Masama ang loob ni Elmo sa dalawang mag-asawa na nag-ampon sa kanya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya binibigyan ng kanyang mamanahin mula dito. Inampon siya nito sa edad na tatlo at ito na ang nag-paaral sa kanya hanggang sa makatapos siya sa kolehiyo. Itinuring siya nitong tunay na anak.
Nawala kasi ang anak nila noong ipinanganak ito sa ospital dahil nagkaroon ng sunog. Ang mag-asawa na 'yon ay sina Evelyn at Alfred. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin sila na makikita nila ang kanilang nawawalang anak kahit imposible na. Pinaniniwalaan kasi na nakasama rin ito sa mga nasunog sa loob ng ospital na 'yon ngunit hindi mahirap na tanggapin na totoo talaga 'yon. Upang magkaroon sila ng anak kahit hindi nila kadugo ito at para na rin mawala kahit papaano ang lungkot na nararamdaman nila sa pagkawala ng tunay na anak nila ay inampon nila si Elmo mula sa ina nito na gustong ipaampon siya. Anak sa pagkadalaga si Elmo ng tunay niyang ina. Ayaw ng napangasawa nito sa kanya kaya pinaampon na lang siya sa dalawang mag-asawa na sina Evelyn at Alfred. Tinanggap naman nga siya nito nang buong-buo. Hindi nga lang pinalitan nito ang apelyido niya. Kung ano ang apelyido niya pagkapanganak sa kanya ay 'yon pa rin hanggang ngayon. Wala naman siyang magagawa kung hindi nila pinalitan ang apelyido niya ngunit ang katwiran niya kahit hindi pinalitan ang apelyido niya ay may mana rin siyang aabutin mula sa kanila. Ituring na siya nito na anak kahit hindi naman talaga totoong anak siya. Masama lang talaga ang loob niya dito. Nasa loob siya ng kanyang kuwarto. Nakahiga siya habang nakatingala sa kisame na walang ibang laman ang isipan kundi ang tungkol sa bagay na 'yon. Tumunog ang cell phone niya na nasa bedside table kaya mabilis naman niyang kinuha 'yon para sagutin ang tumatawag sa kanya. Pagkakuha niya sa kanyang cell phone ay nabasa kaagad niya ang pangalan ng tunay niyang ina na si Rosalina. Mahigit isang taon na silang dalawa may komunikasyon. Alam naman na ni Elmo na siya ang ina niya. Walang kaalam-alam ang dalawang mag-asawa na sina Evelyn at Alfred na may komunikasyon sila na tunay na mag-ina. Akala nila ay hindi pa kilala ni Elmo ang tunay niyang ina ngunit nagkakamali sila. Alam na ni Elmo kung sino. Hindi naman kasi pinapaalam ni Elmo 'yon sa kanila. Gusto na si Elmo makasama ng tunay niyang ina kaya kinukumbinsi na siya nito na iwan na ang hindi niya tunay na mga magulang. Kailangan na may makukuhang pera siya sa kanila bago siya umalis para magsama na sila ng tunay niyang ina. Iyon ang nais pa ng ina niya. Sinagot naman kaagad ni Elmo ang tawag ng ina niya na si Rosalina. "Kumusta ka d'yan sa mansion n'yo, anak?" malumanay na tanong ni Rosalina sa anak niyang si Elmo sa kabilang linya. Elmo sighed deeply. "Okay naman po ako dito sa mansion kahit papaano. Ikaw po? Kumusta ka po?" sagot ni Elmo sa ina niya na si Rosalina sa kabilang linya. Kinumusta naman niya ito. Noong isang semana ang huling pag-uusap nila. Napangiti naman si Rosalina matapos na kumustahin rin siya ng kanyang anak na si Elmo. "Maayos naman ako, anak..." sabi nito sa kanya. "Kailan ka ba aalis d'yan sa mansion nila, huh?" Tinatanong siya ng kanyang tunay na ina na si Rosalina kung kailan ba siya aalis sa mansion na 'yon. May usapan na kasi silang dalawa na aalis siya sa mansion na 'yon kapag may nakuha na siyang pera na para sa kanya bilang mana niya. Huminga muna si Elmo ng malalim na buntong-hininga bago sumagot sa katanungan na 'yon ng kanyang ina sa kabilang linya. "Hindi ko pa po alam kung kailan ako aalis dito sa mansion. Wala pa po akong masasabi sa inyo kung kailan," nakangusong sagot niya sa kanyang ina na nakakunot ang noo. "Huh? Bakit naman hindi mo pa alam kung kailan ka aalis sa kanila? Dapat alam mo na. May plano ka na dapat, anak," tanong ni Rosalina sa kanya. "Wala pa po akong plano sa ngayon kung kailan dahil sa wala pa akong nakukuha na pera sa kanila bilang mana ko. They're giving me money but it's not enough. Gusto ko na ibigay nila sa akin 'yung mana talaga kahit hindi ari-arian o lupa kundi pera. Makukuntento na ako kung maraming pera ang ibibigay nila sa akin bilang pamana ko po. Iyon naman po ang gusto mo para sa akin, 'di ba? Dapat bago ako umalis sa kanila ay may pera na ako na sa akin talaga nakapangalan, hindi na sa kanila. Iyon po ang gusto ko na makuha sa kanila pero wala talaga hanggang ngayon. Sumasama na nga ang loob ko sa kanila dahil hindi pa rin nila ako binibigyan ng pamana kahit pera man lang," paliwanag na sagot ni Elmo sa kanyang ina na si Rosalina. Tumango-tango si Rosalina matapos na marinig niya ang sinabing 'yon ng anak niya na si Elmo sa kanya. Naiintindihan naman niya ang paliwanag nitong 'yon kaya hindi na siya nagtanong pa ng kung anu-ano dito. "A, kaya pala wala ka pang nasasabi sa akin dahil wala ka pang plano. Wala pa palang binibigay sila sa 'yo na pamana mo kahit pera man lang. Hindi ka pa talaga puwedeng umalis sa kanila dahil wala kang pera na makukuha. Maghihirap ka pa rin kung aalis ka sa kanila na walang pamana o pera. Mabuti kung mayaman kami, hindi naman, eh. Kapus-palad rin kami kaya dapat na umalis ka talaga sa kanila na may pera o pamana na magpapayaman pa lalo sa 'yo. Baka naman maiahon mo kami sa kahirapan sa buhay," sabi ni Rosalina sa kanya. "Opo. Salamat. Kapag nakakuha na ako sa kanila ng pamana ay aalis na po ako dito sa mansion. Sasabihan naman po kita, 'wag ka pong mag-alala. Bago po ako umalis dito sa mansion ay tatawagan po kita," sabi ni Elmo sa kanyang ina na si Rosalina sa kabilang linya. "Sige, anak. Maghihintay ako sa tawag mong 'yon. Salamat. Malapit na tayong magkasama. Nakakasigurado ako n'yan. Kapag nagkasama na tayong dalawa ay babawi ako sa 'yo. Babawi ako sa maraming taon na hindi tayong dalawa nagkasama. Pinapangako ko 'yan sa 'yo, anak," naluluha na sagot ni Rosalina sa kanya. "Opo," sagot ni Elmo sa kanyang tunay na ina. "Sana nga po ay malapit na. Gusto ko na po na umalis dito sa mansion lalo na ngayon na masama ang loob ko sa kanila. May utang na loob ako sa kanila ngunit deserve ko rin naman po na magkaroon ng mana dahil itinuring po nila akong anak kaya kahit papaano ay dapat magkaroon ako ng bagay na 'yon." "Tama ka sa sinasabi mo, anak. Deserve mo naman na magkaroon ng mana mula sa kanila, 'di ba? Hindi ka na sana nila inampon sa akin," sabi pa ni Rosalina sa kanya. "Opo." Hindi naman nagtagal ang pag-uusap nilang dalawa sa kabilang linya. Tinapos naman na nila 'yon nang wala na silang dalawa kailangan na pag-usapan pa. Nagpahinga na si Elmo matapos 'yon. Makaraan ang ilang araw ay nakita ni Elmo ang naging ama niya na si Alfred ng maraming taon na may dalang malaking bag na kulay itim. Galing ito sa labas. Hindi niya alam kung saan ito galing. Mag-isa lang ito na lumabas kanina at mag-isa rin na bumalik. Na-curious siya sa kung ano ang laman ng malaking bag na 'yon na kulay itim. Mula sa baba ay sinundan niya si Alfred hanggang sa makarating ito sa kuwarto nilang dalawa ng asawa niya. Nakalimutan na i-lock nito ang pinto ng kuwarto nila ng asawa niya na si Evelyn kaya ang ginawa ni Elmo ay binuksan niya ng kaunti ang pinto nang hindi siya napapansin upang malaman niya kung ano ang laman ng malaking bag na 'yon. Nakasilip siya sa pinto. Naririnig rin niya ang pinag-uusapan ng dalawang mag-asawa. Hindi lang niya nakikita 'yon. Narinig niya na pera ang laman ng malaking bag na 'yon na kaka-withdraw lang mula sa bangko. Walang ibang pinuntahan si Alfred na pekeng ama niya kundi sa bangko para mag-withdraw ng pera. He has no idea why he withdrew money in that bank. Nanlaki pa ang mga mata ni Elmo nang buksan ni Alfred ang malaking bag na kulay itim na naglalaman ng maraming pera. Wala siyang alam kung ilang halaga ng pera 'yon ngunit sigurado siya na malaking halaga ng pera 'yon. Naiinip na si Elmo na bigyan siya ng mana nila ngunit sa nakikita niya ay mukhang hindi siya bibigyan nito. Naisipan tuloy niya na nakawin ang perang 'yon na nasa malaking bag na kulay itim na bagong withdraw ng pekeng ama niya. Kapag ginawa niya 'yon ay aalis na siya sa mansion. Aalis na siya dala ang perang 'yon at hindi na siya magpapakita pa kahit kailan sa kanila. "Aalis na po ako bukas dito sa mansion," imporma ni Elmo kay Rosalina na ina niya sumunod na gabi. "Talaga ba? May pera ka na? Binigyan ka na ba nila ng mana?" tanong nito sa kanya. "Hindi po. Mukhang hindi naman nila ako bibigyan kahit kailan, eh," may diing sabi ni Elmo sa ina niya. "Huh? E, kung hindi ay paano ka naman aalis d'yan bukas na wala kang dalang pera, huh? Ang sabi mo pa naman ay aalis ka d'yan kapag may pera ka na. Bakit ngayon ay para bang nagbago ang ihip ng hangin, anak," nagtataka na tanong kay Elmo ng ina niya. He let out a deep sigh and said, "Hindi po. Hindi po ako aalis dito sa mansion ng walang pera sapagkat gagawa po ako ng paraan. Hindi po nila ako binibigyan ng mana ngunit aalis ako sa kanila na may dalang pera." "Ano'ng ibig mong sabihin, huh?" tanong ni Rosalina sa kanya. "Nanakawin ko po ang pera nila na bagong withdraw sa bangko. Iyon po ang dadalhin ko pag-alis ko dito sa mansion nila," sagot ni Elmo sa kanya. "A-Ano? Nanakawin mo?" "Opo. Wala naman po silang balak na bigyan ako ng mana kaya nanakawin ko na lang ang pera nila. Deserve ko naman po ang bigyan nila kaso nga lang ay maramot sila kaya gagawin ko na lang po ito kahit masama. Patawarin na lang po ako ng Panginoon sa gagawin kong 'to. Hindi ko naman po maiisip na gawin ito kung binigyan nila ako, eh," paliwanag ni Elmo sa kanya. Wala naman na nagawa si Rosalina sa plano ni Elmo kundi ang hayaan na lang ito. Pabor naman na siya dahil kailangan rin niya ng pera. Sigurado naman siya na bibigyan siya ng pera nito dahil siya ang ina. "Kung 'yon ang plano mo ay wala akong magagawa. Good luck sa 'yo, anak," sabi niya kay Elmo. "Salamat po," pasalamat ni Elmo sa ina niya. "Bukas na bukas po ako aalis dito sa mansion dala ang perang nanakawin ko sa kanila. Magkita na lang po tayo bukas." "Sige. Mag-iingat ka bukas. Good luck sa 'yo, anak." Umalis sa mansion ang mag-asawa na sina Evelyn at Alfred kinabukasan. Si Elmo at ang mga kasambahay lang ang naiwan doon sa mansion. Sasamantalahin na ni Elmo ang pagkakataon na 'yon habang wala ang mag-asawa sa mansion para maisakatuparan na niya ang kanyang plano na umalis dala ang perang nanakawin niya. Kinuha kaagad ni Elmo ang malaking bag na kulay itim sa loob ng kuwarto ng mag-asawa. Kaunting damit lang ang dala niya sa pag-alis dahil bibili na lang siya ng bago. Ang importante ay makuha niya ang perang 'yon. Anytime ay puwede siyang bumili ng mga damit dahil sa may pera siya. Doon siya dumaan sa likuran ng mansion upang hindi siya makita ng mga kasambahay. May sariling kotse siya ngunit hindi na niya gagamitin 'yon sa pag-alis niya. Iiwanan na lang niya ito para kahit papaano ay may naiwan pa siya sa mansion. May taxi na naghihintay sa kanya sa labas kaya mabilis na sumakay siya dito para makaalis na. Habang nasa loob siya ng taxi ay tinawagan niyang muli ang kanyang ina na si Rosalina. Malapit sa may market silang dalawa magkikita na mag-ina. Tuwang-tuwa si Elmo na nakuha niya ang perang 'yon na dapat ay binibigay sa kanya. "Kailanma'y hindi ako maghihirap dahil may sariling pera na ako," mahinang sabi niya habang nasa biyahe. "Magagawa ko na ang gusto ko sa buhay nang walang pumipigil."Naiwan ni Stella ang kanyang cell phone kaya bumalik siya sa bahay na tinitirahan niya kasama ang mag-asawang umampon sa kanya no'ng bata pa siya. Kung hindi naman niya naiwan ito kanina ay hindi naman siya babalik. Walang rason para balikan niya ito. Kung hindi kasi niya balikan ito baka kung ano ang gawin sa bahay nila ng cell phone niya.Ampon lang si Stella. Hindi naman siya tunay na anak nito. May dalawang anak ito na babae na hindi naman niya masyadong kasundo. Hindi rin maganda ang pagtrato sa kanya nila. Gusto na nga niyang umalis sa kanila ngunit wala naman siyang mapuntahan na iba. Hindi na rin siya pinapag-aral nito kaya tumigil na lang siya kahit gusto niya na makatapos ng pag-aaral para maging maganda ang kinabukasan niya.Nagtitinda na lang siya sa palengke kasama ang kaibigan niya na si Janice na kagaya rin niya na hindi na nag-aaral pa. Parehas silang nagtitinda ng mga gulay at prutas. Iyon ang pinakakakitaan nilang dalawa kahit papaano. Wala naman silang dalawa aasaha
"Kaya ko kinuha ito dahil kapag hindi ko kinuha ito ay baka kunin na lang ito at gamitin pa sa hindi maganda kung sino man nga ang makakuha nito. Malaking halaga ng pera ang laman ng bag na 'yan. Maraming magkaka-interes d'yan," sagot ni Stella kay Janice na kaibigan niya. "Posibleng ninakaw ito ng lalaking 'yon kaya hinahabol siya ng mga pulis."Tumango naman kaagad si Janice pagkasabi niya."Oo. Posible nga ngunit hindi naman natin sigurado na ninakaw talaga ang perang 'yan ng lalaking 'yon. Malay ba natin na may ibang rason kaya siya hinahabol ng mga pulis, 'di ba? Hindi pa natin puwedeng ninakaw ang perang 'yan dahil hindi natin alam kung ano talaga ang totoo. Mahirap sabihin na ninakaw ang perang 'yan," katwiran na sagot ni Janice kay Stella. May punto naman nga si Janice sa sinabi niya sa kaibigan niya. Hindi nila puwedeng sabihin na ninakaw 'yon ng lalaking 'yon dahil hindi nila alam ang totoo. Puwede lang nila sabihin 'yon kung alam na talaga nila ang totoo at may hawak sila