Hininaan ni Axel ang boses niya at sinabi, “Dahil siguro sa hindi tumawag si Mommy.”Tinignan ni Tyler si Evan at kinain ng mabagal ang almusal niya. Naniniwala siyang nararapat ito kay Evan dahil tinanggihan niya ang alok na tulong ni Tyler.Lumapit si Evan sa hapagkainan, dahil siguro sa father-son bond. Tumayo siya sa harap ni Tyler at nagtanong, “Anong solusyon ang tinutukoy mo kagabi?”Tinignan siya ni Tyler. “Hindi ko feel sabihin sa iyo ngayon.”“Hindi mo ba gusto umuwi? Hindi ka ba nag-aalala sa pag-iyak ng kapatid mo?” kuwestiyon ni Evan.Nagreklamo si Tyler sa loob-loob niya. “So alam mo pala na umiiyak ang kapatid ko? Bakit hindi mo pa kami ihatid kung ganoon?”Humarap si Tyler kay Liora. “Namimiss mo ba si Mommy, Lia?”Nag-isip si Liora bago sumagot, “Busy si Mommy. Hindi ko siya gusto istorbohin.Ngumiti si Tyler kay Evan. “Kita mo? Hindi kami nagmamadali.”Kumibot ang mga labi ni Evan, at napaisip kung kanino ng nakuha ng mga bata ang ugali nila. “Kailangan ko ba ipakita
Naramdaman ni Caroline na bumigat ang puso niya ng marinig ang boses ng anak niya. Kahit gaano siya kapagod sa trabaho, nangako siya na uuwi siya para makita ang mga anak niya. Ito ang unang pagkakataon na nawalay siya mula sa kanila.Naluha ang mga mata ni Caroline. “Pasensiya na at hindi ko kayo masundo ni Ty.”“Hindi mo kami iiwan, hindi ba? Busy ka lang hindi ba? At alam mo naman na ligtas kami ni Ty, hindi ba?”Sunod-sunod ang mga tanong ni Lia at sumagot si Caroline, “Bakit ko kayo iiwan? Alam ko na ligtas kayo ni Ty. Kaya ako nanatili sa tabi ni Lily sa ospital kagabi.”May pag-aalala sa boses ni Liora. “Anong nangyari kay Ms. Smith?”Pinigilan ni Caroline na umiyak habang ipinapaliwanag. “Hindi maganda ang pakiramdam ni Lily, kaya kailangan niyang manatili sa ospital ng matagal. Magpakabait ka, Lia. Susunduin ko kayo ni Ty sa oras na tapos na ako. Oh, kasama mo ba si Ty?”Puno ng ingay ang background at sumunod niyang narinig ang boses ni Tyler.“Ako ito, Mommy.”Ngumiti si C
Bumaba mula sa sasakyan si Caroline at nagsalubong ang mga kilay niya habang palapit sa mga rosas. Naguluhan siya sa intensyon ni Evan.Sinusubukan ba niya bumawi sa kanya matapos pagtaksilan ni Daniella? O kapalit ang tingin niya sa kanya?Natawang tinawagan ni Caroline si Evan.Sumagot si Evan, masaya ang boses niya. “Sagot.”Lalong hindi natuwa si Caroline. “Mr. Jordan, sobrang yaman mo ba at naubusan ka na ng pagkakagastusan ng pera?”Nawala ang kaunting ngiti sa mukha ni Evan. “Anong ipinapahiwatig mo?”Naging malamig ang tono ni Caroline. “Napakachildish isipin na makakabawi ka sa akin gamit ang mga bulaklak.”Naging seryoso ang ekspresyon ni Evan.Inabisuhan siya ni Alex na walang babae na hindi magugustuhan ang bigyan ng mga bulaklak. Pero sa halip na matuwa, nagalit si Caroline.Hindi pa niya ito ginagawa para sa ibang babae, pero hindi niya ito ikinatuwa.Matigas ang ulo ni Evan, “Sa tingin mo ba talaga wala akong ibang ginagawa para padalhan ka ng mga bulaklak?”Natulala si
Nagsalita si Evan, “Maibibigay ko sa iyo ang lahat ng gusto mo, pero hindi mo masagot ang tanong ko?”Tinitigan siya ni Liora. “Hindi mo ako tinanong muna bago ka nanuhol. Kaya, puwede ko hindi sagutin ang tanong mo at puwede mo ako ibili ng manika.”Naging seryoso ang ekspresyon ni Evan. “Okay lang kahit na magulo sila, pero ganoon din ang isa pa…”*Sa Bayview Villa.Ibinenta ni Caroline ang mga rosas ng isang tawag lang, at kumita ng ilang libong dolyar. Matapos mag-impake ng damit, nagmadali siyang tumungo sa ospital.Noong pumasok siya sa kuwarto, nakita ni Caroline si Scott sa caregiver’s bed. Kahit na pumasok na siya, hindi naistorbo si Scott.Unang tinignan ni Caroline si Lily, pagkatapos kinumutan niya si Scott. Noong hinawakan ni Caroline ang blanket, bumukas ang mapulang mga mata ni Scott. Kahit na ganito ang sitwasyon, hindi nawala ang kalma at ganda sa mga mata niya.Natulala si Caroline at umatras, “Gising ka. Gusto mo ba matulog pa ng kaunti?”Naupo si Scott, minasahe an
Ginabayan ng teacher pabalik ang mga estudyante sa klase matapos maglaro sa labas para makainom sila ng tubig.Noong kinuha ni Axel ang bote niya ng tubig, nakaramdam siya ng basa sa ilong niya.Bago pa siya makareact, sumigaw si Liora, “Axel! May dugo!”Tinignan ni Tyler si Axel at nakita na dumudugo ang ilong niya. Mabilis siyang kumuha ng tissue at inilagay ito sa ilong ni Axel. “Sandali lang. Tatawagin ko ang teacher.”Habang hawak pa din ang tissue sa ilong, hinawakan ni Axel ang damit ni Tyler at umiling-iling, “Okay lang.”Nag-alala si Tyler. “Seryoso ito—”Hindi siya pinatapos magsalita ni Axel. “Okay lang talaga ako. Baka dehydrated lang ako. Huwag ka mag-alala.”Nag-aalalang nagtanong si Liora, “Axel, nangyari na ba ito noon?”Sinabi ni Axel. “Nangyari din ito kagabi, pero tumigil din ito agad.”Noong narinig ito ni Liora at Tyler, nakahinga sila ng maluwag. Ang inisip nila ay isasama siya ni Evan sa doctor kung nangyayari ito madalas.Matapos makita na tumigil na ang pagdugo
Nabigla si Scott at nagtanong, “Anong ibig mo sabihin?”Tinibayan ni Caroline ang loob niya at ipinaliwanag, “Puwede na tayong magsama pagkatapos ng birthday ni Grayson!”Nabigla si Scott, nanginginig ang mga labi niya ng magtanong siya, “Puwede mo ba iyon ulitin?”Kinakabahan na uminom ng tubig si Caroline. “Naiintindihan mo ang sinabi ko. Hindi patas para sa iyo na—”“Hindi ito tungkol sa pagiging patas,” mabilis na nagsalita si Scott, lumalapad ang ngiti niya.Nagsimulang maluha ang mga mata niya. “Anim na taon ko na hinintay ang mga salitang iyon mula sa iyo.”Nakahinga ng maluwag si Caroline at ngumiti, “Masaya ako na okay lang ito sa iyo.”“Matagal na itong okay lang sa akin! Alam ko na marami kang dapat asikasuhin. Matiyaga akong maghihintay hanggang sa araw na maaalagaan kita at ang mga anak mo,” sambit ni Scott.Namula si Caroline. “Hindi ba’t inaalagaan mo na kami all this time?”“Iba iyon,” nakangiting sagot ni Scott.*Binisita ni Scott at Caroline si Lily pagkatapos ng din
Naawa si Caroline sa mga anak niya, pero wala siyang magagawa hanggat sa hindi niya naaasikaso si Daniella at Grayson.Hindi niya makakayanan na ilayo ang mga anak niya mula sa kanya muli. Hindi niya kaya imanage ang lahat kaya kinailangan niya iwan ang mga bata kay Evan kahit na masakit.Ang kaligtasan nila ang kanyang prioridad.Niyakap ni Caroline si Tyler at Axel, magkakatabi sila.Humikbi siya ng kaunti at siniguro sila, “Nandito ako palagi para sa inyo, mga anak ko. Puwede ko kayo bisitahin kung kailan ninyo gusto. Maghintay pa kayo ng kaunti, okay?”Tumango pareho si Tyler at Liora habang nanatiling tahimik si Axel.Matapos mapansin na walang sagot si Axel, hinawakan siya ni Caroline at tinignan. “Axel?”Noong nagkatinginan sila, maingat na nagtanong si Axel, “Makakasama din ba ako?”Nakaramdam ng sakit si Caroline sa puso niya pero sumagot siya agad. “Siyempre naman. Sasama ka din sa amin. Hindi kita puwede iwan.”Ngumiti si Axel.Hindi inaasahan na nagsalita bigla si Liora, “S
Hindi mapigilan ni Caroline na magreklamo, pero inabala siya ni Alex.Naupo siya at ipinaliwanag, “Nandito si Evan para may makita, Caroline.”Naghihinala si Caroline dahil ang mga dumadalo lamang ay mga staff members. Paanong may importante na tao dito na bibisita para mapapunta si Evan?Ngumiti si Caroline. “Nagbibiro ka siguro, Mr. Pierce. Naniniwala ako na walang nararapat sa atensyon ni Mr. Jordan dito sa munting pagtitipon.”“Hindi ba ikaw nararapat, Ms. Shenton?” tanong ni Alex habang nakangiti.Sumagot si Caroline. “Hindi ako nararapat.”Naging seryoso ang ekspresyon ni Evan at sinabi, “Hindi ako nandito para makita ka. Hinahanap ko si G.”Natulala si Caroline sa pagiging totoo ni Evan.Tinignan ni Kenny si Caroline at lumapit para bumulong. “Tapos ka na. Nandito sila para sa iyo!”Tinitigan ni Caroline ng masama si Kenny at binalaan siya, “Tumigil ka sa pagbubulong.”Kapag may nadiskubre pa si Evan, maaari itong magdulot pa ng problema. Sapagkat balak niyang bigyan ng pagkakat