Nagising siyang may nakapulupot sa kan’yang bewang, nilingon niya iyon at nakita si Ivo na mahimbing ang tulog. Sa sobrang himbing ay napapahilik ito, dahan-dahan niyang inalis ang braso ng lalaki para makatayo siya.
Ayaw niyang makita siya ng lalaking ganito dahil sobrang nahihiya siya. Hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin kay Ivo, pakiramdam niya maling-mali ang ginawa nila.
Siya ang may kasalanan ng lahat kung pinahinto niya lang si Ivo ay baka hindi ito nangyari. Pa-ika-ika siyang naglakad palabas, maswerte siya’t hindi nagising ang lalaki. Pagod na pagod ito dahil madaling araw na rin sila natapos.
Napapikit siya ng mariin, iba’t-ibang posisyon ang ginawa nila, tama nga ang lalaki, hindi siya nito tinigilan. Para silang lasing na lasing kahit hindi naman sila nakainom.
Nasa wastong pag-iisip sila kagabi mind subalit sinunod pa rin nila ang init ng katawan.
Sa pagbukas
Mabilis silang nakauwi sa probinsya nila, kahit na naguguluhan ang kambal ay sumama na rin ito sa kan’ya. Wala siyang sinayang na oras dahil alam niyang magigising na si Ivo, Mabuti na nga lang ay hindi siya nahirapang maghanap ng masasakyan papunta sa probinsya nila. Ilang oras din ang byahe kaya pagod-pagod sila.Agad siyang nag-text kina Amy at Vanessa na ligtas silang nakauwi sa probinsya. Hawak-hawak niya ang dalawang anak niya palabas ng Bus. Huminga siya ng malalim nang maaninag niya ang bahay nila sa harap niya. Maganda ang bahay nila, sementado na ito at may tindahan sa harapan, bagay na ipinagmamalaki niya dahil kahit papaano ay may naipundar siya bilang manager sa coffee shop para sa mga magulang niya. Iyon nga lang ay kahig-isang tuka pa rin sila dahil may maintenance ang kan’yang ama. Lahat ng pinapadala niya ay nagagastos sa mga gamot ng kan’yang ama.Buong byahe ay kinakabahan siya, marami na rin ang sumasagi sa kan’ya
“Alam mo ba, iyong anak ni Mela na si Gianna, umuwi na pala rito sa atin. Nakita ko kanina’t pinapaliguan ang dalawa niyang anak sa may poso nila. Makikiigib sana ako kaso namataan ko silang naliligo roon,” bulong ng isang matandang babae sa tambayan, mismo sa labas ng bakuran nila Gianna. Tinapik naman ng isang matanda ang babae kaya napa-aray ito.“Ano ka ba, marinig nga kayo, nasa harap kayo ng bahay nila,” saway ng isa kaya napairap ito sa kan’ya.“Ay kumare, totoo naman, nasaan kaya ang ama? Bali-balita rito na nabuntis daw iyan at tinakasan ng lalaki. Kawawa naman, maaga kasing naglandi eh, ‘yan tuloy ang napala,” natatawang sagot ng isa.“Mas malala pa nga ata ‘yong anak mo, Marites dahil kabit siya ni Kapitan Tarug!” Sumama ang mukha ni Marites sabay hampas sa kan’yang kaibigan na si Sharon.“Hoy! Mas maswerte pa naman ang anak ko dahil kahi
“Ano ang nangyayari rito, Gianna? Sino iyang lalaking iyan?” Galit at pasigaw ang boses ng ama niya nang lumabas ito ng bahay. Kasama nito ang kan’yang ina na nakakunot din ang noo.“Sino iyan, Gianna?” tanong ng kan’yang ina kaya napangiwi siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin, kinakabahan siya dahil sa ibinibigay na tingin ng kan’yang magulang sa kan’ya pati na kay Ivo. Napalingon siya sa paligid, kita niya ang pilit na pakiki-usyuso ng mga kapitbahay nila sa kanila.“R-Roon po tayo mag-usap, ‘Nay, ‘Tay, marami pong mga tao sa labas,” mahinahong saad niya sa magulang ngunit umiling ito.“Hindi! Rito tayo mag-usap, sino ang lalaking iyan?” madiing tanong ng kan’yang ama kaya napapikit siya. Magsasalita na sana siya ngunit naunahan siya ni Ivo. Lumapit ito sa kan’ya at hinawakan ang kan’yang kamay para pigilan.“Magandang um
Walang nagawa si Ivo kung ‘di ang umalis sa bahay ni Gianna. Gusto pa sanang kausapin nito ang mga magulang ng babae ngunit pinilit talaga ni Gianna na huwag munang gawin iyon dahil alam niyang lalala lang ang lahat. Gusto niyang kausapin muna ang mga magulang para magpaliwanag. Nang pumasok siya sa kanilang bahay ay bumungad sa kan’ya ang magulang niyang seryosong nag-uusap. Nang makita siya nito ay agad na umupo ang mga ito ng tuwid. “Hindi ka namin pinalaking mang-aagaw Gianna kaya sana’y maintindihan mo kami ng ama mo. Ayaw ka lang naming masaktan, anak ka namin at malaki ang pagmamahal namin sa iyo lalo na sa mga apo ko. Kalimutan mo na ang lalaking iyon at alam kong makakalimutan din ng kambal ang ama nila.” Hindi niya alam kung ano nga ba ang sasabihin, gusto niyang tumutol. Gusto niyang sabihin na ayaw niyang kalimutan ang lalaki dahi mahal na mahal niya ito. “Alam ko ang mga tinginang iyan, Gianna. Hindi ako papayag na sumama kayo sa lalaking iyon, kapag ginawa mo iyan ma
Ivo Vontobel Ang totoo, matagal na niyang alam na niloloko lang siya ni Shania, hindi niya lang maamin ito sa sarili niya. She really loved her, iyon ang totoo. Minahal niya ito ng totoo, at sa pangalawang pagkakataon, binigo na naman siya ng babae. He acted that he doesn’t know everything, he tolerated his wife’s doing. Ni hindi nga niya kinonfront ito dahil alam niyang nagbago na ang babae. Yes, nagbago nga at alam niyang iniwasan na nito ang lalaking kasama nito palagi noon but everything changed nang dumating ang kan’yang mga anak at si Gianna. He was confused lalo na sa nararamdaman niya. He loves his wife, he’s sure of that but everytime he see Gianna and his children nakakalimutan niya ang asawa niya. Jerk man siya kung iisipin pero iyon ang nararamdaman niya. Matagal na siyang niloloko ng asawa but he’s blinded by his love or should he say he’s guilt. Alam niya kasing malaki ang effort ni Shaniah na mapaibig siya, ginawa nito ang lahat para lamang makalimutan si Gianna at
Kabanata 38 Ilang araw ring nanatili si Ivo sa lugar ni Keanna. Tansa nga ng lalaki, tatlong araw siyang natulog sa kan’yang kotse bago siya pinahintulutang pumasok at matulog ng mga magulang ni Keanna sa bahay nila. Okay lang naman sa kan’ya iyon at naiintindihan niya, naalala pa niya ang paguusap nila ng tatay nito. Ni hindi nga siya nakaramdam ng takot at kaba dahil siya naman ang boss ng kanilang kompanya ngunit sa pagkakataong nakausap niya ang tatay ni Gianna, roon lang niya naramdaman ang takot at kaba. Takot na baka hindi siya tanggapin at baka pagmumurahin siya ng ama ng babae pati na ang kaba na baka sabihin nitong layuan niya ang anak nito. Napahinga siya ng malalim at napapikit, tila ba inaalala ang pag-uusap nila ‘nong nakaraan. “Maupo ka.” Iyan ang unang sinabi ng ama ni Gianna sa kan’ya, sa pagbuka pa lang ng bibig ng matanda ay bigla na lamang kumabog ng mabilis ang dibdib niya. Malugod niya naman itong sinunod at umupo sa harapan nito. Nasa labas ang matanda’t na
"Tiya, nawawala po ang kambal!" hagulhol kong saad kay Tiya Sabel. Kasalukuyan kasi kaming namamasyal nila tiya sa mall dahil birthday ng dalawa kong kambal. Apat na taong gulang na sila ngayon."Ano? Akala ko ba nag-C.R. lang kayo? Paanong nawawala ang kambal?" tanong niya sa akin habang hagod-hagod niya ang aking likod dahil sa sobrang iyak."Hindi ko po alam, nalingat lang po ako nawala na sila—" Biglang naputol ang aking sasabihin nang makitang may pinagkakaguluhan ang mga tao sa di kalayuan. Kita ko ang nakahadusay na batang babae at walang malay; ang isang batang lalaki naman ay umiiyak na nakayakap sa kaniya. Kita ko ang pamilyar na suot ng aking kambal. Oh My God! My babies!Agad akong kumaripas ng takbo sa nagkukumpulang tao at nakisiksik doon."Oh God! Mga anak anong nangyari?" naiiyak na tanong ko at binuhat si Avery na walang malay."Mama! Sorry po, tumakbo po kasi kami ni Avery para sundan ang Papa namin!" iyak
Nasa harapan ko ang salamin, nakatitig sa aking repleksyon. Kaharap ko ang isang maganda, sopistikada at mapang-akit na babae. Ibang-iba sa dating mukhang mahinhin, mala-anghel at inosente. Ako ba talaga ito?“Sigurado ka na ba rito, Gianna?” Napalingon ako sa taong nasa likod ko. Hinarap ko si Tiya Isabel at tiningnan ang nag-aalalang mukha niya.“Hindi ko po alam, Tiya. Natatakot po ako, baka hindi ko po kayanin,” kinakabahan kong wika sa kaniya.“Hindi ba, kailangan mo ng pera? Ito na ang solusyon mo, Gianna. Mapapagamot mo na si Ate at maiaahon mo na sila sa kahirapan. Mas malaki ang kitaan dito, sasayaw ka lang at magpapa-table– ilang libo na ang maiuuwi mo, easy money, hindi ba?” sabi niya at napangisi sa akin. Kita kong napabuga ito ng usok kaya nalalanghap ko ang amoy ng kaniyang sigarilyo.Isang stripper ng club ang papasukin kong trabaho. Dito rin nagtra-trabaho ang aking