Share

Chapter 2

"Kaya ko kinuha ito dahil kapag hindi ko kinuha ito ay baka kunin na lang ito at gamitin pa sa hindi maganda kung sino man nga ang makakuha nito. Malaking halaga ng pera ang laman ng bag na 'yan. Maraming magkaka-interes d'yan," sagot ni Stella kay Janice na kaibigan niya. "Posibleng ninakaw ito ng lalaking 'yon kaya hinahabol siya ng mga pulis."

Tumango naman kaagad si Janice pagkasabi niya.

"Oo. Posible nga ngunit hindi naman natin sigurado na ninakaw talaga ang perang 'yan ng lalaking 'yon. Malay ba natin na may ibang rason kaya siya hinahabol ng mga pulis, 'di ba? Hindi pa natin puwedeng ninakaw ang perang 'yan dahil hindi natin alam kung ano talaga ang totoo. Mahirap sabihin na ninakaw ang perang 'yan," katwiran na sagot ni Janice kay Stella.

May punto naman nga si Janice sa sinabi niya sa kaibigan niya. Hindi nila puwedeng sabihin na ninakaw 'yon ng lalaking 'yon dahil hindi nila alam ang totoo. Puwede lang nila sabihin 'yon kung alam na talaga nila ang totoo at may hawak sila na ebidensiya.

Na-realize naman nga ni Stella na tama naman ang sinabi ng kaibigan niya na si Janice sa kanya. Tumango-tango siya habang nakaharap dito at nagsalita, "Tama ka naman nga sa sinasabi mo. Hindi natin puwedeng sabihin na ninakaw talaga ang perang 'to ng lalaking 'yon hangga't wala tayong ebidensiya at hindi natin alam ang totoo. Hindi tama na magconclude na tayo na hindi natin alam na ninakaw nga ito ng lalaking 'yon. Salamat sa sinabi mong 'yon, Janice."

"Walang anuman 'yon, Stella. Ano'ng gagawin mo sa malaking bag na 'yan na may laman na maraming pera, huh?" tanong ni Janice sa kanya.

Umihip muna siya ng hangin at nagkibit-balikat bago sumagot sa katanungan nitong 'yon kung ano ang gagawin niya sa perang 'yon na laman ng kulay itim na bag.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa malaking bag na 'yan na may lamang maraming pera," nakangusong sagot niya.

"Paano 'yan? Hindi mo naman puwedeng ilagay 'yan o iwan dito sa puwesto natin. Mawawala 'yan, Stella," saad ni Janice sa kanya.

"Alam ko naman 'yon, Janice. Hindi natin puwedeng iwan ito dito dahil mawawala ito," sabi ni Stella kay Janice.

"Ba't hindi mo na lang kaya dalhin sa mga pulis at i-turn over? Puwede mong gawin 'yon, Stella," sabi ni Janice sa kanya.

Stella sighed first before she speaks to her again.

"Alam ko naman 'yon. Puwedeng-puwede na gawin 'yon ngunit—"

"Ngunit ano, huh?"

"Ngunit iimbestigahan ako n'yan masyado ng mga pulis. Baka madamay pa ako—madamay tayong dalawa. Isipin nila na kasabwat tayong dalawa ng lalaking 'yon. Isa pa sa iniisip ko ay baka kunin lang ito nila lalo na kung wala naman naghahanap, 'di ba? Malalagay lang tayo sa alanganin nito kapag ginawa natin 'yon. Imposible na balikan pa ito ng lalaking 'yon lalo na kung malayo na ito o kaya ay nahuli na ng mga pulis. Malalagot lang tayo nito kahit wala naman tayong kasalanan talaga," paliwanag na sagot ni Stella sa kaibigan niya.

Natatakot siya na dalhin ito sa mga pulis dahil baka madamay pa sila, malagay pa sila sa alanganin dahil sa perang 'yon. Sumang-ayon naman si Janice sa sinabi niyang 'yon dahil naisip niya na posibleng ganoon nga ang mangyari kapag dinala ng kaibigan niya na si Stella ang malaking bag na may laman na maraming pera.

"Oo nga, 'no? Baka madamay ka pa—madamay pa tayong dalawa nito kapag dinala mo sa mga pulis ang malaking bag na 'yan na may lamang maraming pera. Ayaw ko na mangyari 'yon. Malalagay pa tayo nito sa alanganin, Stella. Huwag mo na gawin 'yon at isa pa ay baka kunin lang nila ang perang 'yan at gamitin para sa mga pangsariling kagustuhan nila, eh, may mga pera naman sila," sagot ni Janice sa kanya.

"Iyon na nga ang sinasabi ko sa 'yo kaya hindi ko gagawin 'yon. Mahirap na at alam mo 'yan," mabilis na sagot ni Stella kay Janice.

"Hindi mo naman dadalhin sa mga pulis ang malaking bag na 'yan na may lamang maraming pera ay siguro kahit papaano ay may naiisip ka na puwedeng gawin kahit hindi opisyal. Ano na lang ang gagawin mo d'yan sa perang 'yan?" sagot ni Janice sa kanya at tinatanong pa siya kung ano ang gagawin niya sa perang 'yon.

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa perang 'yan. Basta hindi ko dadalhin ito sa mga pulis dahil baka 'yon pa ang maging mitsa para mapahamak tayong dalawa. Ayaw ko naman na mangyari 'yon, eh," sabi ni Stella sa kaibigan niya.

Itinikom ni Janice ang kanyang mga labi matapos na sabihin 'yon sa kanya ng kaibigan niya. Tumahimik rin siya kaya naputol muna ang pag-uusap nilang 'yon.

Muling ibinalik ni Stella ang malaking bag sa kung saan niya ito tinago.

May mga bumibili sa kanila kaya doon na muna natuon ang buong atensiyon nila. Muli silang nag-usap nang wala na ngang masyadong bumibili sa kanila ng mga gulay at prutas.

"Dadalhin mo ba ang malaking bag na 'yan na may laman na malaking halaga ng pera mamaya pag-uwi mo sa bahay nyo, huh?" tanong ni Janice sa kanya.

Umihip si Stella ng hangin bago nagsalita.

"Hindi ko nga alam, eh. Hindi ko puwedeng dalhin ito sa bahay namin kasi makikita ito nila," sabi ni Stella kay Janice. "Makikita nila ang laman ng malaking bag na 'to kaya hindi puwedeng dalhin ko ito mamaya pag-uwi sa bahay. Baka magkagulo pa kami sa bahay dahil dito."

"E, paano 'yan? Hindi naman puwedeng iwan natin ang malaking bag na 'yan dito. Mawawala ito kapag iniwan natin. Mabuti kung hindi pera ang laman, 'di ba?" sagot ni Janice sa kanya na nakanguso.

"Iyon na nga ang pino-problema ko, eh. Nag-iisip ako kung ano ang puwedeng gawin ko," sabi pa ni Stella kay Janice.

"Ayaw mo naman na dalhin sa mga pulis ang malaking bag na 'yan kaya ano ang gagawin mo d'yan?" tanong pa ni Janice sa kanya. "Wala ka namang puwedeng pagtaguan nito, 'di ba? Kaya wala kang paglalagyan n'yan. Dapat ay may gagawin ka. Hindi puwedeng wala."

Namroroblema na tuloy si Stella sa gagawin niya sa malaking bag na 'yon kung ano ang gagawin niya. Hindi dapat niya problemahin 'yon ngunit pino-problema na niya dahil sa kailangan na may gawin siya. Hindi puwedeng wala siyang gawin.

"I-donate na lang kaya natin sa simbahan, 'no? Puwede naman, 'di ba? Mas mabuti nga 'yon, nakatulong pa tayo at sigurado ako na itutulong rin 'yon ng simbahan sa mga nangangailangan lalo na sa kagaya natin mahihirap. I-donate na lang natin. Sang-ayon ka ba sa naiisip ko na puwedeng gawin natin?" sagot ni Stella sa kanya.

Walang ibang maisip si Stella kundi ang i-donate na lang sa simbahan kaysa kung ano pa ang gawin nila sa perang 'yon. Hindi naman nga niya puwedeng iuwi ito sa bahay nila dahil makikita ito at sigurado siya na magkakagulo sila. Tatanungin siya sa bahay nila kung saan niya kinuha ang maraming pera na 'yon. Hindi rin niya puwedeng iwan sa puwesto nila dahil mawawala ito. May kukuha nito. Mabuti na lang kung hindi ito pera.

"Sang-ayon naman ako sa sinasabi mo sa akin pero ang dami naman ng ido-donate natin sa simbahan. Ang dami n'yan at baka puwede na ngang makapagpatayo ang perang 'yan ng isang napakalaking simbahan. Mag-donate lang tayo ng kahit kalahating milyon. Puwede na 'yon at kung gusto mo pa nga ay ibigay natin ng diretso sa mga taong naghihirap na nangangailangan talaga ng pera. Ayaw mo n'yan, nakatulong pa tayo," sagot ni Janice kay Stella.

"Ano'ng gagawin pa natin sa matitira na pera, huh?" tanong ni Stella kay Janice na bumuntong-hininga muna bago muling nagsalita sa harapan niya.

"Kailangan naman natin ng pera, 'di ba? Kailangan na kailangan natin," sabi ni Janice sa kanya.

"Huh? Ano naman ang ibig mong sabihin kung kailangan nga natin ng pera? Gusto mo ba na kunin natin 'to?" tanong ni Stella sa kanya.

Janice gave her a quick nod and said, "Oo. Parang ganoon na nga. Kunin na lang natin ang matitirang pera para magamit naman natin. Kailangan na kailangan na natin ng pera. Hirap na hirap na tayo sa buhay. Baka 'yan na nga ang paraan na binigay ng Diyos sa atin para makaahon tayo sa kahirapan nitong buhay natin. Itutulong naman natin ang iba sa mga naghihirap na kagaya natin. Hindi naman natin kukunin lahat. Magdo-donate na nga tayo sa simbahan tapos tutulungan pa natin 'yung mga kapwa natin na mahihirap. Hindi na 'yon masama, 'di ba? Isipin mo ay hindi naman natin 'yan ninakaw."

Tumahimik si Stella sa sinabing 'yon ng kaibigan niya. Na-realize pa niya na puwede naman na ganoon na lang ang gawin nila. I-donate nila sa simbahan ang ibang pera tapos itulong nila sa mga taong naghihirap na kailangan na kailangan talaga ng pera kagaya nila.

Alam naman nila ang bawat dinaranas ng mga mahihirap dahil nararanasan rin nila 'yon. Ang hirap-hirap maging isang mahirap. Itutulong naman nila 'yon. Hindi naman nila kukunin lahat-lahat.

"O, ano? Ano'ng gagawin mo, huh? Sang-ayon ka ba sa sinabi ko sa 'yo?" tanong muli ni Janice sa kanya makaraan ang ilang segundo na pananahimik niya na.

Dahan-dahan na tumango si Stella sa kanya at nagsalita, "Sige na nga. Iyon na lang ang gawin natin sa perang 'yan. Ido-donate natin ang ibang pera sa simbahan at bibigyan natin ang mga kapwa natin mahihirap na nangangailangan ng tulong. Kukunin na lang natin ang iba para sa atin tutal nangangailangan rin tayo ng pera. Mahirap rin naman tayo, 'di ba?"

"Okay. Maliwanag na sa ating dalawa na 'yon ang gagawin natin. Sumang-ayon ka na rin sa akin. Iyon na ang gagawin natin ngayon," sabi ni Janice sa kanya. Tinanguan na lang niya ito at hindi na siya nagsalita pa na kung anu-ano.

Ngayon sila tutungo sa simbahan kaya ang ginawa nilang dalawa ay nagsara na lang sila ng kanilang puwesto. Upang hindi mahalata ang malaking bag na dala nila ay bumili si Stella ng dalawang bag na bago at doon inilapit ang perang laman ng malaking bag na 'yon. Tinulungan naman siya ng kanyang kaibigan na si Janice sa paglipat. Dali-dali silang umalis sa lugar na 'yon. Tig-isa sila ng bag na dala. Wala naman masyadong nakapansin sa kanila sa dala-dala nilang 'yon.

Lakad lang sila nang lakad hanggang sa makalabas sila sa palengke. Tamang-tama may taxi na huminto sa harapan nila kaya sumakay kaagad sila. Nakahinga silang dalawa na magkaibigan nang maluwag nang umandar na ang taxi na sinasakyan nila. Patungo sila sa isang simbahan kung saan sila magdo-donate ng pera.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status