Hindi siya tinigilan ni Evan noong gabi, halos baliw na siya sa ginawa niya.Sa oras na napagod siya, malamig niyang tinignan si Caroline. Nanginginig siya at nakabaluktot sa kama. Hindi siya nagsalita at mabilis na nagbihis para umalis.Basang basa ang unan niya sa pag-iyak. Gaano katagal pa ba siyang magtitiis bago siya makawala sa pagdurusa?*Isang buwang wala si Evan sa buhay ni Caroline. Samantala, si Caroline ay napili para sa ikalawang round ng fashion design competition. Bukod pa doon, may balita si Paige.Engaged na si Evan at Daniella. Nasaktan ng husto si Caroline.Ngunit, sinubukan niyang hindi ito isipin. Nagpakababad siya sa trabaho, habang hinihintay ang mga update ni Mason. Sa mga oras na ito, nagsalitan si Paige at Scott sa pagpapakain sa kanya.Kahit na mag-effort siya, nanatiling mahina at payat si Caroline, kahit gaano karami ang kainin niya. Walang bakas na nagdadala siya ng triplets ng mahigit sa tatlong buwan.Noong pumunta siya sa ospital para sa checkup, ipina
“Nandito si Evan!” sa isip-isip niya.Nanigas si Caroline ng makita si Evan na palapit kasama si Daniella. Inaasahan na niya ang presensiya nila pero hindi ganitong kaaga.Manipis ang make-up ni Daniella at nakasuot siya ng gown at mistulang perpektong couple ang dating nila. Samantala, si Evan naman ay malamig pero guwapo ang mukha.Mukhang napansin ni Neil na hindi mapakali si Caroline at siniguro siya. “Huwag ka mag-alala. Madalas umaalis siya agad matapos magbigay ng regalo.” Nakahinga si Caroline ng maluwag matapos marinig ang mga salitang iyon.Noong pumasok si Evan sa kuwarto, napatingin siya kay Caroline na katabi si Neil sa upuan. Sumingkit ang malamig niyang mga mata. Napansin ito ni Daniella at nagselos siya. Inabutan niya ng maiinom si Evan mula sa lamesa para madistract siya. “Juice, Evan?”Ngunit, hindi siya binigyan pansin ni Evan, at hindi rin siya tinignan.Galit na nagtiim bagang si Daniella. Bakit ayaw siyang tantanan ni Caroline? Ipinagyayabang niya ba ngayon kung g
Matapos ihandog ng mga bisita ang kani-kanilang mga regalo, may inutusan si Grayson Xander na sunduin si Neil at dalhin sa study room.Hindi niya gustong iwan si Caroline at pinilit ni Neil na sumama siya. Noong pumasok sila sa study, hindi maganda ang reaksyon ng matanda, malinaw ang halo-halong emosyon.“Bakit mo isinama ang kabit dito?” hindi natutuwa ang tono niya.Sumimangot si Neil. “Tignan mo ng mabuti si Caroline, Lolo. Hindi ba’t kamukha niya si nanay?”Natawa si Grayson. “Maraming tao ang kamukha ng iba. At kung ipipilit mo, ang fiancé ni Evan ay kapareho ng mga mata ng nanay mo. Bukod pa doon, may nunal din siya sa tenga.”“Pero may ganoong nunal din si Caroline! Lolo, huwag ka magpabulag dahil sa estado niya!” naging masama ang tono ni Neil at mapilit, nagulat si Caroline noong narinig niya si Neil. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ito.Galit na sinuntok ng matanda ang lamesa. “Walang miyembro ng pamilya Xander ang magiging kabit! Kahihiyan ito!”Nanigas ang guwapon
“Dumating sila sa Redwood Neighborhood, kinuha ni Neil ang pagkakataon na sabihin ang point of view niya kay Caroline bago siya bumaba ng sasakyan. “Caroline, maninindigan ako sa sinabi ko.”Nabigla ng kaunti si Caroline, pero ngumiti siya at sinabi, “Sige. Huwag mo lang kalimutan ang pangako mo sa akin.”Sa oras na bumaba siya ng sasakyan, tumungo si Caroline sa neighborhood. Noong bumaba siya sa hagdan malapit sa bahay niya, nakita niya si Evan na nakatayo sa tabi ng building.Naguluhan siya. “Hindi ba’t sinabi ng Lolo ni Neil na manatili siya para makapagusap sila? Bakit siya nandito?” sa isip-isip niya.Umiwas ng tingin si Caroline, at inisip na umatras. Ngunit, hindi siya makatakas sa malalim at malamig niyang boses.“Caroline!” huminga ng malalim si Caroline. “Bahala na. May solusyon naman lagi sa problema.” Sinabi niya sa sarili niya.Naglakas loob siyang lumapit kay Evan. Tumingin siya at nagtanong habang malayo ang tono sa kanya, “Evan, napakaabala mong tao, pero naparito ka p
Matapos marinig ang sigaw, mabilis na bumaba si Lily. Walang alinlangan siyang lumapit at sinabi, “Ms. Love.”Ngunit masama ang titig ni Lily kay Daniella. “Kailangan mo baguhin ang pagtawag mo sa akin.”Natakot si Lily at nautal siya, “Ma-Madam.”Umiwas ng tingin si Daniella at nagsalita, “Nasaan ang hapunan ko?”“Lulutuin ko na po ito agad,” sagot ni Lily, nagmamadali ang boses niya.“Umayos ka! Kailangan ko ng masustansiyang pagkain, lalo na at buntis ako,” sambit ni Daniella.Habang galit pa din, naupo sa sofa si Daniella at galit na nagtanong, “Nasaan si Evan?”“Hindi pa po siya umuuwi,” sagot ni Lily.Clatter!Itinaas ni Daniella ang kamay niya at hinampas paalis ang mga prutas sa lamesa. “Tawagan mo siya at ipaalam na hindi maganda ang pakiramdam ko. Pauwiin mo na siya ngayon din.”Nanginig si Lily at kinuha ang phone niya, “Sige po…”*Nasa gitna si Evan ng pagaayos ng pagkain na ipapadala kay Caroline noong nakita niya si Scott sa sulok ng mga mata niya. May dala si Scott na b
Tinext ni Daniella si Nic. [Nic, kumusta dyan?]Sumagot agad si Nic. [Namimiss mo na ba ako?]Pinigilan ni Daniella ang pandidiri niya at sumagot. [Oo, namimiss kita.][Hindi pa ako puwede bumalik agad. Sabihin mo sa akin. Anong gusto mo ipagawa?]Nanatiling matiyaga si Daniella at sinabi. [Wala. Magpahinga ka ng mabuti. Hihintayin ko ang pagbabalik mo.][Siguradong masasabik ka kapag nagsex tayo ng iba ang mukha ko.]Kinagat ni Daniella ang labi niya. [Ikaw talaga!]*Sa sumunod na araw, nagising si Caroline at nakita na may email sa kanya.Napaisip siya at nadiskubre na ipinadala ito ng taong nagngangalang G. Ang email ay isang oportunidad para mag-aral pa sa Ylesir matapos makakuha ng posisyon sa design competition. Sa dulo ng email, nandoon ang stamp ng organizer.Nabigla si Caroline. “Mag-aral pa sa Ylesir?”Agad siyang gumawa ng sagot.[Isang karangalan na makilala ka. Maaari mo ba ipaalam sa akin kung anong posisyon ang kailangan ko masiguro para makalahok?]Matapos ang kalahati
Matapos lisanin ang Xander Residence, napaisip si Daniella kung paano makakakuha ng buhok ni Caroline, pero nagulo ang focus niya mula sa text ni Nic.[Wala akong pera. Magtransfer ka ng pera sa account ko.]Hinawakan ng mahigpit ni Daniella ang phone niya, malinaw ang inis sa reply niya.[Kakabigay ko lang sa iyo ng 14,000 dollars noong isang buwan.][Ginamit ko ang lahat ng iyon sa plastic surgery! Kasama mo na si Evan ngayon. Ang lakas ng loob mo na sabihin na wala kang pera!]Namula ang mga mata ni Daniella sa galit.[Hindi ako humingi kay Evan kahit na isang kusing.][Wala akong pakielam. May access ka sa opisina niya, hindi ba? Magnakaw ka ng impormasyon na mahalaga sa opisina niya at ibenta mo ito!][Baliw ka na ba? Kapag nalaman ito ni Evan, katapusan ko na.][Ano ba ang ikinakatakot mo? Maghanap ka ng paraan para pagbintangan si Caroline. Kinamumuhian mo siya, hindi ba? Bigyan mo ako ng 70,000 dollars sa loob ng dalawang linggo. Kung hindi, sasabihin ko ang totoo kay Evan.]Nan
[Ms. Love, ginawa ko ang sinabi mo. Para naman sa pera…][Salamat. Babayaran muna kita ng 1,400 dollars. Pagbalik mo sa trabaho sa Lunes, ituturo ko sa iyo kung paano ito gawin.]Natanggap ng secretary ang pera at tinignan ang maternal and child store habang malungkot. Hindi niya naiintindihan ang intensyon ni Daniella, pero wala siyang magawa sa bagay na ito. Kailangan niyang gawan ng mali si Caroline para sa medical expenses ng lola niya.*Naging abala si Caroline ng dalawang araw. Nagfocus siya sa pagpapaganda ng disenyo niya at pagimprove ng konsepto niya. Naghouse-hunting din siya kasama si Paige.Pinag-usapan nila ng mabuti ang mga detalye, sapagkat kailangan makahanap ni Caroline ng titirahan kapag nakabalik na siya galing sa pag-aaral niya.Kung ikukunsidera na magkakaroon siya ng tatlong anak, balak niyang planuhin ang espasyo. Hindi puwedeng masyadong maliit nag bahay at hindi rin puwede na masyado itong mahal.Nag-alala si Caroline habang nakaupo sa passenger seat at tiniti
Hindi matigil si Liora sa pag-iyak, kaya binuhat siya ni Caroline at tinapik ang likod para pakalmahin siya.Patuloy si Liora na nakabaon ang mukha sa leeg ni Caroline, walang tigil sa pag-iyak. “Mommy, hindi ko gusto makita si Lola umalis. Hmm… ayaw ko…”Nalulungkot si Caroline para kay Liora, kaya mahigpit niyang niyakap ang bata. “Patawad. Hindi ko siya naprotektahan ng maayos. Kasalanan ko…”Mapula at namamaga ang mga mata nina Tyler at Axel. Hindi nila alam kung paano pagagaanin ang loob ni Caroline at Liora.Si Evan nakatayo sa puwesto niya at hindi gumagalaw. Bigla siyang paos na nagsalita at deperado ang kanyang boses. “Bakit?”Tinignan siya at nilapitan ni Caroline habang guilty at sinabi. “Patawad.”Matindi ang aura ni Evan habang palapit siya kay Caroline. “Caroline, sabihin mo sa akin! Bakit mo balak na sirain kami at ng nanay ko?”“Sirain?” sumimangot ng gulat si Caroline. “Anong ibig mo sabihin?”“Nagkukuwnari ka pa din na walang alam?” Ngumisi si Evan at tinitiga
Narinig ni Evan ang malakas na komosyon mula sa amusement park sa oras na bumaba siya ng sasakyan sa tapat ng entrance nito.Bigla, nakaramdam siya ng matinding sakit sa puso niya, kung saan napayuko siya sa sakit habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang dibdib.Lumapit agad si Reuben at mga bodyguard para tulungan siya.“Mr. Jordan, okay ka lang?” sabay na tanong ni Reuben at Julian.Nakaramdam ng matinding panic si Evan, kung saan itinulak niya palayo ang iba. Nahirapan siyang kontrolin ang pagkahilo niya at paninikip ng dibdib habang paputna sa amusement park.Sa loob, nagkakagulo sila habang nagmamadali na lumapit sa Ferris wheel.Hinawakan ni Julian ang isang empleyado at nagtanong tungkol sa aksidente.Sumagot ang nagpapanic na empleyado, “Ang isang pod mula sa Ferris wheel ay nalaglag!”Matapos iyon marinig, tumingala si Reuben at nakita ang bakanteng puwesto kung nasaan ang Ferris wheel, na 200 metro ang taas.Maliit lang ang pag-asa ng tao sa loob…Nagpanic si Eva
Agad na tumayo si Caroline para habulin si Jamie, pero hinarangan siya ng empleyado. “Ma’am, tumigil ka sa kalokohan mo! Napakadelikado dito!”Dahil hindi niya mahabol si Jamie, sumigaw siya, “Jamie, huwag mo buksan ang pinto. Dyan ka lang!”Tumango si Jamie.Nagfocus si Caroline sa pod ni Jamie at naabala ng isa pang empleyado na umalis ng platform.Sinabi ni Axel, para pakalmahin si Caroline. “Mommy, gusto ni Lola ng ice cream. Ikuha natin siya.”Dahil wala siyang magawa, ibinili ni Caroline ang mga bata ng ice cream habang nakatitig sa Ferris Wheel.Lumipas ang ilang minuto at umabot sa rurok ang pagkabalisa ni Caroline habang umaabot sa pinakamataas na punto ang pod. Sumayaw ito sa hangin, kung saan nanghina ang mga tuhod ni Caroline.Hindi malaman ni Caroline kung natatakot ba si Jamie o hindi. Ang ipinagdasal niya ay manatili si Jamie na hindi kumikilos.*Samantala, nakaupo si Jamie sa pod, tinitignan ng mabuti ang magandang view sa Angelbay City. Unti-unti siyang nagin
Malupit na nag-utos si Evan. “Go!”*Nag-eenjoy si Caroline sa pagsama sa mga bata sa amusement park.Pagkatapos, pumila sila para sa Ferris wheel.Noong tumingala si Axel sa mataas na Ferris wheel, na dalawang daang metro ang taas, namutla siya. Natatakot siyang sumakay sa mga rides dahil takot siya sa matataas na lugar. Kahit na ang makita lang ito ay sapat na para mahirapan siyang huminga.Napansin agad ni Tyler na may mali kay Axel at nagtanong, “Axel, hindi ba maganda ang pakiramdam mo?”Sinubukan ni Axel na umiling-iling at magmatapang, “Okay lang—”Bago pa siya natapos magsalita, sumuka siya habang mahigpit ang kapit sa kanyang tiyan.Napalingon agad si Caroline at Jamie sa komosyon.Noong nakita nila si Axel, natakot si Caroline. Nagmadali siya para yumakap.“Axel?” nababalisang tanong ni Caroline. “Anong problema?”Habang nahihilo, mahinang sumagot si Axel, “Mataas…”“Mataas?” tumingala si Liora ay tinignan ang umiikot na Ferris Wheel sa itaas.“Oh! Mommy, takot s
Linggo, nangako si Caroline na isasama si Jamie at ang tatlong mga bata sa amusement park.Umalis siya matapos magreserve ng mga ticket at dumating sa destinasyon ng 10:00 a.m.Kumportable ang panahon, at nag-ooperate ang lahat ng facilities ng park.Nakatitig si Jamie sa pinakamtaas na Ferris wheel sa oras na pumasok siya sa amusement park.Nagtanong si Caroline, “Jamie, interesado ka sumakay sa Ferris wheel?”“Oo. Naaalala ko na sumakay ako dito ng may kasama…” bulong niya ng mahina bago nadistract.Natawa si Liora at sinabi, “Alam ko. Baka ang boyfriend mo!”Nabigla si Caroline, “Lia, ingat ka sa mga salita mo.”Inilabas ni Liora ang dila niya. “Mommy, nakikipagbiruan lang ako kay Lola.”Naguluhan na nagtanong si Jamie, “Boyfriend?”Nagsalita si Caroline at sinabi, “Nagsasabi lang ng kung ano-ano si Lia. Sasakay tayo mamaya sa Ferris wheel kung gusto mo, Jamie.”Ngumiti si Jamie. “Sige, makipaglaro muna tayo kasama ang mga bata.”“Yehey, Lola!”Natuwa si Liora, hinatak
Matapos ang dinner, tumungo si Paige sa Bayview Villa.Aalis sana si Caroline para gumala kasama ang mga bata ng makita niya si Paige na nagmamaneho patungo sa hardin niya.“Nandito si Ninang!” tumakbo si Liora palapit sa sasakyan ni Paige at itinaas ang kanyang mga kamay ng buksan ni Paige ang pinto. “Yakapin mo ako, Ninang!”Binuhat ni Caroline si Liora, hinimas ang ilong niya at sinabi, “Ang importante kong Lia, lalabas ka ba?”Masunuring tumango si Liora. “Isasama kami ni Mommy na maglakad-lakad. Sasama ka ba?”“Sige!” binuhat ni Paige si Liora at lumapit kay Caroline. “Carol, puwede ba ako sumama? May pabor akong hihingin sa iyo.”Nagulat si Caroline dahil lumapit si Paige sa kanya para humingi ng pabor. “Sige, tara.”Habang naglalakad, nakipagusap si Paige sandali sa mga bata bago sinabi kay Caroline, “Carol, matutulungan mo ba ako makontak si Ms. Salvatore?”Natulala si Caroline. “Hihingin mo ba ang tulong ng mentor ko sa pagdidisenyo ng damit?”Sinabi ni Paige, “Oo. Gu
Gusto magsalita si Caroline, pero sinabi ni Evan, “Caroline, kaya mo ba mangako na wala ka ng nararamdaman para sa akin?”Sumakit ang puso ni Caroline ng marinig ang galit na sainabi ni Evan habang nanliliit siya.Ngunit, alam niya na dapat matapos na ang koneksyon nila sa isa’t isa!Pinigilan niya ang sakit na nararamdaman niya at sinabi, “Pumunta ako sa ospital para suklian ka, Evan. Hindi na kailangan na mangako ako, pero ako ang hindi makatiis sa relasyon natin. Naiintindihan mo ba iyon?”“Ako hindi! Bakit ang dali para sa iyo ang bumalik sa relasyon ng ganoon na lang? Ano ba ang tingin mo sa akin?”Sumandal si Caroline sa upuan habang nanghihina. “Ano ba ang tingin ko sa iyo? Kinuwestiyon mo na ba ang sarili mo sa kung anong kinuha mo mula sa akin? Kabit ang turing mo sa akin limang taon na ang nakararaan at hinahanap mo ako matapos mo malaman na ako ang nagligtas ng buhay mo.”“Paano kung wala ka pa din alam tungkol sa insidente? Si Daniella pa din ang karelasyon mo at mina
Dramatic ang pagpasok ni Alex sa kuwarto, hawak ang phone niya at hirap na hirap magsalita habang tumatawa.“Evan, dapat mo makita ang live stream ni Caroline. Hindi ako matigil kakatawa. Ang sinabi niya ay inaabala mo siya…”Nanigas ang ngiti ni Alex ng makita ang mahigpit na mukha ni Evan at titig.Nakita ni Alex ang tablet ni Evan. “Oh no, lagot ako!” naisip niya bigla.Tense ang ekspresyon ni Evan habang galit na nagtatanong, “Nakakatawa ba ito?”Naging seryoso ang ekspresyon ni Alex. “Hindi ito nakakatuwa! Sumosobra na si Caroline! Ang bait bait mo sa kanya! Paano niya nagawa na magsalita ng ganito? Dapat hindi niya ito sinabi kahit na gusto niyang protektahan ang reputasyon niya!”Lumapit si Alex kay Evan at nagpatuloy. “Evan, sa tingin ko oras na para pag-isipan mo na ito! Naniniwala ako na wala ng nararamdaman si Caroline para sa iyo. Mas mabuti na magpakasal ka sa iba sa lalong madaling panahon kung hindi mawawala ang pagkakataon mo na inisin siya!”Sumingkit ang mga ma
Higit ng doble ang dami ng pre-order ng TYC kumpara sa MK sa loob lamang ng ilang oras.Matinding sensation ang idinulot nito sa fashion industry.Inisip ng mga tao ang abilidad ng MK na manatili sa leading posistion sa fashion industry.Nagmadali ang journalist na pumunta sa TYC para magconduct ng interview kay Caroline.Sumangayon si Caroline sa interview at sinabihan ang assistant niya, na si Josie Gardner, na samahan ang journalist papunta sa reception room, kung saan sila magkikita.Ang journalist, na si Paxton Parker, ay tumayo at nakipagkamay kay Caroline sa oras na pumasok siya. Maraming salamat sa paglalaan ng oras para gawin ito ngayon, Ms. Shenton.”Nagsalita si Caroline habang nakangiti ng kaunti, “Okay lang. Maupo ka.”Nagtanong si Paxton pagkatapos maupo, “Magsisimula na ang recordin natin. Isa itong live-streamed interview. Sana okay lang ito sa iyo, Ms. Shenton.Sumimangot si Caroline dahil hindi siya nasabihan agad.Ngunit, tumango siya.Tumango si Paxton sa