Share

The Wife's Affliction
The Wife's Affliction
Author: Luna

Simula

Thalia Athena Adams

Marahan kong ibinaba ang hawak na telepono. Katatapos ko lang makipagusap sa isa sa aking kliyente. Masyadong nakakapagod ang araw na ito para sa akin. But still, I choose to just rest my back and close my eyes to take a short nap. Deserve ko siguro ang magpalamig bukas since off ko. Sakto naman na tumawag si Alianna sa akin—my best friend.

"I'm free tonight, Ali. Game ka ba?" bungad ko agad bago pa man siya makapagsalita.

"Aba shempre! Pag-aya mo lang ang hinihintay ko gaga, ano saan naman tayo?"

"Sa Monzeal tayo, may bagong bukas na resort doon perfect for two days."

"Asus! Baka lang naman kasi gusto mong may silayan na barista sa isa sa mga bar sa Monzeal, baristang owner," natawa ako sa sinabi niya.

"Shempre kasama na 'yon doon, saka hayaan mo na ako, iyon na lang ang paraan ko para masilayan siya."

"Sus! Twenty-four ka na girl. Move on ka na d'yan kay Alas please lang! Marami naman d'yang iba, huwag na sa lalaking kapatid mo ang mahal," napasimangot ako pero tama naman siya e. I've been in love with Alas since we were young. Pareho kaming lumaki sa bahay ampunan. Ang pinagkaiba lamang naming dalawa, may pamilya pa siya na nahanap siya at ako wala, and he's a damn billionaire!

Habang ako naman, may mag-asawa na umampon sa akin which makes me an adopted child. At kahit kailan naman hindi ako itinuring na kapatid ng ate ko. Malamig ang trato niya sa akin at hindi rin ganoon kaayos ang turing sa akin ni Papa. Si mama lang iyong nag-alaga sa akin at nagparamdam ng pagmamahal ngunit maaga siyang kinuha ni Lord. Si mama lang din naman ang dahilan kung bakit pumayag si papa na ampunin ako but he's clearly against the idea of having an adopted child.

Ilang taon matapos akong ampunin nila mama ay nalaman kong matalik pala nilang kaibigan ang pamilya ni Alas, nagkita kami muli—but the Alas that I've been with is a changed person when we met again. Hindi na niya ako kailanman pinansin, hindi na siya nakikipaglaro sa akin. He becomes distant, na kahit abot tanaw ko siya he becomes unreachable.

Tanging si ate lang ang kinakausap niya 'pag nasa bahay kami habang ako ay para na lamang hangin. He never saw me again, I became invisible, as if I had never existed. Just my sister. Sobra akong nasaktan noon, at dumoble pa iyon ng mawala si mama na nagiisang kakampi ko rito sa mundo. Pero kahit ganoon hindi ko kailanman pinakita sa kanila na apektado ko. I mastered it. To be okay even if I'm not. Ang ngumiti kahit ang totoo gusto ko nang umiyak. Ang itago ang sakit kahit ang totoo, gusto ko na lang hilingin na mawala so the pain will stop.

Mabuti na lang din andito si Ali. She came with a torch in her hand, na kahit paano may liwanag pa rin akong nakikita. Na mas pinili kong magpatuloy kaysa sumuko. She's the only friend I have.

"Seryoso beb, you should stop na. Ikakasal na sila ng kapatid mo. You should move on. At hindi mo 'yon magagawa kung parati mo siyang gustong makita," easier said than done. Madaling sabihin ang dapat pero sa totoo lang, napakahirap gawin. Alas became part of my system na kahit masakit, na kahit harap-harapan na nakikita ko silang masaya ni ate, na nakikita kong mahal na mahal niya ito ay mahal na mahal ko pa rin s'ya. Andito pa rin ako at pinanonood sila.

Hindi ko tuloy maiwasang maalala noong mga bata pa kami. Alas once this soft little boy who always cares for me.

"Alas, paano kung mahanap ka na ng parents mo? Iiwan mo na ba ako?" malungkot kong tiningala si Alas na abala sa pag-ihip ng soup. I was sick. Naulanan kasi kami sa paglalaro kahapon. Nasobrahan ako sa kakatampisaw sa ulan kaya nagkasakit ako kinabukasan. Alas volunteered to take care of me, since ako lang ang ka-close niya rito at hindi siya masyadong nakikipag laro sa ibang bata.

Bahagya siyang natigilan sa tanong ko, at malamyos akong tinitigan.

"I will go with them because they're my parents, pero madalas kita ritong dadalawin at maglalaro pa rin tayo," medyo nalungkot ako. Gusto ko kasi lagi na lang siyang kasama. I never craved that kind of feeling, not until he came. No one had ever cared for me. I was alone and lonely. Kaya noong dumating siya sa kaniya ko naramdaman lahat ng kulang sa akin. Lahat ng mga pakiramdam na kailanman hindi ko naranasang maramdaman mula sa ibang tao o sa magulang ko. Ang alagaan, ang maging masaya, tumawa, at 'yong pakiramdam na may kasama ka at kakampi ka.

"Pwede mo ba sabihin sa parents mo kapag nahanap ka nila, na ampunin na lang ako? Promise magiging mabait naman ako Alas, huwag mo lang akong iwan." muli siyang natigilan bago siya umiling. Naluha na ako kaya nataranta na siya.

"Hey! Don't cry." mabilis niyang pinunasan ang mga luha ko at kaagad akong niyakap.

"Ayoko maiwan, sasama na lang ako sa 'yo Alas. Sige na." He tried to stop me from crying, ngunit mas lalo lang akong naiyak hanggang sa unti-unti akong makatulog. Hindi naulit ang paguusap namin tungkol doon, at mas sinulit namin bawat araw na magkasama kami hanggang sa dumating ang kinakatakutan ko.

"Sister Fe! Nakita niyo po ba si Alas?" pupungas-pungas na tanong ko at kinukusot ang dalawa kong mata. Kagigising ko lang at hinahanap ko na agad si Alas dahil sabay kami magalmusal. Nauna na 'yong ibang bata ngunit wala siya roon kaya agad akong dumeretso kay Sister Fe.

Nakita ko ang bahagyang pamumutla ni sister kaya inosente ko siyang tinitigan.

"B-Bakit po?"

"A-Ano kasi anak, si Alas kasi. . ." bago pa niya matapos ay nakita ko si Alas na lumabas sa kabilang parte ng bahay-ampunan kung nasaan kami. Ngunit ang mas kinagulat ko'y may maganda, maputi at halatang mayamang babae ang hawak siya sa palapulsuhan habang kausap si Sister Elise.

"Alas?" hindi ko narinig ang sariling boses ng bigkasin ang pangalan ni Alas. May kung anong kaba akong naramdaman. Kaagad akong tumakbo para habulin sila. Masyadong malayo ang iikutan ko kaya ng makapunta ako sa kabila ay wala na sila roon at nakita ko na lang sila na papalabas na ng gate. Mabilis akong tumakbo pasunod sa kanila kahit na dinig na dinig ko ang pagtawag sa akin nila Sister. The woman opens the door of her car, and signals Alas to ride in.

"A-Alas! Alas sandali!" umiiyak akong tumakbo palapit. Nadapa pa ako at naramdaman ang sakit ng mga sugat na natamo pero bumangon ako para mas makalapit. Alas glances at me at namilog ang mata niya nang makita ako.

"Athena!"

"Alas 'wag mo 'ko iwan," kumapit ako sa damit niya habang umiiyak. Tumingin ako sa mommy niya na walang emosyon na nakatingin sa amin. Sumulyap din sa kaniya si Alas bago alanganin na binaling ang tingin pabalik sa akin at hinawakan ako sa dalawa kong balikat.

"Athena, listen. Babalik ako, maglalaro ulit tayo. Uuwi lang ako sa amin. Pero bibisita ako sa 'yo," umiling iling ako at mas lalong napaiyak. Halos ipadyak ko pa ang mga paa ko at halos hindi na alam kung ano ang gagawin.

"Huwag mo 'ko iwan, gusto ko sumama, sama ako sa 'yo Alas. Gusto ko kasama ka lagi, ayoko na rito, sasama ako, isama mo ako."

"Alas, let's go. Your dad and brother is waiting, son." Nagpalit palit ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"M-mom..." umiling ang mommy niya.

Matamlay na lumingon sa akin si Alas at marahan akong niyakap bago siya tuluyang sumakay sa kotse nila.

"Alas?. . .  Alas!" sinubukan ko pang humabol ngunit mas mabilis ang kotse kaysa sa akin kaya muli akong nadapa. Dinaluhan na ako ni Sister Fe. Ngunit patuloy ako sa pagtawag kay Alas habang umiiyak. Masakit ang mga sugat na natamo ko pero mas masakit na umalis na ang kaisa-isang taong nagparamdam sa akin na may pamilya ako.

Alas is like a family to me. He is my home. Always.

That day, the same day he left. Sister Fe handed me a letter. And it's from Alas. Maiksi lamang ang nakasulat doon pero pinanghawakan ko.

"Babalik ako para sa 'yo, Athena. I won't forget you. Wait for me."

And yes, I waited. Palagi akong maghihintay sa kaniya. Kahit hindi na siya kailanman bumalik. Kahit hindi na niya ako pinansin o kinausap pa. At ngayon ikakasal na siya. I am always here waiting for him, hinihintay na tuparin niya ang pangako niya na babalikan ako, kahit impossible nang mangyari.

____

Pumunta kami ni Ali sa Monzeal, kinahapunan. Mabuti na lang may business trip si Papa at si Ate ay shift niya ngayon sa St. Luisita Hospital. She's a nurse, and panggabi siya ngayon. Kapag mga ganito ay nagiging malaya ako na umalis. Mahigpit si Papa sa akin kaya takot akong gumawa ng mga bagay-bagay. Noong nag-aaral pa lang ako ay school-bahay lang ako, iyon din ang dahilan kung bakit wala akong ibang kaibigan.

Tulad ng dati, daraan muna kami sa Monzeal Bar para silayan si Alas. Past time niya ang maging barista rito tuwing gabi. At hindi ako nagkamali na naroroon siya. He's wearing a black button-down long sleeve na nakatupi sa kaniyang siko habang nakapuyod sa tuktok ang may kahabaan niyang buhok. May kausap siya habang nag m-mix ng alak at natitiyak kong isa 'yon sa kaibigan niya. Ali ordered a juice for me, habang sa kaniya ay nag-order ng kiss in paradise. Nanatili ako sa 'di kalayuang parte at nakontento na lang na tanawin si Alas. Iyon lang naman ang kaya kong gawin. Hindi ko kayang magpakita sa kaniya.

"Hay naku, kahit kailan talaga ang pag-ibig walang nadudulot na mabuti sa tao. Puro sakit lang."

"Hindi naman, masaya rin."

"Maging tanga oo, masaya."

"He's happy."

"Natural beb, ikakasal na 'yan sa mahal niya."

"Natutuwa ako na lumaki siyang matinong lalaki. He's a one-woman man and I've witnessed that." wala akong kailanman na nabalitaan na nangbabae siya. He's loyal to my sister.

"Beb, paano ka pa nakakangiti, kahit alam naman natin na sobrang nasasaktan ka na?"

"That's the only thing I can do when my eyes can't cry," narinig ko ang pagsinghap niya at pagiling-iling. I do not want to burden her. Siya na lang ang nagiisang kaibigan ko. Ayokong problemahin niya pa ang sakit na nararamdaman ko. Napaayos ako ng upo at napaiwas ng tingin nang aksidenteng mapunta sa direksyon ko ang tingin ni Alas. Mabilis lang iyon kaya nagkaroon na ako ulit ng pagkakataon na masulyapan siya.

Akala ko, makakapag spend kami ni Ali ng dalawang araw sa Monzeal resort, ngunit nakatanggap ako ng tawag kay papa kinabukasan. May announcement daw si Ate at pupunta rin ang family ni Alas for lunch.

Umuwi ako umagang-umaga at halos umungot pa si Ali dahil sa hangover at antok pero inabala ko na agad siya. Pagkauwi sa bahay ay expected ko na na sesermunan ako ni papa pero abala ito sa pagpapahanda kaya hindi na niya ako napansin. Ano naman kayang announcement ni Ate? Ikakasal na sila ni Alas sa susunod na linggo.

Hinayaan ko na lang dahil malalaman ko rin naman mamaya. Nag shower lang ako at nagsuot ng plain blue dress na abot sa sakong. Sleeveless ito at komportable. Pinuyod ko lang ang mahaba kong buhok at hinayaang walang kahit anong bahid ng cosmetics ang mukha. I was pale. Kita ang mga freckles ko sa mukha dahil sa kutis ko. Aware ako na banyaga ang magulang ko dahil hindi mukhang Pinay ang itsura ko. I looks are pure American and my eyes are blue. Like the ocean. Kulay blonde ang buhok ko at hindi itim. Matangkad din ako sa ibang babae.

"Miss Thalia? Pinabababa na po kayo ni Sir Fredo," kaagad akong sumunod kay Ate Mildred pababa. Naabutan ko si Ate na nakaupo na at halos mahigit ko ang sariling hininga nang makitang naroroon na ang pamilya Hidalgo. Alas and his younger brother—Alestair was there. Kaedad ko lang si Ales, habang si Alas ang kaedad ni Ate. Compared to Alas, si Ales 'yong may pagka chick boy at paiba-iba ng girlfriend. He looked bored when his eyes shifted to me.

Samantalang si Alas ay parang dumaan lang ang tingin sa akin at tinuon na ulit kay ate na kausap niya. Bumati ako sa parents ni Alas pero tanging dad niya lang ang bahagyang ngumiti sa akin. His mother, on the other hand, just looked at me and that's it.

"So before we start our dinner, can we hear na what this good news my daughter-in-law was talking about?" ate chuckled. My eyes shifted to her as she cleared her throat. Naluluha pa siya habang nakangiti at pinasadahan ang lahat ng tingin pwera sa akin.

I was completely an outcast, na parang gusto ko na lang lumubog doon.

"Balak ko sana after wedding na lang pero hindi ko na talaga kayang itago. Pa, Mommy Alex, Daddy Ace, Ales, and love—Alas. I'm. . . I'm pregnant." Alas' mom gasped. Si papa ay naluha, si tito Ace ay biglang napa "yes" habang si Alas ay namimilog ang matang napatitig kay Ate. Tila pinoproseso pa rin ang narinig.

I was left speechless. Kumikirot ang puso ko at tila parang gusto ko na lang umalis doon, tumakbo o magpakalayo layo just to ease the pain. It was too much, but why couldn't I? Kasi ayokong sirain ang masayang sandali nila. I chose to smile to show that I was also happy for them, kahit hindi nila ako napapansin.

"F-Fuck, i-is that true?"

"Yes, love!"

"Fuck yes! Yes! Dad! I'm going to be a dad! Mom!" sobrang saya ni Alas na halos napatayo na siya at binuhat pa si ate. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng ingit. Yumuko ako at nilunok ang naramdamang bara sa lalamunan. Gustong gusto ko nang umalis pero hindi ko magawa.

Napansin ko ang tingin sa akin ni Ales pero nginitian ko lamang siya at binaba na ulit ang tingin. Natapos ang lunch na iyon na lahat masaya pwera sa akin na nagpapanggap lang.

Why does love have to hurt this way?

Umalis ako sa bahay that day, right after the Hidalgos left. Gusto ko munang lumayo kasi ayokong makasira ng masayang araw. I wanted to hide my misery. Ayokong idamay sila sa sakit na nararamdaman ko. But Ate found me.

"Thalia."

"Ate, bakit ka nandito?"

"I know you love Alas," nanlaki ang mata ko ngunit nanatiling walang emosyon ang mga mata niya.

"D-Dati 'yon ate, ikakasal na kayo."

"I know, and I just want to say I'm sorry. Mahal ko si Alas."

"O-okay lang ate, ikaw ang mahal niya."

"I want to be good at you. I want us to start again, like we're real sisters. I know hindi ako kailanman naging mabuti sa 'yo, and I'm very sorry for that, Thalia." tumitig ako sa kaniya. She came closer and held my hands.

"Will you let me? Simula tayo ulit, let's bond together. Hayaan mo si Papa, I'm sure mahal ka rin noon, hindi lang niya mapakita." naiiyak akong napatango. She invited me to roam around, pupunta raw kami sa salon at sa spa, tapos kakain at mag s-shopping—libre niya na gustong gusto ko na gawin namin. Masaya akong sumakay sa kotse n'ya. We were talking about things. Tinatanong niya ako about sa work ko.

Masasabi kong the best ang araw na 'yon, ngunit hindi ko alam. . . That day would be the beginning of my nightmare. Habang masaya kaming nag k-kwentuhan, bigla na lang may kung anong bumangga sa likuran namin and too late for us to realize what is it ng tumilapon na ang sinasakyan namin at lumikha ng nakakarinding ingay. My head spun as I felt a searing pain. Nanlabo ang mga mata ko. Wala na akong ibang maalala pagkatapos noon. I was awakened in the midst of chaos. Maingay, tila nagkakagulo, ganoon din ang tibok ng puso ko.

"Francia anak!" I could hear Papa's voice, but it was too vague. Kahit paningin ko'y masyadong malabo. I can hear cries, and I can hear Alas. But they're in the distance. I feel alone in where I am.

At nang tuluyan akong magkaroon ng malay, isang masakit na balitang dadalhin ko habang buhay ang sumalubong sa akin.

Ate's dead together with their baby.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status