Ano kaya ang laman? Hmm...
MargauxDahan-dahan kong tinanggal ang takip ng kahon, ang mga daliri ko’y bahagyang nanginginig habang ginagawa ito. May kung anong kaba na sumisiksik sa dibdib ko na parang may masamang balitang nakaabang sa loob nito. Nang tuluyan ko na itong mabuksan, bumungad sa akin ang mga shredded paper na nagsisilbing takip at panlinlang.Isa-isa ko silang inalis, ang bawat piraso ay tila mabibigat na hiningang binibitawan ko habang unti-unting lumilitaw ang nakatuping papel sa ilalim. Agad kong kinuha iyon. May kakaiba na akong naramdaman sa unang haplos pa lang. Parang malamig. Parang may dala itong sumpa.Dahan-dahan ko itong binuklat. Sa loob ay mga salitang ginupit-gupit mula sa iba’t ibang pahina ng magazine at dyaryo. Makalat, pero malinaw ang mensahe.“Habang ako ay naghihirap, namumuhay kang parang prinsesa! Kukunin ko ang lahat sa’yo! Panahon na para ako naman ang mapunta d’yan sa kinalalagyan mo!”Napalunok ako. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Napatitig ako sa papel, hab
Draco“Mommy, pauwi ka na rin lang dito... doon mo na lang kilalanin ng husto ang asawa ko," sabi ko sa aking ina na hindi mapakali sa Germany.“Draco ha, naiintriga na talaga ako. Gusto ko nang malaman kung sino ang asawa mo, bakit ba hindi mo pa sabihin? Tsaka bakit kailangan pa nating ilihim ito?”Napahawak ako sa sentido ko habang nakatitig sa malayo. “Ipapaliwanag ko kapag nakarating na kayo rito ni Dad. Seryosong bagay ito kaya kahit sila Kuya ay hindi pa alam ang tungkol dito.”“How about her parents? Alam ba ng mga magulang niya na ikaw ang asawa niya?” tanong ni Mommy, hindi pa rin sumusuko. Napabuntong-hininga ako, mahaba at mabigat.Sa totoo lang, natuwa ako nang bigla niya akong tawagan habang nasa airport ako nung dapat ay pabalik ako ng Germany. Ang saya ko nang sabihin niyang huwag na raw akong bumalik dahil sa Pilipinas na niya gustong ganapin ang kanyang birthday. She’s turning 70, at gusto niyang makasama ang kanyang pamilya, lalo na ang mga kuya ko at mga apo. That a
Draco“Hey, I need to talk to you, ASAP.”Napakunot noo ako sa biglaan at tensyonadong boses ni Sugar. Bihira siyang magsalita ng gano'n, kaya agad akong kinabahan.“May nangyari ba?” tanong ko agad. “Nasaan ka?”“On my way home. Something happened…” May kung anong panginginig sa boses niya. Hindi ko alam kung bakit pero tila ba may malamig na hangin na dumaan sa likod ko. Mabilis akong sinaniban ng kaba at takot, yung klase ng kaba na kumakapit hanggang buto.Kasama naman niya si Gustavo, ang dati ay nagbabantay lamang sa kanya sa malayo. Ginawa ko ng driver niya at bodyguard. Pero nalaman ko na hinahayaan ni Sugar na magpahinga ito sa loob lang din naman ng company building niya. Bagay na ayaw ko sana dahil ang gusto ko ay malapit lang sa kanya ang lalaki.Tinanggihan ni Sugar dahil baka daw matakot ang mga empleyado niya sa pag-aakalang may kung anong masamang mangyayari. Hinayaan ko na dahil wala naman talaga akong panalo sa kanya.Pero depende sa pangyayari lalo at hindi ko nagust
DracoPaano ko ba sisimulan? Paano ko sasabihin sa aking Sugar ang naging pag-uusap namin ni Mommy? Kailangan ko bang ipaalam sa kanya ang mga hinala’t agam-agam ng aking ina? O dapat bang itikom na lamang ang bibig ko upang hindi na siya mag-isip pa ng kung ano-ano at makadagdag sa takot na kinakaharap niya ngayon?Pinilig ko ang aking ulo, pilit tinataboy ang mga pangungusap ni Mommy na paulit-ulit na tumatakbo sa aking isip. Napabuntong hininga ako at hinagod ko ang buhok ng natutulog kong asawa. Ang payapa niyang mukha, ang mahinang paghinga, ang marahang paggalaw ng kanyang dibdib, lahat ng ito ay nagbibigay sa akin ng panandaliang katahimikan sa gitna ng magulong iniisip.Ayoko ng gulo. Ayoko ng sakit. Lalo na’t siya ang maaaring masaktan. Sigurado ako na magugustuhan siya ng aking ina once na nakapag-usap na sila. Napakadaling mahalin ng Sugar ko, kakaiba siyang babae at higit sa lahat, alam kong tapat siyang magmahal.Nasaksihan ko ang relasyon nila ni Samuel at nakita ko kung
Draco“Draco, anak…” Nakangiting bati ng aking ina ng makalapit ako sa kanila ni Dad sa sala. Kakarating lang nila ni Dad mula sa Germany, at dito na sila sa condo ko dumiretso.Pero bago pa man ito mangyari, ipinaalam ko na sa aking Sugar ang tungkol dito. Gusto na nga rin niyang makilala ang mga ito at nag-aalala na baka iba ang maging dating kung hindi niya sasalubungin ang mga magulang ko. Ngunit nakiusap ako sa kanya na hayaan akong makausap muna ang dalawa ng sarilinan.“Kamusta ang biyahe, Mom, Dad?” tanong ko sabay halik sa pisngi ni Mommy. Kay Dad naman ay isang tapik sa balikat ang ibinigay ko at hinawakan naman niya ang kamay ko. Ganito na talaga ang nakasanayan naming batian. Bagama’t minsan ay nagyayakapan din naman kami, mas madalas ganito, simple pero totoo.“Balik na ako sa office, Draco,” sabi ni Kevin habang tinnuro ng hinlalaki ang direksyon ng pintuan. Tumango ako bilang tugon, saka siya tahimik na tumalikod at naglakad na palabas. Siya ang pinasundo ko sa airport p
DracoBusy na kaming magkakapatid lalo na ang mga kuya ko sa paghahanda para sa kaarawan ng aming ina. Si Kuya Dennis, na kahit pa madalas seryoso at tahimik, ay hindi mapakali para bang siya ang may kaarawan. Hindi ko maiwasang ngumiti. Sa edad niyang iyon, mama’s boy pa rin talaga.Mahal na mahal namin si Mommy. Lahat kami. At ramdam naming ganon din siya sa amin. Hindi ko kailanman naramdaman na may paborito siya. Kahit ako ang bunso, pantay-pantay ang trato niya sa aming magkakapatid—at ‘yon ang pinakamasarap sa lahat.Ang pagmamahal din ng mga kuya ko sa aking ina ang siyang nagiging dahilan upang pakisamahan ko sila. Kahit na nga mas madalas na parang ako pa ang nakatatanda kung umasta. Nasanay na kasi ako sa aking ama na binigyan ako ng authority sa maraming bagay kaya lumaki akong dominante at aaminin ko, medyo mataas ang tingin sa sarili.Napagdesisyunan naming sa isang hotel ganapin ang birthday celebration ni Mommy. Gusto ko sanang magkaroon muna ng tahimik na oras kasama si
MargauxBirthday ng aking biyenang babae. Syempre pa, invited ako pati ang aking mga magulang. Excited ako pero hindi ko maikakaila ang kaba para sa unang pagkakataon naming pagkikita-kita. I'm sure, maiintindihan ng kahit sinong nasa kalagayan ko ang anumang nararamdaman ko ngayon.Sabi ni Draco ay agahan namin ang punta dahil gusto raw kami makausap ng kanyang mga magulang bago pa man magsimula ang party. Ang bigat ng ibig sabihin noon, gusto talaga nila akong makilala. Gusto rin nilang makilala ang mga magulang ko bilang mga balae nila.Kinikilig ako. Parents-in-law. Ang sarap sa pakiramdam. Kahit hindi pa alam ng mga Kuya ni Draco ang tungkol sa kasal namin, masaya akong alam ito ng kanyang mga magulang. Parang isang lihim na matamis, isang sikreto na unti-unting lumalantad sa liwanag.Hindi ko tuloy maisipang mainis sa kung sinumang nagtatangka sa buhay ko ng dahil sa pagmamahal ko kay Draco. Bakit ba kasi may mga taong hindi na lang maging masaya sa kaligayahan ng kanilang minama
Margaux“Is it true?” tanong ng biyenan kong babae habang nakaupo na kami sa sofa.Ramdam ko agad ang pagbigat ng paligid. Parang may nagbuhos ng malamig na tubig sa likod ko.“Ang alin po?” tanong ko, pilit kong pinanatiling kalmado ang tono ko.“Na dati kayong magkarelasyon ni Sammy? Na habol ka ng habol sa kanya?”Napatigil ako dahil napaka-straightforward ng tanong kaya hindi ko agad alam ang isasagot. Parang biglang nabulol ang utak ko sa dami ng dapat sabihin pero walang salitang lumalabas. Napatingin ako kay Draco, na nakatitig din sa akin, para bang binabasa niya ang bawat pintig ng dibdib ko.Sinabi ba niya sa ginang ang totoo? Buo ba? Hanggang sa pinaka-masakit at pinaka-kahiya-hiyang bahagi?Huminga ako ng malalim at muling hinarap ang aking biyenan.“Yes po,” sagot ko, walang paligoy-ligoy. “Sam was my childhood crush. My puppy love. I was head over heels sa kanya before I met Draco. Para akong tanga noon, umaasa kahit wala naman talagang patutunguhan.”“Alam mo na tiyuhin
MargauxUmalis kami nila Mommy at Daddy sa hotel room ng mga biyenan ko matapos naming makapag-usap nang masinsinan. Sa wakas, na-clarify na ang ilang mga bagay tungkol sa amin ni Draco. Ramdam ko ang pagluwag ng dibdib ng aking biyenan, lalo na nang marinig nila na hindi muna namin ipapaalam sa publiko ang tungkol sa pagpapakasal namin dahil na rin sa kapakanan ko.Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting kirot sa puso. Sa isang perpektong mundo, dapat ay malaya naming maipagsisigawan ang pagmamahalan namin ni Draco... pero hindi ito ang tamang panahon.Sabi ni Draco, may naka-reserve na daw na mesa para sa amin sa harapan, katabi lang ng sa pamilya nila. Agad kong hinanap iyon ng aking mga mata, at nang makita ko ang "Reserved" na card na nakapatong sa mesa, kusa akong napangiti.“Doon tayo, Mom, Dad,” sabi ko habang itinuro ang mesa. Tumango naman ang aking mga magulang at sinundan ako. Ngunit sakto rin ang dating ng isang hindi inaasahan, si Tito Darius, kapatid ni Tito Dennis.“
Draco“Ano, hindi ka mapakali diyan,” puna ni Mommy habang pinagmamasdan ang paglalakad-lakad ko sa loob ng kwarto. Inikutan ko lang siya ng aking mga mata, ngunit hindi ko maitatangging may kaba talaga akong nararamdaman. Si Dad naman ay natatawa lang sa amin mula sa pagkakaupo, parang sanay na sa eksenang ito.“Bagalan mo pa at sinasabi ko sa'yo, Draco, makukuha pa ng iba ang asawa mo,” dagdag pa ni Mommy, halatang kinakalabit ang inip kong damdamin.“Mommy naman eh!” bulalas ko habang napapakamot ng ulo.Nakaalis na sina Margaux kasama ang aking mga biyenan. Mabilis silang nagkaibigan ng mga magulang ko na parang matagal nang magkakakilala. Hindi na rin ako nagtaka. Mabubuti talaga ang mga magulang ng aking asawa. May pusong maunawain at may mabuting intensyon para sa anak nila.Si Mommy, humanga sa pagiging understanding ng mga biyenan ko. Kahit pa maselan ang sitwasyon namin ni Margaux ngayon, hindi sila naging mapanghusga. Naunawaan nila ang lahat sa halip na kwestyunin. Naiinti