Isang professor si Kallix Jace Rodriguez. Kilala siyang masungit at terror na guro. Galing rin siya sa isang mayamang pamilya. Makikilala niya si Desra (Deday)Bigay isang simpleng dalaga na mamasukan sa kanila bilang isang maid. Masiyahin ngunit isang matapang na babae. Paano kapag nagsama ang isang lalaking arogante at isang dalagang palaban? May pag-ibig kayang mabubuo ? Hanggang saan ang kaya mo para ipagpalaban ang pag-ibig niyo?
view moreMay isang babae na umiiyak habang nakasakay sa bus galing sa probinsya ngayon pa lang kasi mamimiss na niya ang kanyang Inay at kapatid.
Sumama siya sa kanilang kapitbahay na kumare ng kanyang inay.Mamasukan siyang kasambahay sa pamilya Rodriguez.Nandito rin kasi namamasukan si Aling Vida."Wag kanang umiyak Deday masasanay ka rin isipin mo na para ito sa pamilya mo," ani ng matanda sa kanya."Salamat po Aling Vida, pagbubutihin ko po doon sa aking trabaho," saad nito sa matanda.Nakarating na sila sa Maynila at sumakay sila sa jeep papunta na sa mansion ng mga Rodriguez.Labis siyang namangha sa ganda ng bahay para itong palasyo sa kanyang paningin dahil sobrang laki nito. "Tara na Deday pumasok na tayo para maipakilala kita kay madam" sabi ni Aling Vida sa kanya.Pagpasok nila ay may magandang babae ang sumalubong sa kanila."Vida kamusta ang bakasyon mo?," tanong ng Senyora kay aling Vida. "Maayos naman po Senyora at salamat po. Senyora siya po pala si Deday iyong sinasabi ko po sa inyo na papasok dito bilang kasambahay," pakilala sa kanya ni Aling Vida"Magandang araw po Senyora ako po si Desra Bigay, but you can call me Deday po, " magiliw na pakilala nito sa Senyora."Aba'y napaka ganda namang bata ito. Ilang taon kana ineng?" Tanong nito kay Deday."18 po Senyora kakagraduate ko lang po ng high school. Dahil hindi naman po ako makapag college kaya namasukan na lang po ako dito para makatulong po sa aking inay," magiliw na sabi nito sa Ginang."Napakabata po pa pala. Pagbutihan mo sa iyong trabaho dito at mag-apply ka ng scholarship sa foundation namin baka sakaling makasama ka kailngan mo lang kumuha pagsusulit doon," sabi sa kanya ng Senyora."Maraming thank you po talaga Senyora," pasasalamat niya rito.May Rodriguez Foundation kasi ang pamilya nila para sa mga batang hindi kayang makapag aral pero matatalino.Kaya inilunsad nila ito para makatulong sa kabataan.Mayaman ang pamilya Rodriguez ,meron silang malls ,hotels mga resort at marami pang iba, meron din silang tatlong anak dalawang lalaki at isang babae, ito sila Kallix, Jacob at Mira.Sa ngayon si Jacob at ang ama nito ang nagmamanage ng negosyo nila. Dahil hinahayaan muna nila si Kallix sa pagtuturo dahil nangako naman ito na pagkatapos ng 5years ay ito na ang mamamahala ng iba nilang negosyo.Si Mira naman ay nag aaral pa at first year college na ito sa pasukan."Vida ikaw na ang bahala sa kanya ituro mo nalang ang dapat niyang malaman tungkol sa trabaho niya, magpahinga muna kayo at bukas nalang siya magsimula, alam ko na napagod kayo sa biyahe," saad ng Senyora kay Vida."Opo! Senyora ako na po ang bahala sa kanya. Tara na Deday ituturo ko sayo ang silid mo," pagyaya niya kay Deday.Ang laki ng mansion may tatlong palapag ito.At malawak din ito bawat nadadaanan niya ay ang gaganda ng disenyo.May malaking larawan sa living room, larawan nga pamilya Rodriguez, ang ganda at ang gwapo nila, pero nakuha ng isang lalaki ang pansin niya, kahit medyo seryoso ito ay hindi nabawasan ang kagwapuhan nitong taglay.Mukhang magkakaroon na siya ng crush, namula din ang mukha niya kaya nagtaka si Aling Vida."Deday okay ka lang ba? " Tanong ng ginang sa kanya."O-opo aling Vida" sagot niya dito.Nahihiya naman siyang sabihin na humahanga siya sa isa sa mga boss niya at sa larawan pa.Ano kayang mukha nito sa personal?"Naku! simula ngayon nanay na lang ang itawag mo sa akin.Dahil lahat sila dito ay iyon ang tawag nila sa akin.Tara na at para makapag pahinga ka na. Dito ang silid mo lahat ng katulong dito ay may kanya kanyang kwarto kumpleto na rin ang lahat ng kakailanganin mo.""Maraming salamat po Nay!" sabay yakap sa matanda."Walang ano man Deday. Sige na labas na ako nasa kabilang silid lang ako kapag kailangan mo ako," bilin nito sa kanya."Opo," sagt niya rito.Inikot niya ang buong kwarto maganda ito at maaliwalas.Inilabas din niya ang kanyang cellphone tatawag kasi siya sa kanyang inay."Hello po Inay! kumusta na po kayo diyan?, Kakarating lang po namin ni aling Vida, at maayos naman ako dito Inay, may sarili akong kwarto dito at nagpapahinga ako ngayon, bukas nalang daw po ako magsimula. " sabi ni Deday sa kanyang ina."Mabuti naman kami anak. Mag-iingat ka diyan anak mamimiss ka namin ng kapatid mo. Mahal ka namin anak," wika nito sa kabilang linya."Opo! inay nag-iingat po ako palagi at namimiss ko po kayo at mahal na mahal ko rin po kayo." madamdaming saad nito sa inay niya.Hindi niya alam ang mangyayari bukas. Pero, susubukan niya makisabay sa agos ng buhay dito sa Maynila.Ngayon pa na may inspirasyon siya. Napaisip siya kailan niya kaya ito makikita?Ano kaya ang mukha nito sa personal? Gwapo kaya ito katulad ng nasa larawan o mas higit na makisig sa personal.***DEDAY'S POV Kinabukasan ay masaya akong naglilinis sa may hagdan habang pakanta-kanta pa ako. Maaga ako nagising dahil na rin ito ang unang araw ko bilang katulong dito sa Mansion ng mga Roriguez.Nagsimula ako sa baba maglinis hanggang paakyat. Mataas ang handan kaya napagod talaga ako sa paglinis dito. Umupo muna ako saglit dahil napagod ako. Mula sa taas ay tanaw ko ang buong living room. Minsan naiisip ko nakakatakot mag-isa dito dahil baka may multo.Takot pa naman ako sa multo. Kung anu-ano na tuloy naiimagine ko. Nagising lang ang diwa ko ng may nagsalita sa likuran ko."Manang, Kanina pa ako nagsasalita dito but you're not listening," galit na sabi nito sa akin.Boses pa lang ang gwapo na. Pero gwapo rin kaya kapag nakaharap ko na siya?Sino ba kasing manang ang sinasabi niya?"Sino po bang manang ang sinasabi niyo?" Tanong ko sa kanya sabay lingon ko sa likuran.Shet ang pogi. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil siya 'yong nasa larawan sa baba. Kung gwapo na doon sa portrait. How come pa sa personal."Ayyy!" Napasigaw ako bigla.Sa sobrang excitement ko ay muntikan pa akong mahulog sa hagda. Buong akala ko ay didiretso na ako sa baba pero hinila ako ng boss kong pogi."Salamat po," saad ko sa kanya."Who are you?" Kuno't noong tanong niya sa akin."Hello po ako po si Desra but you can call me Deday po," sabi ko sa kanya. Pero lalong kumuno't ang noo niya."So you're new here manang?" Tanong niya sa akin.Napangiwi naman ako dahil manang ang tawag niya sa akin."Grabe naman po kayo sa manang Sir. Bata pa po ako 18 pa lang po," paliwanag ko sa kanya.Tumaas ang kilay niya."Whatever! You look like one," masungit na sabi niya sa akin.Napasimangot naman ako bigla sa sinabi niya. Gwapo sana kaso masungit pala. Napatingin din ako sa sarili ko. Kung sabagay tama naman siya.Mukha nga akong manang."Follow me!" sabi niya sa akin.Sumunod naman ako sa kanya.'Yong akala kong masayang araw ay napalitan ng lungkot. Pumasok ito sa isang silid. Bigla naman akong kinabahan. Hindi ako pumapasok nanatili lang ako sa may pintuan."What are you waiting for manang?" Masungit na tanong niya sa akin."P-po?" Kabadong tanong ko.Naka pamaywang ito."I said what are you waiting for? Linisin mo na ang room ko," utos niya sa akin.Nakahinga naman ako ng maluwag dahil maglilinis lang pala ako."Okay po kukunin ko lang po 'yong mga gamit panlinis," paalam ko sa kanya."Tskk!" Asik nito sa akin.Mabilis akong bumaba para kunin ang mga gamit panlinis."O Desra bakit ka nagmamadali?" Tanong sa akin ni nanay Vida."Kukuha lang po ako ng mga gamit na panlinis. Pinapalinisan po kasi ng masungit na lalaki 'yong silid niya," sagot ko sa kanya."Hahaha sinong masungit? Siguro si senyorito Kallix ang sinasabi mo. Mabait 'yon ganoon lang siya magsalita. Professor din 'yon sa isang sikat na university," saad niya sa akin."Ganu'n po ba? Sige po nanay akyat na po ako. Baka magalit po pagmatagal ako," paalam ko dito."Sige mabuti pa nga magmadali kana baka naghihintay na 'yon," saad ni nanay Vida sa akin.Tumakbo ako paakyat sa hagdan. Hindi naman ako katangkaran kaya kahit bilisan ko pa ay matagal ako makakarating sa itaas. Sobrang taas din kasi ng hagdan. Buti hindi nagkakarayuma si senyora sa pag-akyat dito.Nang makarating ako sa silid niya ay hindi na ako kumatok. Binuksan ko na agad ito bumungad sa akin ang naka topless niyang katawan."Sus maryosep!" Patiling sabi ko sabay takip sa mata ko."Don't you know, how to knock the door before you enter here?" Galit na naman na tanong niya sa akin."Sorry po Sir," parang iiyak na ako sa lakas ng boses niya.Hindi ito sumagot. Ako naman ay nanatiling nakatayo at nakatakip pa rin ang palad ko sa mata ko."You can open your eyes now. Para namang ngayon ka lang nakakita ng lalaking n*******d," sabi niya sa akin.Tinanggal ko naman ang takip sa mata ko. Nakasuot na ito ngayon ng t-shirt. Professor na pala ito pero sa tingin ko ay bata pa naman siya. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng sobrang gwapong lalaki. Ngayon ko lang nalaman na may mga tao pala talagang pinagpala sa buhay pati na sa mukha."Ano pa hinihintay mo? Start cleaning now," masungit na utos nito sa akin.Hindi ba siya marunong magsalita ng hindi siya nagsusungit. Pasalamat ka at gwapo ka, ani ko sa isipan ko. Hindi na ako sumagot sa kanya. Pinili ko na lang manahimik at sinimulan ang paglilinis.Nakabihis na ito. Pero bakit hanggang ngayon hindi pa ito umaalis. Nakaupo lang ito sa couch habang may tinitignan sa phone niya.O baka naman binabantayan niya ako. Naku! wala naman akong kukunin dito. Kahit na mahirap kami tinuruan naman ako ni nanay na masama ang magnakaw.Naiilang tuloy ako pero pinilit ko pa'ring ayusin ang ginagawa ko. Naglakad ako palabas pero nagsalita ito."Where are you going?""Kukuha lang po ako ng pamalit na sapin sa kama niyo," sagot ko sa kanya."Okay," tipid na sagot nito.Lumabas naman ako at pumunta sa storage room. Itinuro na kasi sa akin kahapon ni nanay Vida ang silid. Lagi niyang bilin na kapag naglilinis ng silid ay palaging papalitan ang mga bedsheet.Pagbalik ko ay nakaupo pa rin ito sa upuan. Ako naman ay bumalik sa ginagawa ko. Nakakabingi ang katahimikan kung siguro ako lang mag-isa dito ay kumanta na ako.Nang matapos ako sa kama ay pumunta na ako sa banyo para doon naman maglinis. Ang ganda naman ng banyo nila at ang laki parang dalawang sukat na ng kwarto ko sa probinsiya.Hindi ko alam kong nandiyan pa ba ang boss ko na masungit pero bahala siya. Ayaw ko rin siyang kausapin baka dumugo pa ilong ko. Halos kasi english ang salita niya.Saka na kami mag-usap kapag hindi na siya masungit."Gwapo nga masungit naman," wala sa sariling sabi ko."Who's masungit?" Tanong nito sa likuran ko."Ayy? Nakakagulat naman kayo Sir," gulat na sabi ko sa kanya. "May sinabi po ba ako?" Tanong ko sa kanya."Yes, I heard you" sabi niya."Baka nagkamali lang po kayo wala naman akong sinasabi dito," maang-maangan ko sa kanya."Here," sabi niya sabay hagis sa akin ng t-shirt niya."Put it on because your shirt is wet."Nahiya naman ako dahil tama siya basang basa na ako ng pawis."Naku Sir! H'wag na po," nahihiyang sabi ko."Okay fine, bahala ka kong ayaw mo," sabi niya sa akin sabay alis.Napa buntong hininga na lang ako. Napakasungit talaga.Warning matured content!!! DEDAY'S POV Niregaluhan kami ni Mira ng trip to Iceland. Tinanong niya kasi ako dati kong saan ko gusto pumunta kaya ang sabi ko sa iceland. Mabait ang tatlong bata dahil nagpa-iwan sila. Natatawa pa nga ako sa sinabi nila, na gusto raw nila ng maraming kapatid pagbalik namin. Magiging apat na sila kaya sigurado akong magiging magulo na ang buong bahay kapag lumaki na sila. Ngayon na limang taon pa lang sila ay ang ingay na ng bahay paano pa kapag nadagdagan ng nadagdagan? Pero kahit gano'n ay iba ang hatid na saya ng mga anak ko sa buhay namin ng asawa ko. "What are you thinking?" Tanong sa akin ng asawa ko habang nakayakap sa likuran ko. "Jace, sigurado ka ba talaga na marami ang gusto mong anak?" Tanong ko sa kanya. "Gusto ko sana kaya lang iniisip kita. Alam ko na hindi madali ang manganak kaya ikaw pa rin ang masusunod babe." Sagot niya sa akin. "Jace ko, nagsisisi ka ba na ako ang naging asawa mo? Hindi ka ba nahihiya dahil dati akong maid?" Wala
KALLIX POVNaging abala kami ni Cassy sa pag-aayos para sa kasal. Gusto niyang bumawi sa mga nagawa niya kay Desra. Nalaman rin namin na si Max ang nasa likod ng lahat ng mga pangyayari. Pati na ang aksidenti na nangyari sa akin at sa asawa ko."Kuya, bukas daw ang uwi ng asawa mo." Saad sa akin ni Mira."Okay, thank you." Bandang alas siyete ng gabi no'ng may biglang tumawag sa amin at may video kung saan ang asawa ko nakatali habang ang walanghiyang Joseph ay nasa tabi niya at inaamoy ang asawa ko.Gusto kong sumabog sa galit. Nagplano si Rico kung paano namin sila mapupuntahan. Ginamit pa namin ang private jet ng pinsan ko para makarating kami kaagad. Hindi ko hahayaan na tumagal doon ang asawa ko. Pasalamat talaga ako dahil suot ng asawa ko ang binigay ko sa kanya na kwentas.Nasaktan lang ako sa part na parang wala lang ako sa asawa ko. Pero alam ko na may puwang pa ako sa puso niya. Hindi ako makakapayag na hindi matuloy ang kasal namin. Six years ago hindi ko naibigay sa kanya
DEDAY'S POV"Mga kuya, sino ba ang boss niyo?" Tanong ko sa mga kumuha sa akin. Gusto ko lang alamin kung sino na naman ang may galit sa akin."Bakit mo tinatanong?" Tanong rin niya sa akin."Bakit bawal na bang magtanong ngayon? Dapat kong itanong dahil palagi na lang ako kinikidnap. Hindi mo ba alam na kakaligtas lang sa akin kahapon!" Sigaw ko sa kanya."Wala kaming pakialam! Magpaligtas ka na lang ulit sa asawa mo," sagot ng mga ito sa akin. Parang balewala lang sa kanila. Napansin ko na maganda ang pangangatawan ng mga ito."Kung pera ang kailangan niyo. Wala akong pera at para sabihin ko sa inyo hindi ko na 'yon asawa. Magpapakasal na 'yon sa iba." Naiinis na sabi ko sa kanila."Ha? Paano nangyari 'yon? Ah basta sumusunod lng kami sa utos," sabi sa akin no'ng isang lalaki sa akin."Bahala na kayo! Basta wala kayong mapapala sa akin." Sabi ko pa sa kanila dahil umiinit lang ang dugo ko. Nagugutom na rin kasi ako kaya lalong mainit ang ulo ko."May mapapala kami, sa yaman ng asawa
Deday's POVSa loob ng isang linggo ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Hindi ko matiis ang mga anak ko kaya tumawag ako kay Mira."Hello Mira" kausap ko sa kanya."Ate? Ikaw ba ito? Nasaan ka? Kumusta ka?" Tuloy-tuloy na tanong niya sa akin."Okay lang ako Mira, kumusta ang mga anak ko." Tanong ko sa kanya."Umiiyak sila ate, hinahanap ka kasi nila." Malungkot na sagot niya sa akin."Alagaan mo muna sila Mira. Uuwi na ako bukas. Pasensiya na kung nahihirapan din kayo ng dahil sa akin." Hingi ko ng pasensiya dahil alam ko na naaabala ko na sila."Sige ate susunduin na lang kita bukas," sabi niya sa akin."Sige Mira, salamat. Pakiyakap na lang sila para sa akin." Sabi ko sa kanila.Namimiss ko rin sila pero ngayon lang ako humingi ng oras para makapag-isip ng maayos. Alam ko rin na nanay na ako at kailangan ako ng mga anak ko. Pagkatapos naming mag-usap ni Mira ay inayos ko na ang mga gamit ko. Sapat na ang isang linggo para umuwi. At kung ano man ang mangyari sa pagsasama namin
DEDAY'S POV Ilang araw na akong matamlay. Simula ng bumalik si Cassy ay nagkaroon ako ng pagduda sa pagmamahal sa akin ni Jace. Palagi niyang kasama si Cassy at nasasaktan ako kapag naiisip ko na magkasama sila. Pakiramdam ko hindi ako makahinga pakiramdam ko kailangan kong umalis dito sa bahay. Marami ang pumapasok sa isipan ko. Stress na akonsa kakaoverthink ko sa mga bagay na hindi naman dapat. "Hello mommy, puwede po ba akong humingi ng pabor." Sabi ko kay mommy, tinawagan ko siya dahil sa tingin ko ay siya ang makakatulong sa akin."May problema ba iha?" Tanong niya sa akin."Puwede po ba akong umalis? Kahit isang linggo lang po. Frustrated na po ako at kung hindi ko po ito gagawin mababaliw po ako, mommy." umiiyak na sabi ko sa kanya."Alam ko na nahihirapan ka ngayon. Sige anak, nirerespeto ko ang desisyon mo." Sabi niya sa akin."Salamat po mommy, kayo na po muna ang bahala sa mga anak ko.""Aalagaan ko sila kaya h'wag kang mag-alala." Sagot niya sa akin."Maraming salamat po
DEDAY'S POVDumaan ang mga araw at hindi pa rin nakakaalala si Jace. Pero kahit ganu'n ay malambing pa rin siya at naging masaya ang bahay namin. Nakikipaglaro kasi siya palagi sa mga anak niya at siyempre sa akin rin. Naging buo ang pamilya na matagal ko ng pinapangarap."Papasok na ako sa office," paalam ko sa kanya."Babe, bakit nagtatrabaho ka pa rin kay Jacob?" Tanong nito sa akin habang nakanguso. Alam ko na nagseselos na naman ito kaya nagpapalambing."Wala pa siyang secretary kaya hindi ko maiwan ang trabaho ko at nagpapagaling pa ang kapatid mo." Sagot ko sa kanya. "Sasama ako sa 'yo," aniya sa akin at pumasok sa walk in closet namin.Umupo na lang ako sa kama habang hinihintay ko siya. Ilang sandali pa ay lumabas na ito."Let's go," yaya niya sa akin.Bumaba kami habang nakahawak ang kamay niya sa baywang ko. Hindi ko alam pero bigla na lang akong nainis sa kanya."H'wag ka nga panay hawak sa akin." Naiinis na bulalas ko sa kanya."Babe, may problema ba?" Tanong niya sa akin
DEDAY'S POV Mabilis ko siyang hinampas dahil kung anu-ano kasi ang lumalabas sa bibig niya. "Siraulo ka! D'yan kana nga!" naiinis na sabi ko bago ako pumasok sa banyo.Balak kong maghilamos ng mukha ko. Paglabas ko ay nakaupo ito sa kama niya. Tumingin ito sa akin kaya inirapan ko siya. Kung suplado siya magmamaldita na rin ako sa kanya."Uuwi na ba tayo ngayon?" Tanong niya sa akin."Hindi ko pa alam. Itatanong ko pa sa doktor mo. Nakakatakot naman kasi ang nangyari kahapon sa 'yo. Nawalan ka ng malay pagkatapos nacoma ka. Nang nagising ka naman ang sigla mo na kaagad." Sagot ko sa kanya."Magaling kasi ang nurse ko," nakangiting sabi niya sa akin."Sinong nurse? Magaling pala, okay." Sabi ko sabay naglakad ako palabas ng silid niya. Narinig ko na tinawag niya ako pero hindi ko siya pinansin. Nakakainis lang dahil pinupuri niya 'yon samantala ako ang asawa niya. Pumara ako ng taxi at umuwi sa bahay. Naiinis ako na nagseselos. Pagkarating ko ay sinalubong ako ng mahigpit na yakap ng
DEDAY'S POVMabilis naming isinugod sa ospital si Jace at Jacob. Wala akong tigil sa pag-iyak. Natatakot ako para sa asawa ko at lalo na kay Jacob."M-Mommy," umiiyak na sabi ko kay mommy. Kahit siya ay hindi tumitigil sa pag-iyak nandito kami ngayon sa labas ng emergency room. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanghihina ang mga tuhod ko kaya nakaupo na ako sa sahig. "Hindi ako titigil hangga't hindi nahuhuli ang Max na 'yon!" Galit na sabi ni mommy."Napakawalang hiya niya. Nagdusa tayo at nalungkot sa pagkawala ng anak ko. Pero itinago lang niya." Dagdag pa nito.Niyakap ako ni mommy. Noon at ngayon at karamay pa rin namin ang isa't-isa. Tumagal ng halos dalawang oras ang operasyon kay Jacob. Pagkalabas ng doktor ay agad kaming lumapit sa kanya."Successful po ang operation. Hintayin na lang natin na gumising siya at medyo matatagalan ang recovery niya." Saad sa amin ng doktor."Ang asawa ko, ano pong lagay ng asawa ko?" Umiiyak na tanong ko sa doktor."Ang asawa mo ay kasalukuyang co
DEDAY'S POVMaaga akong gumising para magluto ng almusal namin. Habang abala ako sa paghahali ng fried rice ay may biglang yumakap sa akin."Good morning babe," bulong sa akin ni Jace."Good morning," sagot ko sa kanya.Naramdaman ko na hinalikan niya ang leeg ko kaya napangiti ako. Ang akala ko kasi behave siya kagabi pero humirit ng dalawang rounds noong natulog ang mga bata. Hindi rin talaga makatiis ang manong na 'to."Bakit ang aga mo gumising?" Tanong niya sa akin."Kasi po, magluluto po ako ng breakfast." Sagot ko sa kanya."Ako na ang magluluto babe. Alam ko na pagod ka pa," sabi niya sa akin."Tayo na lang pong dalawa," nakangiting sabi ko sa kanya."Okay babe," sagot niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.Naging masaya ang simula ng araw ko kasama sila. Isang pamilya kasi ulit kaming kumain. Iba ang saya ko tuwing magkakasama kamia. Larawan ng isang buong pamilya, isang masayang pamilya. Kasalukuyan kaming bumabiyahe papunta sa hospital para tignan ang resulta ng DNA test.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments