JANIYA'S P. O. VI WOKE UP LATE THE NEXT MORNING.Masakit ang ulo ko at para iyong binibiyak. Lunes na Lunes pa naman. No choice tuloy ako kundi ang um-absent. Good thing, may kaibigan akong professor.Kahit ayoko lumabas ng kwarto ay wala rin akong magagawa. Wala si Mamay at walang ibang magsisilbi sa akin kundi ako lang din. Kaya kahit natatakot ako na sa paglabas ko ay makasalubong ko si Strike at ang kasama niyang babae, ginawa ko pa rin dahil kung hindi ay ako lang din ang magugutom.Pagkatapos kong ayusin sandali ang sarili ko ay nagdesisyon na akong lumabas. Dahan-dahan pa ang ginawa kong pagbukas ng pinto, sinisiguro ko na hindi ako makakalikha ng kahit anong ingay.But as luck may not have it, pagbukas ko ng pinto at saktong paglabas ko ay bumukas din ang pinto ng katabi kong kwarto. Iniluwa noon si Strike. At ang babaeng kasama niya noong nagdaang gabi.The moment that happened, my gaze automatically met his. And then it locked. Pinilit kong basahin ang mga mata niya pero w
JANIYA'S P. O. V"WHAT'S WILL ALL THE MESS IN THE KITCHEN? WHO DID THAT?”Nanatili akong walang kibo kahit narinig ko naman ng malinaw at buo ang mga sinabi ni Strike.After the incident that happened a few hours back, narinig ko na umalis din agad sila. Inakala ko na didiretso na rin si Strike sa trabaho niya o sa kung saang lupalop man siya ng mundo sumusuot sa tuwing nawawala siya rito. But hey look, it seems like I was wrong. Dahil nagsisimula pa lang akong mag-enjoy sa morning coffee ko ay narinig ko na agad ang boses ng diablo."Are you not f***ing listening to me?” sabi niya ulit.Hindi pa rin ako sumagot. Kahit ang sulyapan siya ay pinilit ko ring huwag gawin. I acted cool as if I am all alone.Kalmado kong dinampot ang tasa ko ng kape at dahan-dahan iyong dinala sa bibig ko. Pero hindi pa man iyon dumadampi sa labi ko ay kusa ko na iyong nabitiwan. It was when Strike suddenly grabbed my hand, making me stand and face him.Sa kabila ng gulat ko at kaba, na sinamahan pa ng baha
JANIYA'S P. O. VMULA NANG DALHIN SA BAHAY NI STRIKE ANG MAARTENG BABAE SLASH HILAW NA LABANOS NA "GIULIA" PALA ANG PANGALAN, AY NAPADALAS NA ANG PAGBISITA NITO SA BAHAY. Madalas ay kasama itong dumadating ni Strike. Pero minsan, mag isa lang ito na pumupunta roon at umaakto na para bang pag-aari na niya ang kabuuan ng bahay. Maging si Mamay ay naiinis sa babaeng iyon dahil kung makapag utos nga naman ito ay daig pa si Strike na mismong amo at nagpapasahod sa kanya. Tuwing dumarating din ang Giulia na iyon ay mas pinipili ko na lang na magkulong sa kwarto. Binibilinan ko na lang din si Mamay na sakaling hanapin ako, sabihin niya na wala ako, umalis, o basta maggawa na lang siya ng kahit anong excuse para lang hindi ako mapilitan na harapin silang dalawa. Gaya ngayon. Pinangako ni Strike na lalabas kami para kumain sa labas bilang celebration sa birthday ni Mamay. Pero hindi naman natupad iyon dahil dumating siyang kasama ang fiancée niya na nagbida-bidang mag-"host" ng birthday cel
JANIYA'S P. O. V"WOW…”Hindi ako makapaniwala sa tanawing bumungad sa akin nang alisin na ni Ryuu ang piring sa mga mata ko. Pagbaba kasi namin sa sasakyan niya kanina ay piniringan niya agad ang mga mata ko. At ngayong tinanggal niya na iyon, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mamangha sa ganda ng paligid. Maraming puno sa lugar na iyon. Madilim din, pero nang dahil sa liwanag ng buwan at sa iilang mga alitaptap ay parang nabuhay ang lugar. May sapa rin sa hindi kalayuan. May mga bulaklak at damo. "Ang ganda…” amazed na amazed kong sabi. "Hindi ko alam na may ganitong lugar pala na nag-eexist hindi kalayuan sa atin.” Sa tantsa ko kasi ay wala pang fifteen minutes ang ibiniyahe namin. At kahit mabilis ang sasakyan na ginamit namin ay masasabi ko na hindi pa rin ganoon kalayo ang lugar na pinagdalhan niya sa akin. "I'm so glad you like it here,” nakangiti ring sambit ni Ryuu. "Ako rin, eh. Hindi ko rin alam na may ganito palang nag-eexist dito. This is my first time going here as
JANIYA'S P. O. VHINDI KO INAASAHAN NA MAKASALUBONG SI STRIKE LALO NA'T MASYADO PANG MAAGA. Pero nangyari na at wala na akong magagawa. Sa tono pa lang ng pananalita niya ay halata nang hindi siya natutuwa. And I know in myself na nakita niya kung paano ako sinundo o hinatid ni Ryuu. Sa paanong paraan niya pa ba kasi malalaman na ito ang kasama ko? Nagkunwari akong naiinis at nilagpasan ko lang siya. Pero deep inside, unti-unti na namang nabubuhayan ang loob ko dahil sa nakikita kong reaksyon ni Strike. "I'm not f****ing done with you,” mariin niyang sabi at hinawakan ang kamay ko. He forcefully made me face him. Hindi ako kumibo. Hindi ko rin siya tiningnan sa mga mata niya dahil alam ko na sa ganitong paraan ay mas maaasar siya. "What did you do with that a**hole the whole night, huh? Did you two… f***?” Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko ipapahalata sa kanya na apektado ako. Pero matapos ang sinabi niyang iyon ay awtomatikong nagpanting ang mga tainga ko. And sudden impulse
JANIYA'S P. O. VMABILIS ANG KABOG NG DIBDIB KO HABANG DAHAN-DAHAN KONG BINABAYBAY ANG MADILIM NA DAAN SA GILID NG BAHAY, PATUNGO SA MALIIT NA GATE SA LIKURAN— NA NATATAGO NG IBA'T-IBANG MGA PANANIM. Pasado alas diyes na ng gabi. Tahimik na ang bahay at alam kong tulog na ang lahat. Palabas ako ngayon, naghihintay sa akin si Ryuu dala ang motorsiklo niya. We're bound for our "safe place". Nang marating ko na ang maliit na gate ay buong ingat ko naman na binuksan iyon. Kahit alam ko na hindi naman na maririnig sa loob kung sakaling makalikha ako ng ingay ay mas pinili ko pa rin ang mag ingat. Better be safe and sure than whatever. Nang makalabas na ako ay natanaw ko agad sa hindi kalayuan si Ryuu. Nakapatay ang headlights ng sasakyan niya pero sa anino at tindig niya pa lang ay alam ko nang siya iyon. Pagkasara ko ng gate at nang masiguro ko nang maayos iyon ay tumakbo na ako agad palapit kay Ryuu. "What took you so long? Akala ko hindi mo na ako lalabasin dito,” tila nagtatampong
JANIYA'S P. O. VKUNG SAAN AKO DUMAAN KANINA PAG ALIS AY DOON DIN AKO DADAAN NGAYONG PAUWI NA AKO.Habang nasa biyahe ako ay sobra-sobra ang kaba ko. Lihim kong hinihiling na sana ay tulog pa si Strike o hindi kaya ay nakaalis na siya. Kahit ano, basta huwag niya lang mabuko ang mga ginagawa ko.As we traveled, the scenery shifted. Fields gave way to forests, forests to mountains. Bawat daanan namin ay nagdudulot sa akin ng kaba. Pakiramdam ko kasi, imbis na papalapit ay parang lalo kaming napapalayo.Ryuu drove carefully, his hands steady on the handlebars. I leaned back. I didn’t speak and Ryuu didn't either. Nang sa wakas ay huminto na ang sasakyan ni Ryuu, dali-dali na akong bumaba. Agad kong inalis ang suot kong helmet at inabot ko iyon sa kanya. "T-Thank you again, Ryuu. S-Sa school na lang tayo mag usap.” Tumalikod na ako pagkatapos noon at akmang lalakad na palayo. Pero bago ko pa man magawa iyon ay nahawakan na niya ako sa kamay at hinila ako palapit ulit sa kanya. "Ryuu—
JANIYA'S P. O. VKAHIT HIYANG-HIYA SA NANGYARI NANG MAHULI AKO NI STRIKE AY NANATILI PA RIN AKO SA BAHAY NIYA. Hindi na rin naman niya in-open pa ang tungkol sa nangyaring iyon. Malakas din ang pakiramdam ko na hindi na nakaabot kay Mamay ang tungkol doon. He also never spoke to me ever since. Halata rin na iniiwasan niya ako. I am ashamed of what I did. But what choice do I have? Kung sana, makabalik na si Papa one of these days, mas magiging okay iyon dahil hindi ko na kailangang magtiis ng hiya dahil lang sa wala akong ibang pwedeng puntahan. I could live in Adrianne's place, yes. Pero as of now, si Strike rin ang may sagot ng expenses doon at magmumukha lang akong tanga sa gagawin ko. So, yeah. I got no choice but to swallow my freaking pride and continue living with him. And depending upon him. Ginagawa ko na lang din ang lahat para iwasan siya gaya ng ginagawa niyang pag iwas sa akin. And as or Ryuu, I am avoiding him also to my very best. Pagkatapos ng nangyari noong umaga