Agad na tumigil sa pagsasalita si Caroline at humarap sa likod niya.Walang iba ito kung hindi si Dr. Wilson, na may dalang mga bulaklak ng Leucanthemella.“Doctor Wilson?” gulat na tumayo si Caroline. Matagal na noong huli silang magkita ni Scott.Sa ilalim ng mainit na araw, mahinhin ang dating ni Scott. Mukha siyang marangal at mabait.Ngumiti si Scott at sinabi, “Nakita kita paakyat ng hagdan ngayon lang, pero hindi kita gustong istorbohin sapagkat kausap mo si Mrs. Shenton.”Naging awkward siya. Hindi alam ni Caroline kung gaano karami ang narinig niya.Para ibahin ang pinag-uusapan nila, nagsalita si Caroline, “Maraming salamat sa pagbisita sa nanay ko.”Inilagay ni Scott ang mga bulaklak sa lapida at malinaw na nagsalita, “Hindi mo inaalagaan ang sarili mo.”Yumuko si Caroline. “Naging abala ako sa trabaho lately.”Tinignan ni Scott ang tiyan niya. “Isipin mo ang mga anak mo. Napakahalaga ng unang tatlong buwan.”Tumango si Caroline, “Oo, naiintindihan ko.”“Nagpalit ako ng trab
Sinundan ni Scott ang tingin ni Caroline at naintindihan agad kung anong nangyari. Mahina siyang nagsalita, “Mauna na ba akong umakyat?”Napaisip si Caroline bago sumagot, “Hindi. Okay lang. Babatiin ko lang siya sandali.”Hindi siya interesado sa drama.Hindi niya maintindihan kung bakit siya nandito ngayon. Gayunpaman, mukhang tama lang na batiin siya sapagkat iniligtas siya kailan lang ni Evan.Tumango si Scott at matiyagang naghintay habang palapit si Caroline sa Maybach.Noong lumapit si Caroline sa sasakyan, ibinaba ni Evan ang bintana, kita ang guwapo niyang mukha.Habang malamig ang tono niya, bumati si Caroline, “Happy New Year, Evan.”Pormal niyang binati si Evan para magkaroon ng distansiya sa pagitan nila.Tumingin siya ng malamig sa kanya at sinabi, “Sumakay ka.”Hindi siya pumayag at sinabi, “Hinihintay ako ng kaibigan ko. Aalis na ako pagkatapos nito.”“Huwag mo hayaan na ulitin ko ang sinabi ko!” sagot ni Evan, hindi siya binigyan ng pagkakataon na tumanggi.Natawa si C
Sumigaw si Daniella, puno ng galit ang boses niya. “Sa tingin mo ba paniniwalaan ka ni Evan?”“Oo, baka hindi niya ako paniwalaan, pero…”Hindi mapigilan ni Caroline na tignan ang lumalaking tiyan ni Daniella noong nagsalita siya. “Kung sasabihin ko sa kanya ang tungkol sa pakikiapid mo, sa tingin mo maghihinala siyang hindi kanya ang bata?”“Kalokohan!”“Oh, mukhang nakakalimot ka na. Nakalimutan mo na ba si Nic, na ikinama mo?” panunukso ni Caroline.Namutla si Daniella. “Puro ka kalokohan, Caroline!”Lumaki ang ngiti ni Caroline. “Bakit ka kinakabahan? Guilty ka ba?”Sa sobrang galit, hinampas ni Daniella ang lamesa at dinuro si Caroline. “Sa tingin mo ba paniniwalaan ka ni Evan base lang doon? Naniniwala ka ba talaga na masisira mo ang relasyon namin ng ganoon kadali? Bulag ka ba at hindi mo nakikita kung paano niya ako tratuhin kumpara sa iyo?”Galit na lumabas ng pinto si Daniella dahil sa takot na baka mawalan ng kontrol si Caroline at sampalin siya muli. Bago isarado ng malakas
Hindi siya tinigilan ni Evan noong gabi, halos baliw na siya sa ginawa niya.Sa oras na napagod siya, malamig niyang tinignan si Caroline. Nanginginig siya at nakabaluktot sa kama. Hindi siya nagsalita at mabilis na nagbihis para umalis.Basang basa ang unan niya sa pag-iyak. Gaano katagal pa ba siyang magtitiis bago siya makawala sa pagdurusa?*Isang buwang wala si Evan sa buhay ni Caroline. Samantala, si Caroline ay napili para sa ikalawang round ng fashion design competition. Bukod pa doon, may balita si Paige.Engaged na si Evan at Daniella. Nasaktan ng husto si Caroline.Ngunit, sinubukan niyang hindi ito isipin. Nagpakababad siya sa trabaho, habang hinihintay ang mga update ni Mason. Sa mga oras na ito, nagsalitan si Paige at Scott sa pagpapakain sa kanya.Kahit na mag-effort siya, nanatiling mahina at payat si Caroline, kahit gaano karami ang kainin niya. Walang bakas na nagdadala siya ng triplets ng mahigit sa tatlong buwan.Noong pumunta siya sa ospital para sa checkup, ipina
“Nandito si Evan!” sa isip-isip niya.Nanigas si Caroline ng makita si Evan na palapit kasama si Daniella. Inaasahan na niya ang presensiya nila pero hindi ganitong kaaga.Manipis ang make-up ni Daniella at nakasuot siya ng gown at mistulang perpektong couple ang dating nila. Samantala, si Evan naman ay malamig pero guwapo ang mukha.Mukhang napansin ni Neil na hindi mapakali si Caroline at siniguro siya. “Huwag ka mag-alala. Madalas umaalis siya agad matapos magbigay ng regalo.” Nakahinga si Caroline ng maluwag matapos marinig ang mga salitang iyon.Noong pumasok si Evan sa kuwarto, napatingin siya kay Caroline na katabi si Neil sa upuan. Sumingkit ang malamig niyang mga mata. Napansin ito ni Daniella at nagselos siya. Inabutan niya ng maiinom si Evan mula sa lamesa para madistract siya. “Juice, Evan?”Ngunit, hindi siya binigyan pansin ni Evan, at hindi rin siya tinignan.Galit na nagtiim bagang si Daniella. Bakit ayaw siyang tantanan ni Caroline? Ipinagyayabang niya ba ngayon kung g
Matapos ihandog ng mga bisita ang kani-kanilang mga regalo, may inutusan si Grayson Xander na sunduin si Neil at dalhin sa study room.Hindi niya gustong iwan si Caroline at pinilit ni Neil na sumama siya. Noong pumasok sila sa study, hindi maganda ang reaksyon ng matanda, malinaw ang halo-halong emosyon.“Bakit mo isinama ang kabit dito?” hindi natutuwa ang tono niya.Sumimangot si Neil. “Tignan mo ng mabuti si Caroline, Lolo. Hindi ba’t kamukha niya si nanay?”Natawa si Grayson. “Maraming tao ang kamukha ng iba. At kung ipipilit mo, ang fiancé ni Evan ay kapareho ng mga mata ng nanay mo. Bukod pa doon, may nunal din siya sa tenga.”“Pero may ganoong nunal din si Caroline! Lolo, huwag ka magpabulag dahil sa estado niya!” naging masama ang tono ni Neil at mapilit, nagulat si Caroline noong narinig niya si Neil. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ito.Galit na sinuntok ng matanda ang lamesa. “Walang miyembro ng pamilya Xander ang magiging kabit! Kahihiyan ito!”Nanigas ang guwapon
“Dumating sila sa Redwood Neighborhood, kinuha ni Neil ang pagkakataon na sabihin ang point of view niya kay Caroline bago siya bumaba ng sasakyan. “Caroline, maninindigan ako sa sinabi ko.”Nabigla ng kaunti si Caroline, pero ngumiti siya at sinabi, “Sige. Huwag mo lang kalimutan ang pangako mo sa akin.”Sa oras na bumaba siya ng sasakyan, tumungo si Caroline sa neighborhood. Noong bumaba siya sa hagdan malapit sa bahay niya, nakita niya si Evan na nakatayo sa tabi ng building.Naguluhan siya. “Hindi ba’t sinabi ng Lolo ni Neil na manatili siya para makapagusap sila? Bakit siya nandito?” sa isip-isip niya.Umiwas ng tingin si Caroline, at inisip na umatras. Ngunit, hindi siya makatakas sa malalim at malamig niyang boses.“Caroline!” huminga ng malalim si Caroline. “Bahala na. May solusyon naman lagi sa problema.” Sinabi niya sa sarili niya.Naglakas loob siyang lumapit kay Evan. Tumingin siya at nagtanong habang malayo ang tono sa kanya, “Evan, napakaabala mong tao, pero naparito ka p
Matapos marinig ang sigaw, mabilis na bumaba si Lily. Walang alinlangan siyang lumapit at sinabi, “Ms. Love.”Ngunit masama ang titig ni Lily kay Daniella. “Kailangan mo baguhin ang pagtawag mo sa akin.”Natakot si Lily at nautal siya, “Ma-Madam.”Umiwas ng tingin si Daniella at nagsalita, “Nasaan ang hapunan ko?”“Lulutuin ko na po ito agad,” sagot ni Lily, nagmamadali ang boses niya.“Umayos ka! Kailangan ko ng masustansiyang pagkain, lalo na at buntis ako,” sambit ni Daniella.Habang galit pa din, naupo sa sofa si Daniella at galit na nagtanong, “Nasaan si Evan?”“Hindi pa po siya umuuwi,” sagot ni Lily.Clatter!Itinaas ni Daniella ang kamay niya at hinampas paalis ang mga prutas sa lamesa. “Tawagan mo siya at ipaalam na hindi maganda ang pakiramdam ko. Pauwiin mo na siya ngayon din.”Nanginig si Lily at kinuha ang phone niya, “Sige po…”*Nasa gitna si Evan ng pagaayos ng pagkain na ipapadala kay Caroline noong nakita niya si Scott sa sulok ng mga mata niya. May dala si Scott na b