Sobrang nakakaawa ang kambal, sana mabigyan ng hustisya ang pang-aabuso sa kanila ni Shania. T.T Habang sinusulat ko ito ay bumibigat ang aking kalooban, lalo na't mahilig din ako sa mga bata. huhu
“Mas mabuting tanungin mo muna ang mga bata kung gusto ba nilang manatli rito o hindi. Pero Ivo asahan mong sasampahan ko ng kaso ang asawa mo, hindi biro ang ginawa niya sa aking anak. Tingnan mo ang mga pasa sa kanilang tuhod pati na ang namumulang pisngi ni Gavin. Sapat na itong ebidensya para makulong siya,” galit na wika n’ya kay Ivo. Napatango ito at tiningnan lang ang mga bata. Dahan-dahan niyang nilapit ang mga ito at hinawakan ang kaniyang mga kamay. “Mga anak, huwag niyong iwan si Tatay, please. Bigyan niyo pa ako ng isang pagkakataon, I will not give Tita Shania a chance to touch you, I promise you that. Huwag lang kayong aalis dito sa mansyon.” Kita ko ang sinseridad habang tinitingnan ni Ivo ang kaniyang kambal. “Please, mga anak. Huwag niyo akong iwan,” mangiyak-ngiyak na sambit ni Ivo sa kanila. Napatingin ang mga bata sa isa’t-isa at sa akin. “Basta, promise mo pong hindi na mauulit ito pati ang pananakit niyo kay Nanay. Dahil nasasaktan din po kami kapag nasasakt
Matapos ang usapan nila ni Gianna ay agad siyang pumunta sa kaniyang asawa na si Shania. Mabuti na lang at pinakiusapan niya si Gi na hindi muna magsasampa o magsusumbong sa mga pulis ito dahil gusto niya munang kausapin si Shania. Mahirap sa kaniyang pumili pero mas pipiliin niya ang nararapat at tama. Galit siya ngayon, sa totoo lang, hindi niya ma-imagine na magagawa iyon ni Shania sa mga bata. Sa ilang taong pagsasama nila ay okay naman ang kanilang married life, masaya at kontento na siya roon. Nagawa niyang mahalin ang babae ng totoo at puro, ni hindi na nga siya nambabae katulad noong dati. Binago niya ang kaniyang sarili for the sake of her, nakikita niya kasing nasasaktan na ang babae sa pinaggagawa niya. Simula noong malaman niyang may ibang lalaking kinakasama si Gianna ay kinalimutan na niya ito at binaling ang pagmamahal sa kaniyang asawa. Iyong sa kanila ni Shania ay arrange marriage lamang. Kailangan ng pamilya nilang mag-merge para sa business nito. Commonly traditio
Ivo Kasalukuyan siyang nasa counter bar habang umiinom ng alak. Hindi niya maatim na kayang kunin ng kaniyang asawa ang buhay ng kanilang anak ng basta-basta na lang at hindi niya iyon matanggap. Kung alam niya lang na may laman na ang tiyan nito ay agad niya sana itong pinigilan. Ilang taon na rin siyang naghihintay na magkaanak sila ni Shania subalit nagtataka siya kung bakit wala pang nabubuo, iyon pala ang dahilan. Dahil ayaw ng babaeng magkaanak sila. Napapikit siya ng mariin nang gumuhit ang alak sa kaniyang lalamunan. Sobrang lakas ng tama ng alak, binili pa niya ito sa U.S. noong nag-business trip siya. “Alam mo, masama ang alak sa katawan,” saad ng tinig sa likod niya. Hindi niya na ito nilingon dahil alam niya naman kung sino iyon. It was Gianna, naramdaman niyang umupo ito sa kaniyang tabi kaya napalingon siya. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya sa babae. “Kumusta ang pag-uusap niyo ng asawa mo? Nakita ko siyang umalis sa mansyon kanina. Nag-away ba kayong dalawa?
GiannaSimula noong nalaman nilang sinasaktan pala ni Shania ang kambal at nalaman ni Ivo na pina-abort pala ni Shania ang kanilang anak ay naging mailap na ito sa babae. On the way na rin ang pagkaso kay Shania’t malakas ang ebedensiya nila laban sa babae. Hindi na-ere ang kasong iyon dahil ayaw niyang madamay pa ang kaniyang mga anak sa gulong kahaharapin nila. Isa pa, pumapasok ang mga bata’t baka pag-usapan lang ang kambal sa eskwelahan.Nakatira pa rin naman si Shania sa mansyon ngunit sobrang ilap na nila rito. Ni hindi nga nila nakakasalubong ang babae dahil pati ito ay busy rin sa kaniyang modeling. Ni isa ay wala itong in-attend-an na kaso kaya malakas ang kaniyang loob na mananalo sila. Alam niya sa sarili niya na kayang piyansahan ni Shania ang sarili nito ngunit kailangan niya itong gawin para sa mga anak niya, mabigyan lamang ng hustisya ang ginawa ni Shania sa mga bata. Hindi man lang nag-sorry ang babae sa kanila, malakas pa nga ang loob na palayasin sila sa mansyon su
Sulit ang family bonding nilang magpapamilya kahit sa loob lang ng mansyon. Sobrang saya niya lalo na ang kaniyang kambal. Hindi mapalis ang mga ngiti nito dahil sa sobrang saya. Hindi niya alam kung kailan ulit iyon mauulit pero hiling niya sana’y maulit iyon muli. “Mukhang ang laki ng mga ngiti mo, masaya bang ka-bonding ang asawa ko?” Napalingon siya sa kaniyang likuran, kasalukuyan siyang naghuhugas ng kanilang pinagkainan. Pinauna na niya ang kambal sa kanilang kwarto para magbihis kasama nila si Ivo. Nawala ang kaniyang ngiti nang makitang si Shania pala iyon. “Anong ibig mong sabihin?” tanong niya sa babae. “Kako enjoy bang kasama ang aking asawa?” tanong ulit ng babae, nakangisi lamang ito sa kaniya. “Bakit mo iyan natanong? Masaya ako dahil nagkaroon ng bonding time ang kambal at tatay nila. Huwag mo ngang pag-isipan ng masama iyon, Shania,” saad niya sa babae. “If I know tuwang-tuwa ka naman dahil nakausap mo ang asawa ko. Bakit? May balak ka bang agawin siya sa akin?
“Ano bang pinagsasabi mo riyan Shania? Ni hindi nga ako pumasok sa kwarto niyo ni Ivo tapos ako pa ang pagdidiskitahan mo? Nahihibang ka na ba?” tanong niya sa babae. Halos kuyugon siya nito samantalang pilit naman na nilalayo ni Manang si Shania sa kaniya. Subalit hindi rin nagpapatinag ang babae dahli halos sa kaniya lang ito nakapulupot. “Ikaw! Ikaw ang nahihibang ibalik mo ang ninakaw mo sa akin!” inis na sambit nito at pilit hinahablot ang kaniyang buhok hanggang sa malakas niyang tinulak ang babae na nagsanhi nang pagkaupo nito sa sahig. “Ano ba! Wala nga akong ninakaw! Ang kulit mo naman!” sigaw niya sa babae kaya halos lahat ng katulong doon ay nakikiusyuso sa kanila. “Ano na naman ang nangyayari rito?” Napalingon sila kay Ivo. Nanlilisik ang mga mata nito at galit na galit. Ayaw na ayaw niya kasing may nag-aaway sa pamamahay niya. “Iyang asawa mo, pinagbibintangan akong kumuha ng mga alahas niya ni hindi nga ako pumapasok sa loob ng kwarto niyo, ako pa talaga ang pag
Ilang araw ang nakalipas nang hindi na talaga nagpapansinan sina Ivo at Shania. Hindi na rin umuuwi si Shania sa mansyon kaya sobrang nag-aalala si Manang si kanya. Hindi niya alam kung hinahanap ba ito ni Ivo o hindi dahil hindi naman nila na napag-uusapan ang babae. Tanging naka-focus sila sa pag-aalaga sa kambal. Halos araw-araw ay palagi silang nag-bo-bonding, sobrang napalapit na talaga ang mga bata kay Ivo at natutuwa siya dahil doon. Minsan ay nakaka-video call din nila ang lolo at lola nila na kasalukuyang nagbabakasyon sa Amerika. Nakilala rin niya sila at sobrang babait ng mga ito, sabi nito sa kanya ay excited na silang makita ang kambal labis naman ang kanyang tuwa dahil tanggap nila sila at walang paghuhusga ang nakikita n’ya sa mga mata hindi kagaya sa mga magulang ni Shania. May balak pa nga silang bumisita sa kanila after ng bakasyon nito sa Amerika. Nakita niya si Ivo na nakaupo sa may garden at ang lalim ng isip kaya agad siyang lumapit sa lalaki. “Mukhang ang lal
Ilang araw na ang nakalipas ngunit hindi pa rin umuuwi si Shania. Halos araw-araw ay hinahanap ito ni Ivo, araw-araw ay nakikita niya itong umiinom na para bang wala ito sarili, halos gabi-gabi ay nasa counter ito, tumatambay. Hindi pa naman niya napapabayaan ang kambal, halos palagi itong nag-bo-bonding subalit kapag malalim na ang gabi ay nakikita niya itong mag-isang umiinom sa bar counter ng mansion. Pilit niyang pinipigilan ang kaniyang sariling lumapit sa lalaki dahil ayaw niyang magka-issue silang dalawa. Halos kasi siya na lang ang tampulan ng tsismis sa mansyon. Kesyo raw baka pinalitan na niya ang puwesto ni Ma'am Shania nila at kaya umalis si Shania dahil inagaw niya raw si Ivo sa babae. Naririnig niya pa ngang kabit daw siya at parausan dahil may nakakita raw sa kaniya na laging pumapasok sa kwarto ng mag-asawa. Napapailing na lamang siya dahil sa mga kumakalat na tsismis. Mabuti na nga lang at hindi ito naririnig ng kambal pati na ni Ivo. Siya lang naman kasi ang pinapari