Share

Kabanata 4

Ilang araw na rin akong nakakulong sa bahay ni Tiya Isabel. Hindi man lang ako lumalabas, matapos kong malaman na buntis pala ako ay hindi ko na alam kung ano na ang aking gagawin.

Naiinis ako sa aking sarili dahil hindi man lang ako nag-ingat.

Naiinis ako dahil pinabayaan ko ang sarili ko na lamunin ng temptasyon.

Kung sana hindi ako naakit sa kaniya ay hindi na ito nangyari sa akin.

Ang tanga-tanga ko, sobra.

Katok na malakas ang napabalik sa akin sa realidad.

“Gianna, puwede bang pumasok iha?” tanong ni Tiya Sabel sa akin. Pinunasan ko ang aking luha sa pisngi at inayos ang aking mukha.

“Pa-pasok po kayo, Tiya.”

Nakita kong iniluwa ng pinto si tita at lumapit agad ito sa akin. Kasalukuyan akong nakaupo sa aking kama kaya ay tumabi agad ito sa akin.

Napabuntong hininga siya nang makita ang aking malungkot na mukha.

“May problema ka ba? Ilang araw ka nang hindi pumapasok sa trabaho mo, may nararamdaman ka ba?” nag-aalalang tanong ni Tiya sa akin.

“Pasensiya na Tiya, kasi po…” Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang tumulo ang aking mga luha. Hindi pa rin maubos-ubos ang luha ko, ilang araw na akong nakamuknok at umiiyak dito sa kwarto ko.

“Ano iyon iha? Sabihin mo sa akin, baka matulungan kita.” Ramdam ko ang paghaplos ng kamay ni Tiya Sabel sa aking likod. Hinihimas-himas niya ito na tila ba ako’y pinapakma.

Agad akong humangos ng napakalalim.

“Pasensiya na po, Tiya pero may sasabihin po ako sa inyong importante. Sana ay huwag niyo na po munang sabihin kila Inay at Itay.”

“Ano iyon iha?” Kita ko ang pag-aalala ni Tiya Sabel sa akin.

“Gusto ko pong sabihin na…” Napahagulhol ako at nilakasan ang aking loob na sabihin sa kaniya ang aking problema.

“Bu-buntis po ako Tiya!” hagulhol kong saad sa kaniya. Nahihirapanan na rin akong huminga dahil sa sobrang iyak ko sa kaniya.

“’Sus, Maryusep! Totoo ba iyan, iha?”

Kinuha ko ang nakatagong pregnancy kit sa aking unan at binigay ang mga iyon sa kaniya. Nakalimang pregnancy kit ako at lahat ng iyon ay positive.

“Si Mr. VonTobel ang ama? Paano iyan? Hindi ko na nakikita si Mr. VonTobel, iha. Kailangan niya itong malaman!” seryosong saad ni Tiya sa akin.

“Huwag na po kaya­–” Pinutol ni Tiya Sabel ang aking sasabihin.

“Kaya mo? Hindi mo kaya, Gianna! Hindi mo kayang magpalaki ng bata, wala tayong sapat na pera para riyan. Mas maigi kung sasabihin mo ito kay Mr. VonTobel, hindi lang ikaw ang gumawa niyan kung ‘di kayong dalawa! Sana naman ay mag-isip ka,” seryosong saad sa akin ni Tiya. Kita ko ang galit niyang mukhang nakatingin sa akin.

“Hindi ako sang-ayon diyan sa gusto mo, ayaw kong kaw lang ang maghirap sa pagpapakali riyan sa bata. Karapatan din ng ama niya na makilala siya, huwag kang maging madamot sa kaniya, Gianna. Mahirap ang walang ama, naranasan na namin iyan ng nanay mo, kaya sana pakinggan moa ko.”

Kita ko ang lungkot sa mga mata ni Tiya Sabel kaya tumango ako sa kaniya.

“Sige po, Tiya sasabihin ko po sa kaniya ngunit paano? Hindi ko naman po alam ang address ng kaniyang bahay.”

Napangiti si Tiya ng tipid at tumingin sa akin.

“Huwag kang mag-alala, titingnan ko sa record sa club kung ano ang kaniyang address,” wika ni Tiya Sabel sa akin.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging kalalabasan nito ngunit ipagkakaloob ko na lamang ang mangyayari sa Diyos. May tiwala naman ako sa kaniya alam kong may plano siya sa amin ng anak ko.

“Salamat Tiya, ako na po ang bahalang magsabi kila Inay na ganito nga po ang nangyari sa akin, pasensiya na po talaga. Malaking kahihiyan po ang nangyari sa akin dito,” naiiyak kong saad kay Tiya.

“Walang problema, iha. Huwag ka nang malungkot, ayaw mo no’n mayaman, maganda ang katawan at gwapo ang magiging tatay ng anak mo,” kinikilig na saad ni Tiya Sabel sa akin.

“Naku! Ikaw talaga, Tiya. Hindi pa nga natin alam kung tatanggapin pa ba ako ni Mr. VonTobel eh,” saad ko sa kaniya.

“Hindi iyan, palagi ka ngang hanap-hanap dati, nakakasiguro akong interesado iyon sa iyo! Baka nga pag sinabi mong buntis ka at siya ang ama ay pakasalan ka agad,” saad niya sa akin. Nawala ang aking ngiti nang marinig ko ang kasal kay Tiya.

Oo nga pala, naalala kong mayroon siyang fiancé muntik ko nang makalimutan iyon.

“Oh, bakit mukhang pinagsakloban ka na naman ng langit?” tanong ni Tiya sa akin.

“Naalala ko po kasing may fiancé na si Mr. VonTobel,” malungkot kong wika sa aking Tiya.

“Talaga? Huwag kang mag-aalala, fiancé pa lang naman iyon. Ikaw ang may anak sa kaniya kaya ikaw ang pakakasalan.” Napahinga ako ng malalim at umiling sa kaniya.

“Ngunit ayaw ko rin naman pong ipagsiksikan ang aking sarili sa kaniya.”

“Hindi ka naman makiki-siksik, tandaan mong may anak ka sa kaniya kaya sana lakasan mo ang loob mo para sa magiging baby niyo, huwag kang magpapatalo, fiancé pa lang naman hindi pa asawa.”

Tama nga naman si Tiya, ngunit paano kung hindi niya ito matanggap? Paano kung ayaw niya pala itong bata? Marami ang bumabagabag sa aking isipan ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Ang mahalaga ay masabi ko kay Mr. VonTobel na buntis ako at siya ang ama.

Ilang araw na rin ang lumipas nang malaman ni Tiya Sabel ang aking pagbubuntis. Nalaman na rin nila Nanay at Tatay na buntis ako kanina lamang sobrang nakaka-disappoint ang sarili ko sa totoo lang.

Siguradong galit at panghihinayang ang nararamdaman nila Inay at Itay ngunit hindi man lang nila ako pinagalitan. Gusto raw nilang makilala ang ama ng anak ko at gustong-gusto nilang umuwi ako sa probinsya, ngunit ayaw ko lang. Ayaw kong umuwi roon dahil gusto kong pag-uwi ko kasama ko na ang ama ng anak ko.

Kapag ako lang kasi ang uuwi baka pagtsismisan kami ng mga tao roon sa barangay namin. Baka sabihin nabuntis lang ako ng kung sino-sino roon at hindi ako pinanagutan. Ayaw ko namang mamroblema pa ang aking magulang dahil sa akin.

Kung ako lamang ay wala kong pakialam sa sinasabi ng iba ngunit iniisip ko rin naman si Tatay lalo na si Nanay. Baka atakihin iyong sa puso kapag pinatulan ang mga Marites doon sa amin.

Kasalukuyan akong nanonood ng TV habang kumakin ng orange. Si Tiya naman ay nagtitipa sa kaniyang cellphone. Siguro ay may ka-chatmate na naman itong kano. Gustong-gusto kasi ni Tiya ng kanong magmamahal sa kaniya. Naniniwala kasi siya na ang mga kano ay puro kung magmahal hindi kagaya ng mga pinoy, palagi lamang siyang ginagamit at niloloko.

Kaya mas baleng sa malaki at mahaba na lang siya hindi pa siya lolokohin. Iyong mga pinoy raw kasi ay pangit na maliliit pa ang sa kanila at lolokohin lamang siya.

Natatawa na lang nga ako kay Tiya kapag nagkukuwento siya ng mga karanasan niya sa ibang pinoy. Napapailing na lamang ako kung paano niya ito laitin lalo na ang mga sensitive part nito. Kesyo mabaho raw, maiitim at maliit pa.

Tinatakpan ko na lang nga ang aking tainga dahil sa katabilan ng kaniyang bunganga. Naiilang na rin kasi ako minsan ngunit nakakatawa naman.

“BREAKING NEWS: ONE OF THE FAMOUS BUSINESSMEN HERE IN THE PHILIPPINES IS NOW GETTING MARRIED TO A FAMOUS MODEL IN PARIS. CONGRATULATIONS MR. IVO VONTOBEL AND MS. SHANIA DE VERA!”

Napatingin ako sa balita, nakita ko roon ang picture ni Ivo kasama ang kaniyang fiance, pareho silang nakangiti roon. Magkaakbay si Ivo sa babae at nakayakap naman ang babae sa kaniya. Biglang kumirot ang aking puso nang makita ang litratong iyon. Tanging nakatitig lamang ako sa T.V. hindi ko na rin maintindihan ang sinasabi ng reporter. Kasalukuyan siyang nasa simbahan at ni-re-record ang wedding ni Ivo.

Agad akong napatingin kay Tiya at malungkot na ngumiti. Si Tiya Sabel naman ay nag-aalalang tiningnan ako. Naiiyak ako at nasasaktan. Para bang dinudurog ang aking puso dahil sa nalaman ko.

“Mukhang huli na ako tiya, ikakasal na siya,” malungkot kong saad kay Tiya Sabel.                                                                                                         

Comments (3)
goodnovel comment avatar
GLORIA GINA CALANOG
o ano,eh di habol k ngaun s tambol mayon...kung nun una plng n hinanap k nya s club ay ngpakita kn agd eh di ok sn...
goodnovel comment avatar
Merilyn Gandoy Silagan Barcelona
ang ganda ng story sana may karogtong ang bunos para naman maituloy ko ang reading
goodnovel comment avatar
Lonima Ebojo Dandan
siguro mgpapabayad na nmn ito hay
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status