Dahil sa sinabi niya, ang simpleng date na kabayaran sa pagtulong ay nagkaroon ng espesyal na halaga kahit na wala dapat.Tinignan siya ng malamig ni Caroline, pero bago siya makapagsalita, nauna na si Neil. Kalmado ang boses niya. Nawala ang pagkabalisa ni Caroline.“Evan, matagal na rin ng huli tayong magkita.”Mabilis ang pakikielam ni Neil. Wala na siyang koneksyon kay Evan, at hindi na niya kailangan mag-alala sa hindi pagkakaintindihan.Malamig ang itsura ni Evan noong nagsalita siya, “Mukhang nagsasaya ka.”Tumawa si Neil at sinabi, “Oo, nakakatuwa kasi.”Tinignan ni Daniella si Evan at sinabi, “Evan sa tingin mo ba bagay ang lalake na ito at si Caroline?”Walang emosyon sa mga mata ni Evan noong sumagot siya, “Hmm.”Tinignan ni Neil si Daniella, pagkatapos, umiwas siya ng tingin at sinabi kay Caroline, “Tara na ba? Ihahatid kita pauwi.”Balak tumanggi ni Caroline pero idinagdag pa niya, “Hindi ligtas dito kapag gabi.”Habang iniisip ang kapakanan ng anak niya, nag-aalinlangan s
Nagpaikot-ikot si Caroline sa kama bago nahanap ang phone niya sa lamesa.Matapos makakita ng hindi pamilyar na numero sa screen, napasimangot si Caroline at kumunot ang noo.Sinong tumatawag sa kanya ng pagkaaga-aga?Napaisip si Caroline kung sino ito, inalis niya ang kumot at tahimik na lumabas ng kuwarto para sagutin ang tawag. Habang kinakabahan ang boses, hinintay niya ang pagpapakilala ng tumatawag.“Hello? Si Caroline ba ito? Ito ang Angelbay Prison,” sagot ng kabilang linya.“Kulungan?”Bumilis ang tibok ng puso ni Caroline. “Anong nangyayari?”“Ikinalulungkot ko ipaalam sa iyo na namatay ang ama mo sa kulungan kaninang 3:52 AM. Pakikuha ang bangkat niya bukas,” malungkot na ipinaalam ng boses.Nagblangko ang isip ni Caroline, hindi siya makapaniwala.“Patay na… si Bradley?” hindi makapaniwalang bulong niya.Dahan-dahang ibinaba ni Caroline ang phone, gulat na gulat siya.Kahit na galit siya kay Bradley, hindi niya maitanggi ang paghihirap na pinagdaanan niya para palakihin siy
Natanga si Caroline noong mapansin na nasa kuwarto siya ni Evan. Hinimas niya ang ulo niya, hindi maalala kung paano siya dinala ni Evan dito.Nakarinig siya ng mga yabag, at tumingala siya para makita ang malungkot pero guwapong mukha ni Evan. Lumapit siya sa kama at tinitigan siya, malamig ang tono niya, “Gising ka na?”Nakasimangot si Caroline. “Anong klaseng tanong iyan?” sa isip-isip niya.Napansin ni Evan ang sarcasm sa mga mata niya, at nawalan ng emosyon ang mukha niya. “Ingrata pa din tulad ng dati! Inuwi kita pero hindi mo ako pinasalamatan.”“Salamat,” sagot ni Caroline, tumingin siya sa ibaba. Kalmado ang tono niya, walang bakas ng pasasalamat.Nagalit siya lalo, at lumunok siya habang nag-iisip, “Alam na alam talaga niya kung paano ako galitin.”Sa oras na iyon, nagtanong siya, “Bakit hindi ka kumakain ng tama? Hindi mo ba alam na hindi ito maganda para sa kalusugan mo?”Itinikom ni Caroline ang bibig niya, hindi niya sinagot si Evan. Kahit na nahihilo siya, inalis niya a
Pumara ng taxi si Caroline at hinanap ang address ng Cloude Orphanage sa mapa. Matatagpuan ito sa kanlurang bahagi ng lungsod, dalawang oras na biyahe mula sa tinutuluyan niya.Sa oras na mahanap niya ang address, bumalik siya sa pakikipag-usap kay Mason at nagtransfer ng pera sa kanya.Walang duda niyang pinatunayan ang sarili niya.Tinext siya ni Caroline. [Mr. Hall, gusto ko malaman kung paano mo nadiskubre ang impormasyon na iyon.]Matapos ang isang minuto, tinawagan siya ni Mason.“Ginamit ko ang pagkakakilanlan ni Katie kaysa ang sa iyo para maghanap,” ipinaliwanag ni Mason. “May nakaraan siya tungkol sa pag-ampon ng bata. Pero, ang nahanap ko lang na impormasyon ay tungkol sa bahay ampunan, wala ang dati mong pangalan. Kung okay lang sa iyo, maaari mo ba ibigay sa akin ang dati mong panagalan? Baka makatulong ito sa paghahanap ko ng mahalagang impormasyon.”“Ang dati kong pangalan?”Nabigla si Caroline. Sinabi noon ng nanay niya nawalan siya ng alaala noong bata pa siya dahil sa
Tinignan ni Evan si Draco, pero nanatili siyang tahimik.Alam na alam ni Draco na mainitin ang ulo ni Evan, kaya kinontrol niya ang galit niya,“Evan, sabihin mo sa akin kung anong klaseng babae ang kumumbinsi sa iyo na maengage ka sa loob ng maikling panahon?” tanong ni Draco.Malamig siyang tinignan ni Evan. “Nakalimutan mo na ba kung anong nangyari sa akin noong walong taong gulang pa lang ako?”Nanigas ang ekspresyon nina Adam at Draco.Nagtanong si Draco, “Nahanap mo na ba ang babaeng nagligtas sa iyo noon?”Seryosong sumagot si Evan, “Oo.”Walang masabi si Draco. Alam ng lahat na matagal ng hinahanap ni Evan ang babaeng iyon. Nagpapasalamat siya na iniligtas ng babaeng iyon si Evan, pero naniniwala siya na dapat ang magiging manugang niya ay dapat kapareho ng estado ng pamilya nila.Sinabi ni Draco, “Sapagkat nakita mo na siya, puwede mo naman siyang bigyan ng bahay at pera. Hindi mo kailangan na pakasalan siya.”Ngumisi si Evan. “Sa tingin mo ba makakaupo ako ng ganito dito kung
Noong natanggap ni Evan ang tawag ni Caroline, kakarating lang niya sa bahay ampunan.Sumimangot siya at tinignan ang pangalan sa screen ng phone at napaisip, “Bakit niya ako tinatawagan ng ganitong oras?”Sinagot niya ang tawag at bago siya makapagsalita, narinig niya ang pag-ubo ni Caroline.“Evan, iligtas mo ako!” nababalisa niyang sigaw, desperado ang boses niya.Agad na nagdilim ang guwapong mukha niya, naging malamig siya. “Nasaan ka?”“Nasa Cloude Orphanage ako, sa gusali sa likod,” nagawang sabihin ni Caroline habang inuubo siya.“May… Cough!Cough! May sumunog ng sadya dito at ikinulong ako sa loob. Cough! Cough… Evan! Iligtas mo ako! Cough! Hindi ako makalabas!”Noong marinig ni Evan ang sinabi niya, napatingin si Evan sa bahay ampunan, kinabahan siya. Hindi siya nag-aksaya ng oras para buksan ang pinto at lumabas. “Caroline, takpan mo ang bibig mo at humanap ka ng air vent. Tumayo ka sa tabi nito. Parating na ako.”Napansin ni Reuben na may problema at mabilis siyang lumabas
Hindi pinilit ni Evan si Caroline kung ayaw niya sabihin ang totoo.Sa oras na dumating ang mga bumbero at pulis sa eksena, sinamahan niya si Caroline sa ospital matapos magbigay ng testimonya.Inexamine ng doctor ang lungs niya, at matapos masiguro na okay lang ang mga ito, umalis na sila.Noong pauwi na sila, inantok si Caroline at aksidenteng nauntong ng ilang beses sa pinto.Nakita ito ni Evan at iniabot ang kamay niya para suportahan siya sa pagsandal sa balikat niya.Si Reuben, na nagmamaneho ay nakita ang eksena at pinigilan na matawa.“Ang tigas ng ulo ni Mr. Jordan, pero may pakielam talaga siya kay Ms. Shenton,” sinabi ni Reuben sa sarili niya.Matapos ang dalawang oras, nakabalik sila sa Villa Rosa.Noong una, balak ni Evan na buhatin palabas ng sasakyan si Caroline, pero sa oras na hinawakan niya ang mga binti niya, nagising siya bigla at napaatras sa takot. Noong napagtanto niya na si Evan ito, umiwas siya ng tingin at nag-aalinlangan na nagtanong, “Nasa Redwood Neighborho
Nabigla si Caroline, napaisip siya. “Inutos ni Robin na sagasaan ako? At paano naman ang mga poster sa ospital?”Sumagot ang kalbo, “Kami ang nagdikit noon para siraan ka.”Hindi na kinaya ni Caroline na manatiling nakaupo. Tumayo siya agad at kinumpronta sila. “Si Daniella. Kilala niyo ba siya?”Humarap si Evan kay Caroline, na hindi na nagpigil. Kita sa mga mata niya ang halo-halong mga emosyon.Pero, umiling-iling ang lalake. “Tulad ng sinabi ko noon, limitado ang alam namin. Hindi ko masiguro kung kilala siya ni Robin o hindi. Malalaman ninyo lang ang totoo kapag nahuli na si Robin.”Namula sa galit si Caroline. Alam niya sa loob-loob niya na si Daniella ang salarin sa lahat ng ito, pero magaling si Daniella sa pagtago sa sarili. Kahit na nakita na ni Caroline ang mga taong umatake sa kanya, wala pa rin siyang laban kay Daniella.Wala siyang magawa kung hindi magdusa ng tahimik kahit na alam na niya ang katotohanan. Ang paraan lang niya para makapagpatuloy ay magkunwaring mangmang