Maingat na ipinaalam ni Axel kay Caroline ang mga ginawa niya laban kay Daniella.Nabigla si Caroline at natagalan bago nakarecover sa gulat. Tanggap niya na maabilidad ang isa sa mga anak niya sa hacking pero dalawa na sila ngayon?Sa totoo lang, higit pa ang abilidad ni Axel kaysa kay Tyler.“Mommy?” nababalisang sinabi ni Axel noong hindi siya nakarinig ng sagot mula kay Caroline.Inayos ni Caroline ang sarili niya. “Nandito ako, Axel… Masaya ako at ginawa ninyo ito ni Tyler para sa akin. Pero, ayaw ko na madamay kayong dalawa at masaktan dahil as problema ng mga matatanda. Ang hiling ko lang ay maging masaya kayo at ligtas. Iyon lang ang gusto ko.”Tumango si Axel. “Naiintindihan ko, Mommy. May isa pa…”“Ano iyon?” tanong ni Caroline.Nag-alinalngangan si Axel. “Gusto mo ba pigilan ko na malaman ni Daddy ang relasyon natin?”Naguluhan si Caroline. “May binabalak ba ang ama mo?”Ipinaliwanag ni Axel, “Balak imbestigahan ni Daddy ang koneksyon ko kay Daniella.”Hindi ito inaasahan ni
Kaswal na nagtanong si Axel, “Anong sinasabi mo, Daddy?”Hindi alam ni Evan ang sasabihin niya. Paano kaya magrereact si Axel kapag sinabi niya agad na hindi siya biological na anak ni Daniella?Bago pa makasagot si Evan, idinagdag ni Axel, “Daddy, ayaw ko kay Mommy, pero gusto ko ang Mommy ni Ty. Napakabait niya talaga at may pakielam sa akin. Hindi katulad ni Mommy na sinasaktan ako at pinapagalitan lagi. Sa totoo lang, gusto ko hilingin na hindi ko sana nanay si Daniella. Hindi ako makaramdam ng pagmamahal ng nanay mula sa kanya.”Nabigla si Evan. “Kaya ba talaga ito sabihin ng 5 taong gulang na bata?” sa isip niya.Pero, may sense nga naman ang sinabi niya. Masasabing mature si Axel dahil sa hacking skills niya. Magandang bagay ito.Tumayo si Evan at sinabi, “Axel, puwede ka pumunta sa kanya para maglaro kung gusto mo. Susunduin kita akapg tapos ka na. Puwede ka din manatili doon kung gusto mo.”Naalala ni Axel, “Hindi ba’t sinasabi mo noon na hindi siya mabuti, Daddy?”Naging sery
Nababalisang naghintay si Caroline at Neil ng tatlong oras bago lumabas ng operation room si Scott. Tinignan niya si Caroline na malinaw na natatakot.“Caroline…”Tumingala si Caroline, tulala at tinignan ang operation room bago nagtanong, “Nasaan si Ms. Smith?”Nanlumo si Scott. “Si Ms. Smith ay in shock noong dumating sa ospital. Tagumpay ang opera, pero critikal ang kundisyon niya. Humanda ka para sa masamang balita.”Nanginig ang mga labi ni Caroline, at nakaramdam siya ng kilabot. “Anong ibig mo sabihin?”“Baka macomatose siya, “ paos na sinabi ni Scott.Nahilo si Caroline, at sumandal siya sa pader.Nasalo siya ni Neil. “Carol?”Nahimasmasan si Caroline, at lumuha siya. Puno ng guilt ang mukha niya. “Kasalanan ko ito…”Nakaramdam ng sakit sa puso si Neil. “Hindi mo ito kasalanan, Carol.”Umiling-iling si Caroline, habang umiiyak at nakatakip ang mukha gamit ang mga kamay. “Sobrang nakafocus ako sa paghihiganti at hindi ko inisip ang mga bata at si Ms. Smith!”“Carol, hindi makak
Naupo si Evan sa apartment, kung saan nananatiling nakatali si Tyler at Liora at may tape ang bibig.Nagulat si Evan ng matanggap ang tawag. Kinontrol niya ang sarili niya na hindi ngumiti at nagtanong ng malalim ang boses, “Anong problema?”Nagmakaawa si Caroline. “Evan, kailangan ko ang tulong mo para iligtas ang mga anak ko.”Nagtanong si Evan, “Anong nangyari sa kanila?”Sinabi ni Caroline ang mga naganap. “Sasangayon ako sa mga gusto mo kapag nakabalik ng ligtas ang mga anak ko,” sambit niya.Naging seryoso ang ekspresyon niya. “Bigyan mo ako ng dahilan para tulungan sila.”Huminga ng malalim si Caroline, “Sasabihin ko sa iyo ang nangyari limang taon na ang nakararaan.”“Nakikipagnegosasyon ka ba sa akin?” naging malamig ang tono ni Evan.Alam niya na kamukha niya si Tyler, pero itinago ni Caroline ang katotohanan.Sumagot si Caroline. “Hindi, Evan. Hindi ito ang oras para dyan. Isipin mo na lang ang pagmamakaawa ko sa iyo.”“Tawagan mo ako kapag nakapagdesisyon ka na,” ibinaba ni
Nagulat si Caroline at sumimangot at nagtanong, “Sinasabi mo ba na baka nalaman na ni Evan ang pagkakakidnap sa mga bata bago ko nalaman?”Tumango si Neil. “Oo. Hahanapin ka ba ni Evan ng limang taon kung wala siyang nararamdaman para sa iyo? Sapagkat hindi siya makamoveon, hindi siya titigil ng ganito ang kapag nakidnap ang mga anak ninyo. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?”Nag-isip si Caorline. Matapos ayusin ang sarili, tinawagan niya si Axel.Mabilis na sumagot si Axel, “Mommy.”Nagtanong si Caroline, “Axel, gusto ko malaman kung wala ba ang ama mo dyan.”Sumagot si Axel. “Hindi ka ba tinawagan ni Daddy?”“Axel, alam mo ba na may masamang nangyari kay Tyler at Lia?” tanong ni Axel.“Oo. Tinulugnan sila ni Daddy.” Sinabi ni Axel ang totoo.Nagtanong si Axel, “Gaano katagal na siyang wala?”Tinignan ni Axel ang orasan at kumpiyansang sinabi. “Tatlong oras. Huwag ka mag-alala, Mommy. Pumunta si Daddy sa sinabi ko na lugar. Siguradong nakita na nila si Ty.”Nakahinga ng maluwag si C
“Anong sinusubukan mo sabihin?” tanong ni Evan gamit ang malalim na boses.Kumagat sa mansanas si Axel at nagtanong, “Mapapapunta ko si Mommy dito.”Ngumiti si Evan. “Anak ka niya. Siguradong pupunta siya kapag sinabi ko.”“Hindi ko itinutukoy ang pagpunta niya dito para sunduin ako. Ang tinutukoy ko ay ikaw.” Kinuwestiyon niya ang talino ng ama niya.“Hindi ko kailangan ng tulong mo para bumisita siya. Sooner or later pupunta siya dito.Matapos sambitin ang mga salitang ito, umakyat ng hagdan si Evan at naguluhan si Tyler sa nabigo niyang plano. Balak niyang tulungan ang nanay niya na ayusin ang problema, pero nasira ang mga plano niya.*Kakabalik lang ni Neil sa Xander Residence noong narinig niya ang galit na boses ni Grayson. “Isang grupo ng walang kuwentang mga tao na hindi man lang mabantayan ang dalawang bata!”Sinubukan pagaanin ni Daniella ang loob niya at sinabi, “Parang-awa mo na, Lolo, kumalma ka. Hindi maganda para sa kalusugan mo ang magalit. Magiging okay ang lahat.”Na
Hininaan ni Axel ang boses niya at sinabi, “Dahil siguro sa hindi tumawag si Mommy.”Tinignan ni Tyler si Evan at kinain ng mabagal ang almusal niya. Naniniwala siyang nararapat ito kay Evan dahil tinanggihan niya ang alok na tulong ni Tyler.Lumapit si Evan sa hapagkainan, dahil siguro sa father-son bond. Tumayo siya sa harap ni Tyler at nagtanong, “Anong solusyon ang tinutukoy mo kagabi?”Tinignan siya ni Tyler. “Hindi ko feel sabihin sa iyo ngayon.”“Hindi mo ba gusto umuwi? Hindi ka ba nag-aalala sa pag-iyak ng kapatid mo?” kuwestiyon ni Evan.Nagreklamo si Tyler sa loob-loob niya. “So alam mo pala na umiiyak ang kapatid ko? Bakit hindi mo pa kami ihatid kung ganoon?”Humarap si Tyler kay Liora. “Namimiss mo ba si Mommy, Lia?”Nag-isip si Liora bago sumagot, “Busy si Mommy. Hindi ko siya gusto istorbohin.Ngumiti si Tyler kay Evan. “Kita mo? Hindi kami nagmamadali.”Kumibot ang mga labi ni Evan, at napaisip kung kanino ng nakuha ng mga bata ang ugali nila. “Kailangan ko ba ipakita
Naramdaman ni Caroline na bumigat ang puso niya ng marinig ang boses ng anak niya. Kahit gaano siya kapagod sa trabaho, nangako siya na uuwi siya para makita ang mga anak niya. Ito ang unang pagkakataon na nawalay siya mula sa kanila.Naluha ang mga mata ni Caroline. “Pasensiya na at hindi ko kayo masundo ni Ty.”“Hindi mo kami iiwan, hindi ba? Busy ka lang hindi ba? At alam mo naman na ligtas kami ni Ty, hindi ba?”Sunod-sunod ang mga tanong ni Lia at sumagot si Caroline, “Bakit ko kayo iiwan? Alam ko na ligtas kayo ni Ty. Kaya ako nanatili sa tabi ni Lily sa ospital kagabi.”May pag-aalala sa boses ni Liora. “Anong nangyari kay Ms. Smith?”Pinigilan ni Caroline na umiyak habang ipinapaliwanag. “Hindi maganda ang pakiramdam ni Lily, kaya kailangan niyang manatili sa ospital ng matagal. Magpakabait ka, Lia. Susunduin ko kayo ni Ty sa oras na tapos na ako. Oh, kasama mo ba si Ty?”Puno ng ingay ang background at sumunod niyang narinig ang boses ni Tyler.“Ako ito, Mommy.”Ngumiti si C