Share

Kabanata 1

Life has never been good to me. Palagi lang niya akong pinapatikim ng saya—ng pagmamahal ngunit agad din namang binabawi. It's easy to find something that can make you laugh, but all of it is actually short-lived. Too shallow. When you're happy, life always has a way of throwing you curve balls, problems, and events that will take your temporary happiness away from you.

Simula pa noong magkaisip ako, marami ng kulang sa akin. Sa tuwing may dumarating, noong una akala ko they're going to stay, pero nagpahinga lang pala sila. I've always been someone's temporary shed but never been someone's home. Palagi akong tumatanggap ng mga taong pansamantala lamang na tao, at aalis din naman sa buhay ko. How hard is it for them to stay with me?

Noong nagkaroon naman ako ng pamilya, nawala agad si Mama at si ate naman na kung kailan mararamdaman ko na ang pagturing niya sa akin bilang kapatid, saka rin naman siya nawala.

"Wala na tayong magagawa kundi tanggapin. Hanggang doon na lang talaga ang buhay ni Francia." narinig kong sabi ng kapatid ni Papa. Tahimik akong nakaupo malayo sa kanila at nakatitig sa unahan kung saan nakahimlay si Ate. The lights around her coffin were too blinding and it hurt my eyes na kanina pa umiiyak pero hindi ko magawang iiwas ang mga mata ko.

Wala nang magagawa? Tanggapin na lang? How? I laughed sarcastically in my mind. Why is it always like that huh? When we lose someone we care about, people tend to go back to their normal lives and expect that you'll do the same. It wasn't that easy.

Alam kong hindi pa roon matatapos ang sakit na nararamdaman ko. Ang hirap ng dinadala kong pangyayari na 'yon. Ngunit mayroon pa palang nakaambang pasakit sa akin nang matapos ilibing si Ate.

A week after her burial. Papa summoned me to his office, and I was shocked to see the Hidalgos. Wala si Alas. He's been missing in action for the past week. I understand why. He is bereaved and mourning the loss of a child and a fiancee.

"P-Papa..." nanginig ang boses ko dahil sa walang emosyon n'yang mga mata.

"Sit down." he motioned the seat in front of the Hidalgos. Tito Ace looked at me apologetically, while Tita looked at me with disgust and anger.

"B-Bakit niyo po ako pinatawag?" hindi nawawala ang kaba sa boses ko.

"Hindi na ako magpapaligoyligoy pa, Ace. Alam mo ang kalagayan ng negosyo ko ngayon, and now that I lost my daughter, my family wala na ring kwenta sa akin ang pabagsak nang negosyo ko. What I need now is money para makatuloy ako pag-alis ng Pilipinas." how about me, Pa? I am your family. Kahit hindi tayo magkadugo mahal ko kayo nila mama.

"Yeah, it's really in critical condition right now, ano ang plano mo?"

"I want to sell Thalia." Tito Ace's lips parted. Napa kunot naman ang noo ni Tita sa sinabi ni papa. Habang ako naman ay naghalo ang sakit at gulat.

"P-Papa. . ."

"I won't suggest na ipakasal sila ni Alas pero kung p-pwede ay ganoon na rin para magkaroon siya ng pakinabang. Marami na kayong katulong kaya hindi niyo na kailangan ng katulad niya. Kung ayaw niyo naman, pahiramin n'yo na lang ako ng pera. Alam ko kakapalan na ng mukha ito pero. . . iyon lang talaga ang kailangan ko. If I can't trade Thalia, hihiram na lang ako. At kayo nang bahala sa mga nalulugi ko nang negosyo kung ano ang gagawin niyo."

I felt like my heart was being crushed into pieces. Hindi ko na napigilang mangilid ang mga luha. I tried my very best to stop myself from crying. Ngunit nanatili akong tahimik doon. Tito Ace looked at me. Bakas ang awa sa mga mata niya.

"Thalia hija, pwede ka na muna magpahinga sa kwarto mo. Mag-uusap lang muna kami ni Fredo." hindi na ako nagpaligoyligoy pa. Kaagad akong tumayo at kagat-labing lumabas, still trying to hold my tears.

Nabangga pa ako sa isang tao habang nagmamadaling lumabas at nang tingalain ko siya'y mas lalo lamang nilakumos ang puso ko ng makilala kung sino ang lalaking ngayo'y walang emosyon na nakatitig sa akin.

"S-Sorry, Alas."

"Sorry will not be enough," mahina ngunit may halong pait na sabi niya bago ako nilagpasan at tuluyan nang pumasok sa office ni Papa.

Pagkapasok sa kwarto ko'y mabilis akong dumapa sa kama at binaon ang mukha ko. Unti-unti nanamang pumapasok sa akin ang masakit na katotohanan. Napakasama ng kapalaran ko. Hindi ko alam na ganito ang kinabukasan na mayroon ako. Mula bata pa lang ang hiling ko na'y isang simple at masayang pamumuhay. Hindi puro trahedya. Hindi puro sakit at pagdurusa.

Gusto ko lang magkaroon ng pamilya. I want to feel loved. Pero nakakatakot pala. Nakakatakot kasi masakit. It's a kind of pain that you physically feel all over your body. It's suffering of the worst kind.

Nakatulog ako sa kaiiyak. Nagising na lang ako sa ilang mga katok at nang buksan ko ang pinto'y mukha ni Tito Ace ang bumungad sa akin.

"Hija, nagising ba kita?"

"Hindi naman po, pagising na rin ako noong marinig ang katok niyo." paos ang boses ko dahil sa pag-iyak. Nangyayari talaga iyon sa akin kapag matagal akong umiyak namamaos ako.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tumango lang ako at sumenyas naman siya na sumunod ako sa kaniya. Dumeretso kami sa opisina ni Papa. Wala nang ibang naroroon, hindi ko rin alam kung nasaan na si Papa o sila Alas.

"Truth is, it is really hard for me to make a decision dahil saksi ako sa hirap na naranasan mo. Alam ko rin na nakasama ka ng anak ko sa bahay ampunan kaya naman malaki ang pagpapasalamat ko sa iyo Thalia."

"T-Tito." naupo siya kaya umupo rin naman ako. Tulad ng pwesto namin kanina ay magkaharapan kami.

"Desidido na talaga si Fredo na umalis ng bansa. Gustuhin ko man siyang pigilan but I can't. He's pushing you towards us. He asked Alas about marrying you and my son, and he just agreed with it."

"P-Po?" pumayag si Alas?

"I don't know his reason, hija, pero ayokong isipin mo na binili kita. Pinahiram ko ang daddy mo ng pera and I am letting you decide whether you will marry my son or not. I will still give you my support." malaki ang utang na loob ko sa kaniya sa ginawa niya pero hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Bakit? Bakit pumayag si Alas?

"She's going to marry me, and she has no other option than that, dad." bigla kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses and we saw Alas. Nakasandal ito sa gilid ng pinto at nakahalukipkip. Nang makita na namin siya'y umayos na siya ng tayo at naglakad palapit habang nakapamulsa.

"Son, what is your real motive for this?"

"It's just between me and Thalia, dad, so you can go now and let me talk to my fiancée."

"Alas. . . ramdam kong may pakay ka kaya gusto mong ituloy ito but please spare her."

"We're both adult dad, whatever decisions we make sa amin na 'yon." walang nagawa si tito kundi tingnan ako ng tila naghihingi ng sorry at humugot ng malalim na hininga bago tumayo at nagpasya nang umalis. Naiwan kami ni Alas, at binalot ng matinding katahimikan ng ilang segundo. Maya-maya lang ay naupo siya sa kung saan nakaupo si Tito Ace kanina at malamig akong tinitigan.

"B-Bakit ka pumayag?" hindi ko na alam kung paano siya kakausapin. Hindi ko tuloy maiwasang maalala noong mga bata pa kami. Komportable akong kausapin siya. Ngayon ay tila ibang tao na talaga ang kaharap ko. Mas lalo lamang lumamig ang binibigay niyang tingin sa akin.

"I have a deal. At gusto ko lang gawin 'yon, sa paraang naaayon. You have to be my wife legally."

"A-ano 'yon?" hindi siya kaagad sumagot. Humalukipkip lamang siya at nakita ko ang pagdaan ng pait sa mga mata niya, pait at sakit.

"I want to have a child. My supposed to be wife and child died. You survived . I want you to give me a child, and after that, we'll be having a divorce at malaya ka nang gawin ang gusto mo. Ayokong anakan ang hindi ko naman kaano-ano kaya I want you to be my wife, first." I was too stunned to speak. My heart can't stop twisting. I wanted to shout at him. I want to curse him.

Gusto ko siyang sumbatan kasi nasasaktan ako, ilang taon na akong nasasaktan. Ganoon lang ba ang halaga ko?

Bakit napakadali para sa mga taong 'to na gumawa ng desisyon na para bang isa lamang akong walang kwentang bagay?

"A-Alas. . ."

"I won't accept any words from you, Thalia. I am not giving you the right to do so. Sinasabi ko lang sa 'yo kung ano ang deal para alam mo. We will marry each other. So pack your things at sa bahay ko na mismo ikaw titira. Mawawala na rin naman ang bahay na 'to dahil nabenta na ito ng papa mo." tumayo na siya. Gustuhin ko mang tumayo ay wala na akong magawa kundi ang manatili sa pagkakaupo. Nanginginig ang buong katawan ko at ramdam kong kapag tumayo ako'y mawawalan lamang ako ng balanse dahil sa panginginig ng mga tuhod ko.

Bakit? Bakit kailangang maging ganito ang kapalaran ko? Bakit pa ako isinilang kung ganito lamang din ang mararanasan ko? Bakit hindi na lang ako ang nawala? Bakit pati langit hindi ako kayang tanggapin?

Bakit? Bakit?!

Kaagad bumaha ang mga luha ko. At halos mapuno ng umiiyak kong boses ang opisina ni papa. I was violently crying. I am hoping it will help me ease the pain that is racking my body.

Why do I have to suffer like this?

Worse, I have no one to blame.

Everybody adores happiness more than suffering. For them, life is a colorful painting full of calm and happy colors, similar to a blooming colorful flower. However, for me, life is excruciatingly painful. Even if there are some good moments in our lives, we will feel the fear of pain so that it will not last long. It will never last long. Every moment of our lives is filled with pain that we wished to end but couldn't.

So why?

Why is life so painful? Why do only a fraction of people reach the happiest?

Or happiness is only a myth then. Is it?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status