Share

Chapter 4 - Owner

Sa boarding house na kami na tulog ni Shane at kinaumagahan nagbayad si Shane ng renta ko sa may ari na matandang nakilala ko. Sumakay kami sa kotse na si Tresen lang ang kasama namin pa uwi, siya ang nag-drive. Ihahatid niya kami sa bahay ni Shane.

Nag-ring naman ang selpon ko na agad ko naman sinagot. "Oh Hellow!" pagsusungit ko.

"Calm down De." sa boses, makikilala kong si Lucian ito.

"Abah, may pet name na ako ngayon?"

"So, you admit that I am your owner?

"I'm not your puppet and I'll will never be your pet!" sigaw ko saka pintay ang tawag at binigay kay Shane ang selpon ko.

"Luh! galit na galit De? Attitude yarn?" sabi ni Shane.

"Ang taas ng tingin niya sa sarili Shane." taas ang isa kung kilay na tugon ko sa kaniya.

••••••••••••••••••••••••••••••••••

Nang nakauwi na kami, umalis na rin si Tresen. Pagpasok namin ng bahay nakita ko si Grale nakaupo sa sofa na nonood ng TV.

"Glare? Ikaw ba yan?" pagtataka ko.

Tumayo siya saka naglakad papunta sa amin ni Shane at sabay kami niyakap.

"Kanina ka pa ba dito?" tanong ni Shane habang nagyayakapan pa kami saka kumalas si Glare sa pagkakayakap sa amin.

"Shane na mimiss ko kayo, lalo na itong si De." sabi ni Glare.

"Ayos lang naman ako Glare."

Umupo kaming ni Glare at umalis si Shane para pumunta sa kwarto.

"De naghahanap ka pa rin ba ng trabaho?" tanong ni Glare.

"May trabaho ako sa gabi, pero gusto ko rin magkatrabaho sa umaga." sagot ko.

"Tumawag sa'kin kagabie si Charm tinatanong niya ako kung naghahanap ako ng trabaho pero sabi ko naghahanap ka." sambit niya

"Anong klaseng trabaho?"

"Makikipagkita ka lang naman sa client nila tapos i-salestalk mo. Kapat pumayag may bayad ka na. May kasama ka naman pero hanggang kotse lang siya. Gusto kasi ng mga clients na dapat mag-isa lang ang kakausap sa kanila para convincing kahit mag-isa ka lang kaya mong tumayo sa sarili mong mga paa na manindigan ka sa binibenta mo." paliwanag ni Glare.

"Parang medyo mahirap na trabaho yan." tugon ko naman.

"Kilala kita De, masipag ka at gagawin mo lahat para lang mangyari ang gusto mo. Hahayaan mo na lang ba ang ganitong opportunity?" pangungumbinsi niya.

"Magkano bah?" tanong ko.

"15k per customer." sagot niya.

"Malaki nga ah, sige e-try ko." medyo pagaalangan ko.

Buong umaga hanggang hapon nag-bonding kaming tatlo. Nanood ng movies na may kasamang popcorn at juice, naglaro ng online games, at syempre ang huling ginawa namin nagluto kami ng pagkain for dinner. Kaninang lunch naman nagorder lang kami.

Pagkatapos namin kumain ng dinner sumama sa'min si Glare sa trabaho. Sumakay kami sa kotse ni Shane. Pagdating namin sa Club kita na namin mula sa loob ng bintana ang daming taong pumapasok.

Binuksan ni Shane ang pinto saka humarap sa amin "Dito lang muna kayo, ma-uuna ako sa loob. Magcha-chat ako sa GC." sambit niya.

Lumabas siya saka sinarado ang pinto, maya-maya tumunog ang messenger namin. "De pumasok na kayo, may birthday party pala kaya madaming tao." chat ni Shane.

Lumabas kami ng kotse ni Glare saka pumasok sa loob ng Club. Iniwan ko si Glare sa counter na makakasama niya doon si Shane at pumunta naman ako sa dressing room para magbihis.

••••••••••••••••••••••••••••••••

Pagkalabas ko'y nakita ko agad si Lucian na may kasamang lalaki papunta silang VIP Place, kung titingnan mukhang hawig silang dalawa. Pumunta ako sa counter saka kumuha ng tray na may laman ng wine.

"Saan na table to?" tanong ko.

"Table 5 yan, ingat ka...sa table ng birthday boy yan." sagot ni Zip na bartender, katrabaho namin.

"No problem," tugon ko.

Naglakad ako papuntasa sa table number 5. Sa VIP Place, ang may mga number na table. Magkahiwalay ang Place ng VIP at Standard customer. Sa Standard customer, pagpasok pa lang ng club may mga table na at dance floor. Sa VIP customer naman, pagpasok ng bar ay pupunta pa sa red door na may nakabantay na security sa labas at dapat may VIP card bago makapasok. Sa loob nito may nagpu-pole dance sa stage at may mga babaeng umaaliw sa mga customer.

Nang nakarating na ako sa table 5 'di ko akalain na table pala ito nila Lucian. Pinagtitinginan nila ako, kaya agad kong iniisa-isang nilapag ang mga inumin nila sa table. Aalis na sana ako pero hinawakan ako ni Lucian sa isa kung kamay.

"Calm down doll, 'wag kang magmadaling umalis. I just wanted to meet my brother's playmate." sambit niya saka kinuha ang tray sa kamay ko at ibinigay sa babaeng katabi niya.

Binigyan ako ng space sa upuan ng lalaki sa gitna nila ni Lucian.

"Larred, what are doing?" Lucian's wonder.

Hinila ako ng lalaki sa kabila kong kamay at na pa upo ako. Nagkatinginan sina Lucian at ang lalaking nangangalang Larred.

He smirked before say "Lucian you know me, I'm your oldest brother. I had my own rules, if it's mine is mine and if yours it's yours."

"I know, but can you not touch her again?" Lucian said then he smirked.

"Oooooow should I scared? Too much possessive, Lucian."

"Excuse me lang hoooh! ah, I'm here for my job!Not to make a trouble to fighting two men in front me."

Dumating naman ang isang body guard ni Lucian "Sir... sorry for interrupted, Mr. Carter needs talk to you." sabi nito sabay abot ng selpon kay Lucian.

"Business calling, puntahan mo na yan. Susunod ako sayo, I want to enjoy my night tonight." sambit niya bago uminom ng wine.

Tumayo si Lucian saka nagsalita "Hellow! Mr. Carter, of course we can talk about that things of what you need. I'm on my way, give me five minutes to come.... Thank you." at tumingin sa kapatid niya.

Nagkatinginan silang dalawa at agad naman nagsalita ang kapatid niya habang hawak ang glass na may lamang wine "What are you waiting for? Go! I'm not stealing your doll, trust me."

"Don't touch her ever again... and Happy Birthday." Lucian warning to his oldest brother while pointing at it then he left.

Tumayo ako saka tumayo rin si Larred.

"Can we talk about my brother? Just a moment." pakiusap niya

Umupo ako at umupo din siya.

"Before we talk about your brother, I would like to say "Happy Birthday M-Mr. Larred." sambit ko.

"Thank you for your greetings. So, what's your name again?"

"Jadelyn Marlelli, you can call me "Jade"." pagpapakilala ko.

Nilapit niya ang mga labi niya sa tainga ko saka siya bumulong, then he take his glass and drink.

Dumating ang birthday cake ni Larred at pinaalis na niya ako. Pagkalabas ko, bumalik ako sa may counter.

"Oh kamusta?" Tanong ni Zip.

"Wa-wala naman, maayos naman ang pag-serve ko." sagot ko naman agad.

Kumuha ako ng isa pang order at sinerve sa regular customer, pagkatapos pinuntahan ko si Shane at Glare. Habang nagtatrabaho ako, sa tuwing pagdating ko sa counter naguusap kami tapos aalis din ako para magserve.

Nang gabing 'yon, pinag-isipan ko rin ang binulong sa'kin ni Mr. Larred. Ayaw kong ipaalam ito sa mga kaibigan ko dahil kukulitin nila ako tungkol kay Lucian. Dadagdag pa ako sa iisipin nila?

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Kina-umagahan, umalis kami ni Glare sa bahay ni Shane para sa trabaho na inalok niya. Pagdating sa lokasyon na kikitain namin si Charm, wala siya at ang nagpakita sa amin ay ang kaibigan daw niyang si Jano.

Nandito kami ngayon sa tapat ng isang Hotel, parang kung titingnan mga mayayaman lang ang makaka-afford. Pinaliwanag sa'kin lahat ni Jino ang gagawin, pagkapasok ko pumunta agad ako sa reception kung may nakaserve na appointment para sa'kin at sa client. Binigay sa'kin ng receptionist ang number, hinanap ko ang room saka pumasok.

Pagkapasok ko nakita ko ang isang matandang lalaking nakaupo, may mga nakatayong body guard sa likuran niya. Bago ako umupo sa tapat niya, lumunok muna ako ng laway.

"Go-Good morning sir, I'm Jadelyn Marlelli and this is a files that you need to see for our company collaboration." pagkasambit ko niyan, nilapag ko ang nakafolder na files sa table.

Kinuha niya ang folder at binuksan ito, tumingin siya sa'kin saka tumayo saka naglakad papunta sa'kin at umupo sa tabi ko. Pinatong niya ang isa niyang kamay sa binti ko saka siya nagsalita "Can you explain this for me?"

"Ay sir, can I use bathroom. Sandali lang po." pagdadahilan ko.

"You, follow her." sabay turo niya sa isa niyang body guard.

Pagkalabas ko ng room sinundan ako ng body guard, nang sa bathroom na kami. Na isip kung tawagan si Glare "Glare mukhang... 'di ko ata kaya ang trabahong to."

"Oh bakit anong nangyari?" pagtataka niya.

"Basta Glare, masama ang kutob ko dito. Back out na ako, kailangan ko ng makaalis dito."

"Ha!? eh Paano?" pag-aalala niya.

"Bahala na, deskartehan ko na lang to." sambit ko bago pinatay ang tawag.

Si Shane sana ang susunod kong tatawagan pero na isip ko, baka tulog pa 'yon. Bahala na si batman, tatawagan ko na yong lalaking 'yon. Teka lang, pinagisipan ko ng mabuti pagkauwi namin ang binulong sa'kin ni Mr. Larred pero kung tatawagan ko siya eh di parang binaba ko na sarili ko sa kaniya.

Mabuti na lang, dala ko ang bag ako. Nagdala kaso ako ng dress kanina bago ako umalis ng bahay baka sakaling gamitin ko. Nabihis ako at iniba ko ang ayos ng buhok ko saka lumabas ng bathroom. 'Di ako nakilala ng body guard kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Maya-maya may isang kwarto na bumukas at lumabas ang isang lalakim Papalapit na rin ako sa room kung saan ang client ko saka naman bumukas ang pinto nito kaya na isip kung yakapin ang lalaking lumabas. Lumabas ang lalaking client ko kasama ang mga body guard niya.

"Mr. Greco nice seeing you here." bati ng matanda sa lalaki.

Greco?Tumingala ako, yumuko din. Si Lucian pala itong nayakap ko.

Pinaharap ako ni Lucian sa matanda saka siya nagsalita "Me too! Mr. Nelson." bati din niya.

"Sinong magandang babae ang kasama mo?" tanong ng matanda habang tinitingnan ako mula paa hanggang ulo.

"She is my fiancée, the love of my love." pakilala niya sa'kin.

"You're so lucky Mr. Greco. Goddess like her is my fantasizing." puri ng matanda.

"Sorry Mr. Nelson, your fantasizing women are God's blessing for me." then he smirked.

Tinataas niya dalawa niyang kamay saka nagsalita ng "I'm a unlucky guy now." at umalis siya kasama ang mga body guard niya.

Tinulak ko siya at nagsalita na ako "Fiancée mo mukha mo!"

"The pet come home to her owner." tugon naman niya.

Aalis na sana ako pero hinila niya ako papasok ng room niya. Lumabas naman ang mga body guard niya. Wala naman sana siyang gagawin sa'kin this time.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status