Naiwan ni Stella ang kanyang cell phone kaya bumalik siya sa bahay na tinitirahan niya kasama ang mag-asawang umampon sa kanya no'ng bata pa siya. Kung hindi naman niya naiwan ito kanina ay hindi naman siya babalik. Walang rason para balikan niya ito. Kung hindi kasi niya balikan ito baka kung ano ang gawin sa bahay nila ng cell phone niya.
Ampon lang si Stella. Hindi naman siya tunay na anak nito. May dalawang anak ito na babae na hindi naman niya masyadong kasundo. Hindi rin maganda ang pagtrato sa kanya nila. Gusto na nga niyang umalis sa kanila ngunit wala naman siyang mapuntahan na iba. Hindi na rin siya pinapag-aral nito kaya tumigil na lang siya kahit gusto niya na makatapos ng pag-aaral para maging maganda ang kinabukasan niya. Nagtitinda na lang siya sa palengke kasama ang kaibigan niya na si Janice na kagaya rin niya na hindi na nag-aaral pa. Parehas silang nagtitinda ng mga gulay at prutas. Iyon ang pinakakakitaan nilang dalawa kahit papaano. Wala naman silang dalawa aasahan para magkaroon ng pera kundi ang mga sarili nila. Nasa tamang edad naman sila para maghanap-buhay kaya wala nang problema pa. Nagmamadali na nga si Stella na naglalakad pabalik sa puwesto nila kung saan sila nagtitinda ng mga gulay at prutas ng kaibigan niya na si Janice. Bigla na lang siya napatagil sa paglalakad nang makakita siya ng mga pulis na may hinahabol na isang lalaki na may dala-dalang malaking bag na kulay itim na hindi niya alam kung ano ang laman. Nakaramdam siya ng takot nang makita niya na patungo sa kinatatayuan niya ang mga naghahabulan na 'yon. Baka kung ano ang gawin nito sa kanya lalo na ang lalaking hinahabol ng mga pulis. Ang ginawa niya ay naghanap siya ng puwedeng pagtaguan niya malapit sa kinatatayuan niya. Mabuti ay nakahanap naman nga siya kaya tumago siya doon. Wala namang nakakita sa kanya na nagtago siya sa pinagtataguan niya ngunit malapit lang 'yon sa kinatatayuan kung saan siya tumigil nang makita niya ang mga pulis na may hinahabol na isang lalaki. Sigurado siya na masama ang lalaki kaya hinahabol ito ng mga pulis. Hindi naman kasi hahabulin ito ng mga pulis kung wala itong ginawa na maganda o masamang tao ito. Wala namang hinahabol o hinuhuli ang mga pulis na gumagawa ng tama. Kaya sigurado siya na masama ang lalaki kaya hinahabol ito. Kahit nagtatago siya ay sinisilip niya kung nasaan na ang mga naghahabulan na 'yon. Lumiko ang lalaki palapit sa kinatataguan niya. Kinabahan siya dahil baka makita siya nito at may gawin pa itong masama. Hindi naman niya nakikita ang mukha ng lalaki sapagkat nakatalikod ito mula sa kanya. May suot pang kulay itim na sumbrero ito. May dala-dala itong malaking bag na kulay itim na itinago nito sa may mga basura na hindi pa nailalabas upang pick-up-in ng truck na naghahakot ng mga basura. Tinago niya ito doon at nakita naman nga 'yon ni Stella na nanlalaki ang mga mata. Napapatanong siya sa isip niya kung ano ang laman ng malaking bag na 'yon na kulay itim na tinago ng lalaki sa may mga basura. Maraming pumapasok sa isipan niya na puwedeng laman ng malaking bag na 'yon ngunit hindi naman siya sigurado kung 'yon talaga ang laman nito. Puwede naman na pagkain ang laman ng malaking bag na 'yon. Baka magnanakaw ito at nagnakaw ng mga pagkain na iniligay niya sa malaking bag na dala-dala niya. Posible rin na ganoon. Papalapit na ang mga pulis sa lalaki kaya muli itong kumaripas ng takbo palayo sa humahabol sa kanya. Iniwan na niya ang malaking bag na tinago niya sa may mga basura. Patuloy lang sila sa paghahabulan at hindi napansin ng mga pulis na wala na ang dala-dala nitong malaking bag na isa pa sa mga nais nila. Naghintay muna si Stella ng ilang minuto bago lumabas sa pinagtataguan niya. Nang masigurado siya na wala na ang mga pulis at lalaking hinahabol nito ay dali-dali siyang lumabas. Imbis na magpatuloy na sa paglalakad patungo sa puwesto nila ng kaibigan niya na si Janice kung saan sila nagtitinda ay hindi muna niya ginawa. Lumapit siya sa may mga basura at tiningnan ang buong paligid kung may nakatingin sa kanya. Curious siya na malaman kung ano ang laman ng malaking bag na 'yon na kulay itim na tinago ng lalaki kanina. Sinugarado talaga niya na walang ibang tao na nakakakita sa kanya bago niya kinuha ang malaking bag sa ilalim ng mga basura. Dali-dali niyang kinuha ito at binuksan. Namilog ang dalawang mga mata niya matapos niyang buksan 'yon dahil sa kanyang nakita. Pera ang laman ng malaking bag na 'yon at wala nang iba pa. Punong-puno ng maraming pera 'yon. Napatakip pa siya ng kanyang kaliwang kamay sa mga labi niya dahil sa nakita niyang 'yon. Hindi niya inaasahan na 'yon ang makikita niya. "Saan kaya kinuha ng lalaking 'yon ang mga pera na 'to? Ninakaw ba niya ito kaya siya hinahabol ng mga pulis? Saan naman kaya niya ninakaw ito?" tanong niya sa kanyang sarili habang nakatingin sa maraming pera na laman ng malaking bag na kulay itim. Mabilis naman nga niyang sinara ang malaking bag baka kasi may makakita sa kanya. Hindi na niya binalik ito sa pinagtataguan nito sa may mga basura. Sigurado siya na kapag may makakuha nitong iba ay hindi na ito ibabalik pa. Kinuha na lang niya ito at dinala sa puwesto nilang dalawa ng kaibigan niya na si Janice kung saan sila nagtitinda ng mga prutas at gulay. "Nand'yan ka na pala, akala ko ay wala ka pa," wika ni Janice sa kanya pagkarating niya sa puwesto na pinagtitindahan nilang dalawa ng mga gulay at prutas. Hinihingal si Stella dahil nagmadali siyang pumunta sa puwesto nila. Dumako ang tingin ni Janice sa dala-dala niyang malaking bag na may lamang maraming pera na mabilis niyang tinago sa ilalim upang walang makakakita. Baka kasi mapahamak pa sila na may hawak-hawak siyang malaking pera kapag may nakakita sa kanya. Marami pa naman nangangailangan ng pera lalo na sa panahon ngayon na halos lahat na lang ay nagmamahal na ang mga bilihin. "Ano 'yang dala mo, huh? Bakit may dala ka ng malaking bag na 'yan? Ano ba ang laman n'yan?" tanong ni Janice sa kanya na nagtataka at tinuturo ang malaking bag na sinuksok kaagad niya sa ilalim ng pinaglalagyan nila ng pinagtitinda nila na mga gulay at prutas. Nagpakawala muna si Stella nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa kaibigan niya na si Janice na nagtatanong sa kanya. Dahan-dahan niyang ibinuka muli ang kanyang mga labi para magsalita sa harapan ng kaibigan niya na hinihintay ang isasagot niya. Halos hindi na ito huminga kahihintay sa sagot niya. "May lalaki kasi kanina na hinahabol ng mga pulis," panimulang sabi niya kay Janice. "O, tapos ano? Ano naman kung may hinahabol na lalaki ang mga pulis kanina?" tanong nito sa kanya. "Ang malaking bag na dala ko ngayon ay sa lalaking hinahabol ng mga pulis," sabi niya. "A-Ano? Sigurado ka ba?" Mabilis naman na tumango si Stella kay Janice na kaibigan niya. "Oo. Sa lalaking hinahabol ng mga pulis ito. Dala-dala nito 'yon habang hinahabol siya kanina. Nagtago ako at nakita ko kung saan niya tinago ito, eh. Tinago niya ito sa may mga basurahan. Pagkatago niya sa malaking bag na 'yan ay nagpatuloy na siya sa pakikipaghabulan sa mga pulis. Hindi naman nga nakita ng mga pulis ito. Ako lang ang nakakita sa kung saan niya ito tinago. Papunta na ako dito kanina sa puwesto natin ngunit napatigil ako sa paglalakad dahil sa kanila hanggang sa nagtago ako sa takot na baka may gawin sa aking masama ang lalaki. Nang masigurado ko na wala na sila ay saka lang ako lumabas sa pinagtataguan ko. Hindi na muna ako pumunta dito kundi ang ginawa ko ay inilabas ko ang malaking bag na 'yan sa pinagtataguan nio. At dahil sa curious akong malaman kung ano ang laman ay binuksan ko ito at nakita ko nga kung ano ang laman," kuwento ni Stella sa kaibigan niya na si Janice. Tinanguan naman nga siya nito matapos niyang sabihin 'yon. "Ano ang nakita mo pagkabukas mo ng malaking bag na 'yan, huh?" tanong nito sa kanya na nakaawang ang mga labi. Stella sighed first. "Gusto mo malaman?" tanong pa niya. "Oo naman. Gustong-gusto ko, 'no? Hindi mo na dapat ako tinatanong," sabi ni Janice sa kanya na napapakamot sa ulo. "Tinatanong pa rin kita para sigurado ako," katwiran niya kay Janice na kaibigan nga niya. Dahan-dahan na inilabas muli ni Stella ang malaking bag na 'yon at bago niya tuluyan na buksan ay sinigurado muli niya na walang tao ang nakatingin sa kanila. Mahirap na may makakita pa sa kanilang dalawa na may malaking halaga ng pera na hawak-hawak. Kung ano ang naging reaksisyon ni Stella kanina pagkabukas niya sa malaking bag na 'yon na may lamang maraming pera ay ganoon rin si Janice. "Oh, my goodness! Ang daming pera..." sabi nito na napalakas pa ang pagkakasabi. Mabuti ay wala namang nakarinig sa kanya. Ngayon lang talaga silang dalawa na magkaibigan nakakita ng ganoon karaming pera sa buong buhay niya lalo na si Stella. "Shhhh! Ang boses mo, hinaan mo baka may makarinig sa 'yo. Mapahamak pa tuloy tayo. Hindi biro-biro ang hawak-hawak nating pera," sabi ni Stella sa kanya. Hininaan naman nga ni Janice ang kanyang boses matapos na sabihin 'yon ni Stella na kaibigan niya. Humingi pa nga siya ng sorry dito. "Bakit mo pa 'to kinuha? Hinayaan mo na lang dapat ito doon sa kung saan 'yan tinago ng lalaking 'yon," tanong ni Janice sa kanya kung bakit niya pa kinuha 'yon."Kaya ko kinuha ito dahil kapag hindi ko kinuha ito ay baka kunin na lang ito at gamitin pa sa hindi maganda kung sino man nga ang makakuha nito. Malaking halaga ng pera ang laman ng bag na 'yan. Maraming magkaka-interes d'yan," sagot ni Stella kay Janice na kaibigan niya. "Posibleng ninakaw ito ng lalaking 'yon kaya hinahabol siya ng mga pulis."Tumango naman kaagad si Janice pagkasabi niya."Oo. Posible nga ngunit hindi naman natin sigurado na ninakaw talaga ang perang 'yan ng lalaking 'yon. Malay ba natin na may ibang rason kaya siya hinahabol ng mga pulis, 'di ba? Hindi pa natin puwedeng ninakaw ang perang 'yan dahil hindi natin alam kung ano talaga ang totoo. Mahirap sabihin na ninakaw ang perang 'yan," katwiran na sagot ni Janice kay Stella. May punto naman nga si Janice sa sinabi niya sa kaibigan niya. Hindi nila puwedeng sabihin na ninakaw 'yon ng lalaking 'yon dahil hindi nila alam ang totoo. Puwede lang nila sabihin 'yon kung alam na talaga nila ang totoo at may hawak sila
Masama ang loob ni Elmo sa dalawang mag-asawa na nag-ampon sa kanya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya binibigyan ng kanyang mamanahin mula dito. Inampon siya nito sa edad na tatlo at ito na ang nag-paaral sa kanya hanggang sa makatapos siya sa kolehiyo. Itinuring siya nitong tunay na anak. Nawala kasi ang anak nila noong ipinanganak ito sa ospital dahil nagkaroon ng sunog. Ang mag-asawa na 'yon ay sina Evelyn at Alfred. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin sila na makikita nila ang kanilang nawawalang anak kahit imposible na. Pinaniniwalaan kasi na nakasama rin ito sa mga nasunog sa loob ng ospital na 'yon ngunit hindi mahirap na tanggapin na totoo talaga 'yon. Upang magkaroon sila ng anak kahit hindi nila kadugo ito at para na rin mawala kahit papaano ang lungkot na nararamdaman nila sa pagkawala ng tunay na anak nila ay inampon nila si Elmo mula sa ina nito na gustong ipaampon siya. Anak sa pagkadalaga si Elmo ng tunay niyang ina. Ayaw ng napangasawa nito sa kanya kaya pinaam