Nang paparating na ang araw ay agad kong tinawagan si Tiya Sabel. Tulog na tulog pa si Ivo, sa kwarto kaya agad akong lumabas ng bahay. Nasa kalsada ako ngayon at suot ko pa ang tuxedo ni Ivo kagabi. Ilang ring lamang ay sumagot na ito.
“Hello? Tiya Sabel?”
“Diyos ko! Bata ka! Saan ka ba nagsusu-suot? Asan ka? May ginawa ba sa’yo si Mr. VonTobel?” nagaalalang tanong sa akin ni Tiya.
Umuling-iling na lamang ako, ngayon lang nagsink-in sa akin lahat, ang lahat ng nangyari kagabi. Napapaluha na lamang ako, kasalanan ko naman dahil ginusto ko ang nangyari sa akin. Sana lang hindi magbunga ito.
“Nasaan ka ba? Gianna?” tanong ulit ni Tiya.
“Nasa mansion po ni Mr. Vo-VonTobel.” Napabuntong hininga naman ako nang narinig ang pagkaputol ng line sa telepono. Maya-maya ay agad na may nagtext. Binasa ko naman ang text, si Tiya pala iyon.
“Susunduin ka namin diyan.”
Ilang oras lang ang lumipas nang dumating si Tiya Sabel, agad na pinasakay nila ako sa kotse. Napayakap nalang ako sa kaniya.
“Anong nangyari? May nangyari ba sa inyo ni Mr. VonTobel?” tanong niya sa akin. Napatango na lamang ako.
“I’m sorry, Tiya. Nagsinungaling po ako, virgin pa ako at alam na po ni Mr. VonTobel iyon. Baka bawiin niya po ang pera, sayang ‘yong pinaghirapan natin,” naiiyak kong saad sa kaniya.
“Shh, huwag kang mag-alala, hindi naman babawiin iyon ni Mr. VonTobel.”
“Gumamit ba kayo ng proteksiyon?” Kumunot naman ang aking noo.
“Ano po ‘yon?”
Napatampal ng noo si Tiya. “Patay!” sigaw niya. Nakita ko namang napapailing ang driver.
Ano ba ‘yong proteksiyon ang sinasabi nila?
“Magpahinga ka na muna ako na ang bahalang magpaliwanag sa manager natin, kung ano ba ang nangyari.”
Nang makauwi kami sa bahay ay pumasok na ako sa kwarto at nagkulong doon. Masakit pa rin ang aking katawan lalo na ang aking pang-ibaba. Sobrang hapdi noon at hindi ko magawang maglakad ng tuwid.
“Gagong Ivo, hindi ako tinigilan kagabi,” piping saad ko sa aking sarili.
Nang makahiga ako sa kama at napapikit ay bigla kong naalala ang mukha niya habang natutulog kanina.
Nagising ako sa sakit ng aking pang-ibaba dahil bigla itong humapdi. Pinilit kong bumangon ngunit hindi ako makabangon dahil sa sakit ng aking katawan. Napabaling nalang ako sa katabi ko, bumungad sa akin ang napakaamong mukha ni Ivo. Hindi ko mapigilang hawakan ang kaniyang mukha. Napakakinis no’n, mas makinis pa ito sa akin. Hinaplos ko ang kaniyang mga mata, noo papunta sa kaniyang labi. Sobrang pula no’n at naaakit akong halikan siya.
Napapikit ako ng mariin, hindi ko puwedeng maramdaman ito. Hindi puwede, mamaya lang ay aalis na ako, hindi niya na ako mahahanap at makikilala.
Dahan-dahan naman akong tumayo sa kama niya at pinulot ang aking lingerie. Kinuha ko naman ang kaniyang tuxedo at sinuot ito para matabunan ang aking katawan.
At nang ready na ako ay tiningnan ko ulit siya, dahan-dahan akong yumuko sa kaniya at hinalikan siya sa labi.
“Goodbye, Ivo. Thank you for last night, hinding-hindi ko pagsisihan ang nangyari sa atin. I will never forget such wonderful night,” bulong ko sa kaniya at lumabas na ng mansion niya.
Napamulat ako nang marinig kong may tumatawag sa akin. Agad ko ‘tong sinagot.
“Hello?”
“Hello, Gianna. Good news! Hindi binawi ni Mr. VonTobel ang pera bagkus nagsend pa siya ng 50 million pesos sa account mo!” natutuwang saad ni Tiya Sabel sa akin.
Nanlalaki naman ang aking mga mata. Hindi siya galit?
“Wait, mukhang si Mr. VonTobel ito ah,” saad ni Tiya na nagpakaba sa akin.
“Hello, Stephan. Can you tell me what’s the full name of that girl, last night?” rinig kong tanong niya sa Manager namin.
“Sorry, Mr. VonTobel ngunit confidential ang bawat impormasiyon ng aming trabahante. Mahigpit na pinagbabawal na sabihin ang identity nila sa mga costumers, nasa rules po namin iyon.” Napahinga ako ng maluwag sa sinabi ng manager.
“I’ll give you money, how much do you want? Sabihin mo lang kung nasaan ang babaeng kasama ko kagabi.”
“Hu-Huwag mong sasabihin, Tiya kung nasaan ako,” kinakabahan kong saad sa kabilang linya.
“Hindi ko rin po alam, Mr. VonTobel. Hindi ko nga iyon macontact. Bigla nalang nawala ng parang bula,” rinig kong sabi ni Tiya Sabel sa akin.
“Damn!” rinig kong mura nito.
“Kapag bumalik ulit siya, this is my card. Tawagan niyo ako agad.” Napabuntong hininga na lamang ako at pinatay ang telepono.
Hindi niya maaring malaman kung nasaan ako, hindi pa ako handang harapin siya.
Ilang araw na ang nakalipas ay nandito lang ako sa bahay. Para bang tinatamad akong bumangon at lumabas sa kwarto. Naipadala ko na rin pala ang pera sa aking mga magulang. Mahigit 50 million ay napakalaking halaga na. Sa loob ng ilang araw ay nakapagpatayo ako sa amin ng isang malaking tindahan. Doon ay si Inay at Itay ang nagbabantay. Napagamot ko na rin ang aking ina at magaling na siya, ngunit may maintenance ito.
Si Ivo naman, wala na rin akong alam kung nasaan siya, hindi na rin akong nangahas magtanong kay Tiya Sabel. Alam kong tama ang aking desisyon, na hindi na magpakita sa kaniya.
“Gianna, papasok ka ba?” tanong ni Tiya sa akin.
Hindi na ako bumalik roon sa club na iyon, balita ko kasing palaging nakatambay si Ivo roon. Isa pa, ayaw ko na rin naman na magtrabaho roon, last na iyong ginawa ko kay Ivo. Mayro’n na rin naman akong bagong trabaho ngayon, isang waitress sa isang Café malapit sa amin.
“Opo, Tiya. Aasikasuhin ko lamang po ang mga gamit ko tapos aalis na rin ako,” saad ko sa kaniya.
“Oh, sige. Hindi ka na ba talaga babalik doon sa club? Hinahanap ka ni Sir VonTobel, pati ako ay kinukulit niya. Mabuti na lamang ay hindi niya ako sinusundan pauwi.” Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.
“Opo. Hinding-hindi na po, okay na po ako sa trabaho ko ngayon,” sagot ko sa kaniya. Nang matapos ako sa pag-aasikaso ng aking gamit ay nagpaalam na ako kay Tiya.
“Alis na po ako,” ani ko sa kan’ya. Tumango nama nito. “Mag-iingat ka.” Agad naman akong umalis at nagsakay ng tricycle.
Nang makarating ako sa pinagtatrabuhan ko ay agad akong sumalang sa trabaho. May ilan-ilan na kasing costumer na pumapasok, mahirap at nakakapagod ngunit mas maigi na ito kaysa roon sa club.
“Gianna! Pakibigay nitong order ng costumer natin sa table 6!” mataray na sigaw ni Joan, kapwa ko waitress din. Kung makapag-utos naman siya, akala mo siya ang boss! Eh, pareho lang naman kaming waitress dito. Napairap na lang ako sa hangin at kinuha ang tray na nilagay niya sa counter. Kung hindi lang ako mabait, binuhos ko na ito sa kaniya.
“Nakita ko iyong pag-irap mo ah! Isusumbong kita kay Boss,” saad nito sa akin at umalis na. Napailing na lamang ako sa sinabi niya as if naman papaniwalaan siya ni Boss, eh palagi nga siyang pinapagalitan no’n. Inggit lang kasi dahil ako ang paborito ni Boss at hindi siya.
Pumunta ako sa table 6 para ibigay ang order ng costumer. Kita ko ang dalawang taong nag-uusap sa table, isang babae at lalaki. Matamis naman ang ngiti ng babae sa kaniyang kausap. Hindi ko makita ang mukha ng lalaki dahil nakatalikod ito sa akin.
“Ikakasal na tayo sa linggo, sana naman ay hindi ka na mambabae pa and stop finding that girl, sabi ng sekretarya mo ay may pinapahanap ka raw na babae. Malaman ko lang kung sino iyon, humanda siya sa akin. Ayoko sa lahat ang may kahati,” seryosong saad ng babae. Rinig na rinig kong sabi niya nang papalapit ako sa table nila. Sobrang ganda ng babae, halatang laki sa mayamang pamilya. Ang amo rin ng kaniyang mukha at halatang alagang-alaga nito ang kaniyang sarili. Model ito hula ko.
“Excuse me po, heto na po ang order niyo,” magalang kong ani sa kanila. Agad naman silang napahinto sa pag-uusap. Nilatag ko naman ang kanilang order at ngumiting nagpasalamat sa kanila.
“Thank–” Naputol ang aking sasabihin nang makita ko kung sino ang lalaking nasa harap ko. Nanlalaki ang aking mga matang nakatingin sa kaniyang mukha. Tinitigan niya rin ako at parang sinusuri kumbaga. Nanginginig ang aking kamay dahil sa sobrang kaba. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakita. Sobrang namiss ko siya, ramdam ko ang pamamasa ng aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak, ngayon kasi ay para bang nagiging emosyonal ako. Ewan ko kung bakit, hindi naman ako ganito dati.
“Miss? May kailangan ka ba?Okay ka lang? You look sick,” tanong ni Ivo sa akin.
“Excuse me? Miss, please stop staring at my fiancé, kita mo namang may kasama siya ‘di ba? Humanap ka ng ibang ka-uri mo huwag ang fiancé ko, malandi!” mataray na wika ng babae sa akin. Tila ba umurong ang aking luha sa narinig ko at nilingon ko ang babaeng kasama ni Ivo.
Aba! Akala ko pa naman ay mabait siya, iyon pala sobrang sama ng budhi niya. Tinaasan niya ako ng kilay at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
“Puwede ba, umalis ka na?” mataray pa nitong saad sa akin.
“Stop it, Lilian!” sita naman ni Ivo sa kaniyang fiancé.
“Sorry po, ma’am and sir. Masama lang po kasi ang pakiramdam ko,” saad ko sa kanila at dali-daling umalis. Wala pa ring humpay ang pagtibok ng aking puso. Sobrang sakit makitang may kasamang iba si Ivo, hindi ko alam kung saan nanggaling itong sakit na nararamdaman ko gayong ilang oras lang naman kaming magkasama noong gabing iyon.
Dali-dali akong pumunta ng C.R. para sana ayusin ang aking sarili nang may humila sa akin sa gilid. Ramdam ko ang paghuhumirintindi ng aking puso nang maamoy ko ang pamilyar na bango ni Ivo.
“Miss, I’m sorry. Pero do we know each other? Nagkita na ba tayo dati? You look somehow, familiar,” wika nito sa akin. Napatingin naman ako sa mga mata niyang nakatitig sa akin. Nagtitigan lamang kami ng ilang segundo, rinig ko ang mahihina naming paghinga sa isa’t-isa. Sobrang kinakabahan ako dahil sa mga titig niya, halo-halong emosyon ang nakikita ko sa kaniyang mga mata at hindi ko iyon maintindihan.
“Sorry, sir ngunit hindi ko po kayo kilala, ngayon lang po tayo nagkita.” Umiwas ako ng tingin sa kaniya.
“No, you really look familiar. Are you Gi? Ikaw ba si Gi? Damn! Sagutin mo ako, kilala ko ang mga matang iyan at naalala ko pa ang mga titig niya, parehong-pareho kayo.” Tila napahilamos ito ng mukha at parang nababaliw na.
“I’m sorry, Ivo but you have a fiancé, ayokong magkasira kayo dahil sa akin,” piping saad ko sa aking sarili. I stepped back away from him.
“Pasensiya na po sir, hindi ko po kilala ang babaeng sinasabi niyo.” Agad akong umalis sa harap niya. Hahabulin pa sana niya ako ngunit hinarangan na siya ng kaniyang fiancé.
Ilang araw na rin ang nakalipas simula noong magkita kami ni Ivo sa Café. Araw-araw ring sumasakit ang aking pakiramdam, nahihilo at nasusuka. Palagi rin akong nagugutom. Sabi nga ni Tiya ay parang tumataba na raw ako. Kasalukuyan kong hawak-hawak ang dalawang pregnancy test. Napapikit ako ng mariin, hula kasi ni Tiya ay buntis ako. Naiiyak naman ako dahil ang bata-bata ko pa para maging ina. Marami pa akong pangarap sa buhay na gustong tuparin. Gusto ko pang pumasok, balak ko nga sanang pumasok next year.
Pumasok agad ako sa loob ng banyo. Ginawa ko na ang test at kinakabahang nakatitig sa dalawang kit na nakapatong sa lababo. Napapikit ako ng mariin nang makita ang isang linya. Napahinga ako ng maluwag pero laking gulat ko nang may lumitaw na isang guhit pa.
Unit-unting tumulo ang aking luha at biglang lumakas ang tibok ng aking puso.
“No. No. It can’t be.”
Ilang araw na rin akong nakakulong sa bahay ni Tiya Isabel. Hindi man lang ako lumalabas, matapos kong malaman na buntis pala ako ay hindi ko na alam kung ano na ang aking gagawin.Naiinis ako sa aking sarili dahil hindi man lang ako nag-ingat.Naiinis ako dahil pinabayaan ko ang sarili ko na lamunin ng temptasyon.Kung sana hindi ako naakit sa kaniya ay hindi na ito nangyari sa akin.Ang tanga-tanga ko, sobra.Katok na malakas ang napabalik sa akin sa realidad.“Gianna, puwede bang pumasok iha?” tanong ni Tiya Sabel sa akin. Pinunasan ko ang aking luha sa pisngi at inayos ang aking mukha.“Pa-pasok po kayo, Tiya.”Nakita kong iniluwa ng pinto si tita at lumapit agad ito sa akin. Kasalukuyan akong nakaupo sa aking kama kaya ay tumabi agad ito sa akin.Napabuntong hininga siya nang makita ang aking malungkot na mukha.“May problema ka ba? Ilang araw ka nang hindi pumapaso
After 5 years...Ngayon ang 4th birthday ng aking kambal. Pinangalanan ko silang Avery Gail and Gavin Miguel Vontobel. Hindi naman ako gano'n ka-selfish para sa mga anak ko na kahit apelyido pa ng ama nila ay hindi ko pa maibigay.Kilala rin nila ang kanilang ama ngunit sa picture nga lang. Alam din kasi nilang may ibang pamilya ang ama nila, they knew everything at naiintindihan naman nila iyon. Matatalino kasi ito kaya sobrang saya ko dahil hindi sila pareho ng mga bata na gustong-gustong makita ang kanilang ama at kung ayaw masunod ay nagrerebelde na. Pinalaki ko silang may mabait, marespeto at may takot sa Diyos."Nanay! Excited na po akong pumuntang Mall of Asia! Salamat po, nanay!" masiglang saad ni Avery Gail sa akin na ikinangiti ko. Malambing na bata si Avery Gail subalit si Gavin Miguel naman ay tahimik t suplado manang-mana sa kanilang ama."Syempre birthday niyo ngayon at pinaghandaan talaga ni Nanay ang pagpunta natin
Natapos ang treatment ni Avery Gail na hindi kami nag-uusap ni Ivo. Minsanan lang itong bumisita sa amin dahil busy rin ito sa kaniyang asawa at kompaniya. I wonder kung may anak na sila. Sa pagkakaalam ko kasi ay wala pa dahil ayaw pa ng kaniyang asawa, iyon ang usap-usapan sa media. Palagi rin kasi akong nakaabang sa kaniya, hindi ko alam pero nasanay na ako roon."Nanay, bakit ang sungit po sa'yo ni Tatay?" tanong sa akin ni Gavin.Nagulat ako dahil nagsalita ito out of the blue. Minsanan lang kasi itong magsalita dahil palagi lang itong nagbabasa ng libro. Marunong na kasi silang magbasa ni Avery, kahit naman busy ako sa trabaho ay hindi ko pinapabayaan ang pag-aaral nila. Hands-on ako palagi sa kanila."Hayaan mo na ang Tatay niyo, ganiyan talaga 'yan. Masungit." Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at kaagad na niyakap ito."Kagaya ko rin po ba siya? Nagmana nga po ako kay Tatay," saad niya sa akin na ikinatawa ko."Hmm. M
Kasalukuyan kong pinapanuod ang aking mag-ama na kumakain ng kanilang almusal sa mesa. Napasimangot ako dahil hindi man lang ako binilhan ni Ivo ng makakain. Tanging sakto lamang ang pagkain na binili niya sa kanilang dalawa. “Nanay, bakit hindi ka pa po kumakain? Gusto mo po bang share na lang tayo nitong chicken ko?” tanong ni Gavin habang pinapakita sa akin ang isang hita ng manok. Nakakalahati na niya ito. Napangiti na lamang ako sa kaniya at umiling. “Hindi na, anak. Busog pa si Nanay. Makita lang kitang kumakain ay busog na ako.” Bigla akong nakarinig ng pag-ismid kaya napalingon ako kay Ivo. Napailing lang ito sa sarili at nagsimula ulit kumain. Sinusubuan din niya si Gavin kaya natutuwa ako. Masaya akong nakikitang mahal na mahal niya ang kambal. Natatakot kasi akong baka iba rin ang turing niya sa kanila. Alam kong aalalagaan niya ito kapag nasa puder sila ng kanilang ama. Malinaw rin ang kinabukasan nila sa kaniya kaya wala akong ipag-alala. Subalit hindi ko naman kayang
Nakahanda na ang lahat ng mga gamit namin para lumipat sa mansyon ni Ivo. Matapos kasing ma-discharge si Avery ay agad kaming umuwi para mag-impake. Sa totoo lang hindi ko alam kung okay ba itong ginagawa namin dahil alam kong may asawa na si Ivo subalit iniisip ko rin ang kambal. Sila at ang nararamdaman nila ang mas importante. Gusto nilang makasama ako kaya titiisin ko na lamang na manilbihan sa mansyon niya kahit na matapakan ang ego ko. “Nanay, excited na po akong makapunta sa bahay ni Tatay, sabi niya marami raw mga toys doon tapos tig-isa pa kami ni Gavin ng tulugan. Ang galing Nanay ‘no?” masiglang sambit sa akin ni Avery. Napangiti ako sa kaniya. Napaka-jolly ng aking anak kahit na kakagaling lamang nito sa opera. Masaya ako dahil magaling na siya, wala na akong pro-problemahin pa. Hindi pa pala ako nagpapasalamat kay Ivo, siguro kakausapin ko na lamang siya mamaya. “Ready na ba kayo?” tanong ni Ivo sa amin habang nakasilip sa aming kwarto. “Tatay! Opo ready na kami!” Si
Hindi makapali si Gianna sa kaniyang kwarto, gusto niyang puntahan ang kambal sa loob ng mansiyon. Katatapos lang kasi nilang maglibot ni Manang sa mansiyon subalit hindi man lang sila nalagi sa loob no’n. Ang sabi sa kaniya mamaya na lang daw sila papasok dahil busy pa araw ang kanilang amo sa pa-welcome party sa kambal. Napakagat siya ng labi dahil sa selos na nararamdaman niya. Hindi niya mapigilang maluha dahil nararamdaman niyang unti-unting kinukuha ng mag-asawa ang kambal sa piling niya. Hindi siya nakatiis kaya agad siyang pumuslit papunta sa loob ng mansyon. Habang naglilibot kasi sila ay may nakita siyang pintuang bukas doon sa may kusina, roon niya balak pumasok. Gusto niyang makita ang kambal dahil hindi siya mapakali kapag wala ang mga ito sa kaniyang tabi o di kaya’y makita man lang. Dahan-dahan siyang pumasok sa pintuan, napahinga siya nang maluwag nang makitang walang katao-tao roon. Puno ito ng mga pagkain, may pinggan ding nagamit na at wala nang laman. Sa isip niya
Kanina pa ako naghihintay sa kambal, narito ako sa labas ng mansyon nakatambay. Nakaupo ako sa hagdan at napayakap sa aking sarili. Mag-aalas otso na kasi’y wala pa sila, hindi nga ako nakapaghapunan dahil gusto kong sabay kaming kumain ng kambal. Napapikit ako ng mariin dahil sa inis, gusto ko mang tawagan si Ivo ay hindi puwede. Kabilin-bilinan niyang hindi ko raw sila isturbuhin kapag naroon sila sa Mall. “Hija, bakit nariyan ka pa? Pumasok ka na sa kwarto mo’t magpahinga. Bukas ay marami pa tayong gagawin,” saad ni Manang sa akin. Napatingala ako sa kaniya at umiwas ng tingin. Alam kaya niyang ako ang ina ng kambal? “Hinihintay ko pa po ang kambal, mauna na po kayo matulog,” saad ko sa kaniya. Rinig ko ang paghinga niya ng malalim at tumabi sa akin. “Alam kong ina ka ng mga anak ni Sir Ivo, sabagay kung ako rin naman ang nasa kalagayan mo’y gagawin ko rin ito.” Napatingin ako sa kaniya at napakunot ng noo. Hindi ko alam kung bakit concern na concern siya dahil narito ako’t
Sa kwarto nga ako nagtulog ng kambal dahil hindi nila ako tinigilan sa pangungulit. Napangiti ako nang marinig ang mga hilik nila sa aking tabi. Narito kami sa iisang kama magkatabi. Sobrang laki naman kasi ng kama ng mga bata kaya nagkasya kaming tatlo. Nasa gitna nila ako’t parehong nakasandal sa akin kaya dahan-dahan kong inalis ang kanilang brasong nakasandal sa aking katawan. Sabay silang tumalikod kaya napahinga ako ng maluwag. Tiningnan ko ang orasan sa lamesa’t mag-a-alas singko pa lang pala. Kaagad akong nag-ayos ng aking sarili para bumaba at maghain almusal nila. Hindi pa kami nagkakausap ni Ivo tungkol sa trabaho kaya gusto ko sanang kausapin siya. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan, wala pang katao-tao ang bahay kaya nagtataka ako. Hindi ba dapat maagang nagigising ang kasambahay para maghain ng almusal? Bakit hindi pa sila nagigising? Nang makapasok ako sa kusina ay agad akong naghanap ng lulutuin. Binuksan ko ang refrigerator at bumungad sa akin ang sandamakmak na