Share

Kabanata 1

last update Last Updated: 2021-12-06 07:43:31

Nasa harapan ko ang salamin, nakatitig sa aking repleksyon. Kaharap ko ang isang maganda, sopistikada at mapang-akit na babae. Ibang-iba sa dating mukhang mahinhin, mala-anghel at inosente. Ako ba talaga ito?

“Sigurado ka na ba rito, Gianna?” Napalingon ako sa taong nasa likod ko. Hinarap ko si Tiya Isabel at tiningnan ang nag-aalalang mukha niya. 

“Hindi ko po alam, Tiya. Natatakot po ako, baka hindi ko po kayanin,” kinakabahan kong wika sa kaniya. 

“Hindi ba, kailangan mo ng pera? Ito na ang solusyon mo, Gianna. Mapapagamot mo na si Ate at maiaahon mo na sila sa kahirapan. Mas malaki ang kitaan dito, sasayaw ka lang at magpapa-table– ilang libo na ang maiuuwi mo, easy money, hindi ba?” sabi niya at napangisi sa akin. Kita kong napabuga ito ng usok kaya nalalanghap ko ang amoy ng kaniyang sigarilyo. 

Isang stripper ng club ang papasukin kong trabaho. Dito rin nagtra-trabaho ang aking tiyahin kaya i-ni-recommend niya ako rito. Sabi ni tiya ay sasayaw lang naman ako ngunit masakit sa aking dignidad at pagkakababae ang isiping magtra-trabaho ako bilang stripper. Napatawa ako sa aking isipan. Stripper? Mas pinasosyal lang nila ang salitang iyon ngunit pareho lang naman ito, isang p****k at GRO.

Tama si tiya, sasayaw lang, wala namang mawawala sa akin. Ngunit paano naman ang dignidad ko? Marami pa akong pangarap sa buhay. Gusto ko pang maging guro at makapagtapos ng pag-aaral. Tiningnan ko na lamang siya at nanginginig na hinawakan ang kamay nito. 

“Mukhang hindi ko po kaya, Tiya. Umuwi nalang po tayo, pasensiya na po.” Mariin akong napapikit sa sinabi ko. Hinigpitan lamang ni Tiya ang aking kamay at napabuntong hininga. 

“Mukhang wala na akong magagawa. Hindi na kita pipilitin pa, buo na siguro–” Naputol naman ang sasabihin ni Tiya nang tumunog ang kaniyang telepono. Agad niya itong sinagot.

“Hello?”  

“Kuya?” 

Nanlalaki naman ang kaniyang mga mata at napatingin sa akin. Maya-maya ay napabuntong hininga ito at ibinigay sa akin ang kaniyang telepono. 

“Si Kuya Rodel, gusto kang makausap.” Malungkot ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin. Kinakabahan ma’y kinuha ko ito at sinagot ang telepono. 

“Hello, Itay?” sagot ko. 

“Iha, dinala ko sa hospital ang inay mo. Inatake na naman kasi siya ng hika. Hanggang ngayon ay andito pa kami sa hospital, hindi makalabas dahil wala kaming pera,” malungkot na saad ng aking ama. Naiiyak ako. 

“Huwag ho kayong mag-alala, bukas na bukas din ay magpapadala po ako sa inyo. Kumusta na po ang lagay ni Inay?” tanong ko. 

“Okay naman na siya, namomroblema nga ako sa gamot dahil hindi naman ako makabili, wala nang natira sa alkansiyahan natin.” 

“Huwag niyo na pong isipin ang pera, ako na po ang bahala roon. Sige ‘tay magiingat ho kayo. Huwag niyo hong pababayaan ang nanay.” Agad ko namang pinatay ang tawag at napatingin kay Tiya Sabel. 

Kahit papaano ay lumuwag ang aking pakiramdam dahil walang nangyaring masama sa aking ina.

“Hindi na po ako magbaback-out tiya,” saad ko. 

“Sigurado ka na talaga riyan iha?” tanong niya ulit sa akin. Nag-aalangan kong tiningnan si Tiya ngunit naisip ko ang hirap na mukha ni Inay at Itay kaya napabuntong hininga ako. 

“Opo, tiya Sabel. Kakayanin ko po alang-alang sa pamilya ko.” 

“Sige, bago muna iyon ay may mga rules tayo sa trabaho. Ito basahin mo.” Kinuha niya ang isang makapal at mabangong papel sa at inabot sa akin. Kinuha ko ito at kaagad na binasa. 

Nakasulat sa taas ang “Rules of Royal Night Club”. Maganda ang pagkakasulat nito at halatang napakasosyal. 

“Ro-royal Night Club.” Malakas na basa ko. 

“Tama, pangalan ‘yan ng club na ito. Hindi siya pucho-pucho lang, Gianna. Ibahin mo ang club dito. Isa siyang prestihiyoso at respetadong club, lahat ng costumers dito ay mayayaman. Karamihan sa mga costumers ay anak ng mga sikat na politiko, mga anak ng bilyonaryo, o kaya naman ay mga artista. Kaya tiba-tiba ka talaga lalo na sa tip, pero mag-i-ingat ka pa rin dahil minsan may mga taong sadista at bastos, hindi naman maiwasan iyon.” Medyo kinabahan ako sa sinabi ni Tiya.

“Huwag kang mag-alala, may mga security din naman sa loob at hindi naman kita papabayaan. Sure ka na ba rito, Gianna? Wala nang atrasan ‘to kapag nakapasok ka na roon,” seryosong saad niya. Napatango naman ako sa kaniya. 

“Opo, Tiya Sabel.” Tinitigan ko ang hawak kong papel at sinimulan ko nang basahin ang nakasulat. 

Rules of Royal Night Cub

Rule #1. What happened in the club, remains in the club. 

Rule #2. Don’t ever reveal your identity to your costumer. 

Rule #3. You can go outside the club with your costumer, however in case of any unforeseen circumstances beyond the control of the club, you will not hold the managements responsible.

Iyan lamang ang nakasulat sa papel at binigay ko na agad ito kay Tiya Sabel. 

“Iyan lang ang pinaka importanteng rules sa club. Hindi ba ang dali lang?” Napatango naman ako sa kaniya. 

“Oh, Sabel.” Napalingon kami sa papasok na lalaki sa dressing room kung saan kami naroon ni tiya. Bigla akong napatayo dahil tumayo rin naman si Tiya Sabel.

“Manager Stephan, good evening,” bati ni Tiya Sabel sa kaniya.

 “Siya na ba ang ni-recommend mo sa akin? In fairness maganda siya, kutis mayaman.” Sinuri ako nito mula ulo hanggang paa. 

“Mukhang inosente, sigurado akong magugustuhan ito ni Mr. VonTobel. Virgin ka pa ba, iha?” ngisi niyang saad, ngunit umiling lamang ako. I lied. Baka kasi hindi niya ako kunin kapag sinabi ko ang totoo. 

“Mabuti. Hindi ka naman pala inosente, mukha lang.” Napatawa naman siya at maya-maya sumeryoso. 

“Malaking halaga ang nakatoka sa’yo, iha. Kaya ayusin mo ang trabaho mo. Sampung milyon ang binigay, 50% sa’yo at 50% sa management. Huwag kang mag-alala, ang tanging gagawin mo lang ay sayawan siya at i-entertain na rin. Iyon lang, pero kapag niyaya ka why not grab it, right? Malaking halaga ang binibigay na pera ni Mr. VonTobel sa mga nakakakama niya, mababa na ang limang milyon.” Medyo nailang naman ako sa sinabi niya ngunit pinagsawalang bahala ko na lamang ito. Hindi ito ang oras para ma-offend sa mga salita niya. Kailangan ko ng pera, at malaking halaga iyon para sa aking pamilya. 

Bigla namang tumunog ang kaniyang cellphone at sinagot ang tumawag. 

“Nandito na raw si Mr. VonTobel. Ikaw na bahala riyan Sabel sa alaga mo, nariyan ang damit pasuotin mo na siya,” saad nito at nagmamadaling lumabas sa office para siguro salubungin si Mr. VonTobel. 

Agad namang kinuha ni Tiya ang aking susuotin at nanlalaki ang aking mga mata dahil hindi naman ito damit. Hindi ako nagkakamali, lingerie ito. Sexy pink lingerie, mayroon din itong kasamang velvet bow at headband na parang bunny style. 

Nang masuot ko na iyon ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Kitang-kita ang hubog ng aking katawan. Parang isa akong bunny girl sa playboy magazine na nakikita ko minsan sa T.V. 

“Ang ganda at ang sexy mo talaga, Gianna. Bagay na bagay sa’yo ang suot mo. Puwede ka palang maging model eh,” manghang saad ni Tiya Sabel sa akin. Napangiti na lamang ako sa kaniya. 

“Hindi po ba sobrang revealing nito?” 

“Hindi ‘yan. Ganiyan talaga ang mga suot dito. May mas revealing pa nga riyan eh, halos makita na ang u***g nila. Isuot mo itong maskara para hindi ka makilala.”

Kulay pink din ang maskarang binigay sa akin ni Tiya, isinuot ko naman ito at kalahati lang ng mukha ko ang natatabunan. 

“Okay na ba ang alaga natin?” biglang bungad na saad ni Manager Stephan. 

Humarap naman ako sa kaniya, at nanlalaki ang kaniyang mga mata. 

“Omygad! Ang ganda mo! Mukhang magugustuhan ka talaga ni Mr. VonTobel!” 

Sino ba ‘yang Mr. VonTobel na ‘yan? Pangalan palang parang pang-matanda na. Kumabog naman ng malakas ang aking d****b papano kung matanda nga ang costumer ko? Isang mataba, mabalbon at manyak na lalaki? Bigla akong kinilabutan sa aking naisip.

“Oh God, gabayan mo po ako,” pipi kong dasal sa Diyos.  

Nang makalabas kami ng dressing room, ang unang bumungad sa amin ang mga usok ng sigarilyo, mga babaeng nakamaskara na nagsasayawan sa stage--nakabikini lamang ito at mga lalaking nagpapaulan ng pera. Puro blue bills lang doon ang makikita mo, nanlalaki naman ang aking mga mata. Tama nga si Tiya Sabel, easy money lang ang kalakaran dito. 

Wala ring nakakalapit at nakakahawak sa mga dancers dahil napapalibutan sila ng mga bouncer. 

“Hanggang dito na lamang kami, iha. Umakyat ka na, nasa room 101 siya.” Hinawakan naman niya ang aking balikat at tumitig si Tiya sa akin. 

“Dalhin mo ito,” bulong niya. 

“In case na gawan ka niya ng masama ay tawagan mo itong number na ‘to.” Seryosong saad ni Tiya sa akin at umalis na. 

Kinakabahan naman akong umakyat sa hagdan at nang makatapat na ako room 101 ay napahangos ako nang malalim. This is it! Kaya mo ito, Gianna, para sa pamilya mo! 

Dito sa pupuntahan ko ay mga VIP’s lamang ang nakakapasok. Maraming kwarto ang nakahilera, lahat ay naka-soundproof kaya wala kang naririnig na ingay kahit isa. 

Dahan-dahan kong swinipe ang card sa pintuan at bigla itong tumunog hudyat na bumukas na ang pinto. Pikit mata akong pumasok sa kwarto at isinara ito. Tiningnan ko ang paligid at napahinto ang aking tingin sa lalaking nakasandal sa sofa, nakaharap ito sa akin at nakangisi. 

Kita pa rin ang hubog ng kaniyang katawan sa suot niyang Tuxedo. Ang hottie pal ani Mr. VonTobel, napahinga ako ng maluwag nang hindi siya kagaya ng iniisip ko kanina. Kaya lang ay hindi ko maaninag ang kaniyang mukha dahil madilim ang parteng inuupan niya. 

“Come here, honey,” he said in a baritone voice. Nanginig naman ang aking kalamnan nang marinig ang kaniyang boses. Para bang kiniliti ng kaniyang boses ang aking kaibuturan.  

Dahan-dahang lumapit ako sa kaniya at agad na umupo sa tabi niya. Tinatagan ko ang aking loob, naalala ko kasing don’t act innocent in front of your costumer, iyon ang bilin sa akin ng manager. Gagalingan ko para masiyahan siya sa akin. 

Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. “You look cute, Bunny girl. I wonder if you’re a virgin. You look innocent,” ngising saad nito sa akin. Napalingon ako sa kaniya, biglang tumibok ng malakas ang puso nang makita siya. Oh my God! Ang gwapo niya, ngayon lang ako nakakita ng isang lalaking mala-adonis ang pangangatawan. Sa T.V. lamang ako nakakita ng ganitong kagwapong lalaki, napakakinis ng kutis, napakatilos ng ilong at ang haba ng kaniyang pilik-mata. Makalaglag-panty ang kaniyang kagwapuhan! Malakas pa rin pala ako kay Lord dahil hindi niya hinayaang mapunta ako sa mataba, mabalbon at manyak na matanda.

“Baka matunaw ako niyan,” ngisi niyang saad sa akin. 

Natigilan ako sa kaniyang sinabi. “Hi-hindi na po ako virgin, Sir,” pagsisinungaling na wika ko. 

“Great, it will be easy if I want to fuck you. You want that, honey?” tanong nito. Medyo nailang ako sa mga sinasabi niya pero nilunok ko na lamang ito at tumango na lang. 

“Mukhang kinakabahan ka, don’t worry I won’t bite you–” sabi niya at tinitigan ako ng malalim. 

“I only lick though.” Napanganga naman ako sa sinabi niya. 

Ang bastos ng bibig niya, pero hindi man lamang ako na-offend doon. Nakapagpadagdag pa nga ito ng excitement sa akin. Oh, Lord bakit nararamdaman ko ito sa kaniya?

Napainom naman ako ng isang basong tubig sa harap ko, ngunit gumuhit ang pait sa aking lalamunan nang mapagtantong alak pala iyon. Shit. 

“Easy, Bunny girl. Relax. Huwag kang kabahan ako ang bahala sa iyo,” sabi nito sa akin. Nagsimulang i-on niya ang speaker doon at nagpatugtog ng isang seksing musika. Napatitig siya sa akin at para bang may hinihintay. Nagets ko naman ang kaniyang mga titig at nagsimulang sayawan siya habang sinasabayan ang malanding musika. 

Hindi ako nagkakamaling bata pa ito, siguro ay ilang taon lamang ang pagitan namin. Bente-tres na ako, sa tingin ko ay nasa bente-sais na siya. 

“Damn, so sexy!” Napakagat ako ng labi ng marinig kong pinuri niya ako. Ngayon lang ako nakaramdaman ng ganito, ang sarap palang mapuri ng isang gwapong lalaking katulad niya.

Related chapters

  • The VonTobel's Heir    Kabanata 2

    Halos sumayaw lang ako sa harap niya at titig na titig siya sa akin. Nanindig ang aking balahibo nang haplusin niya ang aking beywang papunta sa ibaba ng aking dibdib. Damn, imbis na magalit ako ay hindi ko alam kung bakit nasasarapan ako. Bawat haplos niya sa aking balat ay nakakagawa ng kaunting kuryenteng hindi ko maintindihan.“Fuck! I can’t take it anymore.” Hinila niya ako pababa at agad akong napaupo sa kaniyang ibaba. Naramdaman ko ang namumukol niyang alaga sa aking sut na panty. Bigla naman akong gumalaw kaya parang humimas ang kaniyang alaga sa akin. Napanganga ang aking labi sa sarap.“Ohhh,” mahinang ungol ko sapat lang na marinig niya. Bigla akong napatakip ng bibig ngunit inalis niya lang iyon.“Fuck!” Agad niya akong hinila palapit sa kaniyang mukha. He claimed my lips and kissed me passionately. First kiss ko ito tapos laplap agad?“Move your lips, Bunny girl,”

    Last Updated : 2021-12-06
  • The VonTobel's Heir    Kabanata 3

    Nang paparating na ang araw ay agad kong tinawagan si Tiya Sabel. Tulog na tulog pa si Ivo, sa kwarto kaya agad akong lumabas ng bahay. Nasa kalsada ako ngayon at suot ko pa ang tuxedo ni Ivo kagabi. Ilang ring lamang ay sumagot na ito.“Hello? Tiya Sabel?”“Diyos ko! Bata ka! Saan ka ba nagsusu-suot? Asan ka? May ginawa ba sa’yo si Mr. VonTobel?” nagaalalang tanong sa akin ni Tiya.Umuling-iling na lamang ako, ngayon lang nagsink-in sa akin lahat, ang lahat ng nangyari kagabi. Napapaluha na lamang ako, kasalanan ko naman dahil ginusto ko ang nangyari sa akin. Sana lang hindi magbunga ito.“Nasaan ka ba? Gianna?” tanong ulit ni Tiya.“Nasa mansion po ni Mr. Vo-VonTobel.” Napabuntong hininga naman ako nang narinig ang pagkaputol ng line sa telepono. Maya-maya ay agad na may nagtext. Binasa ko naman ang text, si Tiya pala iyon.“Susunduin ka

    Last Updated : 2021-12-06
  • The VonTobel's Heir    Kabanata 4

    Ilang araw na rin akong nakakulong sa bahay ni Tiya Isabel. Hindi man lang ako lumalabas, matapos kong malaman na buntis pala ako ay hindi ko na alam kung ano na ang aking gagawin.Naiinis ako sa aking sarili dahil hindi man lang ako nag-ingat.Naiinis ako dahil pinabayaan ko ang sarili ko na lamunin ng temptasyon.Kung sana hindi ako naakit sa kaniya ay hindi na ito nangyari sa akin.Ang tanga-tanga ko, sobra.Katok na malakas ang napabalik sa akin sa realidad.“Gianna, puwede bang pumasok iha?” tanong ni Tiya Sabel sa akin. Pinunasan ko ang aking luha sa pisngi at inayos ang aking mukha.“Pa-pasok po kayo, Tiya.”Nakita kong iniluwa ng pinto si tita at lumapit agad ito sa akin. Kasalukuyan akong nakaupo sa aking kama kaya ay tumabi agad ito sa akin.Napabuntong hininga siya nang makita ang aking malungkot na mukha.“May problema ka ba? Ilang araw ka nang hindi pumapaso

    Last Updated : 2021-12-23
  • The VonTobel's Heir    Kabanata 5

    After 5 years...Ngayon ang 4th birthday ng aking kambal. Pinangalanan ko silang Avery Gail and Gavin Miguel Vontobel. Hindi naman ako gano'n ka-selfish para sa mga anak ko na kahit apelyido pa ng ama nila ay hindi ko pa maibigay.Kilala rin nila ang kanilang ama ngunit sa picture nga lang. Alam din kasi nilang may ibang pamilya ang ama nila, they knew everything at naiintindihan naman nila iyon. Matatalino kasi ito kaya sobrang saya ko dahil hindi sila pareho ng mga bata na gustong-gustong makita ang kanilang ama at kung ayaw masunod ay nagrerebelde na. Pinalaki ko silang may mabait, marespeto at may takot sa Diyos."Nanay! Excited na po akong pumuntang Mall of Asia! Salamat po, nanay!" masiglang saad ni Avery Gail sa akin na ikinangiti ko. Malambing na bata si Avery Gail subalit si Gavin Miguel naman ay tahimik t suplado manang-mana sa kanilang ama."Syempre birthday niyo ngayon at pinaghandaan talaga ni Nanay ang pagpunta natin

    Last Updated : 2022-04-06
  • The VonTobel's Heir    Kabanata 6

    Natapos ang treatment ni Avery Gail na hindi kami nag-uusap ni Ivo. Minsanan lang itong bumisita sa amin dahil busy rin ito sa kaniyang asawa at kompaniya. I wonder kung may anak na sila. Sa pagkakaalam ko kasi ay wala pa dahil ayaw pa ng kaniyang asawa, iyon ang usap-usapan sa media. Palagi rin kasi akong nakaabang sa kaniya, hindi ko alam pero nasanay na ako roon."Nanay, bakit ang sungit po sa'yo ni Tatay?" tanong sa akin ni Gavin.Nagulat ako dahil nagsalita ito out of the blue. Minsanan lang kasi itong magsalita dahil palagi lang itong nagbabasa ng libro. Marunong na kasi silang magbasa ni Avery, kahit naman busy ako sa trabaho ay hindi ko pinapabayaan ang pag-aaral nila. Hands-on ako palagi sa kanila."Hayaan mo na ang Tatay niyo, ganiyan talaga 'yan. Masungit." Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at kaagad na niyakap ito."Kagaya ko rin po ba siya? Nagmana nga po ako kay Tatay," saad niya sa akin na ikinatawa ko."Hmm. M

    Last Updated : 2022-04-07
  • The VonTobel's Heir    Kabanata 7

    Kasalukuyan kong pinapanuod ang aking mag-ama na kumakain ng kanilang almusal sa mesa. Napasimangot ako dahil hindi man lang ako binilhan ni Ivo ng makakain. Tanging sakto lamang ang pagkain na binili niya sa kanilang dalawa. “Nanay, bakit hindi ka pa po kumakain? Gusto mo po bang share na lang tayo nitong chicken ko?” tanong ni Gavin habang pinapakita sa akin ang isang hita ng manok. Nakakalahati na niya ito. Napangiti na lamang ako sa kaniya at umiling. “Hindi na, anak. Busog pa si Nanay. Makita lang kitang kumakain ay busog na ako.” Bigla akong nakarinig ng pag-ismid kaya napalingon ako kay Ivo. Napailing lang ito sa sarili at nagsimula ulit kumain. Sinusubuan din niya si Gavin kaya natutuwa ako. Masaya akong nakikitang mahal na mahal niya ang kambal. Natatakot kasi akong baka iba rin ang turing niya sa kanila. Alam kong aalalagaan niya ito kapag nasa puder sila ng kanilang ama. Malinaw rin ang kinabukasan nila sa kaniya kaya wala akong ipag-alala. Subalit hindi ko naman kayang

    Last Updated : 2022-07-02
  • The VonTobel's Heir    Kabanata 8

    Nakahanda na ang lahat ng mga gamit namin para lumipat sa mansyon ni Ivo. Matapos kasing ma-discharge si Avery ay agad kaming umuwi para mag-impake. Sa totoo lang hindi ko alam kung okay ba itong ginagawa namin dahil alam kong may asawa na si Ivo subalit iniisip ko rin ang kambal. Sila at ang nararamdaman nila ang mas importante. Gusto nilang makasama ako kaya titiisin ko na lamang na manilbihan sa mansyon niya kahit na matapakan ang ego ko. “Nanay, excited na po akong makapunta sa bahay ni Tatay, sabi niya marami raw mga toys doon tapos tig-isa pa kami ni Gavin ng tulugan. Ang galing Nanay ‘no?” masiglang sambit sa akin ni Avery. Napangiti ako sa kaniya. Napaka-jolly ng aking anak kahit na kakagaling lamang nito sa opera. Masaya ako dahil magaling na siya, wala na akong pro-problemahin pa. Hindi pa pala ako nagpapasalamat kay Ivo, siguro kakausapin ko na lamang siya mamaya. “Ready na ba kayo?” tanong ni Ivo sa amin habang nakasilip sa aming kwarto. “Tatay! Opo ready na kami!” Si

    Last Updated : 2022-07-03
  • The VonTobel's Heir    Kabanata 9

    Hindi makapali si Gianna sa kaniyang kwarto, gusto niyang puntahan ang kambal sa loob ng mansiyon. Katatapos lang kasi nilang maglibot ni Manang sa mansiyon subalit hindi man lang sila nalagi sa loob no’n. Ang sabi sa kaniya mamaya na lang daw sila papasok dahil busy pa araw ang kanilang amo sa pa-welcome party sa kambal. Napakagat siya ng labi dahil sa selos na nararamdaman niya. Hindi niya mapigilang maluha dahil nararamdaman niyang unti-unting kinukuha ng mag-asawa ang kambal sa piling niya. Hindi siya nakatiis kaya agad siyang pumuslit papunta sa loob ng mansyon. Habang naglilibot kasi sila ay may nakita siyang pintuang bukas doon sa may kusina, roon niya balak pumasok. Gusto niyang makita ang kambal dahil hindi siya mapakali kapag wala ang mga ito sa kaniyang tabi o di kaya’y makita man lang. Dahan-dahan siyang pumasok sa pintuan, napahinga siya nang maluwag nang makitang walang katao-tao roon. Puno ito ng mga pagkain, may pinggan ding nagamit na at wala nang laman. Sa isip niya

    Last Updated : 2022-07-04

Latest chapter

  • The VonTobel's Heir    Kabanata 38

    Kabanata 38 Ilang araw ring nanatili si Ivo sa lugar ni Keanna. Tansa nga ng lalaki, tatlong araw siyang natulog sa kan’yang kotse bago siya pinahintulutang pumasok at matulog ng mga magulang ni Keanna sa bahay nila. Okay lang naman sa kan’ya iyon at naiintindihan niya, naalala pa niya ang paguusap nila ng tatay nito. Ni hindi nga siya nakaramdam ng takot at kaba dahil siya naman ang boss ng kanilang kompanya ngunit sa pagkakataong nakausap niya ang tatay ni Gianna, roon lang niya naramdaman ang takot at kaba. Takot na baka hindi siya tanggapin at baka pagmumurahin siya ng ama ng babae pati na ang kaba na baka sabihin nitong layuan niya ang anak nito. Napahinga siya ng malalim at napapikit, tila ba inaalala ang pag-uusap nila ‘nong nakaraan. “Maupo ka.” Iyan ang unang sinabi ng ama ni Gianna sa kan’ya, sa pagbuka pa lang ng bibig ng matanda ay bigla na lamang kumabog ng mabilis ang dibdib niya. Malugod niya naman itong sinunod at umupo sa harapan nito. Nasa labas ang matanda’t na

  • The VonTobel's Heir    Kabanata 37

    Ivo Vontobel Ang totoo, matagal na niyang alam na niloloko lang siya ni Shania, hindi niya lang maamin ito sa sarili niya. She really loved her, iyon ang totoo. Minahal niya ito ng totoo, at sa pangalawang pagkakataon, binigo na naman siya ng babae. He acted that he doesn’t know everything, he tolerated his wife’s doing. Ni hindi nga niya kinonfront ito dahil alam niyang nagbago na ang babae. Yes, nagbago nga at alam niyang iniwasan na nito ang lalaking kasama nito palagi noon but everything changed nang dumating ang kan’yang mga anak at si Gianna. He was confused lalo na sa nararamdaman niya. He loves his wife, he’s sure of that but everytime he see Gianna and his children nakakalimutan niya ang asawa niya. Jerk man siya kung iisipin pero iyon ang nararamdaman niya. Matagal na siyang niloloko ng asawa but he’s blinded by his love or should he say he’s guilt. Alam niya kasing malaki ang effort ni Shaniah na mapaibig siya, ginawa nito ang lahat para lamang makalimutan si Gianna at

  • The VonTobel's Heir    Kabanata 36

    Walang nagawa si Ivo kung ‘di ang umalis sa bahay ni Gianna. Gusto pa sanang kausapin nito ang mga magulang ng babae ngunit pinilit talaga ni Gianna na huwag munang gawin iyon dahil alam niyang lalala lang ang lahat. Gusto niyang kausapin muna ang mga magulang para magpaliwanag. Nang pumasok siya sa kanilang bahay ay bumungad sa kan’ya ang magulang niyang seryosong nag-uusap. Nang makita siya nito ay agad na umupo ang mga ito ng tuwid. “Hindi ka namin pinalaking mang-aagaw Gianna kaya sana’y maintindihan mo kami ng ama mo. Ayaw ka lang naming masaktan, anak ka namin at malaki ang pagmamahal namin sa iyo lalo na sa mga apo ko. Kalimutan mo na ang lalaking iyon at alam kong makakalimutan din ng kambal ang ama nila.” Hindi niya alam kung ano nga ba ang sasabihin, gusto niyang tumutol. Gusto niyang sabihin na ayaw niyang kalimutan ang lalaki dahi mahal na mahal niya ito. “Alam ko ang mga tinginang iyan, Gianna. Hindi ako papayag na sumama kayo sa lalaking iyon, kapag ginawa mo iyan ma

  • The VonTobel's Heir    Chapter 35

    “Ano ang nangyayari rito, Gianna? Sino iyang lalaking iyan?” Galit at pasigaw ang boses ng ama niya nang lumabas ito ng bahay. Kasama nito ang kan’yang ina na nakakunot din ang noo.“Sino iyan, Gianna?” tanong ng kan’yang ina kaya napangiwi siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin, kinakabahan siya dahil sa ibinibigay na tingin ng kan’yang magulang sa kan’ya pati na kay Ivo. Napalingon siya sa paligid, kita niya ang pilit na pakiki-usyuso ng mga kapitbahay nila sa kanila.“R-Roon po tayo mag-usap, ‘Nay, ‘Tay, marami pong mga tao sa labas,” mahinahong saad niya sa magulang ngunit umiling ito.“Hindi! Rito tayo mag-usap, sino ang lalaking iyan?” madiing tanong ng kan’yang ama kaya napapikit siya. Magsasalita na sana siya ngunit naunahan siya ni Ivo. Lumapit ito sa kan’ya at hinawakan ang kan’yang kamay para pigilan.“Magandang um

  • The VonTobel's Heir    Chapter 34

    “Alam mo ba, iyong anak ni Mela na si Gianna, umuwi na pala rito sa atin. Nakita ko kanina’t pinapaliguan ang dalawa niyang anak sa may poso nila. Makikiigib sana ako kaso namataan ko silang naliligo roon,” bulong ng isang matandang babae sa tambayan, mismo sa labas ng bakuran nila Gianna. Tinapik naman ng isang matanda ang babae kaya napa-aray ito.“Ano ka ba, marinig nga kayo, nasa harap kayo ng bahay nila,” saway ng isa kaya napairap ito sa kan’ya.“Ay kumare, totoo naman, nasaan kaya ang ama? Bali-balita rito na nabuntis daw iyan at tinakasan ng lalaki. Kawawa naman, maaga kasing naglandi eh, ‘yan tuloy ang napala,” natatawang sagot ng isa.“Mas malala pa nga ata ‘yong anak mo, Marites dahil kabit siya ni Kapitan Tarug!” Sumama ang mukha ni Marites sabay hampas sa kan’yang kaibigan na si Sharon.“Hoy! Mas maswerte pa naman ang anak ko dahil kahi

  • The VonTobel's Heir    Kabanata 33

    Mabilis silang nakauwi sa probinsya nila, kahit na naguguluhan ang kambal ay sumama na rin ito sa kan’ya. Wala siyang sinayang na oras dahil alam niyang magigising na si Ivo, Mabuti na nga lang ay hindi siya nahirapang maghanap ng masasakyan papunta sa probinsya nila. Ilang oras din ang byahe kaya pagod-pagod sila.Agad siyang nag-text kina Amy at Vanessa na ligtas silang nakauwi sa probinsya. Hawak-hawak niya ang dalawang anak niya palabas ng Bus. Huminga siya ng malalim nang maaninag niya ang bahay nila sa harap niya. Maganda ang bahay nila, sementado na ito at may tindahan sa harapan, bagay na ipinagmamalaki niya dahil kahit papaano ay may naipundar siya bilang manager sa coffee shop para sa mga magulang niya. Iyon nga lang ay kahig-isang tuka pa rin sila dahil may maintenance ang kan’yang ama. Lahat ng pinapadala niya ay nagagastos sa mga gamot ng kan’yang ama.Buong byahe ay kinakabahan siya, marami na rin ang sumasagi sa kan’ya

  • The VonTobel's Heir    Kabanata 32

    Nagising siyang may nakapulupot sa kan’yang bewang, nilingon niya iyon at nakita si Ivo na mahimbing ang tulog. Sa sobrang himbing ay napapahilik ito, dahan-dahan niyang inalis ang braso ng lalaki para makatayo siya.Ayaw niyang makita siya ng lalaking ganito dahil sobrang nahihiya siya. Hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin kay Ivo, pakiramdam niya maling-mali ang ginawa nila.Siya ang may kasalanan ng lahat kung pinahinto niya lang si Ivo ay baka hindi ito nangyari. Pa-ika-ika siyang naglakad palabas, maswerte siya’t hindi nagising ang lalaki. Pagod na pagod ito dahil madaling araw na rin sila natapos.Napapikit siya ng mariin, iba’t-ibang posisyon ang ginawa nila, tama nga ang lalaki, hindi siya nito tinigilan. Para silang lasing na lasing kahit hindi naman sila nakainom.Nasa wastong pag-iisip sila kagabi mind subalit sinunod pa rin nila ang init ng katawan.Sa pagbukas

  • The VonTobel's Heir    Kabanata 31.3

    Kabanata 31.3Simula noong araw na iyon ay hindi na niya nakita si Shaniah. Hindi na rin nag-cross ang landas nila at malaki ang pasasalamat niya roon dahil hindi hinayaan ng tadhana na magkita sila ni Ivo. Gabi na at tulog na ang lahat, si Ivo ay katabi ng kambal, pinapatulog ang mga ito samantalang siya ay nasa terrace ng hotel at nagpapahangin. Napangiti siya nang makita ang kislap ng karagatan na nagmumula sa Liwanag ng kalangitan. Bigla siyang nakaramdam ng kaginhawaan nang malanghap ang sariwang hangin. Unti-unting nawala ang ngiti niya nang maalala ang mga magulang niya. Malapit din sila sa karagatan at ganito ang ginagawa niya tuwing gabi bago matulog. Miss na miss na niya ang inay at itay niya, simula noong tumutongtong siya ng Maynila ay hindi na siya nakauwi. Ang minsang pangarap niya para sa mga ito ay nawala ng parang bola nang mabuntis siya ni Ivo at isinilang ang kambal. Kahit kunti ay nagpapadala rin siya ngunit alam niyang hindi iyon sapat para sa pamilya. Mabuti n

  • The VonTobel's Heir    Kabanata 31.2

    Kabanata 31.2 "Nanay! Ang ganda ng dagat, oh! Rito po tayo, langoy tayo roon!" masiglang sigaw ni Avery sa kan'ya habang hinihila siya ng bata kung saan. Nasa likod din nila ang dalawang mag-ama na kasalukuyang naglalakad at nakapamulsa. Tanging bikini lang ang suot niya't iyon ang nadala niya walasiyang choice kung 'di iyon ang isuot niya, alangan namang magpantalon siya ehnasa beach sila, baka pagtawanan lamang siya ng mga tao roon. Mabuti na lang atmay baon siyang floral cover up dress kahit papano ay natatakpan nito angkatawan niya. Ilang oras din silang nagbabad sa dagat, hindi mapalis ang kan’yang ngiti sa labi nang makitang tuwang-tuwa ang kan’yang kambal. Maluha-luha niyang tinitigan ang mag-aamang nasa harapan niya’t naglalaro. Ang pangarap niyang makita ang mag-aamang nagbo-bonding ay angtanging pangarap niya noon pa man. Hindi niya akalaing matutupad iyon. “Hindi maalis ang ngiti mo, Gianna. Masaya kami dahil masaya siSir Ivo ngayon, dahil iyon sa inyo ng kambal.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status