Share

Chapter 3

Author: CALLIEYAH
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

DEDAY'S POV

Pagkatapos ko kumain ay naghugas na ako ng pinagkainan ko. Lumabas ako sa kusina at pumasok muna sa silid ko. Humarap ako sa salamin. Ang iksi naman ng palda na ito. Kaya naiilang ako kasi hindi ako sanay madalas kasi ang haba ng mga saya na suot ko.

Itinali ko ang buhok ko para hindi mainit sa pakiramdam. Madalas kasi nakalugay lang ang buhok ko. Kaya lalo akong inaasar na manang na sa amin.Hanggang dito ay hindi nakaligtas sa masungit na manong. Sa lahat sa kanila ay siya lang ang bukod tanging tumawag sa akin nang manang.

Lumabas ako sa kwarto ko. Nakita ko si nanay.

"Deday puwede mo bang linisan ang swimming pool?" Tanong niya sa akin.

"Sige po nay," sagot ko naman sa kanya.

"Darating kasi ang mga barkada ni Senyorito Jacob mamayang gabi at may pool party sila. Bagay sayo ang uniform mo siguro naman hindi kana tatawaging manang ni senyorito Kallix," nakangiti na sabi ni Nanay Veda.

"Salamat po pero hindi ako sanay. Mas kumportable pa rin po ang suot kong palda," sabi ko sa kanya.

"Naku! masasanay ka rin. Dapat simulan mo ng makibagay sa mga usong pananamit ngayon," sabi niya sa akin.

"Opo nay, susubukan ko po," sabi ko naman sa kanya.

Nagpaalam na ako kay nanay na pupunta na sa pool area dito sa mansion. Ang init na nang sikat ng araw. Ang mga kasamahan ko ay abala sa pag-aayos ng mga mesa. Ako naman ay naglinis ng pool. Bigla nanayo ang mga balahibo ko ng ako na lang mag isang naiwan dito sa pool area. Pakiramdam ko kasi may nakatingin sa akin sa kung saan. Nagmadali ako dahil kabado na ako. Hindi ko inaasahan ang sumunod na nanyari dahil nadulas ako at diretso sa tubig.

Hindi ako marunong lumangoy kaya nahihirapan ako lalo't malalim ang tubig.

"Tu-Tulong! T-Tulungan niyo ak-ako!" Nahihirapang sigaw ko.

Wala parin dumadating hanggang sa lumubog na ako sa tubig at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

Napaubo ako.

"Deday okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Mira.

Bumangon ako at una kong nakita ang papalayong bulto ni manong masungit.

"Okay lang ako senyorita. Salamat sa pagligtas sa akin," sabi ko sa kanya.

"Hindi naman ako ang nagligtas sayo kundi si Kuya Kallix. Nagulat lang din kami kasi nagmamadali itong bumaba sa hagdan kanina. 'Yon pala nalulunod kana dito," sabi niya.

"S-Si Senyorito Ka-Kallix ang nagligtas sa akin?" Nauutal na tanong ko sa kanya.

"Oo siya, siya rin nag CPR sa 'yo," sagot niya sa akin.

Nagtaka ako sa sinabi niya.

"Anong CPR?" Tanong ko sa kanya.

"Cardio Pulmonary Resuscitation," sagot niya.

Lalo naman akong naguluhan sa sinabi niya.

"Lalo kong hindi naintindihan senyorita," sabi ko sa kanya.

Napakamot ito sa buhok niya.

"Iniligtas ka ni kuya tinulungan ka niyan makalabas 'yong tubig na nainom mo," sabi niya sa akin.

"Paano niya nailabas yong tubig?" Nagtatakang tanong ko.

"Hayy naku! Deday hayaan muna ang mahalaga nakaligtas ka. Ang swerte mo n*******n mo si kuya," kinikilig na sabi niya.

Manlaki ang mata ko sa narinig ko mula sa kanya.

"Ho? Anong sinasabi niyo?" Nagulat na tanong ko sa kanya.

"H'wag ka mag-alala wala naman 'yon kay kuya eh. Bakit wala ka pa bang first kiss?" Nang-aasar na tanong niya.

"M-Meron na," pagsisinungaling ko sa kanya.

"Okay! Sige na magbihis kana doon baka ubuhin ka pa," sabi niya sa akin.

"Salamat ulit senyorita," sabi ko sa kanya bago nagmadaling pumunta sa silid ko.

"Mira na lang magkaedad lang naman tayo eh," naka ngusong sabi niya.

"Okay Mira bye," paalam ko sa kanya.

Naligo na lang ako.Habang naliligo ako ay hindi maiwasang mainis sa sarili ko.

"Kasalanan talaga ng kung sino mang nakatingin sa akin ang lahat at kasalanan din ng pool. Bakit kasi ang lalim ng tubig doon nakakainis naman?!" Kausap ko sa sarili ko.

Bakit kasi hindi ako marunong lumangoy ayan tuloy nawala ang first kiss ko at ang masama pa si manong na masungit pa ang kumuha.

Pero hindi naman siguro yon counted kasi wala naman akong malay.Pero naiisip ko pa lang na dumikit sa akin ang labi niya naiinis na ako.

Hindi naman sa nag-iinarte ako pero syempre gusto ko na sa taong gusto ko gawin ang first kiss ko.

Oo! naging crush ko siya pero ngayon hindi na.Kairita talaga siya.Kinuskus ko ang labi ko para alisin ang bakas niya. Pagkatapos ko maligo ay nag-ayos ako ng sarili bago lumabas sa silid ko. Dumiretso ako sa kusina para tumulong dahil pagabi na.

Pagpasok ko ay palabas na si Manong masungit. Hindi ko alam ang gagawin ko kung babatiin ko ba siya o hindi. Pero kabastusan rin kung hindi ako magpapasalamat sa kanya.

"Senyorito Kallix," tawag ko sa kanya.

Tumigil naman ito habang hindi ako nililingon.

Kabado man ay pinilit kong maging normal ang boses ko.

"Gusto ko lang po magthank you sa pagligtas mo po sa akin kanina. Thank you po talaga. Hindi po kasi ako marunong lumangoy," saad ko sa kanya.

Naglakad lang ito at hindi man lang sumagot. Kahit kailan talaga napakasungit niya.

Tumuloy na ako sa kusina at tumulong sa kanila. Mamayang alas siyete ay darating na ang mga kaibigan ni senyorito Jacob.

Habang naghuhugas ako ng mga hugasin ay dumating si manong masungit.

"Manang...!" Tawag niya sa akin.

"Yes po Senyorito Kallix. May kailangan po ba kayo?" Tanong ni Nanay Vida.

"It's not you po manang. 'Yong bago nating maid ang tinatawag ko," mahinahon na sagot niya kay manang.

Wow magalang naman pala pero bakit manang pa rin ang tawag niya sa akin. Kahit na naiinis ay sinarili ko lang muna at dahil iniligtas niya ako ay magpapakabait muna ako ngayon.

"Deday iwan mo na cyan diyan at may ipag-uutos sayo si senyorito Kallix," tawag sa akin ni nanay.

"Bakit po senyorito Kallix?" Magalang na tanong ko habang pilit na ngumingiti.

"Clean my room. May bisita ako mamaya kaya kailangan na malinis ang kwarto ko," utos niya at sabay labas sa kusina.

Kakalinis ko lang kanina pero maglilinis na naman. Huminga ako ng malalim bago sumunod sa kanya. Isipin mo na lang niligtas ka niya kahit na ninakaw niya ang first kiss mo, kausap ko sa sarili ko.

Simula ng mapadpad ako dito ay lagi ko na lang kinakausap ang sarili ko. Nakakatakot na dahil baka hindi ko na mamalayan ay maging sinto-sinto na ako dahil sa masungit na 'yon.

Hindi ako makapaglinis ng maayos dahil nandito lang naman si manong na nakabantay sa akin. Kahit na naiilang ako ay ipinagpatuloy ko ang paglilinis. Ang masungit na manong ay nakaupo lang sa kama niya. Abala ito sa pag-babasa ng libro.

Siguro sobrang talino niya. Kasi professor na siya. Ilan taon na kaya si manong.

"What are you thinking manang?" Tanong niya sa akin.

"Wala po senyorito," sagot ko sa kanya.

"Can you please make it fast. Anytime darating na ang bisita ko pero hindi ka'pa tapos," naiinis na sabi niya sa akin.

Binilisan ko ang kilos ko pinapunta din niya ako sa banyo para ihanda ang bathtub. Ang bango ng sabon na ginagamit nila halatang pangmayaman.

"Bakit ba ang bagal mo manang? Hindi ka parin ba tapos?" Tanong niya ulit sa akin.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya. Sa totoo lang ngayon ko lang siya natitigan. Ang sungit talaga ng awra niya. Sayang ang kagwapuhan niya. Pero alam ko naman na maraming babaeng naghahabol sa kanya. At ayoko ng dumagdag sa haba ng pila.Turn off ako sa mga kagaya niyang masungit pero naisip ko lang uratin ko kaya siya. Ito na naman ang isip ko may mga binabalak na hindi maganda.

Mas lalo kong binagalan ang kilos ko. Hindi porket sinagip mo ako ay pwede ka ng magsungit sa 'kin.

Nagulat kami pareho ng bumukas ang pinto at pumasok ang magandang babae.

"Kallix! I missed you so much," sigaw niya habang nagmamadaling lumapit kay manong.

Mabilis itong sumampa kay manong kaya naman mabilis din itong binuhat ni manong na masungit.

Ang sumunod na nanyari ang hindi ko napaghandaan.Hinalikan niya bigla si manong. Si manong naman ay hinahalikan din 'yong magandang babae.

Napatakip tuloy ako sa mata ko dahil sa nakita ko. Unti-unti kong sinimulang ihakbang ang paa ko para makaalis.

Hindi maganda sa paningin ko ang ginagawa nila at bigit sa lahat .Bakit pa ako mananatili doon? Maabala ko lang sila sa dapat nilang gawin. Sumilip ako ng huling beses sa kanila at nakita kong nakatingin sa akin si manong kaya nabilis akong lumabas.

"Nakakahinga pa kaya sila? Eh halos lunukin na nila ang labi ng isa't isa," wala sa sariling sabi ko ng makalabas ako sa silid.

Mabilis akong bumaba sa kusina.Inabot na kasi ako ng alas otso. Sakto kumakain sila pagpasok ko.

"Kain na tayo Deds," saad sa akin ni Chen-chen. Isa sa mga kasamahan namin dito. Mas matanda siya sa akin ng tatlong taon.

"Salamat ate Chen, gutom na rin talaga ako," sagot ko sa kanya.

Lumapit ako sa lababo para maghugas ng kamay. Balak ko kasi kumain ng nakakamay lang. Mas gusto ko at tsaka wala naman sabaw ang ulam kaya ayos lang.

Umupo na ako para magsimula ng kumain. Kakasubo ko lang nang bigla akong tawagin ni nanay Vida.

"Deday, pasensya na kung aabalahin ko ang pagkain mo. Nagpapadala si senyorito Kallix ng alak sa kwarto niya.

"Sige po nay. Saan po ba ako kukuha ng alak na dadalhin ko doon?" Tanong ko sa kanya habang tinatakpan ang pagkain ko dahil balak kong balikan mamaya.

"Sasamahan na kita," sabi niya sa akin.

Sumunod naman ako sa kanya.

"Dito nakalagay ang mga alak. Kumuha kana at dalhin mo sa kanila," utos ni nanay sa akin.

Ako naman ay kumuha ng isa at umakyat sa kwarto ni manong. Kumatok ako pero hindi naman ako naririnig. Kumatok ako ng kumatok kasi naman nagugutom na ako.

"Senyorito! Senyorito andito na po ang alak na pinapadala niyo!" Sigaw ko sa kanya.

Kinalampag ko na 'yong pinto sa inis ko. Umabot lang naman ako ng kalahating oras sa paghihintay ko sa kanya. Sa inis ko ay bumaba na ako. Ako kayang ginagawa nila at hindi man lang nila ako naririnig.

"Arrgh, kainis siya! Kung hindi niya ako inabala sana ngayon nagsisimula ng madesolve ang kinain ko," padabog akong bumaba sa hagdan.

Nakasalubong ko si senyorito Jacob nanggaling siya sa kusina.

"Hi Deday," bati niya sa akin.

"Hi din po Senyorito Jacob," matamlay na sagot ko dahil gutom na ako.

"What happened? Why are sad?" Tanong niya sa akin.

"Hindi naman po ako malungkot, gutom lang po ako," sagot ko sa kanya.

"Bakit hindi kapa ba kumakain?" Nag-aalalang tanong niya.

"Mayroon po kasing manong na inantala ang ako habang kumakain.Tapos ngayon hindi naman ako pinagbuksan ng pinto," inis na sabi ko.

Nagulat ako dahil tumawa ito ng malakas kaya napakunot naman ang noo ko sa kanya.

"Sorry Deday pero natatawa ako. Si kuya ata ang tinatawag mo na manong," sabi niya.

Napayuko naman ako dahil nahihiya ako.

"It's fine, that's are secret pero twenty five pa lang si kuya kaya hindi pa siya manong hahaha," sabi niya.

"Sorry po, kasi naman nakakainis lang po eh," sabi ko sa kanya.

"Don't mind them they doing their exercise," sabi niya sa akin.

"Exercise po?" Nagtatakang tanong ko.

"Hahaha sorry naaabala na kita. Sige na kumain kana doon at pagkatapos balikan mo na lang si manong mamaya," tumatawang paalam niya sa akin bago pumunta sa pool kung saan sila nagpaparty.

Pumasok na lang ako sa kusina. Nagsimula na akong kumain. Habang patapos na ako ay dumating si manong kasama ng jowa niya.

"Where's the wine manang? Kanina pa namin hinihintay ang wine," galit na sabi niya.

Hindi ko siya inintindi. Tumayo ako at pumunta sa lababo para hugasan ang kinainan ko.

"Are deaf? Manang!" Galit na tawag niya sa akin.

Humarap ako sa kanya at dahil inis na inis na ako hindi ko na nakontrol ang sarili ko.

"Hindi po ako bingi senyorito. At katunayan po kalahating oras na akong kumakatok sa pinto. Sobrang sakit na nga ng kamay ko sa kaka-katok doon pero hindi niyo naman naririnig. Tapos ngayon nagagalit ka dahil wala pa 'yung wine. Kumain lang ako kasi gutom na talaga ako pero balak ko namang bumalik doon pagkatapos kong kumain. At nandito kana rin naman ikaw na ang magdala ng wine niyo," tuloy-tuloy na lintaya ko sa kanya. Habang hindi iniisip ang mga lumabas sa bibig ko.

Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya. Huminga ito ng malalim at tinapunan ako ng masamang tingin. Sinalubong ko naman ito. Pero hindi ko alam cyong matalim niyang tingin ay napalitan ng kalmadong ekspresyon.

"You're rude! Your just a maid here," sabi sa akin ng babae.

"Let's go Max don't mind her," sabi ni manong sa babae. Max pala ang pangalan nito.

"But she's disrespecting you," sabi pa nito.

Hindi siya pinansin ni manong at hinila na siya palabas sa kusina. Tama naman siya naging bastos ako at isa lang akong maid.

May pumatak na luha sa mata ko mabilis ko itong pinunasan at nilisan ko ang kusina. Pumasok ako sa kwarto ko at doon ko binuhos ang sama ng loob ko. Dumaan ang ilang linggo at hindi ko na nakita si manong. Inaabangan ko siya lagi dahil gusto ko humingi ng sorry sa ginawa ko.

Isang buwan na ako dito at sa susunod na linggo ay magpapaenroll na ako. Ipinasok akong scholar ni Senyora sa foundation kaya laking pasasalamat ko na makakapasok na ako sa paaralan.

"Nasaan na kaya siya?" Wala sa sariling tanong ko.

Comments (7)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ganyan nga deday lumaban ka para hindi ka kinakaya kaya lang
goodnovel comment avatar
Lny AV
hehehe nakakatuwa c deday
goodnovel comment avatar
Gene Darden
pangalawa ko nang basa ito pero natatawa pa rin ako hahaha go Deday para sa econamiya♡♡♡
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Professor's Maid   Chapter 4

    DEDAY'S POV Ngayon ang araw na lilipat ako. Sabi ni senyora doon daw ako tutuloy habang nag-aaral ako. Masaya naman ako dahil binigyan nila ako ng chance na bumalik sa pag-aaral. Sabi nila ay ako ang gagawa ng gawaing bahay doon sa lilipatan ko.Malayo kasi sa City ang mansion kaya si Mira ay may sarili din condo. Mas gusto ko sana na kay Mira na lang pero mayroon na siyang kasama. Hinatid din ako ni Mang Tommy para hindi na raw ako mahirapan sa pag commute. Kaunti lang ang dala kong damit. Karamihan ay 'yong mga saya ko na pangmanang ang dala ko.Hindi na raw kailangan magsuot ng uniform doon. Pagdating namin sa building ay namangha talaga ako."Deday, kaya mo na 'yan second floor room 21," sabi sa akin ni Mang Tommy."Opo, Mang Tommy, maraming salamat po," paalam ko sa kanya bago ako pumasok sa loob.Pagpasok ko ay hinanap ko kaagad ang elevator. Sumakay ako at pinindot ko ang second floor. Mabilis lang akong nakarating.Naglakad ako at hinanap ko ang room 21. Nang mahanap ko ay na

  • Professor's Maid   Chapter 5

    DEDAY'S POV Maaga akong nagising para magluto ng almusal. Kahit puyat ako sa nanyari kagabi ay sinikap kong agahan ang gising ko. Sa totoo lang hindi ako magaling magluto. Sa probinsya namin ay si nanay lagi ang nagluluto at sa mansiyon naman ay si Nanay Veda.Binuksan ko ang ref para maghanap ng puwede kong iluto. Marami naman akong nakita kaya kumuha na lang ako ng bacon, hotdog at egg. Nagsaing na rin ako.Nagsimula na akong magprito ng bacon."Ayy..!" Nagulat na sabi ko dahil natalsikan ako ng mantika sa kamay ko.Malakas ang apoy at hindi ako makalapit dahil nagsitalsikan ang mantika. Nasusunog na ngayon ang bacon na piniprito ko."What the hell is going on here?!" Galit na sigaw ni Senyorito sa akin. Mabilis din siyang lumapit sa kalan at pinatay ito.Ako naman ay tulala ay hawak ang kamay ko na napaso. Kita ko ang galit sa mga mata niya. Pinipigilan ko ang luha ko dahil natakot ako sa lakas ng sigaw niya.Muntikan ko pang masunog ang kusina kung hindi siya lumabas. "Sorry po

  • Professor's Maid   Chapter 6

    Kallix POVHindi ko alam kung ano ang nagyayari sa akin. Simula kasi ng dumating sa mansiyon ang manang namin na katulong ay napansin ko na maraming nagbago sa akin. 'Yong mga bagay na madalas kong hindi ginagawa ay nagawa ko. Kahit na may lakad ako ay pinili ko na bantayan siya sa paglilinis.Ngayon lang ako naging concern sa babaeng basa 'yong damit kaya binigay ko ang T-shirt ko sa kanya.Madalas akong naiirita kapag ibang tao ang kausap ko pero siya parang musika ang boses niya sa pandinig ko.Isang hapon habang nasa terrace ako ay natatanaw ko siya sa baba habang naglilinis ng pool. Nagulat ako nang bigla na lang siyang nahulog at humihingi ng tulong. Hindi naman ako makatalon dahil mataas ang terrace kaya nagmadali akong bumaba para puntahan siya.Nagtaka pa ang kapatid ko dahil nagmamadali akong bumaba."May problema ba kuya? Bakit nagmamadali ka?" Tanong niya sa akin.Hindi na ako sumagot dahil dumiretso ako sa pool area namin.Mabilis akong tumalon sa tubig at binuhat ko siya.

  • Professor's Maid   Chapter 7

    DEDAY'S POVPagkatapos namin kumain ako ang nagligpit at naghugas dahil trabaho ko din talaga 'yon. Wala naman lakad si senyorito ngayon kaya naisip ko na magpapaturo na lang ako sa kanya kung paano gamitin ang phone niya.Naligo muna ako pagkatapos ay lumabas ako. Dahan-dahan pa ang paglapit ko sa kanya kasi nanunuod ito ng tv ngayon. Para akong ballerina kung maglakad dahil nakatingkayad ako.Umupo ako sa sahig at siya naman ay sa sofa.Tahimik lang ako nahihiya rin kasi akong makipag-usap sa kanya. Nakafocus lang ako sa movie na pinapanood namin. Shocks nagulat ako dahil may kissing scene.Yumuko na lang ako dahil ayaw ko na panuorin. Alam ko naman na sanay na senyorito kasi kagabi nga may kahalikan siya.Nabigla ako ng binabangga ni senyorito ang balikat ko.'Yon pala inaabot niya sa akin ang phone niya.Napalunok pa ako dahil hindi ako makapagsalita nahihiya rin ako. Nang hindi ko pa kinukuha sa kanya ay umupo ito sa tabi ko. Nalalanghap ko ang pabango niya na alam kong mamahalin.

  • Professor's Maid   Chapter 8

    Kallix POVUmalis ako at hindi na nagpaalam sa kanya. Masaya kaming nag-inuman ng mga kaibigan ko.Si Luke, Rico, Rafa at Tristan ang kasama ko na nagparty sa bar. Normal na sa akin na may mga babaeng lumalapit sa akin. Sa amin ay kami na lang na tatlo ang hindi nagseseryoso pagdating sa babae."Iba talaga kapag gwapo," pang-aasar sa akin ni Luke."Of course," mayabang pa na sagot ko sa kanya.Ako si Rafa at Tristan kami ang mga walang sineseryoso takot kasi kami sa commitment. May lumapit sa akin na babae. "I want you," bulong sa akin ng babae."Be ready honey. You will scream tonight," bulong ko rin sa kanya."I'm born ready prof," malanding sabi niya.Siyempre pinagbigyan ko. Sa kotse pa lang ay nakaisa na kami."Ahhh! Prof you're so huge," saad ng babae habang gumigiling sa kandungan ko."I'll take that as a compliment honey," sabi ko naman dito.Patuloy siya sa ginagawa niya hanggang sa nilabasan na ito. Ako naman ay pinaalis na siya sa kandungan ko at agad na nagsuot ng proteksy

  • Professor's Maid   Chapter 9

    DEDAY'S POV Hindi ako makapaniwala na bumigay ako. Pagpasok ko sa kwarto ay sinabunutan ko ang sarili ko sa kalandian ko. Kakasabi ko lang kanina na ayaw kong matulad sa mga babae niya pero ako naman itong bigay na bigay sa kanya.Paano na bukas anong gagawin ko? Nakakainis pa dahil napaihi pa ata ako. Dahil basang-basa ang panty ko ngayon. Mabilis akong pumunta sa banyo para magbihis ng panty ko. Kasalukuyan akong nakatingin sa salamin.Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko. Ganoon pala ang pakiramdam kapag nakikipaghalikan. Bakit ang sarap niyang humalik?Ang lambot ng labi niya. Hanggang ngayon pakiramdam ko magkadikit pa rin nag labi namin."Deday tumigil kana kalimutan mo 'yon. Huwag kang magtitiwala sa mga pahalik-halik niya. Galawang babaero 'yon. Hindi ka niya type dahil isa kang manang," kumbinse ko sa sarili ko."Hoy, puso tumigil kana kanina pa mabilis ang tibok mo baka magkasakit na ako niyan," saway ko sa puso ko na hanggang ngayon ay malakas parin ang kabog.Sumampa a

  • Professor's Maid   Chapter 10

    Kallix POVPumunta ako sa condo ni Max pero wala naman nanyari sa amin."So, pumunta ka dito para matulog? Really Kallix?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin."Please Max, I want to sleep can you please shut up," inis na sabi ko sa kanya."You're unbelievable!" Sigaw niya sa akin.Hindi ko siya inintindi. Hanggang ngayon kasi ay pakiramdam ko magkadikit pa rin ang labi namin ni manang. Na kahit nakapikit na ako ay mukha niya pa rin ang nakikita ko. Ang maganda niyang mukha, matangos na ilong at mapupula niyang labi.Na kahit badoy ang porma niya ay naakit niya ako. Buong gabi ko pinag-isipan ang dapat kong gawin."Sh*t! Nahihibang na ako."Simula bukas ay iiwasan ko na siya. Para din 'yon sa kanya. In two weeks magsisimula na ang pasukan kaya hindi maganda na maging malapit ako sa kanya. Magiging isa ako sa magiging guro niya. Mahigpit na ipinagbabawal ang relasyon ng guro at estudyante.Nakaidlip ako pero nagising ako ng maramdaman kung may humahalik sa akin. Nang idilat ko an

  • Professor's Maid   Chapter 11

    DEDAY'S POVNagising ako na nakahiga na sa sofa. Si manong agad ang una kong nakita pagdilat ng mga mata ko. Hindi ito nagsasalita at umalis siya sa tabi ko. Pumasok siya sa kusina ako naman ay nakatingin lang sa kanya."Galit pa rin kaya siya?" tanong ko sa sarili ko.Ilang sandali pa ay bumalik na siya at nagulat ako dahil binuhat niya ako. Habang papasok kami sa dining-room ay ngayon ko siya napagmasdan ng matagal. Sobrang gwapo niya kaya nga noong nakita ko siya sa portrait ay nagwapuhan talaga ako sa kanya. Naging instant crush ko pa siya."Are you done?" tanong niya sa'kin."P-Po?" nagtatakang sabi ko."Checking my face," sabi niya.Yumuko ako bigla dahil nahuli niya ako. Ibinaba niya ako sa upuan. May ihinanda pala siyang pagkain. Bigla akong nahiya. Kinuha niya ang kutsara at balak niya akong subuan pero pinigilan ko siya.Hindi niya pwedeng gawin ito dahil sa aming dalawa siya ang boss ko. Siguro nakuha niya ang ibig kong sabihin kaya lumabas siya sa kusina. Natakam ako sa pag

Latest chapter

  • Professor's Maid   SPECIAL CHAPTER

    Warning matured content!!!DEDAY'S POVNiregaluhan kami ni Mira ng trip to Iceland. Tinanong niya kasi ako dati kong saan ko gusto pumunta kaya ang sabi ko sa iceland. Mabait ang tatlong bata dahil nagpa-iwan sila.Natatawa pa nga ako sa sinabi nila, na gusto raw nila ng maraming kapatid pagbalik namin. Magiging apat na sila kaya sigurado akong magiging magulo na ang buong bahay kapag lumaki na sila. Ngayon na limang taon pa lang sila ay ang ingay na ng bahay paano pa kapag nadagdagan ng nadagdagan? Pero kahit gano'n ay iba ang hatid na saya ng mga anak ko sa buhay namin ng asawa ko."What are you thinking?" Tanong sa akin ng asawa ko habang nakayakap sa likuran ko."Jace, sigurado ka ba talaga na marami ang gusto mong anak?" Tanong ko sa kanya."Gusto ko sana kaya lang iniisip kita. Alam ko na hindi madali ang manganak kaya ikaw pa rin ang masusunod babe." Sagot niya sa akin."Jace ko, nagsisisi ka ba na ako ang naging asawa mo? Hindi ka ba nahihiya dahil dati akong maid?" Wala sa sar

  • Professor's Maid   WAKAS

    KALLIX POVNaging abala kami ni Cassy sa pag-aayos para sa kasal. Gusto niyang bumawi sa mga nagawa niya kay Desra. Nalaman rin namin na si Max ang nasa likod ng lahat ng mga pangyayari. Pati na ang aksidenti na nangyari sa akin at sa asawa ko."Kuya, bukas daw ang uwi ng asawa mo." Saad sa akin ni Mira."Okay, thank you." Bandang alas siyete ng gabi no'ng may biglang tumawag sa amin at may video kung saan ang asawa ko nakatali habang ang walanghiyang Joseph ay nasa tabi niya at inaamoy ang asawa ko.Gusto kong sumabog sa galit. Nagplano si Rico kung paano namin sila mapupuntahan. Ginamit pa namin ang private jet ng pinsan ko para makarating kami kaagad. Hindi ko hahayaan na tumagal doon ang asawa ko. Pasalamat talaga ako dahil suot ng asawa ko ang binigay ko sa kanya na kwentas.Nasaktan lang ako sa part na parang wala lang ako sa asawa ko. Pero alam ko na may puwang pa ako sa puso niya. Hindi ako makakapayag na hindi matuloy ang kasal namin. Six years ago hindi ko naibigay sa kanya

  • Professor's Maid   Chapter 90

    DEDAY'S POV"Mga kuya, sino ba ang boss niyo?" Tanong ko sa mga kumuha sa akin. Gusto ko lang alamin kung sino na naman ang may galit sa akin."Bakit mo tinatanong?" Tanong rin niya sa akin."Bakit bawal na bang magtanong ngayon? Dapat kong itanong dahil palagi na lang ako kinikidnap. Hindi mo ba alam na kakaligtas lang sa akin kahapon!" Sigaw ko sa kanya."Wala kaming pakialam! Magpaligtas ka na lang ulit sa asawa mo," sagot ng mga ito sa akin. Parang balewala lang sa kanila. Napansin ko na maganda ang pangangatawan ng mga ito."Kung pera ang kailangan niyo. Wala akong pera at para sabihin ko sa inyo hindi ko na 'yon asawa. Magpapakasal na 'yon sa iba." Naiinis na sabi ko sa kanila."Ha? Paano nangyari 'yon? Ah basta sumusunod lng kami sa utos," sabi sa akin no'ng isang lalaki sa akin."Bahala na kayo! Basta wala kayong mapapala sa akin." Sabi ko pa sa kanila dahil umiinit lang ang dugo ko. Nagugutom na rin kasi ako kaya lalong mainit ang ulo ko."May mapapala kami, sa yaman ng asawa

  • Professor's Maid   Chapter 89

    Deday's POVSa loob ng isang linggo ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Hindi ko matiis ang mga anak ko kaya tumawag ako kay Mira."Hello Mira" kausap ko sa kanya."Ate? Ikaw ba ito? Nasaan ka? Kumusta ka?" Tuloy-tuloy na tanong niya sa akin."Okay lang ako Mira, kumusta ang mga anak ko." Tanong ko sa kanya."Umiiyak sila ate, hinahanap ka kasi nila." Malungkot na sagot niya sa akin."Alagaan mo muna sila Mira. Uuwi na ako bukas. Pasensiya na kung nahihirapan din kayo ng dahil sa akin." Hingi ko ng pasensiya dahil alam ko na naaabala ko na sila."Sige ate susunduin na lang kita bukas," sabi niya sa akin."Sige Mira, salamat. Pakiyakap na lang sila para sa akin." Sabi ko sa kanila.Namimiss ko rin sila pero ngayon lang ako humingi ng oras para makapag-isip ng maayos. Alam ko rin na nanay na ako at kailangan ako ng mga anak ko. Pagkatapos naming mag-usap ni Mira ay inayos ko na ang mga gamit ko. Sapat na ang isang linggo para umuwi. At kung ano man ang mangyari sa pagsasama namin

  • Professor's Maid   Chapter 88

    DEDAY'S POV Ilang araw na akong matamlay. Simula ng bumalik si Cassy ay nagkaroon ako ng pagduda sa pagmamahal sa akin ni Jace. Palagi niyang kasama si Cassy at nasasaktan ako kapag naiisip ko na magkasama sila. Pakiramdam ko hindi ako makahinga pakiramdam ko kailangan kong umalis dito sa bahay. Marami ang pumapasok sa isipan ko. Stress na akonsa kakaoverthink ko sa mga bagay na hindi naman dapat. "Hello mommy, puwede po ba akong humingi ng pabor." Sabi ko kay mommy, tinawagan ko siya dahil sa tingin ko ay siya ang makakatulong sa akin."May problema ba iha?" Tanong niya sa akin."Puwede po ba akong umalis? Kahit isang linggo lang po. Frustrated na po ako at kung hindi ko po ito gagawin mababaliw po ako, mommy." umiiyak na sabi ko sa kanya."Alam ko na nahihirapan ka ngayon. Sige anak, nirerespeto ko ang desisyon mo." Sabi niya sa akin."Salamat po mommy, kayo na po muna ang bahala sa mga anak ko.""Aalagaan ko sila kaya h'wag kang mag-alala." Sagot niya sa akin."Maraming salamat po

  • Professor's Maid   Chapter 87

    DEDAY'S POVDumaan ang mga araw at hindi pa rin nakakaalala si Jace. Pero kahit ganu'n ay malambing pa rin siya at naging masaya ang bahay namin. Nakikipaglaro kasi siya palagi sa mga anak niya at siyempre sa akin rin. Naging buo ang pamilya na matagal ko ng pinapangarap."Papasok na ako sa office," paalam ko sa kanya."Babe, bakit nagtatrabaho ka pa rin kay Jacob?" Tanong nito sa akin habang nakanguso. Alam ko na nagseselos na naman ito kaya nagpapalambing."Wala pa siyang secretary kaya hindi ko maiwan ang trabaho ko at nagpapagaling pa ang kapatid mo." Sagot ko sa kanya. "Sasama ako sa 'yo," aniya sa akin at pumasok sa walk in closet namin.Umupo na lang ako sa kama habang hinihintay ko siya. Ilang sandali pa ay lumabas na ito."Let's go," yaya niya sa akin.Bumaba kami habang nakahawak ang kamay niya sa baywang ko. Hindi ko alam pero bigla na lang akong nainis sa kanya."H'wag ka nga panay hawak sa akin." Naiinis na bulalas ko sa kanya."Babe, may problema ba?" Tanong niya sa akin

  • Professor's Maid   Chapter 86

    DEDAY'S POV Mabilis ko siyang hinampas dahil kung anu-ano kasi ang lumalabas sa bibig niya. "Siraulo ka! D'yan kana nga!" naiinis na sabi ko bago ako pumasok sa banyo.Balak kong maghilamos ng mukha ko. Paglabas ko ay nakaupo ito sa kama niya. Tumingin ito sa akin kaya inirapan ko siya. Kung suplado siya magmamaldita na rin ako sa kanya."Uuwi na ba tayo ngayon?" Tanong niya sa akin."Hindi ko pa alam. Itatanong ko pa sa doktor mo. Nakakatakot naman kasi ang nangyari kahapon sa 'yo. Nawalan ka ng malay pagkatapos nacoma ka. Nang nagising ka naman ang sigla mo na kaagad." Sagot ko sa kanya."Magaling kasi ang nurse ko," nakangiting sabi niya sa akin."Sinong nurse? Magaling pala, okay." Sabi ko sabay naglakad ako palabas ng silid niya. Narinig ko na tinawag niya ako pero hindi ko siya pinansin. Nakakainis lang dahil pinupuri niya 'yon samantala ako ang asawa niya. Pumara ako ng taxi at umuwi sa bahay. Naiinis ako na nagseselos. Pagkarating ko ay sinalubong ako ng mahigpit na yakap ng

  • Professor's Maid   Chapter 85

    DEDAY'S POVMabilis naming isinugod sa ospital si Jace at Jacob. Wala akong tigil sa pag-iyak. Natatakot ako para sa asawa ko at lalo na kay Jacob."M-Mommy," umiiyak na sabi ko kay mommy. Kahit siya ay hindi tumitigil sa pag-iyak nandito kami ngayon sa labas ng emergency room. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanghihina ang mga tuhod ko kaya nakaupo na ako sa sahig. "Hindi ako titigil hangga't hindi nahuhuli ang Max na 'yon!" Galit na sabi ni mommy."Napakawalang hiya niya. Nagdusa tayo at nalungkot sa pagkawala ng anak ko. Pero itinago lang niya." Dagdag pa nito.Niyakap ako ni mommy. Noon at ngayon at karamay pa rin namin ang isa't-isa. Tumagal ng halos dalawang oras ang operasyon kay Jacob. Pagkalabas ng doktor ay agad kaming lumapit sa kanya."Successful po ang operation. Hintayin na lang natin na gumising siya at medyo matatagalan ang recovery niya." Saad sa amin ng doktor."Ang asawa ko, ano pong lagay ng asawa ko?" Umiiyak na tanong ko sa doktor."Ang asawa mo ay kasalukuyang co

  • Professor's Maid   Chapter 84

    DEDAY'S POVMaaga akong gumising para magluto ng almusal namin. Habang abala ako sa paghahali ng fried rice ay may biglang yumakap sa akin."Good morning babe," bulong sa akin ni Jace."Good morning," sagot ko sa kanya.Naramdaman ko na hinalikan niya ang leeg ko kaya napangiti ako. Ang akala ko kasi behave siya kagabi pero humirit ng dalawang rounds noong natulog ang mga bata. Hindi rin talaga makatiis ang manong na 'to."Bakit ang aga mo gumising?" Tanong niya sa akin."Kasi po, magluluto po ako ng breakfast." Sagot ko sa kanya."Ako na ang magluluto babe. Alam ko na pagod ka pa," sabi niya sa akin."Tayo na lang pong dalawa," nakangiting sabi ko sa kanya."Okay babe," sagot niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.Naging masaya ang simula ng araw ko kasama sila. Isang pamilya kasi ulit kaming kumain. Iba ang saya ko tuwing magkakasama kamia. Larawan ng isang buong pamilya, isang masayang pamilya. Kasalukuyan kaming bumabiyahe papunta sa hospital para tignan ang resulta ng DNA test.

DMCA.com Protection Status