Share

Chapter 2 - You see me

Pagkauwi namin sa bahay hiniram ko ang laptop niya, sa kwarto ako ngayon ni Shane magkatabi kasi kami matulog.

"Shane ano nga full name ng lalaking Sponsored sa club natin kanina?" tanong ko habang nakaupo sa upuan at nakapatong ang laptop sa table.

"Oh bakit mo inaalam? Interesado ka sa kaniya?" tanong rin si Shane.

"Tinatanong ko lang naman."

"Type mo lang "Lucian De Greco" lalabas na yan hanapin mo lang."

"Ah Salamat, gusto ko lang naman malaman."

"Sige mauna na ako sayo matulog, Good night Sis!"

"Good night sis sweet dream."

Maghahanap ako ngayon ng pang-umagang trabaho para double ang maipon ko. Gusto ko na rin magsarili, ayaw ko na umasa kay Shane.

••••••••••••••••••••••••••••••••••

In the morning*

Hinawakan ko ang kamay ni Shane saka nagpaalam "Shane alis na ako, papunta lang ako sa trabaho."

"Ahhhh..Huh? Sige 'wag mo kalimutan ilock ang pinto at gate." sabi niya habang nakapikit ang mga mata na nakayakap sa unan.

Pagkalabas ko ng bahay naghintay agad ako ng sasakyan. Nang nakababa na ako sa location ng pagtatrabahoan ko ay agad ko ito hinanap kaya nakita ko ang pangalan sa labas ng isang Cafe ang "Heavenly Cafe" may mga naka-designed na clouds sa labas na parang paki ramdam ko malamig sa loob.

Pagkabukas ko ng pinto na aamoy ko agad ang chocolate coffee, pumasok ako saka sinarado ang pinto. Pumunta ako sa counter saka ko kinausap ang isang babae na parang kaidad ko lang, nakatayo ito sa loob nito. "Good morning po, ako si Jadelyn Marlelli isa po ako sa nagapply. Kag..." na putol ang pananalita ko.

"Pumasok ka na sa loob at magbihis ka, marami tayong customer ngayon. First day of work mo kaya sa serving ka muna." utos niya.

"Ye-Yes ma'am, sige po." Pumasok ako sa loob saka tinulongan ko ng isang babae.

"Newbie, ito suotin mo." Inabot niya sa'kin ang damit at nagbihis din agad ako.

Pagkalabas ko hinawakan ko agad ang tray na nakapatong sa lamesa ng counter. "Lapag mo yong tray dito (Nilagyan niya ito ng Dark chocolate coffee at Creamy latte coffee ang tray) bigay mo to sa taas, table 3. mga VIP customers mga nandoon kaya magingat ka."

Tumango ako at dinala ang tray na may laman ng two cup of coffee habang papaakyat ng hagdan nang sa taas na ako hinanap ko ang table 3, nilapag ko ang cup of coffee sa table pagkaharap ko sa likuran ko nakita ko yong lalaking nakamask na naglalakad sa hagdan papataas. Gamit ang tray tinago ko ang mukha ko, naglagad-lagad lang muna ako hanggang sa na bangga ko ang kasamahan kong taga serve rin.

Na hulog at na basag ang tasa na nakalagay sa tray niya, rinig ang pagkabasag ng lahat ng tao sa loob. Nang pulotin ko ang basag na tasa hinawakan ng nakamaskarang lalaki ang kamay ko at hinila ako pababa ng Cafe na sumunod naman ang mga body guard niya. Nilabas niya ako sa labas ng Cafe.

"Bitawan mo ko!" sigaw ko.

Binatawan niya ang kamay ko saka naman siya nagsalita "Bakit ka nagtatrabaho sa Cafe?"

"Pakialam mo ba? Kailangan ko ng trabaho dahil sa pera!" bulyaw ko.

"Kung kailangan mo ng pera sabihin mo lang sa'kin Jade." sabi ng lalaki.

"Bakit ko naman gagawin 'yon? 'Di kita ka ano-ano!"

"Tigilan mo yan Jade! Sir Greco pasensya na po kayo 'di na po ito ma-uulit." sabi ng isang babae na kakalabas lang sa Cafe.

Huminga siya ng malalim saka ng salita "Ayos lang, kilala ko siya." sabi niya sa babae.

"Pwede ba pagnakita ulit tayo hayaan mo na ako?" pakiusap ko.

"Ano ba Jade!? Kunting respeto naman! Owner siya ng Cafe na pinagtatrabahoan mo ngayon." sabi ng babae.

"Ah ikaw pala ang owner, pwes! magre-resigned na ako." pagkasabi ko niyan agad ako pumasok sa loob at nagbihis.

Pagkalabas ko ng Cafe wala na ang lalaki, nakaramdam ako ng lungkot sa loob ko 'di ko alam kung bakit pero parang isip ko hinihintay niya ako na lumabas.

Naglakad-lakad ako sa kalsada, maraming tao na nakapalikid sa'kin hanggang sa may biglang humablot ng bag ko.

"Hoy! ibalik mo sa'kin yan!" sigaw ko habang tumatakbo pero mabilis na nakaalis ang magnanakaw.

Kinapa ko yong selpon ko sa bulsa buti na lang 'di ko na lagay kanina sa bag. Anong gagawin ko? Wala na nga akong pera tapos na nakawan pa ako. Naglakad-lakad ulit ako hanggang sa may nakita akong nakalagay sa labas ng gate na "Room for rent."

Kumatok ako at sumigaw ng "Tao po! Tao po! Room for rent po!" habang sumisigaw may nagsalita sa likuran ko sabay hawak sa likurang balikat ko "Bakit iha?" na lumingon agad ako dito "Ay susko Lola nakakagulat kayo,"

"Magrerent ka ba?" tanong ng matanda.

"Opo kahit ngayong araw lang po sana, aalis din ako bukas." sagot ko.

Binuksan ng matanda ang gate "Pasok ka....pasok."

Pumasok ako at sinarado niya ang gate nang nasa pinto na kami pinapasok niya ako saka pinapili kong saang room sa tatlong bakante. Nang nakapili na ako iniwan na niya ako sa loob ng kwarto at sinarado ang pinto.

Humiga ako saka tinawagan si Shane.

"Hellow Shane....nasa boarding house ako ngayon, ako lang magisa sa kwarto. Nag-resigned agad ako sa trabaho ko." maririnig sa boses ko ang lungkot.

"Jade ano nangyari?" pagaalala ni Shane.

"Nakita ko si Lucian De Greco sa pinagtatrabahoan ko, siya pala ang owner ng Cafe. Nag-resigned ako kaagad, pakiramdam ko sinusundan ako ng lalaking 'yun!" na iinis na sambit ko.

"I'm so happy for you Jade nakahuli ka ng mayabang tulad niya." na tutuwang sabi nito.

"Happy! Eh kanina nanakawan ako bago ako na punta dito sa boarding house"

"Ano!? Eh...ah-ayos ka lang ba Jade? 'Di ka ba nasaktan?" pagaalala ni Shane.

"Ayos lang ako Shane, 'wag kang mag-alala."

"Sige bukas, susunduin kita dyan chat mo sa'kin ang address mo."

"Oo chat ko sayo now na. Sige na. Itutulog ko na lang cguro to, magpapahinga lang ako. Kulang pa kasi ang tulog ko."

Pagkapatay ko ng tawag chi-nat ko agad sa kaniya ang location ko at natulog na lang ako.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Dahan-dahan ko minulat ang mga mata ko saka ipinikit ulit. Nakaramdam ako na parang may umupo sa kama, kumalaw ako at parang tumayo naman ang kanina nakaupo.

Unti-unti kung minulat ang mga mata ko na saka ko naman nakita ang isang lalaki nakatayo siya tinitingnan niya lang ako. Bigla naman ako bumangon at tumayo saka hinarap siya.

"Kumalma ka lang muna wala akong gagawin na masama sayo."

"Anong ginagawa mo dito?(Tanong ko habang nagaturo ang isang daliri ko sa kaniya) Pa-paano ka nakapasok?" pagtataka ko.

"Alam kong na gugutom ka na kaya na isip kong dalhan ka ng pagkain."

"Tama ako! Sinusundan mo nga ako! Mafia ka noh? Pinahanap mo lahat ng mga information tungkol sa'kin tapos ngayon sinusundan mo na ako kung saan ako pumunta. Pupwersahin mo kung sumama sayo tapos kapag 'di ako sumama sasaktan mo ko."

"Wala akong balak na puwersahin ka na sumama sa'kin Jade."

"Nakakatakot ka, habang tulog ako tinititigan mo lang ako!"

"Bakit? Ano ba dapat kailangan ko gawin? Ano tinitigan lang kita? Dapat ba pagnasahan kita habang tulog ka?"

"Hoy! Puwede ba? Umalis ka na dito." utos ko.

"Gusto mo na ba talaga ako umalis?" tanong niya.

"Oo! Kasi ayaw ko na makita ang pagmumukha mo!" sigaw ko.

Lumakad siya papalapit sa'kin na siyang kinaatras ko naman hanggang sa na tumba ako sa kama. Pinikit ko ang mga mata ko at naramdaman kung naglakad siya papuntang pinto, binuksan niya ito saka lumabas na agad rin sinarado ito.

Minulat ko ang mga mata ko at 'di ko na siya nakita pero nakita ko ang supot ng pagkain at inomin sa lamesa. Lumunok ako ng laway ko saka umupo sa lamesa binuksan ang supot at kumain na rin.

Pagkatapos ko kumain tiningnan ko ang oras sa selpon ko 3:30 PM na pala kaya na isip ko na lumabas muna pagbukas ko ng pinto may dalawang lalaking nakatayo sa harapan ko.

"Good afternoon Miss Jade." bati nila sa'kin.

"Anong ginagawa niyo dito?" pagtataka ko.

"Our boss needs your safety." sabi ng babaeng body guard.

"Wala na nga ang pinuno nagiwan pa ng alagad, ayos din trip ng lalaking yon."

"Miss jade, our boss wants to protect you. I hope you don't get mad at him." sabi naman ng lalaking body guard.

"Ano ang mga pangalan niyo?"

"I'm Vanessa you can call me Van and this is Tresen." pagpapakilala ng babae sabay turo sa kasalama niya.

"You can call me Tres Miss Jade." sabi ng lalaki.

"Gusto ko lumabas."

"Sorry Miss Jade but we didn't allow that." sabi ni Van.

"Sundan niyo ko kung gusto niyo basta lalabas ako." pagkasabi ko humakbang ako at agad naman sila tamayo sa harap ko.

Tumalikod na lang ako sa kanila saka pumasok ulit sa kwarto.

Preso na ba ako? Na iinis na talaga ako sa lalaking yun! Kapag nakalabas ako dito at nagkita kami ulit malalakot na siya sa'kin!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status