"What?! Is that true?!"
She was shocked. I smiled at her weakly. Matapos akong kausapin ni Alas tungkol sa pakay niya ay kaagad ako nitong pinaimpake ng gamit. Kahit paano umaasa ako noon na hintayin niya at sabay na kaming umalis ay bigo ako dahil sa huli, ipinasundo niya ako sa driver ng mommy niya para ihatid sa bahay niya.
Noong makarating naman sa bahay niya ay tanging maid niya lamang ang sumalubong sa akin at naghatid sa magiging kwarto ko; Alas' room. Halos pigain naman ang puso ko ng makita ang mga larawan nila ni ate sa kwarto, maging ang isang malaking portrait painting ng mukha ni Ate. Hindi ko alam kung makakaya ko bang tagalan na manatili roon dahil sa nasaksihan. Kung pwede lang na sa ibang kwarto o sa guest room na lang ako matulog ay gagawin ko, pero natatakot akong baka bigla na lang magalit si Alas.
"At pumayag ka naman?"
"Out of gratitude and. . . and I feel responsible for my sister's death, pati na rin sa pamangkin ko." napamasahe siya sa kaniyang sentido dahil sa sinabi ko.
"Responsible for their death? If you died too, does that make you still responsible for it? Aksidente ang nangyari, wala ka namang ginawang kung ano para mamatay ang ate mo kaya paanong ikaw ang magiging responsible roon?" hindi ako nakapagsalita. Alam ko naman. Wala naman talaga akong kasalanan. But based on papa's reaction and Alas' treatment, I feel like they're silently blaming me. . . kahit ang mommy ni Alas ay iyon ang nakikita ko sa mga mata.
"You still have time to leave Thena. I can help you, may work ka naman e." I laughed. Work. It wasn't the work itself that I shouldn't be proud of. I am a sales representative. I have a background in finance but dropped out. Hindi ko natapos ang course ko dahil marami akong bagsak. Walang choice, kundi ang huminto. Mama told me to shift and take other courses na para sa akin ay madali pero hindi na pumayag si Papa dahil masasayang lang daw ang ibabayad sa tuition ko, gayong nursing student si ate. Hindi sa minamaliit ko ang trabaho ko at ang mga katulad kong sales representative, I was actually not proud of being a dropped out and not a title degree holder. I don't have a diploma. Nakapag college lang ako pero hindi ako graduate.
Hindi naman kasi ako kasing talino ni ate. Hindi ko kinaya ang course na kinuha ko.
"Hindi na... tatanggapin ko na lang." ayoko umalis. I don't want to disappoint Alas. Ewan ko, tanga nga talaga siguro ako. At the same time, natatakot akong mag-isa. Natatakot akong umalis. Kahit paano, I want to stay with Alas. I wanted to take care of him, because that was what I'd promised to Ate. Hindi ko alam kung bakit at paano, but I saw a letter on my Ate's book, noong nilinis ko ang kwarto niya sa bahay.
It was a letter for me. Hindi ko pa makalimutan ang laman noon at hindi ko akalain na para iyon sa akin.
To: Thalia Athena
You weren't my real sister. Not even blood related, and I admit, I don't like the idea of having a sister that isn't even related to us. Masyadong makulit si mama noon at ako naman hindi maiwasang magreklamo pero wala rin akong nagawa kundi hayaan silang magdesisyon.
When you first came, I wanted to hate you. No, I hated you. Kasi napunta na sa 'yo ang buong attention ni mama. Gusto kita awayin pero kapag susubukan ko nang magmaldita sa 'yo, napapatigil ako dahil sa mga mata mo. Kapag kasi titingnan kita, parang konting pitik lang sa 'yo, konting pagtaas ng boses sa 'yo ay iiyak ka na. That's what I can see in your eyes. You're too vulnerable, lonely and empty. Dahil doon mas pinili ko na lang na huwag ka na lang pansinin at maging malamig ang trato sa 'yo. Somehow, naaawa rin ako sa 'yo.
I met Alas. Pansin ko na noon pa mang dumating ka at pumunta sila sa bahay, iba na ang tingin mo sa kaniya. Nagka crush din ako kay Alas. Ayoko sana noong una dahil ramdam ko talaga na gusto mo siya, pero hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko sa pagkahulog sa kaniya lalo na noong magtapat siya sa akin. I want to step down and let you be close to him. Halos gusto na nga kitang hilahin at ipagtulakan kay Alas pero hindi ko nagawa. I'm really sorry. Alam ko nasaktan kita ng sobra dahil doon. Pero mahal na mahal ko talaga si Alas, Athena.
Halos gabi-gabi akong nilalamon ng konsensya ko, noong mga panahong kami ni Alas, kakaisip sa 'yo at sa maaaring nararamdaman mo, at mas lalo akong naiinis at nilalamon ng guilt kapag nakikita kitang ngumingiti pa rin o tumatawa kahit alam kong nasasaktan ka na. Binabati mo pa ako at napakabait mo pa rin sa akin sa kabila ng lahat at hindi ko 'yon matanggap. Gusto kong awayin ka para mailabas mo sa akin ang nararamdaman mo pero hindi ko kaya.
Hindi ko akalain na makakaramdam ako ng ganitong pagmamahal para sa 'yo. Minahal na kita bilang tunay kong kapatid. At kung mayroon mang isang tao na gusto kong magmahal at magalaga kay Alas. I want it to be you. Only you. Una mo siyang nagustuhan. Una mo siyang minahal. Nasaktan kita ng sobra pero ayos lang ba sa 'yo na hilingin ko 'yon?
Athena, please... if ever na mawala ako, ipangako mo sa akin, aalagaan at mamahalin mo si Alas.
I promised her I'll do it. Hindi ko siya maintindihan sa parte na 'yon pero nang makita ko ang isang envelop sa mga gamit niya na halatang pinakatatago niya no'n ko naintindihan kung bakit. Kung hindi kami na-aksidente, mawawala pa rin siya sa amin. Ate's has a heart disease and it's too severe; hindi na magagamot pa. Akala ko noon she only has an asthma. Madalas siyang atakehin, pero hindi ko alam na iba na pala 'yon.
"Are you serious? Dahil ba sa mahal mo siya? For God's sake, Thena." halata ang frustration sa mukha niya at panggigigil sa akin pero hindi ko babawiin ang sinabi ko. Aalagaan ko si Alas at mamahalin habang asawa niya ako. Ibibigay ko ang gusto niya. Ang mahalaga, ano man ang mangyari, alam kong hindi ako nagkulang.
"I am serious, Ali. Gagawin ko 'to for ate and for me na rin. Gusto ko, kasi gusto kong alagaan siya. I will help him heal. Balang araw, magiging okay din siya." sana. At sana ganoon din ako.
"Ang tigas talaga ng ulo mo. Sige, bahala ka. Basta andito lang naman ako for you. Kahit tutol ako dyan sa desisyon mo." ngumiti ako at niyakap siya. Alam ko naman na hindi madali ang desisyon ko pero hindi ko naman kayang hindi tumuloy. Noong una'y hindi ko naman planong maging asawa niya, kahit kaibigan na lang basta magawa ko siyang alagaan at mahalin ay okay na. Pero ngayon na nagkaroon ako ng chance, I will grab it.
Umuwi ako sa bahay ni Alas pagkagaling sa condo unit ni Ali. Naabutan ko ang kotse nito sa garahe kaya alam kong nakauwi na siya. Pagkapasok ko'y naabutan ko siyang paakyat sa second floor, kaya naman dumeretso ako sa kusina para maluto ng dinner namin.
"Hija, nakabalik ka na pala." napatingin ako sa nagsalita at nakita si Nana Isang. Siya ang nangangalaga ng bahay kapag wala si Alas. Sa pagkakaalam ko siya ang nagalaga kay Alas noon kaya naman kinuha siya ni Alas upang mangalaga rito sa bahay niya.
"Opo, ah. . . Mag p-presenta po sana akong magluto ng hapunan." ngumiti siya sa akin.
"Talaga? Para ba 'yan kay Alas?"
"O-Opo sana. . ."
"Mahal mo ang alaga ko ano? Napakaswerte naman niya sa mapapangasawa. Mahal na mahal siya."
"Mahal na mahal ko po siya pero hindi po siya maswerte sa akin." umiwas ako sa kaniya ng tingin at kumuha na ng mga sangkap sa iluluto ko. Sa susunod na Webes ang kasal namin ni Alas. Bilang na lang ang araw at masyado na niya nang minamadali sa hindi ko malamang dahilan.
Nang matapos ay tinulungan na ako ni Nana Isang na magprepara ng hapunan. Pagkatapos ay alangan pa akng tumungo sa kwarto ni Alas upang tawagin ito. Kakatok pa lang sana ako ng bumukas na ang pinto ng kwarto nito at bumulaga sa akin si Alas na nakasuot pang-alis. Itinutupi niya ang sleeve ng suot hanggang siko ng mapatingin siya sa akin.
"What?"
"Nagluto ako ng hapunan—" gusto ko pa sanang dugtungan, umaasang sasabay pa rin siya kahit halatang may importante siyang lakad.
"Hindi ako kumakain ng luto ng iba unless it was Nanang and Cin's." parang may kung anong pumiga sa puso ko dahil sa sinabi niya ngunit pinili kong ngumiti.
"G-Ganoon ba? Pasensya na."
"Nanang's here, don't bother yourself doing things. Focus on the deal instead. Bukas ipapadala ko rito ang susuotin mo for the wedding. Hindi ako rito ngayon matutulog and I won't tell you what am I going to do and where I am going. You don't have to know my whereabouts." tuloy-tuloy na sabi niya tila walang balak na pagsalitain ako. Natapos niya iyon, kasabay ng pagkakatapos niyang tupiin ang kaniyang sleeve, hindi na rin niya ako tiningnan pa at mabilis nang naglakad pababa. The next thing I knew was his voice, calling out to Nana Isang.
Napatitig na lang ako sa papalayong bulto ni Alas hanggang sa tuluyan na itong makalabas ng bahay. I was left standing in the same spot. Tila napako na lang sa kinatatayuan. He clearly doesn't want to talk to me. Minsan iniisip ko kung nakikilala pa ba niya ako? O tuluyan na niya akong nakalimutan at nawala sa alaala niya.
Mabigat ang loob na sinabayan ko si Nana Isang na kumain.
"Mabuting bata si Alas." napatingin ako kay Nana Isang nang magsalita siya. Nakatitig na pala ito sa akin.
"Tahimik lang siya. Kahit ngayon ay nadala niya ang ugaling iyon. Mahirap siyang intindihin. At masikreto. Kabaliktaran siya ni Alestair na pasaway at barumbado. Kaya pasensya ka na hija, sana'y maintindihan mo na may pinagdadaanan ang mapapangasawa mo." alam kong alam ni Nana Isang ang sitwasyon namin ni Alas. Alam ko rin na alam niya na si Ate dapat ang mapapangasawa nito.
"Naiintindihan ko po," palagi ko siyang iintindihin.
"Sana balang araw magawa niya ulit maging masaya. Sana'y maging masaya na rin kayong dalawa."
"Iyan din po ang dasal ko Nanang." palagi.
Hindi nga umuwi si Alas ng gabing iyon. Kinabukasan ay wala ring Alas na nagpakita sa akin. May dumating lang na kahon at nang buksan ko 'yon ay isa 'yong wedding dress. Napangiti ako kahit sa loob-loob ko'y nakaramdam ako ng kirot. Ikakasal ako, pero hindi mangyayari ang dream wedding ko.
Isang beses ko lang mararanasan ang ikasal pero eto at hindi ko man lang mararanasan ang pinapangarap ko. Pero okay lang, si Alas naman ang groom. Ang mahalaga naman doon maranasan ko ang maikasal.
Matapos i-check ang damit ay pumasok na rin ako sa trabaho ko. Medyo konti ang pumupuntang customer sa branch namin dahil sa iba pang kakompetinsya na katapat lang namin at katabi. Hindi ito ang unang beses na matumal ang sales namin, naging madalas ito ng dumami na ang mga kakompitensya.
"Thalia..." napalingon ako sa manager namin.
"Ma'am?"
"Pakiasikaso muna 'yong isa nating customer, nautusan ko kasi si Abby hindi pa bumabalik." kaagad naman akong sumunod. Masigla kong binati ang customer na tinuro ni Ma'am Menty. He looks around 26 or 27, parang si Alas at mukha ring may lahi. He was looking around until I greeted him.
"Oh sorry, ah... I was looking for a new car, hindi kasi ako makapili. Can I have a good suggestion? Recommendation?" sabi niya habang pasulyap-sulyap sa akin at sa mga sasakyan.
"Sure sir, sunod po kayo sa akin." I walk towards the line of cars na natitiyak kong bagay sa kaniya, magugustuhan niya at mas magaganda ang quality. Ito rin kasi ang mas pinakabinibigyan namin ng pansin ni maipagbili dahil bagong labas lang.
"Here sir, I recommend you try this one. This is our latest model." marami pa akong sinabi sa kaniya, I tour him around the car at pinasakay ko pa siya sa loob habang nag e-explain pa rin ako, maging mga parts sa loob ay sinabi ko na rin. Noong una ay okay naman, mukha namang gusto niya at tumatango tango pa pero nitong kalauna'y medyo naiilang na ako sa kaniya dahil sa paninitig niya. He's a good looking guy, but I am not really comfortable when someone's staring at me for too long. My previous clients stare at me too, pero hindi ganoon katagal dahil tutok sila sa pagtingin ng kotse at pag-usisa ng mga parts nito to see if the quality is good, the appearance... unlike this man.
"Thalia. . ." napahinto ako at nahigit ang sariling hininga nang banggitin niya ang pangalan ko sa kalagitnaan ng pagsasalita ko.
"S-Sir... Yes, po? Do you have any questions about the car? Or hanap pa po tayo ng iba?"
"N-No, no, this car is actually good. I'll take it."
"T-Talaga po?!" nawala ang ilang na naramdaman ko at mas napalitan ng saya dahil unang customer ko siya sa araw na ito na mabebentahan ko.
"Uhuh, yup..."
"Naku thank you sir, tara ho I will—" nahinto ako sa pagbaba ng hawakan niya ang braso ko para pigilan ako. I looked at him, and I caught him still staring at me. Noon ko lang napansin na hindi pala itim ang kulay ng kaniyang mga mata. Talagang banyaga ang klase nito. He was staring at me seriously and that made me shiver.
"S-Sir?" Mukha namang natauhan siya at mabilis akong nabitawan. He caressed the back of his neck.
"S-Sorry, I was just. . . Uh... Nevermind. Sige tara." nauna na rin siyang bumaba at kaagad naman akong sumunod. I didn't know, but I felt something weird about him.
Paalis na siya ng bigla niya akong lingunin ulit. Seryoso ang mga tingin nya ngunit kumurba ang mga labi niya at tipid na ngumiti sa akin.
"Hoy teh! Kita ko 'yon. Mukhang crush ka a." nagulat ako sa biglang paniniko ni Abby na kababalik lang.
"Huh? Tumigil ka nga, kung ano-ano nanaman naiisip mo."
"Sus! Alam ko mga gano'ng tingin at ngiti, pero in fairness, teh ah! Ang gwapo ng nabingwit mo! Buti ka pa mga chupapi ang nagiging customer ako mga kalahi ni Pooh. Natawa naman ako sa sinabi niya at nailing na lang.
Hindi nawala sa isip ko ang kakaibang pakiramdam ko sa lalaking iyon. Thunder.
Light Thunder Durchdenwald—that's that guy's name.
Wala na akong naging client pagkatapos ni Thunder. First name basis, yes. Tinawag naman niya akong Thalia. Nakita niya 'yon sa ID na suot ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit may kakaiba akong narqamdaman sa lalaking iyon, isama pa na ang weird ng mga tinging binibigay niya sa akin. Hindi naman nakakabastos, iba lang talaga 'yong dating.Nababagot akong nagsulat sa log book. Out na namin at gustong-gusto ko na talagang magpahinga. Hindi ko alam pero napapaguran talaga ako kahit wala naman akong ibang naging kliyente."Thalia! Sama ka sa 'min? Sa Red Havens." katatapos ko lang pumerma ng lumapit si Abby at siya naman ang nagsulat. I checked my phone first and saw messages from Ali."Pass ako Abby, baka kasi nasa bahay na si Alas.""Alas?" natigilan ako bigla at marahang napalingon sa kaniya."U-Uhm Oo.""May kapatid kang guy? I thought sister lang?" takang tanong niya. Wala kasi akong ibang pinagsabihan na may mapapangasawa ako kundi si Ali. Si Abby kasi ay close ko lang na katr
Nakarating kami sa boutique kung saan niya nais na bilhin ang susuotin ko sa kasal namin. Supposedly, I should feel the excitement lalo na sa katotohanan na matutupad na ang lihim kong pinangarap kahit noong bata pa ako. Ang ikasal sa lalaking pangarap at mahal na mahal ko. Si Alas 'yon. But now that we're so close to be husband and wife, hindi ko maramdaman 'yong saya at excitement. I feel the ache instead that I am still on the same situation again. Pakiramdam ko wala pa rin akong karapatan. I am here because of the deal, I am here because of my sister. I am here to pay for a fault I didn't do."Good morning, Alas! I received your message kahapon, gulat ako na ibang gown ang kukunin mo, e 'di ba nakapili na kayo ni Cin?" mukhang hindi ako napansin ng babaeng natitiyak kong owner nitong shop dahil si Alas agad ang binati nito. Hindi rin naman kasi niya ako basta-basta makikita dahil matangkad si Alas at nasa likod ako nito."Cin's gone Lessie," pakiramdam ko may bumara sa lalamunan k
Matapos manggaling sa boutique ay dumeretso ako sa jewerly shop to buy wedding rings ayon sa bilin sa akin ni Alas kanina bago siya umalis. The shop was quite popular dahil magaganda sila gumawa, the designs are very elegant kahit ang mga minimal at plain ay talaga namang magugustuhan mo ngunit may kamahalan lang din. Hindi ko alam kung magugustuhan ni Alas ang pipiliin ko pero mukhang wala naman siyang pakialam. Sa isipin na iyon ay bigla na lang akong nalungkot. Pangarap ko rin sana na kasama siyang mamili ng singsing pero sa sitwasyong ganito kailangan kong tanggapin na hindi mahalaga sa kaniya ang kung anong gusto ko. Hinayaan niya akong bumili mag-isa para hayaan akong piliin or bilhin ang gusto ko kundi ay hindi importante sa kaniya alin man ang piliin ko.I wandered my eyes to look for pair of wedding rings na magugustuhan ko, at may isa akong nakita. It's very simple na talagang nakakuha ng attention ko. I unconsciously smile upon staring sa pares na iyon na halos hindi ko na
Sabay kaming umuwi ni Alas. Hindi ko alam kung paano siya pakikisamahan dahil hindi rin naman siya umiimik sa akin. Pagkarating sa kaniyang bahay ay tahimik akong bumaba hindi na umaasa na pagbubuksan niya ako ng pinto. Kaagad kong tinungo ang likod na bahagi ng sasakyan at binuksan ang pinto para kunin ang box ng wedding gown at kaagad iyong binuhat palabas. Kahit nahihirapan ay nagawa ko pa ring isara ang pinto ng mag-isa at kaagad na naglakad papasok without looking back, ngunit ramdam ko pa rin ang presensya ni Alas sa likuran ko. He's walking behind me. Pagkapasok ay sinalubong ako ni Nana Isang at handa na sana ako nitong tulungan, ngunit kaagad akong tumanggi.“Ako na po, Nana Isang. Kaya ko na po ito.”“Sigurado ka?” ngumiti ako sa kaniya at tumango naman ito. “O siya, bumaba ka rin pagkahatid mo niyan at nagluto ako ng meryenda. Ikaw din Alas, samahan mo na ang mapapangasawa mo.”“It's okay, Nana. I have a lot to do in my office.” I heard Alas said. Nalungkot ako saglit sa na
Thalia Athena AdamsMarahan kong ibinaba ang hawak na telepono. Katatapos ko lang makipagusap sa isa sa aking kliyente. Masyadong nakakapagod ang araw na ito para sa akin. But still, I choose to just rest my back and close my eyes to take a short nap. Deserve ko siguro ang magpalamig bukas since off ko. Sakto naman na tumawag si Alianna sa akin—my best friend."I'm free tonight, Ali. Game ka ba?" bungad ko agad bago pa man siya makapagsalita."Aba shempre! Pag-aya mo lang ang hinihintay ko gaga, ano saan naman tayo?""Sa Monzeal tayo, may bagong bukas na resort doon perfect for two days.""Asus! Baka lang naman kasi gusto mong may silayan na barista sa isa sa mga bar sa Monzeal, baristang owner," natawa ako sa sinabi niya."Shempre kasama na 'yon doon, saka hayaan mo na ako, iyon na lang ang paraan ko para masilayan siya.""Sus! Twenty-four ka na girl. Move on ka na d'yan kay Alas please lang! Marami naman d'yang iba, huwag na sa lalaking kapatid mo ang mahal," napasimangot ako pero t
Life has never been good to me. Palagi lang niya akong pinapatikim ng saya—ng pagmamahal ngunit agad din namang binabawi. It's easy to find something that can make you laugh, but all of it is actually short-lived. Too shallow. When you're happy, life always has a way of throwing you curve balls, problems, and events that will take your temporary happiness away from you. Simula pa noong magkaisip ako, marami ng kulang sa akin. Sa tuwing may dumarating, noong una akala ko they're going to stay, pero nagpahinga lang pala sila. I've always been someone's temporary shed but never been someone's home. Palagi akong tumatanggap ng mga taong pansamantala lamang na tao, at aalis din naman sa buhay ko. How hard is it for them to stay with me? Noong nagkaroon naman ako ng pamilya, nawala agad si Mama at si ate naman na kung kailan mararamdaman ko na ang pagturing niya sa akin bilang kapatid, saka rin naman siya nawala. "Wala na tayong magagawa kundi tanggapin. Hanggang doon na lang talaga ang b