“Sige,” sumangayon si Caroline ng nakangiti.Matapos makausap ang tatlong mga anak, tumayo si Caroline at tumungo sa ospital.Bigla siyang may nakasalubong noong papunta siya sa labasan at tatawag ng taxi.Itong hindi inaasahan na pagkakabangga ay naging dahilan para mapaatras siya bago nakatayo ng tuwid Ngunit, ang nakasalubong niyang tao ay bumagsak sa sahig ng malakas.Humarap si Caroline at nakita ang babae na nakasuot ng mahabang sleeping robe na mukhang hindi maganda ang lagay.Nakita ni Caroline ang mukha ng babae kahit na magulo ang buhok niya. Ang mga mata ng babae ay puno ng takot at taranta.“P… Pasensiya na…” nanginig ang boses ni Jamie Weiss at namula ang mga mata.Umiling-iling si Caroline at siniguro siya. “Okay lang ako. Okay ka lang ba?”Noong nagsalita si Caroline, iniabot niya ang kanyang kamay kay Jamie. “Malamig sa sahig. Tumayo ka.”Hindi inaasahan na umiling-iling si Jamie sa alok ni Caroline kaya naguluhan siya.“Kailangan mo ba ng tulong?” Tanong muli ni Carol
Matapos gamutin ni Caroline ang sugat ni Jamie, nagdala siya ng malinis na damit.Noong isinama ni Kenny si Jamie para kumain, tinawagan ni Caroline si Axel.“Mommy!” Si Liora ang sumagot sa tawag. “Mommy, namiss mo ba kami ulit ng mga kapatid ko?”Ngumiti si Caroline. “Oo, pero may iba pa. Lia, puwede ko ba makausap si Ty sa phone?”Sumigaw si Liora, “Tyler, tawag ka ni Mommy!”Hindi nagtagal, sinagot ni Tyler ang phone. “Mommy, anong maitutulong ko sa iyo?”Tinignan ni Caroline si Jamie na kumakain sa dining room. “Ty, matutulungan mo ba ako tignan ang profile ng isang tao?”Sumangayon agad si Tyler. “Sige. Sino?”“Hindi ko alam kung sino siya,” paliwanag ni Caroline. “Magpapadala ako ng litrato mamaya. Tignan mo kung makakakuha ka ng impormasyon.”“Huwag ka mag-alala. Pero Mommy, hindi libre ang commission ko.” Natawa ng masama si Tyler.“Aba, nagiging naughty ka na ngayon.” Sambit ni Caroline.Sumagot si Tyler. “Biro lang Mommy. Huwag mo seryosohin.”Kung hihilingin siya ng iba na
Walang magawa si Caroline kung hindi hayaan si Jamie na manatili sa bahay niya dahil wala siyang impormasyon tungkol sa kanya.Bukas, balak niyang kontakin ang police department para magtanong tungkol sa sitwasyon ni Jamie.Balak niyang mag-assign ng kuwarto kay Jamie, pero mukhang takot matulog mag-isa si Jamie. Kaya, mas gusto niyang matulog katabi si Caroline.Nirespeto niya ang kagustuhan ni Jamie at sumangayon si Caroline. Bago matulog, naligo si Jamie at humiga sa tabi niya.Noong sumampa sa kama si Caroline, nagtanong si Jamie, “Anong pangalan mo?”Inayos ni Caroline ang kama para kumportable si Jamie at sumagot, “Ako si Caroline Shenton.”Bumulong si Jamie, “Caroline Shenton.”Ngumiti si Caroline at nagtanong, “Ikaw? Naaalala mo ba ang pangalan mo?”“Jamie Weiss.” Nawalan ng buhay ang mga mata ni Jamie. “Ito lang ang naalala ko.”Pinakalma siya ni Caroline, “Well, tatawagin kita na Jamie kung ganoon. Okay lang kung hindi mo maalala ang mga bagay-bagay. Maalala mo din sila kapag
Ang itsura ni Jamie ay mukhang nasa 40s at hindi sigurado si Liora sa edad niya. Kaya tama lang na tawagin siyang Madam.Natulala si Jamie. Pagkatapos, itinuro niya ang sarili niya at sinabi, “Ako ba ang kausap mo?”Tumagilid ang ulo ni Liora. “Si Mommy ang kasama mo dito sa bahay. Siyempre hindi ko tatawagin na Madam si Mommy.”Mabagal mag-isip si Jamie. Matapos ayusin ang sarili, ngumiti siya. “Well, magaling ang ginawa mo. Gusto ko ito.”Matapos iyon, yumuko siya at tinawag ang mga bata at maganang sinabi, “Tawagin ninyo ako ulit. Gusto ko ito marinig muli.”Malambing na sinabi ni Liora, “Madam!”Tumango ng nasasabik si Jamie. “Hmm”Sumunod si Tyler. “Madam, hello.”Tumango ulit si Jamie. “Hmm!”Nahihiya si Axel. Kaya tumayo lang siya doon at hindi naglakas loob na magsalita.Hindi rin siya pinilit ni Caroline. Iba na siya mag-isip ngayon dahil sa pinagdaanan niya. Hindi niya puwede pilitin ang mga bagay.Pumunta siya sa kusina para magluto habang nakikipaglaro si Jamie sa mga bata.
Noong naupo sila, narinig nila ang makina ng sasakyan mula sa pinto.Hindi nagtagal, may kumatok sa pinto nila.“Mommy, ako na ang sasagot,” sambit ni Tyler sapagkat siya ang pinakamalapit sa pinto Binuksan niya ito habang may hawak na isang baso ng tubig.Noong buksan ang pinto, nakakita siya ng matandang lalake na puti ang buhok na nakatayo doon.Ngumiti si Tyler at nagtanong, “Maaari ko ba malaman kung sino ang hinahanap mo?”Tumingin pababa si Draco at panandalian natulala. Napatanong siya, “Bata, sino ka?”Ngumiti si Tyler at sumagot, “Sir, hindi ba hindi magandang asal ang hingin ang pangalan ng binisita mo sa oras na dumating ka?”“Oo!” natuwa si Draco. “Para kang si Evan!”Noong narinig niya ito, naging maingat si Tyler. Sasagot sana siya ng tinawag siya ni Caroline, “Ty, Sino iyan?”Tumingin si Tyler sa sa direksyon ni Caroline. “Isang matanda na kakaiba ang sinasabi.”Nag-alala si Caroline at mabilis na tumungo sa pinto.Noong nakita niya si Draco, bumilis ang tibok ng puso n
Sumingkit ang mga mata ni Draco. “Namumukod tangi ka!”“Salamat sa puri.” Hindi naging pormal si Caroline.Tumingala si Draco. “Pag-usapan natin ang bata.”Alerto siyang tinignan ni Caroline. “Anong karapatan mo na magtanong tungkol sa anak ko?”Naging masama ang mukha ni Draco. “Kamukha ng bata si Evan!”“Hindi ibig sabihin nito anak na siya ni Evan!” malamig na sambit ni Caroline.Natawa si Draco. “Sige! Puwede ka magmatigas pero hindi mo mapepeke ang DNA nila!”“Makinig ka sa akin. Kapag anak yan ni Evan, hindi ko hahayaan na mabuhay ang bata sa katulad mong babae! Kukunin namin ang kustodiya ng bata!”Nabalisa si Caroline ng marinig ito, at naging pasmado ang mga kamay niya.Kapag nadiskubre ni Evan ang totoo, makakaya niya ito. Pero, kapag nalaman naman ito ni Draco, wala na siyang pagpipilian.Hindi niya hahayaan na ilayo siya ni Draco sa mga anak niya.Bigla, narinig nilang bumukas ang pinto.Mabilis na tumingin si Caroline at Draco sa pinto at nakita si Scott na nagmamadali, ha
Nakahinga ng maluwag si Caroline habang iniisip ito. Kahanga-hanga ang mga anak niya. Nagpapasalamat siya at natutuwa.Bigla, may mahinang katok mula sa itaas. Tumingala silang lahat.Bago pa sila makareact, narinig nila si Kenny. “Bi… Bitawan mo ako…”Bumilis ang tibok ng puso ni Caroline. Mabilis siyang umakyat sa itaas.Gusto sumama ng tatlong mga bata pero pinigilan sila ni Scott. Sa second floor, nakita ni Caroline si Jamie na nakaupo kay Kenny at mahigpit ang hawak.Paulit-ulit niyang sinasabi, “Mamatay ka na! Ngayon din!”Namula si Kenny habang sinusubukan kumawala sa kapit ni Jamie. Gusto niyang lumaban pero nagpigil siya, alam niyang inuwi siya ni Caroline.Lumapit si Caroline at hinawakan ang braso ni Jamie. “Jamie! Bitiwan mo si Kenny ngayon din!”Tumingala si Jamie at tinitigan si Caroline ng namumula ang mga mata. “Huwag mo ako pigilan! Dapat mamatay ang lahat ng mga lalake!”“Jamie!” pinigilan siya ni Caroline. “Hindi siya masamang tao. Kaibigan ko siya. Puwede mo ba siy
Inabot ng apat na oras si Scott para matapos it. Pagod siyang umuwi noong oras na para maghapunan.Kumuha ng baso ng juice si Caroline at nagtanong, “Kumusta? May nakuha ka na impormasyon?”Umiling-iling is Scott at naupo sa sofa. Matapos uminom ng juice, sumagot siya, “Wala, ipinakita ko ang litrato, pero walang resulta.”Kita ang pag-aalala sa mukha ni Caroline. “Anong gagawin natin?”Problema ang manatili sa bahay ang may sakit sa isip na tao, lalo na at may mga bata dito.Pero saan nila siya madadala? Sa ospital? Maaaring hindi ito tama.Masasabihan ba nila si Jamie na lumayas? Hindi maatim ni Caroline na palayasin siya dahil sa hirap na maaari niyang indahin dahil sa sakit niya sa isip.Nahiga si Kenny sa sofa habang kumakain ng mansanas. “Sa tingin ko, dapat ninyo siya ibalik sa kung saan ninyo siya nakita.”“Hindi! Hindi natin ito puwede gawin!”Tinanggihan agad ni Caroline at Scott ang ideya ni Kenny.Halos masamid si Kenny. “Anong plano ngayon?”Tinginan ni Scott si Caroline.