“Malakas na ang ulan, hindi pa bumabalik si Anastacia,” ani Kaya, ang isa sa kasamahan ni Anastacia sa silid. Tinitingnan niya sa babasaging bintana ang daanan sa mansion kung may naglalakad roon, baka sakaling si Anastacia na ‘yon pero hindi.
“Ihahatid naman siya ng isa sa mga butler kung sakali. Magpahinga ka na at kababalik mo lang,” ani Estella sa kasama. “Ginawa mo ng anak si Anastacia.”
“Nag-aalala talaga ‘ko dahil nasa edad na ‘to na siya. Lalaki rin ang Young Master,” ani Kaya nang makaupo sa gilid ng kama. Siya ang nasa gitnang bahagi ng tatlong kama. Si Anastacia ang malapit sa bintana, at sa pintuan naman si Estella na kaedaran niya.
Nang dumating si Anastacia ay twenty na siya at ito naman ay siyam. Labing-isa ang tanda niya rito. Nasa dalawampu’t pito na siya ngayon at tama si Estella, imbis na kapatid ay tinitingnan niyang parang anak si Anastacia.
“Wala kang magagawa kung magkaroon sila ng relasyon. Isa pa, kahit naman sinasabi nilang bawal ang pagkakaroon ng relasyon sa pagitan ng personal maid servant at sa isang master ay isa lamang ‘yong pangungusap. Dahil kapag nagustuhan tayo ng Master natin, puwede nila tayong tawagin at sipingan kahit ilang ulit nila gusto. Tingnan mo nga at pinapayagan lamang nila tayong mag-asawa kung tatlumpu’t lima na ang edad natin.”
Katulad naman ng madalas ang pananalita ni Estella. Nagtitiklop ‘to ng mga kasuotan nila. Silang tatlo ay may toka sa paglilinis at paglalaba.
“Alam ko naman ‘yon,” tila may pagsukong sagot ni Kaya.
“Ang problema iyong alaga natin ay nagkakagusto sa Young Master, tama ba?”
Palagi naman ‘yon ang napag-uusapan nila.
“Pinapakitaan siya ng pagpapahalaga ng Young Master. Siguro gusto siya nito ngayon, pero hindi pa rin ako mapalagay. Vampire ang Young Master, titigil ang pagtanda niya at makakakita ng iba pang mga babae lalo kapag malaki na ang lugar na ginagalawan niya.”
Tumango-tango naman si Estella sa sinabi ni Kaya dahil sumasangayon siya.
“Kaya, iyon ang dapat mong ipaliwanag kay Anastacia. Ang Young Master ay pumapasok sa mga maliliit na eskuwelahan dahil malaki siyang problema. Dahil doon limitado ang mga nakikita niyang bampira na maaaring magustuhan. Aminado rin naman akong maganda talaga si Anastacia natin. Pero ngayon na napapalapit na ang Young Master sa pagpasok sa Vampire University, malaki na ang lugar na ‘yon. Marami na siyang babaeng makikita at kung umaasa siya ng fairytale sa pagitan nila ng Young Master, tigilan niya na. Sisipingan lang siya at iiwanan din kaya ‘wag niyang masyadong gamitin ang kanyang puso.”
Napabuntong-hininga muli si Kaya.
Marami na talagang babae sa kanila ang naging babae ng kanilang Master, marami rin ang umasa sa mga babaeng ‘yon sa fairytale na buhay pero lahat ay nauwi sa wala. Ang iba ay tumanda katulad ni Marie. Ang iba naman ay ipinagpalit sa ibang alipin mula sa ibang pamilya ng mga Royal Blood ng kanilang among babae dahil sa nagbibigay ‘yon ng hindi kakomportablehan dito. Pero ang mga bampirang babae ay tanggap na nagkakaroon ng relasyon ang mga asawa nitong lalaki sa mga alipin dahil ayon nga sa mga ito ay pag-aari sila ng mga ito. Ang hindi lang mapapayagan ay ang relasyon sa kapwa bampira o sa aliping hindi naman alipin ng mga ito.
Hindi gusto ni Kaya na maranasan ni Anastacia ‘yon kay King.
Maaaring may pagtingin ngayon si King dito pero magbabago ‘yon.
Hindi naman niya gustong pigilan si Anastacia, ang gusto niya lamang ay maging masaya ‘to at magtira para sa sarili para makabangon ‘to sakaling masira ang inaasahan nitong magandang relasyon sa kanilang Young Master.
“Alam din ng mag-asawang ‘yon ang namamagitan sa anak nila at kay Anastacia. Imposibleng hindi nila alam. Alam na alam nilang hahantong sa kama ang anak nila at ang alipin nito. Isipin mo nga, bakit humanap pa sila ng batang babae na babayaran nila sa malaking halaga samantalang marami namang batang kaedad si Master King na alipin sa pamilya na nagsisilbi sa kanila? Iyon ay dahil sa hitsura ni Anastacia. Kung sakaling mabuntis si Anastacia ay inaasahan nilang may maganda kaagad ‘yong hitsura dahil ang hitsura nila ang pinakamahalaga sa kanila.”
Natigilan si Kaya. Hindi niya inaasahan na iyon ang maaaring dahilan.
“Pero tao at bampira—”
“Kaya, marami na sa kanila ang may dugong tao. Napakahirap sa mga bampirang magkaroon ng anak kaya kahit half-half pa ‘yan ay tatanggapin nila. Iyon lamang, kawawa ang batang ‘yon dahil marami siyang panghuhusgang pagdaraanan. Kaya ang ibilin mo kay Anastacia na huwag magpapabuntis sa Young Master, kawawa ang bata, at maging siya dahil hindi siya ipakikilala sa batang ‘yon.”
Siya ang palaging pinapakausap ni Estella kay Anastacia dahil simula no’ng pinagsabihan nito si Anastacia noong labing-apat ‘to ay natakot na ito kay Estella. Masyado kasing mabagsik at walang preno ang bibig ni Estella. Siya naman ay kalmado at pinapanatiling nakikinig sa mga sagot ni Anastacia.
**
Sa patio nanatili ang mag-asawang Bezarius habang nagsasalo sa blood wine na si Calixto ang nagdudulot. Wala na si Apostola dahil naroon na ang mga tagasilbi sa bahay ng mga ‘to. Sa gabi ang tagasilbi nila ay mga Butlers na o ang kanilang mga manservant.
“Sa tingin ko walang interes si King kay Nymfa. Tama ba ‘ko, Calixto?” tanong ni Rossana sa butler.
“Sa palagay ko ay wala, Mistress.” Mabilis namang sagot ni Calixto.
“Mukhang malaki ang interes niya sa kanyang maid servant. Hindi ko akalain na matatagalan din ng babaeng ‘yon si King,” muling nagsalita si Rosanna. “Kinuha ko siya dahil sa hitsura niya at pilit nang pilit ang anak natin na magkaroon siya ng servant. Inisip ko rin na kung maganda ang makukuha natin ay matutuwa siya at tama naman ako sa parteng ‘yon. At sa parte naman na baka magkaroon sila ng intimate relationship paglaki ay mukhang nagaganap na nga.” Halos umikot ang mata ni Rossana.
Natawa naman nang malakas si Ezekiel sa mga sinabi ng asawa.
“Magtatapos din ang interes niya sa kanyang maid servant lalo kapag nasa Vampire University na si King. Isa pa, nakuha naman natin ang halagang binayad natin kay Anastacia dahil naging mabuting impluwensiya siya kay King. Malaki na rin ang ipinagbago niya kahit minsan nakikipagtalo pa rin siya at nakakapanakit ng iba.”
Alam naman ni Rosanna na tama ang sinabi ng kanyang asawa. Lahat ng posibilidad bago sila kumuha ng maid servant ni King ay naisip na nila at napag-usapan. Sa loob nga ng siyam na taon ay paulit-ulit na lang ang kanilang usapan tungkol doon.
“Nagpapahinga na ba si King?” tanong ni Rossana kay Butler Calixto.
“Mistress, magkasama pa silang dalawa no’ng kumuha ako ng blood wine.”
Umangat ang kilay ni Rosanna.
“Malalim na ang gabi, bakit hindi pa bumabalik sa kuwarto niya si Anastacia?”
“Mistress, tumawag ako sa kanila pero walang sumagot. Marahil nakatulog na naman silang dalawa.” Nakangiting sagot ni Butler Calixto.
“Sa tingin ko dapat ay padalasin natin si Nymfa rito para may ibang nakakausap si King,” suhestiyon ni Rossana sa asawa.
Natawa naman ang asawa sa sinabi niya na lalong uminis kay Rossana.
“Bakit hindi mo pabayaan ang anak mo? Alipin niya ‘yon, lahat ng gusto niya puwede niyang gawin kay Anastacia. Hindi imposibleng mawili si King kay Anastacia lalo sa hitsura nito. Pero asahan mo na katulad ko ay mawawala rin ang interes niya. Sadya lang na nagsisimula pa lang ang anak mo, kapag nakatikim na ‘yan.
**
“Bakit hindi mo sinagot si Butler Calixto?” tanong ni Anastacia kay King.
“Dahil pababalikin ka niya sa silid mo kapag gano’n,” natatawang sagot ni King.
Nakaupo si Anastacia sa kama at nakasandal sa headboard habang nakaunan naman si King sa kanyang hita at kumakain ng chips. Hinahaplos ng dalaga ang buhok nito.
“Kapag nakalabas na ‘ko sa Vampire University, aalis na tayo rito.”
“Totoo ba?” hindi mapigil ni Anastacia na itanong ‘yon.
Nagtama ang mga mata nila ni King. Nasalamin marahil ni King ang alalahanin n iya.
“Paano ka mabubuhay sa lugar ng mga tao? Mapanganib do’n, maraming Vampire Hunter—”
“Hindi naman ako mabubuhay na parang kriminal do’n. Bakit nila ‘ko sasaktan kung wala naman akong sinasaktang iba?” muli ay ngumuya ‘to ng chips. “Marami ring bampira sa lugar na ‘yon, hindi sila gumagawa ng perwisyo kaya nagtatagal sila ng ‘di nalalaman na bampira sila. Gano’n ang buhay na gagawin ko ro’n.”
“Pero iyong buhay mo ro’n, magiging malayo sa buhay mo rito na lahat idinudulot sa ‘yo—”
“Kasama naman kita,” ani King na ngumiti.
Hindi mapigil ni Anastacia na mangiti. Palagi nitong pinagagaan ang kanyang loob.
“Matagal ko ng gustong mabuhay na tayo lang dalawa. Iyong walang magbabawal sa ‘tin. Gusto ko ng pamilya kasama ka dahil ikaw lang naman ang mas nakakaintindi at nakakikilala sa ‘kin.”
Nag-iinit ang mukha ni Anastacia.
“Pero tatanda ako—”
“Luma na ‘yang sinasabi mo,” natawa si King. “Sasamahan kita hanggang huli. Bakit kailangan mo ring problemahin ang malayo pang mangyari? Kung aalalahanin mo palagi ang matagal pa, hindi ka magiging masaya nang husto niyan.”
Bumangon si King at inilagay ang chips sa side table sa gilid ng kama.
Nang balikan niya si Anastacia ay ngumunguya na siya ng mint candy. Inihiga niya ‘to ng marahan sa kama sa pamamagitan ng pagtulak ng marahan sa balikat nito. Hindi naman pinahirapan ni Anastacia si King at sumunod na lamang ito.
Nang mailapat ni Anastacia ang katawan sa kama ay naramdaman niya ang bahagyang bigat ni King.
Hinalikan siya nito ng makapugtong-hininga.
Tumugon si Anastacia dahil iyon ang halik na tila nagpapawala sa kanyang katinuan.
Nang lumalim ang halik ay napaungol si Anastacia.
Pilit nilang pinipigilan ang mga sarili. Hangga’t maaari ay walang dugong mamamagitan sa kanila dahil iniiwasan nga nilang magkaroon na ng pagbabago kay King, iyon ay ang maging uhaw na ‘to sa dugo.
Marami sa kaedad ni King na matagal ng umiinom ng dugo, para ‘yong alak sa mga ito na nakatutukso. Pero iniwasan ni King ‘yon para sa kanya, dahil ayaw nitong saktan siya. Hinihintay na lang nito ang panahon na talagang hindi na nito kakayanin ang pangangailangan.
Nagkatitigan silang dalawa at unang ngumiti si King.
“Iniisip nilang makahahanap ako ng iba, hindi ba nila alam na ikaw ang pinakamaganda sa paningin ko? Lahat ng babae ay mga pangkaraniwan na lamang tuwing titingnan ko dahil napako na ang mga mata ko sa kagandahan mo.”
Kaagad namula si Anastacia. Napupuno ng kasiyahan at kiliti ang kanyang damdamin sa sinabi nito.
“Ikaw? Gusto mo lang ba ‘ko dahil ako ang master mo?” tanong ni King.
“Hindi!” mabilis na sagot ni Anastacia. “Gusto kita, mahal kita, at nagpapasalamat akong nakilala kita. Sa tuwing nakikita kita hindi ko mapigilang hindi ngumiti. Palagi kitang inaabangang dumating. Ikaw ang laman ng mga pangarap ko, maging ang pangako mo na sa lugar ng mga tao na tayo maninirahan. Lahat ng sinasabi mo, pinasasaya ako no’n, mahal.”
Natigilan si King, kasunod ang pagngiti nito nang husto.
“Narinig ko uli sa ‘yo ang tawagan natin.”
Namumula si Anastacia at nahihiya.
“Natatakot akong makasanayan dahil baka magkamali ako isang beses sa harapan ng iba.” Pinagkatitigan ni Anastacia si King. “Pero kapag nasa lugar na tayo ng mga tao at malaya na ‘kong sabihin lahat sa ‘yo, maya’t maya kitang tatawaging mahal, dahil mahal na mahal kita.” Nahihiya man ay nilakasan lang ni Anastacia ang loob na sabihin ‘yon.
"Ang cute-cute mo talaga," pinupog ng halik ni King si Anastacia sa mukha kaya natawa si Anastacia sa inakto nito.
"I love you so much, Anastacia."
Nakagat ni Anastacia ang ibabang labi. Pulang-pula na siya. Hindi pa rin niya 'to makasanayan lalo kapag ganoon na titig na titig 'to sa kanya. Bakit ba niya 'to pinaghihinalaan? Kailangan niyang magtiwala rito. Tama 'to, lumaki na silang magkasama at marami na silang ugali at pinagsamahan na masasabi nilang lamang nila sa kung paano sila nakikilala ng iba. Dito, totoong-totoo sila sa isa't isa.
Darating ang oras na aalis sila at magkakaroon ng pamilya.
Itatatak niya sa isipan 'yon at araw-araw mananalangin sa kaganapan no'n sa pagitan nilang dalawa.
“Mistress, may sulat mula sa kastilyo.” Nag-angat ng tingin kaagad si Rossana sa narinig. Abala siya sa pagbabasa ng fashion magazine no’n sa balkonahe. “May dry sealed ng kastilyo at mukhang imbitasyon.” Kung ibang sulat ‘yon ay ipababasa niya na kay Calixto, pero dahil galing ‘yon sa kastilyo na pugad ng mga Pureblood Vampire ay siya na ang nagbasa ng nilalaman no’n. “What’s that?” tanong ni Ezekiel sa asawa nang makaupo na sa harapan nito. Kaagad naman na nagsalin ng tsaa sa tasa nito si Calixto. “Invitation, pero hindi para sa ‘tin. Para kay King,” nakangiting sabi ni Rossana. Tiningnan ni Rossana si Calixto, “Ipatawag mo si Elena, sabihin mo na gagawa siya ng kasuotan.” Kaagad namang tumungo at nagpaalam si Calixto. “Para kay King?” tanong ni Ezekiel. “Sa tingin ko ay imbitasyon ‘to sa mga Royal Blood, tumitingin na sila ng mga gusto nilang Royal Knight o ipapasok sa kanilang pamilya. Magandang oportunidad
Bumalik sa alaala ni Anastacia ang nakaraan nila ni King, isa sa unang araw niya sa tabi nito. Sa aklatan ay naroon sila at panay ang kain nito ng cookies kesa gumawa ng takdang-aralin nito. “Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya. Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya. “Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.” “Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to. “I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito. “Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas. Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya. “Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na
“Pasensiya na, mada’am.” Napabuntong-hininga si Calixto dahil iyon na yata ang ikasampung tawag mula sa Royal Blood family. “Is she mad?” tanong ni Rossana kay Calixto. Naroon siya sa couch pero ipinasabi niya kay Calixto na wala siya roon. “Mada’am, disappointed ang boses nila.” Namasahe ni Rosanna ang ulo. Ang imbitado lamang pala sa party ay mga lalaking Royal blood. Kaya makapapasok lamang ang mga Royal blood na babae kung kapareha ito ng lalaking imbitado. “Gusto nilang malaman kung sino ang magiging kapareha ng Young Master,” dagdag ni Calixto. Wala itong isinagot na kapareha. “Ezekiel and I talked about this.” Inikot ni Rosanna ang kopita ng bloodwine. “Kung lalaki lamang ang naimbitahan, it means malaki ang possibility na may Pureblood Princess ang hinahanapan nila ng kapareha. At ayokong magkaroon ng complication, rather than choosing a Royal Blood, mas gusto ko si King sa isang Pureblood Vampire princess.” “Mi
Nabigla si Anastacia sa pagdiin sa kanya ni King sa kama. Hindi ‘to kailanman naging ganoon kaagresibo. “Young Master,” hinawakan niya ang mukha nito. Hindi man gusto ni Anastacia na matakot ay pinanginginigan siya at pinanlalamigan ng palad. Ang mga mata nitong pula ay naging mas matingkad, matapang, at kahit ang pangil nito’y kitang-kita niya ngayon ang katulisan. May paghingal ‘to, tila nagpipigil ng kung ano. “Young Master, ako ‘to, si A-Anastacia.” Hindi niya alam pero parang ‘di siya nito nakikilala. Napapaso si Anastacia sa init na inilalabas ng katawan nito. Tila ‘to lalagnatin samantalang hindi naman ‘to nagkakasakit kahit kailan. Hinalikan siya nito sa labi, halos dumugo ang labi ni Anastacia dahil pero nadadala siya ng sensuwal na halik nito lalo na ang paglilikot ng dila nito sa loob ng kanyang bibig. Ibang-iba ‘yon sa halik na kanilang pinagsasaluhan. Pero kusa ‘tong tumigil at tumungo sa kanyang balikat. Mabilis a
Nagimbal si King nang makita niyang nanghihina si Anastacia. Mula sa sahig kung saan huling may naganap sa kanila ay binuhat niya ‘to. Para siyang nabuhusan ng tubig bigla. Nanlalamig ang buo niyang katawan. Nanginginig maging ang kanyang palad na nang mailapag ‘to.Napakarami nitong natamong kagat mula sa kanya. At kung iisipin niyang mabuti, kahit may pagkakataong tumigil siya, kumalma, ay babalik din siya kaagad sa ‘di mapigilang pagnanasa sa dugo’t katawan nito. Paniguradong nasaktan niya ‘to nang husto.“Anastacia?”Abot-abot ang takot na nararamdaman ni King.Kahit nanghihina at bumabagsak na ang talukap ng mata, ngumiti si Anastacia at inabot ang mukha nito.“Maayos lang ako, Young Master. K-kailangan ko lang m-magpahinga.”“Sigurado ka ba?” puno ‘to nang pag-aalala. “Kailangan mo ng doctor—““Tumabi ka na lang muna
Chapter 12 Nagising si Anastacia na masakit pa rin ang bawat sulok ng kanyang katawan. “Mabuti naman at nagising ka na.” Boses ‘yon ni Kaya, kahit nanlalabo ‘to sa kanyang paningin saglit ay kilalang-kilala naman niya ‘to. “Kaya,” nangiti siya. Nag-aalala siya nang husto rito dahil bigla ‘tong hindi bumalik sa kanilang silid. Ang sabi lamang sa kanya ay may ipinagagawa rito ang Master Ezekiel nila. “Paano pala ‘ko nakarating dito?” Nabigla si Anastacia at napabangon. Napaigik siya sa sakit ng kanyang likuran. Nagtaka rin siya sa basang bimpo na bumagsak mula sa kanyang noo. “Huwag ka munang kumilos baka mabinat ka. Isang linggo ka ng walang malay.” Nag-aalala si Kaya dahil sa biglaan niyang pagkilos. “M-may nangyari sa ‘min ng Young Master?” Pagkokompirma ni Anastacia. Tumango si Kaya. “Hindi naman ‘yon nakapagtataka dahil palagi kayong magkasama. Ikaw ang kasama niya nang mag f
Hindi alam ni Anastacia kung ano ang magiging reaksiyon. Naroon ang kaba pero hindi niya gustong iatras ang mga binti. Nag-iinit ang kanyang mga mata dahil alam niyang naghihirap rin si King sa nararamdaman nito. At hindi ‘yon matapos-tapos dahil, marahil, iniisip nito siya. Tumayo ‘to sa kinatatayuan. Pulang-pula ang mga mata nito. Nakita niya kung paano ‘to lumunok. Marahan ang mga lakad nito, kung hindi lamang siya nakatingin dito ay hindi niya maririnig o malalaman man lamang na may presensiyang iba sa kanyang paligid. “Young Master. Nakikilala mo pa ba ‘ko?” tanong niya. Hindi ‘to kumibo. Mas mukhang hindi siya nito nakikilala at pagkain ang tingin nito sa kanya. Uhaw rin ‘to sa dugo, isa sa dahilan bakit ‘to lalong nagiging frustrated. Napalunok si Anastacia nang ilahad nito ang palad sa kanya. Hindi niya nakikita ang rekognisyon nito sa kanya kaya nag-aalala si Anastacia sa maaaring ikilos nito. Iba ang kulay ng
Nakangiti si Vince Villadiego habang inaabot ang kanyang sertipiko. Siya ang pinakabatang Vampire Hunter na nakapasok sa ‘Carolus Rex’. Labing-walong taong gulang pa lamang siya.Ang Carolus Rex ay iisa lamang sa mga samahan ng mga Vampire Hunter. Pero ito ang kinokonsidera ng gobyerno na pinakamapagkakatiwalaan. Isa pa, hindi lahat ng samahan ng mga Vampire Hunter ay para sa kabutihan ng sangkatauhan ang layunin, ang iba ay para lamang ibenta ang mga bampirang nahuhuli sa mga scientist o samahan na nag-aaral sa mga ‘to para sa mga nililikhang sandata laban sa mga ‘to.Nagpalakpakan ang nasa isangdaang bilang ng mga Vampire Hunter nang humarap siya sa mga ‘to. Tumungo siya.“Maraming salamat! Gagawin ko ang lahat para maubos ang mga bampira!”Lalong naghiyawan ang mga ‘to at nagpalakpakan.Nang makababa siya ay sinalubong siya kaagad ng mga Vampire Hunter na makakasama niya na. Isa siya sa sampung bag
Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na
KingGumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.Marami akong natutunan sa Zone 66.Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.Nalaman din ni Kairus, ang purebl
Ilang linggo ring walang malay si King.Sa nakalipas na dalawang linggo ay naoperahan na rin ang tatlo nitong kapatid at ngayon ay nagpapahinga.Nagkaroon ng komplikasyon kay Dark pero kaagad din ‘yong naiayos dahil ang mismong humawak sa operasyon ay ang Emperador. Sabi ni Magareth kay Anastacia ay gusto talaga ‘yong tutukan ng Emperador.Si King, hindi pa ‘to sumasailalim sa operasyon dahil kailangan pa nitong magpalakas pagkagising.“Lumabas na ‘yong resulta ng dugo niya,” sabi ng doctor na babae.Iyon ang hinihintay nila.“Marami kaming pagsusuring ginawa pero wala kaming makitang lason sa katawan niya. Mukhang ang katawan niya talaga ay immune sa lason,” sabi nito.Nakahinga naman nang maluwag si Anastacia.“Marami lang siyang nakuhang pinsala at dahil nagpapahinga naman siya ay nakaka-recover siya. Mayroong din namang unique capability ang mga bampira for self-healing.
“Sa lahat ng pagkakataon, nakikilala mo ‘ko hindi ba?” tanong ni Anastacia.Naalala na ‘to ni King, hanggang noong mga bata sila hanggang ngayon. Malinaw na sa kanya ang lahat. Kahit paulit-ulit niya ‘tong nasasaktan, nabibigo, at hindi maaalala, hindi ‘to bumitiw sa kanya kahit minsan.”Hinawakan niya ang mukha ni Anastacia kaya nagulat ‘to.“Anastacia—“ bulong ni King.Nagulat si Anastacia at napangiti kasabay ng kanyang mga luha.Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.“I love you.”Bumigay ang katawan nito at bumagsak. Kaagad ‘tong nasalo ni Anastacia.“King!” napasigaw si Rosanna.“Dalhin na kaagad natin siya sa mediko,” sabi ni Neo.“Sasama ako, puwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Anastacia sa mag-asawa.“Paniguradong hahanapin ka rin niya kung wala ka,”
Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.“B-bakit?” tanong ni Anastacia.Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r
“Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos &
“Young Master!” Pilit na pinipigilan ni Anastacia ‘to pero nakikipaglaban lang ‘to at halos lahat ay sinasaktan nito.Nagwawala na ‘to nang husto. Maging si Don Felipe na sinubukan ‘tong labanan ay napatalsik nito. Masyado ‘tong malakas na ‘di halos mapaniwalaan ni Anastacia.“Bitiwan mo siya! Huwag mo siyang hawakan!” sigaw nito.Mukhang ang nakikita ni King ay iba na sa nagaganap.Nagbagsakan ang mga luha ni Anastacia. Hindi na ‘to nakakakilala. Nagwawala ‘to at naglalabas ng mga magic circle, sinisira nito lahat habang muntikan na nitong mapaslang. Iniiwasan nila ‘to, kahit ano ring tawag niya ay hindi na siya nito naririnig. Nahila na rin siya ni Rosanna sa braso para ‘di na magpatuloy sa paglapit dito.“Anong nangyayari? Hanggang kailan siya magiging ganyan?!” umiiyak na tanong ni Anastacia.Hindi nakasagot ang mag-asawa. Lumuluha rin ang ina
“Nakita na namin siya!”Tila nagliwanag ang paligid ni Anastacia nang marinig ‘yon.“Palabas na kami, iuuwi namin kaagad siya,” anito.Hindi siya tumutol. “Mag-iingat kayo, kumusta po siya?”“Malala, sobrang lala, hindi ko alam kung aabot kami!” umiiyak ito.Parang nilamutak ang pakiramdam ni Anastacia sa kanyang puso.Nang makitang abala ang dalawa sa pagpana sa mga pumapana sakanila ay kaagad siyang humanap ng daanan pababa.Nakita niya na sa kalilingon ang mga barko nito. Gusto niyang mahawakan si King.Tumakbo siya dala ang pana at palaso.Iniiwasan niyang makipaglaban kaya hangga’t kaya niyang magtago sa mga puno at gilid-gilid ay ginagawa niya.Nagmamadali siya dahil baka maiwanan siya ng barko.Ipipilit niyang sumama sa mga ito.“Young Master…” Bagsakan nang bagsakan ang mga luha niya. Hindi niya
Madilim sa Dark Island, walang liwanag kahit galing sila sa liwanag. Marami na silang pagsabog na naririnig, marami na ring barko—malaki ang dark island pero mayroong specific place kung nasaan ang hinahanap nila. Nagulantang si Anastacia dahil patuloy ang mga pagsabog, mayroon na ring pagliliyab. Tumutunog din ang mga emergency alarm nang buong lugar.Nang huminto ang barko ay kaagad nang inatasan ni Neo ang sampung Knights, dalawa ang naiwanan sa kanya.“Huwag kang bababa, mapanganib,” bilin nito bago ‘to bumaba.Kabadong-kabado si Anastacia, malayo sa pinangyayarihan pa rin ng laban kung saan sila huminto. Nakakarinig lang siya ng mga pagsabog, tunog ng mga sandata, alarm. Marami ring umuulan na palaso pero hindi sila tinatamaan no’n kahit pa inaabot sila dahil sa shield barrier na ginawa ng isa niyang kasama sa barko.“Anastacia, Anastacia,” boses ‘yon sa ‘king isipan.Hi