Share

Kabanata 171 Matapang

Maingat na ipinaalam ni Axel kay Caroline ang mga ginawa niya laban kay Daniella.

Nabigla si Caroline at natagalan bago nakarecover sa gulat. Tanggap niya na maabilidad ang isa sa mga anak niya sa hacking pero dalawa na sila ngayon?

Sa totoo lang, higit pa ang abilidad ni Axel kaysa kay Tyler.

“Mommy?” nababalisang sinabi ni Axel noong hindi siya nakarinig ng sagot mula kay Caroline.

Inayos ni Caroline ang sarili niya. “Nandito ako, Axel… Masaya ako at ginawa ninyo ito ni Tyler para sa akin. Pero, ayaw ko na madamay kayong dalawa at masaktan dahil as problema ng mga matatanda. Ang hiling ko lang ay maging masaya kayo at ligtas. Iyon lang ang gusto ko.”

Tumango si Axel. “Naiintindihan ko, Mommy. May isa pa…”

“Ano iyon?” tanong ni Caroline.

Nag-alinalngangan si Axel. “Gusto mo ba pigilan ko na malaman ni Daddy ang relasyon natin?”

Naguluhan si Caroline. “May binabalak ba ang ama mo?”

Ipinaliwanag ni Axel, “Balak imbestigahan ni Daddy ang koneksyon ko kay Daniella.”

Hindi ito inaasahan ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status