Share

Chapter 3 - Poor cat

Nagkulong na lang ako sa kwarto at hinintay kong gumabi hanggang sa nakatulog na lang din ako.

*In the morning

Minulat ko ang mga mata ko at agad rin bumangon. Binuksan ko ang pinto kung nandyan pa ba ang dalawang taga bantay at swerte kong... wala sila. Kinuha ko ang selpon ko saka lumabas at sinarado ang pinto. Lumabas ako ng bahay at naglakad-lakad. Wala akong pera 'di naman ako puwede sumakay, wala akong pambayad.

Nang nakalayo na ako sa boarding house tumunog na lang bigla ang tiyan ko, hudyat na gutom na naman ako. Sinumukan kong tawagan si Jade pero nagri-ring lang ang selpon niya.

"Te may pera ka ba dyan? Pangkain lang po." sabi ng batang lalaki na pulubi habang inilalahad sa'kin ang mga palad niya.

"Naku! Kung may pera lang sana ako ngayon, ililibre kita ng pagkain kaso wala rin ako ngayon. Na-nakawan kasi ako." sabi ko naman sa kaniya.

"Ay malas ko naman! Akala ko may pambili na ako ng load." paghihinayang niya.

"Abah! Pang load mo lang? Eh ako nga gutom!"

"Sa katawan at ganda mo na yan ate? parang anak ka nga ng mayaman eh." puri niya.

"Ay sus nambula ka pang bata ka."

"Ate gutom ka di ba?"

"Oo, bakit? May ibibigay ka ba sa'kin?"

"Ate sumama ka sa'kin..... may pupuntahan tayo, alam kong mabubusog ka don." sambit niya.

"Sige sasama ako sayo, mukhang... mabait ka naman." tugon ko naman.

Sumama ako sa batang lalaki at dinala niya ako sa isang convenient store sa labas na may mga table at upuan tapos may mga tirang pagkain sa lamesa.

"Umupo ka na ate baka ma unahan tayo ng iba." sabi niya sabay upo at uminom ng tubig.

"Sige, kakain na lang din ako." kinuha ko ang isang cup noodles at nakita kung kalahati pa ang na tirang laman dito saka nilantakan ko na lang, dala na rin ng gutom ko.

"Ate taga saan ka?" tanong niya habang ngumunguya.

"Yan ang 'di ko masagot kasi palipat-lipat ako ng bahay." sagot ko sabay subo ulit ng noodles.

"Ah masamang tao ka seguro." tugon niya.

Hinampas ko siya ng chop stick sa ulo ng mahina sabay sabing "Kung masamang tao ako 'di mo ko makakasama ngayon."

"Luh baka sumama ka lang sa'kin tapos kapag nakuha mo na kailangan mo, iiwanan mo na ako dito. Nangyari na kasi sa'kin yan dati ate." kuwento niya.

"Kawawa ka naman pala, mga magulang mo na saan?"

"Wala ako nun ate, lumaki na ako sa kalye na ganito ginagawa ko para lang mabuhay. Ilang taon ka na ate?"

"24 na ako."

"Ako kasi 15 na, ang totoo niyan birthday ko ngayon."

"Ay naku! Happy birthday! Ano nga pala ang pangalan mo?"

"Ako nga pala si Cloud, ang poprotekta sayo sa init ng araw."

"Abah bumabanat ka ah. Ako naman si Jade."

"Ayon na 'yon ate? Wala ka ng banat?"

"Ay naku! (Aakmak hahampasin na naman siya ng chop stick na tudo ang pagsangga niya) Idadamay mo pa ako sa kalukuhan mo."

Pagkatapos ko kumain umalis na kami saka naglakad-lakad sumama lang muna ako sa kaniya. Nagusap-usap lang kami hanggang sa dinala niya ako sa lugar kung saan siya na tutulog at ito'y sa tabi lang ng mga basurahan sa kalye na maamoy mo talaga ang baho. 'Di namin na malayan ang oras, pagkatingala ko sa taas ay mukhang gagabihin na.

"Ate dito ka lang muna ah, babalikan kita." bilin niya, saka naglakad papalayo sa'kin.

Bigla naman nag-ring ang selpon ko na agad ko ito sinagot "Hellow Jade na saan ka na?" si Shane pala ang tumawag.

"Nasa kalye ako."

"Ha!? Eh dito ako sa boarding house na tinuloyan mo. Jade pagdating ko dito may dalawang tao na nagbabantay sa harap ng pinto mo at nakita ko rin si sir Greco kanina, hinahanap ka."

"Sabihin mong wala kang alam, kung saan ako."

"Eh Jade, pinaghahanap ka na nila ngayon."

"Ano!? Ano bang meron sa'kin at hinahanap ako ng lalaking 'yon. Sige! ako na bahala, dyan ka na muna."

"Hihintayin kita dito Jade ah, magingat ka." saka pinatay ang tawag.

Ginagalit talaga ako ng lalaking 'yon. Bigla naman bumuhos ang malakas na ulan at tumakbo ako para maghanap ng masisilungan. Sumilong ako sa isang bukas na convenient store sa labas nito. Pagdating ko don, basa na ang damit ko. Parang na ligo na ako sa ulan.

May dumating naman na kotse at may isang lumabas na lalaki dito may hawak siyang payong. Naglakad siya papuntang kabilang pinto saka binuksan iyon. Lumabas naman ang isang lalaki na nakamaskara at iyon ay si Lucian. Binigay sa kaniya ng guard ang payong at naglakad papunta sa'kin.

"Oh a-ano?" tanong ko sa kaniya habang na nginginig sa lamig dahil sa basang damit na suot ko.

Umiling muna siya bago sinabi ang mga salitang ito "Poor cat.....you need an owner to take care of you."

"Poor cat? Ikaw naman bad dog, sunod ng sunod sa'kin kung saan ako pupunta." tugon ko.

"The first time we meet, you already own my heart."

"Sa tingin mo ba makukuha mo ko sa mga ganiyan mo?" tanong ko.

"I just wanted to say what I feel for you." he admit.

"Stay away from me, it's not my fault that I already own your heart!"

Narinig ko ang boses ni Cloud na tinatawag ako mula sa nakabukas na pinto ng kotse ni Lucian "Ate Jade! Sumakay ka na dito!" saka siya kumaway sa'kin

"Cloud! (tiningnan ko muna si Cloud saka tumingin kay Lucian at sinampal ko siya) Pati bata ginagamit mo para sa'kin?"

Binitawan niya ang payong na hawak niya at binuhat ako na parang bagong kasal saka dinala sa kotse. "A-Ano ba Lucian! ibaba mo ko!" sigaw ko. Pagkapasok sa kotse pina-upo niya ako at umupo na rin siya at sinarado ang pinto ng kotse.

"Ate walang kasalanan si Kuya dito. Tinulongan niya nga ako kasi umuulan na, sabi niya sa'kin.... sumilong lang muna ako." paliwanag

"Ikaw Cloud, sa susunod 'wag ka basta-basta sasama sa 'di mo kilala. 'Di ka ba na tatakot sa kaniya?"

"Pakiramdan ko naman ate mabait si Kuya."

"Oy Cloud, 'di mo sure." tugon ko.

"Beat start the car, sa boarding house tayo." utos ni Lucian.

"Yes boss!" tugon naman ng nangangalang Beat na pinaandar ako kotse.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Nang nakarating na kami sa Boarding house, pagbukas ko ng pinto ng kwarto nakaupo si Shane sa kama.

Tumayo siya na agad ako niyakap "Jade pinag-alala mo ko."

"Sorry na Shane, gusto ko lang naman lumabas kaso naman kasi utos ni sir Lucian! Na 'wag daw ako palabasin." pagpapalinig ko.

"Sir pasensya na po talaga, na takasan po kami." sabi ni Tresen habang nakayuko sila ni Vanessa.

"Forget it, wala kayong kasalanan." sabi naman ni Lucian

Nag-ring naman ang selpon niya at sinagot niya ito "Papunta na ako dyan, Tres! Van! dito lang muna kayo." sambit niya saka siya naglakad pa labas ng kwarto na hawak ang selpon niya na nakalagay sa tainga niya.

Lumabas rin sina Tres at Van saka sinarado ang pinto.

"Naku Jade, basang-basa ka." pagaalala ni Shane.

"Huwag mo ko alalahanin Shane." sabi ko saka kumuha ng tuwalya sa CR at pinunasan ang buhok ni Cloud.

"Lumabas ka lang, may anak ka na." sambit ni Shane.

"Hi po, ako si Cloud. Ang magpoprotekta sayo sa init ng araw." pagpapakilala ng bata kay Shane.

"Ayos din tong na damput mo Jade ah."

"Ganito lang talaga siya Shane."

"Ako naman si Shane, Ang magsha-shane ng buhay mo."

"Oy galiiiiing! (Sabay palakpak ng kamay niya) Ate buti pa ang kaibigan mo magaling bumanat."

"Ikaw talagang bata ka, ang kulit mo."

Maya-maya pumasok si Vanessa saka kinuha si Cloud, utos daw ni Sir Lucian niya na dalhin si Cloud sa safe house nila. Pumayag ako, 'di dahil nagtitiwala na ako sa kaniya kundi nakikita ko naman na mabuting tao siya.

Hanggang kailangan kaya ako susundan ni Lucian? Alam kong sa nga susunod na araw magsasawa rin siyang suyuin at sundan ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status