Samantala, tumigil ang musika sa venue.Nakatitig si Evan kay Caroline at Kenny.Pagkatapos, kinuha ni Kennay ang phone niya at tinignan bigla si Evan matapos makita ang email.Nagkatinginan sila at nabalisa ang mga mata ni Kenny. Mabilis niyang inilagay ang phone niya sa bulsa at nagkunwaring walang alam.Ngumisi si Evan at naisip na si Kenny si G.“Ayaw niyang sumangayon sa offer ko dahil kumakampi siya kay Caroline. Bakit? Pinapatunayan mo ba ang pagmamahal mo kay Caroline kahit na natutukso ka?” inisip ni Evan.Itinaas niya ang baso niya at ininom ito.Inobserbahan niya ang sitwasyon at ipinagbuhos ni Paige si Evan, para masiguro na hindi magkakaproblema si Caroline.Mapaglaro niyang sinabi, “Hindi masaya na uminom ng mag-isa Mr. Jordan. Dapat isama mo si Mr. Pierce!”Ipagbubuhos niya sana si Alex ng nagsalita siya.Mabilis na tinakpan ni Alex ang baso niya. “Bakit ayaw mo uminom kasama ang employer mo? Natatakot ka?”Kumibot ang mga labi ni Paige, “Hindi ako nararapat uminom kasam
Walang paraan para masabi kung anong nararamdaman ni Evan base sa ekspresyon niya.“Nandito lang ako para magtanong. Anong relasyon ninyo ni G?”Walang masabi si Caroline, at inisip, “Anong ibig mo sabihin sa relasyon namin ni G? Anong relasyon ang maaari ako magkaroon sa sarili ko? Ang iniisip ba ni Evan ay ibang tao si G?”Sinabi ni Caroline, “Hindi ako obligado na sagutin ka.”Mapanghamak siyang tinignan ni Evan. “Conceited si G at limitado ang tinitignan. Kahit na kakaiba siya at talentado, hindi malayo ang mararating niya.”“Bakit kailangan mo tignan ang progreso ng designer base sa pananaw mo bilang businessman?” natuwa si Caroline. Limitado ang pananaw ang tingin niya sa kanya dahil sa ayaw niyang magtrabho sa ilalim niya.“Mas lalawak ba ang impluwensiya ko kapag nasa ilalim ako ng MK?” sarcastic siyang napaisip.Hindi siya umasa sa kanya sa nakalipas na limang taon, at nakamit niya ang pangarap niyang maging top-notch designer.Kaswal na pinaikot ni Evan ang wine niya at sinab
Naupo si Alex at nakita si Paige na binalot ang sarili gamit ang kumot habang nakakalat ang mga damit nila sa sahig. Naalala niya na may nangyari sa kanila ni Paige kagabi.“Kinakausap kita!” sigaw ni Paige noong hindi sumagot si Alex.Hinimas ni Alex ang puwet niya at tumayo. Nanlaki ang mga mata ni Paige ng may mapansin siya.“Ikaw…” tinitigan ng masama ni Paige si Alex. “Exhibitionist ka ba? Hindi ka ba nahihiya?”Kalmado ang ekspresyon ni Alex. Kinuha niya ang damit niya at mabagal na sinabi, “Bakit ka nagkukunwaring walang alam matapos mo ito gamitin?”Nagtiim bagang si Paige. “Sa tingin mo ba kapareho mo ang lahat? First time ko iyon!”Agad na bumangon si Paige mula sa kama bago tumako sa banyo.Bumuntong hininga si Alex ng marinig ang malakas na sarado ng pinto. Hindi niya intensyon na sadyang ikama ang virgin na babae, paano ito nangyari ng aksidente?Matapos isuot ang damit, binuksan niya ang ilaw at nakita ang ilang mga patak ng dugo sa bed sheet.Nanigas siya habang hindi ma
Pumasok si Reuben sa opisina ni Evan at inulat, “Mr. Jordan, ang businessman mula sa Flortine ay dadating sa angelbay mamayang gabi. Gusto mo ba siyang makita?”Tumingala si Evan at nagtanong, “Bakit siya naparito sa Angelbay?”“Ang sinabi niya ay naparito siya para kumunsulta sa magaling na surgeon mula sa Angelbay Hospital para gamutin ang tumor ng anak niya.”“Alamin kung sino ang doktor na gusto niyang konsultahin.”“Yes, sir.”Naghahanda na si Reuben na umalis ng magtanong si Evan, “May balita na ba sa paternity test?”“Nag-handa na ako para pabilisin ang resulta. Makukuha mo ito sa loob ng tatlong araw,” sagot ni Reuben.“Sige. Puwede ka na umalis.” Tinignan ni Evan muli ang computer screen.Kasabay nito, tumunog ang phone niya. Isang sagot mula kay G, kaya binuksan niya ang inbox niya.G: [Ikunsidera mo ang pagtingin sa ibang mga kandidato sapagkat limitado ang abilidad ko.]Ngumisi si Evan.Evan: [Kung tama ang naiintindihan ko, ayaw mo sumama sa MK dahil may napili ka ng iba n
Tumungo si Caroline sa Bayview Villa pagkatapos ng trabaho para tulungan si Kenny na lumipat.Mabilis na lumapit si Kenny noong pumasok si Caroline. “Nasaan ang mga bata, G?”Sumagot si Caroline, “Nandoon sila kina Evan. Kumplikado ang istorya. Ilipat muna natin ang mga gamit mo, mamaya na tayo mag-usap.”Matapos mapansin ang pag-aalinlangnan ni Caroline, hindi na nagtanong si Kenny.Umorder si Caroline ng pagkain ng natapos sila sa paglilipat.Sampung minuto ang lumipas at may kumatok sa pinto.Pumunta doon si Caroline para sagutin ito pero nakielam si Kenny. “Ako na.”Dumiretso siya sa pinto at binuksan ito para makita ang isang lalake. Tulad ng plano niya!Naging seryoso ang ekspresyon ni Evan ng makita si Kenny. “Bakit ka—”“Tito Kenny!”Lumitaw si Liora mula sa likod ni Evan bago siya matapos magsalita.Kuminang ang mga mata ni Kenny at iniabot ang kamay mga kamay niya para buhatin si Liora. “Lia! Namiss kita! Saan kayo nagpunta ni Ty? May mabuti akong balita sa inyo. Dito na ako
“Kenny, kunin mo ang mga bata at isama sa living room para maglaro,” sambit ni Caroline.Tatango na sana si Kenny ng nakakita siya ng bata sa likod ni Evan.“Sino iyon?” tanong ni Kenny.Sinundan ng tingin ni Caroline ang tinitignan ni Kenny at nakita si Axel na tahimik na nasa likod ni Evan. Nakasilip ng kaunti si Axel.Mabilis na lumapit si Caroline at sinabi, “Axel?”Lumapit ng kaunti si Axel at sumagot, “Hmm.”Nakaramdam ng kakaiba si Caroline at maingat na binuhat si Axel. “Sumama ka sa akin.”Pagkatapos, tinignan niya si Evan at sinabi, “Hindi ganoon kalaki ang bahay ko, pero welcome ka dito.”Kumpiyansang pumasok si Evan sa villa at dumiretso kay Kenny. Kinilabutan si Kenny sa sama niyang tumitig.Kinakabahan na hinawakan ni Kenny si Liora habang hawak ang kamay ni Tyler sa likod ni Evan.Naupo si Evan sa sofa at sinuri ang paligid, bago nagtanong, “Nandito ba si Ms. Smith?”Matapos ibaba si Axel, suamagot is Caroline, “Nasa ospital si Ms. Smith.”“Ospital?”“Oo.” malungkot na t
Nagkaroon ng meeting kasama ang production team noong tanghali. Ang estima nila ay matatapos nila ang first batch ng mga damit sa loob ng sampung araw.Higit ito sa inaasahan ni Caroline.Ipinaalala niya sa production team, “Mahalaga ang production speed, pero hindi pa ganoon karami ang mga tao sa factory ngayon. Huwag ninyo sila pagovertimin.”Hindi niya hahabulin ang bilis lang. Gusto niya ang kwalidad ng mga damit niya kabilang na ang pisikal at mental health ng mga empleyado.Sumagot ang head ng production team, “Masusunod, Ms. Shenton. Susundin namin ang batas at hahayaan sila na umuwi sa tamang oras. Hindi magooperate sa gabi ang factory.Tumango si Caroline. Pagkatapos, sinabi niya kay Naomi Lynch, ang bagong promote na secretary, “Naomi, utusan mo ang security department na bantayan ng mabuti ang factory. Sabihan mo sila na maging alerto.”Si Naomi ay babaeng nasa 30 ang edad. Mukha siyang maabilidad sa ikli ng buhok niya.Pinili siya ni Caroline dahil sa seryosong facial featu
Pumasok si Caroline at Evan sa ospital at pareho na silang mas kalmado. Sumakay sila sa elevator patungo sa top floor.Noong bumukas ang elevator, lalo nagulat si Caroline. Para itong malawak na apartment doon, nakahati sa limang kuwarto na salamin ang naghihiwalay. Pasok ang liwanag ng araw kaya maliwanag ito at puno ito ng mga halaman at puno. Masarap ang pakiramdam dito, mas pakiramdam na bakasyunan ito kaysa ospital.Pero, hindi ito katulad ng eksena sa loob ng ospital. Mas mukha itong holiday retreat.Ang atensyon ni Caroline ay nalipat sa mga doktor, nakatitig siya sa kanila. Napunta ang tingin niya kay Lily, nakahiga sa kama ng may respirator.Nakahinga siya ng maluwag matapos marinig ang steady na tunog ng medical equipment.Ang doktor, na nagsusulat ng impormasyon tungkol kay Lily, ay humarap kay Evan. Magalang siyang yumuko at nagsimulang ipaliwanag ang sitwasyon kay Evan ng fluent Spanish.Samantala, nagpahiwatig ang doktor ng ekspresyon na magkahalong naguguluhan at hindi n
Hindi matigil si Liora sa pag-iyak, kaya binuhat siya ni Caroline at tinapik ang likod para pakalmahin siya.Patuloy si Liora na nakabaon ang mukha sa leeg ni Caroline, walang tigil sa pag-iyak. “Mommy, hindi ko gusto makita si Lola umalis. Hmm… ayaw ko…”Nalulungkot si Caroline para kay Liora, kaya mahigpit niyang niyakap ang bata. “Patawad. Hindi ko siya naprotektahan ng maayos. Kasalanan ko…”Mapula at namamaga ang mga mata nina Tyler at Axel. Hindi nila alam kung paano pagagaanin ang loob ni Caroline at Liora.Si Evan nakatayo sa puwesto niya at hindi gumagalaw. Bigla siyang paos na nagsalita at deperado ang kanyang boses. “Bakit?”Tinignan siya at nilapitan ni Caroline habang guilty at sinabi. “Patawad.”Matindi ang aura ni Evan habang palapit siya kay Caroline. “Caroline, sabihin mo sa akin! Bakit mo balak na sirain kami at ng nanay ko?”“Sirain?” sumimangot ng gulat si Caroline. “Anong ibig mo sabihin?”“Nagkukuwnari ka pa din na walang alam?” Ngumisi si Evan at tinitiga
Narinig ni Evan ang malakas na komosyon mula sa amusement park sa oras na bumaba siya ng sasakyan sa tapat ng entrance nito.Bigla, nakaramdam siya ng matinding sakit sa puso niya, kung saan napayuko siya sa sakit habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang dibdib.Lumapit agad si Reuben at mga bodyguard para tulungan siya.“Mr. Jordan, okay ka lang?” sabay na tanong ni Reuben at Julian.Nakaramdam ng matinding panic si Evan, kung saan itinulak niya palayo ang iba. Nahirapan siyang kontrolin ang pagkahilo niya at paninikip ng dibdib habang paputna sa amusement park.Sa loob, nagkakagulo sila habang nagmamadali na lumapit sa Ferris wheel.Hinawakan ni Julian ang isang empleyado at nagtanong tungkol sa aksidente.Sumagot ang nagpapanic na empleyado, “Ang isang pod mula sa Ferris wheel ay nalaglag!”Matapos iyon marinig, tumingala si Reuben at nakita ang bakanteng puwesto kung nasaan ang Ferris wheel, na 200 metro ang taas.Maliit lang ang pag-asa ng tao sa loob…Nagpanic si Eva
Agad na tumayo si Caroline para habulin si Jamie, pero hinarangan siya ng empleyado. “Ma’am, tumigil ka sa kalokohan mo! Napakadelikado dito!”Dahil hindi niya mahabol si Jamie, sumigaw siya, “Jamie, huwag mo buksan ang pinto. Dyan ka lang!”Tumango si Jamie.Nagfocus si Caroline sa pod ni Jamie at naabala ng isa pang empleyado na umalis ng platform.Sinabi ni Axel, para pakalmahin si Caroline. “Mommy, gusto ni Lola ng ice cream. Ikuha natin siya.”Dahil wala siyang magawa, ibinili ni Caroline ang mga bata ng ice cream habang nakatitig sa Ferris Wheel.Lumipas ang ilang minuto at umabot sa rurok ang pagkabalisa ni Caroline habang umaabot sa pinakamataas na punto ang pod. Sumayaw ito sa hangin, kung saan nanghina ang mga tuhod ni Caroline.Hindi malaman ni Caroline kung natatakot ba si Jamie o hindi. Ang ipinagdasal niya ay manatili si Jamie na hindi kumikilos.*Samantala, nakaupo si Jamie sa pod, tinitignan ng mabuti ang magandang view sa Angelbay City. Unti-unti siyang nagin
Malupit na nag-utos si Evan. “Go!”*Nag-eenjoy si Caroline sa pagsama sa mga bata sa amusement park.Pagkatapos, pumila sila para sa Ferris wheel.Noong tumingala si Axel sa mataas na Ferris wheel, na dalawang daang metro ang taas, namutla siya. Natatakot siyang sumakay sa mga rides dahil takot siya sa matataas na lugar. Kahit na ang makita lang ito ay sapat na para mahirapan siyang huminga.Napansin agad ni Tyler na may mali kay Axel at nagtanong, “Axel, hindi ba maganda ang pakiramdam mo?”Sinubukan ni Axel na umiling-iling at magmatapang, “Okay lang—”Bago pa siya natapos magsalita, sumuka siya habang mahigpit ang kapit sa kanyang tiyan.Napalingon agad si Caroline at Jamie sa komosyon.Noong nakita nila si Axel, natakot si Caroline. Nagmadali siya para yumakap.“Axel?” nababalisang tanong ni Caroline. “Anong problema?”Habang nahihilo, mahinang sumagot si Axel, “Mataas…”“Mataas?” tumingala si Liora ay tinignan ang umiikot na Ferris Wheel sa itaas.“Oh! Mommy, takot s
Linggo, nangako si Caroline na isasama si Jamie at ang tatlong mga bata sa amusement park.Umalis siya matapos magreserve ng mga ticket at dumating sa destinasyon ng 10:00 a.m.Kumportable ang panahon, at nag-ooperate ang lahat ng facilities ng park.Nakatitig si Jamie sa pinakamtaas na Ferris wheel sa oras na pumasok siya sa amusement park.Nagtanong si Caroline, “Jamie, interesado ka sumakay sa Ferris wheel?”“Oo. Naaalala ko na sumakay ako dito ng may kasama…” bulong niya ng mahina bago nadistract.Natawa si Liora at sinabi, “Alam ko. Baka ang boyfriend mo!”Nabigla si Caroline, “Lia, ingat ka sa mga salita mo.”Inilabas ni Liora ang dila niya. “Mommy, nakikipagbiruan lang ako kay Lola.”Naguluhan na nagtanong si Jamie, “Boyfriend?”Nagsalita si Caroline at sinabi, “Nagsasabi lang ng kung ano-ano si Lia. Sasakay tayo mamaya sa Ferris wheel kung gusto mo, Jamie.”Ngumiti si Jamie. “Sige, makipaglaro muna tayo kasama ang mga bata.”“Yehey, Lola!”Natuwa si Liora, hinatak
Matapos ang dinner, tumungo si Paige sa Bayview Villa.Aalis sana si Caroline para gumala kasama ang mga bata ng makita niya si Paige na nagmamaneho patungo sa hardin niya.“Nandito si Ninang!” tumakbo si Liora palapit sa sasakyan ni Paige at itinaas ang kanyang mga kamay ng buksan ni Paige ang pinto. “Yakapin mo ako, Ninang!”Binuhat ni Caroline si Liora, hinimas ang ilong niya at sinabi, “Ang importante kong Lia, lalabas ka ba?”Masunuring tumango si Liora. “Isasama kami ni Mommy na maglakad-lakad. Sasama ka ba?”“Sige!” binuhat ni Paige si Liora at lumapit kay Caroline. “Carol, puwede ba ako sumama? May pabor akong hihingin sa iyo.”Nagulat si Caroline dahil lumapit si Paige sa kanya para humingi ng pabor. “Sige, tara.”Habang naglalakad, nakipagusap si Paige sandali sa mga bata bago sinabi kay Caroline, “Carol, matutulungan mo ba ako makontak si Ms. Salvatore?”Natulala si Caroline. “Hihingin mo ba ang tulong ng mentor ko sa pagdidisenyo ng damit?”Sinabi ni Paige, “Oo. Gu
Gusto magsalita si Caroline, pero sinabi ni Evan, “Caroline, kaya mo ba mangako na wala ka ng nararamdaman para sa akin?”Sumakit ang puso ni Caroline ng marinig ang galit na sainabi ni Evan habang nanliliit siya.Ngunit, alam niya na dapat matapos na ang koneksyon nila sa isa’t isa!Pinigilan niya ang sakit na nararamdaman niya at sinabi, “Pumunta ako sa ospital para suklian ka, Evan. Hindi na kailangan na mangako ako, pero ako ang hindi makatiis sa relasyon natin. Naiintindihan mo ba iyon?”“Ako hindi! Bakit ang dali para sa iyo ang bumalik sa relasyon ng ganoon na lang? Ano ba ang tingin mo sa akin?”Sumandal si Caroline sa upuan habang nanghihina. “Ano ba ang tingin ko sa iyo? Kinuwestiyon mo na ba ang sarili mo sa kung anong kinuha mo mula sa akin? Kabit ang turing mo sa akin limang taon na ang nakararaan at hinahanap mo ako matapos mo malaman na ako ang nagligtas ng buhay mo.”“Paano kung wala ka pa din alam tungkol sa insidente? Si Daniella pa din ang karelasyon mo at mina
Dramatic ang pagpasok ni Alex sa kuwarto, hawak ang phone niya at hirap na hirap magsalita habang tumatawa.“Evan, dapat mo makita ang live stream ni Caroline. Hindi ako matigil kakatawa. Ang sinabi niya ay inaabala mo siya…”Nanigas ang ngiti ni Alex ng makita ang mahigpit na mukha ni Evan at titig.Nakita ni Alex ang tablet ni Evan. “Oh no, lagot ako!” naisip niya bigla.Tense ang ekspresyon ni Evan habang galit na nagtatanong, “Nakakatawa ba ito?”Naging seryoso ang ekspresyon ni Alex. “Hindi ito nakakatuwa! Sumosobra na si Caroline! Ang bait bait mo sa kanya! Paano niya nagawa na magsalita ng ganito? Dapat hindi niya ito sinabi kahit na gusto niyang protektahan ang reputasyon niya!”Lumapit si Alex kay Evan at nagpatuloy. “Evan, sa tingin ko oras na para pag-isipan mo na ito! Naniniwala ako na wala ng nararamdaman si Caroline para sa iyo. Mas mabuti na magpakasal ka sa iba sa lalong madaling panahon kung hindi mawawala ang pagkakataon mo na inisin siya!”Sumingkit ang mga ma
Higit ng doble ang dami ng pre-order ng TYC kumpara sa MK sa loob lamang ng ilang oras.Matinding sensation ang idinulot nito sa fashion industry.Inisip ng mga tao ang abilidad ng MK na manatili sa leading posistion sa fashion industry.Nagmadali ang journalist na pumunta sa TYC para magconduct ng interview kay Caroline.Sumangayon si Caroline sa interview at sinabihan ang assistant niya, na si Josie Gardner, na samahan ang journalist papunta sa reception room, kung saan sila magkikita.Ang journalist, na si Paxton Parker, ay tumayo at nakipagkamay kay Caroline sa oras na pumasok siya. Maraming salamat sa paglalaan ng oras para gawin ito ngayon, Ms. Shenton.”Nagsalita si Caroline habang nakangiti ng kaunti, “Okay lang. Maupo ka.”Nagtanong si Paxton pagkatapos maupo, “Magsisimula na ang recordin natin. Isa itong live-streamed interview. Sana okay lang ito sa iyo, Ms. Shenton.Sumimangot si Caroline dahil hindi siya nasabihan agad.Ngunit, tumango siya.Tumango si Paxton sa