Puyat man nang nagdaang gabi, maagang nagising si Sophie kinabukasan. She planned to jog around the subdivision in the hopes that it would give sometime to clear her head. Sinipat niya ang smartwatch niya bago tumingala. Pasado alas-singko pa lang ng madaling-araw at madilim pa ang langit. Mas gusto niya iyong madilim pa upang wala masyadong makapansin sa kanya.
Sandali siyang nag-stretching bago tuluyang binuksan ang gate. Papatakbo na sana siya nang umingit din pabukas ang gate ng mga Mendoza sa tapat. Maya-maya pa, lumabas sa single-entry gate ang bulto ni Rob. Nagulat pa ito nang makita siya.
"Magjo-jogging ka rin?" anito.
Inirapan niya ito bago nagpatiunang tumakbo.
"Hey, wait up!" anito, hinabol siya. Maya-maya pa, magkapanabay na silang tumatakbo.
Wala silang imikan hanggang marating nila ang park ng subdivision. Hindi naman sa hindi niya ito gustong kausapin. Hindi lang niya alam kung paano ito sisimulang kausapin. Their dinner date last night was a disaster, at least for her. She loathed every bit of it. Lalo pa nang bago sila maghiwa-hiwalay silang tatlo ay nag-insinuate si Rachel na matutulog si Rob sa condo nito. At ni hindi tumutol si Rob sa ideyang 'yon. Mukhang excited pa nga 'ata ang salot na maka-score sa malditang girlfriend nito e dahil mas naunang umalis ang mga ito sa parking lot kaysa sa kanya. Kaya nga nagtataka siya na kasama niya itong nagjo-jogging ngayon.
Ano kayang oras itong umuwi? lihim na tanong ng isip niya.
Napairap siya. Malay niya at pakialam niya! Magsama ang mga ito sa pugad ng lampungan till Kingdom come for all she cares!
Nalukot na ang mukha niya. Binilisan niya ang pagtakbo. Humabol ulit si Rob. Nakailang ikot din sila sa park bago siya nahahapong nahiga sa garden na puno ng garden grass. Humihingal siyang napatitig sa langit. Nag-aagaw na ang iba't-ibang kulay doon—parang bumabati ng isang magandang araw. She smiled. Mornings will always be her favorite.
Naramdaman niya ang pagtabi ni Rob sa kanya. Tahimik din nitong pinagmasdan ang langit habang hinahabol ang hininga.
"What do you think of her?" ani Rob maya-maya, ang mga mata nasa langit pa rin.
"Who?"
"Rachel."
She rolled her eyes. Rachel na naman! Pinadaan niya muna ang ulap na hugis-puso bago bumuntong-hininga.
"At kalian pa naging importante ang opinyon ko pagdating sa mga girlfriends mo? Kahit naman anong sabihin ko, maganda man o pangit, you'll still end up dumping them after three months." She tried to sound formal.
"Iba 'to Sophie. I've been dating her for almost five months now. Record breaking 'yon." Mabilis siyang sumulyap dito. Nakangiti ito habang ang tingin nasa langit pa rin. Happy. Rob is a picture of a man who is happy. "Sa tingin mo, does it mean something?"
Sandali niya itong pinakatitigan. Kumabog ulit ang dibdib niya ngunit hindi niya pinahalata ang pagkagulat sa nalaman.
Five months. Limang buwan na itong magkarelasyon at si Rachel nang hindi man lang niya alam! Kung sabagay, she'd been really busy for the past nine months. Madalang na rin sila nitong mag-usap noong nasa Paris siya kaya hindi siya updated sa lovelife nito.
Sandali siyang nag-isip kung sasabihin niya rito ang totoo na maldita ang girlfriend nitong isinawsaw sa glutathione o hindi.
But seeing him now, with a genuine smile on his face, can she really ruin this moment for her... friend? She decided to lie.
Kumurap-kurap siya at tumikhim. "Then maybe she's the one for you," she said, as if unaffected. Muli niyang ibinalik sa langit ang tingin.
"You think so?"
Napalunok siya. "O-of course! W-why not?" She cursed herself for stammering ang lying kahit na naghuhumiyaw na sa pagtutol ang puso niya sa sinasabi. Ano ba kasing nangyayari sa kanya? Hindi na siya nag-iisip ng tama.
"Alam mo, tama ka. Si Rachel 'yong tipo ng babaeng puwedeng iharap sa simbahan. I hope you two could spend more time together. She really is a great woman," anito.
Lihim siyang nasamid sa sinabi nito. Gusto niyang magmaktol! It's either, adik na adik sa amoy ng glutathione at rebond si Rob o kaya naman talagang may sapak na ito kaya nito nasasabi ang mga nasasabi nito sa kanya ngayon. Wife material ba 'yon? Baka nga hinid pa ito naranasang maglaba maski panty nito sa haba ng fake nails nito e. Jusko! Another meeting with Rachel would be purely hell!
And given a choice, mas pipiliin niyang mag-hara kiri na lang kaysa makipaglapit pa rito.Galawang bitter ka! Binata si Rob, kaya karapatan niyang maghanap ng girlfriend and eventually ng puwede niyang maging asawa, pangangaral ng lohika niya.
Asawa? May bumangon na matinding lungkot sa dibdib niya. Eventually talagang mag-aasawa si Rob at natitiyak niyang hindi siya 'yon! Period!
Awtomatiko ang pagbigat ng dibdib niya sa naisip. Maya-maya pa, naagaw na ang isip niya nang tuluyang pagtama ng araw sa puwesto nila.
"Goodmorning, Sophie," masuyong bati nito bago nakangiting bumaling sa kanya. Bumaling din siya rito. His greeting and gaze warmed her heart. He's looking at her like she's his most favorite person in the world. She smiled and silently wished for Rob to always look at her the way he is looking at her right now.
Her heart went into overdrive at the thought.
Maya-maya pa, tumayo na ito at nagpagpag ng damit. Inilahad nito ang kamay sa kanya at tinulungan siya sa pagbangon. Nang tuluyan siyang makatayo, bigla siya nitong akbayan. Agad siyang nataranta, lalong bumilis ang pagtambol ng dibdib niya.
"Breakfast tayo kina Aling Panyang," aya nito.
Hindi siya agad nakasagot. Rob was so close and the unfamiliar feeling is drowning her. She's on the verge of a panic!
"Ano, okay lang sa 'yo?" untag nito sa kanya nang hindi siya sumagot. Niyuko pa siya at pinakatitigan.
She took every ounce of composure she had left and tried to wriggle free herself. "S-sure," nauutal niyang sagot.
"Race to your house then. Loser pays." He gave her a heart-stopping smile before running ahead of her.
Naiwan siya sa park na taranta, kabado at naguguluhan habang pinagmamasdan ang papalayong bulto ni Rob. Mukhang sigurado na kasi siya sa nararamdaman niya. No, she did not got over the silly crush he had on him. It grew with her. And she knew right there and then, she's in deep trouble.
-----
"Boss, bakit ngayon ka lang?" bati ni Devin ang Vice President ng RMM Builders. Boys night out nila ngayon kasama ang mga top executives ng kamyamg kumpanya. It's a tradition they do everytime na nakakapag-close sila ng bagong project. Hinatid muna niya si Rachel sa condo nito matapos ang date nila bago siya tumuloy sa sikat na bar na iyon sa The Fort kaya late siya.
"Ulirang boyfriend na kasi ngayon si Boss Rob," kantiyaw ni Sonny, isa ito sa mga baguhang project engineers niya.
"Kung ako man ang magkaroon ng girlfriend na tulad ni Rachel Espinosa, magpapaka-good boy na talaga ako, 'no Boss?" pang-aasar ni Grey, ang head naman ng sales.
Ngumisi siya bago kumuha ng bote ng beer mula sa bucket. Tipikal na sa kanila ang magkantiyawan kapag nasa labas sila ng opisina. "Bakit, dati naman na akong good boy a?"
"Oo. Good boy 'pag tulog kamo!" hirit pa ni Devin na siyang pinakamatagal niyang kakilala sa lahat.
Nagtawanan na naman ang lahat. Ang iba humirit ulit ng kantiyaw. Naiiling siyang lumagok ng beer.
Good boy naman talaga siya kasi, at least for him. Kahit marami na siya kasing naging girlfriends, never niyang pinagsabay-sabay ang mga ito. He is faithful as long as the flirting lasts, but he never commits. Or should he say he still hadn't found the woman to whom he would commit the entirety of his remaining days on earth with.
Muli niyang dinala ang bote ng beer sa kanyang bibig. Naalala niya si Rachel. Rachel is different among all the girls he had relationships with. Kung ang iba ay sobrang selosa, ito naman ay chill lang. Hindi nito alintana ang mga umaaligid sa kanyang ibang babae. Maalaga din ito at thoughtful. Bagay na hindi niya masyadong naranasan sa mga magulang dahil kapwa abala ang mga ito sa sa trabaho habang lumalaki siya. Kung may paghahambingan man siya kay Rachel, marahil ito na si Sophie-- the sister he never had.
Napakunot-noo siya nang maalala ang kababata. He fished his cellphone from his pocket. Himala. Buong araw siyang hindi binulabog ni Sophia Ysabelle. Hindi kagaya ng nagdaang mga araw na nagfa-flood message pa ito just to drive him nuts!
Now he wonders, what she is up to again.
Mamaya, kapag may oras pa siya, tatawagan na lang niya ito o kaya aayain niya ulit ng agahan gaya kahapon.
Nang dumaan ang waiter, um-order ulit si Devin ng dalawang buckets ng beer at tatlong order pa ng pulutan.
It's gonna be a long night, he thought.
"Maarte, kerengkeng, at parang tuko kung makakapit sa braso ni Rob. Basta! Isa siyang malditang ibinabad sa glutathione!" ani Sophie habang sinisipat ang sarili sa harap ng salamin. Naroon sila ni Raine sa powder room ng isang sikat na bar sa Taguig.Actually, kumpromiso lang ang pagpunta niya roon dahil kaibigan niya ang may-ari ng bar si Candace. Kaibigan nila ito ni Raine noong college at nakapag-asawa ng businessman na may-ari ng chain of restaurants and bar sa Metro Manila. Baka kasi magtampo ito kapag nalaman nitong hindi man lang siya bumisita sa bagong branch ng sikat na bar nito."A, socialite bitch?" kaswal na bulong ni Raine habang nagre-retouch ng lipstick nito sa tabi niya.Napasinghap siya. "I did not call her that!"
Kanina pa panay ang tunog ng cellphone ni Sophie. Kanina pa rin siya mulat at nakatitig lamang sa kisame ng kanyang kuwarto. Pero ayaw niyang bumangon o sagutin man lamang ang telepono. Ang gusto niya ay lamunin siya ng malambot niyang kama at manatili sa loob niyon hanggang humupa na ang intriga na si Rob mismo ang may kagagawan.Tatlong araw. Tatlong araw na silang hindi nag-uusap nito. At tatlong araw na rin silang laman ng mga balita, social media, broadsheets maging tabloids.The world is crazy over her and Rob. Bakit naman hindi? Isang mayamang playboy bachelor lang pala ang katapat niya. Ang image niya ngayon sa mundo, sa dinami-rami ng nanligaw sa kanya-- prinsipe, anak ng presidente, business tycoon, at Hollywood actor, sa bestfriend lang pala niya ang bagsak niya. Sa bestfriend niyang playboy na mayroong girlfrie
"So, hindi talaga kayo?" lukot ang mukhang tanong ni Raine kay Sophie. Biyernes ng gabi at binisita niya ang kaibigan sa condo nito. It's the first time she went out of the house since thenewsabout her and Rob came out."Hindi. Pero nag-offer siya na maging fake boyfriend ko," kaswal niyang sagot habang chini-check ang mga prutas sa fruit basket na nakapatong sa kitchen island.Namaywang si Raine, binitawan ang spatula na hawak nito na pinampapatag nito sa batter ng cake na binuhos nito sa pan. "Tinanggihan mo talaga? Sana kinonsulta mo muna ako bago ka tumanggi."Nalukot ang mukha niya. "E bakit?""Anong bakit? Sa ating dalawa, ako na ang nagka-boyfriend. Kumbaga, I know love better than you, Sophia. Kaya dapat n
"Beautiful! We're almost done! Three more shots,"anang photographer kay Sophie. She continued to pose, this time she seductively bit her lower lip and raise her arm on top of her head and glanced sideways for a candid shot. Kumislap ang mga ilaw na nakapalibot sa kanya.Maya-maya pa, "That's a wrap! We got it!" sigaw ng baklang producer ng photoshoot na si Tim. Nagta-trabaho ito sa isang sikat na local fashion magazine at isa sa mga naunang nakilala niya sa industriya. Kaya naman nang ayain siya nito for a photoshoot, hindi niya mahindian.Agad na lumapit ang isang production assistant at binigyan siya ng robe. Kanina pa siya nanginginig sa lamig ng aircon sa studio, why she's just wearing a red two-piece bikini! Nang maisuot niya ang robe, agad niyang sinilip ang monitor kung saan naroon ang mga
"Bakit ka ba nagkasit?" tanong ni Raine sa kanya habang ipinagbabalat siya ng ponkan. Lukot ang mukha nito, nananantiya rin ang tingin.Napasandal siya sa headrest ng kama at bumaling sa bintana. Tatlong araw siyang nilagnat. Sa sobrang nerbiyos ni Yaya Isay, isinugod siya nito sa ospital nang madaling-araw. Ang unang akala nila ay may dengue siya buti na lamang at nag-negative siya sa dengue test. She had acute bronchitis. Napabayaan niya kasi ang ubo niya. Paano, sa nakalipas na linggo, nag-trabaho siya nang husto. Kahit nga 'yong mga TV guestings na hinihindian niya noon, tinanggap na rin niya. Ayaw niya kasing maburo sa bahay nila.Working is better than staying at home and think about Rob, that was her reason. Kaya lang, nasobrahan siya 'ata sa kaka-trabaho, kaya heto siya ngayon, may sakit.
Hindi mapakali si Sophie habang naka-upo sa shotgun seat ng pick-up ni Rob. It's been almost a week since they've last seen each other. Ni wala nga ito noong na-discharge siya sa ospital e. Gusto niyang magtampo, kaya lang ideya naman niya 'yon. Ideya niya na layuan nila ang isa't-isa kahit na mahirap para sa kanya.Aside from the fact that Rob is torn between her and Rachel, she thought that if she won't see Rob, she could teach herself to forget about what she felt for him. Also, distancing from him would shield herself from more heartaches. Well, that's what she thought. Mahirap pala. She'd missed him everyday and resisting not to text him was a struggle.Rob is a habit she can't shake off. And she's not sure if she'll ever do so in the future.Akala nga niya hindi na ito magp
"Okay ka lang?" tanong ni Raine kay Sophie. Hindi siya sumagot. Bagkus ay lalo niyang ibinuro ang bigat niya sa passenger's seat ng sasakyan ni Raine at pinagbutihan ang pagtanaw ng mga kaganapan sa loob ng isang mamahaling restaurant. Sa mga oras na iyon, tiyak na naganap na ang proposal ni Rob sa malditang girlfriend nito.Ang pangakong walang makakaalam ng lihim na damdamin niya para kay Rob ay hindi na niya matutupad pa. Sinabi na niyang lahat kay Raine ang katotohanan. Hindi ito nagsalita o nagalit man lang dahil sa kagagahan niya. Bagkus ay buong puso itong nakinig at pinatatag ang loob niya. Tinulungan pa nga siya nitong magtawag ng mga suppliers para sa proposal ni Rob. But of course, that did not happen nang hindi siya nito napapangaralan at natatalakan ng isang oras. Pero hinayaan na lang niya. She had always known that Raine is a dependable friend. Ngayon nga pinagbigyan siya
Humigpit ang pagkakahawak ni Rob sa steering-wheel bago minaniobra ang sasakyan niya patungo sa parking lot ng isang sikat na French Restaurant.Bumangon na naman ang pamilyar na inis sa dibdib niya na mula pa kaninang umaga ay ayaw na siyang lubayan.He's still pissed.Hindi niya pa rin kasi maintindihan kung ano'ng pumasok sa isip ni Sophie at gusto nitong magsolo! Para lang itong batang nag-crave ng cotton candy sa gitna ng gabi at gustong bumili nang ora-orada! At ang malala, ni hindi niya ito napigilan. Hindi na nga 'ata ito nakikinig sa kanya e. Well that's a given, magsingtigas sila ng ulo e.Pero kung tutuusin, may sarili itong buhay na iba sa kanya, kahit pa sabihing magkababata sila. Sooner or later, mai-in love din it