Hindi pinilit ni Evan si Caroline kung ayaw niya sabihin ang totoo.Sa oras na dumating ang mga bumbero at pulis sa eksena, sinamahan niya si Caroline sa ospital matapos magbigay ng testimonya.Inexamine ng doctor ang lungs niya, at matapos masiguro na okay lang ang mga ito, umalis na sila.Noong pauwi na sila, inantok si Caroline at aksidenteng nauntong ng ilang beses sa pinto.Nakita ito ni Evan at iniabot ang kamay niya para suportahan siya sa pagsandal sa balikat niya.Si Reuben, na nagmamaneho ay nakita ang eksena at pinigilan na matawa.“Ang tigas ng ulo ni Mr. Jordan, pero may pakielam talaga siya kay Ms. Shenton,” sinabi ni Reuben sa sarili niya.Matapos ang dalawang oras, nakabalik sila sa Villa Rosa.Noong una, balak ni Evan na buhatin palabas ng sasakyan si Caroline, pero sa oras na hinawakan niya ang mga binti niya, nagising siya bigla at napaatras sa takot. Noong napagtanto niya na si Evan ito, umiwas siya ng tingin at nag-aalinlangan na nagtanong, “Nasa Redwood Neighborho
Nabigla si Caroline, napaisip siya. “Inutos ni Robin na sagasaan ako? At paano naman ang mga poster sa ospital?”Sumagot ang kalbo, “Kami ang nagdikit noon para siraan ka.”Hindi na kinaya ni Caroline na manatiling nakaupo. Tumayo siya agad at kinumpronta sila. “Si Daniella. Kilala niyo ba siya?”Humarap si Evan kay Caroline, na hindi na nagpigil. Kita sa mga mata niya ang halo-halong mga emosyon.Pero, umiling-iling ang lalake. “Tulad ng sinabi ko noon, limitado ang alam namin. Hindi ko masiguro kung kilala siya ni Robin o hindi. Malalaman ninyo lang ang totoo kapag nahuli na si Robin.”Namula sa galit si Caroline. Alam niya sa loob-loob niya na si Daniella ang salarin sa lahat ng ito, pero magaling si Daniella sa pagtago sa sarili. Kahit na nakita na ni Caroline ang mga taong umatake sa kanya, wala pa rin siyang laban kay Daniella.Wala siyang magawa kung hindi magdusa ng tahimik kahit na alam na niya ang katotohanan. Ang paraan lang niya para makapagpatuloy ay magkunwaring mangmang
Tahimik na nagkatinginan si Caroline at Paige, naintindihan nila ang isa’t isa ng hindi nagsasalita.Wala sa ugali nila ang nakikinig ng walang pahintulot kaya dumiretso sila sa pribadong kuwarto nila. Ngunit, noong naglakad sila ng ilang hakbang, napatigil sila sa sinabi ni Evan.“Buntis ka?” paos ang boses ni Evan at hindi siya makapaniwala.Nakakaawang tumango si Daniella. “Evan, isang buwan na. Hindi kita gustong pilitin sa engagement dahil sa bata. Kung hindi mo ito gusto, puwede ako magpa-abort.”“Hindi!” malamig ang sagot niya.Samantala, si Caroline ay parang binuhusan ng malamig na tubig. Nanatili siyang nakatayo doon, hindi maintindihan ng utak niya ang sitwasyon.Base sa tono ni Evan, mukhang tanggap niya ang anak ni Daniella.“Carol…” nag-aalalang tinignan ni Paige si Caroline.Kumurap si Caroline at inayos ang sarili niya. “Tara na…”Ngunit, kinuha ni Paige ang braso niya at isinama siya sa daan palabas, “Umuwi na tayo.”“Hindi.” Huminga ng malalim si Caroline. “Dumiretso
Agad na tumigil sa pagsasalita si Caroline at humarap sa likod niya.Walang iba ito kung hindi si Dr. Wilson, na may dalang mga bulaklak ng Leucanthemella.“Doctor Wilson?” gulat na tumayo si Caroline. Matagal na noong huli silang magkita ni Scott.Sa ilalim ng mainit na araw, mahinhin ang dating ni Scott. Mukha siyang marangal at mabait.Ngumiti si Scott at sinabi, “Nakita kita paakyat ng hagdan ngayon lang, pero hindi kita gustong istorbohin sapagkat kausap mo si Mrs. Shenton.”Naging awkward siya. Hindi alam ni Caroline kung gaano karami ang narinig niya.Para ibahin ang pinag-uusapan nila, nagsalita si Caroline, “Maraming salamat sa pagbisita sa nanay ko.”Inilagay ni Scott ang mga bulaklak sa lapida at malinaw na nagsalita, “Hindi mo inaalagaan ang sarili mo.”Yumuko si Caroline. “Naging abala ako sa trabaho lately.”Tinignan ni Scott ang tiyan niya. “Isipin mo ang mga anak mo. Napakahalaga ng unang tatlong buwan.”Tumango si Caroline, “Oo, naiintindihan ko.”“Nagpalit ako ng trab
Sinundan ni Scott ang tingin ni Caroline at naintindihan agad kung anong nangyari. Mahina siyang nagsalita, “Mauna na ba akong umakyat?”Napaisip si Caroline bago sumagot, “Hindi. Okay lang. Babatiin ko lang siya sandali.”Hindi siya interesado sa drama.Hindi niya maintindihan kung bakit siya nandito ngayon. Gayunpaman, mukhang tama lang na batiin siya sapagkat iniligtas siya kailan lang ni Evan.Tumango si Scott at matiyagang naghintay habang palapit si Caroline sa Maybach.Noong lumapit si Caroline sa sasakyan, ibinaba ni Evan ang bintana, kita ang guwapo niyang mukha.Habang malamig ang tono niya, bumati si Caroline, “Happy New Year, Evan.”Pormal niyang binati si Evan para magkaroon ng distansiya sa pagitan nila.Tumingin siya ng malamig sa kanya at sinabi, “Sumakay ka.”Hindi siya pumayag at sinabi, “Hinihintay ako ng kaibigan ko. Aalis na ako pagkatapos nito.”“Huwag mo hayaan na ulitin ko ang sinabi ko!” sagot ni Evan, hindi siya binigyan ng pagkakataon na tumanggi.Natawa si C
Sumigaw si Daniella, puno ng galit ang boses niya. “Sa tingin mo ba paniniwalaan ka ni Evan?”“Oo, baka hindi niya ako paniwalaan, pero…”Hindi mapigilan ni Caroline na tignan ang lumalaking tiyan ni Daniella noong nagsalita siya. “Kung sasabihin ko sa kanya ang tungkol sa pakikiapid mo, sa tingin mo maghihinala siyang hindi kanya ang bata?”“Kalokohan!”“Oh, mukhang nakakalimot ka na. Nakalimutan mo na ba si Nic, na ikinama mo?” panunukso ni Caroline.Namutla si Daniella. “Puro ka kalokohan, Caroline!”Lumaki ang ngiti ni Caroline. “Bakit ka kinakabahan? Guilty ka ba?”Sa sobrang galit, hinampas ni Daniella ang lamesa at dinuro si Caroline. “Sa tingin mo ba paniniwalaan ka ni Evan base lang doon? Naniniwala ka ba talaga na masisira mo ang relasyon namin ng ganoon kadali? Bulag ka ba at hindi mo nakikita kung paano niya ako tratuhin kumpara sa iyo?”Galit na lumabas ng pinto si Daniella dahil sa takot na baka mawalan ng kontrol si Caroline at sampalin siya muli. Bago isarado ng malakas
Hindi siya tinigilan ni Evan noong gabi, halos baliw na siya sa ginawa niya.Sa oras na napagod siya, malamig niyang tinignan si Caroline. Nanginginig siya at nakabaluktot sa kama. Hindi siya nagsalita at mabilis na nagbihis para umalis.Basang basa ang unan niya sa pag-iyak. Gaano katagal pa ba siyang magtitiis bago siya makawala sa pagdurusa?*Isang buwang wala si Evan sa buhay ni Caroline. Samantala, si Caroline ay napili para sa ikalawang round ng fashion design competition. Bukod pa doon, may balita si Paige.Engaged na si Evan at Daniella. Nasaktan ng husto si Caroline.Ngunit, sinubukan niyang hindi ito isipin. Nagpakababad siya sa trabaho, habang hinihintay ang mga update ni Mason. Sa mga oras na ito, nagsalitan si Paige at Scott sa pagpapakain sa kanya.Kahit na mag-effort siya, nanatiling mahina at payat si Caroline, kahit gaano karami ang kainin niya. Walang bakas na nagdadala siya ng triplets ng mahigit sa tatlong buwan.Noong pumunta siya sa ospital para sa checkup, ipina
“Nandito si Evan!” sa isip-isip niya.Nanigas si Caroline ng makita si Evan na palapit kasama si Daniella. Inaasahan na niya ang presensiya nila pero hindi ganitong kaaga.Manipis ang make-up ni Daniella at nakasuot siya ng gown at mistulang perpektong couple ang dating nila. Samantala, si Evan naman ay malamig pero guwapo ang mukha.Mukhang napansin ni Neil na hindi mapakali si Caroline at siniguro siya. “Huwag ka mag-alala. Madalas umaalis siya agad matapos magbigay ng regalo.” Nakahinga si Caroline ng maluwag matapos marinig ang mga salitang iyon.Noong pumasok si Evan sa kuwarto, napatingin siya kay Caroline na katabi si Neil sa upuan. Sumingkit ang malamig niyang mga mata. Napansin ito ni Daniella at nagselos siya. Inabutan niya ng maiinom si Evan mula sa lamesa para madistract siya. “Juice, Evan?”Ngunit, hindi siya binigyan pansin ni Evan, at hindi rin siya tinignan.Galit na nagtiim bagang si Daniella. Bakit ayaw siyang tantanan ni Caroline? Ipinagyayabang niya ba ngayon kung g