Simula noong encounter nila sa opisina ni Ivo ay iniiwasan na niya ang lalaki. Hindi niya maintindihan kung bakit ginawa ng lalaki iyon sa kaniya. Sobrang mali dahil alam niyang may asawa siya. Bigla siyang nakaramdam ng panlalamig dahil sa maaga siyang nagising. Alas singko na ng umaga’t narito siya sa kusina, nagluluto ng almusal para sa kaniyang anak. Hindi na rin siya pumuntang coffee shop at nagpaalam sa amo niyang mag-leave para maasikaso ang kaniyang mga anak. Ang alam din ni Ivo ay umalis na siya subalit hindi. Mabuti na lang at mabait ang kaniyang amo sa kaniya’t binigyan siya ng tatlong linggong off sa trabaho. Ngayon ay hatid sundo niya ang mga bata sa eskwelahan at nag-fo-focus siya sa pagaasikaso sa loob ng mansyon. Halos buong araw siyang naglilinis sa loob para lang mawala ang kaniyang bagot. Maaga ngang natutulog na ang mga kasambahay dahil tinutulungan niya itong matapos sa kanilang mga gawain. Sa awa ng Diyos ay hindi niya nakikita si Shania sa loob ng mansyon,
Agad na lumapit si Shania sa kaniyang asawa at yumakap sa mga beywang nito. “Pinagsabihan ko lang naman ang mga bata na huwag maglilikot subalit sinampal na ako ni Gianna. Sinabi niya sa akin na wala raw akong karapatan dito sa pamamahay na ito dahil asawa mo lang naman ako at siya may anak sa’yo,” naiiyak na sambit ni Shania kay Ivo kaya nanlalaki ang kaniyang mata sa gulat. Nagsisinungaling ang babae at naiinsi s’ya roon. “At ako pa talaga ang gagawin mong masama? Nakita kitang pinagbubuhatan ng kamay ang anak ko! Ivo, she slapped our child! Ni hindi ko nga pinapadapuan ang aking anak sa mga lamok tapos siya, malaya siyang gawin kung anong gustuhin niya? Porket ba nakikitira lang kami rito? At ikaw, Shania akala ko mabait ka, napaka-plastic mo pala-” Naputol ang kaniyang sasabihin nang malakas s’yang sinampal ni Ivo. Gulat na gulat siya sa ginawa nito. Hindi niya akalaing gagawin sa kaniya ito sa harap pa talaga ng kaniyang mga anak. “Huwag mong pagsasalitaan ng masama ang
“Mas mabuting tanungin mo muna ang mga bata kung gusto ba nilang manatli rito o hindi. Pero Ivo asahan mong sasampahan ko ng kaso ang asawa mo, hindi biro ang ginawa niya sa aking anak. Tingnan mo ang mga pasa sa kanilang tuhod pati na ang namumulang pisngi ni Gavin. Sapat na itong ebidensya para makulong siya,” galit na wika n’ya kay Ivo. Napatango ito at tiningnan lang ang mga bata. Dahan-dahan niyang nilapit ang mga ito at hinawakan ang kaniyang mga kamay. “Mga anak, huwag niyong iwan si Tatay, please. Bigyan niyo pa ako ng isang pagkakataon, I will not give Tita Shania a chance to touch you, I promise you that. Huwag lang kayong aalis dito sa mansyon.” Kita ko ang sinseridad habang tinitingnan ni Ivo ang kaniyang kambal. “Please, mga anak. Huwag niyo akong iwan,” mangiyak-ngiyak na sambit ni Ivo sa kanila. Napatingin ang mga bata sa isa’t-isa at sa akin. “Basta, promise mo pong hindi na mauulit ito pati ang pananakit niyo kay Nanay. Dahil nasasaktan din po kami kapag nasasakt
Matapos ang usapan nila ni Gianna ay agad siyang pumunta sa kaniyang asawa na si Shania. Mabuti na lang at pinakiusapan niya si Gi na hindi muna magsasampa o magsusumbong sa mga pulis ito dahil gusto niya munang kausapin si Shania. Mahirap sa kaniyang pumili pero mas pipiliin niya ang nararapat at tama. Galit siya ngayon, sa totoo lang, hindi niya ma-imagine na magagawa iyon ni Shania sa mga bata. Sa ilang taong pagsasama nila ay okay naman ang kanilang married life, masaya at kontento na siya roon. Nagawa niyang mahalin ang babae ng totoo at puro, ni hindi na nga siya nambabae katulad noong dati. Binago niya ang kaniyang sarili for the sake of her, nakikita niya kasing nasasaktan na ang babae sa pinaggagawa niya. Simula noong malaman niyang may ibang lalaking kinakasama si Gianna ay kinalimutan na niya ito at binaling ang pagmamahal sa kaniyang asawa. Iyong sa kanila ni Shania ay arrange marriage lamang. Kailangan ng pamilya nilang mag-merge para sa business nito. Commonly traditio
Ivo Kasalukuyan siyang nasa counter bar habang umiinom ng alak. Hindi niya maatim na kayang kunin ng kaniyang asawa ang buhay ng kanilang anak ng basta-basta na lang at hindi niya iyon matanggap. Kung alam niya lang na may laman na ang tiyan nito ay agad niya sana itong pinigilan. Ilang taon na rin siyang naghihintay na magkaanak sila ni Shania subalit nagtataka siya kung bakit wala pang nabubuo, iyon pala ang dahilan. Dahil ayaw ng babaeng magkaanak sila. Napapikit siya ng mariin nang gumuhit ang alak sa kaniyang lalamunan. Sobrang lakas ng tama ng alak, binili pa niya ito sa U.S. noong nag-business trip siya. “Alam mo, masama ang alak sa katawan,” saad ng tinig sa likod niya. Hindi niya na ito nilingon dahil alam niya naman kung sino iyon. It was Gianna, naramdaman niyang umupo ito sa kaniyang tabi kaya napalingon siya. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya sa babae. “Kumusta ang pag-uusap niyo ng asawa mo? Nakita ko siyang umalis sa mansyon kanina. Nag-away ba kayong dalawa?
GiannaSimula noong nalaman nilang sinasaktan pala ni Shania ang kambal at nalaman ni Ivo na pina-abort pala ni Shania ang kanilang anak ay naging mailap na ito sa babae. On the way na rin ang pagkaso kay Shania’t malakas ang ebedensiya nila laban sa babae. Hindi na-ere ang kasong iyon dahil ayaw niyang madamay pa ang kaniyang mga anak sa gulong kahaharapin nila. Isa pa, pumapasok ang mga bata’t baka pag-usapan lang ang kambal sa eskwelahan.Nakatira pa rin naman si Shania sa mansyon ngunit sobrang ilap na nila rito. Ni hindi nga nila nakakasalubong ang babae dahil pati ito ay busy rin sa kaniyang modeling. Ni isa ay wala itong in-attend-an na kaso kaya malakas ang kaniyang loob na mananalo sila. Alam niya sa sarili niya na kayang piyansahan ni Shania ang sarili nito ngunit kailangan niya itong gawin para sa mga anak niya, mabigyan lamang ng hustisya ang ginawa ni Shania sa mga bata. Hindi man lang nag-sorry ang babae sa kanila, malakas pa nga ang loob na palayasin sila sa mansyon su
Sulit ang family bonding nilang magpapamilya kahit sa loob lang ng mansyon. Sobrang saya niya lalo na ang kaniyang kambal. Hindi mapalis ang mga ngiti nito dahil sa sobrang saya. Hindi niya alam kung kailan ulit iyon mauulit pero hiling niya sana’y maulit iyon muli. “Mukhang ang laki ng mga ngiti mo, masaya bang ka-bonding ang asawa ko?” Napalingon siya sa kaniyang likuran, kasalukuyan siyang naghuhugas ng kanilang pinagkainan. Pinauna na niya ang kambal sa kanilang kwarto para magbihis kasama nila si Ivo. Nawala ang kaniyang ngiti nang makitang si Shania pala iyon. “Anong ibig mong sabihin?” tanong niya sa babae. “Kako enjoy bang kasama ang aking asawa?” tanong ulit ng babae, nakangisi lamang ito sa kaniya. “Bakit mo iyan natanong? Masaya ako dahil nagkaroon ng bonding time ang kambal at tatay nila. Huwag mo ngang pag-isipan ng masama iyon, Shania,” saad niya sa babae. “If I know tuwang-tuwa ka naman dahil nakausap mo ang asawa ko. Bakit? May balak ka bang agawin siya sa akin?
“Ano bang pinagsasabi mo riyan Shania? Ni hindi nga ako pumasok sa kwarto niyo ni Ivo tapos ako pa ang pagdidiskitahan mo? Nahihibang ka na ba?” tanong niya sa babae. Halos kuyugon siya nito samantalang pilit naman na nilalayo ni Manang si Shania sa kaniya. Subalit hindi rin nagpapatinag ang babae dahli halos sa kaniya lang ito nakapulupot. “Ikaw! Ikaw ang nahihibang ibalik mo ang ninakaw mo sa akin!” inis na sambit nito at pilit hinahablot ang kaniyang buhok hanggang sa malakas niyang tinulak ang babae na nagsanhi nang pagkaupo nito sa sahig. “Ano ba! Wala nga akong ninakaw! Ang kulit mo naman!” sigaw niya sa babae kaya halos lahat ng katulong doon ay nakikiusyuso sa kanila. “Ano na naman ang nangyayari rito?” Napalingon sila kay Ivo. Nanlilisik ang mga mata nito at galit na galit. Ayaw na ayaw niya kasing may nag-aaway sa pamamahay niya. “Iyang asawa mo, pinagbibintangan akong kumuha ng mga alahas niya ni hindi nga ako pumapasok sa loob ng kwarto niyo, ako pa talaga ang pag
Kabanata 38 Ilang araw ring nanatili si Ivo sa lugar ni Keanna. Tansa nga ng lalaki, tatlong araw siyang natulog sa kan’yang kotse bago siya pinahintulutang pumasok at matulog ng mga magulang ni Keanna sa bahay nila. Okay lang naman sa kan’ya iyon at naiintindihan niya, naalala pa niya ang paguusap nila ng tatay nito. Ni hindi nga siya nakaramdam ng takot at kaba dahil siya naman ang boss ng kanilang kompanya ngunit sa pagkakataong nakausap niya ang tatay ni Gianna, roon lang niya naramdaman ang takot at kaba. Takot na baka hindi siya tanggapin at baka pagmumurahin siya ng ama ng babae pati na ang kaba na baka sabihin nitong layuan niya ang anak nito. Napahinga siya ng malalim at napapikit, tila ba inaalala ang pag-uusap nila ‘nong nakaraan. “Maupo ka.” Iyan ang unang sinabi ng ama ni Gianna sa kan’ya, sa pagbuka pa lang ng bibig ng matanda ay bigla na lamang kumabog ng mabilis ang dibdib niya. Malugod niya naman itong sinunod at umupo sa harapan nito. Nasa labas ang matanda’t na
Ivo Vontobel Ang totoo, matagal na niyang alam na niloloko lang siya ni Shania, hindi niya lang maamin ito sa sarili niya. She really loved her, iyon ang totoo. Minahal niya ito ng totoo, at sa pangalawang pagkakataon, binigo na naman siya ng babae. He acted that he doesn’t know everything, he tolerated his wife’s doing. Ni hindi nga niya kinonfront ito dahil alam niyang nagbago na ang babae. Yes, nagbago nga at alam niyang iniwasan na nito ang lalaking kasama nito palagi noon but everything changed nang dumating ang kan’yang mga anak at si Gianna. He was confused lalo na sa nararamdaman niya. He loves his wife, he’s sure of that but everytime he see Gianna and his children nakakalimutan niya ang asawa niya. Jerk man siya kung iisipin pero iyon ang nararamdaman niya. Matagal na siyang niloloko ng asawa but he’s blinded by his love or should he say he’s guilt. Alam niya kasing malaki ang effort ni Shaniah na mapaibig siya, ginawa nito ang lahat para lamang makalimutan si Gianna at
Walang nagawa si Ivo kung ‘di ang umalis sa bahay ni Gianna. Gusto pa sanang kausapin nito ang mga magulang ng babae ngunit pinilit talaga ni Gianna na huwag munang gawin iyon dahil alam niyang lalala lang ang lahat. Gusto niyang kausapin muna ang mga magulang para magpaliwanag. Nang pumasok siya sa kanilang bahay ay bumungad sa kan’ya ang magulang niyang seryosong nag-uusap. Nang makita siya nito ay agad na umupo ang mga ito ng tuwid. “Hindi ka namin pinalaking mang-aagaw Gianna kaya sana’y maintindihan mo kami ng ama mo. Ayaw ka lang naming masaktan, anak ka namin at malaki ang pagmamahal namin sa iyo lalo na sa mga apo ko. Kalimutan mo na ang lalaking iyon at alam kong makakalimutan din ng kambal ang ama nila.” Hindi niya alam kung ano nga ba ang sasabihin, gusto niyang tumutol. Gusto niyang sabihin na ayaw niyang kalimutan ang lalaki dahi mahal na mahal niya ito. “Alam ko ang mga tinginang iyan, Gianna. Hindi ako papayag na sumama kayo sa lalaking iyon, kapag ginawa mo iyan ma
“Ano ang nangyayari rito, Gianna? Sino iyang lalaking iyan?” Galit at pasigaw ang boses ng ama niya nang lumabas ito ng bahay. Kasama nito ang kan’yang ina na nakakunot din ang noo.“Sino iyan, Gianna?” tanong ng kan’yang ina kaya napangiwi siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin, kinakabahan siya dahil sa ibinibigay na tingin ng kan’yang magulang sa kan’ya pati na kay Ivo. Napalingon siya sa paligid, kita niya ang pilit na pakiki-usyuso ng mga kapitbahay nila sa kanila.“R-Roon po tayo mag-usap, ‘Nay, ‘Tay, marami pong mga tao sa labas,” mahinahong saad niya sa magulang ngunit umiling ito.“Hindi! Rito tayo mag-usap, sino ang lalaking iyan?” madiing tanong ng kan’yang ama kaya napapikit siya. Magsasalita na sana siya ngunit naunahan siya ni Ivo. Lumapit ito sa kan’ya at hinawakan ang kan’yang kamay para pigilan.“Magandang um
“Alam mo ba, iyong anak ni Mela na si Gianna, umuwi na pala rito sa atin. Nakita ko kanina’t pinapaliguan ang dalawa niyang anak sa may poso nila. Makikiigib sana ako kaso namataan ko silang naliligo roon,” bulong ng isang matandang babae sa tambayan, mismo sa labas ng bakuran nila Gianna. Tinapik naman ng isang matanda ang babae kaya napa-aray ito.“Ano ka ba, marinig nga kayo, nasa harap kayo ng bahay nila,” saway ng isa kaya napairap ito sa kan’ya.“Ay kumare, totoo naman, nasaan kaya ang ama? Bali-balita rito na nabuntis daw iyan at tinakasan ng lalaki. Kawawa naman, maaga kasing naglandi eh, ‘yan tuloy ang napala,” natatawang sagot ng isa.“Mas malala pa nga ata ‘yong anak mo, Marites dahil kabit siya ni Kapitan Tarug!” Sumama ang mukha ni Marites sabay hampas sa kan’yang kaibigan na si Sharon.“Hoy! Mas maswerte pa naman ang anak ko dahil kahi
Mabilis silang nakauwi sa probinsya nila, kahit na naguguluhan ang kambal ay sumama na rin ito sa kan’ya. Wala siyang sinayang na oras dahil alam niyang magigising na si Ivo, Mabuti na nga lang ay hindi siya nahirapang maghanap ng masasakyan papunta sa probinsya nila. Ilang oras din ang byahe kaya pagod-pagod sila.Agad siyang nag-text kina Amy at Vanessa na ligtas silang nakauwi sa probinsya. Hawak-hawak niya ang dalawang anak niya palabas ng Bus. Huminga siya ng malalim nang maaninag niya ang bahay nila sa harap niya. Maganda ang bahay nila, sementado na ito at may tindahan sa harapan, bagay na ipinagmamalaki niya dahil kahit papaano ay may naipundar siya bilang manager sa coffee shop para sa mga magulang niya. Iyon nga lang ay kahig-isang tuka pa rin sila dahil may maintenance ang kan’yang ama. Lahat ng pinapadala niya ay nagagastos sa mga gamot ng kan’yang ama.Buong byahe ay kinakabahan siya, marami na rin ang sumasagi sa kan’ya
Nagising siyang may nakapulupot sa kan’yang bewang, nilingon niya iyon at nakita si Ivo na mahimbing ang tulog. Sa sobrang himbing ay napapahilik ito, dahan-dahan niyang inalis ang braso ng lalaki para makatayo siya.Ayaw niyang makita siya ng lalaking ganito dahil sobrang nahihiya siya. Hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin kay Ivo, pakiramdam niya maling-mali ang ginawa nila.Siya ang may kasalanan ng lahat kung pinahinto niya lang si Ivo ay baka hindi ito nangyari. Pa-ika-ika siyang naglakad palabas, maswerte siya’t hindi nagising ang lalaki. Pagod na pagod ito dahil madaling araw na rin sila natapos.Napapikit siya ng mariin, iba’t-ibang posisyon ang ginawa nila, tama nga ang lalaki, hindi siya nito tinigilan. Para silang lasing na lasing kahit hindi naman sila nakainom.Nasa wastong pag-iisip sila kagabi mind subalit sinunod pa rin nila ang init ng katawan.Sa pagbukas
Kabanata 31.3Simula noong araw na iyon ay hindi na niya nakita si Shaniah. Hindi na rin nag-cross ang landas nila at malaki ang pasasalamat niya roon dahil hindi hinayaan ng tadhana na magkita sila ni Ivo. Gabi na at tulog na ang lahat, si Ivo ay katabi ng kambal, pinapatulog ang mga ito samantalang siya ay nasa terrace ng hotel at nagpapahangin. Napangiti siya nang makita ang kislap ng karagatan na nagmumula sa Liwanag ng kalangitan. Bigla siyang nakaramdam ng kaginhawaan nang malanghap ang sariwang hangin. Unti-unting nawala ang ngiti niya nang maalala ang mga magulang niya. Malapit din sila sa karagatan at ganito ang ginagawa niya tuwing gabi bago matulog. Miss na miss na niya ang inay at itay niya, simula noong tumutongtong siya ng Maynila ay hindi na siya nakauwi. Ang minsang pangarap niya para sa mga ito ay nawala ng parang bola nang mabuntis siya ni Ivo at isinilang ang kambal. Kahit kunti ay nagpapadala rin siya ngunit alam niyang hindi iyon sapat para sa pamilya. Mabuti n
Kabanata 31.2 "Nanay! Ang ganda ng dagat, oh! Rito po tayo, langoy tayo roon!" masiglang sigaw ni Avery sa kan'ya habang hinihila siya ng bata kung saan. Nasa likod din nila ang dalawang mag-ama na kasalukuyang naglalakad at nakapamulsa. Tanging bikini lang ang suot niya't iyon ang nadala niya walasiyang choice kung 'di iyon ang isuot niya, alangan namang magpantalon siya ehnasa beach sila, baka pagtawanan lamang siya ng mga tao roon. Mabuti na lang atmay baon siyang floral cover up dress kahit papano ay natatakpan nito angkatawan niya. Ilang oras din silang nagbabad sa dagat, hindi mapalis ang kan’yang ngiti sa labi nang makitang tuwang-tuwa ang kan’yang kambal. Maluha-luha niyang tinitigan ang mag-aamang nasa harapan niya’t naglalaro. Ang pangarap niyang makita ang mag-aamang nagbo-bonding ay angtanging pangarap niya noon pa man. Hindi niya akalaing matutupad iyon. “Hindi maalis ang ngiti mo, Gianna. Masaya kami dahil masaya siSir Ivo ngayon, dahil iyon sa inyo ng kambal.