"Enlighten me, Selene. Alam kong nagpapanggap ka! Anong kasalanan ko sa 'yo at pinagmumukha mo akong masama kay Primo?"
Humakbang ito palapit sa akin. Nanatili lang ako sa kinatatayuan at hindi siya aatrasan.Hindi nakangiti si Selene pero iba ang sinasabi ng mga mata niya. "Kasalanan, Claret? Ano sa tingin mo ang kasalanan mo sa 'kin?"Tinutukoy niya ba na mas una niyang nakilala si Primo kaysa sa akin? Na dapat siya ang nasa lugar ko ngayon at kasal na sila ni Primo? Dapat niya bang isisi sa akin iyon?"Sa pagkakaalam ko, Selene, wala. Kung ano mang naging desisyon ninyo ni Primo noong binata pa siya, labas ako roon. Kung tutuusin ikaw ang may kasalanan sa akin ngayon, Selene," pagdidiin ko sa huling sinabi.Palagi nalang talaga ako nitong sinusubukang baliktarin. Alam kong ginagamit nito ang "ka-inosente" para magmukhang biktima. Magaling itong gumamit ng mga salita."Hindi ko kasalanang nagmahal ako, Claret. You know Primo nLumaki akong walang memorya ng pagkabata ko. Lahat ng memorya ko ay nagsimula noong 8 years old ako. Lumaki akong alam ko na ang nagpapalaki sa akin ay "step-father" ko. Wala akong ni isang alaala ng nanay ko. All I remember was I'm already old enough to be in school.Dati ko ng sinubukan na alamin ang nakaraan ko mula sa naging tatay ko pero bigo akong makakuha ng ano mang kuwento tungkol sa pagkabata ko at kung anong nangyari sa nanay ko.Matagal akong nangulila sa pangangalaga ng isang nanay. Lumaki akong mulat na sa realidad ng mundo. Pero hinahanap-hanap ko pa rin ang pagkakaroon ng isang nanay.Kahit ang pangalan ng nanay ko sa birth certificate ay para bang naglaho at hindi kailanman nag-exist. Sumuko na ako na hanapin pa ang tunay ko na mga magulang.Kaya ngayon hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari sa akin nang makita ko ang mama ni Selene. Para bang tinamaan ako ng bomba. Hindi makagalaw. Hindi ko alam kung saan nanggagaling an
"No, Mom. She's long dead!" Ngayon ko lang nakita ang pagkamuhi sa mukha ni Selene. Kita ko ang bakat ng ugat nito sa leeg niya sanhi ng pagsigaw nito."Anak, matagal mo na ba itong alam?" Nakita ko ang pagka-insulto ni Selene sa sinabi ng nanay nito."Mommy, I never thought of that. Hindi ko inakalang kapatid ko siya kahit magkamukha kami! There's no way!" Hindi nagtagal ang tingin niya sa akin."Speak up, Claret! Tell us you're not my sister! This is unbelievable! Mommy, how can you be so sure?" Nagsusumamo ang tingin ni Selene sa nanay nito.Lumapit si Primo kay Selene at pinakalma ito. Nag-iwas nalang ako ng tingin sa dalawa. Mga wala talaga silang hiya sa katawan nila."Anak, I know it might be hard to accept it. Hindi mo ba rin talaga maalala ang nangyari noon?" tanong ng ginang kay Selene na kumapit kay Primo."No... Mommy. Paano ko pa po maalala iyon? It traumatized me." Yumapos si Selene kay Primo at tinago ang mukha sa
Omniscient POVPrimo's Room Nakauwi na si Selene at ang nanay nito. Hindi sumama si Claret sa mga ito. Alam ni Primo na hindi ito sasama sa pagkat hindi pa sigurado ang kaniyang asawa sa mga nangyari kanina.Selene never talked to him about her sibling. Alam ni Primo na sore topic iyon para sa babae dahil that's what he knew too.... Na patay na ang nakatatandang kapatid nito. But then that happened.Hindi makapaniwala si Primo sa katotohanang maaring kapatid nga ni Selene si Claret. Given the fact that the two look like twins. Hindi niya maitatanggi ang pisikal na pagkakatulad ng dalawa. A shock to his system too.But why only now? Of all time? It makes sense but it also doesn't make sense in a way I think about it. Primo thought. Bumaling ang tingin ng lalake sa drawer ng nightstand. Bigla niyang naalala na pinaiimbestigahan niya noon si Claret. Ngunit wala siyang nakuhang impormasyon na may kapatid pa ito at may pamilya pa pa
Claret's Hindi ako nakatulog ng maayos matapos malaman na magkapatid kami ni Selene. Kahit ang pag-iyak ay napagod na ako. Wala ng luha pa akong nailabas. Hindi ko kayang tanggapin ang katotohanang iyon. Kami ni Selene? Magkapatid? Anong klaseng kalokohan 'to? Ang lahat ng mga alaalang nakalimutan ko ay paulit-ulit na ngayon na bumabalik sa isipan ko. Ang biglang pag-iwan sa akin ng mama namin. Ang pag-iwan nila sa akin... Ang paglitaw ng naging bagong asawa ni mama na hindi ako gustong kunin dahil sakitin ako noon. The memories just started pouring in but I feel like something is still missing. May sagot na sa mga tanong ko patungkol sa pagkabata ko pero bakit may iba pa akong alala na hindi ko alam kung ano pero gusto kong maalala.... Hindi ko na pinilit pa dahil nagsisimulang kumirot ang ulo ko kapag pinipilit kong alalahanin kung anong memorya ang hindi ko pa maalala.
Third Person's POVKita sa mukha ng ginang na si Aileen D'Andrea ang pagka aligaga nito habang hinihintay si Claret, ang anak niyang matagal ng nawalay sa kaniya. Maayos ang postura nito at nakasuot ng bestida na abot paa nito. Panay ang tingin sa pinto at hinintay na magbukas iyon at pumasok si Claret. Kita ang mumunting butil ng pawis sa magandang mukha nito, halatang kinakabahan.Sa tabi niya naman ang kaniyang asawa, si Ricardo D'Andrea. Kalmado lang ito habang sumisimsim sa kape na hawak. Hindi na nito pinuna ang asawa na hindi mapakali sa kinauupuan nito.Mabilis pa sa alas kwatro ang pagtayo ng ginang nang sa wakas ay nagbukas ang pinto at si Claret ang nakita niyang pumasok. Awtomatikong nangilid ang luha ng ginang.Tikom lang ang bibig ni Claret habang pinagmamasdan ang nanay ni Selene... Ang nanay niya. Hindi mapigilang mapakunot ang noo ni Claret nang makita sa tabi ng ginang ang isang malaking lalake na hula niya ay
Third Person's POVNapangiti si Selene habang nakamasid kay Primo na nakikinig sa doctor niya. Hindi napansin ng lalaki na sa kaniya na nakatuon ang atensiyon ng babae. Sobrang mangha pa rin ang babae dahil kahit sobrang seryoso at focus ng lalaki ay mas gumwapo ito. Harap-harapan niyang hinahangaan ang lalaki.Napatingin si Selene sa hita niya dahil naramdaman niya roon ang palad ni Primo at pumisil. Ramdam ng lalaki ang titig ng babae kaya kinuha nito ang atensiyon ng babae para magpatuloy na makinig sa doctor.Ipinatong ni Selene ang palad sa palad ni Primo na nasa hita niya at bumaling sa doctor. Nodding at every advices that she doesn't need anyway.As long as she has Primo, she's in her happiest mood. Sa kaniya lang si Primo.Galing sila sa opisina ng lalaki sa hotel kaso lumakad sila rito sa doctor ni Selene dahil sa check up nito dahil sa 'sakit' niya. Kailangan kasi ng update at kung Malaki ang ngiti ni Selene. Ngiting
Third Person's POV Pagkatapos maihatid ni Primo si Selene sa bahay nito ay agaran na rin siyang umuwi.He couldn't wait anymore. Ayaw naman niyang sa public i-open ang file. He wanted to open the file in a safe space. Kahit nga ang pagbalik sa hotel nila ay 'di na niya ginawa.Ilang beses ngang tumawag sa kaniya ang secretary niya sa office dahil may meeting pa pala sana siyang dapat attend-nan kaso ki-cancel niya na muna iyon. Nonchalant nalang siya kahit na mukhang ang secretary na naman niya ang papasa sa mga iniwan niyang tao sa meeting.Pagkarating niya ng bahay nila ay tumunog ang cellphone niya. He took it out and look at the message. Nakita niya ang panibagong mensahe ni Selene. Binasa niya iyon."Mom and dad are already here. I wonder if the talk went well. See you soon. Will you get mad kung kakain ako ng ramen? XD"Napailing si Primo sa kapilyahan ng dalaga. Hindi niya alam kung saan kumukuha ng lakas si Selene para k
Claret's POVAlam ko namang hindi magiging maayos ang usapan namin ng "mama" ko at ng asawa nito, hindi ko lang inaasahan na gano'n ang magiging takbo ng usapan.Sinabi ko sa sarili ko na huwag ako mag-expect ng kung ano sa kanila pero hindi ko pa rin mapigilang ma-disappoint. Walang din naman pala silang pinagkaiba... Sinulsulan din pala nila akong hiwalayan si Primo at ipaubaya ito kay Selene... Sa kapatid ko pala.Sa kapatid ko.Nakakatawa. Ang mama ko na matagal ko ng hiniling na makita ay magiging ganito pala. Sana hindi ko nalang naalala ang lahat, sakit lang pala ang maibibigay noon sa puso ko.Sa huli, hindi rin naman pala nila ako tutulungan. Sabagay, kakampihan talaga nila ang anak nila. Sino ba naman akong "hinanap" ng nanay ko. Matagal ng nawalay sa kanila. Hindi nila alam kung anong klaseng tao na ako ngayon, parehas ng pagkakakilala ko sa kanila. Ako ba? Hindi ba tatay ko rin si Ricardo D'Andrea