Lambingan naman ng dalawang 'to!
MargauxBirthday ng aking biyenang babae. Syempre pa, invited ako pati ang aking mga magulang. Excited ako pero hindi ko maikakaila ang kaba para sa unang pagkakataon naming pagkikita-kita. I'm sure, maiintindihan ng kahit sinong nasa kalagayan ko ang anumang nararamdaman ko ngayon.Sabi ni Draco ay agahan namin ang punta dahil gusto raw kami makausap ng kanyang mga magulang bago pa man magsimula ang party. Ang bigat ng ibig sabihin noon, gusto talaga nila akong makilala. Gusto rin nilang makilala ang mga magulang ko bilang mga balae nila.Kinikilig ako. Parents-in-law. Ang sarap sa pakiramdam. Kahit hindi pa alam ng mga Kuya ni Draco ang tungkol sa kasal namin, masaya akong alam ito ng kanyang mga magulang. Parang isang lihim na matamis, isang sikreto na unti-unting lumalantad sa liwanag.Hindi ko tuloy maisipang mainis sa kung sinumang nagtatangka sa buhay ko ng dahil sa pagmamahal ko kay Draco. Bakit ba kasi may mga taong hindi na lang maging masaya sa kaligayahan ng kanilang minama
Margaux“Is it true?” tanong ng biyenan kong babae habang nakaupo na kami sa sofa.Ramdam ko agad ang pagbigat ng paligid. Parang may nagbuhos ng malamig na tubig sa likod ko.“Ang alin po?” tanong ko, pilit kong pinanatiling kalmado ang tono ko.“Na dati kayong magkarelasyon ni Sammy? Na habol ka ng habol sa kanya?”Napatigil ako dahil napaka-straightforward ng tanong kaya hindi ko agad alam ang isasagot. Parang biglang nabulol ang utak ko sa dami ng dapat sabihin pero walang salitang lumalabas. Napatingin ako kay Draco, na nakatitig din sa akin, para bang binabasa niya ang bawat pintig ng dibdib ko.Sinabi ba niya sa ginang ang totoo? Buo ba? Hanggang sa pinaka-masakit at pinaka-kahiya-hiyang bahagi?Huminga ako ng malalim at muling hinarap ang aking biyenan.“Yes po,” sagot ko, walang paligoy-ligoy. “Sam was my childhood crush. My puppy love. I was head over heels sa kanya before I met Draco. Para akong tanga noon, umaasa kahit wala naman talagang patutunguhan.”“Alam mo na tiyuhin
Margaux“What do you think you're doing, Margaux?” inis na tanong ni Sam habang inaalalayan nito si Chloe na katulad ko ay nawalan ng balanse at natumba ng magkabanggaan kami.“I-I didn't do anything,” mahina kong tugon dahil sa hiyang nararamdaman ko at pagkaalangan habang mag-isa akong tumatayo.Alam sa buong University na magkasintahan kami kaya ang pag-alalay niya sa ibang babae habang sinisisi ako ay sadyang nagdulot sa akin ng sobrang sakit at pagkahiya.“Bakit hindi si Margaux ang tinulungan niya?”“Hindi ba magjowa sila, 2 years na? Bakit iba ang katabi ni Sam ngayon?”“Kawawa naman si Margaux. Iba talaga kapag mas malaki ang pagmamahal ng isa sa isa, ganyan ang nangyayari.”Hindi ko alam kung paano ko tatakasan ang mga nasa paligid namin lalo at pakiramdam ko ay unti unti na silang dumarami.Pagtingin ko kay Sam ay tila nang-uusig pa ang kanyang tingin na parang ako talaga ang may kasalanan.Si Chloe naman ay hindi rin nakatulong lalo at nakangisi pa itong nakatingin sa akin
MargauxGala night.Bago pa man kami magkaroon ng hindi pagkakaintindihan ni Sam ay decided na akong um-attend dahil last sem ko na ito sa college at una't huling beses kong dadaluhan.Sa dalawang taon na magkarelasyon kami ni Sam ay hindi rin kami uma-attend sa ganito dahil pareho kaming walang hilig.Nakaharap ako ngayon sa salamin ng aking tokador at tinitignan ang aking sarili. Hindi ako sanay mag-make-up pero marunong akong mag-apply.Simpleng lilac dress na may combination na white ang napili kong suutin. Tinernuhan ko iyon ng simpleng lilac stud earrings at necklace na may kaparehong color theme para hindi naman magmukhang bare ang aking leeg na kitang kita dahil sa mataas na ayos ng aking buhok at sa one strap na design ng damit.Kakatapos ko lang mag final touch ng aking makeup ng marinig ko ang katok sa pintuan kasunod ang pagpasok ng aking ina.“Wow, you look young and fresh! Ang ganda mo anak!” bulalas niya. Hindi ko naiwasang mapangiti dahil doon.“Kanino pa ba ako magmama
Margaux “Thank you sa pag-aya sa akin,” sabi ko sa lalaki ng ihatid na niya ako sa table namin ni Yvonne. Okay naman siya at gentleman, kahit na ilang beses kaming nababangga ni Sam ay bahagya na lang niya akong inilalayo.“The pleasure is mine,” tugon niya bago nagpaalam para pumunta na sa kanyang mga kaibigan.Pagtingin ko sa aking kaibigan ay titig na titig siya sa akin na may halong ngisi kaya napailing na lang ako dahil alam ko na ang ibig sabihin non.“Stop looking at me like that, girl. Bakit hindi ka na lang tumayo dyan sa kinauupuan mo at makipagsayaw kaysa maging busy ka sa kakahanap ng makakapareha ko?”“Ako kasi ay meron ng love of my life na hindi kagaya niyang ex mo.” Nakataas ang kanyang kilay habang masama ang tingin sa kung sino man na nasa aking likuran na kung huhulaan ko ay malamang na si Sam at Chloe.“Eh di ikaw na ang masaya ang lovelife,” sabi ko sabay lingon para sana tumingin lang sa paligid.“Don't look!” bulalas ni Yvonne. Ngunit huli na ang lahat dahil kit
MargauxPuno kami ng pagtataka ni Yvonne ng pagpasok namin sa bar ay makitang walang tao doon maliban sa bartender at sa nag-iisa yata nilang customer na nakaupo sa bar counter.Nakatagilid ito at kahit na gusto kong bistahan para malaman ko kung kilala ko ba siya ay hindi ko na ginawa dahil baka iba ang maging pakahulugan niya doon.“Open ba kayo?” tanong ni Yvonne na palingon lingon pa sa paligid. Napansin kong bahagyang tumingin ang bartender sa lalaki bago nakangiting tumango.“Upo ka na girl. Ngayon ay iinom tayo pero hindi magpapakalasing. Mabuti na siguro na walang tao at least payapa tayo at walang mang-iistorbo sa atin.”Sinunod ko ang sinabi niya. Magkatabi kaming naupo sa may bar na rin at nasa kanan ko ang lalaking tahimik na umiinom.Pasimple kong tiningnan ang lalaki na diretso lang ang tingin sa harapan niya na parang walang pakialam sa aming magkaibigan. Naka navy blue suit ito at mukhang mayaman. Ngayon ko lang siya nakita.Nagkibit balikat na ako at bumaling na ng ti
Mature ContentMargauxHindi ko na alam kung paano kaming napunta sa isang silid matapos kong tugunin ang kanyang halik. Naramdaman ko na lang na nakalapat na ang aking likod sa nakasaradong pintuan habang patuloy kami sa paghahalikan.This man gives me an unexplainable feeling. Nakainom ako, lasing ako. But I know exactly what I'm doing. Hindi ko nga lang kayang utusan ang katawan ko na huminto sa ginagawa ko.“Sugar, are you sure about this?” tanong ng lalaki ng tumigil kami sa paghahalikan. Napangiti ako sa endearment na gamit niya. Kung endearment nga iyon ha.“I like the sugar thing. What do you want me to call you?” tanong ko.“Kahit ano wag lang ang pangalan ng ex mo or kung anumang tawag mo sa kanya.”Ang sexy ng dating ng kanyang boses habang hinahagod ng kanyang hinlalaki ang aking baba. Ang sarap sa pakiramdam dahil he's making me feel beautiful and wanted. Hindi kagaya ni Sam.Nalungkot ako ng maalala ko ang aking boyfriend. I mean, ex-boyfriend.“Don't think about him whe
Margaux“Okay, tapusin niyo na ang mga dapat niyong tapusin. Kahit na midterm pa lang ay maigi nang handa kayo sa lahat, tandaan niyo graduating na kayo.”“Yes ma'am!” sabay sabay na tugon ng aming klase sa paalala ng aming prof.“Okay, dismissed.” Lumabas na ng silid si Ms. Cruz kaya nag sitayuan na rin ang mga kaklase ko.Ako naman ay nanatiling nakaupo sa aking upuan at humarap sa labas ng bintana at nagsimulang tumanaw sa malayo.Biglang nagbalik sa alaala ko ang lahat ng naging pag-uusap namin ng lalaki ng magising kami kinaumagahan…***Idinilat ko ang aking mga mata at nag-unat. Nagtaka pa ako kung bakit parang ang sakit ng aking katawan. Pumikit ulit ako dahil sa pagsalakay ng bahagyang sakit ng ulo.Doon ko naalalang uminom nga pala kami ni Yvonne. Tapos ay umalis ito at nagpaiwan ako.Parang rumaragasang tubig sa batis na nagsidaluyan ang mga nangyari. Agad akong napaupo at nasabunutan ang aking sarili.“Judging with your action, mukhang naalala mo ang nangyari kagabi.”Ang
Margaux“Is it true?” tanong ng biyenan kong babae habang nakaupo na kami sa sofa.Ramdam ko agad ang pagbigat ng paligid. Parang may nagbuhos ng malamig na tubig sa likod ko.“Ang alin po?” tanong ko, pilit kong pinanatiling kalmado ang tono ko.“Na dati kayong magkarelasyon ni Sammy? Na habol ka ng habol sa kanya?”Napatigil ako dahil napaka-straightforward ng tanong kaya hindi ko agad alam ang isasagot. Parang biglang nabulol ang utak ko sa dami ng dapat sabihin pero walang salitang lumalabas. Napatingin ako kay Draco, na nakatitig din sa akin, para bang binabasa niya ang bawat pintig ng dibdib ko.Sinabi ba niya sa ginang ang totoo? Buo ba? Hanggang sa pinaka-masakit at pinaka-kahiya-hiyang bahagi?Huminga ako ng malalim at muling hinarap ang aking biyenan.“Yes po,” sagot ko, walang paligoy-ligoy. “Sam was my childhood crush. My puppy love. I was head over heels sa kanya before I met Draco. Para akong tanga noon, umaasa kahit wala naman talagang patutunguhan.”“Alam mo na tiyuhin
MargauxBirthday ng aking biyenang babae. Syempre pa, invited ako pati ang aking mga magulang. Excited ako pero hindi ko maikakaila ang kaba para sa unang pagkakataon naming pagkikita-kita. I'm sure, maiintindihan ng kahit sinong nasa kalagayan ko ang anumang nararamdaman ko ngayon.Sabi ni Draco ay agahan namin ang punta dahil gusto raw kami makausap ng kanyang mga magulang bago pa man magsimula ang party. Ang bigat ng ibig sabihin noon, gusto talaga nila akong makilala. Gusto rin nilang makilala ang mga magulang ko bilang mga balae nila.Kinikilig ako. Parents-in-law. Ang sarap sa pakiramdam. Kahit hindi pa alam ng mga Kuya ni Draco ang tungkol sa kasal namin, masaya akong alam ito ng kanyang mga magulang. Parang isang lihim na matamis, isang sikreto na unti-unting lumalantad sa liwanag.Hindi ko tuloy maisipang mainis sa kung sinumang nagtatangka sa buhay ko ng dahil sa pagmamahal ko kay Draco. Bakit ba kasi may mga taong hindi na lang maging masaya sa kaligayahan ng kanilang minama
DracoBusy na kaming magkakapatid lalo na ang mga kuya ko sa paghahanda para sa kaarawan ng aming ina. Si Kuya Dennis, na kahit pa madalas seryoso at tahimik, ay hindi mapakali para bang siya ang may kaarawan. Hindi ko maiwasang ngumiti. Sa edad niyang iyon, mama’s boy pa rin talaga.Mahal na mahal namin si Mommy. Lahat kami. At ramdam naming ganon din siya sa amin. Hindi ko kailanman naramdaman na may paborito siya. Kahit ako ang bunso, pantay-pantay ang trato niya sa aming magkakapatid—at ‘yon ang pinakamasarap sa lahat.Ang pagmamahal din ng mga kuya ko sa aking ina ang siyang nagiging dahilan upang pakisamahan ko sila. Kahit na nga mas madalas na parang ako pa ang nakatatanda kung umasta. Nasanay na kasi ako sa aking ama na binigyan ako ng authority sa maraming bagay kaya lumaki akong dominante at aaminin ko, medyo mataas ang tingin sa sarili.Napagdesisyunan naming sa isang hotel ganapin ang birthday celebration ni Mommy. Gusto ko sanang magkaroon muna ng tahimik na oras kasama si
Draco“Draco, anak…” Nakangiting bati ng aking ina ng makalapit ako sa kanila ni Dad sa sala. Kakarating lang nila ni Dad mula sa Germany, at dito na sila sa condo ko dumiretso.Pero bago pa man ito mangyari, ipinaalam ko na sa aking Sugar ang tungkol dito. Gusto na nga rin niyang makilala ang mga ito at nag-aalala na baka iba ang maging dating kung hindi niya sasalubungin ang mga magulang ko. Ngunit nakiusap ako sa kanya na hayaan akong makausap muna ang dalawa ng sarilinan.“Kamusta ang biyahe, Mom, Dad?” tanong ko sabay halik sa pisngi ni Mommy. Kay Dad naman ay isang tapik sa balikat ang ibinigay ko at hinawakan naman niya ang kamay ko. Ganito na talaga ang nakasanayan naming batian. Bagama’t minsan ay nagyayakapan din naman kami, mas madalas ganito, simple pero totoo.“Balik na ako sa office, Draco,” sabi ni Kevin habang tinnuro ng hinlalaki ang direksyon ng pintuan. Tumango ako bilang tugon, saka siya tahimik na tumalikod at naglakad na palabas. Siya ang pinasundo ko sa airport p
DracoPaano ko ba sisimulan? Paano ko sasabihin sa aking Sugar ang naging pag-uusap namin ni Mommy? Kailangan ko bang ipaalam sa kanya ang mga hinala’t agam-agam ng aking ina? O dapat bang itikom na lamang ang bibig ko upang hindi na siya mag-isip pa ng kung ano-ano at makadagdag sa takot na kinakaharap niya ngayon?Pinilig ko ang aking ulo, pilit tinataboy ang mga pangungusap ni Mommy na paulit-ulit na tumatakbo sa aking isip. Napabuntong hininga ako at hinagod ko ang buhok ng natutulog kong asawa. Ang payapa niyang mukha, ang mahinang paghinga, ang marahang paggalaw ng kanyang dibdib, lahat ng ito ay nagbibigay sa akin ng panandaliang katahimikan sa gitna ng magulong iniisip.Ayoko ng gulo. Ayoko ng sakit. Lalo na’t siya ang maaaring masaktan. Sigurado ako na magugustuhan siya ng aking ina once na nakapag-usap na sila. Napakadaling mahalin ng Sugar ko, kakaiba siyang babae at higit sa lahat, alam kong tapat siyang magmahal.Nasaksihan ko ang relasyon nila ni Samuel at nakita ko kung
Draco“Hey, I need to talk to you, ASAP.”Napakunot noo ako sa biglaan at tensyonadong boses ni Sugar. Bihira siyang magsalita ng gano'n, kaya agad akong kinabahan.“May nangyari ba?” tanong ko agad. “Nasaan ka?”“On my way home. Something happened…” May kung anong panginginig sa boses niya. Hindi ko alam kung bakit pero tila ba may malamig na hangin na dumaan sa likod ko. Mabilis akong sinaniban ng kaba at takot, yung klase ng kaba na kumakapit hanggang buto.Kasama naman niya si Gustavo, ang dati ay nagbabantay lamang sa kanya sa malayo. Ginawa ko ng driver niya at bodyguard. Pero nalaman ko na hinahayaan ni Sugar na magpahinga ito sa loob lang din naman ng company building niya. Bagay na ayaw ko sana dahil ang gusto ko ay malapit lang sa kanya ang lalaki.Tinanggihan ni Sugar dahil baka daw matakot ang mga empleyado niya sa pag-aakalang may kung anong masamang mangyayari. Hinayaan ko na dahil wala naman talaga akong panalo sa kanya.Pero depende sa pangyayari lalo at hindi ko nagust
Draco“Mommy, pauwi ka na rin lang dito... doon mo na lang kilalanin ng husto ang asawa ko," sabi ko sa aking ina na hindi mapakali sa Germany.“Draco ha, naiintriga na talaga ako. Gusto ko nang malaman kung sino ang asawa mo, bakit ba hindi mo pa sabihin? Tsaka bakit kailangan pa nating ilihim ito?”Napahawak ako sa sentido ko habang nakatitig sa malayo. “Ipapaliwanag ko kapag nakarating na kayo rito ni Dad. Seryosong bagay ito kaya kahit sila Kuya ay hindi pa alam ang tungkol dito.”“How about her parents? Alam ba ng mga magulang niya na ikaw ang asawa niya?” tanong ni Mommy, hindi pa rin sumusuko. Napabuntong-hininga ako, mahaba at mabigat.Sa totoo lang, natuwa ako nang bigla niya akong tawagan habang nasa airport ako nung dapat ay pabalik ako ng Germany. Ang saya ko nang sabihin niyang huwag na raw akong bumalik dahil sa Pilipinas na niya gustong ganapin ang kanyang birthday. She’s turning 70, at gusto niyang makasama ang kanyang pamilya, lalo na ang mga kuya ko at mga apo. That a
MargauxDahan-dahan kong tinanggal ang takip ng kahon, ang mga daliri ko’y bahagyang nanginginig habang ginagawa ito. May kung anong kaba na sumisiksik sa dibdib ko na parang may masamang balitang nakaabang sa loob nito. Nang tuluyan ko na itong mabuksan, bumungad sa akin ang mga shredded paper na nagsisilbing takip at panlinlang.Isa-isa ko silang inalis, ang bawat piraso ay tila mabibigat na hiningang binibitawan ko habang unti-unting lumilitaw ang nakatuping papel sa ilalim. Agad kong kinuha iyon. May kakaiba na akong naramdaman sa unang haplos pa lang. Parang malamig. Parang may dala itong sumpa.Dahan-dahan ko itong binuklat. Sa loob ay mga salitang ginupit-gupit mula sa iba’t ibang pahina ng magazine at dyaryo. Makalat, pero malinaw ang mensahe.“Habang ako ay naghihirap, namumuhay kang parang prinsesa! Kukunin ko ang lahat sa’yo! Panahon na para ako naman ang mapunta d’yan sa kinalalagyan mo!”Napalunok ako. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Napatitig ako sa papel, hab
MargauxIlang araw na akong balisa at parang laging may bumabagabag sa aking isipan. Hindi ko maikakaila, may halo itong kaba at pananabik dahil sa nalalapit na pagdating ng mga magulang ni Draco. Ayon sa kanya, 70th birthday na raw ng kanyang ina, kaya naman inaasahang engrande ang magiging selebrasyon.Hindi lang iyon ang bumabagabag sa akin. Ang sabi pa ni Draco, nabanggit daw ng Mommy niya na baka ito na ang hudyat para sa tuluyan niyang pagbabalik sa Pilipinas, para makasama ang mga anak, apo, at… ako.Ako.Ang babaeng ngayon pa lang niya makikilala. Ang asawa ng kanyang anak.Napabuntong-hininga ako habang pinipilit na ituon ang isip sa kasalukuyan. Ngunit kahit anong pilit, tila binabalik-balikan ako ng mga imaheng hindi ko pa man nakikita. Paano kung hindi niya ako magustuhan? Nag-o-overthink ako dahil baka mamaya ay malaman nga nito na naging girlfriend ako ng apo niya. Susme!! Ano ang gagawin ko kapag nagkataon?“Ma’am Margaux?” tawag ni Rey, dahilan upang maputol ang aking