaan ng tingin ni Peter si Druce na tumatawa.
“Bro, masungit. H‘wag kana magalit sa ‘kin. I did that…dahil alam kong hindi ka sasama sa ‘kin,” sabi ni Druce.
“Edi sana si Scart nalang ang tinawagan mo ‘di kaya si Justin. Mababait ang dalawang ‘yon. Wala kang galit na matatanggap sa dalawa.” Inis na nag-iwas ng tingin sa ‘kaniya si Peter.
Ganiyan si Peter. Madali mag init ang ulo niya, masungit at suplado. Kaya wala siyang girlfriend dahil lagi niyang sinusungitan ang mga nagkakagusto sa ‘kaniya sa eskwelahan nila.
“Tama na nga ‘yan,” awat ni Kenie sa dalawa. “Sige na umalis na tayo. Para makatulog na si Peter.”
“Happy kana Peter Pan?” madiin na sabi ni Druce at tiningnan ng nakakaasar na tingin si Peter.
Nagsalubong ka agad ang kilay ni Peter. “Peter Gave,” madiin na pag tatama ni Peter sa apilyedo niya.
—
“Bro, bakit hindi ka pumasok kanina?” tanong ni Druce habang ang paningin ay nasa daan.
Mag katabi sila ni Kenie habang si Peter naman nasa likod at nakatulog. Mukhang antok na antok nga siya.
Bumuntong hininga si Kenie. Bago nagsalita. “Na late kasi ako ng gising,” pagsisinungaling niya.
Ang totoo wala siyang pera kanina pamasahe. Kaya hindi siya nakapasok ng eskwelahan. Malayo kasi ang eskwelahan na pinapasukan niya sa bahay na tinitirhan niya ngayon. Siguro aabutin siya ng apat na oras sa paglalakad bago makarating doon. Kaya nag hanap siya kanina ng pwede pagkitaan at iyon ay nagbuhat siya buong hapon ng mga gulay at sako ng bigas sa palengke. Sa susunod na linggo pa kasi ang sahod niya sa pinagtratrabahuhan niyang store.
Napabuntong hininga si Druce. Hindi siya kumbinsado sa sinabi ng kaibigan. Alam niyang, pinalayas ito sa ‘kanila isang taon na ang nakalipas. Hindi man sabihin sa ‘kaniya ni Kenie. Alam niyang nahihirapan ito. “Bro, when you need something. Just tell us,” sabi ni Druce kay Kenie.
Ngumiti ng pilit si Kenie at tumango.
“By the way. Nagyaya pala si Scart na matulog sa bahay nila dahil wala siyang kasama do‘n. Kong gusto mo, doon na tayo dumeretso? Masarap pagkain nila do‘n.” Napatawa si Kenie sa sinabi ni Druce. Mahilig talaga si Druce kumain. At ang swerte niya dahil kahit madami siya kumain hindi siya tumataba.
“Ikaw bahala,” nakangiting sabi ni Kenie. Tumingin siya sa labas ng bintana at bumuntong hininga.
Nang makarating sila sa bahay ng kaibigan nilang si Scart Ville. Agad sila pinagbuksan ng gate ng mga guards. Maraming guards ang nasa bahay ni Scart Ville dahil lahat sila pinoprotektahan si Scart sa pwedeng mangyari. May kaaway kasi ngayon ang daddy niya na si Arton Ville at ayaw ni Arton Ville na may masamang mangyari sa anak. Kaya madaming body guards ang nakapalibot sa bahay nila at nagbabantay kay Scart.
“Baby bro!” sigaw ni Druce ng makita si Scart na kumakaway sa balkonahe.
“H‘wag ka nga sumigaw. Wala tayo sa bundok,” naiinis na sabi ni Peter.
“Calm down bro. Bahala ka…baka ma highblood ka,” biro ni Kenie kay Peter.
Sinamaan siya ng tingin ni Peter. Napataas ng dalawang kamay si Kenie na parang sumusuko sa mga pulis.
Inakbayan ni Druce si Peter at ningitian. “Ang suplado mo talaga. Try mo kaya ngumiti minsan.” Pilit na pinapangiti ni Druce si Peter. Ngunit lalo lang ‘to nainis dahilan mas lalong sumama ang tingin nito sa kaibigan.
Napasimangot si Druce at inalis ang brasong nakaakbay kay Peter at kay Kenie nalang umakbay.
Pagkapasok nila sa loob ng bahay ni Scart Ville. Saktong kabababa lang ni Scart na agad lumapit sa ‘kanila.
“Ba‘t ang tagal niyo? Natunaw na tuloy ang ice cream sa kwarto,” sabi ni Scart sa mga kaibigan.
“Bakit kasi hindi mo na nilagay sa ref?” masungit na tanong ni Peter kay Scart.
Napangiwi si Scart at bumulong kay Druce. “May dalaw ba ‘to?” tanong niya.
Tumawa ng mahina si Druce tumango-tango.
Napatingin si Scart kay Kenie at inakbayan ito. “Bakit hindi ka daw pumasok kanina? Galing mo mag sabi sa ‘kin na kailangan ko pumasok ng school. Pero ikaw naman ‘tong hindi pumapasok,” sabi ni Scart.
Napakamot sa batok si Kenie at ngumiti nalang ng pilit kay Scart at hindi nagsalita.
“Baby bro,” tawag ni Peter kay Scart. “Una na ako sa kwarto mo. Inaantok na talaga ako.” Humikab pa si Peter.
Agad naman siyang nilingon ni Scart ng nakasimangot. “Baby bro nanaman? Bakit ba kasi baby bro? Nakakainis pakinggan. Hindi na ako bata ‘no. Tsk!”
“Cute kasi at mas bata ka sa ‘min. Dapat nga kuya ang tawag mo ‘min, e” si Druce ang sumagot sa tanong ni Scart.
Sakanilang lahat na mag kakaibigan. Si Scart ang pinakabata sa ‘kanila. Mas matanda sila ng dalawang taon kay Scart at nasa second year college na sila. Habang si Scart nasa senior high school palang.
“Pwede ba mamaya na kayo mag chismisan? Inaantok na ako. I want to sleep!” naiinis na sabi ni Peter at nagpangunang umakyat.
“Grabi ka ah! Ikaw may-ari ng bahay?!” Pahabol na tanong ni Druce kay Peter. Kinawayan lang siya ni Peter patalikod.
“Alam niyo. Noong nawala si Damania. Peter took her place. He was even more annoying to Damania.” Umiling-iling si Druce ngunit agad ‘din natigilan ng siniko siya ni Scart at tiningnan ng makahulugang tingin. Nakuha niya naman ang tingin ni Scart at dahan-dahan sila tumingin kay Kenie na ngayon matamlay ang mga mata at mukhang naalala si Damania.
“S-Sorry, bro. Hindi ko sinasadiya,” paumanhin ni Druce.
Ngumiti ng pilit si Kenie. “Okay lang.” Bumuntong hininga si Kenie at sumunod kay Peter paakyat.
Tiningan ni Scart at Druce si Kenie na bagsak ang balikat na umakyat ng hagdan. Tumingin si Scart kay Druce at pinitik ang noo nito. “Ikaw kasi! Alam mo naman nalulungkot siya sa tuwing na alala si Damania diba?”
“Sorry na. Hindi ko sinasadiya. Naalala ko kasi si Damania kay Peter. But…to be honest i miss that annoying brat. Bakit pa kasi siya nawala?” Malungkot na tanong ni Druce.
Bumuntong hininga si Scart. “Ako rin. Na miss ko rin ang nakakainis na babaeng ‘yon. Hayst, tara na nga. May fries at burger sa kwarto. Kainin natin,” anyaya ni Scart.
Tumango si Druce at inakbayan si Scart. “Sige. Gusto ko ‘yan.”
Masaya silang nag kwentohan at kumaing tatlo. Maliban kay Peter na mahimbing natutulog sa kama ni Scart. Sanay na silang lahat matulog o kumain sa bahay ni Scart Ville. Ika nga ni Scart Ville “Feel at home daw” Madalas kasi sila dito dahil lagi sila niyaya ni Scart matulog dahil wala itong kasama at mag-isa lang.
Hindi umuuwi ang daddy ni Scart sa bahay na ‘to. Madalas itong nasa ibang bansa. At matagal ng namayapa ang mommy ni Scart. Namatay ito bata pa lamang siya dahil sa sunog. Na trap kasi ang mommy niya sa hospital dahil may sinubukan iligtas na kambal na bata.
Napatingin sila bigla sa pinto ng biglang itong bumukas at may pumasok na lalaking hingal na hingal. Naalimpungatan si Peter dahil sa lakas ng pagbukas ng pinto.
“Justin! Dahan-dahan nga! May natutulog, e!” naiinis na sabi ni Peter.
Hindi siya pinansin ni Justin at lumapit ito kay Kenie sabay hawak sa balikat nito. Tiningnan ni Justin ng seryoso si Kenie. Nangunot ang noo ni Kenie sa ‘kaniya. Si Scart at Druce naman nagkatinginan dahil nagtataka sa kinilos ni Justin.
“Kenie. There's something you should know,” seryosong sabi ni Justin.
Taka siya tiningnan ni Kenie. “A-Ano ‘yon?”
“Buhay pa ang kapatid mo. Buhay pa si Damania,” sabi ni Justin. Dahilan na lahat sila nanlaki ang mata sa gulat. Ang kaninang natutulog na si Peter napabangon bigla sa kama at tiningnan ng gulat si Justin na ang paningin ay kay Kenie lang.
Edited Version
"T-Tita, anak niyo po si Jeltrod?" Sabay kaming napalingon kay Justin. Tama ba narinig kong tinawag niya si mama na tita? Magkakilala ba sila? Tiningnan ko si mama at papa na gulat at nanlaki ang mata habang nakatingin kay Justin. "Ah, oo. Anak nila ako," ako ang sumagot sa tanong ni Justin. Napatingin siya sa 'kin ng hindi makapaniwala sa narinig. Bakit ganiyan ang reaksiyon niya? Oo alam ko ang layo ng mukha namin ni mama at maraming nagsasabi no'n. Nagtataka nga rin ako kong kanino ako nag mana. Hindi rin naman kami mag kamukha ni papa. Kaya nga minsan napapaisip ako na baka ampon lang talaga ako. Tulad ng sabi ng mga kaibigan at kakilala ni mama. "Bakit ganiyan ang mukha mo? Alam kong hindi kami magkamukha pero anak niya ako. Sa 'kaniya ako nanggaling. Diba mama?" Baling ko kay mama. Nanatili parin ang tingin niya kay Justin. "Mama?" tawag ko ulit sa 'kaniya. Dahilan na b
"Kamukha ko ang kapatid mo matagal ng patay?!" Hindi makapaniwalang tanong ko. Dahan-dahan sila tumango sa 'kin. Parang akong binuhusan ng sobrang lamig na tubig sa katawan. Hindi ako makapaniwala sa mga kinwento nila sa 'kin. Paano nangyaring kamukha ko ang kapatid niya? Posible ba 'yon? Kong kahawig lang ay maniniwala pa ako. Pero iyong sobrang magkamukha, napaka imposible. Kong titingnan ko ang mukha ng kapatid niya ay parang iisang tao kami. Sobrang creepy lalo na at matagal na daw itong patay. "P-Pero sabi ni Justin. Ako daw itong pinipinta at ginuguhit mo," naguguluhang sabi ko at dahan-dahan na tumingin kay Justin. Nagkatingina silang dalawa ni Justin at parang nag-uusap gamit ang mga mata nila. Nakita ko ang paggalaw ng adams apple ni Justin, senyales na napalunok siya. Tumingin siya sa 'kin. "S-Sorry. Nadala lang talaga ako kanina. S-Sobrang magkamukha kasi kayo kaya...kong a
Naglalakad ako ng nakasalubong ko si Scart na kumakain ng burger. Natigil siya sa pagnguya ng makita ako. Lalagpasan ko na sana siya ng humarang siya sa dadaanan ko at ningitian ako. “Good morning,” bati niya. Inismiran ko lang siya at nilagpasan. “Hoy! Ang sama ng ugali mo! Hindi mo man lang ako babatiin?!” Naramdaman kong humabol siya sa ‘kin. Huminto ako sa paglalakad at nakakrus ang mga braso na tiningnan siya. Ngumiti ulit siya. “Boring ka ba at wala kang mapagtripan. Kaya ako ang gusto mo pagtripan?” tanong ko. Hindi siya sumagot at may idinukot siya sa bag niya na papel at ipinakita iyon sa ‘kin. “Ano ‘yan?” tanong ko. “List iyan ng mga mag partner, na magdadala ng mga pagkain, para sa Aquiantance party,” sagot niya. “O, tapos?” “Partner tayo.” Nanlaki ang mata ko at hina
Naglalakad ako ng nakasalubong ko si Scart na kumakain ng burger. Natigil siya sa pagnguya ng makita ako. Lalagpasan ko na sana siya ng humarang siya sa dadaanan ko at ningitian ako. “Good morning,” bati niya. Inismiran ko lang siya at nilagpasan. “Hoy! Ang sama ng ugali mo! Hindi mo man lang ako babatiin?!” Naramdaman kong humabol siya sa ‘kin. Huminto ako sa paglalakad at nakakrus ang mga braso na tiningnan siya. Ngumiti ulit siya. “Boring ka ba at wala kang mapagtripan. Kaya ako ang gusto mo pagtripan?” tanong ko. Hindi siya sumagot at may idinukot siya sa bag niya na papel at ipinakita iyon sa ‘kin. “Ano ‘yan?” tanong ko. “List iyan ng mga mag partner, na magdadala ng mga pagkain, para sa Aquiantance party,” sagot niya. “O, tapos?” “Partner tayo.” Nanlaki ang mata ko at hina
“Jel. Anyare sa ‘yo?” Napatingin ka agad ako kay Kate nasa harap ko na at mukhang kapapasok lang. “Ano? Nakahanap ka ng damit na maganda?” nakangiting tanong niya. Hindi ako sumagot at dahan-dahan na humigpit ang hawak ko sa cellphone niya at kumyom ang mga kamao ko. “K-Kate, ikaw ba kumuha nito?” Ipinakita ko sa ‘kaniya ang litrato kong saan hila ako ni Justin. Natigilan siya at napalunok habang nakatingin sa litrato. “J-Jel,” nauutal na sambit niya sa pangalan ko. Inis akong napatayo at tiningnan siya ng masama. “Ano?! Sumagot ka! Ikaw ba kumuha nito?!” Hindi ko na maiwasan hindi magtaas ng boses. Kaagad naman namin, naagaw ang atensiyon ng lahat. Nakailang lunok siya bago tumayo rin at hinablot ang cellphone niya sa ‘kin. Dahan-dahan nag salubong ang mga kilay niya. “Hindi ba damit lang ang hinahanap mo?! At nasa latest screen s
Nakaupo lang ako habang nakipagtitigan sa dalawang kaibigan ni Justin at Scart. Mga ilang minuto narin siguro kaming ganito at nakakailang na. Pinakilala na sila kanina sa ‘kin ni Scart noong magising si Druce. Si Druce pala ang nahimatay sa harap ko kanina. Siguro inakala niyang nakakita siya ng multo dahil nga kamukha ko iyong kaibigan nilang matagal ng patay. “P-pwede ba na alisin niyo na ang tingin sa ‘kin,” utos ko. “Alam kong sobrang kamukha ko iyong kaibigan niyo at kung tatanongin niyo ako kong bakit. Hindi ko rin alam.” Pinangunahan ko na sila bago pa man sila mag tanong sa ‘kin. Bumuntong hininga si Peter. “I still can't believe you look so much like her. Para kayong iisang tao,” sabi niya. “Hindi kaba talaga si Damania?” Umiling lang ako bilang sagot. “Justin, Scart,” tawag ni Druce sa dalawang kaibigan. “Kailan niyo pa alam na may kamukha si Damania?” Nap
A/N: Sorry po sa tagal na walang update dahil naging busy ako noong mga nakaraang linggo sa pag-aaral dahil medyo bumaba ang grades ko. H'wag po kayo mag-alala dahil halos malapit na 'to matapos. Marami na akong chapter na sulat at lahat ng iyon ay na sa draft ko pa. I edit ko nalang siya mamaya lahat at baka magulat nalang po kayo bukas o sa susunod pa na bukas na sunod-sunod ang update. *** "B-bakit?" nauutal kong tanong. Ningitian niya ako. "Jeltrod gusto kita." Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko pakiramdam ko lalabas iyon sa dibdib ko. Bigla akong hindi nakapagsalita at naistatwa sa kinauupuan ko habang ang paningin ay sa 'kaniya. Nakangiti parin siya sa 'kin. Hindi ba siya naiilang o nahiya bigla dahil sa sinabi niya? Talagang nakuha niya pang ngumiti sa harap ko? Pinagtritripan niya ba ako? "H-Hoy! Anong sinasabi mo?
THIRD PERSON POV. Bumaba ang isang babaeng maganda, maikli ang buhok, singkit ang mata, matangos ang ilong, manipis ang labi at matangkad. Inilibot niya ang paningin sa labas ng bahay nila. Matagal rin niyang hindi nakita ang bahay na ito at nakaramdam siya nag pagka sabik na tumira ulit dito kasama ang kaniyang pamilya. Napangiti siya ng makita ang isang babae na lumabas ng gate. Hindi parin nag babago ang mukha ng kaniyang ina. Maganda parin ito at mukha parin bata parang walang anak kong tingnan. "Janiel anak!" Agad siyang niyakap ng kaniyang ina. "Welcome back, I miss you so much." "I miss you too mommy." Matagal niya rin hindi nayakap ang ina dahil pagkatapos ng aksidenteng nangyari ay doon na siya pinaaral ng kaniyang ama sa Paris. Kumalas siya sa
Hello, It's have been a long time since I last update. Sorry for the no update this past few months because I am so busy with my school work. And nakaranas din ako ng depression and stress sa family ko dahilan na lalo ako hindi nakapagsulat at napilitan magpahinga muna ng ilang buwan.Bilang pambawi sa hindi ko pag-update. I am happy to announce na you can read now this story just for free here at Goodnovel! You don't need coins just to unlock by reading each Chapter. I hope you continue to support this book and expect me to update many chapters this week. Stay safe everyone!
"D-Damania...b-buhay ka? P-Pero paano? Patay kana diba?" Napatakip siya sa bibig niya at muntik ng matumba pero buti nalang nahawakan ko siya.Pagkahawak ko sa 'kaniya agad niya akong tinulak dahilan na matumba ako. "H-Hindi...hindi nagmamalik mata lang ako. Hindi ito totoo!" Napailing-iling pa siya bago tumakbo papalabas."Janiel!" tawag pa sa 'kaniya ni Justin.Hahabulin sana siya ni Justin nang nilingon niya muna ako at akmang tutulongan makatayo pero umiling lang ako at sinenyasan siyang sundan ang kapatid niya.Huminga siya ng malalim bago ako iwan.Tumayo ako at napahawak sa siko ko dahil medyo masakit. Tumama kasi sa sahig dahil sa pagtulak niya sa 'kin. Siguradong nagulat siya ng makita ako kaya gano'n nalang ang reaksiyon niya kanina. Pero sobra naman yata 'yon.Bumaba ako at hinanap ng mga mata ko si Justin at ang kapatid niya pero wala sila dito.
Sa halos dalawang oras na byahe nakarating ‘din kami sa bahay niya. Napakalayo nito at siguro araw-araw siyang na la-late sa school niya. Maliban nalang kong maaga siya gumigising at bumabyahe. Hindi ko alam kong ano ang pangalan ng lugar na ‘to. Gusto ko sana itanong sa ‘kaniya pero mukhang ayaw niya naman akong kausapin.Malalim akong bumuntong hininga at iginala ang paningin ko sa paligid. Ngayon ko lang napansin na ang lugar na ito ay malapit pala sa tabi ng dagat at nakakarelax ang huni ng alon at paligid.“Tara pasok tayo,” sabi niya at nag pangunang naglakad.Hindi ko maiwasan hindi malungkot habang nakasunod sa ‘kaniya. Ang tono ng pananaalita niya kanina iba sa tono kong paano niya ako kausapin noon at hindi niya na ako ningingitian hindi tulad noon na panay ang ngiti niya sa ‘kin kahit nagsasalita.Pagkapasok namin ng bahay niya sinenyasan niya lang akong
Napalingon ako sa likod ko at napatayo ng marinig ang pamilyar na tawanan. Nakita ko si Justin kasama ang mga kaibigan niya. Si Druce nakaakbay sa 'kaniya habang tinitingnan siya ng nakakatuksong tingin at si Peter naman parang walang pakiealam sa mundo."J-Jel," sambit ni Justin sa pangalan ko ng makita ako.Napatingin sa 'kin ang dalawa. "Hindi naman si Jel-" Hindi natapos ni Druce ang sasabihin at gulat na ibinalik ang tingin sa 'kin. "Oo nga si Jeltrod nandito. Pero sandali bakit ka nandito?" tanong niya.Hindi ko siya sinagot at tumingin kay Justin."Ah! Alam ko na. Nandito ka ba for our handsome best friend name Justin Villia?" nakangising tanong niya.Inalis ni Justin ang braso ni Druce nakaakbay sa 'kaniya at lumapit sa 'kin. "Bakit ka nandito?" tanong niya.Hindi ko siya sinagot at niyakap. Hindi ko man makita ang reksiyon niya alam kong nagulat siya sa ginawa ko.
JELTROD‘S POV.Nandito ako ngayon sa labas ng pinto ng kwarto ni Kate. Pinagmamasdan ko siya mula dito. Matagal narin akong nakatayo dito at nasa tabi ko si Justin ngayon.“Bakit ayaw mo pumasok?” tanong ni Justin sa ‘kin.Umiling ako. “Ayo ko. Hindi ko pa siya kayang lapitan tanging pagmasdan lang siya mula dito ang magagawa ko ngayon,” sagot ko at tiningnan siya.“W-What happened to her?”“Sinasagaan siya at pinagbabaril.”Nanlaki ang mata niya. “What?”Bununtong hininga ako at umupo sa upuan na nandito sa labas. Tumabi sa ‘kin si Justin at bumuntong hininga rin. Hindi na ako nagsalita at hindi narin siya nagsalita kaya binalot kami ng katahimikang dalawa.Humikab ako ng makaramdam ako ng antok. Sinandal ko ang ulo ko at pinagkrus ang braso ko
Napatayo ako ng makitang si Kyle nakakalabas lang ng room ni Kate dito sa Hospital. Namumula ang mata niya dahil kahapon pa siya iyak ng iyak dahil sa nangyari kay Kate. Laking pasasalamat ko na buhay pa si Kate matapos na masamang nangyari sa 'kaniya. Hindi lang siya basta sinagasaan nabaril pa siya sa balikat niya. Hanggang ngayon hindi parin siya nagigising at sinabi na ng Doctor kanina na posibleng magkaroon siya ng amnesia kapag nagising siya. Pwede daw temporary at pwede rin hindi. Pero sana h‘wag naman dahil alam ko kong gaano kahirap mawalan ng alaala. Siguro nga hindi na talaga babalik itong alaala ko. "Jel masama ba akong boyfriend?" tanong niya at umupo sa tabi ko. "Ano bang sinasabi mo? Hindi ka masamang boyfriend. Para sa 'kin boyfriend material ka." Ngumiti ako sa 'kaniya pero nawala rin 'yon ng tiningnan niya ako ng malungkot. Malalim akong bumuntong hininga. "Sorry kas
Hello po it's been a long time since my last update for this story. I want to know all of the readers who read this book that there are some changes I put in this story. I just revised it to make this book more suspenseful. And about the name of the main character. I want you to know that I changed it to make it unique. At para hindi kayo malito sa story, I suggest reading it again from the prologue. The flow of the story is still the same pa naman pero mas maganda na basahin niyo po ulit siya. That's all. Stay safe and thank you for your support. I hope you will still support this book until we reach the Epilogue of the story.
JELTROD POV. Tulala lang ako habang nakikinig sa class ni Miss Chong. Iniisip ko ngayon ang gusto sabihin sa ‘kin makailan ni Kate. Hinei kasi natuloy dahil dumating bigla si mama. “Kaya sasabihin ko na sa ‘yo ang totoo,” seryosong sabi ni Kate sa ‘kin. “Anong totoo?” tanong ko. Magsasalita sana siya ng biglang bumukas ang pinto ng rooftop. Sabay kaming napatingin ni Kate kay mama na naglakad papalapit sa ‘min. Blanko ang mukha niya ng tumingin sa ‘kin at kay Kate. Huminto siya sa harap namin. “Sige, ituloy mo,” sabi ni mama. Tiningnan ko ulit si Kate. Bakas sa mukha niya ang gulat at takot. Hindi ko maintindihan kong bakit ganiyan ang reaction niya. Dahan-dahan niya ulit ako tiningnan at napalunok. “J-Jel,” nauutal na sambit niya sa pangalan ko. T
THIRD PERSON POV. Bumaba ang isang babaeng maganda, maikli ang buhok, singkit ang mata, matangos ang ilong, manipis ang labi at matangkad. Inilibot niya ang paningin sa labas ng bahay nila. Matagal rin niyang hindi nakita ang bahay na ito at nakaramdam siya nag pagka sabik na tumira ulit dito kasama ang kaniyang pamilya. Napangiti siya ng makita ang isang babae na lumabas ng gate. Hindi parin nag babago ang mukha ng kaniyang ina. Maganda parin ito at mukha parin bata parang walang anak kong tingnan. "Janiel anak!" Agad siyang niyakap ng kaniyang ina. "Welcome back, I miss you so much." "I miss you too mommy." Matagal niya rin hindi nayakap ang ina dahil pagkatapos ng aksidenteng nangyari ay doon na siya pinaaral ng kaniyang ama sa Paris. Kumalas siya sa