Share

Chapter 5 - Agreement

Nang kami na lang dalawa sa kwarto nagsalita na ako ulit "Oh 'wag kang gagawa ng kahit ano sa'kin." paalala ko sa kaniya.

Lumapit siya sa'kin at niyakap ako saka siya nagsalita ng "Don't do this again.... worried, hurt, and scared. That's what I feel right now." rinig ko sa boses niya ang pagaalala.

Pakiramdam ko, may alaga akong asong takot na mawala akong amo niya.

"Ano ka ba? Buhay pa ako oh, wala naman nangyari sa'kin. Ayos lang ako." pagpapanatag ko sa loob niya saka niyakap ko rin siya, paki ramdam ko safe ako sa mga bisig niya.

Hinalikan niya ako sa noo saka kami kumalas sa pagkakayakap.

"I think, I am the owner of a dog like you." sambit ko.

Hinawakan niya ang baywang ko at hinila ako papunta sa kaniya na parang magkalapit na ang mga mukha namin saka naman siya nagsalita "In outside I'm your owner while in inside I can be your puppet."

Sa mga oras na'to nakaramdam ako ng kakaibang 'di ko mapaliwanag, ngayon lang ako nakaranas ng ganitong kalinga ng isang lalaki.

Tumingin-tingin ako sa paligid para makaiwas sa titig niya sa aking humihingi ng atinsyon.

"A-ano ba ang ginagawa mo? 'Wag mo ko tingnan ng kaniyan." sambit ko.

"Are you scared of me?..... Don't be. Do you me gone your fear? Be close to me, get to know me, and try to love me." tugon niya.

"Pwede ba na bitawan mo ko? (Binitawan niya ako at umupo siya sa kama.) Paano ko naman magagawa lahat ng sinasabi mo... kung ganito lang ako?"

"Be my fiancée, I give you all my benefits what I have."

"Paano kung ayaw ko? Pipiliton mo ko, sasaktan mo ko, babantaan mo ko?"

Tumayo siya saka naglakad papunta sa'kin "I'm not what you think, I have high respect for women."

"P-Pero! (tinaas ko ang isa kong hintuturo) m-may mga kondisyon ako."

"Gusto ko yan, let's make an agreement."

"Deal! I can be your Fiancée but don't expect me to love you."

"Fine! I'll stop myself, I can't be fascinated, but don't do things that I can fascinate you because I might not be able to control myself."

Binigay ko sa kaniya ang kamay ko "Oh yong sing-sing, asan nah?"

"You are too excited, I don't have ring right now."

"Kita mo to, inalok akong maging fiancée tapos walang sing-sing na dala." sabi ko saka binaba ang kamay ko.

Hinawakan niya ang kamay ko saka hinila ako papunta sa harap ng pinto "Let's buy a ring, you can choose, para naman maingatan mo."

"Hoy! 'Di purkit mayaman ka, dadaanin mo ko sa yaman mo."

"Ayaw mo ba? Pwede ko naman na tawagan ang secretary ko para umorder ng sing-sing para sayo."

"Oo na! (Binuksan ko ang pinto para kaniya) Labas na, aalis tayo. Punta tayo sa jewelry shop."

Lumbas siya at sumunod naman ako, pagkalabas namin ng hotel nakita ko si Glare kasama pa rin rin si Jino. Bago ako pumasok sa kotse nag-chat ako kay Glare na nakalabas na ako ng hotel at siya rin bahala makipagusap kay Jino.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Pagdating namin sa Jewelry shop, inilabas ng mga receptionist ang mga high quality na meron sila "Grabe, prepared na prepared ah."

"Choose one, I'll put it on your finger right away."

Pinili yong may dark red na stone saka naman nagsalita siya ng "A Garnet Ring, (Kinuha niya ang sing-sing saka kinawakan ang kamay ko at isinuot sa daliri ko.) it makes you lucky for love, success and even financial gain by keeping you balanced, confident and protected."

Ngumiti ako bago nagsalita ng "Maganda pala meaning ng na pili ko. (Bigla ko naman siya tinuro ng hintuturo ko) Ako.. ang gagawa ng agreement nating dalawa."

"Of course, ikaw na bahala tungkol sa bagay na yan." sabi niya naman.

"Hatid mo na ako sabay." utos ko.

Lumapit ang isa niyang body guard "Sir... Mr. Morgan galit na galit dah..." na tigil ang pananalita niya ng hinawakan siya ni Lucian sa isa niyang balikat.

"Van, Tres... Hatid niyo si Jade sa bahay ni Shane." utos ni Lucian.

Lumabas ako ng jewelry shop kasama si Van at Tres, pinagbuksan ako ni Tres ng pinto sa backset at sumakay ako. Sinarado ni Tres ang pinto saka sila sumakay na dalawa sa harapan si Tres ang nag-drive.

May tumawag kay Van saka naman niya ito sinagot agad "Yes boss, mag-order ako ng pagkain na ipapadala sa bahay nila."

Ayos ah, binigyan ako ng sing-sing tapos ngayon nagpa-order pa ng pagkain. Ano to mukhang na ba akong kumapit sa sugar daddy? 'Di naman ako ganun ka disperadang ganung babae. Matutuwa si Mr. Larred kapag na laman niyang ginawa na akong fiancèe ng kapatid niya.

Pagdating namin sa bahay bumaba ako ng kotse, agad naman umalis si Van at Tres. Pagpasok ko sa loob ng bahay, tahimik at parang walang tao.

"Hoy! Bakit ngayon ka lang!?" sigaw ni Glare habang tinuturo ako habang naglalakad pa punta sa'kin mula sa kusina.

"Oo nga! Bakit ngayon nga lang dumating!?" sigaw din ni Shane habang pababa ng hagdan.

"Bakit ho! Kayo sumisigaw!?" sigaw ko rin habang naglalakad papuntang sofa at umupo.

Umupo silang dalawa sa tabi ko. Tinititigan nila akong dalawa, makikita sa mga pagmumukha nila na may gusto silang malaman.

"Kung may gusto kayong itanong, ilabas niyo na." sabi ko sa normal kong boses.

Tumaas ng kamay si Shane at nagtanong siya "Bakit ganiyan ang suot mo?" saka niya binaba ang kamay.

"Nagbihis ako para makatakas sa client ko kanina kaya nagdisguise ako. Glare resigned na ako sa trabaho na 'yon ah." sagot ko.

"Oo inasikaso ko na 'yon pero ang pinagtataka ko, ay ito! (Kinuha ni glare ang kamay ko at tinuro ang sing-sing) Kanino galing 'to?" pagtataka niya.

"Wooooow! Ang ganda Jade, saan mo yan nakuha?" paghanga ni Shane.

"De! Kahit ilang taon pa ako magtrabaho, 'di ko to mabibili eh." sabi ni Glare.

"Bigay lang sa'kin ni Mr. Lucian to." sabi ko naman.

"Bigay lang? (Kumunot ang noo ng dalawa) Bakit Jade? Bakit ka niya binigyan ng ganitong sing-sing?" pagtataka ni Glare.

"Kami ba eh, pinagluluko mo De? Sa nakikita ko parang..... proposal ring 'yan."

"Oo nagpropose siya sa'kin kaina," pagtatapat ko.

"Wait lang..... Wait! Ang bilis ng mga pangyayari De!" na gugulohang sabi ni Shane.

"Sino ba yong lalaking nagpropose sayo De?" tanong naman ni Glare.

"Siya yong sponsored sa club kung saan kami nagtatrabaho ni Shane." sagot ko naman.

Hinambas-hampas ako ni Shane ng unan sa balikat habang nagsasalita siya "Jaaaaaaaaade! Sina.... sabi ko na nga ba eh, kayong dalawa talaga ang end game."

Ngumiti naman ako saka nagsalita ng "End game mo, mukha mo."

"Abah naman De. Pumayag ka na maging fiancée ng isang lalaki, ano to trip mo lang siyang sagutin?" pagdidismaya ni Glare.

"Ding! Dong!" may nagdoor bell sa labas.

"Ako na." sabi ni Shane saka siya tumayo at lumabas.

"Glare, may usapan kaming dalawa. Ayaw niyo 'yon 'di kayo mahihirapan sa'kin, may tao ng puprotekta sa'kin." paliwanag ko.

Pumasok si Shane na may dalang plastic "Ayos may pa food delivery pa, libre na ang lunch natin today." sabi ni Shane na may ngiti sa labi sala dinapag sa lamesa.

"Segurado ka na ba talaga sa kaniya Jade?" pagaalala ni Glare.

"Oo naman, kilala naman siya ni Shane." pagpapanatag ko ng loob niya.

Naglakad papunta sa tabi ko si Shane at umupo saka naman siya nagtanong ng "Jade sabihin mo nga sa'kin, ano mo ba talaga si Mr. Greco? Sugar daddy? Or Talagang na pilitan ka lang sa kaniya?"

"Wala Shane, wala sa nabanggit mo. Ang totoo kasi niyan, may agreement kaming dalawa. Ganito kasi 'yan, may benefits ako na makukuha galing sa kaniya at may makukuha din siya sa'kin." paliwanag ko.

"At Anong klaseng benefits naman 'yan?" tanong ni Glare.

"Hindi ko pa alam sa ngayon, basta go with the flow na lang muna."

"Ting!" tunong na nang galing sa selpon ni Shane.

Tiningnan ni Shane ang selpon niya at maya-maya nilapag ang selpon sa glass mini-table. Kinuha niya ang unan saka hinampas-hampas ako nito.

"Oh bakit!?" pagtataka ko.

"M-Mr. Greco! May date kayo mamayang gabi!" kinikilig na sambit ni Shane.

"Sh*t! Ang l*ndi mo Jade!" sambit naman ni Glare habang ginugulo ang buhok mo.

Medyo nakaramdam ako ng hilo kaya inawat ko na sila "Teka lang! Kayo pa ata excited eh, kayo na lang kaya pumunta sa date na 'yon."

Tumigil silang dalawa saka naman nagsalita si Glare "Ako ang maayos sayo."

"Papahiramin kita ng dress pero bago yan, kain muna tayo!" sabi naman ni Shane.

"Shane hiram ako ng laptop mo ah."

"Doon sa kwarto mamaya."

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Pagkatapos namin kumain pinapunta ako ni Shane at Glare sa kwarto sila na daw bahala. Nang nasa kwarto na ako, kinuha ko ang laptop ni Shane.

Pagkalipas ng mga ilang minuto, pumasok si Shane at Glare sa kwarto. Si Shane ang pumili ng susuotin ko at si Glare ang nagayos ng buhok ko saka ang nagmake-up sa'kin.

"Oh ayan, ok na. i-light make up lang natin para lumabas ang natural beauty mo." sambit ni Glare.

"Ito na ang susuotin mo De, I-try mo nga." sabi ni naman ni Shane.

Pagkasuot ko ay masyadong maikli sa baba "Maikli naman masyado sa baba." reklamo ko.

"Malamang Halter dress yan, alam mo naman itong si Shane mahilig din sa sexy outfit ." tugon naman Glare.

"Jade, first date niyo Mr.Greco to. Kaya dapat maganda ka, maakit mo siya sa gandang meron ka." sabi naman ni Shane.

"Oo na! Ano oras ba yong date?" na iirita kong sabi.

"Sa text sa'kin ni sir, 4:30 PM at susunduin ka ng mga body guard mo." sabi naman ni Shane.

"Oy pak! May personal body guard pa, kung ako yan Jade, naku! Gagawin ko ang lahat para lang mapasa'kin ang lalaking 'yan." sambit naman ni Glare.

Pagsapit ng oras na pagpunta ko sinundo ako ni Van at Tres. Pagdating namin sa location, pagpasok ko walang tao. Lumapit sa'kin ang isang lalaki nakasuot siya ng waiter outfit "Good afternoon ma'am, dito po tayo."

Sumunod ako sa kaniya at umupo ako sa upuan na ne-reserve. Hinintay kong dumating si Lucian pero wala pa rin siya. Tinaas ko ang kamay ko at lumapit ang isang waiter na babae "Yes ma'am?"

"Ano oras na?" tanong ko.

"5:33 PM po, kunting hintay lang po ma'am ." sagot naman niya.

May na rinig akong yapak ng mga sapatos pamunta sa'kin mula sa likuran. Lumingon ako at tumayo. Dumating na si Lucian.

Paglapit niya sa'kin, pinadampi niya ang labi niya sa pisngi ko saka siya umupo sa harap kong upuan, pinalayo niya ang mga body guard niya.

"Umupo ka na." utos niya.

"Salamat ah." sabi saka umupo then I rolled my eyes.

"So, you came." sambit niya.

"Sabi mo kasi libre, kaya pumunta ako. (Umiling ako saka nagsalita ulit) 'wag na nga tayo maglukohan." sabi ko sabay lapag ng isang papel sa table.

Kinuha niya ito saka binasa, habang nilalapag ng mga waiter ang mga kakainin namin. Hinintay ko siyang matapos magbasa, pagkatapos niyang basahin nilapag niya ito sa table.

Huminga siya ng malalim saka nagsalita ng "Ok na, let's eat."

"Wala ka man lang sasabihin sa agreement na ginawa ko?" pagtataka ko.

Kinuha niya wine glass at uminom saka nagsalita "May magagawa pa ba ako? Tingnan na lang natin kung may masusunod dyan."

"Nag-effort ako para lang e type yan, tapos 'yan lang ang sasabihin mo?" pagdidismaya niya.

Nilapag niya ang wine glass na hawak niya saka humawak ng tenidor at tinusok sa steak. Pagsubo niya nginuya niya muna ito at nilunok, nagsalita siya ng "I appreciate your efforts Jade but don't expect me na susunodin ko lahat 'yan."

"Sige ganito na lang, kung sino ang di sumunod dyan may punishment." taas noo kung sabi.

He smirked "Don't take back what you said. It looks like the next few days will be exciting for both of us. Shall we start now?"

"Of course, this agreement will be start now." sabi ko naman.

Sana tama ang naging desisyon ko, wala sanang magyari na pagsisihan ko sa huli. Sa mga susunod na araw siguradong medyo mahihirapan ako sa sitwasyon naming dalawa pero kahit ganun, wala ng atrasan ang pinasok kong mundo niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status