Nakahanda na ang lahat ng mga gamit namin para lumipat sa mansyon ni Ivo. Matapos kasing ma-discharge si Avery ay agad kaming umuwi para mag-impake. Sa totoo lang hindi ko alam kung okay ba itong ginagawa namin dahil alam kong may asawa na si Ivo subalit iniisip ko rin ang kambal. Sila at ang nararamdaman nila ang mas importante. Gusto nilang makasama ako kaya titiisin ko na lamang na manilbihan sa mansyon niya kahit na matapakan ang ego ko. “Nanay, excited na po akong makapunta sa bahay ni Tatay, sabi niya marami raw mga toys doon tapos tig-isa pa kami ni Gavin ng tulugan. Ang galing Nanay ‘no?” masiglang sambit sa akin ni Avery. Napangiti ako sa kaniya. Napaka-jolly ng aking anak kahit na kakagaling lamang nito sa opera. Masaya ako dahil magaling na siya, wala na akong pro-problemahin pa. Hindi pa pala ako nagpapasalamat kay Ivo, siguro kakausapin ko na lamang siya mamaya. “Ready na ba kayo?” tanong ni Ivo sa amin habang nakasilip sa aming kwarto. “Tatay! Opo ready na kami!” Si
Hindi makapali si Gianna sa kaniyang kwarto, gusto niyang puntahan ang kambal sa loob ng mansiyon. Katatapos lang kasi nilang maglibot ni Manang sa mansiyon subalit hindi man lang sila nalagi sa loob no’n. Ang sabi sa kaniya mamaya na lang daw sila papasok dahil busy pa araw ang kanilang amo sa pa-welcome party sa kambal. Napakagat siya ng labi dahil sa selos na nararamdaman niya. Hindi niya mapigilang maluha dahil nararamdaman niyang unti-unting kinukuha ng mag-asawa ang kambal sa piling niya. Hindi siya nakatiis kaya agad siyang pumuslit papunta sa loob ng mansyon. Habang naglilibot kasi sila ay may nakita siyang pintuang bukas doon sa may kusina, roon niya balak pumasok. Gusto niyang makita ang kambal dahil hindi siya mapakali kapag wala ang mga ito sa kaniyang tabi o di kaya’y makita man lang. Dahan-dahan siyang pumasok sa pintuan, napahinga siya nang maluwag nang makitang walang katao-tao roon. Puno ito ng mga pagkain, may pinggan ding nagamit na at wala nang laman. Sa isip niya
Kanina pa ako naghihintay sa kambal, narito ako sa labas ng mansyon nakatambay. Nakaupo ako sa hagdan at napayakap sa aking sarili. Mag-aalas otso na kasi’y wala pa sila, hindi nga ako nakapaghapunan dahil gusto kong sabay kaming kumain ng kambal. Napapikit ako ng mariin dahil sa inis, gusto ko mang tawagan si Ivo ay hindi puwede. Kabilin-bilinan niyang hindi ko raw sila isturbuhin kapag naroon sila sa Mall. “Hija, bakit nariyan ka pa? Pumasok ka na sa kwarto mo’t magpahinga. Bukas ay marami pa tayong gagawin,” saad ni Manang sa akin. Napatingala ako sa kaniya at umiwas ng tingin. Alam kaya niyang ako ang ina ng kambal? “Hinihintay ko pa po ang kambal, mauna na po kayo matulog,” saad ko sa kaniya. Rinig ko ang paghinga niya ng malalim at tumabi sa akin. “Alam kong ina ka ng mga anak ni Sir Ivo, sabagay kung ako rin naman ang nasa kalagayan mo’y gagawin ko rin ito.” Napatingin ako sa kaniya at napakunot ng noo. Hindi ko alam kung bakit concern na concern siya dahil narito ako’t
Sa kwarto nga ako nagtulog ng kambal dahil hindi nila ako tinigilan sa pangungulit. Napangiti ako nang marinig ang mga hilik nila sa aking tabi. Narito kami sa iisang kama magkatabi. Sobrang laki naman kasi ng kama ng mga bata kaya nagkasya kaming tatlo. Nasa gitna nila ako’t parehong nakasandal sa akin kaya dahan-dahan kong inalis ang kanilang brasong nakasandal sa aking katawan. Sabay silang tumalikod kaya napahinga ako ng maluwag. Tiningnan ko ang orasan sa lamesa’t mag-a-alas singko pa lang pala. Kaagad akong nag-ayos ng aking sarili para bumaba at maghain almusal nila. Hindi pa kami nagkakausap ni Ivo tungkol sa trabaho kaya gusto ko sanang kausapin siya. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan, wala pang katao-tao ang bahay kaya nagtataka ako. Hindi ba dapat maagang nagigising ang kasambahay para maghain ng almusal? Bakit hindi pa sila nagigising? Nang makapasok ako sa kusina ay agad akong naghanap ng lulutuin. Binuksan ko ang refrigerator at bumungad sa akin ang sandamakmak na
Ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang party, narito pa rin ako sa aking kwarto’t nag-aayos ng sarili. Ilang oras din kasi kaming naghanda ng party, inabutan na siguro kami ng hapon after pa no’n ay inasikaso ko pa ang aking kambal. Hindi ko nakita ang mag-asawang Vontobel, siguro’y busy rin iyon sa kani-kanilang trabaho. Si Shania ay isang sikat na model dito sa Pilipinas, isa siyang half korean at filipina. Marami ang kaniyang fans at sorang sikat niya lalo na sa mga teenagers samantalang si Ivo Stephan Vontobel ay isang multi-billionaire who owned a progressive and popular company rito rin sa Pilipinas. Kung iisipin, perfect match na sila’t walang mas hihigit pa sa relasyon nila. Hinahangaan din sila ng lahat as a couple dahil kitang-kita mo talagang inlove na inlove sila sa isa’t-isa. Kaya nga hindi na rin ako nag-aksaya ng panahong sabihin na mayroon siyang anak sa akin dahil alam kong gugulo lamang ang lahat. Napahinga ako ng malalim at napatingin sa repleksyon sa salam
Wala akong nagawa kung ‘di ay pumunta sa aking kwarto. Alam kong hinahanap ako ng kambal pero alam ko namang naroon si Ivo para bantayan sila. Agad akong sumalampak sa aking kama at napahinga ng malalim. Hindi ko alam kung kailan kami magiging ganito, mahirap talaga kalabanin ang ma-pera dahil sila lagi ang nasusunod at nananalo. Gusto ko nang umalis dito kasama ang kambal pero paano? Marami ang mga tauhang nakapalibot sa mansiyon at kung makakatakas man kami ng kambal ay mahahanap at mahahanap pa rin kami ni Ivo dahil maimpluwensiya siyang tao. Baka baliktarin pa nga niya ako’t ibalita sa medya na kinidnap ko ang mga anak niya. Alam kong alam na ng buong mundo na may anak si Ivo at hindi ako iyong inang pinakilala niya. There’s a pang in my heart when I see them looking good and happy. Napaka-perketo nilang tingnan at na-realize kong wala akong magawa para pigilan iyon. Sino ba naman ako? Isa lang naman akong babaeng nabuntis ni Ivo at nakilala niya isang gabi. Walang love na nangyar
Alas singko na ng hapon nang makauwi si Gianna. Hinanap niya agad ang kaniyang mga anak. Nagtataka siya kung bakit panay tingin ng tingin ang mga kasambahay sa kaniya kung lilingunin naman niya ay iiwas ito ng tingin.It feels so weird. Iyan ang nasa isip niya. Pumasok siya sa kwarto ng kaniyang anak, napahinga siya ng maluwag dahil busy ito sa pagsasagot ng kani-kanilang worksheets.Napakunot siya ng noo dahil nakabihis na agad ito ng pampatulog. Naka-pajama na ang dalawa. Gulat nga siya dahil never na siyang pinapasok ng kambal kapag pumunta silang C.R. para paliguan. Sabi nila ay matanda na sila para tulungan pa niya. Roon niya na-realize na lumalaki na ang kambal niya't siguro nahihiya na itong paliguan niya sila."Ang sisipag naman ng mga anak oh. Bakit pala nakasuot na kayo ng pajama ang agad niyo namang magpalit," saad niya sa dalawa. Napatingin ang kambal sa kaniya at mabilis na kumirapas ng takbo papalit sa akin."Nanay!" sigaw ng kaniyang dalawang chikiting. "Kumusta naman
Simula noong encounter nila sa opisina ni Ivo ay iniiwasan na niya ang lalaki. Hindi niya maintindihan kung bakit ginawa ng lalaki iyon sa kaniya. Sobrang mali dahil alam niyang may asawa siya. Bigla siyang nakaramdam ng panlalamig dahil sa maaga siyang nagising. Alas singko na ng umaga’t narito siya sa kusina, nagluluto ng almusal para sa kaniyang anak. Hindi na rin siya pumuntang coffee shop at nagpaalam sa amo niyang mag-leave para maasikaso ang kaniyang mga anak. Ang alam din ni Ivo ay umalis na siya subalit hindi. Mabuti na lang at mabait ang kaniyang amo sa kaniya’t binigyan siya ng tatlong linggong off sa trabaho. Ngayon ay hatid sundo niya ang mga bata sa eskwelahan at nag-fo-focus siya sa pagaasikaso sa loob ng mansyon. Halos buong araw siyang naglilinis sa loob para lang mawala ang kaniyang bagot. Maaga ngang natutulog na ang mga kasambahay dahil tinutulungan niya itong matapos sa kanilang mga gawain. Sa awa ng Diyos ay hindi niya nakikita si Shania sa loob ng mansyon,