Natanga si Caroline noong mapansin na nasa kuwarto siya ni Evan. Hinimas niya ang ulo niya, hindi maalala kung paano siya dinala ni Evan dito.Nakarinig siya ng mga yabag, at tumingala siya para makita ang malungkot pero guwapong mukha ni Evan. Lumapit siya sa kama at tinitigan siya, malamig ang tono niya, “Gising ka na?”Nakasimangot si Caroline. “Anong klaseng tanong iyan?” sa isip-isip niya.Napansin ni Evan ang sarcasm sa mga mata niya, at nawalan ng emosyon ang mukha niya. “Ingrata pa din tulad ng dati! Inuwi kita pero hindi mo ako pinasalamatan.”“Salamat,” sagot ni Caroline, tumingin siya sa ibaba. Kalmado ang tono niya, walang bakas ng pasasalamat.Nagalit siya lalo, at lumunok siya habang nag-iisip, “Alam na alam talaga niya kung paano ako galitin.”Sa oras na iyon, nagtanong siya, “Bakit hindi ka kumakain ng tama? Hindi mo ba alam na hindi ito maganda para sa kalusugan mo?”Itinikom ni Caroline ang bibig niya, hindi niya sinagot si Evan. Kahit na nahihilo siya, inalis niya a
Pumara ng taxi si Caroline at hinanap ang address ng Cloude Orphanage sa mapa. Matatagpuan ito sa kanlurang bahagi ng lungsod, dalawang oras na biyahe mula sa tinutuluyan niya.Sa oras na mahanap niya ang address, bumalik siya sa pakikipag-usap kay Mason at nagtransfer ng pera sa kanya.Walang duda niyang pinatunayan ang sarili niya.Tinext siya ni Caroline. [Mr. Hall, gusto ko malaman kung paano mo nadiskubre ang impormasyon na iyon.]Matapos ang isang minuto, tinawagan siya ni Mason.“Ginamit ko ang pagkakakilanlan ni Katie kaysa ang sa iyo para maghanap,” ipinaliwanag ni Mason. “May nakaraan siya tungkol sa pag-ampon ng bata. Pero, ang nahanap ko lang na impormasyon ay tungkol sa bahay ampunan, wala ang dati mong pangalan. Kung okay lang sa iyo, maaari mo ba ibigay sa akin ang dati mong panagalan? Baka makatulong ito sa paghahanap ko ng mahalagang impormasyon.”“Ang dati kong pangalan?”Nabigla si Caroline. Sinabi noon ng nanay niya nawalan siya ng alaala noong bata pa siya dahil sa
Tinignan ni Evan si Draco, pero nanatili siyang tahimik.Alam na alam ni Draco na mainitin ang ulo ni Evan, kaya kinontrol niya ang galit niya,“Evan, sabihin mo sa akin kung anong klaseng babae ang kumumbinsi sa iyo na maengage ka sa loob ng maikling panahon?” tanong ni Draco.Malamig siyang tinignan ni Evan. “Nakalimutan mo na ba kung anong nangyari sa akin noong walong taong gulang pa lang ako?”Nanigas ang ekspresyon nina Adam at Draco.Nagtanong si Draco, “Nahanap mo na ba ang babaeng nagligtas sa iyo noon?”Seryosong sumagot si Evan, “Oo.”Walang masabi si Draco. Alam ng lahat na matagal ng hinahanap ni Evan ang babaeng iyon. Nagpapasalamat siya na iniligtas ng babaeng iyon si Evan, pero naniniwala siya na dapat ang magiging manugang niya ay dapat kapareho ng estado ng pamilya nila.Sinabi ni Draco, “Sapagkat nakita mo na siya, puwede mo naman siyang bigyan ng bahay at pera. Hindi mo kailangan na pakasalan siya.”Ngumisi si Evan. “Sa tingin mo ba makakaupo ako ng ganito dito kung
Noong natanggap ni Evan ang tawag ni Caroline, kakarating lang niya sa bahay ampunan.Sumimangot siya at tinignan ang pangalan sa screen ng phone at napaisip, “Bakit niya ako tinatawagan ng ganitong oras?”Sinagot niya ang tawag at bago siya makapagsalita, narinig niya ang pag-ubo ni Caroline.“Evan, iligtas mo ako!” nababalisa niyang sigaw, desperado ang boses niya.Agad na nagdilim ang guwapong mukha niya, naging malamig siya. “Nasaan ka?”“Nasa Cloude Orphanage ako, sa gusali sa likod,” nagawang sabihin ni Caroline habang inuubo siya.“May… Cough!Cough! May sumunog ng sadya dito at ikinulong ako sa loob. Cough! Cough… Evan! Iligtas mo ako! Cough! Hindi ako makalabas!”Noong marinig ni Evan ang sinabi niya, napatingin si Evan sa bahay ampunan, kinabahan siya. Hindi siya nag-aksaya ng oras para buksan ang pinto at lumabas. “Caroline, takpan mo ang bibig mo at humanap ka ng air vent. Tumayo ka sa tabi nito. Parating na ako.”Napansin ni Reuben na may problema at mabilis siyang lumabas
Hindi pinilit ni Evan si Caroline kung ayaw niya sabihin ang totoo.Sa oras na dumating ang mga bumbero at pulis sa eksena, sinamahan niya si Caroline sa ospital matapos magbigay ng testimonya.Inexamine ng doctor ang lungs niya, at matapos masiguro na okay lang ang mga ito, umalis na sila.Noong pauwi na sila, inantok si Caroline at aksidenteng nauntong ng ilang beses sa pinto.Nakita ito ni Evan at iniabot ang kamay niya para suportahan siya sa pagsandal sa balikat niya.Si Reuben, na nagmamaneho ay nakita ang eksena at pinigilan na matawa.“Ang tigas ng ulo ni Mr. Jordan, pero may pakielam talaga siya kay Ms. Shenton,” sinabi ni Reuben sa sarili niya.Matapos ang dalawang oras, nakabalik sila sa Villa Rosa.Noong una, balak ni Evan na buhatin palabas ng sasakyan si Caroline, pero sa oras na hinawakan niya ang mga binti niya, nagising siya bigla at napaatras sa takot. Noong napagtanto niya na si Evan ito, umiwas siya ng tingin at nag-aalinlangan na nagtanong, “Nasa Redwood Neighborho
Nabigla si Caroline, napaisip siya. “Inutos ni Robin na sagasaan ako? At paano naman ang mga poster sa ospital?”Sumagot ang kalbo, “Kami ang nagdikit noon para siraan ka.”Hindi na kinaya ni Caroline na manatiling nakaupo. Tumayo siya agad at kinumpronta sila. “Si Daniella. Kilala niyo ba siya?”Humarap si Evan kay Caroline, na hindi na nagpigil. Kita sa mga mata niya ang halo-halong mga emosyon.Pero, umiling-iling ang lalake. “Tulad ng sinabi ko noon, limitado ang alam namin. Hindi ko masiguro kung kilala siya ni Robin o hindi. Malalaman ninyo lang ang totoo kapag nahuli na si Robin.”Namula sa galit si Caroline. Alam niya sa loob-loob niya na si Daniella ang salarin sa lahat ng ito, pero magaling si Daniella sa pagtago sa sarili. Kahit na nakita na ni Caroline ang mga taong umatake sa kanya, wala pa rin siyang laban kay Daniella.Wala siyang magawa kung hindi magdusa ng tahimik kahit na alam na niya ang katotohanan. Ang paraan lang niya para makapagpatuloy ay magkunwaring mangmang
Tahimik na nagkatinginan si Caroline at Paige, naintindihan nila ang isa’t isa ng hindi nagsasalita.Wala sa ugali nila ang nakikinig ng walang pahintulot kaya dumiretso sila sa pribadong kuwarto nila. Ngunit, noong naglakad sila ng ilang hakbang, napatigil sila sa sinabi ni Evan.“Buntis ka?” paos ang boses ni Evan at hindi siya makapaniwala.Nakakaawang tumango si Daniella. “Evan, isang buwan na. Hindi kita gustong pilitin sa engagement dahil sa bata. Kung hindi mo ito gusto, puwede ako magpa-abort.”“Hindi!” malamig ang sagot niya.Samantala, si Caroline ay parang binuhusan ng malamig na tubig. Nanatili siyang nakatayo doon, hindi maintindihan ng utak niya ang sitwasyon.Base sa tono ni Evan, mukhang tanggap niya ang anak ni Daniella.“Carol…” nag-aalalang tinignan ni Paige si Caroline.Kumurap si Caroline at inayos ang sarili niya. “Tara na…”Ngunit, kinuha ni Paige ang braso niya at isinama siya sa daan palabas, “Umuwi na tayo.”“Hindi.” Huminga ng malalim si Caroline. “Dumiretso
Agad na tumigil sa pagsasalita si Caroline at humarap sa likod niya.Walang iba ito kung hindi si Dr. Wilson, na may dalang mga bulaklak ng Leucanthemella.“Doctor Wilson?” gulat na tumayo si Caroline. Matagal na noong huli silang magkita ni Scott.Sa ilalim ng mainit na araw, mahinhin ang dating ni Scott. Mukha siyang marangal at mabait.Ngumiti si Scott at sinabi, “Nakita kita paakyat ng hagdan ngayon lang, pero hindi kita gustong istorbohin sapagkat kausap mo si Mrs. Shenton.”Naging awkward siya. Hindi alam ni Caroline kung gaano karami ang narinig niya.Para ibahin ang pinag-uusapan nila, nagsalita si Caroline, “Maraming salamat sa pagbisita sa nanay ko.”Inilagay ni Scott ang mga bulaklak sa lapida at malinaw na nagsalita, “Hindi mo inaalagaan ang sarili mo.”Yumuko si Caroline. “Naging abala ako sa trabaho lately.”Tinignan ni Scott ang tiyan niya. “Isipin mo ang mga anak mo. Napakahalaga ng unang tatlong buwan.”Tumango si Caroline, “Oo, naiintindihan ko.”“Nagpalit ako ng trab