Picture
Avon Jaz looked at me for a moment. She looks really concern and worried at the same time. Hanggang sa dumating na 'yong order namin ay ganoon pa rin ang tingin niya. I forced myself to smile to erase the heaviness I am slowly starting to feel.
Binaba ko ang tingin ko habang suot pa rin ang isang ngiti. "By the way, kailan ka babalik ng Pilipinas?"
Hindi agad nawala ang ganoong tingin niya sa akin. It's becoming extremely awkward. I was about to tell her how awkward her stare was when she turned her eyes away and took a deep breath. Maliit siyang ngumiti habang nasa labas ang tingin. Nagsimula na ako sa pagkain habang pinapakinggan ang sagot niya.
"Don't know, but my tourist visa is about to expire in a week. Of course, I need to go back not exceeding before that," she answered and sipped at her wine. Tumango ako at hindi na iyon dinugtungan. Nagsimula na rin siyang kumain. Akala ko tatahimik na siya kaya lang ay muli siyang nagsalita, "I am and I will always hope for your happiness, Giovanna, remember that. If something happens, kagaya ng sinabi mo kanina, I'll always be here, okay?"
Ilang saglit ko siyang tinitigan. Her deep hazel set of hooded eyes really looks cool. Kahit na contact lens lang iyon, nakakamangha pa ring makita. The natural color of her eyes is actually brown. Her set of eyes is looking directly at my round brown one. Nakasuot na nga ako ng sunglasses pero ramdam ko pa rin ang diretso niyang tingin sa mata ko.
Noong una ko siyang makita, iyon agad ang una kong napansin sa kanya. Her cool eyes. Naisip ko noon na mukha siyang masungit at hindi nga ako nagkamali, talagang masungit nga talaga siya. Naalala ko na lagi siyang napapaaway dahil sa paraan niya ng pagtingin. Funny how we became friends up until now.
"Of course, I know that, Avon Jaz," sagot ko. Humalakhak ako nang nakita ang pagpalit ng iritasyon sa mata niya dahil sa pagbanggit ko sa buo niyang pangalan. I wonder why she hates her name so much. Ang cute nga, e. Sumimsim ako sa wine ko bago muling nagpatuloy, "I'm hoping for your happiness too. Magpakasal ka na! Mas masaya kung may bagong makakalaro si Fiona."
She snorted. "Ha! Mamamatay muna ako bago ako magpakasal. Men are... I don't know. Bakit ko ba kailangang magpakasal, e, kaya ko namang mabuhay nang matagal?"
Hindi ako sumagot pero napahalakhak pa rin dahil sa sinabi niya. Well, it's her choice kung mag-aasawa ba siya o hindi. I am her best friend. My goal is her happiness, and if she's happy being single for forever, then I'll be with her forever. She's my friend after all.
Masayang lumipas ang lunch date ko kasama siya. Ang dami naming naging usapan, kasama na doon 'yong unang beses naming nagkita noong college. Napag-usapan din namin ang isang kaibigan na mukhang ngayon ay masaya na rin sa buhay niya. I don't know. Hindi na kasi namin siya nakakausap.
"Sure ka bang aalis ka na? I still have time, you know," saad ko habang naglalakad kami palabas ng nasabing restaurant.
Hinawi niya ang mahaba niyang buhok bago ako nilingon. "Yeah. I still have class with my students, Van."
I nodded. Lumapit ako sa kanya para yakapin siya nang mahigpit. I'll miss her. "Okay, then. See you when I see you."
Naramdaman ko ang pagtango niya sa balikat ko. "Yeah, of course. Babalik pa rin ako dito 'no. You know I can't live without pinching Fiona's cheeks."
Natatawa akong bumitaw sa kanya. Muli niyang hinawi ang buhok niya habang suot ang isang ngisi. "Text me when you need something, Van, okay? You know, I'll be one text away," pakanta niyang sambit.
Sumabay ang ngisi ko sa halakhak niya. Parehas naming hindi na iyon dinugtungan. Mabilis siyang nagpaalam at sumakay sa loob ng kulay pula niyang sasakyan. Ilang pagpapaalam pa ang ginawa namin bago siya tuluyang nakaalis. Inantay ko munang mawala ang sasakyan niya sa paningin ko bago tumalikod para makaalis na rin. I need to see Fiona.
It took minutes before I finally arrived at Dad's residence. I removed my new sunglass Nova gave to me when I saw something outside my dad's house.
Kumunot ang noo ko nang nakita ang pamilyar na sasakyan ni Jasper sa labas ng bahay ni Daddy. Katabi no'n ay ang pamilyar din na sasakyan nina Ate Ginger. Pinarada ko ang sasakyan ko sa tapat ng kanila bago mabilis na bumaba.
I noticed that the gate was slightly opened. Hindi na ako nag-abalang tawagin pa ang atensyon ni Daddy at mabilis na pumasok sa loob.
Sa garden pa lang, narinig ko na agad ang matinis na pagsigaw ni Fiona. Humalo iyon sa mga pamilyar na tawa. Napahinto ako saglit at muling nilingon ang sasakyang nasa labas. Is he really here?
Naglakad ako hanggang sa nakaabot ako sa pintuan. Naputol ang tawanan nila at sabay-sabay na napalingon sa gawi ko. But my gaze went through them and instead laid its direction straight to him. His prominent, heavy eyes are also looking directly at me. Unti-unting nawala ang ngiti niya at binitawan ang hawak na si Fiona na nakayakap sa kanya. Binaba niya ang tingin sa anak ko at bumulong.
"Giovanna! Saan ka ba nagpupupunta? I kept on texting you pero hindi mo sinasagot!" Hindi ko na nasundan ang bulong ni Jasper kay Fiona dahil sa paglapit sa akin ni Ate Ginger. She kissed my cheeks while holding an empty glass on her left hand. "Kanina pa si Jasper dito. Akala rin daw niya ay nauna ka na dito. Seriously, bakit hindi pa kayo nagsabay?"
Tumawa silang tatlo, kasama 'yong asawa niya, si Jonathan at maging si Daddy, pero ngumiti lang ako at muling binalik ang tingin kay Jasper. I saw him took a deep breath and is heavily looking at me again. I gulped. Mabuti na lang at naramdaman ko ang pagyakap ni Fiona sa binti ko kaya sa kanya ko nabaling ang kinakabahan kong tingin.
"I miss you, Mommy! Sit down. I want to kiss your cheeks," nakangiti niyang saad gamit ang maliit at cute niyang boses.
Ngumiti ako at umupo sa harapan niya gaya ng gusto niyang mangyari. "I miss you too. Come. Kiss mommy's cheeks."
My heart literally jumped when she really did kiss my now flushed cheeks. Oh my god. I swear, she's really making my heart beat faster than normal!
"Sayang. Kung nandito pa sana si Mommy, tiyak na matutuwa 'yon sa dalawa niyang magandang apo." Dinig kong saad ni Ate Ginger mula sa kusina.
Nilingon ko ang direksyon nila saglit bago nakangiti ulit na binalik kay Fiona ang tingin. "Did you already eat?"
Tumango siya habang suot pa rin ang ngiti niya. I noticed that her outfit from yesterday changed. Wala akong maalalang nag-iwan ako ng damit para sa kanya kahapon. Binilhan ba siya ni Daddy ng bagong damit?
"Did daddy lolo buy you a new dress?" tanong ko habang hinahawakan ang pink na dress na nakasuot sa kanya. It just fits perfectly on her small, cute body. "It looks good on you!"
She giggled. "No. Daddy bought this for me, Mommy. I called... I called him earlier and told him that you didn't provide some clothes for me."
Nawala ang ngiti ko at inangat ang tingin kay Jasper. Naabutan kong iniwas niya ang tingin sa amin nang binaling ko ang mata sa kanya. I saw how he gulped while feeling my heavy stares. I know he can see what I am doing from his peripheral vision. But I'm glad he's just letting me be. Para bang hindi siya naaasiwa sa paraan ng pagtingin ko sa kanya.
Ilang saglit ko siyang tinitigan bago binalik ang tingin kay Fiona at tumango.
"Hmm... why bought a dress, though? Marami ka ng dress sa bahay 'diba?" I asked.
Imbes na si Fiona ang sumagot ay ang papalapit kong kapatid ang nagsalita para kay Fiona. Napalingon ako sa kanya at nakitang may dala siyang isang malaking tupperware. Kahit si Jonathan sa likod niya ay bitbit din ang bagay na 'yon. Kumunot ang noo ko at tumayo.
"It's because we're visiting mom, Van. Kaya nga text ako nang text sayo kanina pa," sagot niya at nilingon ang asawa niya na kinakausap si Jasper. Napalingon din tuloy ako sa kanilang dalawa. They seem to talk about something funny. Ang ngitian nila ang ebidensya doon. "It was mom's birthday days ago, 'diba? Nakalimutan mo na ba?"
Umiling ako habang ang mata ko ay nasa nakangiti pa rin niyang mukha. He looks really happy. Just like how he's happy years ago. That smile...
Binalik ko ang tingin kay Ate Ginger at nakangiting umiling. "No. Binisita ko siya noong birthday niya."
"Really? You should have told me! Edi sana sabay natin siyang binisita," wala sa sarili niyang sagot dahil ngayon ay hinahanap ng mata niya si Maddison. "Maddison!"
Hindi ko na sila pinansin at lumapit kay Jasper nang umalis si Jonathan sa tabi niya para ilagay ang mga tupperware na dala nila sa sasakyan. Hindi ko alam kung aling sasakyan ang gagamitin pero siguro kung saan na lang pwede basta kasama ko si Fiona.
"You didn't tell me you'll be visiting dad," pauna ko at umupo sa sofa na nasa tabi niya.
Umusog siya papalapit sa akin kahit na imposible 'yon dahil parehas kaming nasa pang-isahang sofa. Lumunok ako at nilayo ang tingin sa kanya.
"I was planning to prepare a surprise for our wedding anniversary, but yeah... Fiona called," he whispered, causing for his voice to become hoarser and deeper.
Tumango ako at tiningnan ang katawan niya. Iyon lang ang kaya kong tingnan dahil paniguradong mapapasinghap ako 'pag tumama ang mata ko sa malalim niyang mata. Maganda ang mga matang iyon... pero nakakatakot.
"You don't have to, Jasper. Hindi ko rin naman kailangan ng surprise. What I need is you," seryoso kong sagot sa kanya. Of course, with my eyes still wandering around. I know I can't fucking look at him straightly in his eyes. Mamamatay muna ako bago mangyari iyon.
Hindi siya nakasagot at hindi na rin siya nagkaroon ng pagkakataong makasagot dahil mabilis naming narinig ang boses ni Ate Ginger mula sa labas. "Van, Jasper! Tara na. Aalis na tayo!"
Agad akong tumayo at iniwan siya doon. Nakita ko agad sa labas ang maingay na sina Maddison at Fiona. They look extremely happy. Sa likod nila ay si Daddy na masaya silang pinapanood. Si Jonathan naman ay busy sa paglalagay at pag-aayos sa isang malaking van. Mukhang 'yon 'yong gagamitin namin. I'm glad.
"Fiona," mahina kong pagtawag sa anak ko dahilan kung bakit napalingon siya sa akin. Malaki agad siyang ngumiti.
"Mom – Daddy! Daddy!" Nilagpasan niya ako at tumakbo papalapit kay Jasper. Ang nakangiti kong mukha ay sinundan siya ng tingin.
Sinalubong siya ng yakap ni Jasper at mabilis na binuhat. "Hmm... my baby already missed me? Did you miss daddy so much, baby?"
Sabay silang humagikhik. Halos tumalon ang puso ko nang nakita silang dalawa na sabay na ngumingiti. They are... my family.
"Of course I'll always miss you, Daddy! And also mommy. Hi, Mommy!" Kaway ni Fiona habang papalapit sila sa akin.
Maliit akong ngumiti at hindi na sumagot. Binaling ko ang tingin sa harapan. Shit. I already want to go home.
Mabuti na lang at oras na para umalis. Saglit lang daw kami doon. Anong oras na rin kasi. Hapon na. Biglaang-lakad lang din naman kasi 'to. Ang plano lang sana nina Ate Ginger ay bumisita dahil gustong makipaglaro ni Maddison kay Fiona pero dahil nasa bahay na rin daw si Jasper ay pinlano na rin nila ito.
Umupo ako sa malapit na bintana. Konti lang naman kami kaya hindi namin masasakop ng buo 'tong malaking van nina Jonathan. Kaya lang ay mukhang mali yata ako.
Napasinghap ako nang nakitang sumunod sa akin si Jasper habang nasa braso niya ang nakangiti pa ring si Fiona. Kausap ng anak ko si Maddison na sumusunod din kay Jasper sa likod. Gusto ko sana silang pigilan kaya lang ay nakaupo na siya sa tabi ko. Bukod sa ideyang 'yon ay sinakop na rin ng natural niyang bango ang ilong ko. That scent is really manly! I can't...
"There's a lot of space. Why sit here?" mariing bulong ko sa kanya habang iniiwas ang tingin.
Napalingon siya sa akin. Nawala na naman ang ngiti niya siguro dahil sa naging tono ng boses ko. I didn't mean to mix it with an extreme irritation. It just slipped out from my mouth. I am calming myself down, that's why!
Tsk. Bakit ba kasi siya tumabi sa'kin, e.
"Fiona wants to sit beside you, too," simple niyang sagot. Nakita ko ang paglalaro ng dila niya sa pang-ibabang parte ng ngipin niya habang mariing nakatingin sa akin. "If you want, I'll sit somewhere-"
Hinawakan ko ang braso niya at nilingon si Maddison na kausap pa rin ang nakakandong na si Fiona sa binti ni Jasper. Sinenyas ko sa kanya ang pamangkin ko.
"N-no, never mind. You'll disturb their conversation," utal kong pagpuputol at binitawan ang braso niyang hawak ko.
I turned my gaze away from him and chose to wander my eyes around Dad's peaceful neighborhood. Wala naman akong pake sa mga bahay na nandoon pero iyon lang ang paraan para maiiwas ko ang tingin sa kanya at para maikalma na rin ang sarili ko.
But that scent of him really knows how to fucking swallow my nose. That irritates me the most. Damn it!
Narinig ko ang pagngisi niya. Hindi siya nagsalita at mas lalong dumikit sa akin. Lumunok ako at kinagat ang pang-ibabang labi ko. He's teasing me, isn't he?
Sa buong oras ng byahe namin ay tanging sila-sila lang ang magkakausap. Si Daddy ay nasa harap namin at sakop niya ang malawak na upuan doon. Humahalo sa kanila ang mga boses nina Maddison at Fiona. Paminsan-minsan ay sumasali si Jasper pero ako ay tahimik lang talaga sa isang gilid.
Inaantok ako. Hindi ko alam kung bakit pero siguro dahil sa anong oras na rin akong nakatulog kagabi kakaiyak. Kanina pa ako bigat na bigat sa katawan ko. Humikab ako nang wala sa sarili.
"Are you tired? Do you want to sleep?" I heard his deep voice asked in the middle of their conversation.
Mabilis akong napalingon sa kanya na sana pala hindi ko ginawa dahil sa muling pagkakataon ay humikab ako. Nakita ko ang mas lalong paglaki ng ngisi niya nang nakita iyon.
Gosh! Nakakahiya. I know we're married and such, but still! I think I looked gross when I did that.
Umiling ako at binalik ang tingin sa kalsada. "No..."
Hindi siya sumagot pero ramdam ko pa rin ang pagtitig niya sa gilid ng mata ko. Seriously, can he give me a break? Nakakahiya na nga 'yong paghikab ko kanina, e.
Ilang saglit pa ay dahan-dahan niyang iginiya ang ulo ko sa malapad niyang balikat. Gulat kong inangat ang tingin sa kanya pero ngumiti lang siya at mahinang sinuklay ang buhok ko.
"I know you're tired. Rest. Let me be your rest, Van," he whispered before he let my head willingly rest on his broad and wide shoulder.
Mabilis kong nilayo sa kanya ang tingin. I opened my mouth to release the set of breath I didn't know I was suppressing since earlier. Para bang ngayon lang ako muling nakahinga simula nang nandito ako sa loob ng sasakyan.
Inaantok ako pero ayoko pa ring matulog. I'm just... tired. Kahit na ganoon ay nagkunyari akong tulog. I just like our position right now; my head quietly resting on him. Nilalamon ng maingay na pagtibok ng puso ko ang lahat ng usapan nila. The situation right now feels like it's just me and him alone. It feels I'm at my home. My own home...
Dumilat ako nang naramdaman kong huminto ang sasakyan. Hindi ko namalayan na sa pagkukunyari ay talagang nakatulog na nga ako.
Nilibot ko ang tingin sa paligid. Agad sumalubong sa paningin ko ang pamilyar na kalsada kung saan alam kong nakalibing si Mommy. I guess we're already here.
Napalingon ako sa kanan ko nang narinig ang pagpapaumanhin ni Ate Ginger mula sa labas ng sasakyan.
"... Sorry, Jasper. You should have said that Maddison already slept." Dinig kong sambit niya at binuhat ang mahimbing na natutulog na si Maddison. "Kawawa ka naman. Three girls used you as their bed."
Sinabayan ni Jasper ang halakhak ni Ate Ginger at straight na napaupo. "It's okay, Ginger. I guess Maddison was just really tired."
"Napagod kakasalita. Mana kasi siya sa mommy niya," singit ni Jonathan dahilan kung bakit sabay silang humalakhak ni Jasper. They are obviously teasing my sister. Si Ate Ginger naman ay iritadong tinignan ang asawa niya. "'Lina na kayo. Malapit nang mag-gabi. Baka magtampo na si Mom."
Napalingon sa akin si Jasper. Marahil dahil sa sinabi ni Jonathan ay napagtanto niyang gising na ako. Agad na sumalubong sa akin ang pamilyar niyang malaking ngiti. Nasa braso niya ang natutulong na si Fiona. She's sleeping peacefully like a soft feather. She looks really, really calm... and cute.
"I'm sorry. I should have let Maddison made me as her bed," paghingi ko ng paumanhin habang sinusuklay ang nakalugay na buhok ni Fiona gamit ang daliri ko.
"I told you, it's fine. Bigla lang din naman kasi siyang nakatulog sa braso ko." Ngiti niya at naghahanda na sa pagbaba. "Let's go? Baka abutin tayo ng gabi."
Tumango ako at sinenyasan siyang mauna na dahil mas malapit siya sa pinto. Fiona is still on his arms, still sleeping peacefully. Sana pala kinuha ko muna sa kanya ang anak ko bago siya pinababa.
Sinarado ko ang pinto nang nakababa na ako. Kukunin ko sana si Fiona mula sa kanya kaya lang ay naglalakad na si Jasper papalayo sa akin. Ngumiwi ako. Bakit ngayon pa natulog 'tong si Fiona? Ang bigat pa niya naman.
Mabilis akong humabol sa kanila. Nasa unahan namin sina Daddy na patuloy pa rin ang pag-uusap. Nilingon ko si Jasper at nakita kong kinakapa niya ang bulsa ng itim niyang pantalon. He looked at me and pointed his jean's right pocket.
"Can you please get my phone? It vibrated," saad niya na mabilis kong sinunod. Kinuha ko ang phone niya mula sa loob ng pantalon niya, gaya ng utos niya, at inabot sa kanya 'yon nang nailabas ko na. Ngumisi siya at nginuso ang natutulog pa rin na si Fiona sa braso niya. "I can't. My love is on my arms. You can check who texted, though."
Napahinto ako sa paglalakad at tulalang nakatingin sa kanya. Inside the two years being married to him, this will be the first time I'll have the chance to check his phone.
I wonder if it's really okay. Baka mamaya...
Mabilis kong pinindot ang phone niya at binuksan ang mensaheng natanggap niya. It's now or never. Isa pa, may permiso naman ako sa kanyang buksan iyon. I'll just check...
Kumunot ang noo ko habang dahan-dahan ulit na naglalakad, sinusundan ang paghakbang niya sa gilid ng mata ko. Nakita kong nakatayo siya at mukhang inaantay ang paglapit ko sa kanya.
"Who is it?" he asked with his normal deep voice.
I gulped. "Someone... is looking for you. S-she's asking... where you are."
Inangat ko ang tingin sa kanya. Naabutan ko ang unti-unting pagkawala ng ngiti niya habang naglalakad na papalapit sa akin. Suminghap ako at umatras ng isang hakbang. Hindi ko alam kung bakit ko 'yon ginawa. Siguro nagulat lang ako. Siguro ayokong ibigay sa kanya ang personal niyang gamit. Siguro...
"Who?" magkasalubong ang kilay niyang tanong nang nakalapit sa akin.
I turned my eyes away from him. I bit my lower lip as I feel a new batch of tears poking inside my eyes. They are just waiting for a perfect moment to stream like falls again. Just like what it did last night and earlier this morning. That perfect time will be any moment soon.
"S-someone named... Hazel. Hazel's looking for you-"
Naputol ako sa sasabihin ko nang mabilis niyang kinuha 'yong phone niya mula sa kamay ko. He looks alarm and nervous while doing some god-knows-who on his damn, fucking phone.
Naiiyak ko siyang pinanood. Huminga ako nang malalim bago mabilis na kinuha sa braso niya si Fiona. I heard Fiona moaned because of the sudden move I did, but I didn't mind that. Mahigpit ko siyang kinulong sa braso ko habang pinapanood si Jasper na patuloy ang kinakabahang tingin sa phone niya. Ni hindi man lang niya napansin na nakuha ko na si Fiona sa braso niya.
"Why? Is it important?"
Napaangat siya ng tingin sa akin. Hindi na siya mapakali. Huminga siya nang malalim at kinagat ang pang-ibabang labi bago hinalikan si Fiona sa noo nito.
"I'm sorry, but I think I need to attend this first-"
"Is it important?" pag-uulit kong tanong habang mariing nakatingin sa kanya.
His anxious gaze went gone. He's now looking directly into my eyes with a soft gaze. I swiftly smiled. That set of prominent deep eyes looking at me right now is the same exact eyes I land my eyes on when we first met. The reason I got attracted to him. His eyes.
For the nth time, he took a deep breath before looking away. It's like he's tired or something. Para bang gusto niyang dito na lang, sa tabi ko, pero parang wala siyang magagawa. This Hazel here must be his... responsibility.
"It's important, Giovanna," sagot niya kahit na ang tingin ay nasa natutulog na si Fiona. Nakita ko ang pagpikit niya nang mariin bago sinalubong ang nakangiti kong mata sa kanya. Nakita ko kung paano unti-unting nawala ang inis at iritasyon sa mukha niya habang diretso pa ring nakatingin sa mata ko. "You're smiling..."
Huminga ako nang malalim at umatras ng isang hakbang papalayo sa kanya. "You should leave na. You said it's important."
Akala ko hindi siya papayag. Akala ko sasabihin niya na hindi na siya tutuloy. Akala ko lalapit siya ng isang hakbang papalapit sa gawi ko. Pero... nawala ang ngiti ko nang tumango siya at kinapa ang bulsa ng itim niyang pantalon. Mukhang narealize niya kung anong gagawin niya ngayon. Para bang ang presensya ko at ang ginawa kong pagngiti ay nagsilbing distraksyon sa kanya. That there are more important things other than me.
"Yeah. I'll... I'll be back, Van," malalim ang boses niyang saad at ngayon ay bumalik na ulit ang pagkataranta. Mabilis siyang naglakad paalis. Sinundan ko siya ng tingin. Iiyak na sana ako. Hahayaan ko na sana ang mga luhang nagbabadyang bumagsak sa likod ng mata ko. Kaya lang ay umatras ang lahat ng 'yon nang muli siyang naglakad pabalik. Hindi ko siya sinalubong ng kahit anong reaksyon at hinayaan lang siyang halikan ang noo ko. "It's about work, Van, okay? She's... she's just part of our team. She's not-"
"I understand. Sige na. Baka gabihin ka pa ng uwi kung... hindi mo aasikasuhin agad 'yan," saad ko at hindi na inantay pa ang isasagot niya. Mabilis akong tumalikod habang nasa braso ko pa rin ang natutulog na si Fiona. Humigpit ang yakap ko sa kanya nang naramdaman ang pagbagsak ng isang butil ng luha mula sa mata ko. Narinig ko ang mahina niyang pagreact dahil doon. "Hush. Sorry..."
Mabilis kong pinunasan ang sunod-sunod na pagbagsak ng luha ko. I can't cry in front of my family. I just... It feels so embarassing.
Mabuti na lang at nakontrol ko pa rin ang mga luhang 'yon. Nakarating ako sa puntod ni Mommy at nakitang lahat sila ay nakatingin sa akin. Sinalubong agad ako ni Ate Ginger.
"Asan asawa mo? May nakalimutan?" bungad niya habang sinisilip ang natutulog na si Fiona. Mukhang nawala ang atensyon niya sa unang sinabi nang nakita ang anak ko. "Ang cute ni Fiona matulog!"
Thanks to that little compliment of hers to my daughter, the dullness I felt just seconds ago went gone. Maliit akong ngumiti habang patuloy pa rin sa paglalakad.
"Uh, may aasikasuhin daw. Sa trabaho yata. Mukhang importante kaya hinayaan ko na."
Nakita ko ang pagtango niya pero ang tingin ay na kay Fiona pa rin. Hinayaan ko na siya at umupo sa tabi ni Daddy. Gaya ni Ate Ginger ay sinalubong din niya ako ng paghahanap kay Jasper. Sinabi ko naman ang totoong dahilan na alam ko.
That balmy, bright afternoon came out pretty well, like what we've planned. Kahit mainit ay hindi namin iyon ininda. Mom's ashes is placed in a mausoleum kaya hindi kami masyadong natatamaan ng init.
As much as we want to preserve her body, we can't because it's against US rules and laws. Hindi na kasi namin pwedeng dalhin ang katawan niya mula Pilipinas hanggang dito. Hindi rin naman namin pwedeng iwan ang katawan niya sa bansang iyon gayong nandito na kami nakatira lahat sa Florida. Hindi namin siya mabibisita 'pag nagkataon.
Pauwi na kami ngayon ni Fiona sa bahay. She looks tired but a sweet smile is still plastered on her face. Pa'no, pagkagising na pagkagising nakipaglaro agad kay Maddison. Ni hindi man lang nagpahinga. Natawa ako habang pinapakinggan ang sunod-sunod at malalalalim niyang paghinga.
"Mommy, let's visit Daddy Lolo again next time! I had fun sleeping in his huge house," saad niya pagkatapos ay huminga ulit nang malalim.
Natawa ako at sinilip siya sa likod ng sasakyan. "Really? Daddy lolo's house is huge?"
"Yes, Mommy! Sinabihan ko na nga si Daddy Lolo na next time doon tayo titira sa bahay niya. So that he won't be alone," sagot niya, bakas pa rin ang ngiti habang ang tingin ay nasa labas.
Ngumiti lang ako at iniwas na ang tingin sa kanya. Binuksan ko ang ilaw ng sasakyan dahil halos magdidilim na rin. Bago kasi kami umalis sa bahay ni Daddy ay nanlibre pa si Jonathan ng dinner namin. Hindi na ako humindi dahil si Fiona na mismo ang pumilit sa akin. I can't say no to my pretty and cute daughter.
Mabilis kong hininto ang sasakyan nang nakarating kami sa bahay. Kinuha ko ang lahat ng gamit ko bago bumaba para tulungan si Fiona sa likod na tanggalin ang seatbelt niya. Napangisi ako nang nakitang kaya niya na pala gawin iyon mag-isa. Mabilis siyang lumabas at tumakbo papasok sa tahimik naming bahay.
I was about to follow her inside when my phone vibrated. Dahan-dahan kong kinuha 'yon habang naglalakad papalapit kay Fiona. She's waiting for me, not because she wants me near, but because the door's lock. Nakanguso siya habang paulit-ulit akong tinatawag.
Natatawa tuloy ako habang binabasa ang mensahe ng isa sa mga kilala ko dito sa Florida. She's Ate Ginger's sister-in-law but yeah, we're somehow close. She's just too friendly and bubbly. Hindi naman ako nagrereklamo doon. I actually love her attitude.
Andrea Jackson:
Hi, Giovanna! It's been a while since I last saw you. I'm still catching you up through Ginger though. Anyways, is your husband at your home right now? Or is he somewhere near you?
Hindi ko muna iyon sinagot at naglakad papalapit kay Fiona na ngayon ay naiinis na. Nakangisi ako habang piagbubuksan siya ng pinto. Mabilis na bumalik ang ngiti sa labi niya nang nabuksan ko na ang bahay bago nauna sa pagpasok.
Ako:
No, he's in his work. Why?
Wala pang isang minuto ay agad na nagvibrate ang phone ko. Binuksan ko ang mensahe galing kay Andrea. Napahinto ako sa paglalakad habang paulit-ulit na binabasa ang maikli niyang mensahe.
Andrea Jackson:
I saw him earlier with a girl. They entered in a hotel, Giovanna.
Andrea Jackson:
Oh really? Oh, no! I didn't mean to hurt you. I thought you know...
The next text message made my heart crushed into pieces without even a proper warning. Itwas a picture. A dark, gloomy picture.
Napatakip ako sa bibig ko hindi dahil sa sobrang gulat. I did that because I don't want to let out a sob. I can now feel my heavy tears flowing from my eyes. That picture... It fucking hurt me just like that...
RegretHe's holding a girl's hand in the picture. I can't clearly see the woman's face, but I know she's not familiar to me. I never saw this girl before until now.Her platinum brown hair length is much more longer than mine. The tips of her hair is also curled, but I think it was made. Hindi iyon kagaya sa akin na natural. She's tall but not taller as my husband. In this picture, Jasper is clearly taller than her.He's talking to her while he's holding her hand. Kitang-kita ko mula dito sa picture kung paano niya malalim na kinakausap ang babae. The first three buttons of his black blouse were opened. Napalunok ako at mabilis na pinatay ang phone ko.I'm tired of crying, but I guess I have no freaking choice. It's
Library"Giovanna!"Hindi ko pinansin ang galit na boses ni Nova at patuloy na kumain. Sabay silang napatampal sa noo ni Ella. Nahihiya nilang pinabalik-balik ang tingin sa akin at sa mga taong nanonood sa akin.Damn it. Masama na bang kumain ngayon?"V-van, can you please calm down? H-hindi ka naman namin aagawan," mahinhing bulong ni Ella sa akin.Nilingon ko siya at tumigil sa pagnguya. Puno pa rin ang bibig ko ng pagkain. Napangiti siya, siguro nag-aakalang susundin ko siya, pero mas lalo kong nilakasan ang pagkain ko sa harap niya ilang segundo pagkatapos ng mahabang pagtititigan namin. Narinig ko ang mahinang pagmumura ni Nova sa harap namin pero nginitia
NameNakanguso ako habang naglalakad sa likod ng dalawa. I haven't told them what happened. 'Pag sinabi ko sa kanila ay tiyak na puro pang-aasar aabutin ko. Ayokong mapagtawanan dahil sa sariling katangahan."... Ay siya nga pala, Van. Sasama ka ba mamaya?" Napaangat ang nanghihina kong tingin kay Nova. Unti-unting nawala ang ngiti niya at kinunotan ako ng noo nang siguro ay nakita ang lukot konh mukha ngayon. "Oh? Anong nangyari sayo? Para kang nasalanta ng bagyo.""Are you okay, Van?" Si Ella gamit ang nag-aalalang boses.Huminga ako nang malalim at binilisan ang paglalakad para pumagitna sila. Sabay kong sinukbit ang kamay ko sa braso nilang dalawa. Parehas ko silang nginitian.
DateThe little group dinner went just fine. I'm glad that these two girls with us are bubbly and look so friendly. Sila lagi ang nag-iinitiate ng usapan. Sumasali kaming tatlo minsan sa kanilang lahat pero sa aming limang babae, ako na yata ang pinaka tahimik sa kanila. I just feel like someone's watching me. Well, someone's indeed watching me. At hindi man lang siya naaasiwa!I fixed my tied hair. We're here inside the bar's huge bathroom. Minutes from now, I would finally be able to go home and rest. Isang oras na lang din ay roll call na.Well, siguro naman ay mabilis lang ang gagawing pagpili ng mga lalaking 'yon. I found out that three of them share the same school as ours. Unfortunately, that guy who keeps on staring at me is one of them. 'Yong dalawang babae nama
RestroomI woke up the next day feeling heavy and tired. Ang sinag ng araw ang gumising sa akin. Well, lagi naman. Hindi naman maingay ang kwarto ko at kung may mag-iingay man, 'yong mga walang hiya ko lang na kaibigan ang mga 'yon.Bumangon ako at agad na tinali ang magulo pang buhok. Napalingon ako sa gilid ko at nakita ang nakangiting si Venice sa akin. Kakaligo niya lang. Halata 'yon sa pagkakatapis ng tuwalya niya sa basa niyang buhok. She's putting some white cream on her non-make up face."Good morning!" masaya niyang bati.Awkward ko siyang nginitian bago mabilis na iniwas ang tingin. "G-good morning..."Nagmamadali akong umalis sa kama ko. After what h
SickHindi ko alam kung paano ko siya kakausapin matapos ko siyang makita sa loob ng restroom kanina kasama si Jasper. She's also aloof, using her phone and seems not to mind my awkward gazes to her.Kakauwi ko lang kahit na kanina pa natapos ang klase ko. Pagkatapos umalis ni Jasper ay ilang minuto pa akong natulala sa direksyon kung saan ko siya huling nakita. He just casually walked away like nothing happened. Like he hadn't said any serious matter to me.Or did he really said something? Am I not hallucinating?Bumalik ako sa main building ng campus nang tinawagan ako ni Nova kanina. Hinatid namin si Ella dahil birthday ng mommy niya bukas. Doon daw siya matutulog sa kanila ngayon. May permit naman siya galing sa
FoundationMaingay at magulo ang main college building ng university namin ngayon. Bystanders, booths, and loud noise fill up the whole grounds. I bet even people from outside our university can hear our chaotic noise.This will be the first time I am joining today's foundation. Hindi ko alam na ganito pala kagulo magsaya ang mga estudyante ng university namin tuwing annual foundation. Hindi ako sanay pero sa tingin ko ay masaya naman.Hindi ko na napasalamatan pa si Lucas sa mga sumunod na araw pagkatapos niya akong bigyan ng gamot. Because of this celebration, he became busy since then. He's part of some clubs, I don't know which club he's at, but yeah, I heard from some blockmates that he's really part of a particular club. Seems like they were preparing for something that time.Ang dalawa kong kaibigan, sina Ella at Nova, ay may kani-kaniyang club din. Ella's at Math club and Nova is in dance clu
Booth"You have a good voice," pagpuri ko sa kanya nang natapos siya sa pagkanta.Ngumiti lang siya at hindi na iyon dinugtungan pa. Binalik niya ang atensyon sa gitara niya. Nakangiti lang ako habang pinapanood siya. Ilang saglit pa ay inangat niya ang tingin sa akin."Will you watch me perform later?" he asked while wearing that now familiar smile. Hindi ko alam kung dahil ba sa kakakanta niya lang, pero narinig ko ang malambing na tono sa boses niya nang tinanong iyon."I don't know. Hindi na ako lumalabas ng gabi kasi baka sipunin na naman ako," sagot ko kahit na ayos lang naman sa akin kung mangyayari nga iyon. Siguro ayoko lang ulit maramdaman 'yong pagwawala ng kalamnan ko kagaya ng pagwawala no'n noong pinapanood ko siyang kumanta kanina. That took seconds before I calmed it down."Oh, right..." Narinig ko ang mahina niyang bulong. "Noong lumabas kayo ng kai