Share

Chapter 5

Author: Jay Sea
last update Last Updated: 2024-12-01 21:45:09

Madilim na sa labas nang makabalik si Janice sa hotel na pinag-check-in-an nilang dalawa na magkaibigan. Dala na niya ang nais niyang kunin sa kanila. Hindi naman siya tinanong ng kaibigan niya kung nakita siya ng mga kasama niya. Ang importante ay magkasama muli sila at handa na sila sa panibagong yugto ng buhay nilang dalawa na haharapin.

Sa loob na langs sila ng hotel kumain ng dinner. Tinatamad naman na silang dalawa na kumain sa labas. Kahit ano naman ay kinakain nila basta pagkain na walang lason.

Matapos nilang kumain ng dinner ay bumalik sila kaagad sa room nila. Busog na silang dalawa na magkaibigan. Hindi muna sila natulog. Nagku-kuwentuhan muna silang dalawa tungkol sa nangyari sa kanila ngayong araw na 'to. Nakaupo sila sa gilid ng kama habang nagku-kuwentuhan.

"Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyayari sa ating dalawa. Hindi ko akalain na magkakaroon tayo ng malaking halaga ng pera at mapupunta tayo sa ganitong hotel na 'to ngayon. Kahapon ay wala naman sa isip natin ang ganitong bagay. Wala nga tayong kaide-ideya na mangyayari 'to," wika ni Janice kay Stella na kaibigan.

"Ganoon rin naman ako, eh. Hindi rin ako makapaniwala sa nangyayaring 'to sa atin. Siguro paraan na 'to ng Panginoon na gumanda ang buhay natin at hindi na tayo mahirap pa. Sobra-sobra na ang paghihirap nating dalawa. Kung hindi tayo nakahawak ng malaking halaga ng pera na hawak-hawak natin ay hindi pa rin tayo makakawala sa buhay na mayroon tayo. Ngayon ay nagsisimula na tayong makawala sa paghihirap ng buhay na mayroon tayong dalawa. Nagsisimula na magbago ang lahat sa atin," sagot ni Stella kay Janice na kaibigan niya.

Janice shook her head and said, "Siguro nga ay 'yon na ang paraan para makaalis tayo sa paghihirap na dinaranas natin araw-araw. Wala namang ibang tutulong sa atin, eh. Mabuti nga ay tinulungan tayo ng Panginoon. Hindi niya talaga tayo pinababayaan. Magpasalamat rin tayong dalawa sa lalaking 'yon na nag-iwan ng malaking halaga ng pera na hawak-hawak natin dahil kung hindi sa kanya ay hindi tayo mapupunta sa ganitong sitwasyon kung saan makakawala na tayo sa paghihirap ng ating buhay. Wala naman tayong kasalanan, 'di ba? Ginamit naman natin ang pera sa tama. Nag-donate tayo sa simbahan ng kalahating milyon at tumulong rin tayo sa mga kapwa natin mahihirap. Hindi naman natin inangkin lang na sa atin lang. Marami rin ang nagkinabang na natulungan nga nating dalawa. Tanong ko lang talaga ay saan kaya kinuha ng lalaking 'yon ang malaking halaga ng pera na hawak-hawak natin, 'no? Bakit kaya siya hinahabol ng mga pulis? Baka ninakaw lang niya ito na pera tapos kinuha naman natin. Nasaan na kaya siya ngayon, 'no?"

Stella gasped first before she speaks to her. "Hindi ko alam kung nasaan na siya, eh. Hindi ko na alam. Baka nahuli na siya ng mga pulis. Kung sakali man nga na galing sa nakaw ang perang 'to ay wala namam tayong kasalanan. Ginagawa namam na natin na itulong ito sa mga nangangailangan. Hindi nga maganda ang naging paraan na nakuha ito ngunit tayong dalawa na lang ang gagawa ng tama para hindi na magmukhang sa masama ito galing kung 'yon talaga ang totoo. Wala naman tayong kasalanan nito. Isa pa ay hindi naman natin kailangan na ibigay o i-turn over sa mga pulis ang hawak-hawak natin na pera dahil posibleng maimbestigahan pa tayo at baka madawit pa tayo kahit wala tayong kasalanan. Palabasin nila na may kasalanan tayong dalawa at kakutsaba ng lalaking 'yon kahit hindi naman. Ayaw ko rin na mapahamak tayong dalawa dahil lang sa perang 'to. Alam mo naman na kapag sa ngalan ng pera ay hindi lahat nagiging maayos, eh, ang iba nga ay napapahamak pa kaya ayaw ko na mangyari 'yon sa ating dalawa. Kung iiwan naman natin ang perang 'to ay hindi naman tayo sigurado na mapupunta ito sa tamang tao. Paano kung hindi? Aabusuhin lang nila 'yon. Wawaldasin lalo na hindi naman nila pinaghirapan. Kaya tama naman na kinuha natin 'to para itulong ang iba sa mga nangangailangan lalo na tayong dalawa. Gagamitin natin ito sa tama, okay? Kung may nangangailangan pa ng tulong ay tutulungan natin gamit ang perang 'to. Hindi lang 'to para sa ating dalawa kundi para rin ito sa mga nangangailangan ng kagaya natin. Alam naman natin ang dinaranas ng mga taong kapus-palad. Naranasan rin naman natin, 'di ba? Mahirap maging mahirap sa totoo lang. Pakiramdam nga natin ay sinumpa tayo sa mundong 'to. Kaya kung mas papalarin pa tayong dalawa gamit ang perang 'to ay tutulong pa tayo sa mga nangangailangan lalo na sa mga bata na gustong makapag-aral. Iyon ang gagawin natin dahil sigurado tayong matutuwa sa atin ang ating Panginoon at mapapasabi siya na hindi nga siya nagkamali na sa atin pinagkaloob ang malaking halaga ng pera na hawak-hawak natin," mahabang paliwanag na sagot ni Stella kay Janice na kaibigan niya na tumango kaagad pagkasabi niya.

"Naiintindihan kita sa sinasabi mo sa akin. Kung sakali man ngang galing sa nakaw ang perang 'to ay gagamitin na lang natin sa mabuti kagaya ng pagtulong sa mga nangangailangan. Tatapusin na natin ang masamang nandito sa perang 'to sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan. May rason ang ating Panginoon kung bakit binigay niya ito sa atin at hindi siya papayag na mapahamak tayo o makagawa ng hindi tama. Kaya niya nais na tumulong tayo sa kapwa natin na nangangailangan dahil 'yon ang gusto niya na gawin natin kaya sa atin niya pinagkaloob ang perang nasa atin. Tama ka naman nga sa sinabi mo na hindi naman 'to para sa atin lang dahil para rin ito sa mga nangangailangan kagaya natin na mga kapus-palad. Hindi natin sasayangin ang binigay sa atin ng Panginoon. Pahahalagahan natin ito. Tutulong talaga tayo kapag mas lalo pa tayong sinuwerte sa buhay gamit ang perang 'to. Kung ang iba ay hindi kayang tumulong, tayo na lang ang gumawa dahil tayo ang may puso na gawin 'yon. Kung gusto rin nila na gayahin tayo ay wala namang problema. Mas mabuti nga dahil na-inspired natin sila. Kung tumutulong man nga tayo ay huwag na tayong umasa pa na tulungan tayo. Kung tutulong ka, tumulong ka. 'Wag kang mag-expect pabalik dahil ang Panginoon na ang bahala sa 'yo na bigyan ka ng gantimpala. Tama ba ako sa sinasabi ko?" sabi ni Janice sa kanya.

Tumango si Stella sa kaibigan niya na nakangiti. "Oo. Tama ka nga sa sinasabi mo. 'Wag tayong mag-expect pabalik kung tumutulong tayo. Tumulong lang tayo dahil bahala na ang ating Panginoon na bumalik sa kabutihang-loob na binibigay natin sa ating kapwa. Sa plano nga natin na 'to ay sigurado ako na mas aasenso pa tayo dahil maganda ang hangarin natin," sagot nga ni Stella sa kaibigan niya.

"Sana nga talaga ay umasenso o palarin pa tayo gamit ang perang 'to dahil marami tayong matutulungan pa nito. Malaking tulong na ang naibigay natin sa ating kapwa kanina, 'di ba? Tuwang-tuwa sila. Ang sarap-sarap pala na tumulong, 'no? Kahit hindi naman talaga sa atin ang perang 'to ay hindi natin pinaghihiwalay ito ngunit napunta naman sa kabutihan sa pamamagitan nating dalawa. Hindi pa rin ito nasayang sapagkat napunta pa rin sa mabuti ang mga puso na kagaya nating dalawa," sabi ni Janice sa kanya.

Tinanguan muli ni Stella ang kanyang kaibigan.

"Tama ka talaga sa sinabi mo. Hindi naman nasayang ang perang 'to. Napunta pa rin sa kabutihan dahil sa ating dalawa," nakangising tugon ni Stella kay Janice. "Salamat talaga sa Panginoon. Kung sino man nga ang lalaking 'yon ay sana makita ko muli siya."

"Bakit? Bakit gusto mo na makita ang lalaking 'yon?" tanong tuloy ni Janice sa kanya matapos niyang sabihin na sana ay makita niya ang lalaking 'yon na nag-iwan ng maraming pera dahil hinahabol ito ng mga pulis.

Huminga nang malalim si Stella bago sumagot sa tanong ng kaibigan niya. "Gusto ko na makita siya dahil gusto ko malaman ang totoo tungkol sa perang nasa atin ngayon. Marami akong gustong malaman sa kanya lalo na kung bakit siya hinahabol ng mga pulis. Gusto ko rin na magpasalamat sa kanya at sana ay makita ko siya muli. Hindi man bukas o sa mga susunod pa ngunit sa tamang panahon ay makita ko siya—magkita kaming dalawa."

Related chapters

  • True Love, True Heir (Filipino)   Chapter 6

    Masuwerte pa rin si Elmo dahil hindi siya nahuli ng mga pulis matapos siyang habulin nito. Nailigaw niya ang mga pulis kaya hindi siya nahuli nito. Wala namang ibang rason kung bakit siya hinahabol ng mga pulis dahil 'yon sa ninakaw niya ang pera na hindi naman sa kanya na pagmamay-ari ng dalawang mag-asawa na umampon sa kanya. Galit na galit sa kanya ang mag-asawa na sina Evelyn at Alfred dahil sa ginawa niyang 'yon. Wala raw siyang utang na loob dahil sa ginawa niyang 'yon. Kung iisipin talaga ay wala talaga siyang utang na loob dahil sa ginawa niyang 'yon na imbis na magpasalamat siya dahil binigyan siya ng magandang buhay ngunit 'yon pa ang ginanti niya. Masama ang ginawang 'yon niya na nakawin ang perang hindi naman talaga para sa kanya. Wanted na tuloy siya ng mga kapulisan dahil sa ginawa niyang 'yon. Wala na nga siya sa mansion kung saan maganda ang buhay niya ay wala pa siyang nadala na pera. Binalikan niya kinagabihan ang perang ninakaw niya mula sa mag-asawa na umampon si

    Last Updated : 2024-12-02
  • True Love, True Heir (Filipino)   Chapter 7

    Sumunod na araw ay kinausap ni Rosalina ang anak niya na si Elmo na hindi pa rin siya kinikibo. Nandoon lang ito sa loob ng bahay nila dahil hindi naman ito puwedeng lumabas pa dahil hinahanap siya ng mga kapulisan. Wanted talaga siya. Ayaw naman niya na makulong kaya hindi siya puwedeng lumabas. Naiintindihan naman siya ng kanyang ina. Sinisisi niya tuloy ito dahil hindi siya tuluyan na magiging ganito kung hindi niya pinakinggan ito sa pangungumbinsi sa kanya kahit gusto naman niya. Wala na nga siyang pera tapos lumiliit pa ang mundo niya."Okay ka lang ba dito, anak?" mahinang tanong ni Rosalina pagkapasok niya sa loob ng kuwarto kung nasaan ang anak niya na si Elmo. Hindi ito tumitingin sa kanya. Ilang segundo na ang lumipas ngunit hindi naman siya nagsasalita pa sa ina niya kaya narinig niya muli na nagsalita ito sa kanyang harapan."Galit ka ba sa akin, anak? Hindi ka pa rin kumikibo, eh," tanong pa nito sa kanya. Kinunutan niya ito ng kanyang noo. "Ano po ba sa tingin mo? Sa

    Last Updated : 2024-12-02
  • True Love, True Heir (Filipino)   Chapter 8

    Two years later...Marami na ngang nagbago sa buhay ng dalawang magkaibigan na sina Stella at Janice dahil sa perang hawak-hawak nila. Umalis na nga sila sa bahay kung saan sila tumutuloy. Wala namang pakialam sa kanila ang mga iniwan nila dahil mas natuwa pa nga ito sa pag-alis nila lalo na ang pamilyang umampon kay Stella. Sa pagbabagong buhay nga nilang dalawa ay hindi naman sila nahirapan dahil may nakilala sila na tumulong sa kanila na isang negosyante na ang pangalan ay Divina Castro. Hindi silang dalawa pinabayaan ni Divina hanggang sa magtagumpay silang dalawa. Ito ang naging tagapayo nila sa lahat ng oras na kailangan nila ito. Marami rin itong mga kakilala kaya hindi talaga sila nahirapan. Nagpatuloy rin silang dalawa sa pag-aaral dahil 'yon ang isa sa mga sinabi nito sa kanila na kailangan nilang gawin. Kung sa mayaman ay mayaman talaga si Divina Castro. Bilonarya siya. Patay na ang kanyang asawa habang ang dalawang anak niya ay nasa ibang bansa na at doon na nga nakatira.

    Last Updated : 2024-12-05
  • True Love, True Heir (Filipino)   Chapter 9

    Maagang gumising si Stella kinabukasan kahit late na siya natulog kagabi dahil sa galing sila sa mansion ni Divina Castro na tumulong sa kanilang dalawa ng kaibigan niya na si Janice kung ano man nga ang mayroon sila ngayon. Nakahanda na rin ang breakfast niya nang bumaba siya sa dining room para kumain. Tatlong kasambahay lang naman ang mayroon siya sa bahay niya. Binati kaagad siya nito pagkarating niya at ganoon rin naman siya. Mabait siya sa mga kasambahay niya kaya mabait rin ito sa kanya. Wala itong masabi na hindi maganda sa kanya kundi puro magaganda lamang at wala nang iba pa.Nakapagshower at bihis na siya kaya pagkatapos niyang kumain ng breakfast ay aalis na siya patungo sa kompanya na pinapatakbo niya. Kahit pinagsasabay niya ang pag-aaral at pagpapatakbo sa kompanyang 'yon ay nakakaya naman niya. Time management lang talaga ang kailangan. Nakaka-survive naman siya kahit papaano.Tahimik lang si Stella habang nasa biyahe sila patungo sa kompanya na pinapatakbo niya. May d

    Last Updated : 2024-12-08
  • True Love, True Heir (Filipino)   Chapter 10

    Nagawa naman nga ni Eric ang pinagagawa sa kanya ni Stella nang maayos kaya bumalik kaagad siya sa kompanya na pinagtatrabauhan niya. Hindi naman siya masyadong nahirapan. Mahigit dalawang oras lang naman siya na nasa labas. Tamang-tama ay papalabas na si Stella sa opisina niya dahil may meeting ito kaya naabutan pa niya ito doon. Nagmadali kasi siyang umakyat para maabutan niya ito dahil alam niya na may meeting ito. "Kumusta ang pinagagawa ko sa 'yo, Eric? Nagawa mo ba nang maayos?" nakangising tanong ni Stella sa kanya na mabilis naman nga niyang tinanguan."Opo, Ma'am Stella. Nagawa ko naman po nang maayos ang pinagagawa mo sa akin. Tagumpay po ako dahil naibigay ko 'yon sa babae," sagot ni Eric kay Stella na CEO nila.Tumango naman nga si Stella pagkasabi niya. Kilala niya kung sinong babae ang tinutukoy nito na walang iba kundi ang tumayong ina niya na hindi naman anak ang turing sa kanya. "Mabuti naman kung ganoon. Masaya akong malaman 'yon, Eric. Hindi ka naman ba nahirapa

    Last Updated : 2024-12-10
  • True Love, True Heir (Filipino)   Chapter 11

    Tinawagan ni Stella ang kanyang kaibigan na si Janice kinagabihan. Sinabi niya ang ginawa niya kanina na pagbigay ng pera sa pamilyang umampon sa kanya at ang tungkol sa pagsabi niya kay Eric tungkol sa katotohanan na ampon nga siya. Sinagot naman nga ni Janice ang tawag niya. Hindi naman na ito busy kaya may oras na makipag-usap sa kanya, eh. Nagpapahinga na rin ito kagaya niya. Janice can't believe that she would do that."O, talaga ba? Ginawa mo 'yon?" hindi makapaniwalang tanong niya dito sa kabilang linya. Tumango pa nga si Stella kahit hindi sila magkaharap sa isa't isa."Oo. Ginawa ko talaga 'yon kanina. May masama ba sa ginawa ko, huh?" tanong ni Stella sa kanya. "Wala naman, 'no? Wala naman nga kung iisipin na masama sa ginawa mong 'yon, eh. Mabuti nga 'yon na kahit hindi maganda ang naging trato nila sa 'yo ay binigyan mo pa rin sila ng pera. Maganda ang ginawa mong 'yon, mars," sabi ni Janice kay Stella na kaibigan niya."Naaawa naman kasi ako sa kanila. Alam ko na naghihi

    Last Updated : 2024-12-10
  • True Love, True Heir (Filipino)   Chapter 12

    "Ma'am Stella, may gusto raw po na mag-apply ng trabaho ngayon dito sa atin," imporma ni Emerald na secretary ni Stella sa kanya sumunod na araw. Kumunot ang noo ni Stella sa sinabing 'yon ni Emerald sa kanya. Nagtataka siya kung bakit kailangan na sabihin pa sa kanya 'yon. Puwede naman na direkta na magpasa ng kanyang resumé ang taong gusto na mag-apply sa kanila sa HR Department. Hindi naman sila hiring pero binibigyan nila ng chance ang gusto na mag-apply kung sakali na may mapili sila. "E, ano ngayon kung may gusto na mag-apply dito sa atin? Kailangan ko pa bang malaman 'yon?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Stella sa secretary niya na si Emerald.Tumango kaagad ito sa kanya. "Opo. Hindi po siya dumiretso sa HR Department para magpasa ng kanyang resumé dahil dito raw po niya gusto na dumirekta sa opisina mo. Nasa labas po siya ng opisina mo, Ma'am Stella. Kaya nga po ako pumasok para sabihan ka. He really wants to see you. Sinabihan ko na po siya na huwag dumirekta sa 'yo l

    Last Updated : 2024-12-11
  • True Love, True Heir (Filipino)   Chapter 13

    Sinamahan ni Emerald si Elmo sa loob ng opisina ni Stella. Iniwan kaagad silang dalawa nito sa loob. Pagkapasok na pagkapasok nga ni Elmo sa opisina niya ay nakaramdam kaagad siya ng kakaiba dito. Nagtama ang mga mata nilang dalawa. Bumilis kaagad ang tibok ng puso niya. Aminin man niya o hindi ay guwapo talaga si Elmo. Unang kita pa lang niya dito ay masasabi na niyang ang lakas ng sex appeal nito at kahit sinong babae ay talaga naman na maa-attract sa isang kagaya niya. Ngumiti ito sa kanya kaya mas lalong lumitaw ang kaguwapuhan nito sa harapan niya. Binati muna siya nito at ganoon rin naman ang ginawa niya na binati rin niya ito pabalik. Pinaupo niya ito sa upuan na nasa harapan ng mesa niya. Nakatayo si Stella kanina pagkapasok niya kaya umupo na ito muli sa swivel chair niya nang umupo rin siya. "Ikaw pala ang lalaking tinutukoy ng aking secretary na gusto na mag-apply ng trabaho dito sa kompanya kung nasaan ka ngayon, right?" malumanay na sabi ni Stella sa kanya.Elmo shook h

    Last Updated : 2024-12-13

Latest chapter

  • True Love, True Heir (Filipino)   Epilogue

    Hindi na talaga alam ni Elmo ang kanyang gagawin sa totoo lang. Uupo at tatayo siya sa inuupuan niya sa waiting area. Kung puwede lang talaga puntahan ang asawa niya na si Stella sa loob ng delivery room kung saan ito nanganganak ngayon ay ginawa na niya ngunit hindi puwede. Kailangan niya na magtiis sa labas at hintayin ang panganganak nito.Tinawagan na rin niya ang kanyang daddy Richard at sinabihan na manganganak na ang asawa niya. Pupunta sila ngayon rito kasama lola niya na si Divina. Pupunta rin ang mga magulang ni Stella na sina Evelyn at Alfred."How's my wife, doc?" tanong ni Elmo kay Doc. Forteza na nagpaanak sa asawa niya na kakalalabas pa lang galing sa loob ng delivery room."Your beloved wife and baby are safe now. You don't have to worry. Normal naman ang panganganak ng asawa mo. You just have to wait before we transfer her to the private room after an hour. Congratulations!" nakangising sabi ng doctor sa kanya. Napangiti naman si Elmo sa sinabing 'yon ng doctor sa ka

  • True Love, True Heir (Filipino)   Chapter 97

    Nagbibihis na nga sila ngunit muli nilang hinubad 'yon dahil nakakaramdam muli sila ng init sa katawan. They're both naked again. Mabilis na kinubabawan ni Elmo ang kanyang girlfriend na si Stella. Pinasok kaagad niya ang kanyang naghuhumindig na pagkalalaki sa basa nitong pagkababae. Gumalaw kaagad siya na para bang wala nang bukas pa. Napuno muli ang kanyang kuwarto ng kanilang masasarap na mga ungol."Ahhh! Ahhh! Shit. Sige pa, baby. Fuck me so hard please," pakiusap ni Stella kay Elmo na guwapong boyfriend niya na may kasamang ungol. Ginawa naman nga ni Elmo ang nais niyang mangyari. Binayo pa niya ito nang todo hanggang sa sumigaw na ito sa sarap ng kanyang nararamdaman sa pagiging isa ng kanilang mga katawan. Nilaliman pa ni Elmo ang kanyang naabot hanggang sa mag-iba silang dalawa ng posisyon. Nakailang posisyon sila bago bumalik sa nauna. Doon na nila gustong matapos sa posisyon na 'yon. Patuloy lang si Elmo sa paggalaw sa loob niya. Wala na rin siyang pakialam kung masira a

  • True Love, True Heir (Filipino)   Chapter 96

    Pumunta sa bahay ni Stella ang mag-ina na sina Divina at Richard para makausap at makita muli si Elmo. Hindi siya pumasok sa kanyang opisina para lang doon. Pinaghandaan niya ang muling pagkikita ng tatlo. Nagpahanda pa nga siya ng maraming pagkain. Habang nag-uusap ang tatlo ay abala naman siya sa paghahanda sa kusina. Hindi naman siya kailangan doon. Pinatawad na ni Elmo ang kanyang ama na si Richard at Divina na lola niya sa mga nagawa nito dati. Nagkapatawaran na silang tatlo. Nawala na nga ang galit na nararamdaman ni Elmo sa dalawa lalo na sa kanyang ama. Masayang-masaya ang dalawa dahil pinatawad sila ni Elmo. Hindi nga sila binigo ng Panginoon. Kung ano ang pinagdasal nila ay 'yon ang binigay sa kanila. Nagyakapan sila matapos ang pagkakaayos nilang 'yon.Natuwa rin naman nga si Stella matapos na malaman niya na nagkaayos na ang tatlo. Nagpasalamat sa kanya sina Divina at Richard dahil tinulungan niya ito na magkaayos sila kay Elmo. Ito rin naman ang dahilan kung bakit nakila

  • True Love, True Heir (Filipino)   Chapter 95

    "Galit ka ba sa akin sa ginawa kong 'yon kanina, baby?" tanong ni Elmo kay Stella pagkarating nila sa bahay nito. Nagpupunas pa rin ito ng kanyang mga luha. Ilang segundo muna ang lumipas bago ito nagsalita sa kanya."Kailangan ko ba na magalit sa 'yo kung nararapat nmana na sabihin mo 'yon, baby? Iyon ang totoo, 'di ba? Kaya lang naman ako umiiyak ay dahil naiisip ko lang naman ang mga pinagdaanan ko sa buhay hanggang sa makarating ako sa kung ano man ang mayroon ako, eh," paliwanag na sagot ni Stella sa boyfriend niya.He gave her a quick nod and said, "I'm just asking you, baby. Karapatan naman nila na malaman 'yon, eh. Sinabi ko naman sa 'yo na hindi ko gagawin 'yon upang hindi na sila magalit sa akin, 'di ba? Kaya ko sinabi 'yon sa kanila para malaman nila kung ano talaga ang totoo. Iyon lang talaga 'yon.""I know, baby. Sinabi mo nga 'yon sa akin," sabi niya. "At saka naghalu-halo na ang nararamdaman ko na emosyon kaya ganoon ang nagawa ko kanina. I'm sorry, baby.""It's okay, b

  • True Love, True Heir (Filipino)   Chapter 94

    "Ninakaw ko man po ang perang 'yon sa inyo ngunit wala po kayong kaalam-alam na siya pala ang nakakuha. Naiwala ko po 'yon dahil sa hinahabol ako ng mga pulis at hindi ko inaasahan na mawawala 'yon. Hindi naman nasayang ang perang 'yon na ninakaw ko sa inyo dahil sa kanya naman na napunta, eh. Siya ang nagkinabang ng perang 'yon na alam ko na pinagpaguran n'yo. Kaya wala kayong dapat na ikapanghinayang o ano pa dahil ang totoong anak n'yo naman ang nagkinabang sa bandang huli at hindi po ang ibang tao. Nagkinabang na rin naman ako nang makilala ko siya pero kung hindi ko naman siya nakilala at hindi ko nalaman ang totoo tungkol sa kanya ay hindi naman, eh. She's suffering every day. Dahil sa perang 'yon na para naman talaga sa kanya ay nagbago ang buhay niya. Marami siyang natulungan sa perang 'yon. Natulungan niya ang kanyang kaibigan at marami pang iba. Hindi lang naman ang sarili niya ang natulungan ng perang 'yon na ninakaw ko galing sa inyo, eh," paliwanag ni Elmo sa kanilang dal

  • True Love, True Heir (Filipino)   Chapter 93

    Hindi naman dumating ang mag-asawa na sina Evelyn at Alfred habang kumakain ang dalawang magkasintahan. Dumating lang ito nang patapos na ang dalawa. Na-traffic kasi ito kaya hindi kaagad sila nakarating. Naglalakad na sana palabas silang dalawa na magkasintahan nang bigla silang lapitan ni Evelyn kasama ang asawa nito na si Alfred.Parehas na nanlaki ang mga mata nilang dalawa sa kanilang nakita lalo na si Stella. She was her real parents. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Masamang-masama na nakatingin si Evelyn sa kanila. She finally saw them in person. Napamura siya sa kanyang isipan matapos 'yon. "Nandito ka pala..." matigas na sabi ni Evelyn kay Elmo. Nagkatinginan sina Stella at Elmo pagkasabi ni Evelyn. He took a deep breath before he speaks to her."Opo. Nandito po ako. Kaya mo nga po ako nakikita ay dahil nandito ako. Kung wala po ako dito ay hindi mo ako makikita," namimilosopong sagot ni Elmo kay Evelyn."Sino siya?! Siya ang babaeng 'yan, huh?! Is she your girlfriend?"

  • True Love, True Heir (Filipino)   Chapter 92

    Sinabi naman ni Divina sa kanyang anak na si Richard ang dahilan kung bakit nagnakaw si Elmo ng pera sa mag-asawa na umampon sa kanya. Sinabi rin niya na ang ninakaw nitong pera ay ang napunta kay Stella na ginamit nito upang magbago ang buhay nilang dalawa ng kaibigan niya na si Janice at magkaroon sila ng kung ano man ang mayroon sila gamit 'yon. Hindi lang 'yon ang sinabi pa niya sa kanyang anak kundi sinabi rin niya na ang pinagnakawan ni Elmo ng pera ay ang mag-asawa na umampon sa kanya na tunay na mga magulang ni Stella na girlfriend niya. "Seryoso ka po ba sa sinasabi mo sa akin, mom? Si Stella ang tunay na anak ng dalawang mag-asawa na umampon sa anak ko na si Elmo, huh?" hindi nga makapaniwalang tanong ni Richard sa mom niya.He saw her nods her head and said, "Yes, son. Si Stella ang tunay na anak ng umampon sa anak mo. Mismong ang anak mo ang nagsabi ng bagay na 'yon, eh. May alam siya tungkol sa tunay na pagkatao ng girlfriend niya na si Stella kaya nasasabi niya 'yon.""

  • True Love, True Heir (Filipino)   Chapter 91

    "Kumusta ang pagpunta n'yo sa inyo, mars? Ano ang nalaman mo?" tanong ni Janice kay Stella."Okay naman ang naging pagpunta namin doon, mars. Nalaman ko na rin talaga kung paano ako pinaampon ng nurse na 'yon dahil kinuwento nila sa akin kung ano ang kailangan kong malaman mula sa kanya. Tama naman ang boyfriend ko na si Elmo sa sinabi niya sa akin na ang umampon sa kanya ay ang tunay kong mga magulang. Ganoon rin ang sinasabi nila sa akin, eh," sagot ni Stella sa kaibigan niya."So, naniniwala ka na nga nang buong-buo na ang umampon nga kay Elmo ang tunay mong mga magulang? They're still the same. Baka gusto mo pa na makausap ang nurse na nagligtas sa 'yo mula sa nasusunog na hospital na 'yon para maniwala ka pa," ani Janice sa kanya.Nagpakawala muna si Stella nang malalim na buntong-hininga saka nagsalita sa kanya."Sa tingin ko ay hindi na muna kailangan pa 'yon na makausap pa ang nurse na 'yon, eh. If there's a chance naman ay bakit hindi, 'di ba? Sa ngayon ay sapat na ang nalama

  • True Love, True Heir (Filipino)   Chapter 90

    "Gusto mo ba na samahan kita na bumalik sa inyo, baby?" tanong ni Elmo kay Stella sumunod na araw. Nagpasya itong bumalik sa bahay nila dati kung saan nakatira ang mag-asawa na umampon sa kanya para makausap ito tungkol sa mga nangyari dati lalo na sa pag-ampon nito sa kanya."Huwag na, baby. Dito ka lang sa bahay. Okay lang na ako ang bumalik doon sa amin. Wala namang mangyayari na masama sa akin doon at isa pa ay doon ako lumaki. Kilala ako ng mga tao doon. Baka matuwa pa nga sila sa pagbabalik ko, eh," sagot ni Stella sa kanya na nakangiti.Nagdesisyon kasi siya na siya lang ang babalik mag-isa doon sa kanila para makausap ang mag-asawa na umampon sa kanya. Sinabi na rin niya sa kaibigan niya na si Janice lalo na kay Divina na babalik siya doon sa kanila para sa bagay na 'yon."Sigurado ka?" tanong ni Elmo sa kanya bilang paninigurado. She nodded immediately."Oo, baby. Sigurado ako, baby. Hindi mo na kailangan na samahan pa ako doon sa amin. I promise you na walang mangyayaring ma

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status