Share

The VonTobel's Heir
The VonTobel's Heir
Author: iampammyimnida

Prologue

"Tiya, nawawala po ang kambal!" hagulhol kong saad kay Tiya Sabel. Kasalukuyan kasi kaming namamasyal nila tiya sa mall dahil birthday ng dalawa kong kambal. Apat na taong gulang na sila ngayon.

"Ano? Akala ko ba nag-C.R. lang kayo? Paanong nawawala ang kambal?" tanong niya sa akin habang hagod-hagod niya ang aking likod dahil sa sobrang iyak.

"Hindi ko po alam, nalingat lang po ako nawala na sila—" Biglang naputol ang aking sasabihin nang makitang may pinagkakaguluhan ang mga tao sa di kalayuan. Kita ko ang nakahadusay na batang babae at walang malay; ang isang batang lalaki naman ay umiiyak na nakayakap sa kaniya. Kita ko ang pamilyar na suot ng aking kambal. Oh My God! My babies! 

Agad akong kumaripas ng takbo sa nagkukumpulang tao at nakisiksik doon. 

"Oh God! Mga anak anong nangyari?" naiiyak na tanong ko at binuhat si Avery na walang malay. 

"Mama! Sorry po, tumakbo po kasi kami ni Avery para sundan ang Papa namin!" iyak niyang wika sa akin at niyakap ako sa binti. Napakunot ako ng noo, anong pinagsasabi niyang papa? Hindi ko naman pinapakilala sa kanila ang papa nila. 

"PAPA!" Agad na kumalas si Gavin sa pagkakayakap sa akin at yumakap sa isang lalaki. Binuhat niya naman ang bata at nanindig ang aking balahibo nang makita ang pamilyar na mukha ng lalaking kaharap ko. Biglang tumibok ang aking puso nang seryoso itong nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi ito ang panahon para mag-reminisce. Kailangan kong idala ang aking anak na si Avery sa Hospital. 

"Halika na, Gavin. Kailangan nating pumunta ng hospital. Hindi iyan ang papa mo," seryoso kong saad sa aking anak ngunit umiling lamang ito.

"Sumama kayo sa akin. I have a car mas mapapadali ang pagpunta ninyo sa hospital." Bigla niya namang kinuha si Avery sa akin. Ngayon ay dalawa na ang buhat niyang bata. Nanlalaki naman ang aking mga matang nakatingin sa likod niya. Hindi ko akalaing kaya niyang buhatin ang dalawang kambal. Naramdaman kong namamasa ang aking mga mata dahil sa nakikita ko.

"Wait—" bigla naman niyang pinutol ang aking sasabihin . 

"Shut up! Hindi ito ang panahon para mag-usap." Napabuntong hininga ako, alam niya ba na anak niya ang dalawa? Hindi maipagkakaila iyon dahil nagkamukhang-kamukha sila ni Gavin. Damn! Dumating na ang kinakatakot ko. Paano kung kunin niya ang kambal sa akin? 

Ilang minuto lang ang byahe nang makapunta kami sa hospital. The doctor checked my daughter at kasalukuyan pa siyang nasa loob ng kwarto. Narito kami sa labas, mayamaya lamang ay lumabas na ang doctor.  

"Kumusta ang anak ko, Doc?" tanong ko. Napahangos ng malalim ang doctor at tiningnan ako ng seryoso. 

"She's okay misis. Napagod lang siya, dahil mahina ang kaniyang puso. Ngunit, kailangan siyang ma-monitor dahil may nakikita akong butas sa kaniyang puso. I'm sorry to say this misis, may sakit sa puso ang inyong anak." Hindi ako nakapag-react agad mayamaya ay bigla akong napahagulhol. Oh God! My baby, ang bata pa niya para magkaroon ng sakit na ganito. 

"Kailangan siyang operahan sa lalong madaling panahon. Hindi biro ang lagay niya, misis isang atake pa sa puso ay baka iyon na ang ikawala ng buhay niya. Mauna na po ako at marami pang nakapilang pasyente." Tumango naman ako sa kaniya at naupo na lamang sa sahig. 

Ang baby Avery ko! Kailangan ko siyang ipagamot ngunit wala akong sapat na pera para roon. Saan ako kukuha ng pera? Isa lang naman akong hamak na manager sa isang Cafe malapit sa amin. Sobrang sakit sa pakiramdam nang malamang may sakit ang anak mo, sana ako nalang. Sana ako nalang ay may sakit sa puso. Hindi deserve ng baby ko ang ganito. Rinig ko ang pagtikhim sa aking harapan. 

"Let's talk," saad niya sa akin. Tiningnan ko naman si Tiya Sabel na hawak-hawak ngayon si Gavin. Tulog na tulog na ito. Tinanguan niya ako na para bang sinasabing siya na muna ang bahala sa kambal. 

Sinundan ko si Ivo, huminto kami sa isang garden dito sa hospital. Mabuti na lamang at walang tao rito. 

"I know you are Gi. Huwag ka nang magkaila pa, I investigated you. The last time I saw you in the Cafe four years ago, ay agad na pinaimbestigahan kita at confirm ngang ikaw ang babaeng stripper na kasama ko dati," seryoso niyang saad sa akin. 

Wala akong masabi, bakit hindi niya man lang ako hinanap at binalikan ulit? Oo nga pala, kinasal an siya. 

"Now, I'll ask you one question, sana sabihin mo ang totoo, sa akin ba ang kambal? Ako ba ang ama nila?" tanong niya sa akin. Biglang nanigas ang aking katawan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ito na, kapag sinabi kong ang totoo, matutulungan niya ako sa pagpapagamot kay Avery ngunit natatakot ako na mawala sa akin ang kambal baka kunin sila ni Ivo sa akin. 

Kapag magsisinungaling naman ako baka mawala ng maaga ang aking anak hindi ko ata iyon kakayanin. 

Huminga ako ng malalim at pinikit ng mariin ang aking mga mata. Para sa anak ko gagawin ko, kahit na mawalay sila sa akin ay okay lang. Basta mailigtas lang sila sa kapahamakan. Minulat ko ang aking mga mata at tiningnan siya ng seryoso. 

"Oo, anak mo nga sila." Kita ko ang pamamasa ng kaniyang mga mata at biglang nagbago ang kaniyang ekspresyon napalitan ito ng poot at galitt. 

"Pagagamutin ko ang aking anak kapag gumaling na siya, sa akin sila titira and I want you out of our lives." 

Sa pagkakarinig noon ay nawasak ang aking puso. Bigla akong napahagulhol at napaupo sa sahig. Wala akong magagawa makapangyarihan siya, ito na nga ba ang kinakatakutan ko. Napaluhod ako sa kaniya.

"Parang-awa mo na, Ivo huwag mo silang kukunin sa akin. Hindi ko kayang mawalay sa kambal, sila ang buhay ko," hagulhol kong iyak sa kaniya ngunit tinulak lang niya ako. 

"Huwag mo akong dramahan diyan, Gianna. Niloko mo ako at itinago mo ang kambal sa akin. Dapat lang sa'yo iyan," saad niya at umalis na sa aking harapan, sabay ng pag-alis niya ang pagkawasak ng aking mundo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status