Nakarating kami sa boutique kung saan niya nais na bilhin ang susuotin ko sa kasal namin. Supposedly, I should feel the excitement lalo na sa katotohanan na matutupad na ang lihim kong pinangarap kahit noong bata pa ako. Ang ikasal sa lalaking pangarap at mahal na mahal ko. Si Alas 'yon. But now that we're so close to be husband and wife, hindi ko maramdaman 'yong saya at excitement. I feel the ache instead that I am still on the same situation again. Pakiramdam ko wala pa rin akong karapatan. I am here because of the deal, I am here because of my sister. I am here to pay for a fault I didn't do.
"Good morning, Alas! I received your message kahapon, gulat ako na ibang gown ang kukunin mo, e 'di ba nakapili na kayo ni Cin?" mukhang hindi ako napansin ng babaeng natitiyak kong owner nitong shop dahil si Alas agad ang binati nito. Hindi rin naman kasi niya ako basta-basta makikita dahil matangkad si Alas at nasa likod ako nito."Cin's gone Lessie," pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko dahil sa narinig. I can feel the coldness in his voice, I know at this moment he's still mourning. Nawalan siya ng babaeng mahal na mahal niya at ang anak nila, ang magiging anak sana nila. Iyon nga ang dahilan kung bakit nasa sitwasyon akong ito hindi ba?"Oh my! I'm so sorry! Ang insensitive ko, but I didn't know.""That's okay, I am here with my new bride, she's the substitute, kailangan ko lang talagang ikasal. Give her a new wedding dress, pakibilisan lang Lessie may pupuntahan pa ako." saka lang napalingon sa akin si Lessie na bahagya pang nagulat at binigyan din naman niya ako ng ngiti. It wasn't a fake smile. Mukhang mabait naman siya."Uhm, ayaw mo ba siyang papiliin ng gusto niyang damit?" She gave me a smile again and this time it looks apologetic. Tumango na lang ako sa kaniya at bahagyang ngumiti telling her na okay lang at sundin na niya ang sinabi ni Alas. Wala naman din akong karapatan na mag-demand, si Alas ang dapat na masunod sa bagay na ito dahil hindi naman ito ang klase ng kasal na ginusto namin pareho.Umalis na rin si Lessie para asikasuhin ang wedding dress habang ako'y naiwan sa tabi ni Alas. Umupo ito sa couch kaya sumunod naman ako sa kaniya at tahimik na naupo. He took one magazine at inabala ang sarili sa pagbabasa habang ako'y tahimik na pinagmamasdan siya habang paminsanminsan ding nililibot ang tingin sa ilang sulok ng boutique kung saan may mga dress na naka-display.Mayamaya lang ay lumabas na si Lessie may dala itong rectangular silver box na may nakaribbon na white. Ngumiti ito sa akin ng sandaling makita ako. Hindi pa man ito nakakalapit sa amin ay tumayo na si Alas na bahagya ko pang ikinagulat kaya napatayo na rin ako.“Here’s my card Lessie, give it to her after. I'll go ahead, I'm going to be late on my meeting.” sinulyapan ako saglit ni Alas habang ako'y natulala na lang dahil sa narinig. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ng nga oras na ’yon. Gusto kong maintindihan na may hinahabol siyang importanteng meeting pero hindi rin maalis sa akin na masaktan dahil. . . hindi ako mahalaga sa kaniya. This is really far from things I wanted to experience with him, sa paghahanda ng kasal namin. I'm imagining him as a groom-to-be na hands on na hands on sa pagaasikaso ng mga gamit. But... what would I expect? The marriage maybe real, but it will happen because we made a deal.“After here, you can try to find a wedding ring. Ikaw na bahala mamili. Mauuna na ako. After that, go home, I'll leave my car here use it.” I nodded. Sinubukan kong pasiglahin ang ngiti na binigay ko sa kaniya ng sa gano’n ay hindi niya maisip na affected ako, na nalulungkot ako.Pinanood ko lamang siyang lumabas sa boutique bago ko muling nilingon si Lessie na nakatingin pala sa akin.
"I can see how hard it is for you, but I am actually curious. Bakit ka pumayag sa ganitong set-up, kahit alam mong masakit para sa 'yo?" natigilan ako saglit sa sinabi niya ngunit kalaunan ay napangiti na lang ako ng mapait.
"I love him and I made a promise to someone. Iyon siguro ang dahilan kung bakit andito ako sa sitwasyon na 'to kahit masakit para sa akin ang kung paano niya ako itrato." malungkot niya akong tiningnan bago tumango. Nagkibit balikat siya sa akin at binaba na ang box bago pinakita sa akin ang card at tumungo sa counter para asikasuhin ang payment. Hinintay ko lamang siya na matapos hanggang sa iabot niya na sa akin ang card ni Alas.
"I'll escort you outside, ako na mabitbit ng box." nakangiting offer niya kaya wala na akong nagawa kundi ang tumango at hinayaan siyang ihatid ako sa kotse ni Alas. Kinuha ko ang susi na inabot nito sa akin kanina at pinatunog muna ito bago pinindot ang button to unlock the doors. I opened the door at the back para roon ilagay ni Lessie ang wedding dress. Pagkasara ng pinto ay nilagay niya ang kamay sa kaniyang bulsa at nakangiting humarap sa akin.
"I'm a friend of Alas, and malayong kamag-anak na rin. Kilala ko na siya mga bata pa lang kami. Wala naman akong pakialam sa personal na buhay niya, pero kahit papano ay concerned pa rin ako when it comes to women na papasok sa buhay niya. Kahit sa huli siya naman ang may karapatang mag-decide sa bagay na 'yan, I just wanted to say that I like you for Alas. But I don't like my cousin for you kasi sinasaktan ka n'ya at alam kong mas masasaktan ka pa. Pero you both decided I don't have right to stop you two. Welcome to the family, Thalia." nangilid ang luha ko ngunit ngumiti na rin ako sa kaniya as we hug each other.
Hinatid pa niya ako ng tingin habang nagmamaneho ako paalis.
Matapos manggaling sa boutique ay dumeretso ako sa jewerly shop to buy wedding rings ayon sa bilin sa akin ni Alas kanina bago siya umalis. The shop was quite popular dahil magaganda sila gumawa, the designs are very elegant kahit ang mga minimal at plain ay talaga namang magugustuhan mo ngunit may kamahalan lang din. Hindi ko alam kung magugustuhan ni Alas ang pipiliin ko pero mukhang wala naman siyang pakialam. Sa isipin na iyon ay bigla na lang akong nalungkot. Pangarap ko rin sana na kasama siyang mamili ng singsing pero sa sitwasyong ganito kailangan kong tanggapin na hindi mahalaga sa kaniya ang kung anong gusto ko. Hinayaan niya akong bumili mag-isa para hayaan akong piliin or bilhin ang gusto ko kundi ay hindi importante sa kaniya alin man ang piliin ko.I wandered my eyes to look for pair of wedding rings na magugustuhan ko, at may isa akong nakita. It's very simple na talagang nakakuha ng attention ko. I unconsciously smile upon staring sa pares na iyon na halos hindi ko na
Sabay kaming umuwi ni Alas. Hindi ko alam kung paano siya pakikisamahan dahil hindi rin naman siya umiimik sa akin. Pagkarating sa kaniyang bahay ay tahimik akong bumaba hindi na umaasa na pagbubuksan niya ako ng pinto. Kaagad kong tinungo ang likod na bahagi ng sasakyan at binuksan ang pinto para kunin ang box ng wedding gown at kaagad iyong binuhat palabas. Kahit nahihirapan ay nagawa ko pa ring isara ang pinto ng mag-isa at kaagad na naglakad papasok without looking back, ngunit ramdam ko pa rin ang presensya ni Alas sa likuran ko. He's walking behind me. Pagkapasok ay sinalubong ako ni Nana Isang at handa na sana ako nitong tulungan, ngunit kaagad akong tumanggi.“Ako na po, Nana Isang. Kaya ko na po ito.”“Sigurado ka?” ngumiti ako sa kaniya at tumango naman ito. “O siya, bumaba ka rin pagkahatid mo niyan at nagluto ako ng meryenda. Ikaw din Alas, samahan mo na ang mapapangasawa mo.”“It's okay, Nana. I have a lot to do in my office.” I heard Alas said. Nalungkot ako saglit sa na
Thalia Athena AdamsMarahan kong ibinaba ang hawak na telepono. Katatapos ko lang makipagusap sa isa sa aking kliyente. Masyadong nakakapagod ang araw na ito para sa akin. But still, I choose to just rest my back and close my eyes to take a short nap. Deserve ko siguro ang magpalamig bukas since off ko. Sakto naman na tumawag si Alianna sa akin—my best friend."I'm free tonight, Ali. Game ka ba?" bungad ko agad bago pa man siya makapagsalita."Aba shempre! Pag-aya mo lang ang hinihintay ko gaga, ano saan naman tayo?""Sa Monzeal tayo, may bagong bukas na resort doon perfect for two days.""Asus! Baka lang naman kasi gusto mong may silayan na barista sa isa sa mga bar sa Monzeal, baristang owner," natawa ako sa sinabi niya."Shempre kasama na 'yon doon, saka hayaan mo na ako, iyon na lang ang paraan ko para masilayan siya.""Sus! Twenty-four ka na girl. Move on ka na d'yan kay Alas please lang! Marami naman d'yang iba, huwag na sa lalaking kapatid mo ang mahal," napasimangot ako pero t
Life has never been good to me. Palagi lang niya akong pinapatikim ng saya—ng pagmamahal ngunit agad din namang binabawi. It's easy to find something that can make you laugh, but all of it is actually short-lived. Too shallow. When you're happy, life always has a way of throwing you curve balls, problems, and events that will take your temporary happiness away from you. Simula pa noong magkaisip ako, marami ng kulang sa akin. Sa tuwing may dumarating, noong una akala ko they're going to stay, pero nagpahinga lang pala sila. I've always been someone's temporary shed but never been someone's home. Palagi akong tumatanggap ng mga taong pansamantala lamang na tao, at aalis din naman sa buhay ko. How hard is it for them to stay with me? Noong nagkaroon naman ako ng pamilya, nawala agad si Mama at si ate naman na kung kailan mararamdaman ko na ang pagturing niya sa akin bilang kapatid, saka rin naman siya nawala. "Wala na tayong magagawa kundi tanggapin. Hanggang doon na lang talaga ang b
"What?! Is that true?!"She was shocked. I smiled at her weakly. Matapos akong kausapin ni Alas tungkol sa pakay niya ay kaagad ako nitong pinaimpake ng gamit. Kahit paano umaasa ako noon na hintayin niya at sabay na kaming umalis ay bigo ako dahil sa huli, ipinasundo niya ako sa driver ng mommy niya para ihatid sa bahay niya.Noong makarating naman sa bahay niya ay tanging maid niya lamang ang sumalubong sa akin at naghatid sa magiging kwarto ko; Alas' room. Halos pigain naman ang puso ko ng makita ang mga larawan nila ni ate sa kwarto, maging ang isang malaking portrait painting ng mukha ni Ate. Hindi ko alam kung makakaya ko bang tagalan na manatili roon dahil sa nasaksihan. Kung pwede lang na sa ibang kwarto o sa guest room na lang ako matulog ay gagawin ko, pero natatakot akong baka bigla na lang magalit si Alas."At pumayag ka naman?""Out of gratitude and. . . and I feel responsible for my sister's death, pati na rin sa pamangkin ko." napamasahe siya sa kaniyang sentido dahil s
Wala na akong naging client pagkatapos ni Thunder. First name basis, yes. Tinawag naman niya akong Thalia. Nakita niya 'yon sa ID na suot ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit may kakaiba akong narqamdaman sa lalaking iyon, isama pa na ang weird ng mga tinging binibigay niya sa akin. Hindi naman nakakabastos, iba lang talaga 'yong dating.Nababagot akong nagsulat sa log book. Out na namin at gustong-gusto ko na talagang magpahinga. Hindi ko alam pero napapaguran talaga ako kahit wala naman akong ibang naging kliyente."Thalia! Sama ka sa 'min? Sa Red Havens." katatapos ko lang pumerma ng lumapit si Abby at siya naman ang nagsulat. I checked my phone first and saw messages from Ali."Pass ako Abby, baka kasi nasa bahay na si Alas.""Alas?" natigilan ako bigla at marahang napalingon sa kaniya."U-Uhm Oo.""May kapatid kang guy? I thought sister lang?" takang tanong niya. Wala kasi akong ibang pinagsabihan na may mapapangasawa ako kundi si Ali. Si Abby kasi ay close ko lang na katr