Share

Chapter 1 - I see you

Nagdrive ako ng motor papunta sa kaibigan kong si Glare, pagbaba ko ng motor nakita agad ako ni Glare.

"Jade ikaw ba yan?"

"Gl...Glare tulongan mo ko..." Nakaramdam ako ng panlalabo ng mata hanggang sa nanlambot na rin mga tuhod ko na buong katawan ko nanghina hanggang sa na dumba na lang ako.

Ikinuwento ko kay Glare ang mga nangyari kaya naman pinatuloy niya ako sa bahay nila. Kaya simula noon si Glare ang tumutulong sa'kin kung saan ako pupunta at kung saan ako pwede magkatrabaho.

••••••••••••••••••••••••••••

*Currently*

"De! Gising! Kailangan mo na umalis!...Papunta na dito ang mga pulis." sabi ni Glare kaibigan ko habang kinakalampag ang pinto ng kwarto kung saan ako natutulog ngayon.

"Oo naaaaa! Ito na babangun na." sabi ko sabay bangon at pinagbuksan siya ng pinto.

Agad niya kinuha ang mga gamit ko saka nilagay sa bag, "Jade kay Shane ka muna pumunta medyo safe ka don, tinawagan ko na siya at pumayag naman siya."

Binigay niya sa'kin ang bag saka bumaba kami ng hagdan para sa kusina ako pinadaan, "Magingat ka Jade chat mo ko kapag nandon ka na." Binigyan niya ako ng pera at agad naman ako nagbantay ng saksakyan para makaalis na.

••••••••••••••••••••••••••••••••••

Nang nakarating na ako sa bahay ni Shane parang walang tao, pagkadoorbell ko bigla naman bumukas ang gate.

"Jade pasok ka na."

Pinapasok ako ni Shane sa bahay nila, "Salamat Shane pumayag ka na dito muna ako."

"Oo naman, wala naman ako kasama dito. Sina mama at papa sa trabaho si Kuya Bryan naman nasa dorm nila Kaya ayos lang."

Bigla naman tumunog ang tiyan ko na nagkatitigan kami.

"Pasensya ka na Shane wala pa kasi akong kain."

"Naku, nakakaawa naman ang aming Jade. Don't worry magluluto lang muna ako, dito ka na muna."

Pansamantala tumira muna ako sa bahay nila Shane kaibigan ko at nakasama ko rin ang pamilya niya.

"Shane may offer ako na trabaho sayo saka don rin naman ako nagtatrabaho."

"Anong trabaho yan Shane? Sana pwede ako gusto ko na rin magwork at lahat pwede kung gawin."

"Ayos yan Jade, nagtatrabaho kasi ako ngayon sa isang club pero ako yong taga serve sa mga customer. Need namin ngayon ng waitress para sa mga nag-ti-table."

"Ay parang gusto ko dyan,"

"Maraming mayayaman don at pwede pa tayo makabingwit ng lalaki."

"Wala muna sa isip ko yan Shane."

"Ay may ipapakilala ako sayo sigurado ako na magugustohan ka niya, crush na crush ko pa naman yon pero ako na ang magpaparaya para sayo kasi best friend kita."

"Shane wag' mo ko idamay sa kakatihan mo ah."

"Ay grabe ka naman sa kati."

•••••••••••••••••••••••••••••••

Na tanggap ako sa trabaho at tumagal naman ako sa Club na magtrabaho kasama si Shane, bilang waitress medyo mataas rin naman ang sweldo ko nakakaipon naman na ako pero isang araw may dumating na mga pulis at nagpaputok siya ng isang baril na nakatutuk sa taas.

Bigla ako nakaramdam ng takot na parang biglang bumilis ang pintig ng puso ko kaya yumuko ako at gumapang ako ng mabilis papunta sa likurang pinto ng club nang papatayo na ako nakabangga ako ng isang lalaki na may mga body guard sa likuran niya na napayakap ako dito. Hahawakan na sana ako ng isa sa mga body guard niya pero pinigilan sila ng lalaki ng tumaas ito ng kanang kamay niya.

"Sorry di' ko sinasadya, pwede ba tulongan mo ko makaalis dito. Pareho nating di' kilala ang isa't isa pero kailangan mo ko tulongang makalabas dito. Ayaw kong makulong."

"Give me my jacket," utos niya na agad naman ibinigay sa kaniya na ipinangtakip sa akin para di' makita ang mukha ko.

Hinawakan niya ako sa braso ko habang papalakad kami sa papuntang enter ng club na may humarang sa aming pulis, "Sorry sir kailangan po ninyong manatili sa loob."

"Teka? Chief si Mr. Greco yan." sabi ng isa pang pulis.

"Pasensya sir, di ko kayo na mukhaan. Sige po pwede na po kayo makaalis."

"Thank you Chief Dante,"

"Ah....eh we-welcome po sir." sabi nito saka yumuko.

Nagpatuloy kami sa paglakad saka naman nilingon ko ang mga pulis.

Binatukan ng isang pulis ang kasamahan niya, "Bakit naman di niyo agad sinabi?"

"Eh sir kit....."

"Wag kana sumagot!"

Nang sa kotse na kami pinagbuksan niya ako ng pinto, "Pasok ka muna." alok niya.

Nakita ko ang mukha niya ng buo, may half mask siya. Ano kaya ang tinatago ng lalaking to? "Wag' na, salamat na lang. He-hiramin ko muna ang jacket mo, kapag bumalik ka ibabalik ko to sayo." sabi ko saka aalis na sana pero pinigilan niya ako.

"Get in the car!" tumaas ang tono ng boses niya.

"Ha? Oh-ok na ako." humakbang ako at hinarang ako ng mga body guard niya sa harap ko.

"Hindi mo ba ako na rinig?"

"Pero...."

"Shhhhhhh! Wag' ka na magsalita. Get in the car! Now!" sa tuno ng boses niya, galit na siya.

Dali-dali naman ako pumasok at umupo na sinarado naman niya ang pinto saka siya pumasok sa kabila saka umupo na sinarado naman ang pinto ng body guard niya.

"Maginig ka. Mabuti akong tao, wala akong kasalanan, at di' ako criminal. Kaya please hayaan mo na ako maumalis."

Hinawakan niya ako sa balikat, "Kumalma ka lang, wala akong gagawing masama sayo."

"Oh wala naman pala. So pwede mo na ako paalisin."

"Gusto mo na ba talaga lumabas ng kotse? May mga pulis pa nanagbabantay don kapag na huli ka nila di na kita matutulongan."

"Teka nga sandali may tatawagan ako." sabi ko saka kinuha ang selpon ko sa bulsa.

Tinawagan ko si Shane. "Hellow Shane, ok ka lang ba?"

"Click the loud speak button," utos niya sa'kin.

"Oo Shane, safe naman na ako ngayon."

"I said click the...." na putol ang pananalita niya ng nagsalita na ako.

"Oo naaaa! ito na." sabi ko saka pinindot ang loud speak.

"Ibang klase ka talaga." sambit ng lalaki saka umiling at tumingin sa bintana na sa gilid niya.

"Sino yang kasama mo Jade?" pagtataka ni Shane.

"Hindi ko siya kilala." pagot ko.

Hinawakan niya ang kamay ko saka nagsalita "Shane it's me Mr. Greco."

"Ay sir kayo po pala, pasensyahan niyo na po siya kung may naggawa po siyang mali. New employee siya sa club, kaibigan ko po siya at ako po yong nagpapasok sa kaniya." sabi naman ni Shane.

"No, it's ok. I'm glad meet your friend."

"Shane sabihin mo nga sa lalaking to na hayaan na niya ako umalis, ayaw niya ako palabasin ng kotse."

"Hahahaha kalma lang Jade, pagumalis na ang mga pulis pupuntahan kita dyan."

"Bilisan mo Shane, ayaw ko na makasama ang lalaking to."

"Oy Jade magpakabait ka dyan sponsored siya ng club."

"Wala akong paki!"

"Mr. Greco pasensya na po talaga sa kaibigan ko kaniyan lang po talaga siya."

"It's ok Shane, your friend is safe with me." sabi ng lalaki saka binitawan ang kamay ko.

Pagkatapos ng tawag hinintay naming umalis ang mga pulis. Kumatok si Shane sa window ng kotse saka lumbas kaming dalawa ng lalaki.

"Sir wag' niyo sana ako ipasesanti dahil sa kaniya, bawas niyo na lang po sa sweldo ko." pakiusap ni Shane.

Ako si Jaderyn "De" Marlelli, pinaghahanap sa kasalanang di' ko senasadyang mangyari. May anak ako pero na matay, iningatan ko naman ang sarili ko ng dinadala ko ang anak ko pero na matay pa rin ito. Ewan ko ba malas ata ako sa pagibig.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••

Nang bumalik na kami sa loob ng club may itintanong ako kay Shane.

"Shane matanong ko lang may na pansin ako sa Mr. Greco na 'yon,"

"Ano naman Jade? Luh! Na pansin mo na gwapo siya? (Hinampas niya ang kamay niya sa braso ko) Na inlove ka kaagad sa kaniya noh!? Hahaha ganiyan din ako dati sa kaniya Jade,"

"Di' ah...delulu yarn?.......Yong Mask niya sa mukha yong na pansin ko,"

"Ano nangyari sa mukha niya?"

"Ay! ayan lang ang di' ko alam kasi di' ko na inongkat tungkol diyan,"

"Sa tingin mo? Ano kaya nangyari?"

"Seguro may sugat siya sa mukha? or Nasunog yong mukha niya? Ay! Tama na nga, uwi na tayo. Inaantok na rin ako."

Tumunog ang selpon ko sa bulsa na agad ko naman ito kinuha at tiningnan ko sino nagtext. "Kung kailangan mo ng tulong, call this number."

"Shane tingnan mo to may nagtext, paano ako magrereply di' naman ako nagloload."

"Baka wrong send lang Jade." sabi naman ni Shane.

"Kapag ito yong lalaking yun, eboblock ko to."

Wala ako time sa pagibig lalo na at ngayon na nakikipag tagu-taguan ako sa mga pulis. Tulong? Ayaw ko ng tulong sa taong di' ko pa kilala, ayaw ko magkaroon ng utang na loob sa taong kakakilala ko pa lang.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status