Inabot ng apat na oras si Scott para matapos it. Pagod siyang umuwi noong oras na para maghapunan.Kumuha ng baso ng juice si Caroline at nagtanong, “Kumusta? May nakuha ka na impormasyon?”Umiling-iling is Scott at naupo sa sofa. Matapos uminom ng juice, sumagot siya, “Wala, ipinakita ko ang litrato, pero walang resulta.”Kita ang pag-aalala sa mukha ni Caroline. “Anong gagawin natin?”Problema ang manatili sa bahay ang may sakit sa isip na tao, lalo na at may mga bata dito.Pero saan nila siya madadala? Sa ospital? Maaaring hindi ito tama.Masasabihan ba nila si Jamie na lumayas? Hindi maatim ni Caroline na palayasin siya dahil sa hirap na maaari niyang indahin dahil sa sakit niya sa isip.Nahiga si Kenny sa sofa habang kumakain ng mansanas. “Sa tingin ko, dapat ninyo siya ibalik sa kung saan ninyo siya nakita.”“Hindi! Hindi natin ito puwede gawin!”Tinanggihan agad ni Caroline at Scott ang ideya ni Kenny.Halos masamid si Kenny. “Anong plano ngayon?”Tinginan ni Scott si Caroline.
Sumagot si Freya, “Naniniwala akong nakaranas siya ng matinding pagmamalupit kaya may matindi siyang takot sa mga lalake. Ang takot ay nagtrigger ng self-protection mechanism, na nagiging galit para atakihin niya ang mga lalake. Matinding mental disorder ito na dulot ng malalang stress. Ang rekomendasyon ko ay dalhin siya sa ospital.”Problema ito para kay Caroline, “Hindi ako ang pamilya niya, at wala akong karapatan na magdesisyon ng medical para sa kanya. May iba pa ba na paraan para gamutin ang kundisyon niya?”Natahimik si Freya ng matagal. “Puwede ako manatili dito para imanage ang kundisyon niya gamita ang gamot. Pero, mas tama na makita ang pamilya niya sa lalong madaling panahon.”Nagpapasalamat na sinabi ni Caroline, “Salamat, Dr. Bailey. Sabihin mo lang kung magkano, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko.”Ngumiti si Freya, “Okay lang. Binayaran na ako ni Dr. Wilson.”Natulala si Caroline at inisip, “Tinulungan ba niya ako na ayusin muli ang lahat?”Tinignan ni Freya si Caroli
Nagtanong ang anak ni Lily, na si Wayne Hunter, “Sino ito?”“Huwag mo na isipin kung sino ako, Mr. Hunter. Si Ms. Smith ay naaksidente at tumatanggap ngayon ng medical treatment sa top floor ng Grand East Hospital ward.” Hikbi ni Daniella.“Ano? Sigurado ka ba na nanay ko iyon?” tumaas ang boses ni Wayne habang hindi siya makapaniwala.“Puwede ka pumunta sa Grand East Hospital kung hindi ka naniniwala sa akin.”“Irereport kita sa mga pulis kung niloloko mo ako!” babala ni Wayne.Nagsalita si Daniella, “Mabait na tao si Ms. Smith, Mr. Hunter. Tinulungan niya ako noon, kaya sinasabi ko ito. Huwag ka magsalita ng ganyan. Dapat magalit ka sa tao na nakakaalam pero hidni ipinaalam sa iyo, tama?”Sinabi ni Daniella ang lokasyon ni Lily kay Wayne, at ginatungan siya bago matapos ang tawag. Kaswal niyang pinunasan ang peke niyang mga luha bilang parte ng pag-arte niya. Ngayon, kailangan na lang niyang hintayin ang drama na magaganap.*Lumabas si Caroline ng ward para tanggapin ang tawag ng hi
Hindi mapigilan ni Kenny na magmura matapos iyon marinig. “Paano niyang nagawa ang bagay na iyon?”Tumingala si Caroline. “Kaya pakiusap, huwag ka gumawa ng eksena—”Bago pa siya matapos magsalita, isang bodyguard ang pumasok sa bahay. “Ms. Shenton, may pinigilan kami na sinusubukan pumasok sa bahay ng walang pahintulot.”Nakaramdam ng takot si Caroline at napaisip kung si Wayne ito.“P*ta! Lumabas ka ng bahay!”Galit na sigaw ang narinig ni Caroline mula sa labas, noong iniisip ni Caroline si Wayne.Tumayo agad si Kenny. “Tuturuan ko siya ng leksyon!”Hinawakan ni Caroline ang damit ni Kenny at pinigilan siya. “Tumigil ka!”Galit na galit si Kenny. “G! Iyong ingratang p*ta ay nandito! Hindi ko kaya na iniinsulto ka niya!”Tumayo rin si Caroline. “Ako na ang bahala, huwag ka makielam.”“Hindi!” ayaw pumayag ni Kenny. “Sasama ako sa iyo!”Bumigay si Caroline sa determinasyon ni Kenny. “Mangako ka na hindi ka magpapadalos-dalos.”“Okay!” sagot ni Kenny.Lumabas ng pinto si Caroline kasam
Hindi mapigilan ni Wayne ang tuwa niya at pumayag. “Sige! May isang linggo ka. Maghihintay ako!”Tumango si Caroline at sinenyasan ang mga bodyguard na paalisin si Wayne.Nagtiim bagay si Kenny matapos umalis ni Wayne. “Kalokohan ito!”Sumandal ng walang pakielam si Caroline sa sofa at sinabi, “Itong mga taong ganito ang pinakamahirap kausap sa mundo.”“So, bibigyan mo siya ng 700,000 dolalrs?” tanong ni Kenny.“Hindi ako ganoon kayaman.” Naiinis na tinignan ni Caroline si Kenny.“Anong nangyari sa telepathic connection namin?” napaisip siya.Nanahimik si Kenny bago nahulaan. “Ah! Nagaaksaya ka ng oras!”“Puwede mo sabihin na ganoon.” Sinabi ni Caroline, “Ang pinakamahalaga ay gusto ko malaman kung sino ang nagpaalam sa kanya.”Nag thumbs up si Kenny. “Galing mo, G!”*Tinawagan ni Caroline si Neil bago matulog, mahina ang boses niya. “Gising ka pa ba, Neil?”“Oo, Carol. Anong problema?” pagod ang boses ni Neil pero mahinahon.Nagsalubong ang mga kilay niya. “Mukhang pagod ka. May prob
“Kapatid?” napaisip si Wayne at nagtanong, “Si Caroline?”Sumagot si Neil. “Oo. Pero, may kailangan ka gawin para sa akin kapalit ang ebidensiya.”“Ano iyon?”“Kailangan mo sabihin sa akin kung sino ang nagsabi sa iyo ng tungkol sa insidenteng ito at nag-utos na humingi ka ng kompensasyon kay Caroline,” sagot ni Neil.Pinaglaruan ni Neil ang USB sa harapan niya at idinagdag, “May mga paraan ako para malaman ko kung nagsasabi ka ng totoo. Kapag nadiskubre ko na niloloko mo lang kami o kaya gumawa ka ng problema para sa kapatid ko matapos makuha ang ebidensiya, kailangan mo ikunsidera kung makakalabas ng ligtas mula sa Angelbay. Sa kabiland banda, ang abilidad mo ang magdedesisyon kung makukuha mo ang pera.”Kaswal ang tono ni Neil, pero nagbago ang ekspresyon ni Wayne ng todo.Kung kaya siya kidnapin ng taong ito ng ganoon na lang, ano pa ang maaari niyang gawin?”Napagtanto niya ito bigla—minaliit niya ang koneksyon ni Caroline. Kaysa makipagsabayan sa lalake sa harapan niya, mas pipil
Hindi hahayaan ni Evan na makita ni Caroline si Axel kapag ang pinili niya ay ang dalawang bata.Matapos mapansin ang galit ni Evan, yumuko si Reuben at sinabi, “Yes, sir.”Aalis na siya sana ng tinawag siya bigla ni Evan. “Tanggalin ang mga bagong kuha na bodyguards. Gusto ko palitan ng buo ang technical department staff!”Nabigla si Reuben. Ang nakaraang grupo ng mga empleyado ay napalitan ng hindi nila makita si Caroline, ang natira lang ay si Julian. Galit na galit si Evan ngayon kay Caroline at gusto niya ng bagong staff.Kapag nagpatuloy ito, hindi magiging maganda ang pakiramdam ng mga empleyado.Ngunit, hindi nagsalita si Reuben at inihanda ang sarili para sundin ang utos.*Sa Xander Residence.Pinigilan ng mga bodyguard si Wayne sa pinto.Natuto na siya ngayon. “Sir, naparito ako para makita si Mr. Grayson Xander. Pakisabi sa kanya na papasukin ako. Sabihin mo na may recording ako na gusto ibigay sa kanya.”Nagsalita ang mga bodyguard, “Ipapaalam ko. Maghintay ka dito.”Naghi
Mabilis na dumating ang abogado para gumawa ng kontrata sa magkabilang panig. Nagbigay ng checke na isang milyong dolyar ang nakasulat si Grayson kay Wayne pagkatapos.Hindi inaasahan ni Wayne na makakakuha siya ng isang milyong dolyar ng ganoon kadali. Binura niya ang voice clip habang nanonood si Grayson at ibinigay sa kanya ang USB drive. Umalis siya ng nasasabik dala ang checke.Naging masama ang ekspresyon ni Grayson sa oras na umalis siya. “Ang lakas ng loob niyang hindi kilalang tao na magnakaw ng isang milyong dolyar mula sa akin? Managinip siya!” inisip niya.Tinignan ni Grayson ang bodyguard na nakatayo sa tabi niya at inutos, “Asikasuhin ninyo siya at siguraduhin ninyong malinis ito!”Tumango ang bodyguard. “Yes, sir!”*Patapos na ang kindergarten, at naghihintay sa pinto si Caroline para sunduin ang mga anak niya.Bigla, napukaw ang atensyon niya ng malakas na preno. Humarap siya at nakita ang isang Maybach na pumarada sa likod niya.Agad na lumabas si Reuben at magalang